Pagsusuring Pampelikula (AGUILA

)

Para kay: G. Ron Daracan Propesor Balubhasaan ng Metro Manila U-Site Kaligayahan, Novaliches, Quezon City

Ni: Roy Java Villasor BSEd 2

Ika-2 ng Oktobre 2012

I. PANIMULA

A. Pamagat ng Pelikula: “Aguila” . Kaya “Aguila” ang pamagat ng pelikula, ito ay tungkol sa

Buhay ni Daniel Aguila at sumasalamin sa kapangyarihan ng kanilang angkan at tayog ng kanilang pag- angat sa lipunan. B.Mga tauhan/ Nagsipagganap: Fernando Poe Jr. ... Daniel Aguila Amalia Fuentes ... Isabel –Nanay ni Daniel Christopher De Leon ...Jose Mari –anak ni Daniel Elizabeth Oropesa ... Lilian –kapatid sa ina ni Daniel Jay Ilagan ... Osman-ampon ni Daniel na nagkaroon ng ugnayan kay Lilian Charo Santos-Concio ... Sally- asawa ni Daniel Chanda Romero ... Diwata Ricky Sandico ... Raul-anak ni Mario (Jose Mari) Daria Ramirez ... Elvira Eddie Garcia ...Don Simeon- pangalawang ama ni Daniel, ama ni Lilian, Celia Rodriguez ... Margo- mamamahayag

C.Direktor: Eddie Romero –ipinanganak noong ika- 7 ng Hulyo taong 1924.kinilala siya bilang isa sa maimpluwensyang director, prodyuser, screenwriter at kinilala bilang National Artist of the Philippines in 2003. D. Uri ng Pelikula: Ang pelikulang “Aguila” ay isang pamanahong pelikula na mayroong aksyon at drama na kaurian. E. Kaligirang Pangkasaysayan: Napapaloob sa pelikulang “Aguila” ang pamumuhay, pulitika at

pamahalaan noong panahon ng mga Kastila sa unang bahagi nito, panahon ng Amerikano at panahon naman ng mga Hapon sa huling bahagi. Ngunit sa isang banda, ang pelikula ay ginawa at ipinalabas noong taong 1980 kung saan itoy napapaloob pa sa panahon ng Martial Law. Ganunpaman, mapapansin natin ang pagkakasalamin ng ibang aspeto ng pamumuhay nang mga panahong yaon. II. Buood/ Lagom: Ang pelikula ay nagsimula sa isang pagtitipon ng mag-anak para sa ika-88 na kaarawan ni Daniel Aguila, ngunit ang matandang Daniel ay nawawala sa loob na ng isang dekada. Sa pagtitipong iyon, nagsimula ang pagbabalik eksena ng mga pangyayari sa Buhay ni Daniel Aguila dahil sa isang talambuhay ni Daniel na isinulat ng kanyang asawa.At doon nagsimulang pinaikot ang kwento mula pagkabata ni Daniel

kung saan binalak nilang mag-ina na sumama sa kanyang ama na isang katipunero, na dahilan ng pagkasawi nito, ang pag asawa ng kanyang ina sa heneral ng kanyang amaa na si Don Simeon. Dahil sa pag-aasawa uli ng kanyang ina,at hindi nila pagkakasundo ng kanyang amain, unti-unting tumabang ang pakikitungo ni Daniel sa kanyang ina. Sa mga panahong nagbibinata na si Daniel, siya ay naging sundalo sa panahon ng mga amerikano at nagging daan na makilala niya ang kanyang magiging maybahay na isang manananggol.At nagroon siya ng ampon sa katauhan ni Osman na nagkaranas ng pang aapi dahil sa siya ay isang muslim.Sa kabilang banda, nagkaroon si Daniel ng kapatid sa ina, ito ay si Lilian.Nagkaroon si Lilian ng isang bangungot sa kamay ng kanyang ama. At sa kanyang pangungumpisal, inihayag ni lilian na siya ay nilalapastangan ng kanyang sariling ama mula ng siya ay nagdadalaga hanggang sa kahit siya ay may asawa na.Sa ganoong pangungumpisal nalaman ni Osman na anak-anakan ni Daniel ang lahat ng lihim ni Liliaan dahil sa pagakakataong iyon nandoon sa bahay ni Daniel si Lilian para magbakasyon at kumawala na sa bangungot na dala ng kanyang ama.Sa ganoong dahilan, may namagitan sa kanila ni Osman at Lilian na nagiging dahilan ng pagrebelde ni osman at pagpasyang pag-uwi sa sarili nitong lugar. Sa isang banda naman, nagkaroon ng sakit sa baga si Sally-asawa ni Daniel na naging Dahilan ng pangangaliwa ni Daniel. Sa kalagitnaan ng pelikula ipinakita na nagkainteres sa pulitika ang isang anak ni Daniel –si Mario(Jose Mari), na sinuportahan naman ng buong mag-anak.

Ang buong pelikula ay naglalakbay mula sa personal na kasaysayan ng buhay ni Daniel at sa paghahanap ni Mario sa kanyang ama.Ang Kasidhian ng pelikula ay sa mga panahong pagkikita ng mag-ama sa lugar ng maga katutubo at binigyang kahulugan ni Daniel kung ano ba ang hinanap nito sa kanyang paglayo sa kabihasnan-Kahulugan ng Buhay. III. Pagsusuri A. Aspetong Teknikal/Pangkayarian: 1. Musika-Ang tunog o musika na ginamit sa pelikula ay bagay na bagay. Lalo nitong binibigyan kahulugan ang mga kwento. Bagay din ito sa paska o tema ng pelikula. At nagtmo ito ng karangalang Best Cinematography (Pinakamahusay na Sinematograpiya) ng FAMAS AWARD 1981. 2. Mga Kasuotan- Ang mga kasuotang ginamit sa pelikula ay angkop sa bawat panahon kung saan inilalarawan ang nagaganap sa kuwentong napapaloob ditto, halimbawa nito ang pagkakaiba ng disenyo ng kasuotan sa panahon ng mga Espanyol mula sa disenyo ng kasuotan sa panahon ng Amerikano at panahon ng Hapon.Gayundin sa mga kasuotang ginamit na naangkop sa lugar, tulad ng eksena sa Mindanao ay naiiba sa maga kasuotang ginamit sa eksena sa maynila. 3. Lunan/Pook- ang lugar kung saan kinunan ng mga eksena ay naayon rin sa panahon at kulturang meron ito na ibig ibahagi sa pelikula kaya nagkaroon ito ng parangal na Best Picture (Pinakamahusay na Pelikula) sa FAMAS AWARD 1981.

4. Pagganap ng mga Tauhan- Maganda ang pag ganap ng mga artista. Parang natural ang mga karakter ng mga ito. At ang pag ganap nila m ngay makakatotohan at emosyon na ipinakita nila sa pelikula kaya lalo itong gumanda kaya nagkaroon din ito ng mga parangal katulad ng Best Supporting Actress

(Pinakamahusay na Pangalawang Aktres) (Daria Ramirez) sa Gawad Urian 1981.Ang pelikulang ito ay nagkamit rin ng karangalang Best Direction (Pinakamahusay na Direksyon) ng FAMAS at Gawad Urian 1981. B. Aspetong Pangnilalaman: 1. Pagsusuri sa mga Tauhan: a. Daniel- isang taong nagkaroon ng pagrerebelde dahil sa muling pag aasawa ng kanyang ina ngunit naging nagkaroon ng masalimuot na Buhay at nagaroon ng katanungan sa tunay n akahulugan ng Buhay. Ang pagganap ni FPJ bilang Daniel ay binigyang saysay sa katauhan bilang may pagpapahalaga sa pamilya at prinsipyo sa Buhay. b. Mario(Jose Mari)- maaaring ang kabataan ay maihalintulad sa kanyang ama pagdating sa emosyonal at pabugso-bugsong damdamin at desisyon ngunit sa bandang huli naging maayos ang Buhay at may direksyon ang pananw rito. c. Lilian – marupok na babae at nagpadala sa kahinaan dulot ng bangungot na ang sariling amaa mismo ang nagdala sa kanyang Buhay.Marupok at makamundong pagtanggap. babae na nangangailangan ng pag-unawa, pagmamahal at

d. Don Simeon- tusong tao na gumamit ng dahas at palalong makipaglaban para sa sariling kapakanan. e. Raul-nagbibinatang halimbawa ng pagrerebelde sa pamilya dahil sa ideolohiyang ipinaglalaban at batikos sa lipunang giagalawan.

2. Mga Simbolo/sagisag at kahulugang ginamit sa pelikula: 1. Agila-ibong sumasalamin sa taas ng lipad, lakas na meron ito at lawak ng mararating, katulad rin sa pagkatao ni Daniel. 2. Baboyramo- huling binanggit ni Daniel sa sumasagisag sa kahirapang bumabalot sa lipunang kanilang ginagalawan at dapat nilang pagtiisan sumandali at ayusin . 3. Sinehan sa nayon- simpleng bagay na susagisag sa simpleng kasiyahan ng mga taganayon na hindi nila alintana kung anuman ang mga nangyayari sa lipunang kanilang ginagalawan.

3. Implikasyon ng pelikula sa: a. Kasaysayan-masasabi natin na ang mga tagpo at pangyayari sa pelikula ay hango sa kasyaysayan ng bansa sa pananakop ng tatlong bansang nabanggit.Ito rin ay magbibigay pansin sa makasaysayang paglalago ng pelikulang Pilipino. b.Sikolohiya-mapapansin natin sa mga tauhan tulad nina Raul, Lilian at ni Daniel mismo na hindi sapat ang material na bagay para sa paghubog ng isang pagkatao na dapat merong pag-iintindi, pagmamahal,at pagtanggap. Gayundin sa

katauhan ni Osman na ngkaroon ng inferiority dahil sa mga pagpapahiya sa knya ng kanyang kaklase at guro. c. Sosyolohiya- ang karapatang pantao ay dapat pantay-pantay maging mahirap ka man o mayaman. Nakikita rin natin ditto ang unti-unting pagtanggap ng lipunan sa kakayahan ng mga babae, at ang di lubos na kalayaan ng mga mamamahayag.Ipinapakita rin ang suliraning panlipunan tulad ng kahirapan,

korapsyon,at isyo sa moralidad. d. Ekonomiks at Agham panlipunan- ang pelikula ay nagpapakita ng usapang ekonomiya tulad ng monopoly sa bigas, kalakalan, pakikipag-ugnayan sa ibang pamahalaan. Malaking implikasyon dito ang pagpapakita ng mga hukbo ng rebelde at yaong mga kampi sa pamahalaan. e. Heograpiya- ang kanayunan, lugar ng mga katutubo, ang siyudad, tabing dagat, daungan, ,ang ipinapakita sa pelikula na ang bansang pilipinas ay isang arkipelago ngunit mayaman sa likas na yamang bansa.

IV. Konklusyon: a. Mga natutuhang aral- ang tunay na kahulugan ng buhay ay hindi dahil sa ating kasikatan, kayamanan, tagumpay at iba pa ngunit ito ay dahil sa kung paano natin pinahalagahan ang buhay natin at kung paanu natin ito ginamit sa makabuluhang paraan. - mahalaga ang pagbubuklod ng isang pamilya - magagawa mo ang tama kung ito’y isapuso mo

- dapat magkaroon ng positibong pananaw sa bawat adhikain at minimithi - Mga pilosopiyang napapaloob sa pelikula- gumawa ng tama sa lahat ng oras upang di ito pagsisihan. b. Rekomendasyon-Para sa akin ay kakaiba ang pelikulang ito dahil sa kwento na nagpapakita ng nga pagpapahalaga sa konsepto ng pamilya. Dapat itong mapanood ng mga estudyante para maparating sa kanila kung gaano kaimportante ang tunay na pagpapahalaga sa pamilya at sa sariling buhay na may paroroonan. c. Hatol/Marka sa pelikula- 90, maraming matutuhang aral sa pelikula ngunit ang alokasyon ng oras ang pwede nating ikonsidera dahil mas mahaba ang pelikulang “Aguila” kumpara sa karaniwang napapanood na pelikula.