You are on page 1of 5

Dula- dulaan sa Filipino

Pag-iibigan ni Jeny at Max
Tagapagsalaysay: Unang araw ni Jeny sa paaralan bilang ika-lawang taon ng sekundarya
at nabalitaan nilang magkakaibigan na sina Ron, Jeny, Ciara, Len, Diana, Mika na
maraming bagong lipat na mga estudyante sa kanilang paaralan at isa na rito si Max na
isang mayaman at maraming alam at minsan ay may kakulitan din siya.

Habang nagmamadaling maglakad si Jeny ay nakabunggo niya si Max.

Max: Ay sorry po! Tulungan ko na po kayo miss.
Jeny: Hindi huwag na kaya ko na to.
Max: Hindi! Tutulungan na kita. Saan ba ang punta mo at parang nagmamadali ka?
Jeny: Makulit ka din eh! Papasok na kasi ako sa aming klase eh.
Max: Ganito talaga ako ahaha...sige mag-iingat ka!

Tagapagsalaysay: Pagpasok ni Jeny sa kanilang silid-aralan ay pagod na pagod dahil sa
pagmamadali pero hindi niya pinansin ang mga kaibigan niyang nagkwekwentuhan dahil
sa nangyari kanina.

Jeny: Nakakapagod! Sino kaya yung nakabunggo ko kanina??? (kinakausap ang sarili)

Tagapagsalaysay: Nilapitan siya ni Ron at kinausap dahil nagtataka si Ron bakit hindi sila
kinausap ni Jeny.

Ron: May problema ka ba??
-Hoy!

Jeny: ah eh wala wala…
Lumapit si ang mga kaibigan niya sa kanya

Diana: Anu na naman ba ang pinagiinarte mo jan?
Jeny: Ala! May nakabunggo kasi ako kaninang lalaki! Parang nakita ko na siya noon pero
hindi ko lang maisip kung kailan o paano kami nagkakilala!!
Ciara: Naku girl! Tadhana yan! May nabasa akong ganyan sa isang libro!

Tagapagsalaysay: Umalis si Ron at umupo nalang sa kanyang upuan at parang nalungkot
sa nalaman narinig niya kay Jeny.

Ciara: Hoy! Mga tsismosa…nanjan na si sr.
Mika: Eto naman makapag tsismosa wagas.. sampalin kaya kita..
Len: Hoy! Maldita! Nanjan na nga si sr. eh naguusap pa kayo! (pasungit)

Pumasok ang Teacher
Guro: Magandang hapon sa inyong lahat mga bata!
Estudyante: Magandang hapon din po!
Guro: May bago kayong kaklase! Sige Iho pumasok ka na at magpakilala...

Pumasok si Max.

Max: Hello po ako nga pala si Max mula ako sa Manila.

Tagapasalaysay: Nagbulungan bigla ang magkakaibigan nang malaman nilang iyon ang
nakabunggo kay Jeny.

Mika: Hala Girl! Yan ba yung sinasabi mong nakabunggo mo kanina…
Diana at Ciara: Kachaka mo girl!!
Len: Hmmft! Ako nalang sana nakabunggo niya!! (kinikilig)
Diana: Friend naman! Selos ka na agad andito naman si Ron!
Ciara: Oo nga naman!
Len: Pakielam ko jan!

Guro: Sige Max maraming salamat dun ka umupo sa bakanting upuan sa tabi ni Jeny.
Max: sige po maraming salamat.

Nagulat si Max dahil nakita niya ung nakabunggo niya kanina.

Max: Oh miss!! Ikaw pala yan dito din pala ung punta mo nagsabay nalang sana tayo para
di na tayo nagkabunggo pa.
Jeny: Ah! Eh! Teka! Teka! Hindi po miss pangalan ko!! Ako po si Jeny..
Max: Eh gusto ko miss eh ahaha…
Jeny Ewan ko sayo… kagulo mo…
Max: Bakit miss? Anu ba ginagawa ko?
Jeny: Sabi ko Jeny hindi miss
Max: Miss!
Jeny: Jeny!
Max: Sabi na ngang Miss!
Jeny: Sabi ko Jeny!

--
Len: Friend ! Tignan mo parang kilala na nila agad ung isa’t isa.
Ciara: Oo nga eh..!! kakainggit ahaha.
Diana: Pero teka tignan niyo si Ron mukhang malungkot.

Pinuntahan nila si Ron habang si Len ay naiwan na nakaupo sa kanyang upuan.

Diana: Bakit ka malungkot Ron?
Ron: Ala may iniisip lang ako.
Ciara: Hulaan ko si Jeny yang nasa isip mo diba.
Ron: Oo
Ciara: Kasi eh bakit kasi hindi mo pa aminin sa kanya na mahal mo siya.
Ron: Alam mo hindi ganun kadali yun! Baka kapag inamin ko sakanya iyon eh baka hindi
na kami magpansinan dahil sa ginawa ko.
Diana: Sabagay tama din siya friend! Hayaan na lang natin siyang magemote.

Tagapagsalaysay: Habang tumatagal ang panahon mas lalong napapalapit si Jeny at Max
sa isa’t-isa habang malungkot pa din si Ron dahil hindi niya maamin kay Len na mahal
niya ito. Isang Araw habang pauwi si Jeny ay nakita niya si Max na naglalakad mag-isa.

Jeny: Oh Max ikaw pala yan! Bakit ikaw lang mag-isa.
Max: Oh miss! Ikaw pala yan may bakit nandito ka?
Jeny: Pauwi na kasi ako nang makita kita!! Ikaw bakit ka nandito?
Max: Pauwi na din ako.. may kinausap lang ako… gusto mo ba munang maglakad lakad
tayo kung ok lang sayo??
Jeny: Ok sge ba..

Tagapagsalaysay: Nagusap ang dalawa habang naglalakad, pero biglang napaupo si Jeny.

Max: Oh may problema ba?? Napagod ka siguro dapat pala hindi na kita inaya… sge
umupo ka muna.
Jeny: Ok lang ako … (Biglang mapapaupo ulit)
Max: Sabi ko sayo eh pagod ka na…

Umupo silang dalawa

Max: Dapat sinabi mo na pagod ka na para inihatid na kita sa inyo.
Jeny: Hindi, ok lang iyon, ako din ang may gusto nito kaya ok lang ako..
Max: Sigurado ka oh eto uminom ka muna ng tubig…

Tagapagsalaysay: Makalipas ang ilang saglit ay napagdesisyonan ni Max na ihatid si Jeny
sa kanilang bahay. At habang dumaraan ang maraming araw ay may kakaibang
nararamdaman si Max kay Jeny. Ika-13 ng Pebrero, naguusap ang mga kaibigan.

Ron: Kayo na ba ni Max??(malungkot na salita)
Diana: Kayo na noh??
Ciara: Aminin mo na friend.
Len: Siguro kayo na kaya ayaw mo magsimula kalat na kaya sa campus na kayo na.
Jeny: Grabe campus agad??? Di ba pwedeng sa silid-aralan muna.. tsaka hindi naman
kami.. magkaibigan lang kami..
Len: Magkaibigan o matalik na magkaibigan alam mo dun din kayo hahantong may
nabasa din akong ganyan.

Tagapagsalaysay: Lumapit si Max kay Jeny at kinausap.
Max: Pwede ba kitang ayain bukas??
Jeny: Saan?
Max: Maglibot!
Len: Maglibot sge sama ako!
Ciara at Diana: Sige ako din!
Len: Ikaw Ron di ka ba sasama?
Ron: Hindi sige enjoy niyo nalang!

Tagapagsalaysay: Nung gabi ng Ika-13 ng Pebrero ay inamin na ni Ron ang kanyang
nararamdaman kay Jeny at nabigla si Jeny sa sinabi ni Ron pero sinagot na ni Jeny si Ron
nung araw na iyon. Nang sumapit ang Ika-14 ng Pebrero ay napagisip-isip ni Max na
aminin na din kay Jeny ang kanyang nararamadaman.

Dumating na si Jeny sa kanilang tagpuan pero siya ay parang kinakabahan at malungkot.
Maya-maya ay dumating na din si Max.

Max: Oh sorry kung pinaghintay kita. Eto oh bulaklak. Oh bakit parang malungkot ka!
May problema ba?

Jeny: May sasabihin kami sayo ni Ron?
Ron: Kami na ni Jeny sinagot na niya ako kagabi! Nabigla ka! Sobrang saya ko nung
nangyari sinagot niya ako.
Jeny: Itigil mo na nga iyan Ron! Iwan mo muna kami ni Max.
Ron: Bakit ba eh boyfriend mo naman na ako bakit mo ako pinapaalis??
Jeny: Basta iwan mo muna kami!
Ron: Ayoko ko nga!
Jeny: Kapag hindi ka Umalis break na tayo!
Ron: Ayoko!
Jeny: Anung ayaw mo?
Ron: Ayokong magbreak tayo kaya aalis na ako!

Tagapagsalaysay: Naiwang magisa si Max na malungkot at si Jeny.

Max: Alam mo napakasakit ng nangyari sakin ngayon. Akala ko masasabi ko na sayo ang
nararamdaman ko na MAHAL NA MAHAL KITA.
Jeny: Nahuli ka!, ngayon mo lang sinabi alam mo bang ikaw nalang ang hinihintay kong
umamain sa akin dahil nung naglilibot tayong dalawa may gusto na din ako sayo noon.
Max: Sagutin mo nga ako? Bakit si Ron ang sinagot mo.
Jeny: Kasi napansin kong malungkot siya nitong mga nakaraang araw at sinabi ni Ciara
na may gusto sa akin si Ron kaya pinagbigyan ko siya baka mawala ang lungkot niya.
Max: So, masaya ka na! napaligaya mo na siya! Pwes magsama nalang kayong dalawa.
Jeny: Wait, wag kang aalis!
Max: Para saan pa? Ikaw lang ang mahal ko at wala ng iba pero sinayang mo.
Jeny: Ang totoo niyan Mahal din kita.
Max: Bahala ka.
Tagapagsalaysay: Simula nung araw na iyon hindi na pumasok pa sa eskwelahan si Max at
nagaalala na si Jeny sa kanya. Ilang buwan na siyang hindi pumapasok. At ilang araw
matapos ang pangyayari ay nakipaghiwalay na si Jeny kay Ron.

(Sad Scene)

Hinanap ni Jeny si Max at habang siya ay nagmamadali may nakabunggo siya.

Jeny: aray! Magdahan-dahan naman po kayo.
Max: Ayos ka lang ba miss!
Jeny: Pamilyar sa akin iyang boses na yan at ang pagtawag sa akin na miss.
Max: Hindi ka nagkakamali.

Sinampal ni Jeny si Max

Max: Bakit mo ginawa iyon?
Jeny: Ikaw kasi eh pinagaalala mo ako, akala ko kung nasaan ka na hindi ko na alam kung
anu gagawin ko kapag nawala ka na ng tuluyang.
Max: Hindi na mangyayari muli iyon dahil (luluhod) ipapangako ko sayo na hindi na kita
iiwan pang muli dahil mahal na mahal kita.
Jeny: Mahal na mahal din kita.

Tagapagsalaysay: Matapos ang matagal na paghahanap ni Jeny kay Max ay natagpuan
niya ito kung saan sila una nagkita. At duon namuo ang kanilang pagmamahalan sa isa’t-
isa. Simula nun naging masaya na ang dalawa na parang walang nangyari. Sabay nilang
tinapos ang sekundarya, kolehiyo at sila’y naging mag-asawa.