You are on page 1of 4

Yatal, Angelica G.

BGM22 Critique Paper #1

Walang Panginoon (1933)


Ni Deogracias A. Rosario

Buod: Nagsimula ang kwento kay Marcos na isang simpleng magsasaka lamang. Ulila na sa ama at tanging natitira niyang kasama sa buhay ay ang kanyang ina. Dahil sa kanyang Ina, nais ni Marcos magsarili mula kay Don Teong, ang mayamang nagmamay-ari ng lupang iniwan ng kanyang ama sa kaniya na kanilang binubuwisan. Namatay ang kanyang ama dahil sa sama ng loob kay Don Teong. May kapatid din si Marcos, ngunit namatay din ito dahil sa paglilingkod nito sa bahay nina Don Teong. Si Anita nman, ang iniibig ni Marcos na anak ni Don Teong ay namatay din sapagkat nalaman ni Don Teong ang lihim na pakikipagkita nito kay Marcos. Si Marcos ay lumaki sa ibabaw ng kalabaw at sa pagtikin sa kanilang damo sa ilog. Natapos lamang siya ng katesismo sa iskuwelahan na silong ng kumbento sa kanilang bayan at natutong sumulat sa pisara ng malaking numero. Ganun pa man, siya ay iniibig din ni Anita. Isang araw habang namamangka ang dalaga, si Marcos ay nag mamasid sa dalaga ng palihim ng biglang nalaglag ito sa Bangka na kanyang sinasakyan. Agad nman itong sinaklolohan ni Marcos at ditto nagtapat ng pag sinta si Anita. Nang si Anita ay namatay, dinalaw ito ni Marcos ngunit tinutukan siya ng rebolber ni Don Teong at binantaan. At dahil sa pagmamalupit na ito, minsan ng pinagtangkaan ni Marcos na paslangin si Don Teong ngunit napipigilan lamang siya ng kanyang Ina. Isang gabi , ng hindi siya makapagpigil lagi siyang umuuwi ng gabi, ang kanyang kalabaw ay kanyang dinala sa lupain ni Don Teong at dun niya ni latigo gabi gabi. Alam ng lahat na si Don Teong ay nagiikot tuwing gabi sa kanyang lupain na may dalang rebolber . Hindi nagtagala ay kumalat ang balita nasinuwag daw ito ng isang kalabaw na tila galit nag alit. Lasog lasog ang katawan ni Don Teong ng itoy inuwi sa bahay. Napaglaman na kay Marcos ang nasabing Kalabaw. Nagtaka sila kung bakit ang poot na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong ay napunta sa kalabaw.

Tunggalian: Para po sa akin, ang tunggalian ay ang parte sa maikling kwento ay kung saan si Marcos ay nagbabalak ng maaaring iganti kay Don Teong. Ito ay yung pagdala niya nung kanyang kalabaw sa lupain ni Don Teong.

Yatal, Angelica G. BGM22 Critique Paper #2

Ugat sa dugo
Ni Jose A. Arrogante

Buod: Bata pa lamang si Sidra ng siya ay maulila ng ama at ina. Pinalaki siya ni Tiya Concha. Kalat sa buong lugar nila ang mga pangyayari ng kanilang buhay. Napatay ng ama ang kanyang ina dahil ito ay nauhuling may sinisiping na iba. At dahil ditto, labis na kalungkutan ng kanyanng ama na siyang kumitil din sa kanyang buhay. Dahil kay Tiya Concha siya lumaki, siya ay pinagbawalang makipagsalamuha sa iba. Piling mga tao lamang ang maaring makihalubilo kay Sidra. Ang mga ito ay sina Desta , Sido at Cardo. Si Desta at Sido ay magasawa samantalang si Cardo ay kapatid ni Desta. Bente nuwebe na si Sidra na maisip niya na siya ay tumatanda at natitigang na. Dahil si Cardo ay may pagtingin kay Sidra, nagtangka itong manligaw. Subalit si Cardo ay mahiyain at torpe kaya nman si Sido ang nagging tulay sa panliligaw ni Card okay Sidra. Ngunit hindi alam ng lahat na nagkakapalagayan nap ala ng loob si Sido at Sidra. Ng isang Gabi sa tahanan nina Tiya Concha habang tulog ito, inakyat ni Sido ang kwarto ni Sidra. Narinig ni Tiya Concha ang kaluskos at tinignan ang kwarto ni Sidra, ng Makita niya na si Sido ay katabi na ni Sidra sa kanyang kama. Dahil sa pagkagalit at pagkagulat , inatake ito at namatay. Nabalita ang kapangahasang nagawa ng dalawa sa buong bayan at npagisip nilang magsama at magpakalayo layo. Sila ay nagsama at bumuo ng pamilya. Nagkaron sila ng tatlong anak. Isang araw, naabutan niya ang kanyang panganay at ang pangalawa niyang binatilyo na may kahalayan na ginagawa. Sa galit ni Sidra, pinaghahampas niya ang mga ito ng buntot ng pagi. Hindi niya napigilan na maalala ang nakaraan. Nag sanib sanib ang lahat ng ito sa kanyang paningin.

Tungggalian: Ang tunggalian dito para sa akin ay ang pagkahuli ni Tiya Concha sa silid na magkatabi sa kama ang dalawa na sina Sidra at Sido.

Yatal, Angelica G. BGM22 Critique Paper #3

Usok ng mapupusok na araw (1983)


Ni Ruth Elynia S. Mabanglo

Buod: Takot na takot si Lucing na sumakay sa taksi. Itoy papunta sa project 8, sa apartment ni Nasser. Minsan ng nabanggit ni Elay na katulong ni Lucing nab kit hindi na lang si Nasser ang papuntahin ni Lucing sa kanyang apartment. Ngunit para kay Lucing, ayaw niyang mapagusapan sila ni Nasser ng kanyang mga kapitbahay. Si Nasser ay isang Iranian na iniibig ni Lucing. Nagkakilala sila sa isang party ng kaibigan niyang nagtuturo ng math sa isang unibersidad sa sampalok. Si Lucing ay agad naakit ditto dahil iba sa karaniwang Iranian si Nasser. Wala itong masamang amoy, o rugged tignan at magaling sa wikang Ingles. Itoy third year na bilang civil Engineering, dating sundalo at ang kanyang ama ay nag mamayari ng isang konstruksiyon publiko sa Iran. Sa simula, puro pamamasyal , pagkain sa labas, panunuod ng sine at pag dalo sa mga party. Ngunit ng tumagal, hinahanap hanap na nila ang pagkakataon na sila ay magsisa, malayo sa paningin ng iba. Hanggang sa nauwi ang lahat sa pagpapasyang magsama pag weekend o walang pasok sa bahay na inauupahan ni Nasser. Nabuntis si Lucing. At napagisipisip niya na hindi pananagutan ni Nasser ang bata. Hindi niaya alam kung kaya niyang maging isang dalagang ina o ipalaglag ang bata. Napag desisyon niyang ipalaglag ang bata. Sinabi niya ito kay Nasser ngunit parang wala lang sakanya ito. Na imagine niya ang sarili habang pinalalaglag ang bata. Alipin siya ng dimagkamayaw na sakit.Nagtungo siya sa apartment ni Nasser at nadatnan niyang may kausap ng tatlong lalaking Iranian at isang dalagita na sa tingin niya ay estudyante. Sinabi ni Nasser na maghintay na lamang si Lucing sa kwarto at parating na din ang doctor mga ilang saglit lamang. Ngunit si Lucing ay nagpatuloy na pagkakatayo. Biglang tumaas ang boses ni Nasser. Sila ay nagtalo. Nanlisik ang mga mata ni Nasser. Ang nakita ni Lucing na maginoo, masuyo at mabait na lalaking kanyang inibig ay tila nawala. Isang hayop na tila kumakawala upang siyay sakmalin. Isang nag aalmang hayop, walang katinuan, walang bait. Isang hayop na tila sisirain ang kanyang pagkatao, at ang sanggol na nasa kanyang tiyan. Iisa ang tingin niya sa mga dayuhan na iyon. Manunulot ng puri. Maninila ng karangalan. Naningkit ang mata ni Lucing. Umakyat ang kanyang dugo sa ulo. Sinabihan niya ang dalagita na iwasan na ang mga dayuhan na iyon sapagkat silay walanghiya. Dali daling umalis ang dalagita palabas. Tinanong ni Lucing si Nasser at ang iba niyang mga ksamang Iranian kung bakit sila nandito sa Pilipinas. Para sa mga Iranian na ito, women and beer are cheap ditto sa Pilipinas. Sa isang iglap,inundayan ito ni Lucing ng isang sampal. Nagitla ang lahat.

Natulala. That is for harboring a wrong notion towards us. Youll find out that not all women here are cheap. Neither is the beer! I will see to it that you realize that! ani ni Lucing. Pagkasabi nitoy tuloy tuloy na siyang lumabas palayo at sinara ang pulang geyt. Tunggalian: Ang tunggalian sa maikling kwento na ito ay kung saan si Lucing ay nagpunta sa apartment ni Nasser at maabutan niyang may kasama pa itong ibang Iranian. Nang si Lucing at Nasser ay nagtalo at tila nagdidilim na ang paningin ni Nasser kay Lucing.