You are on page 1of 13

Mataas na Paaralang TONDO Departamento ng Filipino Bo.

Magsaysay

Mga Liham ng Prinsesang Javanese


ni Raden Adjeng Kartini Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo

Ipinasa ni: Ronalou P. Paculan IV-Bravery Ipinasa kay: Bb.Lucelma O. Carpio Petsa: Enero 3, 2013

I.

Pamagat: Mga Liham ng Prinsesang Javanese

II.

May-akda: Adjeng Raden Kartini

Isang napakahirap na paglalakbay sa lahat ng panahon ang pagtawid mula sa walang malay na kamusmusan tungo sa pagkakamulat ng isip ngunit lalong makirot ito kung dahil sa damdamin o pangyayariy salungatin ng sinuman ang kinabihasnang mga pamamaraan at kapalaran. Sa mga liham na ito, inilahad ni Kartini ang pagtatalong panloob at panlabas na umiral sa kanya ng sapitin niya ang sapat na kaisipan sa isang panahon n gang Java ay nasa bingit ng mainit na pakikipag-ugnayan sa modernong sibilisasyong kanluranin. Natutuhan niyang mabuti ang kulturang Kanluranin kung kayat pinintasan niyat tinanggihan ang buhay na inaasahan ng kanyang pamilya para sa kanya.; gayunmay nadiskubre din niya pagkaraan na hindi sapat ito para magamit niyang patnubay sa paglutas ng maraming suliraning gawa mismo na kanyang mga bagong modelo.

Isa si Kartini sa ilang malulungkot na nilalang na hindi makontentong magpatangay sa agos ng kanilang kultura, na hindi maisuko ang sarili sa mga tungkuling itinakda ng lipunan para sa kanila. Ang pagtatangging Makita ang sarili na tulad ng pagkakita rito ng iba ay nangangahulugang natigatig nang labis ang panloob na pagkilala nito sa sarili, ang katiyakan sa personal nitong katauhan. Maari itong magbunga ng isang bagong pagpapalagay sa personal na layunin at isang naiibang paraan ng pamumuhay, ngunit maibabatay lamang ito sa mga tradisyong kultural na dating alam na. sa kaso ni Kartini, napasabay ang

paghahanap ng isang dalagita sa istilo ng buhay na makatutugon sa kanyang nagtatalong mga hangarin at pangarap sa mga pagbabagong panlipunan at pamamaraan. Ang krisis pangindibidwal ni Kartini nag tutugon at nag-ambag sa krisis ng Javanese cultural identity, lalo na nang unti-unting makilala ang mag sinulat niya.

III.

Mga Tagpuan: A.Java, Japara - Itinalaga siya sa lugar na ito, hindi dahil nagmana

sya ng isang trono, kundi dahil doon sya inilipat ng mga Dutch. B. Holland Dito sa lugar na ito isinuko ni Kartini ang hangaring makapag-aral sa Holland. Itoy naganap noong 1903.

IV.

Mga Tauhan: A. Mga Pangunahing Tauhan

Kartini - isang feminist, isinilang siya noong 1879 at nagkaroon ng pribilehiyong makapag-aral bagaman nakulong ayon sa tradisyong Javanese, nang sapitin niya ang ika-12 taong gulang. Namatay siya sa gulang na 24, subalit nakapag-iwan ng isang mahabang talaan ng mga liham na may mga kaisipang magpahanggang ngayoy nakaukit sa pusot damdamin ng kahit karaniwang Javanese.

Mevrouw Ovink-Soer Ang nagpakilala kay Kartini sa kulturang Kanluranin. Ito ang nagpakita sa kanya ng kaibahan ng mga bagay na napag-aralan nya sa Dutch Schools sa kulturang nakagisnan niya.

Stella Zeehandelar Isang radikal na feminist, nakilala sya ni Kartini sa pahina ng De Hollandsche Lelie.

B. Mga Pantulong na Tauhan: Ama ni Kartini Ang mapagmahal at mapag-aruga nyang ama. Shouck-Hurgronje Isang lalaking may malalim na pagkilala sa karakter ng mamamayang Indones. Kartono Ang kapatid na lalaki ni Kartini. Heer E.C. Abendanon anak na lalaki ni J.H. Abendanon. Hilda de Booij Anak ni Heer Charles Boisceuain, isang director ng Algemeen Hardelsblad. Kardinah Bunsong kapatid na babae ni Kartini,

V.

Mga Tayutay:

Personipikasyon o Pagtatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. Mga halimbawa: Inaakay ako ng musika sa madidilim na lambak, sa ibaba ng malalalim na bangin, sa madilim na kakahuyan tungo sa masukal na kagubatan, at nanlalamig at nanginginig ang kaluluwa ko sa taglay na hapis, kirot, at lungkot. Mga sulat na mabilis na lumilipad patungo sa aking mga kaibigan.

Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.

Mga halimbawa: May karapatan ba akong wasakin ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin.Kundi pagmamahal at kabuthihan, mga taong nag-alaga sa akin ng buong pagsuyo? Ang puso koy sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa akin at sa iba,buong lungkot na pinag-aalab ang mithiin kong magising ang aking bayan. Nagliliyab ako sa galit kapag naririnig kong sinasabi nilang Kakilakilabot na India Madalas nilang makalimutan ang nakapaghihilakbot na lupaing ito ng mga bakulaw ang pumupuno sa bulsa nilang walang laman Ironiya - mga layuning mangutya ngunit itinatago sa paraang waring nagbibigay- puri. Mga halimbawa: kamatayan! Bakit nilang sinasabing malupit ka, ikaw na nagpapalaya sa sangkatauhan sa buahy na ito.

VI.

Buod:

Si Kartini ay isang determinadong babaeng handing lumaban nang mga walang pagsukong hinihingi ng tradisyon, kundi sa mga pakikibakang nagaganap maging sa kanyang kalooban kalooban namamagaitan sa mga pwersa ng tradisyon at pagbabago sa hatak ng mga abstraktong kaisipan at sa hikayat ng mga pagsuyo ng kanayng pamilya. Pupunta ba sya sa Holland at magiging isang

dakilang manunulat, mag-aaral ba sya ng medisina, magtatatag ng isang paaralan ng mga babae, ipagmamagaling ang di nya pagsunod sa kumbensyon sa harap ng kanyang reaksiyonaryong pamayanan at magiging maningning na halimbawa ng isang babaing Javanese o nararapat ban yang walang imik na ipagwalambahala ang tradisyon at kinikilalang mga interes bilang isang guro o isang simpleng komadrona? Ito ang mga bagay na isinaalang-alang niya, ngunit dito ay pumapailalim ang conflict of loyalties: sa kanyang makasaysayang kapalaran, sa kanyang ibat ibang kaibigang Dutch, at higit sa lahat, sa kanyang ama na ang pagmamahal at pagsang-ayon ay labis nyang pinahahalagahan.

Madals banggitin ni Kartini sa mga sulat na ito ang kabagutan sa sobrang pagka-protektado ng buhay nya, gayunmay lubha itong lantad sa mga bagay na nauugnay sa intellectual exposure. Buhat sya sa isang pamilyang may kakaiba at malapit na pakikipag-ugnayan sa mga Dutch at kakatwang pagtanggap sa mga kaisipang Kanluranin. Bagaman literal na nangangahulugang prinsesa ang titulo nyang Raden Adjeng. Hindi siya talagang prinsesa sa tunay na kahulugan ng salita, dahil ang kanyang ama ay Dutch na nagtalaga dito bilang Regent o gobernador ns may nominal na pananagutang administratibo sa isang distrito, kung saan ang kanyang dugong bughaw at pamamalakad ayon sa mga tradisyong pampamilya ay nagbigay sa kanya, at pati na rin sa kanila, ng katapatan ng mga pesante. Halos kabalikat nya ang isang tagapayong Dutch, ang Assistant Resident, na nagpapasya sa lahat ng mga bagay na nauugnay sa interes ng mga Dutch; karamihan din sa mga tauhan nyang Javanese ay may katapat na Dutch. Itinalaga sya sa Japara, hindi dahil nagmana sya ng isang trono, kundi dahil doon sya inilipat ng mga Dutch. Gayunman, di tulad ng ibang mga Javanese Regent noong panahong iyon na umiiwas sa mga impluwensyang banyaga at kumikilos na wariy wala doon ang mga Dutch, nagsasalita nang mahusay na Dutch ang ama ni Kartini, bukod sa nagbabasa ng literaturang

Kanluranin. Noong 1902, tatlong Regent lamang sa kabuuang walumpu sa buong Java ang nakapagsasalita ng mainam na Dutch na tulad nyam at isa ritoy ang kapatid niyang lalaki.

May edukasyong Dutch ang ama at mga tiyuhin ni Kartini, halos isang namumukod-tanging karanasan sa Java noong mga 1860s. Kilala at may bisyon sa hinaharap ang kanyang nuno na kumuha ng isang batang tutor para sa mga anak nya mula sa Holland dahil iilan lamang ang mga paaralang Kanluranin sa Java nang mga panahong iyon. Walang alinlangang higit pa sa wika lamang ang itinuro ng tutor na ito dahil nang bandang huliy naging editor ito ng progresibong pahayagang De Locomotief na nalathala sa Java at nagbabandila ng Etichal Policy.

Ang mga naunang karanasang pampaaralan ni Kartini, mula ikaanim na taon hanggang ikalabindalawa, ay nagtakda ng isang pamarisan ng cultural confrontation na namayani sa kanyang buhay. Natamo nya ito sa isang Dutch elementary school sa Japara na itinayo para sa mga anak ng mga namamahala ng taniman ng goma at tubo at ng lingkod-bayan sa nasabing rehiyon. Tinanggap dito ang ilang batang Javanese, ngunit iyon lamang may napakataas na kalagayan sa buhay at nakahandang matuto ng Dutch. Itinayo ang paaralan sa tapat ng bahay nina Kartini sa kabila ng daan at sa bakuran mismo ng Regent itinayo ang bahay ng schoolmaster. Tulad ng inihayag ni Kartini sa kanyang mga liham, ang hinangaan niya nang labis ay ang kalayaan sa anumang social restraint ng mga batang Dutch, gayundin ang mga saloobin nila sa kanilang mga kinabukasan, ang katiyakang sila mismo ang namamatnubay sa sarili nilang mga karera at makapipili sa marami at ibat ibang mapanghalinang paraan ng pamumuhay.

Nagtigil ang pagsulyap na ito sa eksotikong pamamaraan ng ibang lipunan nang sa pagsapit ng adolescence, si Kartini ay muling pabalikin sa tradisyon sa sarili nyang kultura, gaya ng hinihinging tungkulin sa isang babaing Javanese. Hindi na sya pinayagang tumawid ng daan patungo sa paaralang Dutch, inasahang ikukubli na niya noon ang sarili sa paningin ng lahat, liban sa kanyang pinakapamilya, at maghahanda sa mga maharlikang manliligaw na hihingi sa kanyang ama ng kanyang kamay. Ang pagkakatiwalag na ito ng sarili sa loob mismo ng bakuran ng kanyang kamay. Ang pagkakatiwalag na ito ng sarili sa loob mismo ng bakuran ng kanyang ama ay hindi isang kaugaliang Islamic, tulad ng inakala ni Kartini, kundi isang katutubong pamamaraang Javanese na nagpapakita ng kataasan ng kalagayan at kalantayan ng dugong mahal ng kanilang pamilya. Hindi tulad ng mga naging kaugalian sa mga bansa sa Middle East, kung saan itinatago sa madla ang mga babae sa buong buhay nila, sa Java ay mga babae lamang ng angkang maharlika, lalo na yaong mga bata pa at walang asawa, ang inaasahang ikubli ang kanilang sarili sa mata ng mga tagalabas. Hindi nagbebelo ang mga babaing Javanese. At matapos makapag-asawa at manganak, maging ang pinakamaharlikang mga babae ay pinagkakalooban ng malawak na kalayaan sa pagkilos.

Para kay Kartini na di-mapakali, lista at mapagmalaki, isang ganap na pagkabilanggo ang pananatili sa bahay. Nadama niyang inaapi sya ng pamilya, lalo na ang kanyang ina, ng kanyang panganay na kapatid na lalaki at babae, na pawing mga konserbatibong tao na humihinging sundi niya ang itinakdang kaugalian ng pagsunod ng nakababata sa nakatatanda. Lalo pang bumigat ang tiising dinaranas niya noong taon ding iyon nang ang kanyang mga kalarong Dutch, na anak ng guro, ay kasama ng kanilang amang bumalik sa Holland at ang kanyang kapatid na si Kartono, kung kanino sya napakalapit, ay umalis upang mag-aral ng high school sa ibang siyudad. Isang natatanging kalupitan

ang nadama niya kay Kartono; hindi nagkakalayo ang mga edad nila, magkapareho ang kanilang temperament at katalinuhan, at ang interesanteng takbo sa dakong huli ng karera nito ay napahiwatigan ng kay Kartini. Buko ditto, silang dalawa lamang ang naiiba ng ina, isa sa mga sumunod na asawa ng kanilang ama. Ang pagkakatulad ng mga pangalan nila ay nagpapahiwatig na iisa ang kanilang ina. Hindi kailanman binanggit ni Kartini ang tunay niyang ina at ang babaing tinatawag niyang ina sa lahat ng mga liham nyay pangalawang ina lamang niya, ang una at ang tunay na asawa ng kanyang amang Regent. Ang katotohanang ito marahil ang sanhi ng malamog na ugnayan ng dalawangunit isang bahagi lamang iyon dahil talagang naiiba ang kaligirang kultural ni Kartini kaysa kanyang ina-inahan, lalo na sa larangan ng edukasyon. Samantalang tumatayo ang ama ni Kartini sa daigdig ng makabagong mga kaisipan, tumatayo naman ang kanyang ina-inahan sa sinaunang Javam sa mga kaugalian ng korte at sa lumang mistikal na pananaw ng Java sa daigdig. Nang sa wakas ay mapagtugma ni Kartini ang kalooban niya sa dalawang tradisyong ito, naging malapit na silang mag-ina sa isat isa. Gayunman, sa buong buhay niya, tanging sa kanyang ama lamang siya humahanap ng patnubay at pagmamahal, at sa panahong iyon na natiwalag siya sa ama dahil sa kakatwang kilos nya at paniniwala, laking pagsisi ang kanyang nadama.

Sa panahong ito ng pag-iisa nakadama si Kartini ng kapangyarihan at lakas ng loob. Ito ang kakayahan niyang makapaglahad ng sarili sa pagsulat. Sinimulan niyang sulatan ang dati nyang kalaro na naninirahan na sa Holland, pagkaraay sumulat siya ng mga pormal na sanaysay na iwinawasto ng kapatid nyang si Kartono sa tuwing magbabakasyon ito sa kanila mula sa paaralan. Bagaman nang bandang huliy napagkalooban si Kartini ng kalayaan sa pagkilos, naging kulong din ang buhay niya, at pinatitibayan ng dami ng liham na naisulat niya ang kahulugan ng buhay para sa kanya.

Si Mevrouw Ovink-Soer ang nagpakilala kay Kartini sa kulturang Kanluranin. Ito rin ang nagpakita sa kanya ng kaibhan ng mga bagay na mapagaralan niya sa Dutch schools sa kulturang nakagisnan niya.Karamihan sa mga ideya niya ukol sa kawalang-katarungan sa mga babaing Javanese at sa dipagkakapantay-pantay ng babae at lalaki sa larangan ng pag-aasawa ay maaaring nakuha niya kay Mevrouw Ovink-Soer. Nang mga panahong iyon, maalab ang kilusan ng feminism sa Holland na kung saan tinutuligsa ang institusyon ng pag-aasawa. Kahila-hilakbot para kay Mevrouw Ovink-Soer ang kaugaliang Javanese na nagkakasal ng dalawang tao na hindi man lamang nagkakakilala.

Sa mga pahina ngDe Hollandsche Lelie nakilala ni Kartini si Stella Zeehandelar, isa pang radikal na feminist. Masuyot madalas ang mga sulatan nila, at sinusuportahan ni Stella ang pinakaradikal na mga balak ni Kartini sa tuwina.

Noong Agosto 1900 ay nabuksan ang daan para sa kanya sa pamamagitan ng bagong kaibigang Dutch, si J.H. Abendanon, isang lalaking mas may kakayahang kumilos para sa kanyang kapakanan kaysa sa mga nauna niyang nakilala. Isa sa mga una at pinakatapat na tagapagtaguyod ng Ethical Policy, si Abendanon ay gumagawa na ng mga kongkretong hakbang sa pagsasakatuparan nito sa kanyang kakayahan bilang Direktor ng Departamento ng Edukasyon, Relihiyon at Industriya.

Sumapit ang pinakakritikal na bahagi ng buhay ni Kartini nang isang lalong makapangyarihang Dutch supporter ang dumalaw sa Japara. Ito ang pinuno ng Dutch Social Democratic Party, miyembro ng Dutch Parliament at kaibigan ni Stella na si H.H. Van Kol. Sinulatan ito ni Stella ukol sa kalagayan ni Kartini. Nagtagumpay naman itong makakuha ng grant para kay Kartini noong Nobyembre 1902, subalit maraming di-inaasahang pangyayari ang naging sanhi para hindi tanggapin ni Kartini ang grant.

Sa anut anuman, isinuko na ni Kartini ang hangaring makapag-aral sa Holland. Itoy naganap noong 1903. Anim na buwan pagkaran, lalo pang malalaking hakbang tungo sa kumbensyong Javanese ang sinunod nya. Isinaayos sa tradisyunal na pamamaraan ng kanyang ama ang kasunduan sa kasalan Lumilitaw na isinaalang-alang ng kanyang ama ang mga layunin niyang makapagturo at maingat na pinili ang magiging manugang nito na iniisip ang kaligayahan ni Kartini. Napangasawa ni Kartini ang Regent ng Rembang na nakapag-aral din, nakapunta na sa Holland at nagtataguyod ng mga progresibong patakarang panlipunan. Nakumbinsi na rin si Kartini sa paniwala ng marami na maari lamang maging di-kumbensyonal ang isang babaing Javanese matapos itong makapag-asawa.

Ang huling tao ng buhay niya ay ibinigay nang lubusan sa pag-aasikaso ng tahanan. Inagaw ng pagkakasakit ng kanyang asawa at mga anak nito na karamihan sa kanyang lakas; ngunit masigasig pa rin siyang nagplano para sa itatayong paaralan at mga proyekto sa pagpapalaganap ng Javanese arts at jandicrafts, mga planong nawasak sa kanyang biglang pagkamatay sa panganganak. Ilang buwang lamang pagkaraan, namatay din ang kanyang pinakamalapit na kaibigan at pinakamarubdob na kritikoang kanyang ama.

Nang mga sumunod na taon pagkamatay ni Kartini, ganap na nagbago ang kalagayan ng Indonesian intellectuals dahil sa paglawak ng pagkakataong makapag-aral. Kung buhay pa si Kartini, hindi siya mananatiling nag-iisa sa pakikipaglaban para sa kapakanan ng mga babae at lalaking Javanese na mabilis na dumarami kapwa sa bilang at kapangyarihan. Dumami rin ang mga pangkat na ito dahil hindi nilimitahan ang edukasyong Kanluranin para sa aristokratikasyang Javanese lamang; iginawad din ito sa mga miyembro ng uring mangangalakal hanggang sa mga magsasaka, at nang bandang huliy maging sa iba pang pangkat pangkulturang minorya hindi lamang sa Java.

VII.

Mga Bisa A. Bisang pangkaisipan: Nalaman ko kung gaanong kahirap ang buhay na dinanas ni Kartini noon.

Katulad ng malaman nya na tunay nya talagang kapatid si Kartono dahil sa pagkakahawig nila ng pangalan. Buong buhay niya kasi ay pinaniwala siya ng pangalawa niyang ina na hindi niya tunay na kapatid si Kartono. Pumunta rin ng Holland ang mga kaibigan niyang Dutch at ang panganay niyang kapatid ay pumunta sa ibang siyudad para mag-aral ng high school. Ang lahat ng ito ay nagbunga sa kanyang labis na pagkalungkot at pangingulila kaya naisipan nyang magsulat ng liham sa kanyang mga kaibigan ukol sa m ga bagay-bagay na nangyari sa kanya. B. Bisa sa damdamin: Nalungkot talaga ako ng sobra sa naging buhay ni Kartini. Bagkus syay isang prinsesa, hindi pa rin naging ganoon katiwasay ang naging buhay niya.

Kung inaakala ng marami na mapakaganda ang buhay na lahat ng prinsesa, ibahin si Kartini. Marami syang mga pagsubok at pangungulilang natamo. Mabuti na lamang at nakapag-asawa pa rin siya na ayon sa kanyang gusto at makapagpapaligaya sa kanya. C. Bisang pangkaasalan: Ang pagiging isang prinsesa katulad ni Kartini ay hindi naman nararapat na maging malupit at lagging awtorisado. Katulad ni Kartini, naging simple at namuhay siyang parang Norman na mamamayan lamang. Tulad ng lahat ng tao, naranasan din niyang mabigo, malugmok at umibig. Kaya isang napakagandang halimbawa ng kaugalian ni Kartini sa mga kabataan sa kasalukuyan.