Class No.

2 BSCS 4-2

ANG ALAMAT NI SIBOL AT GUNAW
(HEOGRAPIYA AT KASAYSAYAN NG PILIPINAS)

Ipinasa Ni: Agreda, Kristine sarah b.

Class No. 2 BSCS 4-2

Bscs 4-2 ipinasa kay: Dr. estrelita Bagsic

1. Talakayin ang mga gawi ng tao na ipinakita sa pagtatanghal at ipaliwanag ang sanhi. Ang pagkakapangalan ng mga tao o bagay ang nagrereplika ng mga gawi nila, tulad ng pangalang Sibol, ang pagsibol ay nagkakaroon ng buhay at pagkakaroon ng pag-asa sa isang bagay. Gunaw, ang pag-gunaw o pagkakasira ng isang bagay. Kapuy sa kabisayaan, ito’y ibig sabihin ng pagod. Sa pagpapakita niya, wala siyang ginawa kundi uminom. Ang pagiging walang ginagawa ay nakakapagod talaga. Ang gawi ng mga naniniwala na ang dyos nila ay ang kalikasan, mga ritwal sumasampalataya sila sa araw, sa dyosa ng kalikasan, sa dyosa ng mundo. Ang panliligaw ni Kapuy kay Luningning dahil likas na romantiko ang mga Pilipino. Ang papakasal ng engrande ay isang kultura para sa isang tribo dahil likas sa mga Pilipino na magpakasal na parang piyesta. Ang mga tauhan sa alamat na ito ay ginampanan sa pangunguna ni Ms. Liza MacujaElizalde na gumanap na dyosa bilang si Luningning, bilang dyosa siya ang tagapangalaga ng ating kalikasan na nagmahal sa isang mortal o sa isang karaniwang tao lamang na nagngangalang Kapuy na ginampanan ni Nazer Salgado ang pagmamahalang iyon ay nagbunga ng kambal na sina Sibol na ginampanan ni Yanti Marduli at si Gunaw na ginampanan ni Francis Cascaño. Nahulog ang loob ni dyosa Luningning sa taong si Kapuy at sila ay nagpakasal. Sila ay nagkaroon ng anak na si Sibol, bilang tagabuhay ng kalikasan at si Gunaw na sumisira sa kalikasan at nakikipaglaban para sirain ang kapalaran ng Bundok Panagarap. Iniwan ni dyosa Luningning ang kanyang anak na si Sibol sa ama nito at sa kapatid nitong si Gunaw upang gawin ang kanyang

Class No. 2 BSCS 4-2

tungkulin bilang tagapangalaga ng kalikasan ng mundo upang maging masaya. Ang buhay ni Sibol ay likas na mapagmahal sa kalikasan, ibinubuhay nito ang mga sirang bulaklak at halaman. Ngunit nagalit si Gunaw, dahil ang likas nitong gawain ay sirain at wasakin ang mga nasa kapaligiran. Nagkaroon na hidwaan sina Sibol at Gunaw, nagkaroon ng labanan sa pagitan ng mga pumapanig kay Sibol at ang mga alagad ni Gunaw. Natigil ang paglalaban ng dumating ang dyosang si Luningning para iligtas ang kanyang naiwang anak na si Sibol sa kamay ng malupit nitong anak na si Gunaw at sa ama nitong si Kapuy. Upang sumibol ulit ang mundo nila na nabubuhay sa takot at pangamba na maaring mangyaring pagkagunaw at ngayon ay naging payapa na dahil sa pagkakaisa at pagbabago ng puso ng bawat isa para sumibol muli ang buhay nila. Ang bawat galaw sa Ballet Manila ay nagbibigay ng simbolo ng pagkakaroon ng ritmo at harmonya sa pagkakasunod sunod ng mga kilos. 2. Paano nasisira ang kalikasan Sa paglipas ng oras ng panahon ang mundo ay nagsasabing malapit ng mawasak dahil sa pagkakaroon ng malawak na pag-iisip ng tao. Ang pag iisip na ito ay nagdudulot sa ating kapaligiran upang masira at maabuso ang mga ito. Tulad ng pag-abuso ni Kapuy sa alak at maging dahilan para saktan niya si dyosa Luningning at iwan ang kanyang mabuting anak na si Sibol sa malupit nitong anak at ama. Ang ilikha upang gunawin ang mundo ay isa sa pinakakasira sa mundo. Kung ihahalintulad ito sa panahon ngayon,ang pagkakaroon ng dumaraming pabrika sa tabi ng ating mga ilog. Na tinatapon ng diretso sa ilog ang kanilang mga dumi na nagreresulta upang dumumi ang ilog na dati ay pwedeng paliguan, inumin,at pagkuhaan ng isda upang kainin. Ngayon, makikita sa mga ilog ngayon na madumi, mabaho at kaunti na lang ang naninirahang isda. Ngayon ang ating mga dagat ay napupuno na ng basura, puno ng plastik na pinaglalagyan ng kung anong pwedeng ilagay. Ang pagkakalbo ng ating mga kagubatan na noon ay napagyayamanan ng puno ngayon ay kaunti na lang dahil sa pagiging gahaman sa pagkuha ng mga kahoy. Ang ating mga lungsod na nadadagsaan sa matataas na istruktura na dapat sana ay mga puno na suma-sanggalang sa pagdaloy ng baha upang hindi tayo maperwisyo. Ang pagkakaroon ng madaming plastic na hindi natutunaw ang sumisira lalo sa mundo. Sa aking opinion, ang tunay na sumisira sa ating kalikasan ay ang ating mga motibo na pansarili lamang. Motibo na nakakasira sa ating sariling pan ispiritwal, pang pisikal at pang emosyonal. Motibo na nakakasira sa pangkahalatan. Tulad ng pagiging gahaman sa mga bagay na tama lamang para sa

Class No. 2 BSCS 4-2

ating sariling kapakanan. Tulad din ng pagiging makasararili at lalong lalo na ang pagmamahal sa nagbigay ng kasagaan at kapayapaan na ating inabuso. 3. Tukuyin ang mga eksena sa pagtatanghal na iyong nagustuhan Sa aking panunuod sa ipinalabas ng Ballet Manila na pinamagatang “Ang Alamat ni Sibol at Gunaw” ang bawat eksena ay maituturing na kahanga-hanga at kapanapanabik. Ang mga eksenang tumatak at tunay na nagustuhan ko ay ang pagkakasal nila Luningning at Kapuy ay tunay na nagiwan ng marka sa aking isip dahil sa natatanging pagkilos, ritmo at harmonya ng bawat kilos ng mga tagaganap. Sumunod ay ang pagsibol ng mga sumasayaw na mga bulaklak at mga bubuyog. Ang mga gumanap na munting bata ay tunay na nakakaaliw panoorin at nakakaganda ng isang palabas. At ang huli ay ang paglalaban ng kabutihan sa kasamaan, ang paglalaban nila Sibol at Gunaw at ang pagdating ng dyosang Luningning sa paglalaban nila na nagresulta ng kapayapaan sa Bundok Pangarap, at ang pagsasama lahat upang maging masaya at kaaya-ayang mundo para sa ating lahat. Maging maunlad sa pagkakabuhay na ating mundo na nasira na natin at ipanumbalik ang saya na dulot ng kalikasan. 4. Sa trailer, paano kayo makakatulong sa proyekto ng Ballet Future? Bilang isang tagapanood at tagasuri ng Ballet Manila, maaring makatutulong ako sa pagpapalaganap na kanilang palabas sa gamit ng teknolohiya. Tulad ng mga social media sites na, Twitter, Facebooks, Blogs upang mas lalong makatulong sa mga batang nais sumali sa Ballet Manila. Sa proyekto ng Ballet Future maari rin magturo sa mga estudyante sa State Universities upang palawakin ang sakop ng kanilang mga tauhan. Maari ring magpalabas sila sa mga pampublikong paaralan upang palawakin ang kanilang pondo at hikayatin ang mga kabataan upang pahalagahan ang sining sa pamamagitan ng Ballet. Hikayatin din ang mga korporasyon o ang mga establisyemento upang tulungan ang mga tauhan sa kanilang pinansyal at transportasyong pananaw.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful