You are on page 1of 7

Proyekto Sa araling panlipuna.

Pinapasa ni:
Patrick ryan laurina

Pinapasa kay:
Mr.serbantes

Epekto at implikasyon ng sin tax


Pulitika
Tulad ng ibang kontrobersyal na panukalang-batas, ang Sin Tax bill ay niyanig ng palitan ng matitinding akusasyon ng mismong mga Senador At lalong sumiklab ang pagtatalo nang magpahiwatig ang ilang tauhan ng administrasyon na ang naturang bill ay nalalambungan ng bilyunbilyong pisong lobby money mula marahil sa mga kompanya ng alak at sigarilyo. Ang nasbaing panukalangbatas, tulad ng batid ng marami, ay kinapapalooban ng sagad-sa-langit wika nga, na pagtataas ng buwis sa naturang mga produkto. At dahil nga sa masalimuot na dahilan ng batikusan, napilitang mag-resign si Sen. Ralph Recto bilang chairman ng ways and means committee kasabay ng paguurong ng kanyang committee report sa Senado. Ipinaglalaban kasi ng Senador ang pagpapababa ng buwis sa sigarilyo at alak -mula sa malilikom na P60 bilyong nais ng administrasyon, ito ay ibababa sa P30 bilyon -isang hakbang na labis na ipinanggalaiti ng pamahalaan Halos sumugod sa Senado ang mga opisyal ng Department of Finance (DOF), Department of Health (DOH) at Bureau of Internal Revenue (BIR) at ipamukha kay Recto ang kawalan niya ng pagpapahalaga sa kapakanan ng mga mamamayan. Halos sumugod din sa Senado ang ilang Kongresista na katig sa P30B tax limit. Naninindigan ang gobyerno na talagang kailangang itaas ang buwis na malilikom mula sa naturang mga produkto tulad ng itinatadhana ng Sin Tax bill. Kung maaari, marahil ay higit pa sa P60 bilyon upang matugunan ang pangangailangan ng mahihirap na pasyente na ang karamihan ay may mga sakit na bunga ng sigarilyo at alak. Higit sa lahat nais ng pamahalaan na masugpo ang pagkasugapa ng taumbayan sa naturang mga produkto. Ipaglalaban nila ang naturang panukala na malimit taguriang cancer bill. Taliwas ito sa aking pananaw hinggil sa paglipol ng paninigarilyo at pag-inom ng alak. Kahit na ipataw pa ang lahat ng uri ng buwis sa naturang mga produkto, tanging ang kinauukulang mga sugapa lamang ang makapipigil sa kanilang mapanganib na bisyo; kahit ipaggiitan pa na ang pagkagumon sa gayong bisyo ay mistulang pagpapatiwakal.

Sa kabilang dako, naninindigan din ang ilang mambabatas na hindi makatarungan ang pagpapataw ng nakalululang buwis sa alak at sigarilyo Makapipinsala ito sa mga tobacco farmers na katuwang din ng gobyerno sa mga programang pangkalunlaran. Bakit nga naman papatayin ang mga gansa na nagingitlog ng ginto, wika nga. Katamtaman lamang ang marapat na ipataw na buwis sa naturang mga produkto.

Lipunan
Ang isip ng marami, ang bisyo ay nakakaperwisyo lamang sa taong nagbibisyo. Pero sa totoo po mga kapanalig, ang bisyo ay lubhang nagbibigay ng perwisyo sa maraming tao. Isang halimbawa na lamang ay ang iresponsableng pag-inom ng alak. Ilang aksidente na nga ba ang naidulot ng drunk driving? Ayon sa MMDA, anim o higit pa na road accidents ang nangyayari kada araw. Kadalasan, ang mga aksidenteng ito ay dulot ng human error, kasama dito ang drunk driving. Isa ring halimbawa ay ang paninigarilyo. Ayon po sa Philippine Global Adult Tobacco Survey, tinatayang umaabot na sa 17.3 milyong Filipino na may edad 15 pataas ay mga smokers. 13.8 million sa kanila ay nagsisigarilyo araw-araw. Sa ngayon nga po, tayo ng ang number one sa Southeast Asia pagdating sa paninigarilyo. Dagdag pa dito, nakita rin ng survey na 55.3 percent o 28 milyong Filipino na gumagamit ng public transportation ay nakakalanghap ng second hand smoke. Ayon mismo kay Health Secretary Ona, umabot na sa Php177 billion nuong 2011 ang taunang cost ng apat na nangungunang smoking related diseases, ang lung cancer, chronic obstructive pulmonary disease, coronary artery disease, at cardiovascular disease. Mga kapanalig, malaki po ang perwisyo ng bisyo. Kayat hindi naman masama na patawan ang bisyo ng mas malaking buwis para mabawasan naman po ang naninigarilyo at iresponsableng umiinom ng alak at iba pang alcoholic beverage. Ang sin taxes na naisulong kamakailan lamang ay makabuluhan sa panahon natin ngayon. Pero ano nga ba ang sin taxes, at bakit marami ang hindi nakakaunawa dito? Ang sin tax ay isang uri ng buwis na pinapataw sa piling mga produkto gaya ng alak at sigarilyo. Tumataas ang halaga ng mga produkto na napatawan ng sin tax. Sa ganitong paraan, dini-discourage ang mga mamamayan na magbisyo. Ang revenues na makakalap mula sa sin tax natin ay mapupunta sa Department of Health. Kayat higit pa sa pag-kitil ng bilang ng mga nagbibisyo, makakatulong din ito sa pagbibigay buhay sa health sector ng bansa.

Mga kapanalig, ang bisyo ay isang inordinate attachment sa isang materyal ba bagay. Isa itong sagabal sa ating relasyon sa Diyos. Tinatanggal nito ang ating kalayaan na magmahal at mahalin at ng mabuhay ng payapa at walang sinasaktan. Naway ang sin taxes ay maging wake up call sa ating lahat. Kung iniinda natin ang pagtaas ng presyo ng sigarilyo, beer at alak, mas indain po natin, mga kapanalig, ang masamang epekto nito sa ating pamilya, komunidad at lipunan.

Ekonomiya ng Bansa
Inihayag ng isang mambabatas na habang nakatuon ang malaking pundong makokolekta mula sa kontrobersyal na Sin Tax Bill, dapat ding tutukan ang apekto sa mga magsasaka. Ito ang idiniin ni Sen. Francis Chiz Escudero sa press conference na naganap sa lungsod na ito na kung saan siya ang panauhing pandangal sa pagbubukas ng Gov. Chavit Singson Inter-Town Basketball league kamakailan. Hindi lang ang income generation ang isaalang-alang sa batas na ito na paniningil ng mas mataas na buwis ng sigarilyo at alak, paliwanag ng senador na taga-Sorsogon, Kundi mabalanse rin ang apekto nito sa mga nagtatanim ng tabako at pati na rin sa mga cigarette at liquor manufacturers. Sinabi ni Escudero na dapat ding maglaan ng safety nets para sa mga magsasaka mula sa masingil na sin tax para matulungan sila sa mga pangangailangan sa pagtatanim ng tabako bagamat kailangan din ng pamahalaan ang dagdag na pundo para sa mga serbisyo at proyekto na babalik din sa mga mamamayan. Sinabi niya na pagdedebatehan nila sa Senado ang karapatdapat na dagdag na masingil na sin tax para sa kapakanan ng gobyerno, mga kompanya ng sigarilyo at alak lalo na sa mga magsasaka na malaki rin ang naitutulong sa pagyabong ng ekonomiya ng bansa. Sa bersiyon ng Komite ni Sen. Ralph Recto inilahad ang P20 bilyon na singil ng buwis at sigarilyo sa bawat taon dahil ito ang palagay niya na realistiko ngunit para kay Senador Miriam Defensor Santiago na sinang-ayunan din ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ay P60 bilyon ang dapat dahil sa Pilipinas lang ang pinakamababang singil ng alak at sigarilyo sa buong Asya.

Epekto at implikasyon ng RH bill


Ekonomiya
Isang kahibangan ang pagpapalagay na ang populasyon ay kailangang supilin upang umunlad. Ang Nobel Prize winner na si Simon Kuznets ang mismong nagsabi sa kanyang pag-aaral na walang matimbang na ebidensya ang nag-uugnay ng lumulobong populasyon sa paghihirap ng isang
RH Bill: Pagsugal sa Kinabukasan ng Kabataan Page 2 of 4

bansa. Sa halip, aniya, ang mabilis na paglago ng populasyon, kapag pinamahalaan nang maayos, ang siyang mas makapag-papaunlad sa ekonomiya. Bagamat dumadami nga ang bilang nating mga Pilipino, pinatutunayan ng istatistika na bumabagal ang pagdami ng ating bilang. Bumababa kasi ang Population Growth Rate pati na rin ang Total Fertility Rate ng ating populasyon. Ang pagpasa ng RH Bill ay isang panghihimasok sa natural na mga pangyayaring ito sapagkat papalawigin nito ang paggamit ng kontraseptibo upang supilin ang pagdami ng mga ipinapanganak. Samakatuwid, direktang tatabasan ng RH Bill ang bilang ng bawat henerasyong isisilang kasunod ng isang nauna. Malinaw na isang katakot-takot na epekto ng RH Bill ang madaliang pagtapyas sa populasyon. Itoy isang tukoy nang dahilan ng lubhang pagbaba ng replacement rate ng isang populasyon gaya nang dinaranas na ngayon ng Japan, Singapore, at marami pang bansa sa Europa. Bagamat mayayamang bansa sila, tumatanda na ang kanilang populasyon at hindi na sumasapat ang mga ipinapanganak na sanggol upang

mapanatiling matatag ang kanilang ekonomiya.

Lipunan
Ayon kay Akbayan Representative Riza hontiveros, ang pangunahing dahilan kaya marapat na ipasa ang RH ay para sa kalusugan at kapakanan ng mga mamamayan. Sinabi rin niya na mananatili paring illegal ang aborsiyo at mahigpit na ipnagbabawal. Pinaglalaban din ng Simbahang Katoliko ang pagpigil na ipasa ang batas. Ito raw ay isang paraan parang pumtay ng isang nilalang marami naman ang pwedeng paraan para mapabuti ang bansang Pilipinas. Ang pagpasa ng RH Bill ay isang malaking kasalanan sa Diyos at ito ay labas sa Kanyang kautusan. Ayondin sa PILAKK o Pederasyon ng Youth at Women Organization, ang RH Bill ay para sa mga kababaihan lalung lalo na sa mga mahihirap. Maiiwasan din ang paglalaganap ng STD, HIV, AIDS dahil sa ilang services ng RH. Karamihan sa babaeng Pinoy ay pabor na isulong ang health bill. Nais nila ito upang mapangalagaan din ang kanilang kalusugan. Hindi lingid sa ating kaalaman na araw-araw ay libu-libong ang mga babaeng namamatay dahil lamang sa panganganak. Marami rin ang nagiging komplikasyon sa mga ito dahil sa hindi inaasahang pagbubuntis o yung maagang pagdadalang-tao. Sinabi naman ng Gabriela Partylist na isulong ang RH ngunit alisin ang population control. Sila ay natatakot para sa mga kababaihan dahil ang population control ay magkakaroon ng negatibong epekto sa mga ito. Kung isusulong ang population control, kokontrolin ng mga babae ang pag-anak ngunit ito ay maaaring humantong sa mas kumplikadong sakit. Itinataguyod ng may-akda ang RH Bill upang mapigilan ang pagdami ng populasyon, at mapigilan ang lumalalang kahirapan sa Pilipinas. Ngunit hindi bam as dapat tutukan ang laganap na korupsyon sa ibat-ibang lugar? Ayon sa SWS survey, 1 sa 5 pamilyang Pinoy ang nagsabi na silay ay gutom at naghihirap sa nakalipas na tatlong buwan. Naitala din na sa CARAGA at ARMM ang may pinakamataas na poverty rate noong taong 2006. Ayon pa sa naisagawang statistics, kailangan ng P974.00 ang isang Pilipino upang matustusan ang kanyang pagkain buwan-buwan, at P1403.00, para masabing hindi siya naghihirap. Kung sa hindi mabilang na pagtaas ng bilihin, mukhang hindi lang ganyan ang kakailanganin ng isang karaniwang Pinoy. Isa pa sa isinusulong ay ang paggamit ng contraceptives, ito ay paraan para mapigilan ang paglaki ng pamilya, at paglaganap ng sakit. Ngunit ang paggamit ba nito ay makakasiguro ang gobyerno na magiging responsible ang mga lalaki at babae? Mahigit 2 bilyong pisong pondo ang inilaan para sa contraceptives. Ito raw ay para magkaroon ng contraceptives ang mga mahihirap. Ayon mismo sa Family planning survey ng NSO, siyam sa sampung tao ang handing bumili ng kanyang supply ng

contraceptives. Ngunit bakit kailangan pang gumastos ng bilyon-bilyon ang gobyerno? Mas maganda kung ilaan ang pondong ito para magpagawa ng mga eskwelahan o pondohan ang mas malalang mga uaspin katulad ng gamut para sa tubekulosis o ang dengue. Wala namang batas na nagbabawal sa tao ng contraceptives ngunit dapat tulungan nalang ng gobyerno ang mga mahihirap ng mga teknikal na kaalaman at kasanayan para magkaroon ng hanapbuhay at lumilikha ng opotunidad para sa sariling pamilya.