You are on page 1of 5

Jerome A.

Mana 3-A

Seat # 23 Fil.3, (9:10:3o)

ISANG LUHA KA LANG


Farmiz Bigat na aking nararamdaman Ay hindi pangkaraniwan Sakit na parang tagos sa laman Iwan ko ba sa pagpapaliwanag akoy nahihirapan. Problema koy hindi ko kayang sabihin sa kaibigan Dahil alam ko na ako ang may kasalanan Takot akong mapagsabihan Sa ginawa kong kalokohan. Sakit ay di ko na kayang hawakan Kaya itoy aking binitiwan Bituiy saksi sa aking kalungkutan Umiyak kasi ako sa kanilang harapan. Ang sarap ng aking pakiramdam Kahit na wala akong pinagsabihan Ngayon ko lang nalaman at natutohan Luha lang pala ang katapat sa di maipaliwanag na kalungkutan.

Ang Tatay Ko
ni: Avon Adarna

Malakas ang hilik kapag natutulog, Na parang may gyera at bombang sumabog, Kapag umiinom ng kapeng hinigop, Tiyak na kasabay ang lakas na tunog.

Sa kanyang salitay nag-iibang titik, Ang evap na gatas ay ebaf ang dinig, Ang wikang trabaho kung itulak-ikabig,

Tarbaho ang siyang lalabas sa bibig!

Ngunit sa hinagap ng tuwid na diwa, Ay mababanaag na siyay dakila, Kapag may sisibat o kaya ay tudla, Tiyak na haharang upang masagip ka!

Nagtitiis siya na hindi kumain, Kapag ang anak ay may bibilhin, At sakripisyo rin - sa bisyo ay bitin, Upang ang pamilya ay may pangkain!

Kahit na ano pa sa daigdig na ito, Walang pasubaling ako ay saludo, Pinagsumikapang maigapang ako Nang kinabukasan ay maging plantsado!

-mga tagalog na tula

Mapagod man itong bibig, Puso ko man ay mamanhid, Gumapang man saking sahig, Tuloy pa rin ang pag-ibig. Ang pangarap aking tangan, Sa di tiyak na pagsugal, iaalay itong buhay, Alang-alang sa king kulay. Sintunado yaring puso Tudla nito ay malabo Kadalasay nabibigo Luha nitoy purong dugo Kasiping koy alaala Kalaguyoy pagdurusa May hiwatig ang ligaya Kapag yakap aking reyna

DALAWANG TAON
kay Danielle Marley, sa pangalawang taong anibersaryo ng pagpanaw

Sa loob ng dalawang taon Ako'y walang humpay na nakikipagsiping Sa mapupusok na alaala at gunita Halos mapatid na ang bawat hibla ng mga ugat Sa bawat sulok ng aking isipan Sa huli'y naiwan akong laspag At nakahandusay sa papag Ng pangungulila at paghahangad Sa loob ng dalawang taon Di man tiyak ang patutunguhan Ako'y nagpatangay sa agos ng pagsisisi Habol-hininga akong umahon Dama ang hapdi at sakit Ng bawat galos at pasa sa buong katawan Habang niyayapos ng malamig na hangin Ako ngayo'y nangangatog sa ginaw At nakabaon ang mga paa sa buhangin Ng mga dapat sana

Narito Ako, Kaibigan Sa panahon na ikaw ay lugmok at malungkot, At tila 'di natatapos ang mga pagsubok; May isang tunay na kaibigang 'di maramot, Nakahandang dumamay na sa puso ay taos Ano mang sandali na kailangan mo ako, Narito lang ako na naghihintay sa iyo; Huwag kang mangamba at 'di ka na mag-iisa, Narito ako na dala-dala ay pag-asa Gaano mang kalayo ang ating pagitan, Nasa kanluran ka at ako'y nasa silangan; Ikaw ma'y sa timog at ako'y sa hilagaan, Nasa tabi mo ako at ang tulong ko'y laan Kaya iwanan ang lungkot at ika'y magsaya, Ang tunay mong kaibiga'y papayapain ka; Iyo nang iwaksi ang madilim na talukbong, At magalak kang lagi sa lahat ng panahon!