FEB.

6, 2013

NR # 3007B

Dialysis treatment
Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara para magbigay ng libreng dialysis treatment sa mahihirap sa ospital ng gobyerno at health center sa buong bansa. Sa House Bill No. 6784 na iniakda ni Rep. Roger Mercado (Long District, Southern Leyte), maraming mahihirap ang may sakit sa bato na kailngan dialysis treatment pero hindi kayang matustusan ang pagpapagamot nito. Sa ilalim ng panukala, ang lahat ng ospital ng gobyerno at health center sa buong bansa ay magbibigay ng libreng dialysis sa lahat ng pasyenteng nangangailangang gamutin. Dadalhin ito sa mga liblib na lugar upang mapakinabangan at medaling mapupuntahan ng pasyente. Isasama ng Department of Health sa kanilang taunang badge tang pondong gagamitin ditto. (30) eag

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful