You are on page 1of 34

Mga Tula ni Taribong Sinulat ni Ginoong Gerald Soriano

Inayos ng mga kaibigan sa blogosperyo.

SMS from a distant relative (April 3, 2012, 6:58PM): The season of LENT reminds us that the life we have and the material possessions we hold are simply LENT to us. We are but pilgrims here on earth who will pass by only once. We bring nothing when we die. But we can leave behind the love weve shared, the hope we have given and the goodness we have done.

usal: isang dalit*


(Talagang nakagigimbal ang Maguindanao massacre na naganap noong Nobyembre 23, 2009. Kalunos-lunos ang sinapit ng limamput pitong taong walang awang pinaslang. Itong abang tula ay alay ko sa kanila at sa kanilang mga pamilya)

Ang panaghoy ng damdamin Mga buhay nang kitilin Parang hayop ang kahambing. Silay makabagong Cain

Panginoon, sanay dinggin Itong munting panalangin Katarungay aming hiling Salarin ay panagutin.

(Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong at may isahang tugmaan. Depinisyon mula sahttp://www.english-to-tagalog.com/tula.html.)

Tr(H)aiku
((Ang haiku ay tula ng mga hapones na binubuo ng labingpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtud. ang unang taludtud ay binubuo ng limang pantig, ang pangalawang taludtud naman ay binubuo ng pitong pantig at ang ikatlong taludtud ay binubuo di ng limang pantig gaya sa una. (Hango sa WikiAnswers.com) try lang ako gumawa ng haiku sa Filipino. Subok lang hehehe ) i Katakataka Gumalaw na mag-isa Ang tumba-tumba ii Kababalaghan? Marahil o malamang Guni-guni lang iii Kung ang computer Tinopak, naging monster I-off ang power iv Ang kasintahan Nag-

Kapag ikawy iniwan Tyak may dahilan v Matay tinakpan Batay kinilabutan Sa romansahan vi Di kasi alam Anong kahihinatnan Pag nagganunan vii Labi sa pisngi Nang halik ay dumampi Kilitiy huli viii Basag ang mukha Si Cotto, surrender na Pacquiao, wagi ta

ix Hwag na magtaka Ginamit ay wagi ta Akoy may pusta x Labis ang tuwa Pacquiao, di alintana Bugbog na tenga xi Madla nagitla Away Jinkee at Krista Sad si Dionesia xii Grabeng intriga Walang kakwenta-kwenta Sakit talaga xiii Mas mabuti pa

Tayo ay magkaisa Kasi pasko na xiv Hwag magsiraan Dapat nga magtulungan Ang buong bayan xv Dyos na Lumikha Tunay na Hari Siya Tayoy Mahal Nya xvi Natuwa ka ba Dito sa munting tula? Sana, sana nga.

emo (tanaga)
(The Tanaga is a type of short Filipino poem, consisting of four lines with seven syllables each with the same rhyme at the end of each line that is to say a 7-7-7-7 Syllabic verse. http://en.wikipedia.org/wiki/Tanaga.) Hangin ay malamig na Mga gabiy mahaba Laging nasa isip ka Puso ay nagdurusa. Miss na miss kita lagi Luha sa mga pisngi Hindi maitatanggi Pano nga ba nangyari? Handog mong sayat galak Ay maraming salamat Ang pag-ibig kong tapat Sa panahon lang salat. Nagkaroon ng saysay Ang aking abang buhay Aking ipinagnilay

Bakit nagkahiwalay? Anong hatid na aral Kasawiang kaytagal Puso bay napapagal Kahit tapat magmahal? Sa pagsubok na ito Kirot ay magugupo Pangarap may naglaho Pusoy dapat matuto. Dasal na aking sambit Pasang kirot, mawaglit Sintang tunay, makamit At sa langit, bumalik.

abo
Abot-langit ang saya kapag ikaw ang kasama Ngunit di makaporma dahil meron kang iba Pero nung kayoy maghiwalay, lihim akong natuwa Habang sa balikat koy pinapawi ang luha Best friends, yan ang turing natin sa isat isa Ngunit sa paglaon, na-develop na yata Itong damdamin naging pagsinta Pano nangyari? Ewan ko ba Pinatahan kita, pinayuhang limutin siya Nang-iwan, nang-away, nang-ayaw: lintik siya Dama ko ang iyong hinagpis at lumbay Ngunit sa loob ko, hindi ako mapalagay Nahihirapan akong makitat marinig kang malungkot Nakapangalumbaba, umiiyak sa sulok Nais na hangoin, minamahal kong ikaw Sa iyong kinasasadlakang daigdig na bughaw Pahiwatig nitong pag-ibig na nagsusumigaw Gusto nang ipaalam ngunit baka mabalahaw Baka mawalang saysay ang pagkakaibigan Kapag tunay na nararamdaman ay iyong malaman Di ko na kayang maghintay pat baka si mokong bumalik pa Muli kang bulagin, madala sa mga panlilinlang niya. Di na titikisin ang damdamin, wagas na pag-ibig ay ipinararating Aking dalangin na sanay walang pasubaling tanggapin Huwag sanang mabahala na ang pagkakaibigan baka masiraKung ang pag-iibigan ay bigyang puwang, kahit isang tsansa Wala namang masama na tayoy mag-level up, at masayang magkapiling Magmamahalan, mag-iibigan, hanggang wakas, hanggang libing.

pawis
Datiy kailangang magpapawis Para bawasan ang tabang labis Ha..ha..ha.. habol ang hininga Para kataway sumeksit sumigla. Masigasig na nakamit ang pangarap Lalot sa gabi, ang minamahal ang kayakap Ah..ah..ah.. malalim na paghinga Walang kaparis na ligaya. Ngunit ngayon ngay sobrang init Hindi man gumalaw, hindi man pumihit Daloy ng pawis, tumatagaktak Maski may yelong sa bunganga nakasaksak. Walang kuryente, walang ulan, walang hangin Ano nga kaya ang puwedeng gawin Para itong init ay maibsan Pawisang katawan, kawawa naman

G.A.S. Mamayang gabi (May 28, 2010), bilog ang buwan. Sisikat pa rin ang kanyang kariktan maski mayroong pabugso-bugsong ulan. Bakit? wala lang, masabi ko lang. Tara, maupo tayo sa munting bangko sa may balkonahe, samahan mo akong mangarap sa ilalim ng buwan. Ayaw mo, sige magbasa ka muna dito. Gabi Aninag ang Sikat ng buwang buo at matikas, sumasakal sa mga lihim ng magdamag. alumpihit ang mga aswang sa sinag ng buwang galing sa araw na nangawala sa balabal ng kadiliman. habang maraming isda ang naglipana nagagalak, malaya, walang alinlangan naglalaro sa lawak ng karagatan.

wasak
PANGHIHINAYANG Dahil sa walang pakundangang paglustay Ang tubig na yaman ng buhay Wala na bang saysay? Sa patuloy na pagkalbo ng mga kagubatan At pagkasira ng mga ilog, lawa at karagatan Wala ka pa rin bang pakialam? Ang pagkalat ng dumi sa kapaligiran Na siyang sanhi ng sakit at karamdaman Patuloy mo bang hahayaan na lang? Ang hangin bay walang pakinabang Dahil hindi mo pinahahalagahan O sadyang sanay ka na lang sa bantot at sangsang? Kamatayan ang kahihinatnan Kapag tuluyang nasira ang kalikasan Hindi ka ba nanghihinayang? Ang pagkawasak ng mundo Ang pagkawasak ng tao Ito ba ang gusto mo?

PAGHARAP SA HAMON NG ONDOY Sana hindi na maulit pa Ang dinanas na sakuna Dulot ng pagkaburara at pagpapariwara

At walang kapararakang pagpapabaya Ng tao sa kalikasan. Aanhin nga ang mga magagandang awit at tula Tungkol sa minsang kinagisnang ganda Kung tuluyan nang mangawala Nagbabadyang mabaon sa limot at alaala Ng tao sa kalikasan Sana ay wala nang sana Kung ikaw, ako, tayo, lahat ay magkaisa Simulan at ipagpatuloy ang nasimulan na Ang pagmamahal, pag-aaruga at pag-aalaga Ng tao sa kalikasan.

PANAGHOY AT PANGARAP NG PUNONG MANGGA Tatlumpung taon na ako nakatayo Nakahilig kung yan ang wari mo Mula sa bahagyang pagkabuwal dahil sa nagdaang bagyo. Mga punong kasabayan ko ngay nangamatay, tuluyang naglaho. Mahirap mag-isa, maraming naaalala: Sa aking mga ugat, mga bulatey naglarot gumala Sa aking mga sanga, nagpahinga ang pipit, uwak at maya Sa aking mga dahon, dumaan ang higad, mga hantik ay nagkuta Sina Jojo, Boyet at Olan, sa aking punoy nagsipag-akyatan Mga sangay niyuyogyug upang mahulog ang mga salagubang Madalas manguha ng bunga, hinog man, bubot o manibalang Para sa mga tatay nilang sa lilim ko nag-iinuman.

Sa aking paanan, sina Jake at Cora nagligawan, nagpulotgata At sa aking katawan, ang kanilang mga pangalay inukit pa. Sa aking mga bisig, si Mildred ay tumangis, ibinuhos ang mga luha Dahil sa pagkamuhit mga problema, ang tagiliran koy kanyang tinaga. Tag-araw, tag-ulan, tagtuyot at tagbaha Lahat ng unos na dumaan, nakayanan ko nga Ngunit alam kong hindi na rin ako magtatagal Darating ang araw, bibigay na ang katawang napapagal Ang hiling ko lang sanay akin pang makita Ang pagtubo, paglaki at paglago ng aking salinlahi Nang sa gayon, patuloy ang pamana ng mangga Di lang sa ngayon kundi sa bagong henerasyon pa. Kaya naman, hinihikayat kita sa muling pagkain ng aking bunga Itanim ang buto, alagaan ang punla, hayaang lumakit mamunga. Umaasa akong sa tulong mo matutupad itong pangarap Maraming salamat, kaibigan! Kasiyahan koy magiging ganap.

magic
here now .. . .. . . . . . . . . . Gone

heres what I really wish for


I wish for.

TIME

time to do whatever I need to do.

time to do whatever I want to do.

time to have fun.

time to go home.

time to find time!

just one shot


just one shot, the toxicity creeps just one shot, the stupor reeks just one shot just one shot, the city noise was pierced just one shot, it went unnoticed just one shot, time stood still just one shot, a nightmare it was just one shot, a dream went bust just one shot. (this ones for those who knew sam who was only 29 but rushed to write 30)

shoUt
Binigyan mo ng halaga ang aking pag-iral: kung di kita nakilala, di sana ako nabuhay; kung akoy mamamatay nang di kita nakilala, hindi ako mamamatay dahil hindi ako nabuhay.

Si el hombre pudiera decir


Luis Cernuda (Sevilla, 1902 Mexico, 1963)

T justificas mi existencia: si no te conozco, no he vivido; si muero sin conocerto, no muero, porque no he vivido.

(Copied from MRTs Berso sa Metro en route to Guadalupe Station, March 4, 2011, 7:50 a.m.) --------------------This was the previous post (Feb. 14, 2011): T justificas mi existencia: si no te conozco, no he vivido;

si muero sin conocerto, no muero, porque no he vivido. -Luis Cernuda

Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandirito : kung di kita nakilala, di sana ako nabuhay kung mamamatay akong hindi ka nakikilala hindi ako mamamatay dahil hindi ako nabuhay. (hango mula sa Berso sa Metro ng MRT)*

ubas, trigo, tubo, niyog, kanin at patatas


pabayaan mong mabighani ako sa iyong mga daluyong at mapag-alab ang diwang nahihimbing sa kaibuturan magising ang kamalayang lingid sa karamihan at maihele ako ng oyayi ng nakaraan. papagnilayin mo ang aking kamangmangan paglakbayin ang pulandit ng isipan pagdaluyin sa aking kalamnan ang hiwaga ng lahat ng iyong pinagdaanan. nais kong mapawi ang uhaw kong damdamin malunod ang pagkasabik kot pagkaulayaw at ang kahibangan, huwag naman sanang tuluyang magapi ng naghuhulagpos mong tapang. ----Update (2/3/2011): UNRAVEL THE MYSTERY BEHIND THE TITLE If you have any idea (or perhaps an inkling) of how the title to this post came about, kindly share it at the comment section. The comment/explanation that first comes closest to the authors inspiration would be rewarded with either a copy of Peter Abrahams Nerve Damage or Maria Ressas Seeds of Terror. Thanks!

ANG HIWAGA SA PAMAGAT: Kung mayroon kang ideya o kaya ay kuro-kuro kung ano ang lihim na nakapaloob sa pamagat ng post na ito, mangyari lamang na isulat sa pitak para sa mga puna. Ang puna/paliwanag na unang pinakamalapit sa iniisip ng may-akda ay mabibiyayaan, alinman sa sipi ng Nerve Damage ni Peter Abrahams o ang Seeds of Terror ni Maria Ressa. Maraming salamat!

celebr8
Eight years ago, i affixed my signature in one of the pages of the great book

It was through faith and perseverance that that one glorious occasion came to be.

They say the latest battle the others hurdled was tough; but ours was tougher and may have been the toughest in the last decade

But then again, its what comes after the battle that is really tough

Tough times are not yet over; there are more battles ahead

The roads are rugged, narrow and rocky, although one may go for the shortcuts

How far have i gone since then?

Not far. But i am still going.

Going farther.

Farther still

Further.

No matter how difficult it may seem

But today, there is reason to celebrate!

Cheers!!!!

Sa lahat ng nakilala, nakikilala at makikilala pa sa lahat ng mga taong naging bahagi na ng buhay ko, sa anumang paraan at sa anumang pagkakataon, maraming salamat! Isang tagay para sa ating lahat!!!

ningas
Ang init talaga! Nag-uumpisa na yatang magliyab ang buong paligid!! Hindi pa itinuloy ang ulan kagabi, pero salamat na rin sa malakas-lakas at medyo malamig na hangin!!! Hindi na yata makakayanan ng bentilador at erkon na palamigin ang mga silid Maski sabayan pa ng paggamit ng abaniko at pamaypay Nakakapagsiklab. nakakapagtagaktak ng pawis ang panahon Whew! * * *

Pero sadya nga yatang ganyan ang panahon ngayon. Teka, nais ko lang ibahagi ito, pwede mong pag-aksayahan ng panahon. Binuo ko ito kagabi habang naghihintay na muling dalawin ng antok. Babala: maaaring magpapainit lang ng ulo mo hehehehe Marahil ang mundo ay bulag. O kayay bahagyang malupit. Siguro. Parang di mo na mawari Ang anuman ngayon. Subalit, Pwede kang malungkot ngayon tapos

Isang araw ngingiti kang muli. Sa aking paglingon, Masisilayan ko ang babaeng magpapaikot ng aking mundo, Nakatayo doon At sa bawat pag-ikot ko, Ang diwa niyay nagpapalutang sa akin. Ano na kaya? Maghintay. Magmasid. Sinubukan ko lang isalin ang theme song ng isang American sitcom na napapanood ko noong bata pa ako, sa hindi pa naman matagal na panahon hehehe. Mahuhulaan mo ba kung saan ko hinango ang tulang ito?

pandora
. Paano ka iiyak kung wala nang luhang aagos sa pisngi? Paano ka aatungal kung walang tinig na mamumutawi? Paano ka kikilos kung ang kamay at binti ay nakatali? Paano ka hihikbi kung ang paligid ay bingi? . . Paano kung ang bertud ng gayuma ay humupa? Paano kung ang anestisya ay mawalang-bisa? Paano kung ang alak na bumabaha ay di na kayang lunurin pa Ang mabigat na pagsubok, walang humpay na problema? . . Pano kung ang nakaririnding sigaw ay ipinagkikibit-balikat lang? Paano kung ang mga mithiit pangarap ay unti-unting napaparam? Paano kung patuloy ang bagyo at madilim ang umaga? Paano kung palaging ang maibubulalas na lang ay puro mura? . . How I wish each of us could truthfully yell:All is well!!!

para lang matawag na bibo


Maraming kuwento ang OFW. Lalo na tungkol sa kanyang mga karanasan. Makulay. Samut sari. Nais kong mapakinggan ang mga ito. . At ang dala niyang pagbabago. . Gusto ko ring mabigyan ng pasalubong kung meron man. At tiyak meron yan. . Dagdag pa riyan ang paanyayang walang-humpay na kainan. Walang humpay na kainan. Oo, inulit ko talaga. . Sa piling ng mga pagkaing katakam-takam, paano pa kaya niya magagawang makipagkuwentuhan? Iniisip ko lang . Isang buwang paghahandaan.

Sana lang mapagbigyan. Sana lang naman. Sana. . Ah basta. Bahala na. . KUNG HEI FAT CHOI!!!! Ito ang Aking Sagot sa Tanong na: EB with McRICH, BAKIT???

mr pogi
As soon as I buzzed the doorbell, Tina opened the gate to their house. It looked like Tina was already waiting for me even before my arrival. Pasok ka, Kuya. Si Kuya Tarbs ka, di ba?

It felt awkward that I was being called by my blogname when I was there for some business and professional matters. I had to re-introduce myself. Ako si Bienvenido Oliveros NG TAytay, RIzal You can call me Bong. A cheerful applause came by. The longest running noontime show was playing on television.

paghinto (pinakahuling sinulat Aug. 15, 2012)

May isang bahagi ng blogosperyo ang malimit kong puntahan dahil sa mga nakakaaliw na kuwento ng payak na karanasan ng may-akda, dagdag pa rito ang naggagandahang mga guhit at higit sa lahat, binabalik-balikan ko ang kanyang mga tula. Nagagandahan ako sa tula, kung kaya naman nakakapag-iiwan din ako ng tugon bagamat hindi nagpapakilala. At nakakagalak na dalawang beses pang naitampok ang aking iniwang bakas doon. Noong Enero ay sinulat niya ang tulang abante. Na aking tinugonan ng pagtigil: noong gabing lango tayo sa tapang at pait ng kape pilit kong inunawa ang paliwanag mo sa akin ang pag-usad, abante at pagsulong ngunit paano ako makakaalis kung hindi naman ako makakahakbang? hindi ko makuha ang pagsulong na sabi mo mula sa dating kinatatayuan hindi ko magawa ang paglimot sa mga alaala habang may kulay pang aandap-andap sa pagpikit ng mga mata

hindi ko pa kayang itiklop ang maleta at hindi ako handa sa paghila at pagkaray dahil may mga bakas na maiiwan kaya ipahintulot mo sana itong pagtigil at konting panahon na pagpapahinga sapagkat itanggi mo man o aking ipagkaila ang lahat ng itoy nananatili nakahimlay sa ating gunita.

Wasak!

paalam Taribonggerald Soriano

--------------------Si Taribong, ang aming mabait na kaibigan ay pumanaw noong umaga ng ika-24 ng Nobyembre. Hindi na niya inabot ang kanyang ika-37 kaarawan kahapon, November 27. I believe our best gift to him is our prayer for his souls eternal repose. Maraming salamat po. From Kaye