PANIMULA

A. Paglalahad ng Suliranin Sa ating kasalukuyang panahon, hindi maikakailang maraming mga bagay ang biglang nagsusulputan. Mula sa mga makabagong teknolohiyang naglipana sa ating kapaligiran, bumulusok din ang mga programang nakapagpapasaya o nakapang-aaliw sa mga manonood—mga programang nagbibigay ng malaking epekto o implikasyon sa mga Pilipino lalo na sa mga kabataang nakakapanood o nakakasaksi sa mga programang ito; mga programang animo‘y sumasalamin sa tunay na pagkatao at ugali ng mga Pilipino at maging ang mga kaugaliang nakasanayan nito; mga programang nagmula sa mga dayuhang bansa na ginaya at itinulad ng mga prodyuser at direktor ng iba‘t ibang istasyon sa ating bansa. Ang mga programang ito ay tinatawag o tinaguriang ―reality-based television shows‖ o sa madaling salita, ―reality shows.‖

Marahil, ang mga programang ito ay may malaking epekto sa buhay ng mga Pilipino lalo na sa mga kabataan—mga kabataang maagang namulat sa mga makabagong pangyayari at pagbabagong nagaganap sa ating makabagong kapaligiran at panahon. Mula sa pag-aaral o pananaliksik na ito, malalaman at maaanalisa ang mga maaaring maging epekto nito—mabuti man ito o masama; nakakahubog ba ito sa personalidad, ugali at pagkatao ng bawat isa at higit sa lahat, kung may mga aral ba tayong matututunan mula sa mga programang ito.

B. Pinagmulan ng Pag-aaral

Isa sa mga paboritong libangang kinahihibangan ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan ang panonood ng telebisyon. Ito ay naging bahagi na ng sistema ng ating pamumuhay at pang-araw-araw na gawain. May iba‘t ibang uri ng programang pinapalabas sa telebisyon tulad ng mga telenobela, koreanobela, anime, gag shows, drama, talk shows, game shows at iba pa, ngunit ang pinakabago at ang labis na sumikat, kinahumalingan at tinangkilik ng mga kabataang Pilipino amg mga ―reality1

based television shows‖ o ―reality shows.‖ Lahat ng mata—bata, matanda, lalaki man o babae—ay talagang nakatutok sa mga pinag-uusapang mga reality shows ng sambayanan. Ang mga ―reality shows‖ ay isang uri ng palabas sa telebisyon kung saan ang sinusubaybayan ay ang ―totoong buhay‖ ng mga tao at hindi mga kathang-isip na tauhan na ginagampanan ng mga artista. Ayon nama kay Nestor U. Torre (2004), entertainment staff writer ng Philippine Daily Inquirer, ang programa ay masasabing reality based kung ito‘y tungkol sa mga totoong tao na nagpapakatotoo at walang ginagampanang papel. Dagdag pa niya, reality show din ito kung ito ay gumagamit ng obserbasyonal na istilong pagkuha ng eksena, itinatala ang totoong nangyayari at higit sa lahat kung nagbibigay ito ng eksenang di inaasahan.

May tatlong uri ng reality shows sa Pilipino. Ito ay ang mga sumusunod: una, ang mga manonood at ang camera ay pasibong nagsusubaybay ng mga tao sa kanilang pang-araw-araw na personal at propesyonal na gawain. Ang mga "plot" na tinipon para sa palabas ay kadalasang katulad ng mga soap opera kaya kung minsan ay tinatawag na docusoap. Sa pangalawang uri, may mga nakatagong camera kung saan kinukunan ang mga nagkakataong dumaan sa lugar kung saan may naka-setup na sitwasyon. Ang reaksyon nga mga dumaraan ay maaring nakakatawang panoorin pero ito rin ay nagpapakita ng katotohanan ng kalagayan ng tao. Ang pangatlong uri ay ang tinatawag na "reality game show", kung saan ang mga kasali ay tinututukan ng mga camera habang silang nagpapaligsahan upang makuha ang premyo. Ang isang pagkakaiba kung bakit ang "reality game show" ay mas totoo kaysa sa mga ibang game show ay maaaring kasangkot ang mga manonood— ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon— sa pagpili sa kalalabasan ng palabas. Kadalasan, ang pakikisangkot na ito ay sa pamamagitan ng pagpili kung sino sa mga kasali ang matatanggal— disapproval voting, ang pinakapopular, o iba pang sistema ng pagboto. Ang isa sa pinakasikat na realitybased game show ay ang Survivor at Pinoy Big Brother.

Ang reality television ay labis na tinatangkilik sa Pilipinas dahil sadyang nakakaaliw ito. Ngunit maraming mga magulang ang nangangamba sa napapanood ng kanilang mga anak sa harap ng telebisyon. May mga magulang na nagsasabing ang naturang palabas ay maihahalintulad sa mga ineeksperimentong mga daga na nakakulong sa kulungan. Marami sa mga magulang ang sumasang-ayon na dapat pag2

isipang mabuti ang mga programang pinapalabas dahil maliban sa mabuting epekto, mayroon ding mga masasama at hindi kaaya ayang mga aral na maaaring natututunan ang mga kabataang Pilipino hinggil dito.

Ang telebisyon ay may potensyal na pagkaisahin ang mga komunidad at bayan, magbigay ng impormasyon para sa positibong kultura, panlipunan at pangkalikasang pababago, at lumikha ng pandaigdigang pagbabago. Meron din itong kakayahan upang paglayuin, palamigin, wasakin at itaguyod ang agresibo at negatibong mga gawi, magbigay ng hindi kanais-nais na halimbawa sa mga kabataan, at magdulot ng masamang asal tulad ng pagiging sakim at gahaman. Sa nakalipas na dalawang dekada, marami ng maingat na pagbubulay bulay ang napagdebatehan ukol sa impak ng dahas sa telebisyon ang ganitong kontribusyon sa mga manonood lalo na ang mga kabataang Pilipino

Sa kabuuan, ang pag-aaral na ito ay nagsasabing reality shows ang pinakakinahuhumalingan ngayon sa kasalukuyang henerasyon at lantad ang

manipestasyon sa epekto at repleksyon nito sa mga manonood lalo na sa mga kabataan.

C.

Layunin Ang layunin o hangarin ng pag-aaral o pananaliksik na ito hinggil sa ―reality shows‖ ay upang malaman ang mga mabubuti at masasamang epekto nito sa mga kabataang Pilipino sa kasalukuyang panahon. Dahil sa nosyong ang reality shows ang kinahihiligan ngayon ng mga kabataan, kailangang malaman ang ugaling sinasalamin sa naturang mga programa. Pinagtuunan ng pansin ang Pinoy Big Brother at Survivor dahil ito ang nangungunang reality based television show ngayon sa Pilipinas. Ang telebisyon ang pangunahing midyum ng midya ngayon, kaya naman napakalaki ng impak nito sa mga manood at tagasubaybay. Sa pag-aaral na ito, mahalagang malaman kung ano ang mga nakukuhang asal at kaugalian ng mga kabataan sa Pinoy Big Brother at Survivor. Kaya naman bilang mananaliksik, minabuting pag-aralan ang repleksyon ng Pinoy Big Brother at Survivor sa ilang ugali ng mga kabataan. Ang nakikita at napapanood sa telebisyon ay kailangang pag-aralang mabuti dahil sa malaking repleksyon nito sa 3

kaugalian ng mga kabataan. Ang mga ugaling ito ay nakakaapekto sa ating buhay at sa ating bansa.

Naglalayon din itong matulungan ang mga kabataan at mga magulang sa pagpili sa tatangkiliking programa upang magkaroon ng positibong pagtingin sa kapwa at lipunan. Isasagawa ng mananaliksik ang pag-aaral upang makita ang mga kaugaliang Pilipino na napapaloob sa bawat palabas. Layunin din sa reserts na ito ang pag-alam at pag-aaral ng mananaliksik sa mga natatanging kaugaliang Pilipino na sinasalamin ng Pinoy Big Brother at Survivor. Nilalayon din nitong talakayin at suriin ang tunay na kakayahan ng kasalukuyang palabas sa pagbabago ng ugali ng mga kabataang bagong pag-asa ng ating bayan.

D.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral o pananaliksik na ito ay nakasentro o nakatuon sa mga realitybased television shows gaya ng Pinoy Big Brother (PBB) at Survivor. Ito ay isinagawa upang malaman at maintindihan ang epekto ng panonood ng mga ganitong uri nga programa sa telebisyon sa mga kabataang Pilipino.

Ang sakop o saklaw ng pag-aaral na ito ay ang kahalagahan at kasalukuyang kalagayan ng mga kabataan sa panonood ng mga reality shows. Gayunpaman, saklaw din nito ang mga kabataang Pilipino sa kasalukuyan na nakakapanood ng mga ganitong uri ng programa o palabas. Bukod dito, saklaw o sakop din nito ang mga repleksiyon ng mga reality-based television shows sa ilang natatanging kaugaliang Pilipino— maging ang mga opinion at represyon ng mga kabataang manonood ukol sa totoong elemento ng mga ganitong uri ng programa. Paniguradong ilang kaugaliang Pilipino ang uusbong sa programa na siyang manggugulat sa mga tagasubaybay, kaya mahalagang suriin at alamin ang mga implikasyon ng programang ito sa pagtingin ng madla sa kaugaliang Pinoy. Ang bawat eksenang matutunghayan sa midya lalo na sa telebisyon ay nangangahulugan ng iba‘tibang repleksiyon.

Sa kabilang banda, ang pag-aaral o pananaliksik na ito ay nalilimitahan sa mga reality shows na gawang Pilipino at ang mga kalahok nito ay mga Pilipino din. 4

E.

Pagtataya sa mga Kaugnay na Babasahin

Ang pagdami ng reality-based programming na napapanood sa telebisyon ay hindi lamang nagkamit ng milyun-milyong manonood bagkus nakaagaw-pansin din ito sa interes ng maraming mananaliksik. Ayon kila Laurie Oullette at Susan Murray, ang reality television ay isang klase ng palabas na naghahalo ng realismo at ng popular entertainment. Binibigyan-diin nila na hindi batayan ng isang reality show ang kagandahan nito o kaya ang pagtataguyod ng mga aral. Importante para sa mga ganitong palabas ang pagsasama ng kung ano ang sikat at totoo. Sa pagpapakahulugan ni Jonathan Bignell, maipapakita ng mga reality show ang iba‘t ibang kultura ng mga tao dahil importante para sa ganitong klase ng telebisyon ang maipakita ang totoo. Mapanuya man kung iisipin, ang pagkakaiba-iba ng kultura na itinatanghal ng reality show ay nakakapagbuo ng iisang identidad. Isang mabuting halimbawa rito ang Pinoy Big Brother, kung saan galing sa iba‘t ibang panig ng bansa ang kinukuhang kalahok. Makabubuo ng iisang identidad ang mga Pilipino dahil mapapansin nila ang pagkakapare-pareho ng ugali ng mga taong galing sa iba‘t ibang kultura. Mula naman sa ideya ni John Fiske, maituturing na malakas ang reality television dahil malaki ang impluwensiya nito sa lipunan. Nakabubuo ito ng iisang identidad para sa isang grupo ng tao na mayroong iba‘t ibang paniniwala. Kung gayon, ang realismo sa telebisyon ay napakalakas dahil kaya nitong hubugin kung ano ang totoo at hindi. Base sa ideya ni Jane Shattuc, kung ang talk show ay ang plataporma na naghuhudyat ng pagbabago sa lipunan. ang reality television ang mismong nagsisimula ng pagbabago sa lipunan.

5

Ayon naman kay Justin Lewis, hindi maiaalis sa katauhan ng isang tao ang impluwensiya ng telebisyon. Unti-unting binabago ng telebisyon ang paningin natin sa mga bagay.

Sabi pa nila John Fiske at John Hartley, kung gaano ka-totoo ang isang palabas, ganoon rin ito papaniwalaan ng isang manunood. Ibig sabihin nito ay mas paniniwalaan ng publiko ang isang palabas kung mas malakas ang ugnayan nito sa konsepto ng realismo. Ayon sa isang pag-aaral na ginawa sa Unibersidad ng Pilipinas- Baguio, ang pagkilala ng mga nakaraang pananaliksik ukol sa programang reality-based ay maaaring hindi angkop sa tunay na pagtingin ng mga manonood sa nasabing mga programa. Kaya‘t makabubuting balikan ang katuturan ng reality-based shows. Mula sa binigay na kahulugan nina Robin Nabi et. al. (2003), ito ay isang programa na tumatalakay sa mga totoong tao na namumuhay sa hindi organisadong kapaligiran. Kinilala pa nila ang reality show bilang mga programa na may elementong: taong nagpapakita ng tunay na sila; kinunan sa lugar na tinitirahan o pinagtratrabahuan at hindi sa set; walang sinusunod na iskrip; naayos bilang naratib ang mga pangyayari; at para sa ikagagalak ng manonood. Ang epekto sa sikolohiya ng bagong milenyo ay sukdulan, at ang telebisyon ay bahagi nito. Samakatuwid, nahanap ng mga tao sa reality-based shows ang pinakaganap o angkop na sagot sa kanilang damdamin. Maraming posibleng satispaksyon na maaring makuha sa panonood at ito‘y nahati sa tatlong kategorya; pagkatuto mula sa iba, pagtakas sa reyalidad at aral mula sa aspetong ispiritwal at moral. Ayon sa ginawang pananaliksik ni Nasser A. Dugasan na may titulong ―Ang Paradoksiya ng Pinoy Big Brother bilang teleserye ng totoong buhay, ang atraksyong natatanggap ng PBB ay base sa sosyal at gawing aspeto ng programa. Ang mga realitybased TV shows ay nakabibighani kaya‘t maraming kabataan ang nanonood sa naturang palabas dahil sa nakakukuha sila rito ng bagong impormasyon sa pamamagitan ng panonood. Si ―Kuya‖ o ―Big Brother‖ ang siya ring pinakapopular na halimbawa ng bagong factual entertainment. Kaya hindi maikakailang, marami ang 6

tumatangkilik at patuloy na tumatangkilik na kabataan sa PBB. Maraming mabuting kaugalian mayroon ang mga Pilipino, ilan nga rito‘y; pagkiling sa pamilya, masayahin at mapagpatawa, madaling makibagay, malikhain at pagkarelihiyoso. Samantalang ang mga kahinaan nama‘y; makasarili, mañana habit, ningas cogon at kaisipang kolonyal. Ang lahat ng ito‘y pawang makikita sa mga housemates o kasambahay sa loob ng bahay ni Kuya. Ayon naman kay ni Leticia Ramos-Shahani, mula sa kanyang aklat na Paghubog sa Mamamayan, Katatagan ng Bayan (Pilipinas, 1988) matatawag ding kahinaan ng mga Pilipino ang labis na makasarili; labis na makapamilya; walang sariling pagkukusa; ugaling kanya-kanya at iba pa. Ang mga katangian at kahinaan ng Pilipino ay naka-ugat sa maraming salik gaya ng: tahanan, lipunan, kultura, kasaysayan, mass media at iba pa. Bagaman masasabing mula sa magkakaibang lugar sa Pilipinas, mahihinuha pa ring ang mga ugaling ipinapakita sa loob ng PBB house ay pawang repleksyon ng mga kaugaliang Pilipino. Kung pagbabasehan ang akda ni Shahani, masasabing may malinaw na pananaw ang mga Pilipino sa kanilang kaugalian mabuti man o masama ito. Hinggil kay Shirley Biagi, isang mamamahayag at may-akda ng ―Perspectives on Mass Media Industries, Effects and Issues,‖ ang telebisyon ang nagsisilbing pinakamabisang instrumento ng edukasyon hindi dahil ito ay nagtuturo tungkol sa akademikong bagay ngunit dahil ito‘y nagbibigay ng kaisipan kung ano ang dapat at di dapat na ugali‘t galaw ng isang tao. Kaya‘t telebisyon din ang makapagpapakita ng mga ugali‘t pananaw ng mga Pilipino dito sa Pilipinas. Batay kay Susan Murray, sa mga reality shows nakabatay kung ano ang katanggap-tanggap sa lipunan dahil sa nakahalong realismo sa mga palabas. Ang reality shows mismo ang nagsasabi kung ano ang totoo at kung ano ang pagbabalatkayo, kaya naman masasabing totoo ang mga ugali na naitatampok sa mga palabas tulad ng Big Brother at Survivor. Dito kakaiba ang reality shows dahil maari na ang itinatampok nilang realidad ay isang kabawalan. Ang kanilang pagtatanghal ng realidad ang magiging hudyat ng pagbabago ng pananaw. Kaya naman tagahubog ng katotohanan ang reality television. Mula naman sa PBB magazine (2004), ang mga panibagong housemates ay kinuha sa iba‘t-ibang bahagi ng bansa, ang buong programa ay naglayong makakuha ng 7

mga tao na siyang representasyon ng kasalukuyang May mga mayaman, mahirap at nasa katamtamang antas ng pamumuhay lamang, samantala sa kasarian nama‘y may lalaki, babae, at transgender. Maging ang kabuhayan ay halo-halo rin, may guro, special agent, banker, businessman, Overseas Filipino Worker (OFW) at iba pa. Ang pagpili sa mga kalahok ay sumisigurong makita ng mga manunuod sa kabuuan ang kaugalian at ugaling Pilipino. Ito ay naglalayon ding mailabas sa telebisyon ang repleksiyon ng mga ugali ng kasalukuyang henerasyon. Makikitang ang mga uri ng taong ito ang siyang makapagbibigay impluwensiya sa mga kabataan. Mula sa isang websayt na pinoyforum.com, ang Survivor Philippines— isang halimbawa ng reality-based television show na matutunghayan at mapapanood sa istasyon ng GMA 7— ay isang uri ng programang pantelebisyon kung saan ang mga kasali o kalahok ay tinututukan ng mga kamera habang ang mga kalahok na tinipon o pinagsama-sama upang makuha ang premyo at makuha ang titulong ―Pinoy Sole Survivor.‖ Sa programang ito, makikita at matutunghayan ng mga manonood ang kanilang mga tunay na ugali at personalidad, maging ang kanilang mga estratehiya sa loob ng paligsahan o kompetisyon. Makikita ng mga manonood ang ginagawang pagtatraydoran ng bawat manlalaro sa nasabing paligsahan. Sa larong ito, kailang mong makakuha ng alyansa upang makatagal sa mismong laro o paligsahan. Kailangan dito ng matinding pagtitiwala sa bawat isang kasapi sa alyansa dahil kapag ito ay tuluyang nasira, malaki ang bahagdan na ang oras ng pagtatagal mo sa paligsahan ay magiging limitado at maikli na lamang. Sa kabilang banda, matutunghayan naman ang mga kalakasan at kahinaan ng bawat isa sa iba‘t ibang mga pagsubok na kanilang pagdadaanan. Matutunghayan din ang matinding kooperasyon at pagtutulungan ng iba‘t ibang tribo upang manalo sa iba‘t ibang paligsahan at upang makuha ang inaasamasam ng lahat na imyuniti—isang bagay o ang premyo ng tribong mananalo sa laro at magkakaroon ng pagkakataong magtagal sa isla. Sa panonood ng palabas na ito, may mga magaganda at mabubuting bagay na makukuha subalit may mga negatibo at masama din naman. Depende sa mga manonood kung paano nila tatanggapin ang mga mapapanood nila—kung ito ay gagayahin ba nila o hindi. Nasa desisyon ng mga nakakatunghay ng ganitong uri ng palabas kung makakabuti ba ito sa kanilang buhay o hindi. Pinatunayan din ng pag-aaral ang lawak ng telebisyon sa pagpapakita ng mga kaugalian sa mga reality shows tulad ng PBB. Telebisyon ang pinakamakapangyarihan 8

at pinakaimpluwensyal na uri ng mass media at ang pag-iwas dito‘y hindi makapag-aalis sa kanya. Kaya‘t anuman ang iyong opinyon o kaisipan hinggil dito, kinakailangan mo pa ring palawakin ang iyong pag-intindi sa telebisyon. Ayon sa ginawang pananaliksik ni Nestor U. Torre, isang manunulat sa Philippine Daily Inquirer (PDI), ang programa ay masasabing reality-based kung ito‘y tungkol sa mga totoong taong nagpapakatotoo at walang ginagampanang papel. Dagdag pa niya, reality show din ito kung ito ay gumagamit ng obserbasyonal na istilong pagkuha ng eksena, itinatala ang totoong nangyayari at higit sa lahat, kung nagbibigay ito ng eksenang hindi inaasahan. Mula naman sa pag-aaral ni Cathleen Jobel B. dela Cruz ng Unibersidad ng Pilipinas- Baguio, maraming posibleng satispaksyon na maaaring makuha sa panonood at ito ay nahati sa tatlong kategorya: pagkatuto mula sa iba, pagtakas sa realidad at aral mula sa aspetong ispiritwal at moral. Ayon sa PinoyTayo.net, isang estatistika ang kanilang ginawa. Sa taon ngang 2003-2004, apat sa sampung may pinakamataas na marka mula sa mga manoood ang reality based show at dalawa lamang sa mga ito ang base sa komedya. Kaya nga‘t kaysa pairalin ang mga nakatatawang programa, ang mga istasyon ngayon ay pinapabuti ang mga reality shows na syang patok sa kapanahunang ito. Ngunit habang patuloy na dumarami ang nanonood ng reality shows, kailangang mas maging responsible tayong manonood at piliin kung ano man ang nararapat tangkilikin. Kagaya ng mga libro, ang pinakamagandang programa ay yung nagpapakita ng tunay nating pagkatao, at sa pagdaan ng prosesong ito ay huhubog sa ating upang maging mas mabuting mamamayan. Sa kabuuan, ang pag-aaral ito ay nagsasabing reality shows ang pinakahuhumalingan ngayon sa kasalukuyang henerasyon at lantad ang manipestasyon sa epekto at repleksyon nito sa mga manonood lalo na ang mga kabataan. Sa nakalap na datos mula sa inspiredeveloplead.com, iba-ibang panahon, ibaiba ang genre na tinatangkilik sa telebisyon. Minsan ay namumutiktik ng gameshows sa panahong matapos ang Asian crisis ng 1997, patungo sa kasalukuyang krisis ng 2009. Nagtransporma ang ibang genre: mula sa walang katapusang melodrama series kung saan nakita natin ang kamusmusan at pagdadalaga ng mga karakter ni Janice de Belen 9

at Julie Vega, tungo sa mabilisan pagsasalansan ng teleseryeng pinagbibidahan ng ―it‖ boy at girl ng malalaking studios. Ang kasalukuyang telebisyon ay pinamumutiktikan ng reality TV shows, mga quest show na isa-isang tinatanggal ng loob (talunang tribu sa Survivor, o nominasyon sa Big Brother, at ng mga jury at home televiewers sa pamamagitan ng text voting) hanggang ang pinakamoral ay magtagumpay. Hinggil sa pag-aaral ni Christine Geraghty, marami nang paliwanag sa fasinasyon sa voyeuristikong kultura ng reality TV. Gusto natin na mamboso sa buhaybuhay, lalo na sa mga katawan at mobilisasyon ng sexualidad nito, sa pang-araw-araw na tunguhin ng mga tauhan sa reality TV. Gusto nating mabuhay vicariously sa pamamagitan ng ibang tao. Kung lulubog, sila ang lulubog. Kung may elimination challenge, sila ang magkakandarapa para makaagapay at magtagumpay. Kung may immunity challenge, sila pa rin ito.Habang tayo ay nasa sekuridad ng sala o tulugan, hindi tayo ang lubos na nahihirapan. Namumuhay lamang tayo sa pagkatao ng mga tauhan sa reality TV.-- na hindi naman hiwalay sa kondisyon ng malling at gitnang uring aspirasyon. Nagmo-malling tayo at natatanaw ang paghihirap ng ibang mas dusta ang buhay kaysa sa atin. Pero wala tayong gagawin. Kundi man, natatanaw natin ang gitna at elitistang uring aspirasyon. At dahil hindi natin makakayanan ang gastos ng pamimili, namumuhay tayo vicariously sa mga mas mataas na panandang-marka ng gitnang uring buhay sa labas natin. Sa ideya naman ni David Lusted , ang pagkahumaling sa dito ay isang kondisyon ng aquarium na idinidiin ng reality TV. Nililikhang seperadang mundo ang tunay at historikal sa isang banda, at ang pantasya at palabas sa kabilang banda-- na ang nagaganap na direktang kumpetisyon sa Survivor at tasitong kumpetisyon sa Big Brother ay kaiba sa kapitalistang dikta ng Darwinian na kumpetisyon na may baryasyon: survival di na lamang of the fittest, pero survival of the most morally upright (sa kapitalismong kaayusan, na kahit sa esensyal ay exploitatibo ay ipitatamo sa kompetitor na pinakamakatao pa rin ang pakikitungo). Sa kabilang dako naman, binabatikos ng mga kritiko ang mga reality shows dahil hindi naman natutupad ang mga layunin nitong itanghal ang tunay na karakter ng isang tao. Ayon kay Bignell, ang Big Brother ay hindi magandang batayan ng ugali dahil sa pagbabalatkayo ng mga kalahok. Gustong manalo ng bawat kalahok kaya naman babaguhin nila kahit ang kanilang ugali para magustuhan ng mga prodyuser. Alam kasi 10

ng mga kalahok na ang mga taong may kakaibang karakter at may ugaling kontrobersiyal ang tumatagal sa mga ganoong klaseng palabas. Halimbawa ng ganitong klaseng pagbabalatkayo ang inihayag ni Nick Couldry. Aniya, ang mga kontradiksyon sa Big Brother ay kailangang malutas kung talagang nais nitong maitampok ang tunay na ugali ng mga kalahok. Ipinagmamalaki raw kasi ng Big Brother ang kakayahan niyong ipakita ang realidad ukol sa karakter ng isang tao gamit ang mga camera ngunit ito mismo ang kahinaan ng Big Brother. Kapag napapansin ng mga kalahok ang mga camera sa bahay, bigla nilang binabago ang mga sarili nila at doon sa mga oras na iyon ay magpapakita ng kanilang pinakamabait na ugali. Nababatid kasi nila na mayroong libu-libong tao ang pinapanood sila at hinuhusgaan ang bawat kilos nila.

F.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Marami na sa mga Pilipino ngayon, lalo na sa mga kabataan, ang laging nakatutok at sumusubaybay sa mga ―reality-based television shows‖ o mga ―reality shows‖ at sadyang nagiging bahagi na ito ng kanilang pang-araw-araw na gawain. Dahil sa biglaang pagsulpot, pagsikat at pagdomina ng mga reality shows laban sa ibang mga palabas sa telebisyon, minabuti ng mananaliksik na pag-aralan ang epekto nito sa mga kabataang Pilipino. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, matutukoy at mapapatunayan ang mga maaaring maging epekto nito sa sosyal, emosyonal, pisikal, sikolohikal, at mental na aspeto na nakakaimpluwensya at nakapagpapabago sa mga kabataang Pilipino sa kasalukuyan.

Sa pamamagitan din ng pag-aaral na ito, matutukoy natin kung ito ba ay nakatutulong at nakakabuti ba ito sa paghubog ng mga kabataan sa kasalukuyan. Sa pag-aaral na ito, matutulungan ang mga kabataang Pilipino at maging ang kanilang mga magulang sa pagpili ng tatangkiliking mga programa upang magkaroon ng positibong pagtingin sa kapwa at lipunan. Isa pang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay ang pagpapamulat sa mga kabataang Pilipino ng mga kaugaliang napapaloob sa bawat palabas na ito—masama man ito o hindi.

11

G.

Pundasyong Teoretikal Upang mapagmasdan ang impluwensya ng telebisyon sa mga kabataang Pilipino sa kasalukuyang panahon na nakakapanood o nakakasaksi sa mga programang panrealidad, may talong teorya o modelong ginamit at pinagbasehanng mananaliksik— ang modelo ng ―Cone Effect‖, ―Cultivation of Personality Theory in Television‖ at ang ―Natural Selection‖ at ―Survival of the Fittest‖ ni Charles Darwin. Ang unang modelo ay ang Cone Effect ni Edward Jay Whetmore. Ang Modelo ng Cone Effect ang nagsilbing kasangkapan sa pagtingin at pag-analisa ng isang programa sa kahit anong uri ng midya. Makatutulong ito sa pag-intindi ng relasyon sa pagitan ng totoong buhay at mediated reality. Bagaman akma ito sa pag-analisa ng anumang uri ng midya, mas makabubuti pa rin itong pag-aralan sa konsepto ng telebisyon. Pinatutunayan ng modelo no Cone Effect na nakatutulong ang pagiging mula sa talebisyon ng PBB at Survivor upang maipakita nito ng mga kaugaliang Pilipino. Mabuting gamitin ang modelong ito sa pagbusisi ng nilalaman at repleksiyon ng pantelebisyong programang panrealidad. Magbibigay ito ng paliwanag sa detalyadong proseso ng paglikha ng mga eksena na inilalabas sa telebisyon at pag-ako naman ng mga manonood sa mga eksenang ito. Gamit ang modelong ito sa pagtingin ng PBB at Survivor, makikita na mula sa scriptwriters, news writers, at iba pang tao sa industriya ng T.V., nag-uumpisang mailahad ang karanasan sa totoong buhay. Ang Constructed Mediated Reality na ito ay maaaring maipakita sa anyong komediya, game show, newscast at iba pa. Ang tapos nang bersyon ay ipinakikitasa mga manonood gamit ang telebisyon. Pagdating sa mga manonood, nagkakaroon ng Perceived Mediated Reality (PMR) at babalik sa kanila na siyang magpapakita ng implikasyon sa buhay ng mga tagapanood. At ang PMR na ito ay iikot muli sa totoong buhay, tungo sa telebisyon at babalik sa manonood. Ang ikalawang modelo ay ―Cultivation of Personality Theory in Television‖ ni Alan Rosenthal. Ang modelo o teoryang ito ay ginamit upang makita nang husto ang lalim ng persepsyon ng mga manonood sa reality show na PBB at Survivor.

Ang teoryang Cultivation ay pumapatungkol sa kultibasyong epekto ng telebisyon sa mga manonood, mula sa konsepto‘t kaisipan ni George Gerbner (1960). Ito rin ay nagsasabing ang nanonood ay bumubuo ng isang persepsyon mula sa

tagapanuod. Sinasabi rin nito na ang tagasubaybay ay hindi makapipili ng kung anong

12

uri ng palabas ang nais nitong mapanood sa telebisyon. Ayon pa rito ang telebisyon ang nagpapanukala ng isang di-makatotohanang paningin sa reyalidad ng kanyang paligid, bagaman ganoon, naniniwala pa rin ang manonood na ang kanyang nakikita ay tunay sa totoong buhay. Dagdag pa nito, ang reyalidad ng telebisyon ay humuhubog ng malaking parte sa ugali, paniniwala, opinyon at aksyon. Ang napapanood sa telebisyon ay bumubungkal sa persepsyon ng manonood sa realidad. Sa kabilang banda, ang ikatlo at huling modelo ay ang teoryang ―Natural Selection‖ at ―Survival of the Fittest‖ ni Charles Darwin. Minumungkahi ng teorya ni Darwin na Natural Selection na ang pinakaangkop ang siyang mananatiling buhay. Ang Survival of the Fittest ni Charles Darwin naman ay katulad ng nagaganap sa Bahay ni Kuya at sa isla ng Survivor Philippines-kung saan ang pinakamalakas,

pinakamadiskarte at pinakanararapat ang matitira hanggang sa huli at nananalo at tataguriang ―Big Winner‖ at ―Ultimate Sole Survivor.‖ Ang ganitong uri ng palabas ay mayroong negatibong pagtingin sa mga talunan. Dapat pagtuunan ng pansin ang mga natatalo dahil mas marami sila kaysa sa mga nagtatagumpay sa huli. Tulad ng teorya ni Darwin, marami nang mga species sa mundo ang maikokonsiderang extinct kaya sila dapat ang mas binibigyan ng pansin at proteksyon. Samantala, ang mabuting dulot ng ganitong uri ng programa sa telebisyon ay ang pagdebelop at paghubog ng mga manonood sa pamamagitan ng pagtama sa kanilang mga kamalian. Binibigyan tayo ng naturang palabas ng pagkakataon para piliin ang tamang asal at ugali upang maging matagumpay sa buhay. Sa tulong ng mga nabanggit na teorya, mapag-aaralang husto ang lawak at lalim na kayang pasukin ng mga naturang programa sa sikolohiya ng mga kabataang Pilipino sa kasalukuyang panahon.

H.

Metodolohiya Upang maging matagumpay ang pag-aaral o pananaliksik na ito, ang mananaliksik ay gagamit ng iba‘t ibang paraan upang makakalap ng mga mahahalagang detalye o impormasyon ukol sa nasabing pag-aaral.

13

Ang mananaliksik ay magsasagawa ng sarbey o kwestyoneyr sa mga piling sampung mag-aaral ng Philippine School of Business Administration – Manila (PSBA Manila) na tumatangkilik o sumusubaybay sa mga ―reality-based television shows‖ o ―reality shows.‖ Random ang pamimili ng mananaliksik. Ang mga mag-aaral na ito ay may edad mula 16 hanggang 20 taong gulang. Sa pamamagitan ng paraang ito, malalaman ng mananaliksik ang impak o ang mga possible at maaaring maging epekto sa kanila ng mga naturang palabas—postibo man ito o negatibo. Sa kaparaanang ito, magiging mas kapani-paniwala o balido ang gagawing pag-aaral o pananaliksik, lalo na an gang magiging resulta ng nasabing pag-aaral. Gagamitin din ito upang makita at malaman ng mananaliksi ang tunay na nararamdaman, saloobin, ideya at opinyon ng mga kabataang Pilipino ukol sa mga palabas o programang ito. Ikalawa, maghahanap o kakalap din ang mananaliksik ng impormasyon o detalye sa mga silid-aklatan ukol sa paksang pinag-aaralan. Sa kaparaanang ito, makakakuha ang mananaliksik ng mga impormasyong may kaugnayan sa kanyang pinag-aaralan at maaari niya itong maging reperensya o gabay sa kanyang ginagawang pananaliksik o pag-aaral. Ang mga impormasyong maaaring pagkuhanan ng mananaliksik sa loob ng silid-aklatan at mga libro, magazin, pahayagan, journal, tesis at iba pang mga reperensya at babasahin. Ikatlo, kakalap din ng impormasyon o detalye ang mananaliksik sa internet. Sa pamamagitan nito, mas lalawak, lalong dadami at mas madadagdagan ang mga impormasyon tungkol sa ginagawang pag-aaral. Malalaman din dito ang mga detalye o impormasyong hindi nakalap o nakita sa loob ng silid-aklatan. Pagkatapos gawin ang mga nasabing paraan, pag-aaralan at aanalisahin ng mananaliksik ang mga resulta ng ginawang pagsasarbey sa mga tagatugon o respondents. Pag-aaralang mabuti at buong ingat na iintindihin ng mananaliksik ang mga resulta nito, positibo man ito o negatibo. Gagamit ang mananaliksik ng estatistika upang maipakita o maipahayag sa mga mambabasa ang resulta ng nasabing pag-aaral. Bukod dito, iuugnay din ng mananaliksik ang magiging resulta ng pag-aaral sa mga nakalap na impormasyon o detalye sa silid-aklatan at internet. Sa pamamagitan ng mga kaparaanang nabanggit upang makalap at makakuha ng impormasyon, magiging mas kapani-paniwala at masasabing may kabuluhan ang ginagawang pag-aaral ukolm sa mga reality shows.

14

KATAWAN

Kapansin-pansin at sadyang makatotohanan ang pagtangkilik ng mga kabataang Pilipino sa mga reality-based television show tulad ng Pinoy Big Brother (PBB) at Survivor. Telebisyon ang pangatlong magulang-- tagapagbigay ng impormasyon, impresyon at ideya. Ganyan ang pagkakakilala ng nakararami ukol sa bagay na ito at bukod pa diyan bilang isang kasangkapan na maraming oras na kayang ibigay, at pagkakataong maghandog ng aliw kaninuman. Nagsisilbi itong daan sa makabagong mundo, kaya‘t walang nabibilang sa kasalukuyan ang makaiiwas sa impluwensya nito. Mga bata, matanda, babae man o lalaki ay nahihilig at nahuhumaling sa panonood ng mga programa sa telebisyon. Hindi mapipigilan ang pagkalat, paglaganap at pagbulusok nito at hindi rin ito mapipigilan ninuman.

A. Resulta ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay nakasentro sa mga reality-based television shows tulad ng Pinoy Big Brother (PBB) at Survivor. Upang malaman ang tunay na saloobin ng mga kabataang Pilipoino hinggil sa mga nasabing programa—kung ito ay may magandang epekto o masamang epekto—gumamit ang mananaliksik ng sarbey o kwestyoneyr sa sampung (10) piling mag-aaral ng Philippine School of Business Administration – Manila (PSBA – Manila). Sa paraang ito, malalaman ang kaugaliang repleksyon ng panonood ng mga ganitong uri ng programa sa telebisyon. Sa isinagawang sarbey ng mananaliksik sa sampung mag-aaral ng PSBA – Manila na tagasubaybay ng mga reality shows, walong (8) mag-aaral ang labis na nagbibigay ng panahon upang makapanood ng naturang palabas. Samantalang dalawang (2) mag-aaral lamang ang nagsabing hindi nila ito gaanong pinagtutuunan ng pansin. Lumalabas na 80% sa mga respondent ang nagsabing sila ay masigasig na tagasubaybay ng ganitong uri ng palabas at 20% naman ang hindi. Ang ikalawang tanong naman sa sarbey ay tungkol sa oras o tagal ng kanilang panonood ng telebsiyon sa bawat araw. Lima sa mga respondent o 50% ang nagsabing apat (4) hanggang limang (5) oras silang nanonood ng telebsiyon; tatlo 15

(3) o 30% sa mga respondent ang nagsabing dalawa (2) hanggang tatlong (3) oras; at dalawa (2) ang nagsabing isang (1) oras lamang. Ang ikatlong tanong naman ay hinggil sa kung anong programa o palabas ang kanilang mas tinatangkilik—kung PBB ba o Survivor. Ayon sa ginawang sarbey, apat (4) sa mga respondent o 40% ang nanonood ng Survivor; samantala, anim (6) sa mga respondents o 60% ang nanononood ng PBB. Ang ikaapat na katanungan naman ay tungkol sa kanilang opinion at ideya ukol sa epekto ng kanilang pinapanood na reality show sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Ayon sa ginawang sarbey, pito (7) o 70% ng respondent ang nagsabing may maganda at mabubuting epekto ang panonood nila ng mga realitybased television shows; samantala, tatlo (3) o 30% ang nagsabing hindi kanais-nais ang mga nakukuhang ugali sa panonood ng naturang palabas. Ang ikalimang katanungan ay may kaugnayan sa ikaapat na tanong sapagkat pinalista ng mananaliksik ang mga ugali o asal na napulot sa panonood ng ganitong uri ng palabas. Walo (8) o 80% ng respondent ang nagsabi na ang pagiging totoo at pagmamalasakit sa mga kasama ang nangunang ugaling karaniwang napupulot ng mga kabataan sa mga ganitong uri ng palabas. Ang natitirang bahagdan ay napaghati-hatian ng pagiging mapagmahal sa kapwa, matapang, masipag, mapamaraan, madiskarte, palakaibigan at ang pagiging masayahin at magiliw sa kapwa. Sa kabilang banda, may nasabi at nailista rin namang negatibong puna hinggil sa ganitong programa. Sinabi nilang hindi kanais-nais ang pagtatrayduran ng bawat isa sa isang uri ng palabas. Sinabi din nilang tinuturuan ang mga kabataang maging ―liberated‖ at mulat sa mga bagay na hindi pa nararapat para sa kanila. Ang ikaanim na katanungan ay tungkol sa edad o gulang ng mga kabataang karaniwang nanonood ng reality-based television shows. Sa isinagawang sarbey, ang mga kabataang karaniwang nanonood ng mga reality shows ay mula labinganim (16) hanggang dalawampung (20) taon. Sa sampung nasarbey, dalawa o 20% sa mga respondent ang labing-anim (16) na taon; apat o 40% ang labingwalong taon; dalawa (2) o 20% ang labingsiyam (19) na taon; at dalawa o 20% ang dalawampung taon (20).

16

Ang ikapitong katanungan ay hinggil sa kung nakakaapekto ba ang panonood nila ng mga reality shows sa kanilang mga kilos at ugali at kung ito ba ay ginagaya at ginagawang modelo o huwaran. Batay sa sarbey, lumabas na tatlo (3) o 30% sa mga respondent ang nagsabing nakakaapekto sa kanila ang panonood ng mga reality show; samantala, pito (7) o 70% ang ang nagsabing hindi ito nakakaapekto sa kanilang kilos at gawi. Ang ikawalong tanong ay tungkol sa scale na 1-10, 10 bilang pinakamataas, kung gaano nahuhumaling ang respondents sa PBB. Anim (6) o 60% ng respondent ang nagbigay ng scale na 10 o 100% ukol sa kanilang pagkahumaling sa PBB. Isa (1) ang nagbigay ng scale na 9; dalawa (2) ang nagbigay ng scale na 8; at isa (1) ang nagbigay ng scale na 7. Ang ikasiyam na tanong ay tungkol sa scale na 1-10, 10 bilang pinakamataas, kung gaano nahuhumaling ang respondents sa Survivor. Anim (6) o 60% ng respondent ang nagbigay ng scale na 5 ukol sa kanilang pagkahumaling sa PBB. Isa (1) ang nagbigay ng scale na 8; dalawa (2) ang nagbigay ng scale na 9; at isa (1) ang nagbigay ng scale na 10 Ang ikasampung tanong ay kung sang-ayon ba sila sa pagpapalabas ng mga reality-based television show sa Pilipinas. Walo (8) o 80% sa mga respondent ang nagsabing sumasang-ayon sila samantala, dalawa (2) o 20% lamang ang hindi sumasang-ayon sa pagpapalabas ng mga reality-based television show sa Pilipinas.

B. Pag-aanalisa sa mga Nakalap na Impormasyon

Batay sa unang katanungan ukol sa bilang ng tagasubaybay ng mga reality shows, nabuo ang kaisipan na ang mga kabataang Pilipino ay labis na nagbibigay ng oras at panahon upang makapanood ng naturang palabas. Dalawa lamang sa mga respondents ang nagsabing dalawa (2) hanggang tatlong (3) beses sa isang linggo lang sila nkakapanood ng mga reality shows gaya ng PBB at Survivor. Mula naman sa ikalawang katanungan hinggil sa oras at tagal ng panonood ng telebisyon, ito ay patunay lamang na ang mga respondents ay naglalaan ng malaking bahagdan ng kanilang oras sa panonood ng telebisyon at sila ang siyang 17

nakatutok sa telebisyon ng higit sat along (3) oras sa isang araw. Sila ang yaong mga tumatanggao sa lahat ng element ng reality show blang mga totoo. Sa kabilang banda, ang mga minsan lamang manood ay siyang pumipili ng kaunting elemento ng programa bilang katotohanan. Ayon sa ikatlong tanong, kung anong programa o palabas ang kanilang mas tinatangkilik—kung PBB ba o Survivor, batay sa impormasyong nakalap, masasabing mas tinatangkilik ng mga kabataang Pilipino ang elementong nagpapakita ng tunay na sila at walang sinusunod na iskrip kaysa sa programang kinunan sa isang lugar na kung saan kailangan nilang magpagalingan sa iba‘t ibang hamon na inihanda sa kanila at kailangan nilang bumuo ng alyansa upang tumagal sa naturang laban at palabas. Pinapakita din na mas tinatangkilik ng mga kabataan ang programang repleksyon ng isang tunay na kaugalian at gawing Pilipino. Base sa ikaapat at ikalimang tanong sa sarbey, makikita na mas lamang o mas marami ang nagsasabi na maganda ang naidudulot ng mga reality-based television shows sa mga kabataang Pilipino. Makikita din naman na may kaunting negatibo din itong naidudulot ngunit mas lamang pa din ang kagandahan at kahalagahan nito sa bawat isa sa atin. Batay sa resulta ng ikaanim na tanong tungkol sa edad o gulang ng mga kabataang karaniwang nanonood ng reality-based television shows, masasabing ang mga kabataang karaniwang nakakapanood at nakakatunghay sa mga reality show tulad ng PBB at Survivor ay mga ―teenagers‖ o mga kabataang kasalukuyang nakakaranas ng young adolescent period. Ang mga ganitong taon ay isa sa pinakakritikal na yugto ng buhay ng mga kabataang Pilipino sa kasalukuyan sapagkat ito ang nagsisilibing pundasyon nila sa mga susunod na yugto pa ng kanilang buhay. Kung ating mapapansin, ang mga teenagers ang karaniwang nasasangkot sa iba‘t ibang gulo, iba‘t ibang mga bisyo, iba‘t ibang kaugaliang hindi kaaya-aya sa mata ng iba at hindi katanggap-tanggap sa ating lipunan. Dahil dito, masasabi ng mananaliksik na isa sa mga dahilan kung bakit nagiging ganito ang mga kabataang Pilipino sa kasalukuyan ay dahil sa kanilang mga napapanood sa telebisyon. Kung ano ang kanilang nakikita sa telebisyon, ginagaya nila ito at nagsisilbing modelo, huwaran at batayan nila sa kanilang mga ginagawang kilos o gawi at mga ugaling kanilang pinapakita.

18

Ayon sa resulta ng sarbey sa ikapitong tanong hinggil sa kung nakakaapekto ba ang panonood nila ng mga reality shows sa kanilang mga kilos at ugali at kung ito ba ay ginagaya at ginagawang modelo o huwaran, masasabi na ang mga reality show tulad ng PBB at Survivor ay hindi nakakaapekto sa ilang mga kabataang Pilipino at maliit na porsyento lamang ang nagsasabing nakakaapekto ito sa kanilang mga kilos at gawi. Mahihinuha ng mananaliksik na ang panonood ng mga ganitong uri ng palabas ay maaaring makaapekto sa tao depende sa kanilang paraan kung paano nila ito tatanggapin at kung paano nila ito iintindihin. May ilan na ginagawa lang nilang libangan ang panonood ng mga reality shows. Nanonood sila nito upang malibang at upang makakita ng maaaring maging idolo at hahangaan. Ngunit ang iba naman ay ginagaya ang kanilang napapanood—ang paraan ng pagsasalita, pananamit, istilo at kung anu-ano pa—mabuti man ito sa kanila o nakakasama. Ang iba naman ay sineseryoso ang kanilang nakikita at napapanood at dahil dito, ginagaya at nagiging huwaran nila ito. Sa pangwalo at pansiyam na tanong hinggil sa kung anong reality show ang mas kinahuhumalingan ng mga kabataang Pilipinas, mas malaki ang bahagdan o porsyento ng mga respondent ang nagsabing mas tinatangkilik at pinapanood nila ang PBB kaysa Survivor. Masasabi na mas tinatangkilik ng mga tagasubaybay ang mga manonood at ang camera ay pasibong nagsusubaybay ng mga tao sa kanilang pang-araw-araw na personal at propesyonal na gawain kaysa kung saan ang mga kasali ay tinututukan ng mga camera habang silang napapaligsahan upang makuha ang premyo. Ayaw marahil ng mga tagasubaybay ang nakikitang pagtatraydurang ng baway kasapi ng bawt tribu na maaaring, makita at mapanood sa Survivor. Samantala, pakikipagkapwa-tao, pagiging totoo at pakikisama naman ang makikita sa PBB. Sa pangsampu at huling tanong sa sarbey, kung sang-ayon ba sila sa pagpapalabas ng mga reality-based television show sa Pilipinas. Malaking bahagdan o porsyento ng mga respondents ang sang-ayon sa pagpapalabas ng mga realitybased television shows sa Pilipinas. Masasabi na tanggap na tanggap ang mga ganitong uri ng programa sa ating bansa at ito ay nakapagdudulot ng mabubuti at kaaya-ayang ugali o modelo sa mga kabataang Pilipino. At bukod dito, nagbibigay din ito nga saya, libangan, impormasyon, detalye at maging aral sa buhay. Mga aral na maaaring magamit sa pang-araw-araw na karanasan, mga aral na maaaring 19

magamit sa kinabukasan, at mga aral na magsisilbing ilaw at gabay sa daang nais tahakin ng bawat isa sa kani-kanilang buhay at landas na kanilang pipiliin.

20

PANGWAKAS

A. Pagbubuod

Kapansin-pansin at sadyang makatotohanan ang pagtangkilik ng mga kabataan sa reality based television show na Pinoy Big Brother at Survivor. Telebisyon ang pangatlong magulang-- tagapagbigay ng impormasyon, impresyon at ideya. Ganyan ang pagkakakilala ng nakararami ukol sa bagay na ito at bukod pa diyan bilang isang kasangkapan na maraming oras na kayang ibigay, at pagkakataong maghandog ng aliw kaninouan. Nagsisilbi itong daan sa makabagong mundo, kaya‘t walang nabibilang sa kasalukuyan ang makaiiwas sa impluwensya nito.

Sakop rin ng reality television ang abilidad na angkinin ang atensyon ng manonood.

Maraming di magandang aspeto ang ganitong uri ng programa na ipinakita sa Natural Selection Theory at Survival of the Fittest ni Charles Darwin. Ngunit hindi nangangahulugang ang telebisyon ang dahilan ng imoralidad, krimen, at di magagandang pangyayari sa ating lipunan bagkus ito ay isa sa mga sanhi ng pagbabago sa bansa na gumawa sa mga bagay na ito bilang katanggap-tanggap sa telebisyon.

Ginamit ang modelo ng cone effect sa pagbusisi ng nilalaman at repleksiyon ng pantelebisyong programa na PBB at Survivor. Samantalang Cultivation Theory naman ang ginamit upang makita nang husto ang lalim ng persepsyon ng mga manonood sa mga reality show.

Gumamit ang mga mananaliksik ng sarbey sa piling kabataan at mag-aaral ng Philippine School of Business Administration – Manila (PSBA – Manila) upang malaman ang mga kaugaliang repleksyon ng panonood ng PBB at Survivor. Ayon sa mga ito, sadyang nakakatuwa ang season ng PBB at Survivor ngayon kaya naman naglalaan talaga sila ng oras upang masubaybayan ang mga housemate ni Kuya at mga castaway ng tribu. Ipinakita sa kanilang mga kasagutan ang mga mabubuti at masasamang ugali ng mga housemates at mga kalahok sa paligsahan ng Survivor. Nagugustuhan ng mga manonood ang isang indibidwal na may taglay na ugaling

21

kaaya-aya, katanggap-tanggap at nakakatuwa sa mga manonood—ang kanilang kilos at katangian ay sumasalamin dapat sa mga huwarang kabataan na nakatutulong sa lipunan at hindi yung nakasisira. Mga inbidwal na may mabuting puso at handang tumulong sa kanilang kapwa nang walang hinihinhing kapalit, mga indibidwal na marunong gumiliw sa mga kasama at kayang makipagkaibigan sa lahat ng uri at antas ng tao—mayaman man o mahirap.

B. Konklusyon Kalat na ang telebisyon bilang aparato sa kahit saang lupalop ng bansa, kaya‘t hindi maikakailang labis ang panonood at pagkahumaling natin dito. Ang realitybased television show na Pinoy Big Brother (PBB) at Survivor, sa ngayon, ang nangungunang programa na kinaaaliwan ng mga kabataang Pilipino.

Ayon sa nakalap na impormasyon mula sa mga estudyante ng PSBA -Manila, maraming indikasyon ang nagsasaad ng kapahamakan na dulot ng reality television, ilan nga sa aspeto nito‘y: ninanakaw ang ating oras, nagdudulot ng maiksing atensyon na maaari nating ibigay, nakapagpapakonti ng ating katalinuhan dahil sa kawalan ng oras sa pag-aaral, nagiging sanhi ng adiksyon, at pumapatay ng ating demokrasya.

Ang mga nakikitang ugali ng mga gumaganap sa naturang palabas ang nakakaimpluwensya sa mga kabataan na laging nanonood.

Ang mga nakasaad na kaganapan ang nagiging repleksyon sa pagtangkilik ng reality shows ng mga kabataan. Kinakailangan din nating aminin na ang telebisyon ay nanatili sa ayos nito, sapagkat marami sa atin ang hinahayaan lamang sa kung ano ito ngayon. Bagaman lagi nating sinisisi ang telebisyon sa lahat ng suliranin sa mundo, nangangahulugan lamang itong sinisisi natin ang ating sarili dahil tayo ang nagpapabaya sa ayos at pram ng telebisyon ngayon.

Sa kabilang banda, ang industriya ng mass media ay may responsibilidad na ibigay sa atin ang nilalaman at serbisyong ating kailangan upang mapabuti at mapaunlad ang buhay ng tao. At sa lahat ng katotohanang ito, ang kinabukasan ng 22

telebisyon ay nakadepende sa pagpili natin sa media ngayong kasalukuyan. Ang mga kaugalian ngayong ng mga kabataan ay maaring mahubog sa wastong paraan para sa maayos na lipunan. Kung magagamit ito ng mahusay, madarama natin ang kakaibang kakayahan na kailanma‘y hindi pa nakamtan ng kahit anong henerasyon sa ating kasaysayan. Maari nating gamitin ang bagong uri ng media uapang baguhin ang mating mudo tungo sa pag-abot ng mapagpalayang demokrasya at esponsableng pagdisiplina sa sarili.

C. Mungkahi at Rekomendasyon

Sa pagtatapos, iminumungkahi ng mga mananaliksik ang pagkakaroon ng kaalaman ukol sa usapin ng relasyon ng midya at ng mensahe nakabalot dito. Kailangang magkaroon ng mas malawak pang diskusyon ukol sa uri ng programang nararapat na maipalabas sa telebisyon. Mahalaga din ang pagkakaroon ng kritikal at radikal na pagtingin upang masuring mabuti ang bawat programang ihahain ng midya-- pagbabasa, pakikinig at pagsusulat.

Sa pagtatapos ng pananaliksik na ito, iminumungkahi ng mananaliksik na suriing mabuti ng mga Pilipinong manonood ang kanilang mga pinapanood at piliing mabuti kung ano ang tatangkiliking programa o palabas. Sa kabilang banda, iminumungkahi o inirerekomenda ng mananaliksik na piliin nila ang mga programa o palabas na karapatdapat o nababagay sa kanilang edad at piliin ang mga programa o palabas na may kapupulutang mga aral at magagandang kaugalian. At iwasanng tangkilikin ang mga programang nagbibigay ng masamang epekto at nagbibigay ng di kaayaayang mga aral sa manonood.

Ang mga napapanood sa telebisyon ay may malaking epekto o impak sa mga manonood. Kaya nararapat lamang na kilatising mabuti at maayos ang bawat programa o palabas na natutunghayan sa telebisyon.

23

BIBLIOGRAPIYA

Mga Libro o Aklat:

Biagi, Shirley. (1993). Media/Reader: Perspectives on Mass Media Industries, Effects and Issues, 2nd ed. Wadsworth Inc. Heinemann, USA.

Bignell, Jonathan. 2004. An Introduction to Television Studies. Routledge Print. London, UK.

Couldry, Nick. (2004). Teaching Us to Fake it: The Ritualized Norms of Television‘s ‗Reality‘ Games Reality TV: Remaking Television Culture. New York University Press. New York, USA.

Fiske, John, and John Hartley. (2003). Reading Television, 2nd ed. Oxon, Routledge, Print. Routledge, UK.

Gustillo, Francis. (2002). The Changing Face of the Filipino: A Saleman Tribute to the Youth of the Philippines. Salesman Society of Don Bosco. Quezon City: Philippines.

Lewis, Justin. (2004). The Meaning of Real Life Reality TV: Remaking Television Culture. New York University Press. New York, USA.

Livingstone, S.M. (2000). Making Sense of Television: The Psychology of Audience Interpretation. 2nd ed. Oxford. Butterworth-Heinmann, UK. 24

Murray, David, Schuwartiz, S. Robert Litcher. (2001). It Aint Necessarily So: How Media Make and Unmake the Scientific Picture of Reality. Littlefield Publishers Inc. New York, USA.

Ouelette, Laurie. (2004). Introduction. Reality TV: Remaking Television Culture. New York University Press. New York, USA.

Rosenthal, Alan. (1995). Writing Docudrama: Dramatizing Reality for Film and TV. Oxford. Butterworth-Heinmann. UK.

Shahani, Leticia. (1988). Paghubog sa Mamamayan, Katatagan ng Bayan. University of the Philippines. Diliman, Quezon City.

Shattuc, Jane. (1998). Go Ricki: Politics, Perversion and Pleasure in the 1990s: The Television Studies Book. Arnolds Publishings. New York, USA.

Whetmore, Edward Jay. (1993). Mediamerica, Mediaworld. Forum, Content, Consequence of Mass Communication. 5th ed. Wadsworth Publishing Company. Belmont, California, USA.

Peryodikals at Journal:

Pinoy Big Brother Magazine. (2009). Philippines.

Nabi, Robin L. (2007). Journal of Broadcasting & Electronic Media. Tokyo, Japan.

25

Pahayagan:

Torre, Nestor U. (2004). New TV Format of Choice. Philippine Daily Inquirer. Philippines.

Mga Tesis:

Austria, Ma. Theresa at Galliba, Mylene. (2004). UP Baguio‘s Perception on Chinovela‘s and their Effects on the Audience Viewing Attitude. Universityof the Philippines Baguio, Philippines. Baguio.

Bianalay, Bernadette G. (2005). Effects of Talent Search Shows on Self-Concept and Career Choice of UP Baguio Students. Universityof the Philippines Baguio. Baguio, Philippines.

Bravo, Melissa S. Geove Castillo and Human Melina Cinco. (1999). BCNHS Science Students Perception and Learned Values from Watching GIMIK. University of the Philippines. Diliman, Quezon City, Philippines.

Dela Cruz, Cathleen Jobel B. (2005). What‘s real on TV? A study on the Perception of San Nicolas, Ilocos Norte teenagers on reality-based TV shows. Universityof the Philippines Baguio. Baguio, Philippines.

Dugasan, Nasser A. (2006). Paradoksiya ng Pinoy Big Brother bilang Teleserye ng Totoong Buhay: Ang kontrubusyong Modernong Telebisyon sa Paglikha ng Mediated Reality sa mga Filipinong Manonood. Unibersidad ng Pilipinas Baguio. Baguio, Philippines.

26

Mga Elektroniks o Internet:

http://www.Chikadora.com/2005/08/20/pinoy-big-brother-house-rules/.2006.com

http://www.eprtv.com/effectsofmassmedia/92833249.com

http://www. globe –guardian.com/archives/news/fn2008.htm.August 27, 2003.com

http://www. Media visions.com/essays.html.1993 Inquirer.net:

http://www.musatoday.com/life/news/2004-05-25-reality. May 26, 2004. Rivers, Rona. ‗Reality based‘ Programs Dominate New TV season.com

http://showbizandstyle.inquirer.net/lifestyle/lifestyle/view/20080907-159144/Pros-and-cons-ofreality-TV.

http://tvn.sagepub.com/cgi/content/abstract/3/3/323.com

27

APPENDICES

a.

Sarbey

PANUTO: Lagyan ng tsek ang iyong sagot sa patlang. Kung ito ay nangangailangan ng eksplanasyon, isulat sa patlang ang iyong sagot.

1. Nagbibigay ka ban g labis na panahon upang mapanood ang mga reality shows tulad ng PBB at Survivor?

_____ Oo _____ Hindi

2. Ilang oras ka nanonood ng telebisyon sa isang araw? _____ 1 oras

_____ 2-3 oras _____ 4-5 oras

3. Anong palabas ang iyong tinatangkilik, PBB ba o Survivor?

_____ PBB _____ Survivor

28

4. Sa iyong pananaw, ang panonood ba ng reality shows ay nakabubuti o nakakasama?

_____ Nakabubuti at maganda ang epekto _____ Hindi kanais-nais o may nakakasamamang epekto

5. Anu-ano ang mga ugaling iyong nakukuha o napupulot sa panonood ng ganitong mga palabas?

______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________

6. Ilang taon na ang mga karaniwang nakakapanood ng mga reality based television shows gaya ng PBB at Survivor?

_____ 16 _____ 17 _____ 18 _____ 19 _____ 20

7. Nakakaapekto ba ang panonood nila ng mga reality shows sa kanilang mga kilos at ugali at kung ito ba ay ginagaya at ginagawang modelo o huwaran?

_____ Oo _____ Hindi

29

8. Sa scale na 1-10, 10 bilang pinakamataas, gaano ka nahuhumaling sa PBB?

_____10 _____ 9 _____ 8 _____ 7 _____ 6

_____ 5 _____ 4 _____ 3 _____ 2 _____ 1

9. Sa scale na 1-10, 10 bilang pinakamataas, gaano ka nahuhumaling sa Survivor?

_____10 _____ 9 _____ 8 _____ 7 _____ 6

_____ 5 _____ 4 _____ 3 _____ 2 _____ 1

10. Sang-ayon ka ba sa pagpapalabas ng mga reality-based television show sa Pilipinas? _____ Oo _____ Hindi

30

b. Resulta ng Isinagawang Sarbey

1. Nagbibigay ka ba ng labis na panahon upang mapanood ang mga reality shows tulad ng PBB at Survivor?

Oo Hindi

8 2

2. Ilang oras ka nanonood ng telebisyon sa isang araw?

1 oras 2-3 oras 34-5 oras

2 3 5

3. Anong palabas ang iyong tinatangkilik, PBB ba o Survivor?

PBB Survivor

6 4

4. Sa iyong pananaw, ang panonood ba ng reality shows ay nakabubuti o nakakasama?

Nakabubuti Nakakasama

7 3

5. N/A

31

6. Ilang taon na ang mga karaniwang nakakapanood ng mga reality based television shows gaya ng PBB at Survivor?

16 taon 17 taon 18 taon 19 taon 20 taon

2 0 4 2 2

7. Nakakaapekto ba ang panonood nila ng mga reality shows sa kanilang mga kilos at ugali at kung ito ba ay ginagaya at ginagawang modelo o huwaran?

Oo Hindi

3 7

8. Sa scale na 1-10, 10 bilang pinakamataas, gaano ka nahuhumaling sa PBB? 10 9 8 7 6 5 4 3 2 1 6 1 2 1 0 0 0 0 0 0

32

9. Sa scale na 1-10, 10 bilang pinakamataas, gaano ka nahuhumaling sa Survivor? 10 9 8 7 6 5 4 3 2 1 1 2 1 0 5 0 0 0 0 0

10. Sang-ayon ka ba sa pagpapalabas ng mga reality-based television show sa Pilipinas?

Oo Hindi

8 2

33

c. Iba’t Ibang Datos na Nakalap Bahagdan ng mga Sumusubaybay sa PBB at Survivor

Bilang ng mga Manonood

40% Survivor 60% PBB

PBB Survivor

Mula sa: http://www. globe –guardian.com/archives/news/fn2009.htm.com

Edad o Gulang ng mga Kabataang Sumusubaybay sa mga Reality Shows
20 taon 19 taon 18 taon 17 taon 16 taon 0 10 20 30 40 50 Edad o Gulang ng mga Kabataang Sumusubaybay sa mga Reality Shows

Mula sa: sa: http://www. globe –guardian.com/archives/news/fn2008.htm.com 34

Epekto ng Panonood ng Reality Shows sa Kabataang Pilipino
Nakakasama 30%

Nakakabuti 70%

Nakakabuti

Nakakasama

Mula sa isinagawang sarbey sa mga mag-aaral ng PSBA-Manila, Pebrero 2012.

Oras ng Panonood ng mga Kabataang Pilipino sa Telebisyon
60% 50% Bahagdan 40% 30% 20% 10% 0% 1 oras 2-3 oras 4-5 oras Oras ng Panonood 1 oras 2-3 oras 4-5 oras

Mula sa isinagawang sarbey sa mga mag-aaral ng PSBA-Manila, Pebrero 2012.

35

Mga Uri ng Palabas na Kadalasang Pinag-uusapan ng mga Manonood

Mula sa: Nielsen Survey, July 1, 2009

36

Pagsang-ayon ng mga Kabataang Pilipino sa Pagpapalabas ng Reality Shows sa Pilipinas

Hindi Sangayon 20%

Sang-ayon 80%

Mula sa isinagawang sarbey sa mga mag-aaral ng PSBA-Manila, Pebrero 2012.

37

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful

Master Your Semester with Scribd & The New York Times

Special offer: Get 4 months of Scribd and The New York Times for just $1.87 per week!

Master Your Semester with a Special Offer from Scribd & The New York Times