JAN.

28, 2013

NR # 2998

Iregularidad sa pag-imprenta ng balota
Hiniling ni Rep. Rufus Rodriguez (2nd District, Cagayan de Oro City) sa Kamara na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa umano’y iregularidad na bumabalot sa bidding process para sa paglilimbag ng balota para sa May 2013 elections. Inatasan ni Rodriguez ang House Committee on Suffrage and Electoral Reforms para siyasatin ang bidding process. Ayon kay Rodriguez may alokasyong P784 milyon ang Commission on Elections para sa pag-upa, pagtatayo ay pagkuha ng makinang pang-imprenta kasama na ang supply at delivery ng gagamiting papel sa balota na may security features para sa pag-iimprenta nito. “Pumasok sa isang kasunduan ang Comelec at National Printing Office para sa pagimprenta, supply at delivery ng machine-readable ballots,” sabi ni Rodriguez. Isa sa mga hinihingi sa MOA, kailangan pumasa ito sa ilang pagsubok gaya ng paper expansion test, post-qualification tests, at test sa actual printing at UV/PCOS mass testing. “Nag-issue ang NPO ng invitation to bid at checklist for eligibility, pero ang isang requirements ay kailangang ang bidder ay noong pang 2006 o mas maaga pa dito, ang additional requirement ng NPO ay umano’y wala sa MOA na nilagdaan ng Comelec” sabi ni Rodriguez. Ayon kay Rodriguez ang sumaling mga bidders ay ang Advance computer forms, Inc., Smartmatic-TIM Corporation at Holy Family-Canon ang mga nagpahayag ng interes, subalit ang Advance at Smartmatic lamang ang dumalo sa Pre-Bid Conference. ‘Matapos na i-submit ang bid at opening of the bids, dineklarang nanalo ang Holy Family kahit nabigo itong isumite ang mga kinakailangan para sa eligibility. Nabigo din itong sumunod sa technical requirements at umano’y nabigo din sa testing ng NPO,” sabi pa ni Rodriguez. (30) eag

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful