P. 1
Museum Report 1

Museum Report 1

|Views: 120|Likes:

More info:

Published by: Tricia Beldia Agreda on Oct 23, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

12/04/2012

pdf

text

original

Emilio Aguinaldo Shrine

Ipinasa nina: #03, Janica Mara Y. Aguilar – LEADER #01, Lanie R. Abasola #02, Kristine Sarah B. Agreda #04, Jenzel Carmel Basa #05, Katherine Kate Z. Cayube #06, Katrina Cruz Ipinasa kay: Prof. Estrellita Bagsic Ipinasa noong: Ika-03 ng Oktubre, taong 2012

ABSTRACT

Ang pagbisitang ito sa Emilio Aguinaldo Shrine ay naglalayong mapag-aralan ang isa sa pinakamahalagang kasaysayan ng Pilipinas. Layunin ng pagbisitang ito ang matutunan at malaman ang mga gawi at mahahalagang bagay na pinangalagaan ng ating naging unang pangulo, Pang. Emilio Aguinaldo. Ang bahay ni Heneral Emilio Aguinaldo ay isinapubliko upang maibahagi sa nakararami, Pilipino man o banyaga, ang isa sa mga yaman at kasaysayan ng Pilipinas. Ang nasabing bahay ng unang pangulo ay binubuo ng iba’t ibang kagamitang pinagtibay ng panahon at nagsasabi kung anong klaseng pamumuhay mayroon ang mga ninuno natin.

Ang Emilio Aguinaldo Shrine ay ang tahanan ng kauna-unahang pangulo ng Republika ng Pilipinas na si Heneral Emilio Aguinaldo. Ito ay itinayo noong 1845 at isinaayos noong 1849. Sa bahay na ito ipinanganak si Heneral Aguinaldo noong ika-22 ng Marso, taong 1869. Ang bahay na ito ay ipinatayo’t idinesenyo ni Hen. Aguinaldo sa pamamagitan ng sratehiyang pangmilitar. Ang bahay na ito ay binubuo ng pitong palapag na may limang sikretong lagusan patungo sa ibat’t ibang bahagi ng kabahayan o kaya naman ay sa simbahan. Sa bintana sa harap ng bahay ni Hen. Aguinaldo naganap ang isa sa pinakamalaking bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas. Dito ipinihayag ang kasarinlan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Sa baba nito’y may nakaukit na kalabaw na umano’y sumisimbolo kay Hen. Aguinaldo. Ilan lamang ito sa mga pangunahing bagay na mapapansin mo kaagad pagkakita sa bahay ni Hen. Aguinaldo. Ang pag-iikot sa bahay ng unang pangulo ay nagsisimula sa kanyang hardin kung saan makikita mo ang kanyang sasakyan. Ito ay isang 1942 Packard limousine na may upuang pangpitong tao. Ito ang personal na sasakyan ng Heneral Emilio Aguinaldo na naibalik sa orihinal na

komposisyon noong Nobyembre taong 2009. Gayundin naman ay matatagpuan sa hardin ng heneral ang kanilang labahan o washing machine bilang katawagan sa panahon natin nagyon. Kung paano ito gamitin ay simple lamang. Ang mga damit ay inilalagay sa bilog na tub na parang isang balon na puno ng tubig at

sabon. Papainitan ito at animo’y niluluto sa pamamagitan ng pagsisindi sa ilalim o sa isang pugon upang maalis ang mga dumi sa damit. Pagkatapos ay may isang tao na hahalo sa tub ng manomano katulad sa kung paano umiikot ang ating mga washing machine ngayon. Matapos nito ay aanlawan ang mga damit sa parihabang tub na nasa gilid. Sumunod na nilibot ng grupo sa Aguinaldo Shrine ay ang unang palapag ng bahay. Dito makikita ang isinaayaos na paglalarawan ng kasaysayan ng Cabite kasama na ang Heograpiya ng Cabite.

Ang mga larawang nasa itaas ay nagpapakita ng kasaysayan ng Cabite bilang isang duyan ng rebolusyon. Sinasabi na ang Cabite ay isang maisratehiyang lugar sapagkat napalilibutan ito ng Maynila sa hilaga, Batanagas sa timog, Laguna sa silangan, at Corregidor sa kanluran. Binubuo ito ng 21 bayan.

Ipinapakita din dito ang iba’t ibang simbahang naitayo ng mga prayle mula sa iba’t ibang relihiyon magmula pa sa panahon ng Kastila.

Ito ang larawan ng unang bahay ni Hen. Aguinaldo noong 1849, bahay pa lamang ng kanyang mga magulang, bago pa man niya ito ipabago at palagyan ng swimming pool, sikretong lagusan at iba pa.

Ang paboritong laro ni Heneral Emilio Aguinal ay bowling kung kaya’t nagpatayo siya ng sarili niyang bowling arena sa loob ng bahay niya na matatagpuan din sa unang palapag. Ito ang dayorama na nagpapakita noong manumpa si Hen. Aguinaldo bilang pangulo noong Marso 23, 1897. Kung inyong titignan sa larawan, sila ay nakaluhod at hindi nakatayo. Taliwas sa panunumpa ng mga pinuno natin ngayon.Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Mariano trias dahilan kung bakit nagkaroon ng lugar na nagngangalang “General Trias”. Ito’y alinsunod bilang pagpupugay sa bise-presidente ng bansa.

Isa ito sa limang sikretong lagusan o tunnel na makikita sa bahay ni Hen. Aguinaldo. Tinatawag nila itong Bomb Shelter o Silungan ng Lumalagpak na Bomba sapagkat dito nila itinatago ang mga bomba. May daan sa unang palapag ngunit ang pangunahing pintuan ay nasa ikalawang palapag. Sa tuwing sila ay magsisimba, dito (tunnel) sila nagdaraan papunta sa simbahan ng Kawit o St. Mary Magdalene Church na may 500 metro ang layo mula sa bahay ni Hen. Aguinaldo. Ang tagos ng lagusang ito sa simbahan ay sa likod ng altar. Katulad ng nasabi, noong una ay isa lamang itong mababaw na balon na may lagusan sa ilalim ng lupa patungo sa simbahan ngunit hindi naglaon ay ipinasarado ni Hen. Aguinaldo sa kadahilanang maraming di kilalang tao ang nakalulusot sa balon at nakapapasok sa bahay ni Hen. Aguinaldo. Kung kaya’t ito ay naging sementadong silungan na lamang. Ang mga larawang ito naman ay ang mga sandatang ibinigay kay Hen. Aguinaldo ng datu, na siya namang ama ni Prinsesa Tarhata, na isang tagaMindanao bilang regalo noong panahon ng rebolusyon.

Itong larawang ito ang iba’t ibang pin at medalyang natanggap ni Hen. Aguinaldo.

Iba pang mga kagamitan ni matatagpuan sa museo sa kanyang bahay ay ang Plaka ng kanyang sasakyan, pang kagamitang pangsarili.

Hen. Aguinaldo na unang palapag ng mga sumusunod: pitaka, baril, at iba

Ang uniporme ni Hen. Aguinaldo na kaniyang ginamet sa hukomnang siya ay ipinatapon. Siya ay may taas ng 5’3. Marunong magsalita ng Tagalog, Ingles, Espanyol, at iba pa.

Ang mga baston na ginamit ni Hen. Aguinaldo.

Ang Shell of the First Bullet at ang mga naglalakihang kaliko o susi. Minsan ay tinatawag ding nganga. Ang mga gamit panglakbay ni hen. Aguinaldo. (plato, kutsara, upuan, suit-case na pwedeng gawing lamesa, gamit sa pangangabayo at iba pa.)

Iba pang mga gamit ni Hen. Aguinaldo sa kanyang paglalakbay ay ang foldable spoon at fork, latigo, at kanyang pinakapaboritong pahingahan, ang buhay na bato, na kanya pang dinadala at isinasakay sa kanyang kabayo.

Si Hen.Emilio Aguinaldo ang nagdisensyo ng watawat ng Pilipinas. Ang tatlong bituin ay sinasabing sumisimblo sa tatlo niyang anak na babae. Gayun din naman ay sinisimbolo nito ang tatlong malalaking pulo ng Pilipinas, ang Luzon, Visayas, at Mindanao. Ngunit dati, hindi pa tinawag na Visayas ang Visayas, ito ay Luzon, Panay, at Mindanao pa lamang. Sa larawang ito, makikita rin ang librong kanyang isinulat. Ang “Memoirs of the Revolution”. Ang larawan sa gilid ay ang mga komposisyon at konstitusyon sa panahon ni Hen. Emilio Aguinaldo.

Ang larawan sa ibaba ay ang replika ng talumpati ni Hen. Emilio Aguinaldo nang ipahayag niya noong Hunyo 12, 1898 ang kasarinlan ng Pilipinas. Ito ay ginawa ng kanyang punong kalihim na si Sec. Gen. Ambrosio Rianzares Bautista. Dito rin, sa araw na ito, unang tinugtog ang kanyang ginawang instrumental march na isinaayos at nilapatan ng titik at tunog ni Juan Felipe at Jose Palma na siya ngayo’y naging pambansang awit natin, ang Lupang Hinirang o dati ay pinangalanang Marcha Filipina Magdalo na kalauna’y naging Marcha Nacional Filipina. Tinugtog ito ng bandang San Francisco de Malabon noong araw din na iyon.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->