You are on page 1of 29

Ulat nila: Arjay Nuqui Geana Dimaano Erica Javier

Raegel Mallari Celcie Macabinguil

Inihandi ni: Raegel Mallari

Ang patakarang piskal ay ginagamit upang mapatatag ang pambansang ekonomiya. Ito ay nakasandig sa pamahalaan upang maisakutaparan. Ang patakarang piskal ay gumagamit ng badyet, paggasta, at pagbubuwis sa pagkamit ng matatag na pambansang ekonomiya. Isang anyo ng pagpapatatag ng ekonomiya ang pagbibigay ng pampublikong paglilingkod. Patakarang pisikal ang pangunahing inaasahan ng pambansang pamahalaan upang makapaghatid ng pampublikong paglilingkod. Naisasagawa ang pampublikong paglilingkod kapag may sapat na pondo at mabubuting programa ang pambansang pamahalaan na nakalaan para sa ibat ibang sektor ng bansa.

KONSEPTO NG PATAKARANG PISKAL


Ang salitang piskal o fiscal ay nagmula sa salitang Latin na fisc, na ang ibig sabihin ay basket o bag. Sa paglipas ng panahon, ang salitang ito ay iniuganay sa bag ng salapi o partikular na salaping hawak ng pamahalaan. Ang pamahalaan ay nangongolekta ng salapi sa pamamagitan ng buwis. Ang patakarang piskal ay ang paggamit ng pamahalaan sa pagbubuwis at paggasta nito upang mapatatag ang ekonomiya. Ang mga desisyong nauukol sa patakarang piskal tulad ng halaga ng gagastusin at halaga ng ipapataw na buwis ay mahalagang desisyong ginagawa ng pamahalaan.

Sa pagbuo ng badyet ng pamahalaan, binibigyan ng pansin kung magkano ang gagastusin sa mga programa ng pamahalaan tulad ng depensa, edukasyon, at serbisyong panlipunan. Ang kabuuang antas ng gastusin ng pamahalaan ay maaring baguhin upang mapataas o mapababa ang output ng ekonomiya.

Ang patakarang piskal na naglalayong mapataas ang output ay tinatawag na expansionary fiscal policy.
Samantala, ang patakarang naglalayong mapababa ang output ay tinatawag na contractionary fiscal policy.

Expansionary fiscal policy


Naglalayong mapataas ang output ng ekonomiya
Ginagawa sa panahon ng recession at upang mapigilan ang recession.

Maaaring isagawa sa pamamagitan ng pagdagdag sa gastos ng pamahalaan o pagbabawas sa ibinabayad na buwis


Kapag dinagdagan ang gastos ng pamahalaan o bumibili ang pamahalaan ng mas maraming kalakal at paglilingkod, magdudulot ito ng mga pangyayaring magpapataas ng output at lilikha ito ng empleyo.

Ang mataas na demand ay magdudulot ng pagbaba ng antas ng walang trabaho at karagdagang output. Ito ay

humihikayat upang palawakin ang ekonomiya Kung babawasan ng pamahalaan ang singil sa buwis, ang mga tao ay magkakaroon ng karagdagang salapi upang gastahin. Kikita ang mga bahay-kalakal na magagamit upang gastusin sa lupa, paggawa, at kapital. Ang ganitong gawain ay magpapataas sa demand, presyo, at output.

Contractionary fiscal policy


Ang pamahalaan ay nagsusumikap na bawasan anf sobrang kasiglahan ng ekonomiya dahil ang labis na mataas na demand kaysa suplay ay nagdudulot ng

inflation. Kung hindi kayang palawakin ng mga


prodyuser ang kanilang produksyon, tataas ang presyo na hahantong sa mataas na inflation. Binabawasan ng pamahalaan ang gastusin ng pamahalaan at pagtaas ng singil sa buwis upang mapabagal ang pagsulong ng ekonomiya.

Kapag ang pamahalaan ay nagbawas ng gastos o bumili ng kaunting kalakal o paglilingkod, magdudulot ito ng pagbaba kabuuang demand . Ang mababang demand naman ay magbubunga ng pagbaba ng pesyo. Ang pagtaas ng singil sa buwis ay nangangahulugan ng kabawasan sa perang gagastusin ng mga tao.

Ang sistema ng pagbubuwis


May kaukulang buwis na ipinapataw ang pamahalaan sa karamihan ng mga pangkabuhayang gawain ng mga mamamayan. Hindi maaaring maisakatuparan ng pamahalaan ang napakarami nitong mga gawaing pangkabuhayan kung walang pondong gagamitin. Ang malaking bahagi ng pondo ng pamahalaan ay nanggagaling sa buwis. Ang buwis o tax ay maaaring ipataw ng pamahalaan sa mga ari-arian, kalakal, serbisyo, at iba pa. Pinapatawan ng buwis ang operasyon ng mga mga negosyo at ang pangkonsumo ng mga produkto at serbisyo. Ang pagpataw nito ay likas at lehitiong kapangyarian ng pamahalaan, pambansa man o lokal.

Ayon sa Saligang Batas, ang pagpataw ng buwis ay sakop ng kapangyarihan ng sangay ng lehislatura. Ang mga buwis ay maaaring kolektahin ng mga naatasang ahensya o kawanihan ng pamahalaan tulad Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BOC), at ng mga lokal na pamahalaan o local government unit (LGU). Ang pagbubuwis ay maaaring ituring na isang anyo ng unawaan sa pagitan ng pamahalaan ay ng mga mamamayan. Kapalit ng proteksyon at benepisyo na nakukuha ng mga mamamayan mula sa pamahalaan ang pagiging tapat nila sa pagbabayad ng buwis. Ilan sa mga halimbawa ng benepisyong nakukuha mula sa pamahalaan ay seguridad, batayang serbisyo publiko, sistema ng hustisya, at iba pa.

Ang pagbubuwis ay isang mekanismo kung saan ginagamit ng pamahalaan ang salapi upang makabuo ng produkto at serbisyong pampubliko. May mga nagsasabi rin na ang pagbabayad ng buwis ay pananagutan ng isang tao sa mga susunod na henerasyon sapagkat noong wala pa siyang kakayahang magbayad nito, ang mga naunang henerasyon ang pumapasan nito para sa kanya. Ayon kay Adam Smith, ang pagpapataw ng buwis ay may apat na pamantayan. Ito ay ang pagkakapantaypantay, katiyakan, ekonomiya, at kaginhawahan.

Pamantayan ng pagbubuwis ayon kay adam smith


Pagkakapantay-pantay (equity)- may equity sa pagbubuwis kung parehong buwis ang ipinapataw sa mga mamamayang nasa parehong kalagayan. Makakatulong ito ng malaki upang mabawasan ang malaking agwat (income gap) sa pagitan ng mahihirap at mayayamang mamamayan, lalung-lalo na sa kaso ng Pilipinas na may ganitong suliranin. Katiyakan (certainty)- dapat ay tukoy ng mamamayan kung anong buwis ang dapat niyang bayaran, halaga ng bawat bayaran, at paraan ng pagbayad. Ito say upang maiwasan ang kalituhan sa

Ekonomiya (economy)- hindi dapat lubhang magastos pagbubuwis para sa pamahalaan. Mawawalan ng saysay ang pangungulekta ng buwis kung mas malaki pa ang ginagastos ng pamahalaan sa proseso ng pangungulekta kaysa aktwal na halaga ng nalikom na buwis.

Bahagi ng mga mamamayan at maging ng mga pamahalaan. Sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang maling halaga sa pagbabayad ng buwis. May mga pagkakataon na kulang o kung minsan naman ay sobara ang halaga ng ibinayad na halaga (overpayment o underpayment of taxes) bunga ng hindi malinaw na impormasyon ukol sa sistema ng pagbubuwis.

Kaginhawahan (convenience)- hindi dapat maging pabigat ang pagbubuwis sa puntong makaaapekto na ito

sa pangkalahatang operasyon ng pribadong negosyo. Kung magiging masyadong mabigat na pasanin ang pagbubuwi tatamlay ang pagnenegosyp na maaaring magresulta sa tanggalan sa trabaho at pagkakaroon ng matamlay na ekonomiya. Ang pagbubuwis ay hindi dapat maging isang mabigat na pasanin para sa binubuwisan. Hindi dapat patawan ang isang empleyado ng napakabigat na buwis sa puntong halos wala nang matira para sa pang-araw-araw niyang gastusin at makapag-impok, Ang pagpataw ng buwis ay hindi dapat lalabis sa kakayahan ninuman na magbayad. Samakatwid, ang pagbuuwis ay hindi dapat mapang-abuso kanino man. Nagiging mapang-abuso ang pagbubuwis kapag ang babayarang buwis ay higit na mas malaki sa halaga ng bagay na binubuwisan. Sa katunayan,

dapat pa nga itong maging instrumento upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan at pribadong sektor. Sa pamamagitan ng nalilikom na buwism nagkakaroon ng pondo ang pamahalaan para sa pagbibigay ng mahusay at episyenteng serbisyo publiko tulad ng seguridad, imprastuktura, batayang serbisyong panlipunan, at iba pa.

Talahanayan 2.2

Pinanggagalingan ng kita ng pamahalaan


Taon 1998 1999 Mula sa buwis 416,765 436,981 Other sources 45,534 47,677

2000
2001 2002 2003 2004 2005 2006 2007

451,696
813,344 494,105 537,361 597,715 451,836 859,857 932,937

52,653
106,891 71,977 88,071 100,543 78,316 119,781 203,623

Kahalagahan at layunin ng pagbubuwis


Pangunahing layunin ng pagbubuwis ang makalikom ng sapat na pondo upang maitaguyod ang pangkalahatang kagalingan ng mga mamamayan. Kung sistema ng pangungulekta ng buwis, mapaparalisa ang pagpapatakbo ng pamahalaan, hindi makakapagpatuloy ng operasyon ang sandatahang lakas ng bansa, hinfi mapopondohan ang mga lokal at pambansang halalan, hindi makakapagbigay ng serbisyong panlipunan ang pamahalaan sa mga mamamayan. Gayundin, hindi mapopondohan ang pagsasanay ng mga pambansang atleta, walang magagamit na pondo para tulungan ang

mga biktima ng kalamidad, hindi makakapagpatakbo ng mga pampublikong paaralan, hindi mapapasweldo ang halos 1.3 milyong kawani ng pamahalaan, at iba pa. Kaya naman tinagurian itong lifeblood ng pamahalaan. Mapapansin sa Talahanayan 2.2 na malaking porsyento ng kita ng pamahalaan mula 1998 hanggang 2007 ay kinuha mula sa buwis. Dito sumasandig ang pamahalaan upang tiyakin na mapopondohan ang mga gastusin nito taun-taon. Mula sa talahanayan, maaari ding mahinuha na malaki rin ang potensyal ng iba pang posibleng pagkuhanan ng kita maliban sa buwis kung higit pang pagiibayuhin ng pamahalaan ang pagiging masigasig sa paglikha ng kita. Subalit kailangang maging matalino

ang pagpapasya ng pamahalaan ukol dito, lalo na kung ang paraang napili nito ay ang pagbebenta ng ari-arian o panibagong serye ng pag-utang sa ibang bansa o pampinansyang institusyon. Bukod sa pagbubuwis, kumikita rin ang pamahalaan mula sa tolls, matrikula sa state universities and colleges (SUC), sa mga pampublikong korporasyon, at iba pa. Bahagi ng salaping nalilikom mula sa sistema ng pagbubuwis ay inilalaang pondo para sa mga proyekto at programang pangkaunlaran ng pamahalaan para sa bansa, ayon kay Liwayway Vinzons-Chato, dating punong komisyonado ng BIR, Ang buwis ay ang ating munting kontribusyon sa pambansang kaunlaran. Para sa

Kanya, ito rin ay isang tulung-tulong na pag-aambag tungo sa mas magandang hinaharap para sa Pilipinas. Maraming paraan ang maaaring gawin ng mamamayan upang makatulong sa mga pangkaunlarang proyekto ng pamahalaan. Isa sa mga paraang ito ay sa pamamagitan ng wastong pagbabayan ng buwis. Nagsisilbi rin ang buwis na mekanismo upang iregularisa ang anumang labis na gawain ng mga mamamayan o negosyo. Halimbawanito ay ang produksyon o pagkonsumo ng sigarilyo at alak, at maging ang mga lugar-aliwan tulad ng mga sabungan, sugalan, at iba pa. Ayon kay Peter Wallace ng Wallace Business Forum, makatwirang mas taasan ng pamahalaan ang mga

buwis na ipinapataw sa sigarilyo at alak dahil sa banta ng mga produktong ito sa kalusugan ng mga mamamayan. Ang buwis na ito ay tinatawag ding sin tax dahil sa masamang idinudulot ng produktong ito sa kalusugan ng tao. Samakatwid, nagsisilbing regulasyoon ang buwis sa madami o madalas na pagkonsumo ng mamamayan sa sigarilyo at alak. Subalit may mga nagsasabi na baka hindi rin mabawasan ang pag-inom at paninigarilyo kahit patawan ng mataas na buwis. Maaaring humanap lamang ang mga mamimili ng mas murang kahalili ng kanilang kinasanayang produkto. Ang pagbubuwis ay nagsisilbi ring proteksyon sa mga hindi matatg na industriya na maaaring masagasaan ng operasyon ng malalaking korporasyong multinasyunal. Ang

mga korporasyong multinasyunal ay yaong may ibat ibang sanagy sa ibat ibang panig ng daigdid. Nagpapataw ang pamahalaan ng taripa o tariff sa mga produktong dumarating sa Pilipinas mula sa ibang bansa lalo na kung inaasahang labis nitong maapektuhan ang mga lokal na negosyo. Ang patakarang ito ay itinuturing din na isang manipestasyon ng economis protectionism. Bukod sa nakukulektang halaga mula sa pribadong sektor, napapangalagaan dinng pagbubuwis ang kapakanan ng mga lokal na mamumuhunan sa bansa. Subalit may mga naniniwala naman na balakid sa malayang kalakalan ang economic protectionism at makakasama ito sa pambansa at pandaidaigang ekonomiya dahil nahahadlangan ang malayang paggalaw

ng mga sangkap pamproduksyon. Ang mga hadlang sa malayang kalakalan ay nakasasagabal sa maayos na pagdaloy ng mga gawaing pang-ekonomiya. Mapipilitan din ang mga mamamayan na tangkilikin ang mga lokal na produktong may mataas na presyo at mababang kalidad dahil sa kawalan ng pumapasok na dayuhang kalakal sa bansa na mura at may kalidad pa.

Ibat ibang uri ng buwis


Ang buwis ay may ibat ibang klasipikasyon. May mga buwis na tuwirang ipinapataw sa mga indibidwal o bahay-kalakal at paglilingkod. Tuwirang pinapasan ng mga manggagawa o kawani ang pagbabayad ng buwis sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagkaltas o pagbawa sa kanilang sweldo. Samantala, may mga sitwasyon naman kung saan ipinapasa ng ilang mga negosyo ang pagbabayad ng buwis sa kanilang mamimili sa pamamagitan ng mas mataas na presyo ng produkto o serbisyo. Nasa talahanayan 21.3 ang ibat ibang uri ng buwis batay sa klasipikayon. Ito ay maaring ayon sa layunin, ayos sa kung sino ang apektado ng buwis, at ayon sa porsyentong ipinapataw.

Sa pamamagitan ng progresibong pagbubuwis o progressive taxation, inaasahang mababawasan ang agwat sa pagitan ng mamamayan at mahihirap na mamamayan. Mas malaki ang buwis na ipinapataw sa mga mamamayang mas may kakayahang magbayad nito dahil sa estado nila sa lipunan. Ang progresibong pagbubuwis ay isa ring paraan ng proteksyon sa interes ng mahihirap na mamamayan. Malaki ang agwat ng mamamayan at mahirap na mamamayan sa bansa kaya mahalaga ang papel ng pagbubuwis upang ang suliraning ito ay masolusyunan. Ang pamahalaan ay nagbibigay rin ng mga tax exemption o tax relief sa mga korporasyon upang higit na bigyan ng pagkakataon ang ,ga negosyo na lumago.

Isang halimbawa ito ng piskal na insentibo upang masurportahan ang mga lokal o dayuhang negosyo, lalo na kung nagsisimula pa lamang ito ng operasyon sa bansa. Itinuturing din itong istratehiya ng pamahalaan upang mahikayat ang mga dayuhang mamumuhunan na magnegosyo sa bansa na inaasahang makatulong sa industriyalisasyon ng Pilipinas. Kabawasan ito sa potensyal na halagang malilikom ng pamahalaan pero ang pagbibigay naman nito ng eksempsyon ay inaasahang makatutulong sa pagpapasigla ng sektor ng industriya ng bansa.

Ibat ibang uri ng buwis


Uri Depinisyon
AYON SA LAYUNIN

Halimbawa

Para kumita (revenue generation)

Pangunahing layunin ng pamahalaan na ipataw ang mga buwis na may ganitong uri upang makalikom ng pondo para magamit sa operasyon nito.
Ipinapataw ang ganitong uri ng buwis upang mabawasan ang kalabisan ng isang gawain o negosyo

Sales tax, income tax

Para magregularisa (regulatory)

Excise tax

Para magsilbing proteksyon (protection)

Ipinapataw upang mapangalagaan ang interes ng hindi matatg na sektor o lokal na ekonomiya mula sa dayuhang kompetisyon

Taripa

Uri

Depinisyon AYON KUNG SINO ANG APEKTADO

Halimbawa

Tuwiran (direct)

Buwis na tuwirang ipinapataw sa mga indibidwal o bahay-kalakal


Buwis na ipinapataw sa mga kalakal sa mga kalakal at paglilinkkod kayat hindi tuwirang ipinapataw sa mga indibidwal

Withholding tax

Di-tuwiran (indirect)

Value-added tax

Regresibo (regressive)

Bumababa ang antas ng buwis kasabay ng paglaki ng kita

Ang buwis sa sigarilyo at alak ay regrisibo dahil ito ay ipinapasa sa mga konsyumer kung saan kinukuha ang malaking bahagi ng kita ng mahihirap kumpara sa mayayaman.

Uri

Depinisyon AYON SA PORSYENTONG IPINAPATAW

Halimbawa

Proporsyonal (proportional)

Pare-pareho ang porsyentong ipinapataw anuman ang estado sa buhay

Halimbawa ang pagpapataw ng 10% buwis sa mga mamamayan, magkakaiba man ang halaga ng kanilang kinikita

Progresibo (proressive)

Tumataas ang halaga ng Sa Pilipinas, 5% lamang ang buwis na binabayaran ikinakalatas sa mga habang tumataas ang kita kumikita ng mas mababa sa ng isang indibidwal o P10,000 bawat buwan. korporasyon. Isinasaad sa Maaaring umabot sa 34% SaligangBatas na progresibo ang kalatas sa kumikita ang sistema ng pagbubuwis nang higit sa P500,00 ng pamahalaan bawat buwan.

You might also like