You are on page 1of 9

LUCKY by NaNaNaNaNaaa Copyright 2012 by NaNaNaNaNaaa Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without any written permission of the author, except where permitted by law. --------------------------------"I love you!!"

Madalas nyang sabihin yan. Halos mamatay na nga ako sa kilig. Yung tipong parang isang shoebox ang puso mo tapos may mga palaka sa loob na gustong lumabas kaya talon ng talon. Ganun lagi ang nararamdaman ko pag sinasabi nya sakin ang mga katagang yan. Masakit lang eh kada sasabihin nya yang three words na nanjan laging may kasunod na "AS MY BESTFRIEND" o kaya naman "JOKE LANG!" Mag-bestfriend na talaga kami simula nung grade 3 nakakatuwa nga eh! Lagi kami magka-partner. Sa sayaw, sa projects at presentations. Summer Vacation magka-chat kami sa FB ngayon. "Koya Jake! Musta lablayp??" -ako [Eto, masakit! HAHAHAHA joke] -Jake "adik ka talaga! Ano section mo?" [hindi pa ako nag eenroll eh! D pa ako nakakapag decide kung saang school lilipat] "kawawang koya! HAHAHA sa **** na ako mag-aaral eh! Dun ka nalang din!" [oo nga noh! Pwede. Kaso ang mahal dun eh! Kayo na nga kasi mayaman!] "huh?! Kami? Mayaman?! Hindi ah! Dun ka nalang pleeaaasseee :))" [oo na sige para sayo :)] "weeee! Thank you Jake!!" [ welcome..] Ganyan langkami mag-chat ni Jake. Nagkukulitan kami minsan, nagkakatampuhan din kami pero 5 minutes lang yon! Tapos bati na kami. Habang nag b-browse ako nag-chat nanaman sya.

[Cloe! Diba pag naging athlete sa lilipatan mong school may discount sa tuition?] "huh? Ewan siguro.. Bakit mag t-try-out ka?" [oo] "yey!! HAHAHAHA hindi na ako loner!!" [kahit naman wala ako jan eh d ka naman loner..] "loner kaya!" [oo nalang! HAHAHA] "hehe.. GOODLUCK SAYO SA TRY-OUT MO!!!" [haha! Thank you!! I love you!]

Ang mga echoserang palaka sa aking dib-dib ayan nanaman kaso parang namatay lahat ng palaka ng mabasa ko yung kasunod ng message nya.

[Joke lang! HAHAHAHAHA!!]

Bestfriends kami oo. Mahal ko sya, may mahal syang iba, tinutulungan ko pa. That's what friends are for right? Kaya sinakyan ko nalang yung trip nya.

"I love you too!! JOKE LANG DIN! Hahahahahaha!!" [HAHA! Adik ka talaga! Cge na out nako bye! I love you joke!!!] "bye Jake! I love you too MAS JOKE NAMAN TONG AKIN!! HAHAHA!!" Jake is now offline. Kung naguguluhan kayo eto na I'll explain it. Diba nga sabi ko bestfriends kami ni Jake since grade 3. Nung grade 6 kami nagpagtanto ko na crush ko na pala sya pero tinago ko nalang. High School life na namin lagi kami magkasama, sabay sa recess, sabay nag rereview pag study period, sabay din nag chichikahan pag free time kaya nahulog na talaga ako sa kanya. "Cloe!" "oh! Bat ka nandito?"

"wala uhmm.. Close kayo ni Katrina diba?" "oo naman! Sinong Katrina ba?" "Katrina.. Class president natin" "ah! Syempre! Yung classmate pala natin.. Bat mo natanung?? Crush mo noh!! YYYIIIIEEEE!!" =____= "shhh!! Wag ka maingay baka marinig nila Earl!!" "ay sorry! haha.. Wait. Hula ko.. Papatulong ka no?" "nadale mo! Galing mo talaga espren! Kaya mahal kita eh! AS A BESTFRIEND" "haha! Oo nalang!" AS A BESTFRIEND. AS A BESTFRIEND. -.Ganyan ang routine namin ni Jake araw-araw papatulong sya, tutulungan ko naman. =____________= Ok na gets nyo na? Kung hindi pa rin. Tanong nyo kay batman XD Back to present time tayo. *beep beep* From: Koya Jake Cloeee!! Ayaw maniwala ni Kat na mahal koo sya :(( sabi nya hindi daw joke time. To: Koya Jake Wag pilitin ang ayaw sayo! Dejoke lang! HAHAHAHA kaya mo yan! Tiwala lang :)) --------------Kaya ko rin to! Tiwala lang din. From: Koya Jake Ayoko na talaga suko na ako! 3 years ko na syang niligawan! Sabihan nyo na ako na hindi ko sya tunay na mahal eh parang ginagamit nya lang ako eh! To: Koya Jake Diba sabi ko sayo wag kang susuko! Bakit ayaw mo 'kong gayahin? Hindi parin ako sumusuko kay Michael. -----------------D ko pa pala nasasabi sa inyo tinanong kasi ni Jake dati kung sino crush ko. Alanganamang sabihin ko na "IKAW crush ko Koya!!!" ang weird naman nyan d ko pa keri kaya si Michael nalang sinabi ko. From: Koya Jake

Sha nga pla. Nakapasa ako!! Salamat sa goodluck mo I LOVE YOU!!! To: Koya Jake HAHAHA! Ako pa! Ur welcooomeee :)) I LOVE TOU TOO!!! From: Koya Jake Nuuxxx! Walang joke!! -----------O_____O ay shet! Binasa ko yung last message nya WALA NG JOKE!! AAAYYYIIIIIEEEE!! HAHAHAHAHAHA kinilig ako!!! Pero kailangan o parin i-deny to kasi nga FRIENDZONED ako. Nag t-type palang ako sa phone ng i re-reply sa kanya kaso naunahan nya ako From: Koya Jake Hindi na ako nag-joke kasi mahal talaga kita! AS MY BESTFRIEND!! ------------</////3 kailangan EMPHASIZED?! Hay buhay, parang life. To: Koya Jake Alam ko po :)) ---------Simula nun ganyan na kami mag txt ni Jake "I love you" dito, "I love you" doon. Ang landi lang =______= pero umaasa parin ako na sana may pag-asa pa ako. FIRST DAY OF CLASSES Nagpunta ako sa bulletin board para tignan kung anong section ko. Tinginan ko na din kung sino yung mga classmates ko. Hindi ko sila kakilala. Transferee nga eh -.- pero one name caught my attention. JAKE S. MORALES O____O CLASSMATE KO SYA!!!! HAHAHAHAHA seatmate ko pa! :""""""""> kada section kasi may seat number alphabetical ang arrangement namin at dahil MORALES sya at LOPEZ ako seat-mates kami *u* CLASSROOM "espren! Seat-mates pala tayo! HAHAHA!" "oo nga eh!" Ilang months ang nakalipas madami naman kaming natutunan syempre, school nag eh! May tawagan na din kami ni Jake "EsprenKoo" oh diba! How sweet -.-

RECESS As usual magkasama kami ni Jake. "EsprenKoo! Kilala mo si Zairelle sa kabilang section?" "opo.." "ahhmm... Tanong lang kung ano ba mga type ng babae pag nililigawan?" Sabi na eh, si Zairelle naman liligawan nya. Hay Jake! Kelan mo ba ako mapapansin! "Ewan." "Shet! Kinakabahan ako! Practice nga! Kungwari ikaw si Zairelle" Nanlaki mga mata ko sinabi nya "p-practice? A-ako?" "opo! Dali na EsprenKoo! Please! Kinakabahan kasi ako eh!" "oh sige na." "game, kungwari bibgyan kita ng Rose. Anong reaction mo?" kikiligin malamang! "ako? Matutuwa pero hindi ko trip yung roses mas gusto ko kung Lilies. Bka dun mapatalon pa ako sa kilig! HAHA" Sana talaga ako nlang. "ok.. Eh kung chocolates naman." "matutuwa din pero normal na kasi ang mga chocolates eh. Ang gusto ko kasi unique yung imbis na roses ang ibigay mo lilies nalang, kung chocolate naman, cookies and cream ang ibibigay mo kasi masyado na akong sawa sa mga ganyang porma. Nakaka-umay ba! Ang nagustuhan ko lang sa mga dating gawi ay ang pag harana. Maka-luma na kung maka-luma pero sweet sya para sa akin kasi kahit mapahiya sya sa harap ng madaming tao parang napagsigawan na din nya sa buong mundo na mahal nya ang taong kinakantahan nya at handa syang harapin lahat ng kahihiyan o kung ano mang hahadlang basta ang alam nya sa sarili nya mahal nya yung taong hinaharana nya." Napatungo nalang ako sa mga sinabi ko. Tofu! Sana hindi nya nahalata... "Salamat EsprenKoo!! Nakatulong ka! sobra pa nga eh! Thank you talaga I Love You EsprenKoo!!" "welcome!! Tara balik na tayo sa room, time na" September na, ganun parin kami ni Jake. Madami na kaming kiala dito sa school dahil athlete sya sa pep squad naman ako. Hindi ko nakita si Jake ngayon. Absent siguro.. Ano kaya nangyari dun? Kasi sabi nya sakin kahapon may plano na daw sya para ligawan si Zairelle pero bakit kaya absent? Habang nag ppractice kaming mga cheerleaders may limang lalaking humatak sakin. "O-Oy!! Bitawan nyo ko! Miss!!" Narinig naman ni Miss yung sigaw ko pati narin ng mga members kaya sakin sila naka-focus.

"hoy! Ano yan? Bitawan nyo si Cloe at nag p-practice kami!" "Miss! Hindi po pwede! Pulis po kami ngayon at malaking atraso po ang nagawa nya!" "at anong atraso naman yan?" Biglang lumapit yung isang lalaki kay miss tapos may binulong sya na nagpa-ngiti kay miss. "may ninakaw po sya!" "at ano ang ninakaw?" "Puso po ng kaibigan namin" Ay tokwa! San lupalop naman nanggalin yun??!!! "haha! Sige sige arestuhin nyo na yan!" - miss "huh?! Miss! Please po!" "sumama ka nalang Cloe!" -miss "Oo nga sumama ka nalang!"-boy 1 "hindi ka naman namin sasaktan eh!" -boy 2 Lumapit si boy 3 sakin tapos tinakpan ang mga mata ko gamit ang scarf nya. "OY!!" - ako Wala na akong nagawa ang lakas nila eh. Hinila lang nila ako ng hinila. Naiiyak na ako TT^TT lakad kami ng lakad tapos napunta kami sa isang tahimik na lugar.. Ano to?!! Saan to?!! Nakuu!! Lord help me pleeaaasseee!! I'm begging you. iligtas nyo po ako!! TT__TT "wag ka aalis pag humakbang ka kahit saan may posibility na malag-lag ka, pag tinanggal mo yang blind-fold mo mag sisisi ka!" bulong sakin nung isang boy Naluha nalang ako shemay!! Kinakabahan ako!! Hindi ako nakinig, tinanggal ko yung blindfold ko tapos may narinig akong nag strum ng gitara.

"Do you hear me? I'm talking to you Across the water across the deep blue ocean Under the open sky, oh my, baby I'm trying Boy I hear you in my dreams I feel your whisper across the sea I keep you with me in my heart

You make it easier when life gets hard I'm lucky I'm in love with my best friend Lucky to have been where I have been Lucky to be coming home again Ooh ooh ooh"

Habang may kumakanta may mga lalaking nakatalikod sa akin pero nakapila sila na pa horizontal. Isa-isa silang humarap sakin. O____________O shet! Lahat sila may hawak na isang Lily tapos may isang malaking letter ang t-shirt nila nag loading pa sakin lahat

"They don't know how long it takes Waiting for a love like this Every time we say goodbye I wish we had one more kiss I'll wait for you I promise you, I will I'm lucky I'm in love with my best friend Lucky to have been where I have been Lucky to be coming home again Lucky we're in love in every way Lucky to have stayed where we have stayed Lucky to be coming home someday And so I'm sailing through the sea To an island where we'll meet You'll hear the music fill the air I'll put a flower in your hair Though the breezes through trees Move so pretty you're all I see

As the world keeps spinning 'round You hold me right here, right now" LOADING 10%

20%

30%

50%

60%

70%

80%

90%

100% LOADING COMPLETED " I LOVE YOU" ang nakita ko.. Tapos lumuhod silang lahat at dahil lumuhod sila may isang lalaking nakatalikod sa likod nila. Humarap sya sakin tapos naglakad sya palapit sakin, saka nya kinanta yung last part ng song.. "I'm lucky I'm in love with my best friend Lucky to have been where I have been Lucky to be coming home again I'm lucky we're in love in every way Lucky to have stayed where we have stayed Lucky to be coming home someday

Ooh ooh ooh Ooh ooh ooh, ooh"

"Cloe, diba sabi mo sakin ganto yung gusto mo? Ay wait may nakalimutan pa pala ako." may kinuha sya sa bulsa nya. "oh, Cookies and cream! Sorry ah naduwag lang talaga ako! Kung sa panlabas ko ay muka akong matapang sa loob ko hindi. Natakot ako, natakot na baka nagkakamali lang ako ng nararamdaman para sayo, nung una in-denial pa ako. Natakot ako na baka mag-kaiba tayo ng nararamdaman dahil sabi mo hindi mo susukuan si Michael nasaktan ako nun. Natatakot dahil baka dumating ang araw na masira ang friendship natin at natatakot na baka ma-reject ako ngayon. Kaya kada sasabihan kita ng 'I LOVE YOU' laging may 'JOKE' or 'AS A FRIEND' Naaalala mo nung nanghingi ako ng advice sayo few months ago? Palusot ko lang yun! Si Zairelle? Pinsan ko yun! HAHAHA! Ang weird noh! Pero yun lang ang paraan para malaman ko kung ano tipo mo sa lalaki. Ginawa ko naman lahat diba? Nandito tayo ngayon sa School Garden. Madaming students ang nandito at handa akong mapahiya, maisigaw ko lang na mahal kita! I LOVE YOU CLOE!! This time hindi na JOKE at hindi na AS MY BESTFRIEND" Naiyak na talaga ako naghihiyawan yung mga students dito sa campus pero boses lang ni Jake ang nariring ko. "Pwede ba manligaw? Hindi naman kita pinag mamadali. Handa akong manligaw sayo 'till you fall for me.." "Sige.. But one thing.." "huh? Ano?" kinabahan sya bigla. "What if I already fell for you?!" "Well in that case, I'M LUCKY I'M INLOVE WITH MY BESTFRIEND "

----------THE END----------