KAUGNAYAN NG PAARALANG NAPAGTAPUSAN SA SEKONDARYA SA KAKAYAHANG PANG AKADEMIKO NG MGA MAG-AARAL NG UNANG TAON NG MARITIME EDUCATION, UNIBERSIDAD

NG CAPITOL TAONG PANURUAN 2010-2011

Isang Pamanahong-papel na Iniharap sa Karunungan ng Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Arte, Syensya at Edukasyon, Universidad ng Capitol

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

ng 3 – Alfa BSMT

Marso 2011

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailagan ng asignaturang Filipino, Pagbasa at Pagsulat tunga sa Pananaliksik, ang pamanahong-papel na ito na pinamagatang kaugnayan ng Paaralang Napagtapusan sa Sekondarya sa kakayahang ng Paaralang Napagtapusan sa Sekondarya sa kakayahang pang akademiko ng mga mag-aaral ng unang taon ng Maritime Education, Universidad ng Capitol taong panuruan 2010-2011 ay iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa 3-Alfa BSMT na binubuo nina:

Dhan Karl Collen P. Jumawan

Kent M. Genita

Jamil Jan B. Jimenez

Joseph Gil Gomonid

Joe Remil Jurado

Tinanggap sa pangalan ng kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Arte, Syensya at Edukasyon, Unibersidad ng Capitol, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

Arnold T. Dacuno Professor

PASASALAMAT

Taus – pusong pasasalamat an gaming ipinaabot sa mga sumusunod na indibidwal at tanggapan dahil sa mahahalagang tulong, kontribusyon at/o suporta tungo sa matagumpay na reyalisasyon ng pamanahong-papel na ito:  

Sa paong maykapal, na nagbigay sa amin ng lakas at paggabay sa paggawa ng isang pamanahong-papel. Kay Prof. Arnold Dacuno, ang aming mabait at kagalang-galang ng guro, sa pagtulong at pagbigay ng mga tamang ideya at hakbang sa pagsulat ng isang pamanahong-papel. Sa aming kani-kaniyang pamilya, mga kaibigan, at mga kaklase na nang hikaya’t sa amin para taposin ang paggawa ng isang pamanahong-papel. Sa aming mga respondentem sa paglalaan ng panahon at sa matapat na pagsagot sa aming inihandong kwestyoner. Muli, maraming – maraming salamat po.

-Mga Mananaliksik

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Introduksyon

Ang mga paaralang sekondarya ay isang importanting salik sa paghubog ng mga kaalaman ng mga kabataan. Nakadepende ditto ang kakayahang pag-akademiko ng mga mag-aaral pagdating nila sa kolehiyo. Ito rin ay nagsisilbing “stepping grond” ng mga mag-aaral na nagnanais makatapos ng madali sa kolehiyo. Ayon sa CHED nahahati sa tatlo ang edukasyon sa Pilipinas; elementary, sekondarya at tertiary. Sa tatlo and sekondarya ang pinakaimportanta pagdating sa kahalagahan nito sa pang akdemikong kakayahan nila sa kolehiyo. Mahahati sa dalawa ang sekondarya maaaring public o private. Ito ang itinuturing na tulay patungo sa kolehiyo. Ang sekondaryang paaralan ay nahahati sa dalawa; public at private. Ang pampulikong sekondaryang paaralan ay sinosuportahan ng estado ng bansa at ito’y nasa superbisyon ng Kagawaran ng Edukasyon. Ayon sa Dep. Ed may 4422 pampublikong paaralan na sinusuportahan ng gobyerno. And ordinansang ito ay nakasulat sa RA 9155 of 2001. Lahat ng kabataan ay pwedeng makapagenrol at makapag-aral ng libre sa paaralang ito. Sa pampublikong paaralan, ang edukasyon ay libre ngunit hindi and mga pasilidad at kagamitan gaya ng mga libro na ginagamit sa pagaaral. Ang ibang mga studyante ay naghihiraman ng iisang libro at iba pang mga materyales na kailangan sa pagaaral. Sa ibang lugar, ang mga studyante ang nagdadala ng mga upuan nila sa silid aralan dahil sa kaulangan ng suplay nito. Pagdating sa paggamit ng kmpyuter, may ratio 1:10 o isang kompyuter sa sampung mga studyante. Ana pribadong paaralan naman ay pinamumunuan ng Corporation Code na nahahati sa dalawa: sectaryan at hindi sektaryan. Ang sectarian ay isang pribadong paaralan na pinangisawaan ng mga relihiyosong organisasyon lalong lalo na ang denominasyong Katoliko at Protestantismo. Sa bansa, may 288 na sektaryang paaralan na itinituring na mataas ang kalidad ng edukasyon mula sa 1118 sektaryang institusyon. Halos 830 pribadong paaralan ay hindi-sektaryan na pinapatakbo ng mga pribadong tao o organisasyon. Ang mga paaralang pribado ay hindi sinisuportahan ng gobyerno ng bansa. Sila ay independent pagdating sa pamamahala at pagpapatakbo ng paaralan. Ngunit ang mga paaralang ito ay sumusunod pa rin sa lahat ng mga regulasyon at palisiya na pinapatupad ng pamahalan sa ilalim ng Kagawaran ng Edukasyon. Ayon sa pananaliksik, ang mga paaralang pribado ay may sapat na suplay ng mga kagamitan sa pagaaral gaya ng kompyuter, libro at iba pa. Ang pasilidad ng mga pribadong paaralan ay makabago at sapat sa bilang ng mga studyanteng gagamit nito.

Kaya naman sa pananaliksik na ito ay gustong matukoy kung may kaugnayan ba ang sekondaryang paaralan napagtapos ng mga unang taong estudyante ng Kolehiyo ng Edukasyong Maritaym sa kanilang pangakademikong kakayahan sa kolehiyo. . Sa pamamagitan ng kanilang Grade Point Average, makikita ang kahalagahan ng paaralang sekondaryang napagtapos nila.

2. Layunin ng Pag-aaral

Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa kaugnayan ng Paaralang napagtapusan sa sekundarya sa kakayahang pang akademiko ng mga mag-aaral na unang taon ng Maritime Edukasyon ng Unibersidad ng Kapitol at naglalayong matugunan ang mga sumusunod na katanungan: a. Anong klaseng paaralan sekondarya ang napagtapusan ng mga mag-aaral?

b. Ano- ano ang mga demographic profile ng mga estudyante? c. Ano ang karaniwang nakukuhang marka ng mga studyante sa pampubliko at pribadong paaralan? d. Alam ba lahat ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng paaralang sekondarya napagtapusan nila sa kanilang kakayahang pang akademiko sa kolehiyo? e. Nakakaapekto ba ang paaralang sekondarya napagtapusan ng mga magaaral sa kanilang kakayahang pang akademiko sa kolehiyo?

3. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay buong-pusong naniniwala na ang pag-aaral na ito ay napakahalaga sa ikabubuti ng paaralan at College of Maritime Education. Ito ay nagsisilbing payak na kaalaman na maaring magamit ng mga mag-aaral at guro ng kursong Maritime Education upang lalo pang-mapaunlad at mapagtibay ang mataas na uri ng edukasyon sa unibersidad.

Mahalaga ang mga datos at impormasyong nakalahad dito dahil napakalaki ng maitutulong hindi lamang sa mga estudyante ng kursong Maritime Education sa Unibersidad kundi pati sa ibang estudyante at mananaliksik na nais magkaroon ng mahalagang impormasyon ukol sa kakayang pang-akademiko ng mag-aaral. Sa pamamagitan ng pananaliksik ra ito, maari ring malaman ang mga kakulangan sa kaalaman ng mga estudyante at ang iba pang kaugnayan na pag-aaral na dapat pang pairalin sa mga paaralan. Sa pananaliksik ding ito malalaman kung may kaugnayan ba ang paaralang napagtapusan sa sekondarya sa kakayahanh pangakademik ng mga mag-aaral sa kolehiyo.

4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa kaugnayan ng paaralang napagtapusan sa sekondarya sa kakayahang pang-akademiko ng mga mag-aaral. Saklaw nito ang mga piling estudyante ng unang taon ng unang semester sa kursong Maritim Education. Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa unang taon sa kursog Maritime Education sapagkat saklaw ng taong ito ang mga pundasyong asignatura na tinuturo sa sekondarya naniniwala ang mga nananaliksik na sa kasalokoyan panahon ay p na magkaroon ng pag-aaral na ganito upang masagot ang mga katanungan na may na may kaugnayan hinggil sa paaralang t sa sekondarya sa l pang akademik ng mga magaaral.

KABANATA II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Ang edukasyon ay isang importanting bagay sa buhay ng tao dahil ito’y nagbibigay ng karunungan at kaalaman upang harapin ang kanyang mga problema. Napakahalaga sa isang tao na makakamit ng tamang edukasyon at makapasa sa bawat lebel ng edukasyon upang siya ay matuto at makaunawa. Bilang bahagi ng proseso ng pagkamit ng tamang edukasyon, mahalaga sa isang tao na makapagtapos ng secondary education. Isa mga salik na isinaalang-alang sa pampublikong sekondaryang paaralan ay kakulangan ng classrooms at guro. Ayon sa aking mga nakalap na mga sanaysay, aklat, dokumento at ibapa, Ang isang dahilan kung bakit nagiging malala ang kakulangan ngclassrooms at guro sa public schools ay maraming mga estudyante sa private schools ang lumilipat sa public schools. Sa ngayon, halos 20 milyonang mga estudyante mula elementary hanggang high school sa publicschool. Tumaas ng 11 porsiyento o may dagdag na mga 2.2 milyon naestudyante.Ang pinakamalaking dahilan kung bakit lumilipat ang mgaestudyante sa private sa public schools ay kahirapan. Pataas na pataas naang tuition ngayon sa private schools dahil sa pagtaas na rin ng lahat nabilihin. (Ellen Tordesillas, journalist). Sinasabi rin sa datos ng Department of Education, 58 lamang sabawat 100 estudyante na pumapasok sa Grade 1 ang nakatutuntong nghayskul at 14 lamang sa mga ito ang nakapagtatapos ng kolehiyo. Sa datosna ito, di maitatago ang katotohanan na malaki ang problema natin saedukasyon. Dahil na rin sa kahirapan, hindi natatamasa ng kabataangPilipino ang karapatan nila sa edukasyon. Nakasaad mismo sa Konstitusyon,Artikulo IV Seksiyon I ng 1986 Konstitusyon na ³dapat pangalagaan ngEstado ang karapatan ng lahat ng mamamayan sa mahusay na edukasyonsa lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upangmatamo ng lahat ang gayong edukasyon.´ Dapat ay bigyan din ngpinakamataas na prayoridad ng pamahalaan ang edukasyon. (MylenePadua). Ayon sa National Statistics Office o NSO sa buong kapuluan aymayroong 34,295,000 na mga estudyanteng nag-aaral sa pampubliko atpribadong paaralan edad anim hanggang dalawampu¶t apat. Sa kabuuangito, mas malaki ang porsyento sa ilalim ng pampublikong paaralan. Mgapaaralang sinusubaybayan ng pamahalaan at ng gobyerno. At sa loob ng silid, and ratio ng guro sa estudyante ay 1:42 o isang guro sa apatnapu¶tdalawang estudyante (cyndi18) .Malinaw na masasakripisyo rin ang kalidad ng edukasyon dahil sasinasabing subject integration. Samantalang ang Filipino ay itinuturing na³basic tool subject´ katulad na lamang ng pagkatuto ng alpabeto, pagbasa,at pagsulat nito, ang Sibika at Kultura naman ay nagtuturo ng kasaysayan,pag-ibig sa bayan, at tamang pagtingin ng mag-aaral sa sarili at bansabilang Pilipino. Sa kalaunan, ito ang magbibigay sa kanila ng giya upangmaging mabubuting mamamayang Pilipino -- sa loob at labas ng bansa.Ngunit kung ³short cut´ ang gagawin nating pagtuturo nito sa kanila, hindimalayong ³bansot´ din ang magiging pagkilala nila sa kanilang mgasarili.Bukod pa rito, kailangan ding ma-retrain ang mga

