JAN.

30, 2013

NR # 3000B

Magna Carta for internet users
Iminungkahi ni Rep. Raymond Palatino (Party list, Kabataan) ang Magna Carta for Internet Users na magbabawal sa government intelligence agencies na magsagawa ng internet surveillance laban sa isang indibiduwal kung walang kautusan mula sa hukuman. Sa iniakdang House Bill No. 6818 ni Palatino, itinuturing na labag sa batas ang gagawing pagmamaman o pag-suri sa datos sa pamamagitan ng internet service provider na walang sapat na kaalaman ang gumagamit o subscriber para matiyak ang privacy ng internet users. Sa “Internet Freedom Act,” magkakaroon ng karapatan ang bawat Filipinong gumagamit ng internet pati sa universal access sa internet. Ayon kay Palatino nilalaman ito sa ulat ng United Nations Human Rights Commission na nilabas noong June 2011, na nagsasaad na ang internet ay napakahalagang bagay para malaman ang antas sa mga karapatang pantao, paglaban sa di-pagkakapantaypantay, pag-angat at pag-unlad sa progreso at pagtiyak na prayoridad ng bansa sa universal access. (30) eag