You are on page 1of 1

Buod Ang Gresya at Roma ay maraming pagkakaiba.

Sa relihiyon, ginaya lang ng Roma ang relihiyon ng Gresya ngunit binigyan nila ito ng sariling pangalan. Sa arkitektura naman, pareho silang may makukulay at magagandang istraktura. Sa Gresya, ang mga pinakamagagandang istraktura ay ang mga sumusunod: ang Parthenon, ang estatwa ni Zeus na nasa Olympus, at ang estatwa ni Athena na nasa Parthenon. Sa Roma naman, ang pinaka sikat na istraktura ay ang mga sumusunod: Ang Colosseum na pinagdarausan ng paglalaban ng mga Gladiator, ang Arch of Constantine na ipinatayo para kay Constantine I, at ang Pantheon. Sa pamahalaan naman, ang Gresya ay watak watak habang ang Roma ay isang republika. Pagdating naman sa panitikan, ang Gresya at Roma ay parehong mga magagaling na manunulat. Sa Gresya, ang mga sikat na manunulat ay sina: Homer na may-akda ng Odyssey at Illiad, Hedios na may-akda ng Work and Days at Theogany, si Pindar na tinaguriang pinakamahusay na makatang liriko ng mga Griyego at si Plato na may-akda ng Tenth Muse. Ang mga magagaling naman na manunulat sa Roma ay sina: Cicero na tinaguriang Prinsipe ng Manlulumpating Romano, at si Vergil na tinaguriang Homer ng Roma na may-akda ng Aeneid na ang pinakatampok na aspeto ay patriotismo. Sa Kasaysayan naman, sa Gresya nagmula si Herodotus na tinaguriang Am ang Kasaysayan. Siya din ang nagsulat ng History of the Persian Wars. Si Thucydides naman na isang kronikler ay ang unang siyentipikong historyador. Ang kanyang mga nasaksihan na digmaan na ginawan nya ng libro ay ang The History of the Peloponnesian War. Sa Roma naman, ang mga sikat na historyador ay sina: Julius Ceasar na sumulat ng komentaryo sa Digmaang Gallic; si Livy na sumulat ng Anals, at ang pinakamahusay na historyador ay si Tacticus na sumulat ng Germania. Marami mang pagkakaiba ang dalawang kabihasnan, hindi parin natin maipagkakailang ang dalawang ito ay ang pundasyon ng Europa.