guro dahil sasinasabing pagsasama-sama ng mga aralin. Kailangan ding maglabas ngbagong babasahin at educational aides na aakma sa tinaguriang ³revisedsubject nomenclature.´Ito¶y ilan lamang sa kagyat na makikitang problemasa solusyong ipinipilit sa higit na malaking problema ng kakulangan sabadyet para sa edukasyon at malinaw na hindi pagbibigay-prayoridad ngpamahalaan dito(Bro. Eddie Villanueva,2009).Hindi solusyon sa pagpapaangat sa kalidad ng edukasyon sa bansaang tig-isang taong dagdag sa elementarya at high school kundi angpagdagdag ng silid-aralan at mga guro. Hindi rin umano natututukan ngisang guro ang kanilang mga estudyante dahil umaabot sa 65 mag-aaral saisang silid-aralan gayung 30 hanggang 35 lamang ang dapat. Dahil dito,kailangang matutukan umano ng susunod na gobyerno lalo na angmamumuno sa Department of Education (DepEd) ang pagdagdag sa silid-aralan at mga guro. (Bernard Taguinod, 2010) Lumabas kamakailan ang isang United Nations report na nagsasabingang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas ay mas mababa pa kesa sa kalidad ng edukasyon ng Tanzania at Zambia, dalawang bansa sa Africa na masmahirap pa sa ating bansa.Malubha na talaga ang kalagayan ng edukasyonsa bansa natin kung nagawang malampasan tayo sa larangan ng edukasyonng mga bansang may sang-kapat lang ng yaman ng Pilipinas. Kulang ng66,881 na classroom ang ating bansa. Ang pondo na inilaan ni Mrs. Arroyoay para lamang makapagtayo ng 5,538 na classrooms. Ibig sabihin, kulangpa din ng 61,343 na classrooms ang ating bansa. Kulang din ng 816,291 nasilya para sa mga estudyante. Kung kaya naman kung hindi standing roomonly o SRO sa maraming klasrum ay nakaupo sa sahig ang maramingestudyante. Kulang din ang bansa ng 64,060 na guro ngunit ang hiningi niMrs. Arroyo sa Kongreso ay pondo para lang sa 10,000 guro. Kung kayat54,060 guro ang kailangan pa rin. At kung ihahambing mo sa bilang ngestudyante, para bang sinasabi ng administrayon na kailangang turuan ngmahigit dalawang milyong mag-aaral ang kanilang sarili. Pati sa punong-guro ay makunat si Mrs. Arroyo. Ang hiningi niyang badyet ay para lang sa2,000 punong-guro. Ngunit ang pangangailangan ng bansa ay para sa 6,538na punong-guro. (J ejomar Binay). Ang populasyon ng kabataan sa edad 7-24 na hindi nakakapag-aral,walang trabaho at hindi nakapag-gradweyt ng kolehiyo ay tumaas ng852,000 mula 3 milyon noong 1989 naging 3.8 milyon noong 1994. (NSO, 1994) Isa sa mga problemang nakikita sa mga pampublikong paaralan ay kakulangan ng mga modernong kagamitan sa pagtuturo. Ang kagamitan sa pagtuturo, ayon kay Liwanag (1995), ay isa sa mga faktor sa mabisang pagkatuto ng mga estudyante. Ang mga paghahanda ng mga kagamitan sa pagtuturo ay nasasalig sa iba’t ibang batayan sa pananaw na sosyo-kultural. Sa paghahanda ng kagamitang pampagtuturo dapat isaalang-alang ang mga gamit nito, ang objektiv, panahon at istilo ng mga wikang gagamitin na naaayon sa kahalagahan ng mga taong nag-uusap at sa hinihingi ng pagkakataon. Ang ikalawa ay ang pananaw na pangkaisipan. Dito binibigyang pansin ang pagkakaiba ng estudyante sa paraan ng pagkatuto. Ang ikatlo ay ang yumanistik

