ESQUIVEL, JEZZAMYN P.

I-BSCOE / EE

LUMILIPAS ANG PANAHON (Ang mga Kabataan Noon at Ngayon)

Sa paglipas ng panahon maraming bagay ang nagbabago, ngunit paano ba maiiwasan ang mga pagbabago? Paano ba mapapanatili ang mga nakagawian na? 'di ba’t sinasabi na ang kabataan ang pag-asa ng bayan? Ngunit sa ngayon ay ibang iba na ang mga kabataan.

Noon, ang kabataan ay masunurin, walang bisyo, magalang at maka-Diyos. Ngayon, hindi na magalang dahil nasagot na ng pabalang sa mga magulang, hindi masunurin dahil ang laging sagot ngayon ay "mamaya na" o kaya naman ay "saglit lang". Noon, isang tingin lang ng mga magulang sa kanilang anak tumatahimik na agad. Ngayon, halos lumuwa na ang mata sa pagtingin pero hindi pa rin masaway.

Dati ang kabataan ay kusang nagmamano sa mga matatanda, magalang sa kapwa, maging sa tahanan ay may kusang pagkilos maging babae man ito o lalaki. Pagdating naman sa pag-ibig mas mahirap magpaligaw ang isang babae noon, kaysa sa ngayon na halos hindi na aabot ng isang buwan ang mga panliligaw. Bakit din ang mga kabataan ngayon ay nagiging marahas at bayolente? Mayroon na ding lumalaban sa kani- kanilang mga magulang. At nahihilig sila sa mga away at rambol?

Eto pa sa isang pagbabago ng kabataan. Noon, ang pananamit ng mga babae ay halos mata na lang maaaring makita, ngunit ngayon ay madaming pagbabago ang naganap. Kung makikita mo sila ay halos maghubad na sa kanilang mga pananamit na kita na ang kanilang mga kaluluwa.

Kung tatanungin ko kayo ngayon.. anong mas gusto niyo, ang mga ugali ng kabataan noon o ngayon?

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful