KABANATA 1 Ang Suliranin At Ang Kaligiran Ng Pag-aaral Panimula Ngayon na tayo’y nasa ika-21 siglo na ng panahon, ang

teknolohiya at modernisasyon ay nagkaroon na talaga ng mahigpit na hawak sa pamumuhay, pag-iisip, at sa paraan ng ating pagtanaw sa hinaharap. Sa bawat larangan o propesyon; mapa-medikal, arkitekto, pagtuturo o konstraktura man ay hindi maikakaila ang matinding pagbabago na nagaganap sa lipunan. Kahit ang pagaaral ng Medical Technology ay naapektuhan na rin ng makabagong teknolohiya. Ngunit ang pagbabago bang ito na sobra-sobrang kinababaliwan ng lahat ng tao ay tungo sa kaunlaran ng bayan o magiging sanhi ng paglugmok ng lipunan? Malayu-layo na rin ang narating ng Medical Technology, gaya na lamang ng paggamit ng pipette sa pagkuha ng kemikal na noo’y ginagamitan lamang ng bibig o ang pagkuha ng dugo gamit ang lancet na dati’y tinik, ngipin at sungay lang ng mga hayop ang gamit dito. Nang lumaganap ang teknolohiya marami itong magandang naitulong sa Medical Technology: mabilis at madali na lang ang paraan ng pagkuha ng resulta mula sa mga doktor, naitatabi na ng maayos ang mga impormasyon mula sa mga pasyente gamit ang kompyuter at mas mabilis na rin ang pagsusuri sa mga pasyente upang matiyak ang kanilang karamdaman. Ngunit lahat ng bagay ay hindi puro maganda ang dulot sa mga tao lalo na ang teknolohiya. Isa na dito ang masamang epekto nito sa kalusugan ng tao; maaaring lumabo ang paningin ng mga taong walang ginawa kundi magbabad sa harap ng kompyuter. Kung sa larangan naman ng Medical Technology hindi din maganda

ang sobrang paggamit ng teknolohiya dahil baka dumating sa puntong umaasa na lamang ang mga Medical Technologist sa trabaho ng teknolohiya at malimutan nila na mas mahalaga pa din ang pagsusuring gawa nila. Ang lahat ng ito ay dahail sa katalinuhang binigay sa atin ng Diyos. Kung kaya’t kailangan nating gamitin ito sa tama at huwag abusuhin. Kahalagahan Ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik upang alamin ang mga mabubuti at masasamang dulot ng makabagong teknolohiya sa larangan ng Medical Technology. Makakatulong ito sa mga mag-aaral ng Centro Escolar University, sa Kolehiyo ng Medical Technology na palawakin pa ang kaalaman ukol sa nasabing paksa. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, maaaring makahanap ng mga mabisang paraan ang mga mag-aaral kung paano nila maiiwasan ang negatibong epekto ng teknolohiya na maaaring magsilbing balakid sa kanila upang magawa ang kanilang mga gawain na puno ng kalidad. Kabilang sa sumusunod ang maaaring makinabang sa pag-aaral na ito: • Sa mga mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay makakapagbigay ng

impormasyon at dagdag kaisipan ukol sa kahalagahan ng teknolohiya sa larangan ng Medisina partikular na sa Medical Technology. Mabibigyang gabay din sila sa tamang pagtugon sa madaliang pagbabago ng maraming bagay sa aspeto ng agham. • Sa mga mag-aaral ng kursong Medical Technology. Sa pamamagitan nito,

mabibigyang linaw at dagdag kaalaman ang mga mag-aaral ukol sa mga makabagong kagamitang maaari nilang gamitin. Maipababatid din sa kanila ang

• Sa mga dalubhasa sa propesyong ito. Kasabay ng kanyang mag-aaral. Mas mauunawaan nila ang importansya at kaugnayan ng teknolohiya sa pag-aaral ng kanilang tatahakin. Sa pamamagitan nito. magkakaroon sila ng ideya tungkol sa pag-aaral ng Medical Technology at sa mga nalinang na kagamitan sa kursong ito. • Sa mga kukuha ng Medisina.mga iba’t-ibang epekto ng teknolohiya sa larangan ng kanilang kurso upang magbunga ng mabuting resulta sa kanilang pag-aaral. • Sa mga mag-aaral ng Sekondarya. • Sa mga propesor. Ang pananaliksik na ito ay makapagbibigay kaalaman sa mga tao ukol sa seguridad ng kanilang kalusugan sa pagtanggap nila ng serbisyong panggamutan kasabay ng pagkakaroon ng maraming epekto ng teknolohiya sa larangan ng medisina. Ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay gabay at linaw ukol sa kursong ito na maaari nilang tahakin. Mas mabibigyang pansin ang mga makabagong kagamitan na maaari nilang gamitin sa paghahasa sa kanilang tinahak na propesyon. Ang pag-aaral na ito ay makapagbabawas oras ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng propesor at kanyang mga mag-aaral. mas mabibigyan pa sila ng kaalaman at pagkakataon na isabuhay ang kanila pang natutunan upang mas mapabuti pa ang kanilang serbisyo sa ibang tao at mas maging dalubhasa pa sa propesyong ito. Sa pag-aaral na ito. • Sa komunidad at pasyente. . makakakuha din siya ng mga nalinang na ideya na mas makakapagbuti ng kanyang pagtuturo at sa sariling kasanayan.

1 Kompyuter 2. Anu-ano ang mga makabagong teknolohiyang kasali sa pag-aaral na ito? 2. Sa modernong panahon ngayon. ito’y naaangkop pa rin sa paksang tinatalakay ng mga mananaliksik at may kinalaman pa rin sa larangan ng Medical Technology.Ang pag-aaral o pananaliksik ukol sa paksang ito ay nagtataglay ng malaking kahalagahan at impormasyon sa larangan ng panggagamot. Marami na kasing umaasa na lamang sa nabibigay na tulong o impormasyon ng teknolohiya sa kanila.3 Centrifuge . makikita na ang laganap na paggamit ng teknolohiya sa buong mundo.2 Compound Microscope 2.4 kalagayang sibil 2. Kung noon ay isa lamang itong luho. malaki na ang tungkulin nito sa mga tao. ngayon.3 antas ng pag-aaral 1. Bagamat limitado ang mga datos na nakalap sa mga mag-aaral at mga dalubhasa sa Medical Technology. isa na rito ang mas pinabilis na pagtatapos ng gawain ng mga tao sa pang-araw-araw. Paglalahad Ng Suliranin Maraming nagagawa ang teknolohiya. Anu-ano ang mga katangian ng mga respondante batay sa: 1. Isa na ang Pilipinas sa mga gumagamit ng teknolohiya na kung saan untiunti ng nababago nito ang mga ugali ng Pilipino.1 edad 1.2 kasarian 1. Sasagutin sa pananaliksik na ito ang mga sumusunod na tiyak na suliranin: 1.

Anu-ano ang mga mabubuti at masasamang epekto ng makabagong teknolohiya sa larangan ng Medical Technology? Saklaw At Delimitasyon Ang sakop ng pag-aaral na ito ay ang pagbibigay kahulugan ng makabagong teknolohiya.2.9 Blood Sugar Meter 3.8 Medical Thermometer 2. At higit sa lahat ang pag-aaral na ito ay may layuning bigyan ng diin ang mga mabubuti at masasamang dulot ng makabagong teknolohiya sa kalusugan ng tao at sa larangan ng Medical Technology. Hindi sakop ng pag-aaral na ito ang mga posibleng solusyon sa mga masasamang epekto ng makabagong teknolohiya. Napapaloob din sa pag-aaral na ito ay ang depinisyon ng Medical Technology. Ang mga mananaliksik ay kakausap din ng ilang mga dalubhasa na sa propesyong Medical .4 Weighing Scale 2. ang ebolusyon nito simula pa noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan.7 Tourniquet 2.5 Syringe 2.6 Tongue Depressors 2. Sa pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng talatanungan ay kinakailangan ng mga mananaliksik ang partisipasyon ng mga mag-aaral ng kursong Medical Technology mula una hanggang ikatlong taon. at ang kapakinabangan nito sa kursong Medical Technology. mga kagamitan o instrumentong ginagamit sa mga ospital o laboratoryo.

Gil Puyat. Luke’s Hospital.Technology na nagtatrabaho sa mga ospital o laboratoryong matatagpuan sa Alabang Town Center. Ang kabuuang bilang ng mga respondente ay 25 (mag-aaral at dalubhasa). Lalo na sa usapang pangkalusugan o medisina. Ilan lamang yan sa mga tulong na naibibigay ng teknolohiya sa tao. Ang saklaw ng edad para sa mga estudyante ay mula 16 na taong gulang hanggang 21 taong gulang. Kasama rin ang ilang klinika at ospital na matatagpuan sa iba’t-ibang lugar ng Laguna. Makati Medical Center at St. Hindi isasama ng mga mananaliksik ang Unibersidad ng Centro Escolar sa Makati. Wala na ngang imposible sa mundong ito lahat ay nagagawan na ng paraan upang maisakatuparan ito. Makati at Maynila. Ang kursong Medical Technology ay sakop halos ang paggamit ng makabagong teknolohiya. Hindi din kasama sa pag-aaral na ito ang mga dalubhasang may edad mahigit sa 50 taong gulang. . Pharmacy at Psychology. Legazpi Village sapagkat hindi nito sakop ang mga kursong patungkol sa siyensya. pagkuha ng mga impormasyon at mas mabilis na resulta ng mga ginawang eksaminasyon. Hindi bibigyang pansin ng mga mananaliksik ang mga mag-aaral ng ibang kurso tulad ng Nursing. Sa mga dalubhasa naman ay mula sa edad 21 taong gulang hanggang 50 taong gulang. Ang lugar ng pagsasaliksikan ay ang Unibersidad ng Centro Escolar sa Makati. Napakarami ng mabubuti at magagandang tulong ang naibibigay ng teknolohiya. Konseptwal/Teoretikal Na Balangkas Ang pag-aaral ng dulot ng teknolohiya sa buhay ng tao ay isang napakalawak na usapin.

Nagiging tamad at kung minsan di na pinapansin ang resulta ng isang eksaminasyon. • Medical Technology . • • Masasama Umaasa na lang sa teknolohiya ang isang propesyonal/estudyante. Ang mga mananaliksik ay may layuning paghambingin ang masasama at mabubuting dulot ng makabagong teknolohiya. na nagiging sanhi ng pagkakamali.Ang pag-aaral na ito ay upang makatulong sa mga estudyanteng kumukuha ng Medical Technology. Teknolohiya • • Mabubuti Mas sigurado at eksakto ang resulta ng gagawing eksaminsyon Mas mabilis at di kinakailangan ng maraming oras at lakas para gawin ang eksaminasyon Mas nagiging produktibo ang isang propesyonal/estudyante dahil dito.

Lugar kung saan pinag-aaralan ng mga Medical Technologist ang mga kemikal sa katawan ng tao. Paraan ng pagpapaunlad o pagpapaganda ng mga bagay-bagay. Medical Technology. Kinukuha ng mga estudyanteng nasa Sekondarya bilang paghahanda sa magiging trabaho nila. Isang kurso kung saan pinag-aaralan ang mga kemikal at mga komposisyon na makikita sa katawan ng tao. Paggamit ng mga napag-aralang agham sa pagpapabuti ng pamumuhay ng tao. Lancet. . Kurso. Kagamitang ginagamit upang kumuha ng dugo para pag-aralan.Kahulugan Ng Mga Katawagan Dalubhasa. Mga taong eksperto sa isang larangan. Syringe. Instrumentong ginagamit upang kumuha at magturok ng iba’t-ibang klase ng likidong kailangan ng katawan. Isang instrumentong ginagamit upang pag-aralan at makita ang mga bagay na hindi nakikita ng ating mga mata. Laboratoryo. Microscope. Makabago. Teknolohiya.

Ito ang nagpapatunay na ang makabagong teknolohiya sa ngayon ay tunay na nakakatulong sa Medical Technology dahil ito ay nagbibigay ng mas epektibong paraan ng panggagamot sa mga pasyente.KABANATA II Mga Kaugnay Na Literatura At Pag-aaral Ang kabanatang ito ay napapalooban ng ilang patunay na mga salitang direktang sinabi ng isang tao o parte ng isang artikulo na nagmula sa mga literatura at pag-aaral upang mas lalo pang pagtibayin ang nilalaman ng pananaliksik. Mga Kaugnay Na Lokal Na Literatura Ang mga pagbabago sa teknolohiya sa larangan ng Medical Technology ay maraming mabubuting epekto sa pamumuhay ng tao at maging sa pag-unlad ng mismong kursong ito. Ang mga ito ay kapwa banyaga at lokal na literatura at pag-aaral na maaari pang magpaliwanag ng posibleng mabubuti at masasamang epekto ng teknolohiya sa iba’t-ibang aspeto ng buhay partikular sa larangan ng Medical Technology. Ito ay naipapakita sa mga makabagong paraan at instrumentong ginagamit sa pagtukoy ng mga karamdaman ng pasyente. Ito ay pinatutunayan ng artikulong “The Impact of Advances in Medical Technology on Patient (2009)” na: Ang mga positibong epekto ng makabagong teknolohiya sa Medical Technology ay ang pagpapalawak ng paggamot sa mga karamdamang noon ay hindi kayang gamutin. pagtulong sa pagpapadami ng bilang ng mga gamot na dapat gamitin at ang bilang at klase ng mga makineryang ginagamit sa larangan ng medisina at higit sa lahat ang pagbibigay ng oportunidad sa mga kabataan na magkaroon ng trabaho sa loob ng ospital. pagkakaroon ng mga bagong paraan upang mabigyan ng mas matagal at mas maayos na serbisyo ang mga pasyente.1 .

Maraming teknolohiya ang nagsisulputan na may dalang iba’t-ibang tulong sa ating pamumuhay. Kinabibilangan nito ang mga gamit na makabagong teknolohiya gaya ng kompyuter. AIDS. Marami sa mga ito ay pinabuti ang kalidad ng buhay at nakatulong sa pagpapahaba ng buhay.Sa paglipas ng panahon. Magallanes (2010) na: Ang utak ay maihahalintulad na sa kompyuter na nagtatala ng mga impormasyon at datos. Gayunpaman. Pinatutunayan ito ni Dr. manggamot o mamahala sa pangkalahatang kalusugan ng tao. Priscilla Panlasigui na: Malaking bagay ang pagkakaroon ng teknolohiya sa larangan ng Medical Technology. at iba pa. Delikado din para sa mga “Medical Technologist” ang pagsasagawa ng mga eksaminasyon lalo na kapag nagkaroon ng interaksyon sa mga may malubhang sakit gaya ng HIV. Isa pa ang kompyuter ay may mga bagay na hindi kayang gawin na siya namang kayang gawin ng isang Medical Technologist lalo na sa pagkuha eksaktong resulta sa mga eksaminasyon. hindi lahat ng mga makabagong teknolohiya ay puro kabutihan ang dala. Ngunit ang utak ay nakapagpapasya at nakakagawa ng madaliang solusyon sa bawat suliranin samantalang sa kompyuter ay maaaring mawala ang “sinave” na mga datos. ito’y mayroon ding dalang panganib sa atin. ang teknolohiya ay nakikisabay na nga sa pagbabago ng ating mundo. Pinatutunayan ito ng nabanggit ni Dr.3 . Dahil kung walang teknolohiya sa ngayon mahirap pa rin makakuha ng “specimen” mula sa mga pasyente. Malaking tulong ang teknolohiya sa paraang napapabilis nito ang mga trabaho at nagiging mas kaunti ang oras at panahong gugugulin ng mga “Medical Technologist” sa mga eksaminasyong kanilang ginagawa.2 Ang Medical Technology ay sumasakop sa malawak na hanay ng medikal na proseso na gumagamit ng mga instrumento upang sumuri. Isa na dito ang pagpapadali ng ating mga gawain na dati’y ginagawa sa mabagal at mahirap na paraan.

ang Medical Technology ay nagbabago rin sa paglipas ng panahon. Upang mas mapadali ng mga doktor ang kanilang trabaho kinakailangang gumamit ng makabagong teknolohiya sa pangmedisina. maraming pwedeng kurso ang puwedeng pagpilian pagdating sa medisina at isa sa pinakamaganda dito ay ang Medical Technology. Nawawalan sila ng trabaho na nagiging sanhi upang iwan nila ang kanilang propesyon para sa mas mababa ng posisyon upang kumita. Ang makabagong teknolohiya ay tumutulong sa pagbibigay ng mabilis na lunas sa mga sakit. doktor at Medical Technologist. Pinapalawak din nito ang kaalaman ng mga doktor at ang paraan nila ng panggagamot ng mga karamdaman. Mas kinailangan ng ibang bansa ang may kasanayan sa trabahong teknolohiya upang magpatakbo ng mga makinarya kaysa sa mga may mataas na tinapos. teknolohiya na ang humahalili at gumagawa ng trabaho ng mga propesyonal na tao gaya ng mga nars. Pinatutunayan ito ng nabanggit ni Smith (2009) na: Maraming pasyente ang dapat intindihin at bigyang pansin.5 Samantala. At ang mga paaralan lang na inaprubahan ng mga itinalagang ahensya ang . Ito naman ay pinatutunayan nila Alburo at Abella (2002) na: Sa mabilis na pagbabago ng panahon. Naaapektuhan ng modernisasyon ang buhay ng tao kung saan mas bumibilis at nagiging mas produktibo sila.Tunay ngang nakapagpapabilis ng trabaho ang paggamit ng teknolohiya lalo na sa larangan ng medisina. Dahil dito iba’t-ibang kompanya ang handang gumastos ng malaki sa mga pagsusuri ng mga gamot at paggawa ng bagong instrumentong pangmedisina. ngunit mabilis din nitong napapalitan ang mga propesyonal na tao sa kani-kanilang larangan.4 Mga Kaugnay Na Banyagang Literatura Sa larangan ng Agham at Medisina. Pinatutunayan ito ni Bustamante (2009) na: Ang pinakamagagandang paaralan na nagtuturo ng Medical Technology ay matatagpuan sa US at Canada na inaaprubahan ng mga itinalagang ahensya.

6 Mahalaga ang papel ng teknolohiya sa ating pang araw-araw na buhay. halos lahat ay ginagamitan na ng teknolohiya. Katulad natin.” Ito ay pinatutunayan ng nabanggit nila Yang TP. Mas pinapadali nito ang mga eksaminasyon at mga gawain ng mga doktor at “medical practitioners.may buong karapatan na magturo sa mga kabataan kung paano maging isang “certified medical technologist”. Montgomery SB. Gaya ng kompyuter.8 Malaking tulong nga sa mga doktor ang paggamit ng mga makabago at “hi-tech” na mga kagamitan sa pagsusuri ng mga pasyente sapagkat napapabilis nito ang mga gawain. The data base and application can be installed on a standard computer in a database mode and. in addition. Sa medisina. Ngunit dahil din dito. Pinatutunayan ng nabanggit sa phayagang “New York Times (2009)” na: . ito’y nakakakalap ng datos o impormasyon mula sa mga maysakit na pasyente.7 Lahat naman ng magagandang epekto ay may katapat na di maganda sa ating pamumuhay. Kaya sa huli. AVAILABILITY. isinagawa ang pang malawakang pagpaparehistro ng mga instrumentong medikal sa US upang masubaybayan ang mga ito at maiwasan ang “hacking” ng mga impormasyon ng iba’tibang ospital. ang kompyuter din ay maaaring magkaroon ng “virus” o “ma-hacked” na sanhi ng pagkawala ng datos. Genevar allows researchers to investigate expression quantitative trait loci (eQTL) associations within a gene locus of interest in real time. et al (2010) na: Genevar (GENe Expression VARiation) is a database and java tool designed to integrate multiple data sets. and provides analysis and visualization of associations of between sequence variation and expression. on a server to share discoveries among affiliations or the broader community over the internet via web services protocols. Pinatutunayan ito nina Brownlee at Lenzer (2010) na: Ang mga masasamang dulot ng ilang instrumentong pang-medikal na alam ng mga gumagawa nito ay hindi ipinapaalam sa publiko upang makaiwas sa gulo. masyado nang umaasa ang mga doktor sa teknolohiya na minsa’y ikinasasama pa ng mga pasyente.

sa obserbasyon. ang Pilipinas ay mayroong maternal mortality 95 to 163 kada 100.000 kapanganakan at internal mortality 25 kada 1. naisaad ni Ona ang kanyang planong modernisasyon ng sistema ng health care sa bansa sa tulong ng makabagong teknolohiya na “Telehealth”. nais ni Ona na mula sa 30-40% Filipinos ay mapalago ng 100% Filipinos ang makatanggap ng benepisyong sakop ng Philhealth.10 Maging sa iba’t-ibang departamento ng bansa. malaking tagumpay din ang kasama nito. Upang mas mapaigi ang serbisyo. Ito ay naipapakita sa mga pagbabagong nagaganap sa mga instrumentong ginagamit sa pagpapabuti ng kalusugan at maging sa mga prosesong kakabit nito. atbp. Ilan sa mga makukuhang benepisyo ay pre-natal check-ups. vaccines at hospital care. Ito’y pinatutunayan sa nabanggit ni Secretary Ona na: Napagtanto niya ang pagbaba ng kalidad ng pagpapabuti ng kalusugan o health care sa Pilipinas noong 1991 ang nagbigay daan upang mapagtibay nila ang sistema ng kanilang serbisyo.000 kapanganakan. Habang ginagamit ang makabagong teknolohiya ngayon hindi pa rin dapat kalimutan ang makaluma at sinaunang paraan ng pakikipag-usap sa pasyente pati na rin ang makalumang pagsasagawa ng eksaminasyon dahil maaari pa ring magkamali sa pagsusuri ang paggamit ng teknolohiya. Ibinahagi din niya na ang kagandahang dulot ng teks o SMS na nagpapabilis ng komunikasyon sa mga doktor.Nawawala na sa panahong ito ang magandang relasyon ng doktor at pasyente dahil napapalitan na ito ng pagsusuri gamit ang teknolohiya. Sa paggamit nito.9 Mga Kaugnay Na Lokal Na Pag-aaral Ang pagbabago ng teknolohiya sa Pilipinas ay may malaking epekto sa pag-unlad sa larangan ng medikal na propesyon sa nasabing bansa. Upang mas mapababa ang death rates. sarbey. ang teknolohiya ay kaagapay na sa mga prosesong ginagawa. Sa kanilang pag-aaral na isinagawa. Pinatutunayan ito ng Bureau of Research Laboratories (1997) na: . nars at iba pang mga propesyonal na sakop ng medisina.

may mga sakit pa rin na hindi kayang lutasin bagkus kayang bigyan lang ng paunang lunas. patuloy na tumataas ang bilang ng mga taong merong HIV at AIDS. Naisagawa nila ang sumusunod: (1) Sa lahat ng 2. ayon sa kanilang pangtaunang report. 97% ang nabigyan ng lisensya. Ayon sa nabanggit sa pahayagang “News Medical (2010)” na: Sa ginawang pag-aaral ng mga doktor at medicaltechnologist ng bansa. mas binibigyang diin na kahit maraming makabagong teknolohiya ang nagawa hindi pa rin nito kayang bigyang lunas ang maraming karamdaman.11 Ang Propesyong Medical Technonlogy ngayon sa bansa ay tuluyang tinatahak ang lubusang pag-unlad. Pinatutunyan pa rin ng pahayagang “News Medical (2010)” na: Sa ginawang pag-aaral ng isang grupo ng medical technologist. Dahil sa maling pag-eeksamen at maling paggamit ng masasabing teknolohiya madalas pumalya ang mga resulta. (3) nagpatupad ng standard settings upang mas sakto ang resulta ng mga dugong obserbahan. subalit di pa rin nito kayang tugunan ang lahat ng uri ng sakit na patuloy na lumalabas. Ngunit di pa rin kayang tugunan ito ng mga doktor at mga medical-technology.Nagpapatupad ng lisensya sa mga klinika at mga laboratoryong pang-diagnosis. (4) mas naiayos ang operasyon sa mga testing facilities upang mas maganda ang kalidad ng pagsasagawa ng blood banking. (2) ang administrasyong teknikal ay nakapagpatupad ng makabagong sistema at nagbigay ng postibang epekto sa kumpara sa naunang sistema. (5) modernisayon ng pag-aanalisa ng mga laboratoryong nag-sasagawa ng lisensya. Kung kaya’t mas lumalala ang kanilang masasabing karamdaman.13 Mga Kaugnay Na Banyagang Pag-aaral . kahit sobrang pag-unlad ang tinatamasa ng mundong pangkalusugan. 170 na pasilidad. naging matagumpay ang taong 1997. Sa tulong ng teknolohiya.12 Sa iba pang ginawang pag-aaral. Ang maling paggamit ng teknolohiya at walang kaalaman sa paggamit nito ang unang dahilan ng malaking pagkakamali.

there is studied generation Y (individuals born between 1982 and 2001. Ngunit kailangan din nating isaalang-ala ang pinansyal na . Middleton.” concludes Ms.14 Ngayong 21st na taon. universities may need to ensure that collaborative student projects have not only an online instructional component but defined areas of individual responsibilities as well. Ngunit kinakailangan pa din ng direktang solusyon para sa mga sakit na di pa tukoy at wala pang tiyak na gamot para dito. and are at ease with new technologies.Ang mga pag-aaral na ito ay isinagawa ng mga dayuhan na nakaukol lamang sa propesyong Medical Technology. Marami na ring nasuring makabagong sakit ang teknolohiya na nagpakita ng tunay na gamit nito. Pinatutunayan ito ng nabanggit ni Gottlieb (2011) na: Ang paggamit ng mga gamot at makabagong teknolohiya para sa maraming uri ng sakit ay masyadong nagiging mabilis ang progreso ng pag-unlad. Pinatutunayan ito ni Lynch (2008) na: For more than a decade. also referred to as “millenials”) and the American culture shaping it. “It’s a genuinely collaborative environment. Merrill Lynch now offers a mixed menu of targeted sessions that feature senior speakers. But they seem to have more limited experience in independent decision-making than past generations. Malaki na ang naging impluwensya nito lalo na sa pagkuha ng trabaho. Iniiwasan nilang makasira pa ng “organs at cells” bago pa matukoy ang nasabing sakit. ang mga tao ay nabubuhay na sa makabagong mundo ng teknolohiya. multimedia and interactive components.” To help impart that experience. have an enormous facility for multi-tasking. she says that “Today’s millenials are open to collaboration. Sa mga nagdaang taon kinakailangan ng maraming pagsusuri para sa makabagong sakit kung kaya’t maraming mga doktor ang nagnanais gumawa ng isang “ultimate drug” na kinakailangan ng mas makabagong teknolohiya. When considering overall job-readiness.15 Laganap na nga ang mabuti ang dulot ng teknolohiya sa atin lalo na sa pangkalusugang estado. Kaya pagdating sa pag-aaral naging parte na ang paggamit ng teknolohiya sa pagpapabuti ng mga mag-aaral at paghahanda sa kanila sa makabagong mundo.

Depending on the frequencies. Pinatutunayan ito ng nabanggit ni Schwartz at Goldsmith (1994) na: Technology adds to cost because it increases the “intensity” of care – i.16 Hindi lang sa kalusugan ng tao nagkakaroon ng masamang epekto ang makabagong teknolohiya.e. Priscilla PhD.html. Recent studies by the cellular biology laboratory of Clement Ferrand University (2007). ”Introduction to Medical Technology Profession. Maging sa ibang bagay man – hayop o halaman ay naaapektuhan din dahil sa ito’y laganap ng gamitin. clearly show the effects of mobile telephony microwaves on plant genes. Hindi lahat ay mabubuti at kapaki-pakinabang ang epekto ng teknolohiya gaya ng nasasabi dito. it expands the opportunities for providing services to patients. their intensity and modulation and the length of exposure. Even where a new technology can reduce unit costs for particular patients. in particular tomato plants. . scientific studies demonstrated stress reactions and disruptions of gene expression. diffusing patients with mildly symptomatic disease.typepad. (2009). or those who are previously ill for treatment. Warnke (2011) na: He described the biological effects of certain microwave frequencies and on plants. 2Panlasigui..” http://ivythesis.katapat nito.com/term_paper_topics/2009/08/the-impact-of-advancesin-medical-technology-on-patient.” (Manila: CEU Publishing Incorporation.e. 2010). for example. it often increases net health expenditures by increasing overall volume – i.17 END NOTES: 1“The Impact of Advances in Medical Technology on Patient. Ito ay pinatutunayan ni Dr.

and Cool Stuffs) http://www.com/2010/08/readers_digest_article_about_med_tech_with_tho ughts_from_us.pdf.gov.doh.” (Manila: CEU Publishing Incorporation. May. 4”Skilled Labor Migration from Developing Countries: Study on the Philippines. 9New York Times. Beazley C.thepulseblog. P.” (The Pulse Blog–Technology. (2009). (2010). Dan PHD.. Reader’s Digest article about Medical Technology with thoughts from industry. 2009).C. 10Department Of Health Website.org/public/english/protection/migrant/download/imp/imp51e. “Aspects that alter the advancements of Medical Technology. 2010). http://www.3Magallanes.edu/profiles/pathology/frdActionServlet? choiceId=showPublication&pubid=11230241&fid=23650. (Kansas City Medical Malpractice Injury Attorneys – Dempsey & Kingsland. 5Smith. Josefa S. Gadgets. 7Yang TP. ”Komunikasyon sa Akademikong Filipino. and Cool Stuffs) http://www. (Standford University Publication) http://med.thepulseblog. 8Buckland.stanford.ilo. . et al. “Medical Technology Training” (The Pulse Blog – Technology. (2009). 6Bustamante.ph/content/ona-callsnational-and-local-government-linkage-towards-universal-health-care. Gadgets.com/article/medical-technology-training. http://medgadget. (2010).” http://www.html. Michael. Montgomery SB. (2002)..com/article/medical-technology-training.

15Lynch.net /news/20101021/406/Filipino. Dito nakapaloob ang dahilan kung bakit iyon ang napili ng mga mananaliksik at kung .net /news/20101021/406/Filipino.” http://www. 2001 “The Impact of Medical Technology on Future Health Care Costs” http://www.news-medical.pdf.org/PDFs/26_FinalRptApp1&3.ph/content/1997-futureimpact-modern-technology-health-status-filipino-family.int/documents/workingdocs/doc11/edoc12608.nmc. (2011). (2011).aspx.com/article/SB1000142405274870475890457618828085830361 2.ahipresearch. www. 12News Medical. (2010).” http://online. “Medicaid Is Worse Than No Coverage at All. www.11Bureau of Research Laboratory. 16February 28.news-medical.coe. Scott.pdf 17 Warnke. (2010). (1997).gov.org/pdf/Future-of-Higher-Ed-(NMC). “The potential dangers of electromagnetic fields and their effect on the environment. (2008).wsj. KABANATA III Mga Pamamaraan Inilalahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral at paglalarawan ng mga hakbang na isinakatuparan sa pagsusuri ng mga mabubuti at masasamang epekto ng teknolohiya sa larangan ng Medical Technology. 13News Medical.“ http://assembly.aspx. “Case study: Generation Y perspectives at Merrill Lynch.pdf. Amy.doh. http://www. 14Gottlieb.html.

Nakalagay din dito ang mga kagamitan at teknik na ginamit ng mga mananaliksik upang mangalap ng impormasyon sa mga respondente.bakit ito ang nararapat na gamitin. At Komparatibo sa paraan kung saan inihambing ng mga mananaliksik ang mga kabutihan at kasamaang dulot ng makabagong teknolohiya sa larangan ng Medical Technology para malaman kung ito ba ay mas itinuturing na tulong o dagdag problema lamang. Mga Pamamaraang Gagamitin Upang maisakatuparan ng mga mananaliksik ang pangangalap ng impormasyon. nasuri at naipaliwanag ng mga mananaliksik ang mga mabubuti at masasamang epekto ng makabagong teknolohiya sa panahon ngayon sa larangan ng Medical Technology.. Mga Teknik Na Gagamitin Upang malaman ang mga mabubuti at masasamang epekto ng teknolohiya sa larangan ng Medical Technology. Analitikal sa paraan kung saan pinag-isipang mabuti ang mga detalye at impormasyon upang mabigyan ng kahulugan ang mga kasagutan na nakapaloob sa ating pananaliksik at magbalangkas ng isang magandang resulta tungkol sa suliranin ng pag-aaral base sa kanilang nalalaman. Deskriptibo sa paraan kung saan inilarawan isa-isa ang mga detalye at inintindi itong mabuti upang pagkonektahin ang mga impormasyon at makakuha ng maayos na resulta sa pagsasaliksik. analitikal at komparatibo. ginamit sa pag-aaral na ito ang mga pamamaraan ng: deskriptibo. naihambing. Sa mga pamamaraang ito nailarawan. ginamit sa pag-aaral na ito ang “purposive .

ang tanong ukol sa epekto ng makabagong teknolohiya sa kanilang pag-aaral at gawain. Mga Kagamitang Gagamitin Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey kung saan gumamit ang mga mananaliksik ng sarbey na talatanungan (survey type questionnaire). Napapaloob dito ang mga iba’t-ibang gamit kung saan maaaring pagpilian doon ang karaniwan nilang ginagamit. Sinukat din ng talatanungan kung gaano sila kasanay at kadalas gamitin ang mga makabagong teknolohiya sa kanilang mga gawain. Sa itaas na bahagi ng talatanungan ay ang sulat ng paghingi ng permiso sa mga respondent. Ikalawa. Nagbigay ng sarbey na talatanungan ang mga mananaliksik sa mga napiling respondente na nakapokus sa magiging epekto ng teknolohiya sa kanilang larangan. Ang sarbey na talatanungan ay binubuo ng dalawang kategorya: Una. Naghanda ang mga mananaliksik ng mga talatanungan upang mangalap ng mga ideya at opinyon ukol sa paksa ng pag-aaral.sampling”. ang tanong sa mga karaniwang laboratoryong instrumentong kanilang ginagamit sa kanilang larangan. Kumalap din ng impormasyon ang mga mananaliksik sa aklatan at sa internet. Maaari itong magbigay ng mabuti o . Ito ang ginamit sapagkat ang layunin ng mga mananaliksik ay kumuha ng sagot mula sa mga estudyante ng Centro Escolar University Makati at Mendiola at mula sa mga dalubhasang nagtatrabaho sa mga laboratory at ospital partikular na ang Makati Medical Center na may kinalaman sa Medical Technology.

Pangatlo. At pangwalo. Pang-anim. Pangalawa. Pang-apat. makikipanayam ang mga mananaliksik sa mga respondente gamit ang sarbey na talatanungan.masamang epekto batay sa kanilang mga kasagutan. kukuhanin ang pinal na natuklasan mula sa mga nakalap na datos. Pampito. gagawa ang mga mananaliksik ng sarbey na talatanungan na ipamamahagi sa napili nilang mga respondente. Ang mga talatanungan ay titipunin para sa pagpapatibay ng pag-aaral. Paraan Ng Pananaliksik Ginamit sa pananaliksik ang mga sumusunod na paraan: Una. Kumuha pa ang mga mananaliksik ng dagdag na impormasyon gamit ang kompyuter para buksan ang mga website na nagbibigay ng iba pang datos ukol sa . matapos suriin. Nagsagawa rin ng pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng paggamit ng kompyuter para sa internet. ikukumpara ang mga resulta sa nakalap na mga impormasyon. cellphone para sa pagtatala ng impormasyon at tesis. Panglima. pipili ang mga mananaliksik ng mga respondente gamit ang paraang random sampling. lilikumin ang mga datos mula sa kanilang kasagutan at ito’y masusing pag-aaralan at aanalisahin. iinterbyuhin din ang ilang respondente gaya ng mga dalubhasa para sa kanilang karanasan sa paggamit ng nasabing mga teknolohiya. Ito’y babalikan na lang matapos ang isang oras. mga aklat. Itatala ito sa isang papel o irerecord gamit ang cellphone habang sila ay nagsasalota. gagawa ng sulat na humihingi ng permiso ang mga mananaliksik sa mga respondente kung maaari ba silang tanungin o hindi. Tinanong din kung ano ang kanilang masasabi ukol sa sarbey at mga suhestiyon at komento.

Nagbatay din ang mga mananaliksik sa ibang tesis ngunit karamihan ay galing sa sagot ng mga respondente.pinag-aaralang paksa. Paglalapat Ng Pamamaraang Istatistika .