na perspektiv. Ang objektiv nito ang lubusang malinang ang buong katauhan ng mga mag-aaral. Ang kagamitan sa pagtuturo, ayon kay Liwanag (1995), ay isa sa mga faktor sa mabisang pagkatuto ng mga estudyante. Ang mga paghahanda ng mga kagamitan sa pagtuturo ay nasasalig sa iba’t ibang batayan sa pananaw na sosyo-kultural. Sa paghahanda ng kagamitang pampagtuturo dapat isaalang-alang ang mga gamit nito, ang objektiv, panahon at istilo ng mga wikang gagamitin na naaayon sa kahalagahan ng mga taong nag-uusap at sa hinihingi ng pagkakataon. Ang ikalawa ay ang pananaw na pangkaisipan. Dito binibigyang pansin ang pagkakaiba ng estudyante sa paraan ng pagkatuto. Ang ikatlo ay ang yumanistik na perspektiv. Ang objektiv nito ang lubusang malinang ang buong katauhan ng mga mag-aaral. Ayon kay Transona (2002), walang kagamitang panturo ang maipapalit sa isang mabuting titser ngunit isang katotohanang hindi maitatanggi na ang mabuting titser ay gumagamit ng mga kagamitang pampagtuturo tungo sa mabisang pagkatuto ng mga estudyante. Isa sa mga salik na isinalana alang sa mga sekondaryang paaralan ay kahusayan ng mga guro sa pagtuturo. Tinalakay ni Aquino at Razon (1998) sa kanilang aklat ang kwalifikeysyon ng isang mahusay na titser. Ayon sa kanila, matatawag na mahusay ang titser kung nagtataglay sya ng sariling kakayahan at katalinuhan, matapat sa pakikitungo sa kanyang kapwa titser at iginagalang ang karapatan ng bawat estudyante. Kailangan ding may alam sya sa mga prinsipol ng mabuting pagkatuto tulad ng paggamit ng angkop na pamamaraan sa pagtuturo, motiveysyon, paggawa ng leson plan, kasanayan sa pagtataya at integreysyon. Ang pagkatuto ng mga studyante para kay Panambo (1997) ay ang pinakamahalagang proseso ng pagtuturo at pag-aaral. Ang pagkatuto ng mga estudyante ay nakasalalay sa mabuting paraan ng pagtuturo ng isang titser. Ang titser ang nababalak at nagpapasya sa pamaraang kaniyang gagamitin na angkop sa bunga ng pagkatuto na nais nyang makamtan ng mga estudyante, angkop sa sitwasyon, angkop sa kakayahan ng mga estudyante at gayundin sa uri ng paksang-aralin at sabjikt na kanyang ituturo Sa Kabuuan, ang mga artikulong nabanggit ay mga batayan ng kahalagahan ng sekondaryang edukasyon sa pagunlad ng buhay ng tao. Ito rin ay nagbibigay hinuha ng mga kaibahan ng pampubliko at pribadong sekondaryang paaralan.

SARBEY-KWESTYONER Mahal naming Respondante, Maalab na Pagbati! Kami po ay magaara ng Filipino 2 na kasalukuyang nagsusulat ng isang pamanahong-papel tungkol sa kaugnayan ng paaralang napagtapusan sa sekondarya sa kakayahang pang-akdemiko ng mga mag-aaral ng unang taon ng Maritime Education, Unibersidad ng Makati. Kaugnay nito, inihanda naming ang kwestyoner na ito upang makatanggap ng mga datos na kailanagan naming sa aming pananaliksik. Kung gayon mangyari po lamang na sagutan nang buong katapatan ang mga sumusunod na aytem. Tinitiyak po naming magiging kumpidensyal na impormasyong ang inyong mga kasagutan. Maraming salamat po!

-Mga Mananaliksik

Direksyon: Punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga kasunod na patlang. Kung may pagpipilian, lagyan ng tsek ang kahon na tumutugma sa inyong sagot. 1. Pangalan ( Opsyunal):______________________________________________ 2. Kasarian: __Lalaki ___Babae Edad: __16-17 __20-21 ___18-19 ___22 pataas

3. Anong klaseng paaralang sekondarya ang napagtapusan mo sa hayskul? ___Pribado ____Publiko

4. Alam mo ba ang kahalagahan ng paaralang sekondaryang napagtapusan mo sa iyong kakayahang pang-akademiko sa kolehiyo? ____Oo, Alam na alam ____Oo, Katamtaman ang kaalaman ____Oo, ngunit hindi gaano kaalam ____Hindi alam

5. Ano ang pinakamababang marka ang nakuha mo sa lahat ng asignatura sa unang semester? ___1.0 ___2.0 ___3.0 ___1.25 ___2.25 ___3.5 ___1.5 ___2.5 ___1.75 ___2.75 6. Ano naman ang pinakataas na marka ang nakuha mo sa lahat ng asignatura sa unang semester? ___1.0 ___2.0 ___3.0 ___1.25 ___2.25 ___3.5 ___1.5 ___2.5 ___1.75 ___2.75 7. Ano sa palagay mo ang mga areas o larangan na kailangan pang pagbutihin upang mapabuti pa ang kalidad ng edukasyon sa iyong sekondaryang paaralan? ___Teaching facilities ___Library ___Kompyuter ___Classroom size ___Governance and Administration ___Laboratories ___Curriculum and Instruction ___Faculty o mga Guro

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful