Araling Panlipunan 1 Pagbuo ng Kamalayang Pambansa

Ikalawang Markahan Modyul 1.1: Kolonisasyon at Kristiyanisasyon

Pagtuklas ng Pag-Unawa Sa bahaging ito aalamin ang iyong ang pag-unawa kung paano nakabuo ng isang bansa ang mga Pilipino bunga ng kanilang pagpupunyagi at pagbubuklod na wakasan ang kolonyalismong Español.Inaasahan na iyong masasagutan ang pang-unang pagsusulit na makatutulong sa pag-unawa at pagganap ng mga nakatakdang gawain sa sumusunod na pahina. Saklaw din ng bahaging ito ang pagsagot mo sa mga gawain na higit na makatutulong sa pag-unawa sa mahahalagang konsepto at magiging gabay sa pagbuo ng mahalagang tanong (Essential Question). Kaugnay nito ay inaasahan din na malinang mo ang anim na aspekto ng pag-unawa upang mapayaman at mapalawak ang mga kakailanganin sa pag-unawa (Essential Understanding). Panimulang Pagsusulit : Ngayon, subukin mo ng sagutin ang panimulang pagsusulit na magtatakda kung anon ang n ang iyong alam sa aralin. Handa ka nab a? Simulan mo na ang pagsagot . Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

1. Noong panahon ng pananakop ng ika-labinganim na siglo, ang Pilipinas ay pinamamahalaan ng A. Español B. Mehikano C. Amerikano D. Hapones 2. Ang pananakop ng mga Español sa Pilipinas ay A. nakapagpasigla sa mga Pilipino

B. isang malungkot na karanasan C. walang epekto sa buhay ng mga Pilipino D. isang mabuting karanasan sa mga Pilipino 3. Alin sa sumusunod ang hindi maituturing na salik sa pandarayuhang kanluraning Español sa ating lupain? A. Paghina ng impluwensiya ng Simbahang Katoliko sa Europe. B. Paglalakbay ni Marco Polo C. Krusada ng mga Katoliko D. Pagbubukas ng Suez Canal 4. Alin sa sumusunod na bansa sa Europe ang nanguna sa paglalakbay para maghanap ng ibang ruta papuntang Silangan? A. España B. Inglatera C. Pransya D. Portugal 5. Si Magellan ang unang dayuhang Europeo na nakarating as Pilipinas at nakipag-ugnayan sa mga katutubo. Ang unang pulo kung saan siya dumaong ay ang: A. Samar B. Homonhon C. Cebu D. Mactan 6. Alin sa sumusunod na pangyayari ang naging pinakamahalagang resulta ng paglalakbay ni Magellan para sa mundo? A. Ang pagkakatuklas sa Pilipinas B. Ang patunay na ang mundo ay bilog C. Ang pagkakatuklas ng mga rekado sa Moluccas D. Ang pagiging Kristiyano ng mga katutubo sa ating kapuluan 7. Maraming ekspedisyon ang ipinadala ng España sa Pilipinas. Sino sa mga namuno ng mga ekspedisyong ang nagbigay ng pangalang Filipinas sa ating kapuluan? A. Loaisa B. Cabot C. Villalobos D. Saavedra 8.Ano ang pinakamahabang pag-aalsang naganap laban sa mga Español A. Magat Salamat B. Dagohoy C. Tablot

D. Bankaw 9. Ano ang pahayagan ng Kilusang Propaganda ? A. Kalayaan B. War Bulletin C. La Solidaridad D. La Independencia 10. Ano ang itinatag at pinamatnugutang pahayagan ni Marcelo H. Del Pilar A. Diariong Tagalog B. La Solidaridad C. Kalayaan D. La Independencia 11. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit bigo ang mga naunang pag-aalsa A. Pera B. Armas C. Diwa ng pagkakaisa D. Tao 12. Ang sumusunod ay naging bayani ng mga Propaganda maliban kay : A. Jose Rizal B. Graciano Lopez Jaena C. Marcelo del Pilar D. Andres Bonifacio 13. Ang mga patakaran ng mga Español ay A. demokratiko B. Liberal C. Mapaniil D. Progresibo 14.Ang ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng mga Español ay A. Nasa kamay ng mga Español lamang B. Napaunlad ng mga Pilipino C. Napaunlad ng mga Español D. Nagpahirap sa kabuhayan ng mga Pilipino 15. Noong panahon ng pananakop ang Pilipinas ay pinamamahalaan ng mga A. Español B. Mehikano C. Pilipinong Datu D. Paring Español 16. Ang likas na yaman ng Pilipinas ay nalustay dahil sa mga patakarang A. Pangkabuhayan

B. Pangkultura C. Pulitikal D. Pulitikal at pangkabuhayan 17. Pinakamataas na pinuno ng simbahan A. Papa sa Roma B. Obispo C. Pari D. Madre 18. Ang kulturang Español ay _______. A.Umakma sa kulturang Pilipino B. Madaling natutuhan ng mga Pilipino C. Nakapag paangat ng kulturang Pilipino D. Malayo ang kaibahan sa kulturang Pilipino 19. Ang samahang itinatag ni Dr. Jose Rizal upang tulungang magkaisa ang mga Pilipino ay A. La Liga Filipina B. La Solidaridad C. La Independencia D. El Renacimiento 20. Ang pinaka mahalagang pangyayari na nagpaigting sa pagkagalit ng mga Pilipino sa mga Español A. Pagpapataw ng buwis B. Pagpunta n i Rizal sa España C. Pagbabawal sa pakikipagkalakalan D. Pagpatay sa tatlong Paring Martir

GAWAIN 1.PAGSUSURI SA MGA LARAWAN Panuto: Piliin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapamalas ng kolonisasyon ng mga Espanol sa ating bansa.

_________________

_____________________

_____________________

______________________ ___________________

________________________

______________________

_____________________

____________________

Mga Tanong : 1. Ano-ano ang larawan na iyong minarkahan ng tsek? 2. Ano ang kaugnayan nito sa kolonisasyon? 3. Paano ito naging bahagi ng kolonisasyon ng mga Español? 4. Paano makatutulong ang mga larawang ito na maunawaan ang tungkol sa pagsakop sa atin ng mga Español? GAWAIN 2. ALAM MO NA BA? 1. Sagutan mo ang Know-Want-Learn Technique upang mapalawig ang iyong pagtuklas sa kahalagahan ng araling tinalakay. 2. Direksiyon: Sagutin lamang ang una (Kung ano ang alam) at ikalawang hanay (Kung ano ang gustong mapag-aralan). Sasagutan mo ang ikatlong hanay (Kung ano ang natutuhan) pagkatapos pag-aaralan ang aralin upang mataya ang iyong pagkatuto. Paksa : Layunin ng Pagsakop ng mga Español sa mga Pilipino “?

Know ( Kung ano ang ala) Want (Kung ano ang gustong mapag-aralan) Learn (Kung ano ang natutuhan)

Know-Kung ano ang alam?

Want-Ano ang nais mapag-aralan?

Learn- Ano na ang natutuhan?

GAWAIN 3 : TUKUYIN MO : Panuto : Gamit ang mapa tukuyin ang mga lugar na napuntahan ni Legazpi. Kulayan ng asul ang mga lugar na kusang nasakop at lagyan ng kulay pula ang mga lugar na hindi tuluyang nasakop

Source:
ww.google.com.ph/imgres?imgurl=http://www.asiatravel.com/gifs/philsmap.jpg&imgrefurl=http://www.asiatravel.com/philmap.html&h= 539&w=485&sz=39&tbnid=StHFAI9wLuMv QM:&tbnh=87&tbnw=78&prev=/search%3Fq%3Dphilippine%2Bmap%26tbm%3Disch%26tb

GAWAIN 4. PULSO (Pag-unawa at Ugnayan Laan sa Opinyon) KO Panuto : Sagutin mo ang mga katanungan batay sa iyong malayang pananaw at opinyon.(Bawal ang mahiyain!) 1.Para sa akin ang kahulugan ng salitang kristyanismo ay____________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ 2.Pinili ko ang relihiyong _____________ sapagkat______________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ 3.Ang Pamahalaan at Simbahan sa panahon ng pananakop ng mga Español ay____________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ 4.Ang pananakop ng mga Español gamit ang relihiyon ay nagbunga ng____________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________

GAWAIN 5. MAGTANONG KA Panuto : Balikan ang mga nakaraang gawain at iugnay ang mga konsepto isinasaad ng mga larawan. Hinahamon kita na bumuo ng isang mahalagang tanong tungkol sa Kolonisasyon at Kristiyanisasyon. MGA LARAWAN

Linangin Ang Iyong Pag-unawa

Muling mong balikan ang naging mga kasagutan mo sa bahaging Pagtuklas. Isagawa ang mga mungkahing gawain upang masuri kung ang kakailanganing Pagunawa ng mag-aaral sa bahaging Pagtukas ay tama/katanggap-tanggap . Minumungkahing maging maingat ang guro sa hindi pag tanggap sa mga maling Kakailangain Pag-unawa. Sa bahaging ito naitama na kung mayroon man ang maling Kakailanganing Pag-unawa sa pamamagitan ng mapaghamong gawain.

ARALIN I – Kolonisasyon at Kristiyanisasyon

Paglulunsad Ng Mga EksplorasyonPaglulunsad Ng Mga Eksplorasyon

Sa larangang ng pangagalugad ng iba pang lupain sa mundo nauna ang bansang Portugal. Pangunahin layunin nito ay makatuklas sa ibang lupain ng mga pampalasa ng pagkain tulad paminta, luya at iba pa. Sapagkat noong panahon yaon ay isa ito sa pinakamahal na kalakal sa Europa. Katunayan monopolyo ng mga taga-Venice ang pag-angkat at pamamahagi sa Europeo ng mga bagay mula sa Silangan. Sila din lamang ang tanging nakakadaan sa Dagat Mediterranean. Bunsod kasi ito ng pahintulot ng mga Turkong Muslim na may hawak sa Dagat Mediterreanean matapos nilang tulungan sa pakikipagdigma laban sa Greece Ang paghahangad na wakasan ang monopolyo ng mga taga-Venice sa kalakalang Silangan-Kanluran ang nagtulak sa Portugal at iba pang bansa sa Europa na humanap ng ibang daanan patungong silangan.

Nanguna at naging magkaribal sa gawaing ito ang Espa ña at Portugal partikular sa lupain sa Silangan bilang kanilang kolonyal. Humantong ito sa hidwaan ng dalawang nasabing bansa kung kaya nagpalabas si Papa Alexander ng utos noong May 3, 1493 na nagbibigay karapatan sa Portugal na tumuklas ng mga lupain sa Africa at sa España naman ay sa Bagong Daigdig. Ngunit may mga hindi pa rin napagkakasunduan ang dalawang bansa hinggil sa hatian ng teritoryo. Kaya sa Kasunduan sa Tordesillas ay pinagtibay ang pagguhit ng isang imahinaryong linya namula sa hilagang polo patungong timog polo, sa kanluran ng Azores at Cabo. Ang mga lupaing matutuklasan sa silangan ng linya ay sa Portugal at lahat ng mga lupaing nasa kanluran ay sa España. Paglalayag ni Ferdinand Magellan
Isang katuparan kay Ferdinand Magellan ,isang Portuges, na matapos mabigo sa hari ng Portugal ang pagsang-ayon ni Haring Carlos I na makapaglayag siya upang hanapin ang mga bansa sa Silangan na may pampalasa gamit ang rutang pakanluran. Ang ekspedisyon ay binubuo ng limang barko at 264 na manlalayag ay tumulak mula sa San Lucar Espanya.

Naglayag sila papuntang kanluran kahit ang Spice Island ay nasa silangan. Sa halip na makarating sa nasabing pulo, napunta sila sa pulong malapit sa Samar. Dumaong sila sa pulo ng Homonhon noong ika -16 ng Marso, 1521. Sa baybayin naman ng Masau ipinagdiwang nila ang unang misang Katoliko noong Marso 31, 1521. Naglayag din sila patungong Cebu at nakipagkaibigan kay Rajah Humabon, hari ng Cebu. Noong ika-14 ng Abril, isa pang misa ang ginanap at ito ay sinundan ng pagbibinyag kay Raha Humabon na binigyan ng pangalang katoliko na Carlos at asawa niya na si Juana kasama ang 800 na katutubo. Sila ang kauna-unahang Kristiyanong Pilipino. Kasama ni Raha Kolambu, nagtungo ang pangkat ni Magellan sa Cebu noong Abril 17, 1521. Naging kaibigan ng mga kastila ang pinuno ng Cebu na si Raha Humabon at ang kanyang may bahay na si Reyna Juana. Dito ay muling nagtayo ng Krus ng Kristyanismo ang mga Espa ñol

Nais mamuno ni Magellan sa buong kapuluan kaya’t humingi siya ng buwis kay Lapulapu, pinuno ng Mactan. Hindi pumayag si Lapulapu kaya’t nagsimula ang pag-aaway nila ni Magellan. Noong Abril 27, 1521 naganap ang labanan ng kani-kanilang pangkat. Napatay si Magellan ng pagtulong-tulungan ng mga mandirigma ni Lapu Lapu. Sa tagumpay na ito kinilala si Lapu-Lapu bilang kauna-unahang Pilipinong nagpakita ng katapangan at pagmamahal sa sariling bayang sinilangan.

Mga Ekspedisyon pagkatapos kay Magellan Ekspedisyon ni Villalobos Pagkatapos ng pagkamatay ni Magellan ay ipinagpatuloy pa ng Espanya ang paglulunsad ng mga ekspedisyon. Sinundan ito ng ekspedisyon na pinamumunuan ni Roy Lopez de Villabos na nagnanais na marating ang Isla de Poniete. Taong 1543 nang dumating si Villalobos sa pulo ng Leyte. Siya ang nagpangalan sa ating bansa ng Felipinas bilang parangal sa haring España, si Haring Felipe II.

Ekspedisyon ni Miguel Lopez de Legaspi
Dumating naman si Miguel Lopez de Legazpi noong 1565 sa utos ni Haring Felipe II. Napadpad ito sa Samar, Leyte,Limasawa at Bohol bago ito dumating sa Cebu noong Abril 27, 1521 kung saan naitayo ang unang pamayanang Español Layunin nito na palaganapin ang Kristyanismo, sakupin ang Pilipinas at magtatag ng pamayanang España at pamahalaan,tukuyin ang mga lugar na pinagkukunan ng mga rekado at maghanap ng rutang patungong Mexico na babagtas sa Karagatang Pasipiko. Isa sa pinakatampok na pangyayari ng ekspedisyon ni Legaspi ay pakikipagsandugo nito kay Sikatuna, pinuno ng Bohol. Ang Sandugo ay ang sinaunang pamamaraan ng pagpapatibay ng pagkakaibigan. Karagdagan pa dito ay nang makarating sila sa Maynila ng bunsod pagpapahanap pa ng lupain. Noong Hunyo 24, 1571 ay idineklara ni Legazpi ang Maynila bilang kabisera ng Pilipinas. Si Legazpi ay nabigyan ng titulong Adelantad (na nangangahulugan ng paggamit ng sariling pondo para sa paglulunsad ng ekspedisyon) at naging kauna-unahang Gobernador-Heneral sa panahon ng Kastila. Dahil sa mga nabanggit ay kinikilala ang ekspedisyon ni Legaspi bilang pinaka matagumpay sa lahat na ipinadala ng España sa bansa.

Mga Dahilan sa Lubusang Pananakop ng mga Kastila

Sa kabuuan ng pananakop ay ginamit ng mga Kastila ang kahinaan ng mga Pilipino Katunayan may 600 na sundalong Espanol lamang ang bumubuo sa hukbong sumakop sa Pilipinas,hindi kasama ang Mindanao at Sulu.Gayupaman,nagawa nilang sakupin ang Pilipinas ng 333 taon. Ilan sa mga dahilan ng lubusang pananakop ng mga Kastila ay ang sumusunod: Kawalan ng pagkakaisa ng mga sinaunang Pilipino na maaaring napaigting ng pagkakahiwa-hiwalay ng mga pulo. Wala din pambansang institusyon tulad ng pamahalaan. Kawalan ng pinuno na may malakas at disiplinadong sandatahan na gamit tulad ng espada,kanyon at iba pang armas.Nahikayat ang mga sinaunang Pilipino sa kanilang paraan ng pamumuhay,gawi,at kaugalian. Dahil dito, mas madali silang napasunod at nasakop ng mga Español. Maliban sa mga nasabing dahilan ay nagamit din ng mga Kasitla ang impluwensiya ng Krisityanismo upang masakop ang bansa. Marami kasing pagkakahawig ang Kristiyanismo sa mga katutubong relihiyon kaya unti-unti ay maraming sinaunang Pilipino ang naging Katoliko. Ilan sa mga ito ay ang pananalig sa makapangyarihang Diyos,paniniwala sa espiritu at sa kapangyarihan ng mga namayapang ninuno. Kaya naman madaling niyakap ng mga katutubo ang Kristiyanismo at madali silang napasunod ng mga Kastila sa ibat-ibang aspeto ng kanilang pamumuhay tulad ng pangkultural, pampamalahaan, panlipunan at pangkabuhayan

GAWAIN 1. PLAKE NG PAGKILALA Panuto : Ikaw ay inaatasang gumawa ng plake ng pagkilala kay Magellan at Lapu-lapu. 1.Ano ang ilalagay mong laman ng kanilang plake? 2.Magtala ka ng iyong pagpapatunay sa nilalaman ng sertipiko ni Magellan at Lapulapu 3.Paano sila naugnay sa Kolonisasyon at Kristiyanisasyon? 4. Paano sila naka impluwensiya sa pagbuo ng mga Pilipino ng pagiging bansa na nagbigay wakas sa kolonyalismong Español?.

FERDINAND MAGALLANES Sertipiko

LAPU LAPU Sertipiko

GAWAIN 2. MAGSURI KA Panuto : Suriin ang naging kahinaan at kalakasan ng mga tao sa mga larawan na nasa kasunod na pahina, itala ang mgat ito at iugnay sa panahon ng kolonisasyon at pananakop.

MGA TALA( LAPU LAPU)

___________________________________________________ MGA TALA (MIGUEL LOPEZ DE LEGAZPI)

_______________________________________________________

MGA TALA ( RAHA HUMABON )

_____________________________________________________

Mga Gabay na Tanong : 1.Ano ang papel na ginampanan ng mga tao sa eksplorasyon at kolonisasyon ? 2.Paghambingin ang kanilang mga kontribusyon sa pagpapalawig ng kolonisasyon at eksplorasyon ? 3 Paano nakaapekto sa mga Pilipino ang pagdating ng mga Espavol sa pagbuo ng isang bansa? 4.Gumawa ng simpleng : slogan na may kaugnayan sa kanilang katangian at kontribusyon. ISLOGAN

GAWAIN 3. MAG - PIZZA TAYO Panuto : Bumuo ng pie graph na nagpapakita ng pagbabahagi sa bawat antas o porsyento ng mga dahilan ng pagsakop sa atin ng mga Español. Lumikha at magdisenyo ayon sa iyong pananaw.Hatiin ang mga dahilan sa bawat porsyento at tandaan na ang magiging kabuuan ng paghahati-hati ay isang daang porsyento o 100%. Bigyan ng paliwanag sa ibaba ang naging paghahati-hati ng mga dahilan at ipaliwag kung paano ito naging instrument sa pagbuo ng isang bansa ng mga Pilipino bunga ng kanilang pagpupunyagi at pagbubuklod na wakasan ang kolonyalismong Español.

GAWAIN 4.SIGAW NG DAMDAMIN BOARD Panuto : Sumulat sa Sigaw ng Damdamin Board at magpahayag ng iyong pananaw sa mga nagawa ng simbahan sa pagbuo ng isang bansa simula noong panahon ng Español hanggang sa kasalukuyan. Maging maingat sa pagsulat at pagpapahayag.

MGA PATAKARANG PANGKABUHAYAN SA PANAHON NG KASTILA Sa aspetong pangkabuhayan ay batid naman na isa pangunahing layunin ng Espanya ay magkamal ng kayamanan kaya ginastusan nila ang mga ekspedisyon sa paghanap ng mga lupaing masasakop katulad ng Pilipinas. Kaugnay pa nito ay kastila ang ilang patakaran na nakabuti sa kanila ngunit nakabigat para sa mga Pilipino tulad ng mga sumusunod na patakaran :

Kalakalang Galyon Ang Kalakalang Galeon o tinatawag din na Kalakalang Maynila-Acapulco ay naganap sa pagitan sa Pilipinas, España at Mexico noong huling bahagi ng ika-16 na siglo hanggang sa maagang bahagi ng ika-19 na siglo. Hinango ang \tawag dito sa

Dinala sa kalakalan ito ang pilak at ilang mahahalagang metal mula sa Bagong Mundo patungo sa Maynila upang bumili ng mga pampalasa mula sa Moluccas at ang porselana, ivory, lacquerware at seda mula sa Tsina at Timog-silangang Asya. Bagama't ginamit ang mga ito sa Mexico, karamihan sa mga kalakal ay dinala sa España, upang ipagbili sa Europeo . Itinuturing din ang kalakalan na ito bilang monopolyo ng pamahalaang Español dahil kanilang kinokontrol ang kalakalan panlabas na nagaganap noon. Tanging matataas sa lipunan lamang ang nakikilahok dito gamit ang kanilang pribilehiyo na indulto de comercio. Maraming katiwaliang naganap dito kaya inialis ito ng hari ng España noong 1815. Bunsod nito ay lalong nahirapan ang mga Pilipino sapagkat kailangang maparami nila ang mga produktong pangluwas na binibili lang naman sa sa murang halaga. Bandala Ang Bandala ay isang taunang pagbubuwis na nangangahulugang sapilitang pagtitinda ng mga ani, produkto at kalakal sa pamahalaan noong panahon ng Kastila. Maliban sa hirap ang mga Pilipino na matugunan ang itinakdang kaukulang dami at kalidad ng mga produktong sisingilin sa bawat pueblo o bayan ay itinatakda ng pamahalaan ay talo sila baba ng presyong ibinabayad na minsan pa nga ay hindi pa babayaran. Kapag hindi naman naabot ng magsasaka ang takdang dami ng produkto ay kinakailangang bumili sila ng pampuno sa kakulangan. Ang hindi makaabot sa itinakdang dami ay kinukumpiskahan ng mga produktong inilaan para sa sariling gamit ng pamilya. Monopolyo ng Tabako Ang Monopolyo ng Tabako ay isang programang pang-ekonomiya na pinasinayaan ni Jose Basco y Vargas noong 1781, labinlimang taon makalipas na ipakilala sa Pilipinas ang sistemang monopolyo. Ang programang ito ay nangangahulugan na ang pagtatanim, pag-aani at pangangalakal ng tabako ay nasa mahigpit na pangangalaga at kontrol ng pamahalaan – isang pamaraan upang matiyak at mapanatiling malaki ang kinikita ng Espanya dito. Kaugnay nito ay hindi nalinang ang kalayaan sa pagtatanim ng iba pang produktong agrikultural lalo na sa mga lugar kung saan ito lamang ang ipinapatanim. Sistemang Encomienda Sa sistemang ito hinati-hati ng mananakop na si Legaspi ang mga lupain sa Pilipinas, at ang bawat bahagi ay itinalaga sa mga pinagkakatiwalaang Español upang ito ay pangalagaan at pamunuan ang mga Pilipino. Tinatawag na encomendero ang namamahala sa mga lupain at humahawak sa pangkabuhayan ng sistemang ito. Ngunit mga pagpapahirap ang naranasan ng mga

Pilipino sa kamay ng mga encomendero . Nagbigay daan din naman ito sa samu't saring pag-aaklas ng mga Pilipino. Natigil lamang ang sistemang ito noong taong 1674 nang tuluyan ng binuwag ang sistemang encomienda sa Pilipinas kasabaya ang iba pa sa kolonya ng España. Sistemang Polo Nagsimulang pairalin ito noong 1580 Isa pang patakarang pinairal ng Español ang sistemang polo o sapilitang paggawa ng lahat ng lalaking katutubo mula edad 16 hanggang 60 sa loob ng 40 na araw taon- taon para sa mga proyektong pangsimbahan at pamahalaan. Alinsunod dito maaari namang umiwas sa polo ngunit kailangang magbayad ng falla. Kakaunti sa mga Pilipino ang may kakayahang magbayad ng falla dahil sa kataasan ng halaga nito. Kaya naman maraming Pilipino ang nagdusa sa hirap, pagtitiis at pagkawala ng ani at pagkagutom samantalang ang mga kastila ay namumuhay na puno ng kaginhawahan. Sistemang Tribute Itinatadhana sa batas ng mga Español na kailangang magbayad ng tribute ang mga nasasakupan. Ang tribute ay maaaring bayaran ng salapi o kalakal. Nagsimula ang paniningil nito mula pa noong manungkulan si Legaspi. Ang halaga ng tribute ay walong (8) reales hanggang katorse (14) reales. Libre sa pagbabayad ng tribute ang na nunungkulang gobernadorcillo, cabeza de barangay at mga pamilya nila, mga empleyado ng pamahalaan at sundalong pinarangalan. Binubug bog, tinatakot at kinukulong ang mga hindi nagbabayad nito. Inalis ang tribute noong 1884. Pinalitan ito ng cedula isang uri ng buwis batay sa kinikita ng tao. Ang Kolonyalismo at Pyudalismong Español Pagsakop ng mga Kolonyalistang Español sa Pilipinas sa Pamamagitan ng Kolonyal na Tropa Dahil walang pagkakaisa sa politika ang lahat o ang mayorya ng mamamayan sa kapuluan, hakbang-hakbang na naipataw ng mga kongkistador na Español ang kanilang gusto sa pamamagitan ng iilandaang kolonyal na tropa. Ginamit ang karaniwang taktikang maghati't maghari. Sa pamamagitan ng espada at krus itinatag ng Kolonyalismong Español ang unang pamayanang kolonyal sa Kabisayaan at pagkaraa'y sa Luzon. Subalit sa kabuuan ng kolonyal na paghahari ng Espanya, hindi nasakop ang mga sultanatong Islam sa Mindanao at Sulu. Mahusay na nakapagdepensa ang mga Moro dahil sa mataas na antas ng sistemang pang-ekonomiya at pagkakaisang pampulitika na naabot na nila noon.

Ang mga Pangunahing Katangian ng Lipunang Kolonyal at Pyudal na Pinairal ng Kolonyalismong Espanyol Kolonyal at pyudal ang klase ng lipunang nabuo sa mahigit tatlong siglo ng paghahari ng España. Isa itong lipunan na pundamental na pinaghaharian ng uring panginoong maylupa, kabilang ang kolonyal na mga opisyal na Espanyol, mga ordeng Katoliko at mga lokal na pinunong papet. Nanatili sa katayuang timawa ang masa ng mamamayan, at inagawan ng ari-arian kahit ang mga maharlika. Sistemang enkomyenda at sistemang asyenda – ang pang-ekonomyang batay sa kolonyalismong Español at pyudalismo. Upang palawakin ang pyudalismo sa malawak na bahagi ng Pilipinas, ipinatupad muna ng kolonyalismong Español ang sistemang encomienda. Ito ay paraang pyudal-militar na nagsilbing transisyon sa pagtatatag ng lipunang kolonyal at pyudal. Ang encomienda ay malawak na lupaing gantimpala ng hari ng España sa mga kolonyal na upisyal at iba pang indibidwal na nagpakita ng katapatan o nakagawa ng mahalagang serbisyo sa kapangyarihang kolonyal, gayundin sa mga ordeng relihiyoso at institusyong pangkawanggawa. Sa pamamagitan ng sistemang ito, pwersahang tinipon para mas mahigpit na makontrol ang iba’t ibang prekolonyal na komunidad, ipatupad ang koleksiyon ng mga buwis, palaganapin ang Katolisismo at organisahin ang sapilitang paggawa at konskripsyon. Nilusaw ng sistemang encomienda ang komunal na pag-aari ng lupa. Kinamkam ng mga enkomendero ang malaking bahagi ng kalupaan at ang tira ay ipinaubaya sa mga katutubong upisyal at katiwala ng kolonyalismong Español. Idineklarang pag-aari ng hari ng Español ang mga lupa sa kagubatan at mga lugar na di sinasaka. Nilusaw ang mga enkomyenda at pinalitan ng pangangasiwa sa pamamagitan ng mga probinsya noong ika-17 siglo pagkatapos mapatatag ang kolonyal na pagkontrol sa mga lokalidad, gayundin ang pribadong pagaari ng mga Espanyol sa malalawak na lupain. Mula huling bahagi ng ika-16 siglo hanggang maagang bahagi ng ika-19 siglo ang pangunahing pinagkaabalahan ng mga kolonyal na opisyal at mga ordeng relihiyosong mahilig sa negosyo ay ang kalakalang Galeon sa pagitan ng Maynila at Acapulco, Mexico. Ang mga kalakal mula sa Tsina at ibang kalapit-bayan ay ibinabagsak sa Maynila, hinahakot ng mga barkong Galeon at ipinagbibili sa Mexico. Napakalaki ng kinita ng mga opisyal at prayleng Español sa kalakalang Galeon hindi lamang dahil sa napakataas na presyo at benta sa Europa ng mga produktong mula Tsina. Ang Galeon, daungan at daang gamit sa kalakalan at pati ang paghahakot ng mga produkto ay ginamitan ng sapilitang paggawa ng mga katutubo. Bumagsak ang kalakalang Galeon noong huling bahagi ng ika-18 siglo kasabay ng pagbagsak ng España sa harap ng paghamon ng mga umaabanteng bayang kapitalista ng Europa at Hilagang Amerika. Nang bumagsak ang kalakalang galyon, napilitan ang España na buksan ang Pilipinas sa mga dayuhang kapitalista, pangunahin ang mga Ingles, Amerikano at Pranses. Sinimulan ang malawakang pagbubungkal ng mga pananim na pang-eksport na kailangan ng mga pabrika sa Europeo, tulad ng tubo,

abaka, niyog, tabako, indigo at iba pa. Ipinatupad ang sistemang asyenda at lalong pinatindi ng kolonyalismong Español ang pagsasamantalang pyudal sa masang magsasaka. Sa sistemang asyenda, pinilit ang masang magsasaka na magpalitaw ng labis na produkto hindi lang para sustentuhan ang pagkain at luho ng mga dayuhan at katutubong panginoong maylupa at opisyal. Pinilit silang silang piniga upang makaani ng papalaking kantidad ng hilaw na materyales na ieeksport sa mga bayang kapitalista. Lalong lumubha ang pang-aagaw ng lupa at lalong pinataas ang upa sa lupa at mga buwis. Minomonopolyo ng mga prayle at kolonyal na opisyal ang kalakalan sa mga produktong pinakamalaki ang kita. Lalong bumigat ang sapilitang pagpapagawa sa mga kalsada, tulay at daungang gamit sa paghakot ng mga produktong pang-eksport. Sa paglawak ng pakikipagkalakalan sa mga bayang kapitalista, nahinog ang pyudalismo sa Pilipinas at lumitaw sa loob ng likas na ekonomiya ang sistemang kalakal at ekonomiyang nakabatay sa salapi.

GAWAIN 1. DATA RETRIEVAL CHART Panuto : Punan ng kaukulang hinihingi na impormasyon ang bawat kahon. Suriin at pag-aralan ang ibat-ibang patakaran ng mga Español bilang instrumento ng kanilang kolonisasyon na nagdulot ng mga pagbabago sa sinaunang pamayanang Pilipino sa pamamagitan ng Data Retrieval Chart.

Patakaran ng Mga Español

Paano ito Ipinatupad ?

Reaksiyon ng mga Pilipino sa Pagpapatupad

Bunga/Resulta Paano naging ng banta/oportunidad Pagpapatupad ang Sistemang ito sa Pagpupunyagi at Pagbubuklod na wakasan ang Kolonyalismong Español?

Monopolyo ng Tabako

Sistemang Encomienda

Sistemang Polo

Sistemang Tributo

Sistemang Bandala

Kalakalang Galleon

Mga Gabay na Tanong : 1.Ano- ano ang patakarang pang- ekonomiya, sosyal, at pampolitika na nagdulot ng makabuluhang tranpormasyon sa pagbuo ng ng bansang nagpupunyagi at nagbubuklod para sa pag-unlad nito? 2.Paano hinarap ng mga Pilipino ang ibat ibang uri ng pagbabago sa lipunan? 3. Ang mga sistema ng España ay nakabuti sa mga Español o nagsilbi lamang itong kasangkapan upang lalo nilang ipakita ang kanilang kapangyarihan sa mga katutubo? 4.Paanong ang mga pamaraang ito ng mga Español ay naging bahagi sa pagbuo ng pagpupunyagi at pagbubuklod ng mga Pilipino na wakasan ang kolonyalismong Español ? GAWAIN 2. VIDEO CLIPS ANALYSIS? Panuto : Ikaw ngayon ay manonod ng ilang video clips sa Rizal the Movie. Sagutin ang mga kasunod na tanong matapos mapanood ang video clips

MGA TANONG : 1. Ano ang iyong naramdaman pagkatapos mapanood ang video clips? 2. Batay sa pinanood, paano winakasan ni Rizal ang pagka-alipin sa mga Español? 3. Paano nagpunyagi ang mga Pilipino upang wakasan ang kolonyalistang Español at bumuo ng isang bansa? 4. Paano ginising ni Jose Rizal ang damdaming makabansa ng mga Pilipino? 5. Ano anong pamaraan ang ginawa ni Jose Rizal para makabuo ang mga Pilipino ng isang bansa na bunga ng kanilang pagpupunyagi ?

ARALIN 2. PAGSIBOL NG NASYONALISMONG PILIPINO Paano tinanggap ng mga Pilipino ang pananakop? Isang bayang dating Malaya ang sinakop ng mga dayuhan, hinubog ang relihiyon, gawi, asal at mga paniniwala ng mga tao upang magsilbi sa interes ng mga dayuhang mananakop. Pinilit magtrabaho at magbayad ng buwis, inagawan ng lupa’t ari-arian, at inalisan ng mga karapatang pantao ang mga Pilipino ng mga Español.

Mga Dahilan ng Rebelyon at Reaksiyon ng Kolonyang Pilipinas Sa tatlong daan taon ng pananakop ng mga Español, hindi naging madali para sa kanila ang pamahalaan ang bansa. Ibat-ibang reaksyon ang kanilang tinanggap

mula sa kolonyang Pilipinas. Ang sumusunod ay pagtalakay sa ibat-ibang reaksyon ng mga Pilipino sa kolonyalismo. Marami ring mga Pilipino sa kolonyang Español ang nagwalang- bahala sa mga maling gawain at pang- aabuso ng mga mananakop. Marahil sa kalayuan ng bansa sa España, ang mga hinaing ng mga Pillipino ay hindi nakarating sa Hari ng España o kaya naman ay binigyan ng panandaliang lunas ng mga namumunong Español. Sa ganitong mga pangyayari, nagkaroon ng mga saloobing pagwawalang bahala o walang pakialam ang ibang Pilipino. Sapat na ang mairaos nila ang pangaraw-araw na pangangailangan. Walang dahilan para sila ay magpakasipag at tumulong sa pagsasasaayos at pag-unlad ng bansa sapagkat hindi rin sila ang makikinabang. Subalit ang mga patakarang sapilitang paggawa, di makatarungang patakarang panlupa ang talagang nagtulak sa mga Pilipino upang mag-alsa at lumaban sa mga Español. Pagtutol sa Relihiyon Isang Babaylan si Tamblot na namuno sa daan- daang Boholano na nagnais maibalik ang kanilang katutubong pananampalataya. Isa pang pag-aalsa na may ganitong dahilan ni Bangkaw na umabot hanggang Leyte, ngunit natalo rin sila ng mga Español. Pinag-alsahan ng mga Ilongot ang pamimilit sa kanila na talikuran ang kinagisnan nilang relihiyon at tanggapin ang kristiyanismo. Nalutas ang pag-aalsa ngunit hindi rin lubos na tinanggap ng mga Ilongot ang relihiyon ng mga Español. Tinanggihan ng mga Dominikano si Apolinario dela Cruz sa pagnanais nitong maging pari dahil siya ay isang katutubo. Bunga nito, nagtatag na lamang si dela Cruz, ng isang kapatirang nakilala sa pangalang Cofradia de San Jose sa Tayabas.Tinawag na Hermano Pule si dela Cruz ng libo libo nilang tagasunod. Nilusob ang kapatiran ng puwersang Español. Pagtutol sa Mga Patakarang Kolonyal Labis ang paghihirap sa pagbabayad ng tributo, sapilitang paggawa, indulto de comercio at iba pang mapang- aping patakaran ng mga Español. Kaugnay nito, naganap ang rebelyon ni Magalat sa Cagayan bilang pagtutol sa sapilitan at dimakatarungang pangongolekta ng tribute. Upang masugpo ang pag-aalsa, umupa ang mga Español ng taong pumatay kay Magalat. Sa Kabisayaan, tinutulan nina Juan Ponce Sumoroy at Pedro Caamug ng Samar ang kautusan ni Gobernador Diego Fajardo na magpadala ng mga polista sa pagawaan ng mga barko sa Cavite. Sa pamamagitan ng mga pinadalalang sundalo mula sa mga na-Kristiyanong katutubong Lutao, pinilit magapi ng pamahalaang kolonyal ang pagaalsa ni Sumoroy at ng kanyang mga tagasuporta. Kalaunan, pinugutan si Sumoroy ng dalawa sa kanyang mga tauhang nagtaksil sa kanya at iniharap ang kanyang ulo sa alcalde mayor ng Samar. Noong 1719, sa pamumuno ni Juan Caragay ng Dagupan at Juan de la Cruz Palaris ng Binalatongan noong 1762, nag-alsa ang mga taga- Pangasinan laban sa malupit na paniningil ng tributo, katiwalian at iba pang pagmamalabis ng kanilang alcalde mayor. Hiniling din nilang alisin sa tungkulin ang alcalde mayor dahil sa mga

katiwalian nito. Kapwa pinatay sina Caragay at Palaris sanhi ng kataksilan ng kanilang mga kababayang nakipagsabwatan sa mga Español. Nabibilang si Diego Silang sa pamilyang principalia ng Vigan, tatlo ang hinaing niya sa pag-aalsa: mabigat na pagpapataw ng buwis, pagsikil sa kalayaan at pangaabuso ng alcalde mayor sa paggamit ng indulto de comercio. May limang buwan ding nahawakan ni Diego Silang ang Vigan. Pinatay si Diego Silang ng matalik niyang kaibigang si Miguel Vicos. Ipinagpatuloy ng asawa niyang si Gabriela Silang ang kaniyang sinimulang pakikipaglaban. Pagkaraan ng apat na buwan, nahuli at binitay si Gabriela. Ang pag-agaw ng mga prayleng Español ng mga lupa ng mga katutubo ay isa ring pangunahing dahilan ng mga pag-aalsa, ganito ang naganap sa pag-aalsa ni Matienza ng Nasugbu at Lian Batangas.

Personal na Karaingan Noong 1574, si Lakandula ang Rajah ng Tondo, at ang kaniyang pamangkin na si Rajah Sulayman ang lumusob sa katatayong kuta ng mga Español sa Maynila. Naganap ito dahil sa hindi pagsunod ng mga Español sa kanilang pangako sa dalawang Rajah at kanilang pamilya na hindi sila pagbabayarin ng buwis. Natapos ang pag-aalsa nang mamagitan si Juan de Salcedo na nagsabing tutupad ang pamahalaan sa pangako. Pinangunahan ni Andres Malong ng Pangasinan ang pag-aalsa na lumusob sa mayamang pamayanan ng Bacnotan at Lingayen, napatay ni Malong ang alcalde mayor, at inihayag ang sarili bilang hari ng Pangasinan subalit nagapi si Malong nang sumaklolo ang mga Español, ganun din ang nagyari kay Pedro Almazan, inihayag din ang sarili bilang hari ng Ilocos. Itinuturing na pinakamahabang pag-aalsang isinagawa ng mga hindi Muslim. Ang pag-aalsa ni Francisco Dagohoy ay nagsimula sa isang personal na hinanakit. Tumangging basbasan ng paring Heswita na si Padre Gaspar Morales ang bangkay ng kapatid ni Dagohoy na namatay sa pakikipag-duwelo. May tatlong libong Boholano ang sumama kay Dagohoy, hindi dahil nakisimpatya sila kay Dagohoy kundi may kimkim na rin silang galit sa mga Español.

PAG-USBONG NG NASYONALISMONG PILIPINO Sa mga pag-aalsang naganap, unti unting nabuksan ang kamalayan ng mga katutubo. Ang magkakatulad nilang mga suliranin at mga hinaing ay dapat magbunga ng pagkakaisa. Walang naabot ang mga pag-aalsa dahil walang nakaplanong mga susunod na aksiyon. Walang pagpaplano dahil walang pagkakaisa. Ang sunod-sunod na pangyayari noong ika-19 na siglo ang nagsilbing mitsa ng pagkakaisa na nagbunga ng paggising sa nasyonalismo ng mga Pilipino. Tunghayan ang mga pangyayaring nagsilang sa konsepto ng pagka-makabansa ng mga Pilipino. A. Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Pangkalakalan Nang itigil ang kalakalang Galleon, binuksan ang Pilipinas sa pandaigdig na kalakalan. Bunga nito, pumasok na rin ang malalayang kaisipan mula sa Europa at Amerika na pinabilis pa ng pagbubukas ng Suez Canal noong 1869. Mabilis na nakarating sa Pilipinas ang dayuhang nagtataglay ng mga ideyang liberal. Dito namulat ang mga Pilipino sa ideya ng pagkakapantay- pantay, kapatiran at kalayaan na nagsulong sa Himagsikang Amerikano at Pranses. Natanto nila ang kanilang kalagayan at ito ang nagtulak upang humingi ng reporma mula sa mga Español. B. Suliranin sa Sekularisasiyon Naglabas si Papa Pio V ng exponi nobis, isang pahintulot na ibinibigay sa mga paring regular na mamahala sa mga parokya na labas sa kapangyarihan ng mga Obispo. Dahil sa kautusang ito, naapektuhan ang mga paring sekular na karamiha’y katutubo dahil inalisan sila ng pinamamahalaang parokya. Dahil dito, napilitan ang mga paring sekular na karamiha’y mga Pilipino na ipaglaban ang karapatang mamahala sa mga parokya. Bunga nito, kanilang hiniling ang sekularisasyon ng mga parokya mula sa kontrol at pamamahala ng mga paring regular. C.Rebelyon sa Cavite Idinawit ng mga Español na may kinalaman sa pag-aalsa ang tatlong paring martir na sina Jose Burgos, Jacinto Zamora at Mariano Gomez sa isang pag-aaklas ng mga manggagawa sa arsenal ng Cavite. Matapos ang kunwaring paglilitis na kung saan nagharap ang pamahalaan ng mga bulaang saksi, ginarote sa Bagumbayan ang tatlong pari. Ang pag-aalsang ito sa Cavite ay nagpatindi sa hidwaan ng mga creoles at penisulares. Maraming creoles ang hinuli at ang iba ay pinatapon sa Marianas. D.Ang Liberal na Pamamahala ni Gob. Carlos Maria de la Torre Ipinadala sa Pilipinas si Carlos Maria Dela Torre noong 1869. Napamahal sa mga Pilipino ang Gobernador dahil sa makatao niyang patakaran. Pantay ang pagtrato niya sa mga Español at Pilipino. Pinairal niya ang kalayaan sa pananalita at pamamahayag. Ipinatigil din niya ang pamamalo sa mga katutubong iniiwan ang tungkulin, pinatawad niya ang mga nag-alsa laban sa pamahalaan. Subalit pinalitan

agad siya ni Rafael de Izquierdo. Taliwas ang ugali at pamamalakad ni Izquierdo kay de la Torre. Isa ito sa naging sanhi ng pag-aaklas sa Cavite noong 1872. E. Ang Pagsulpot ng Uring Ilustrado Ang mga Ilustrado ay binubuo ng nakapag-aral na mga mestisong Kastila at Tsino at ilang mga katutubong mayayamang Pilipino. Sila ay karaniwang nakapag-aral sa Maynila at Europa. Sila yaong nakabasa ng mga ideyang liberal at nakipagpalitan ng kuro-kuro sa mga taong may liberal na kaisipan. Sila, sa dakong huli ang nagpahayag at nagsiwalat tungkol sa mga hinaing at hinanakit ng mga Pilipino. Sila ang namuno kalaunan sa kilusang humihiling ng pagbabago sa pamamalakad sa Pilipinas. GAWAIN 1.SHOUT OUT Isigaw ang iyong mga nabasa, napag aralan at saloobin sa mga dahilan ng pagaalsa ng mga Pilipino laban sa mga Español. Isulat sa nakalaang espasyo ang iyong mga isisigaw na mensahe ( SIDE A). Sa katapat ay isulat (SIDE B) kung paano ito naging bahagi sa pagbuo ng isa sa kanilang pagpupunyagi at pagbubuklod na wakasan ang kolonyalismong Español. Isulat sa sagutang papel.

SIDE A

SIDE B

GAWAIN 2.TIMBANGIN NATIN Panuto : Timbangin at suriin ang mga pangyayaring nag-pausbong sa damdaming makabansa ng mga Pilipino. Bigyang katuwiran kung naging makabuluhan ang salik sa pag-usbong ng damdaming makabansa mula sa mga pangyayari. Magtala ng 30 salita upang patunayan ang mga sagot. Ipamahagi ang 100 porsiyento sa apat na salik na ang paghahati- hati ay ayon sa iyong pangangatuwiran at pag-unawa( (Halimbawa. 20%,30%,50% at 10% ayon sa iyong pag-unawa)

Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Pangkalakalan (____%) ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ Suliranin sa Sekularisasyon (____%) ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ Ang Liberal na Pamamahala ni Gob. Carlos Maria De la Torre (_____%) ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________

Ang Pagsulpot ng Uring Ilustrado (_____%) ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________

GAWAIN 3. MANINDIGAN KA Ipahayag ang iyong malaya at malawak na opinyon tungkol sa isang isyu. Isulat ang pahayag sa bahaging nais mong panindigan. Sa ganitong paraan masusuri mo ang mga pangyayari at salik sa pag-usbong at paglinang ng nasyonalismong Pilipino.

OO

HINDI

Nakatulong ba sa pagbuo ng isang bansa ang pagsakop sa atin ng mga Español? Oo/Hindi at paano kumilos ang mga Pilipino sa kanilang pagpupunyagi at pagbubuklod na wakasan ang kolonyalismong Español?

GAWAIN 4. FACTS RETRIEVAL TAYO Panuto: Kompletuhin mo ang tsart ayon sa hinihingi upang masuri ang naging dinamismo at padron ng mga pag-aalsa na naganap sa ilalim ng kolonyalismong Español. Pagsusuri sa Kabiguan ng mga Pag-aalsa sa Pamamagitan ng Pagkumpleto sa Tsart

Mga Pinuno ng Pag-aalsa

Saan Naganap ang Pag-aalsa?

Dahilan ng Mga Pag-aalsa?

Naging Resulta ng Pag-aalsa?

Mga Gabay naTanong sa Pagpapalalim 1. Paano sumibol ang nasyonalismong Pilipino batay sa mga inilunsad na pagaalsa? 2. Kung nabuhay ka ng mga panahong iyon, ano ang gagawin mong pagtatanggol sa bansa upang maipadama mo ang iyong pagiging tunay na Pilipino ? Ilahad mo ito? 3. Para sa iyo alin ang pinakamalubhang pag-aalsa na nagpamulat ng damdaming makabansa ng mga Pilipino? 4. Paanong naging instrumento ang mga pag-aalsa sa pagbuo at pagpupunyagi na wakasan ang Kolonyalismong Español? 5. Paano naging instrumento ang pag aalsa para mabuo ng mga Pilipino ang pagiging isang bansa na nagbigay-wakas sa kolonyalismong Español?

ARALIN 3.ANG KATIPUNAN AT ANG REBOLUSYON

Ang hindi pagkakaloob ng reporma sa mga propagandista ay nagtulak sa mga Pilipino na maglunsad na ng malawakang armadong pakikibaka. Sinimulan ng mga karaniwang mamamayan ang paglagot sa tanikala ng pagkaalipin. Ito ang panahon ng pagpapatunay na dapat kumilos para sa kalayaan at karapatan. Anak, asawa, magulang at kapatid ay napilitang iwan alang-alang sa pagtatanggol sa bayan ng mga Katipunero. Ito ang panahon ng tunay na katapangan at kabayanihan.

ANDRES BONIFACIO AT KATIPUNAN Noong gabi ng Hulyo 7, 1892, itinatag nina Andres Bonifacio, kasama ang mga dating kasapi ng La Liga Filipina na sina Ladislao Diwa, Deodato Arellano, Teodoro Plata, at Valentin Diaz ang Kataas-taasang Kagalang-galang na Katipunan mga Anak ng Bayan sa isang bahay sa Calle Azcarraga (ngayo'y Claro M. Recto Avenue). Sa kabila ng nilalaman ng karamihan, si Bonifacio ang ikatlong Pangulo. Nangalap sila ng mga pondo at sandata, sa abot ng kanilang makakaya. Humingi rin sila ng tulong sa isang barkong pandigma ng Hapon na nakadaong sa Maynila Para maikalat ang kanilang panawagan ng isang mapagpalayang himagsikan, inilimbag ng Katipunan, sa tulong ng isang palimbagan na binili ng dalawang Katipunero na sina Candido Iban at Franciso del Castillo (na parehong nagtatag ng Katipunan sa Kabisayaan), ang pahayagang Kalayaan. Para di malaman ng mga Español ang kinaroroonan ng palimbagan, ipinalabas na si Marcelo H. del Pilar ang patnugot nito at sa Yokohama, Japan ang lugar ng palimbagan. Hindi nagtagal at dumami ang mga kasapi ng Katipunan. Mula sa unang balangay nito sa Tondo, nagtatag ang Katipunan ng mga sanggunian nito sa mga bayan ng San Juan del Monte, Pasig, San Felipe Neri, Pateros, Marikina, Kalookan, Malabon, at di kalauna'y sa ilang mga bayan sa mga lalawigan sa Visayas. Nagkaroon din ng sangay pangkababaihan ang Katipunan. Umanib ang kauna-unahang babaeng kasapi nito noong 1893. Sa kabuuan, mula sa mahigit na 300, lumaki ang Katipunan sa mahigit 30,000 kasapi bago ang pagputok ng himagsikan noong Agosto 1896. May tatlong pangunahing layunin ang Katipunan. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: • magkamit ng kalayaan mula sa España sa pamamagitan ng himagsikan • pagbabago sa sarili tulad ng pagwawaksi sa bulag na pananampalataya, karuwagan, at iba pa. • pagtutulungan sa isa’t-isa sa mga panahon ng paghihirap at kagipitan Inilagda ang kanilang mga pangalan sa sariling dugo, nagbigay ng 25 sentimos na paunang-bayad at nangakong magbubuwis ng 12 sentimos buwanbuwan ang mga bagong kasapi ng Katipunan. Maliban pa rito, nanghikayat pa sila ng iba pang nais sumapi. Upang mailihis ang mga Español, gumamit sila ng mga sagisag-pangalan na gagamitin sa samahan sa halip na mga tunay na pangalan.

Sigaw sa Pugad Lawin Nang matuklasan ang Katipunan noong Agosto 19, 1896, nag-utos si Andres Bonifacio na magtungo ang lahat ng kasapi ng Katipunan sa Balintawak. Noong Agosto 23, 1896, sa isang pagpupulong, napagpasyahan ng mga pinuno at kasapi ng Katipunan na simulan na ang himagsikan sa kabila ng matinding kakulangan ng armas at paghahanda. Ang nasabing pangyayari ay nakilala sa tawag na “Sigaw sa Pugadlawin,” ang opisyal na pagsisimula ng Rebolusyong Pilipino ng 1896. Sa pulong, matapos ang pagpapasiya kinuha ni Bonifacio ang kanyang sedula na patunay ng pagka-mamamayan sa ilalim ng Espana at pinunit iyon habang sumisigaw ng” Mabuhay

ang Pilipinas.” Sinundan iyon ng mga Katipunero na pinunit din ang kanilang mga sedula na simbolo sa paglaya sa kolonyalismong Español. Kumbensyon sa Tejeros Ang lalawigan ng Cavite ang itinuturing na moog ng himagsikan sa unang yugto ng Rebolusyong Pilipino. Pinakamatagumpay ang mga taga-Cavite na mapalaya ang halos buong lalawigan sa kamay ng mga Español. Subalit ang tagumpay na ito ay nagdulot ng pagkakahati sa ilang mga kasapi nito na naghahangad na mapasakanila ang pamumuno ng himagsikan. Upang malunasan ang pagkakahati ng mga Katipunero sa Cavite sa pagitan ng Magdalo at Magdiwang, nagtungo si Andres Bonifacio sa lalawigan bilang Supremo ng Katipunan. Subalit sa halip na pagkakaisa, nagdulot ito ng pagpapalit ng bagong pamahalaan na nagbigay daan sa pagkawala ng Katipunan. Sa isang pulong noong Marso 22, 1897 sa Tejeros, San Francisco de Malabon, matapos ang mainit na pagtatalo tungkol sa pagtatatag ng isang pamahalaang rebolusyonaryo, napilitan si Bonifacio na pumayag sa kagustuhan ng nakararaming nagsidalo sa pulong. Napilitan si Bonifacio pumayag na magpalit ng bagong pamahalaan at maghalal ng bagong pamunuan ng himagsikan. Sa idinaos na eleksyon, ang mga nahalal ay ang sumusunod : Pangulo : Pangalawang Pangulo: Kapitan Heneral: Direktor ng Digmaan: Direktor na Panloob: Emilio Aguinaldo Mariano Trias Artemio Ricarte Emiliano Riego De Dios Andres Bonifacio

Samantalang inihayag ang pagwawagi ni Bonifacio, tumayo si Daniel Tirona, isang tauhan ni Aguinaldo at tumutol sa proklamasyon ni Bonifacio dahil ayon sa kanya ay kailangang tapos ng abogasya ang uupo sa posisyong ng Direktor na Panloob. Nagalit si Bonifacio sapagkat napag-usapan na sinuman ang mahalal ay igagalang dahil iyon ay ang kapasyahan ng nakararami. Muntik pang mabaril ni Bonifacio si Tirona. Sa huli idineklara ni Bonifacio bilang Supremo ng Katipunan na walang bisa ang ginanap na pulong at halalan sa Tejeros. Pagpatay kay Bonifacio Iniutos ni Aguinaldo ang paghuli kay Bonifacio at sa kaniyang mga tapat na tauhan. Nagkaroon ng isang maikling labanan ng mga puwersang Aguinaldo at Bonifacio, napatay ang kapatid ni Bonifacio at nasugatan si Procopio. Kinulong si Andres at Procopio at nahatulan ng kamatayan ang dalawa, Binabaan ni Aguinaldo ang parusa at ginawang pagpapatapon na lang. Subalit matapos ang pakiusap ng ilang dating kasamahan ni Bonifacio na bumaligtad sa panig ni Aguinaldo, ibinalik ni Aguinaldo ang orihinal na hatol na kamatayan sa magkapatid na Andres at Procopio. Sa Bundok Tala sa bayan ng Maragondon, Cavite isinagawa ang parusang kamatayan sa magkapatid na Bonifacio. Si Lazaro Makapagal namuno sa mga sundalong nagpatupad ng parusang kamatayan.

GAWAIN 1. Pagsusuri ng Dokumentong “Dekalogo ng Katipunan ni ANDRES BONIFACIO

Ang Dekalogo ng Katipunan Ni Andres Bonifacio 1. Mahalin mo ang Diyos nang buong puso. 2. Laging isaisip na ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal din sa iyong kapwa. 3. Itanim sa iyong puso na ang tunay na sukatan ng karangalan at kaligayahan ay ang mamatay para sa kalayaan ng iyong bayan. 4. Ang lahat ng iyong magagandang hangarin ay magtatagumpay kung ikaw ay may kapayapaan, katuwiran at paniniwala sa iyong mga kilos at gawain. 5. Ipagtanggol ang mga kautusan at layunin ng Katipunan tulad ng pagtatanggol sa iyong karangalan. 6. Pananagutan ng lahat na iligtas, sukdang manganib ang kanilang buhay at kayamanan, ang sinumang malalagay sa malaking panganib sa pagtupad sa kaniyang tungkulin. 7. Ang ating pananagutan sa ating sarili at ang pagtupad ng ating mga tungkulin ay magsisilbing huwaran ng ating mga kababayan. 8. Hanggang makakaya mo, ibahagi ang iyong kayamanan sa mahihirap at kapuspalad. 9. Ang pagsisikap sa gawaing nagbibigay ng iyong ikinabubuhay ay ang tunay na batayan ng pagmamahal- pagmamahal sa iyong sarili, sa iyong asawa at mag anak at sa iyong kapatid at kababayan. 10. Parusahan ang sinumang buhong at taksil at purihin ang lahat ng mabubuting gawa. Gayon din, paniwalaan na ang layunin ng Katipunan ay kaloob ng Diyos, dahil ang kalooban ng taong-bayan ay kalooban din ng Diyos. Ginawa ni: Rommel Reyes BSCS UP-Manila. Hango mula sa, Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas ni Agno, Cristobal, Juanico, Libunao, at Tadena.

SOAPS Tone

Mga Katanungan

Kasagutan Kailangan isulat ang bahagi ng dokumento na ipinapahayag ang kasagutan

Speaker

Sino ang tagapaghatid ng mensahe?Sino ang taga pagsalay say ng dokumento?

Occasion

Ano ang kondisyon o pangyayari ng mga panahong iyon? Mahihinuha ba ito sa dokumento? Kanino inialay ang dokumento?Para kanino nilikha ang dokumento? Mababatid ba ito sa dokumento? Ibigay ang layunin ng sumulat ng dokumento?Bakit kaya nilikha ang dokumento? Ano ang motibo o layunin ng may-akda? Ano ang nais na maipahiwatig ng may-akda? Ano ang pangunahing paksa o tema ng dokumento? Anong kongklusyon ang maari mong mabuo sa tunay na mensahe ng dokumento? Saang bahagi ng dokumento pinahahayag ang kanyang damdamin? Ano/Ano-anong damdamin o aktitud ang ipinapahayag ng may- akda?

Audience

Purpose

Subject

Tone

Bilang pag-uugnay sa aralin at yunit ang sumusunod na katanungan ay kailangan mong sagutin. 1. Anong kondisyon ng bansa at mga Pilipino ang inilalarawan ng dokumento? Aling bahagi ng pangungusap o saknong mababatid ito? 2. Anong pangyayari sa rebolusyong Pilipino ang ipinahahayag ng dokumento matapos ang pakikipaglaban natin sa mga Español? 3. Ayon sa dokumento, anong mahalagang bahagi ang ginampanan ng mamamayang Pilipino sa pagbuo ng isang bansa laban sa mga Kastila? 4. Paano ang Dekalogo naging instrumento ni Andres Bonifacio sa pagbuo ng mga Pilipino ng isang bansa na nagbigay-wakas sa kolonyalismong Español?.

5. Paano naging makabuluhang sangkap ang mahalagang dokumento sa pagwawakas ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga Español? 6. Batay sa dokumento, paano winakasan ng mga Pilipino ang kolonyalismong Espavol na naging daan sa pagpupunyagi at pagbubuklod bilang isang bansa.

PAGPAPALALIM Sa bahaging ito ay higit na mapalalalim ang iyong pag-aaral sa nabuong Kakailanganing Pag-unawa, sa tulong ng mapanghamong mga tanong o gawain upang ikaw ay makapagnilay-nilay, makabalik sa mga natutuhan upang muling baguhin at mag-isip kung kinakailangan.Palalimin mo pa ang pag-aral sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga isyu o suliraning nauugnay tungkol sa paksang tinalakay. Magiging gabay ang bahaging ito bilang paghahanda sa iyo upang mailapat ang natutuhan sa pagsasagawa ng Inaasahang Pagganap sa bahaging Paglalapat. At upang mataya mo ang iyong natutuhan at kakayahan ay magkakaroon ka ng pagkakataong sumagot sa pagsusulit. GAWAIN 1. PINAKA PARA SA AKIN Panuto : Magtala ng limang pamana ng mga Español sa mga Pilipino na ipinalalagay mong mahalaga. Markahan ang pinakagusto mong bilang, at susunod na bilang 2,3,4 at 5. ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ B.Magbigay ng tatlong paraan kung paano mo ipakikita ang iyong pagpapahalaga sa mga pamanang napili mo at ang nilagyan ng bilang 1. ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ C.Itala kung paano nakatulong at nakaimpluwensya ang mga ito sa pagyabong at pagunlad ng nasyonalismo na naging daan sa pagbuo ng isang bansa ng mga Pilipino. ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________

______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________

GAWAIN 2. Nasyonalismo Tsek 101 Panuto : Nakatala ang mga gawaing nagpapakita ng pagmamahal sa bansa. Markahan sa pamamagitan ng (√) sa grado. Maging tapat sa pagsagot. Sa ibaba, gumawa ng isang pahayag kung paano mo pa mamahalin ang iyong bansa. Gawaing Nasyonalismo 1.Pagdama sa kahulugan ng pambansang awit 2.Paggalang sa bandila 3.Pagtulong sa kababayan 4.Pagsunod sa mga batas at ordinansa 5.Paggalang sa magulang, guro at bayan 6.Pangangalaga sa kapaligiran 7.Pagtangkilik sa sariling produkto 8.Pagmamalaki sa mga sagisag 9.Pagtangkilik sa sining 10.Pagsunod sa mga kultura at tradisyon 70% 80% 90% 100%

Ilagay ang sarili sa katauhan ng mga Pilipinong nagpunyagi at pinahalagahan ang kanilang ginawa na wakasan ang kolonyalismong Español at mabuo bilang isang bansa. Ang aking pangako na gagawin bilang pagpapahalaga sa kanilang ginawa ay ang sumusunod: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ GAWAIN 3. REFLECTION PAPER Panuto : Sumulat ng isang reflection paper o journal at gumawa ng isang komitment bilang pagpapayabong sa nasyonalismong Pilipino. Ito ay batay sa pagninilay-nilay mo sa kahalagahang pangkasaysayan ng pagpupunyagi ng mga Pilipino na mawakasan ang kolonyalismong Español at makabuo ng isang bansa. Bigyang pansin sa pagsulat ng reflection paper ang kasunod na mga tanong upang lubos mong mailabas ang iyong mahalagang pagkaunawa sa aralin. ● Paano nagbago ang iyong sariling pananaw bilang isang mag-aaral dahil sa mga pagpupunyaging ipinakita ng mga Pilipino sa panahon ng kolonyalismo ?

● Ipakita ang iyong kamulatan sa epekto ng kolonyalismo sa uri ng pamumuhay, kaisipan at kagawian bilang mamamayan ng ating bansa. ● Ipahayag mo ang mga balakin mo para sa patuloy na pagpapayabong ng nasyonalismo sa kabila ng mga banta at oportunidad sa pagkabansa.

GAWAIN 4: KARTILYA NI EMILIO JACINTO Sa bahaging ito ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na magnilay sa kahalagahang pangkasaysayan ng pagpupunyagi ng mga Pilipino na wakasan ang kolonyalismong Español at mabuo bilang isang bansa. Inaasahan din na ikaw ay nakapagpapahayag ng malikhaing panghihikayat sa pagpapayabong ng nasyonalismong Pilipino . Ikaw ay bubuo ng isang historical analysis sa pagtugon sa mga hamon ng kolonyalismo at Kristiyanisasyon sa pagpupunyagi at pagbubuklod na wakasan ang kolonyalismong Español gamit ang mga gabay na tanong :

Dokumento : Ang Kartilya ng Katipunan Ni Emilio Jacinto 1. Ang Buhay na hindi inilaan sa isang dakila at banal na layunin ay tulad ng isang punong walang lilim kundi man ng isang nakalalasong damo. 2. Ang isang mabuting gawa na isinasagawa para sa pansariling kapakinabangan at hindi dahil sa hangaring makagawa ng mabuti ay hindi kagandahang-loob. 3. Ang tunay na kadakilaan ay nakasalalay sa pagiging mapagkawanggawa, sa pagmamahal sa kapwa-tao at sa pag-aakma ng bawat kilos, gawa at pananalita sa tunay na hangarin. 4. Ang lahat ng tao ay pantay-pantay, maging ang kulay ng kaniyang balat ay itim o puti. Maaaring ang isang tao'y nakahihigit sa iba pang tao sa talino, yaman at ganda, subalit hindi siya nakahihigit bilang isang tao. 5. Ang taong marangal ay minamabuti ang karangalan kaysa pansariling kapakanan; ang isang taong buhong ay minamabuti ang pansariling kapakanan kaysa karangalan. 6. Sa isang taong may kahihiyan, ang kaniyang salita'y di-nalalabag. 7. Huwag sayangin ang panahon; ang yamang nawala ay maaari pang mabawi, subalit ang lumipas na panahon ay hindi na kailanman maibabalik. 8. Ipagtanggol ang naaapi at labanan ang nang-aapi. 9. Ang isang matalinong tao ay lubhang maingat sa kaniyang pagsasalita at marunong magtago ng lihim. 10. Sa masalimuot na landas ng buhay, ang lalaki ang patnubay ng kanyang asawa at mga anak; kung ang pumapatnubay ay gumawa ng kasamaan ang kaniyang pinapatnubay ay gayon din ang patutunguhan. 11. Ituring ang babae hindi tulad sa isang bagay na palipasan ng oras, kundi bilang isang katulong at kasama sa mga paghihirap sa buhay. Igalang siya sa kanyang

kahinaan at alalahanin. Ang inang nagsilang sa iyo sa daigdig na ito, at nagaruga sa iyo sa iyong kamusmusan. 12. Ang ayaw mong gawin sa iyong asawa, at kapatid ay huwag mong gawin sa asawa, anak at kapatid ng iba. 13. Ang kadakilaan ng isang tao ay hindi nakasalalay sa pagiging isang hari, ni sa katangusan ng ilong at kaputian ng balat, ni sa pagiging pari na kumakatawan sa Diyos, ni sa mataas na kalagayan sa lipunan, kundi sa kaniyang pagiging malinis at marangal na bagama't isinilang sa kagubatan, ay nagtataglay ng mabuting pag-uugali't tapat sa kanyang salita; may dangal; hindi nang-aapi o tumutulong sa nang-aapi; at marunong magmahal sa bayang sinilangan. Ginawa ni: Rommel U. Reyes BSCS UP-Manila Sanggunian: Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas ni Agno, Cristobal, Juanico, Libunao,at Tadena.

Mga Katanungan Sino ang sumulat ng Dokumento Kailan niya isinulat at gaano siya kahanda nang sinulat ito? Ano ang lawak ng kaniyang kaalaman sa pagsulat ng nilalaman nito? Sino kaya ang nais niyang bigyang mensahe sa dokumento? Ano and dahilan ng pagsulat niya ng dokumento? Ano ang nais niyang iparating at ipadama ng mensahe ng kanyang dokumento? Ano ang implikasyon ng kanyang dokumento sa lipunan ngayon?

Documento

Pagpapalalim ng Gawain ▄ Suriin ang naging kalagayan ng mga Pilipino sa panahon ng kolonisasyon at Kristiyanisasyon ?

▄ Ano ang naging pangkalahatang damdamin ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Español sa ating bansa? ▄ Ano- ano ang mga dahilan nang di matagumpay na pagtatanggol sa ating kalayaan laban sa mga mananakop? ▄ Paano nagk iba ang mga pamaraan sa pananakop at pamamahala ng mga Español sa ating bansa? ▄ Paghambingin ang mga pagbabagong naganap bago at pagkatapos dumating amg mga Español? ▄ Bumuo ng isang kongklusyon bilang Pilipino na nakapag- aral, nakaalam, at nakarinig ng mga karanasan natin sa panahon ng kolonisasyon at kristiyanisasyon.

PANGHULING PAGSUSULIT I.Panuto : Isulat sa sagutang papel ang mga sagot. _______________1. Unang pulo sa Pilipinas na pinagdaungan ni Magellan. _______________2. Kasunduang nag -ayos sa pagmamay- ari ng Moluccas. _______________3. Pinuno ng Cebu na nakipagkasundo kay Legaspi. _______________4. Layunin ng Ekspedisyong Villalobos. _______________5. Nakalaban ni Martin De Goiti sa Maynila II. Ayusin ang mga pinaghalong letra na tumutugon sa inilalarawan ng bawat pangungusap. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel. 1. Ang kalakalang kinokontrol o monopolyo ng pamahalaang Español AAAAGKKLLN AGLNOE_____________________________ 2. Walong reales ang ibinabayad ng mga Pilipino sa pamahalaan BIORTTU_______________________________ 3.Institusyong pangkawanggawa na nagpapautang sa mga mangangalakal sa Galeon ABORS AIPS____________________________ 4.Halamang itinatanim sa mga lalawigan ng Ilocos, Abra at Cagayan AABKOT___________________________ 5.Gobernador Heneral na bumuo ng pangkalahatang planong pangkabuhayan EJO ABCOS AAGRSV______________________________

III.Tukuyin ang inilalarawan ng bawat bilang. 1.Pinunong Español na may liberal na pamamalakad___________________________ 2. Panggitnang uri ng tao sa lipunan_____________________________________ 3. Nagtatag ng Sekularisasyon__________________________________________ 4.Mga paring kabilang sa Orden ng Fransiskano, Recoletos___________________ 5.Ang arsobispo na nagtaguyod ng Sekularisasyon__________________________ IV.Piliin ang titik ng tamang sagot : 1.Lihim na samahang tinatag ni Bonifacio. A.Kataastaasang Kagalang galangan ng mga Katipunan ng Anak ng Bayan B.La Liga Filipina C.La Solidaridad D.El Renacimiento 2.Ipinatapon siya sa Dapitan ng mga Español A.Apolinario Mabini B.Jose Rizal C.Marcelo Del Pilar D.Andres Bonifacio 3.Ang pangunahing layunin ng pagkakaroon ng nasyonalismo ay A.digmaan B.kaunlaran c.kalayaan D.paglawak ng nasasakupan 4.Isinulat ni Andres Bonifacio ang A.Noli Me Tangere B.Dasalan at Tocsohan C.Pag ibig sa Tinubuang Lupa D.Fray Botod 5.Siya ang Utak ng Katipunan A.Apolinario Mabini B.Emilio Jacinto C.Andres Bonifacio D.Marcelo del Pilar

PAGLALAPAT

Sa bahaging ito ay isasagawa mo na ang Inaasahang Pagganap bilang patunay na nauunawaaan mo ang aralin. Muli mong balikan ang mga pamantayan sa pagtataya ng nasabing gawain. Dito ay mapagtatanto mo ang kahalagahan at kaugnayan ng Inaasahang Pagganap sa iyong sarili at sa iyong pamayanan o bansang ginagalawan.
GAWAIN 1 : ADVOCACY CAMPAIGN

Sa bahaging ito ng Modyul ay aktwal mong isasagawa ang Inaasahang Pagganap. Kritikal mong susuriin ang pagtugon ng mga Pilipino sa pagtataguyod at pagpapahayag ng malikhaing panghihikayat sa pagpapayabong ng nasyonalismong Pilipino. Ipakita at ipadama mo ang kahalagahan at kaugnayan ng Inaasahang Pagganap sa iyong sariling bansa bilang isang Malaya at katangi-tanging Pilipino. Inaasahang maipahayag mo nang malalim ang pagkakaunawa sa kahulugan nasyonalismong Pilipino at mahikayat ang kapwa mag-aaral at kabataan maisabuhay ang nasyonalismong Pilipino na magbibigay-daan hindi lamang paggising kundi mapag-ambag sa pagyabong ng pagmamahal sa bansa kasalukuyan. ng na sa sa

Panuto : Kailangan mong buuin ang ad campaign sa panlasa ng kapwa kabataan. Maaring kombinasyon ng iba’t-ibang media ang gamitin tulad ng komersyal sa telebisyon at radyo, print ads sa mga diyaryo at magasin, paggawa ng brochure, komiks, posters, advocacy shirts at iba pang paraphernalia, internet website o blogsite, at paglikha ng campaign jingle o tula. Kailangan maitanghal sa publiko ang nabuo mong advocacy campaign sa isang pagtitipong tinakda para rito. Rubric ng Ad Campaign Katumbas na Marka Antas 4 – Napakahusay Antas 3- Mahusay Antas 2- Medyo Mahusay Antas 1 – Hindi Mahusay Pamantayan Antas 4 1.Naipakikita ang malawak at malalim na pagkakaunawa sa pamamagitan na malinaw na pagsagot at pagpapaliwanag 2.Nakapagpapakita ng mataas na antas ng pagsusuri at interpretasyon sa paksa. 3.Nakapagpapakita nang sapat, pili Antas 3 25 20 15 10 Antas 2 Antas 1 Kabuuan

at kailangang ebidensya o pinagkukunan. 4.Nagpamalas ng sapat na kahusayan at kaalaman sa panahon. 5.Napaghiwalay sa pananaliksik ang impormasyong may pagkiling at ang katotohanan sa opinyon. 6.Ganap na natukoy ang mahalagang puntos at pangunahing isyu. 7.Nakapagsumite sa takdang oras ang mag-aaral. 8.Nakapgpamalas nang sapat na kahusayan at kaalaman sa panahon. Kabuuang Marka

GAWAIN 2: KUNG MAY KATWIRAN, IPAGLABAN MO! Naaalala at nauunawaan mo ba ang ginawang paglabag ng mga Español sa mga karapatang pantao ng mga Pilipino?. 1. Magtala ka ngayon ng mga paraan na dapat mong gawin upang makatulong sa pag-unawa at pagbibigay proteksiyon sa mga karapatang pantao ng kapwa mo.Pagkatapos ay mag organisa ng isang Forum tungukol sa karapatang Pantao. 2. Mag anyaya sa inyong bayan ng isang tagapagsalita para sa isang Forum tungkol sa Karapatang Pantao, mas mabuti kung siya ay abogado. 3. Anyayahan ang mga guro, kaklase at mga tao sa pamayanan na lumahok at dumalo sa Forum. 4. Idokumento at itala ang lahat ng mga pangyayari at kaganapan na gagawin sa proyektong Forum sa Karapatang Pantao. 5. Sundin ang Pamantayan sa ibaba sa Pagtataya ng Forum sa Karapatang Pantao. Rubric sa Pagtataya ng Forum Puntos Antas Katangian ng Partisipasyon

10

8

6 4 2

Napakahusay Nagpapahayag ng sapat na komentaryo at katanungan, nagbibigay linaw sa ibat-ibang pananaw,opinyon o ideya sa mga nakikinig.May maayos na palitan ng kurokuro ang mga tao.Propesyonal sa pagpapahayag ng saloobin.Nagpapamalas ng abilidad at husay sa pakikipagtalastasan Mahusay Kulang ng isa o dalawang katangian na isinasaad ng napakahusay. Kinakalilangan pang himukin para makilahok Katamtaman Kulang ng tatlo sa katangian sa napakahusay.Bihirang makapagpahayag ng opinyon Mahina Hindi gaanong nakikilahok sa talakayan Napakahina Hindi nakikilahok kahit na himukin at tanungin.

GAWAIN 3: ANG KASO NG PAGPATAY SA MAGKAPATID NA BONIFACIO (Case Unclosed ) 1. Magsaliksik sa kaso ng pagpatay kay Andres Bonifacio 2. Magsaliklik sa mga artikulo at maghanap ng mga taong maaaring kapanayamin 3. Suriin at pag-aralan ang mga ito. 4. Buuin at isaayos ang case study 5. Pumili ng isang mananalaysay at guro at hingin ang kanilang reaksiyon tungkol dito. 6. Sundin ang kraytirya sa ibaba para sa gagawing proyekto.

Kraytirya Kasapatan ng impormasyon

Pamantayang A ( 90- 100) Kompleto sa lahat ng impormasyon, naipapakita ng lahat ng kinakailangan impormasyon

Pamantayang B (80-90) Kompleto sa karamihan ng aspekto ng impormasyon, naipapakita ang karamihan sa kinakailangang impormasyon Nagpapakita ng katanggap –tanggap na pag-unawa sa paksa at isyu Nagpapakita ng epektibong pagsusuri ng lahat ng katanungan

Pamantayang C 70- 79 Hindi kompleto sa ilang aspekto ng impormasyon, hindi naipapakita ang ilan lang sa kinakailangan

Pamantayang D 70 pababa Hindi kompleto sa karamihan ng aspekto ng impormasyon. Walang maipakita sa mga kinakailangan

Pag-unawa

Nagpapakita ng malalim na pag-unawa sa paksa at isyu

Nagpapakita ng simpleng pag-unawa sa paksa at isyu

Nagpapakita ng hindi kumpletong pag-unawa sa paksa at isyu

Pagsusuri

Nagpapakita ng sarili at malalim na pagsusuri sa mga katanungan

Nagpapakita ng pagsusuri sa ilang mga katanungan

Nagpapakita ng hindi kumpletong pagsusuri sa mga katanungan

Paglalapat

Nakagagawa ng tama at malakas na paguugnay ng tinampok na kaso at mga konseptong pinagaralan

Nakagagawa ng tamang pag-uugnay sa pagitan ng tinampok na kaso at mga estratehikong konseptong pinagaralan

Nakagagawa ng tamang pag-uugnay ngunit may kalabuan sa pagitan ng tinampok na kaso at mga konseptong pinagaralan

Nakaggawa ng maliit na pag-uugnay o kaya ay walang pag-uugnay sa pagitan ng tinampok na kaso at mga estratehikong konseptong pinagaralan

GAWAIN 4 : PERSONALITY PROFILE Gumawa ka ng personality profile ng kilalang tao o personalidad sa Pilipinas noon na maaaring nakapagbigay inspirasyon sa mga mag-aaral at iba pang mamamayan na tularan ang naging pamumuhay ng isang tunay na Pilipino dahil sa pakikipaglaban, pagpapakita ng pagmamahal sa bayan, i upload sa internet upang higit na makapagbigay ng kaalaman sa mga tao sa ibat ibang bahagi ng mundo. Rubric ng Personality Profile Panuto: Lagyan ng tsek (✓ ang hanay (column) ng lebel ng pagkatuto na sa iyong ) pansariling ebalwasyon ang natugunan at naabot ng iyong personality profile. Basahing mabuti ang bawat pamantayan. 1 – Walang alam 2 – Nalilito 3 – Mahusay 4 – Napakahusay

Krayterya Organisasyon:Nakahanay at maayos at may sistema na nakatala ang mga kakailanganing impormasyon Kalidad ng Impormasyon: Makabuluhan at malalim ang mga impormasyon at nakabatay sa mga pag-aaral at pananaliksik Kaalaman sa Kasaysayan:May pangkasaysayang pangnilalaman at hango sa makatotohanang tala. Estilo at Pamamaraan ng Presentasyon:May orihinal at kalidad na pamamaraan ng paggawa Kaalaman sa Paksa:Sumasaklaw ang presentasyon sa

1

2

3

4

lawak ng mga kaalaman at impormasyon

Prepared by : AUGUST M. JAMORA Master Teacher I

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful

Master Your Semester with Scribd & The New York Times

Special offer for students: Only $4.99/month.

Master Your Semester with a Special Offer from Scribd & The New York Times

Cancel anytime.