pnr_feb11.2013 Demolisyon sa Payatas, inangalan

FEB.

11, 2013

NR # 3012

Demolisyon sa Payatas, inangalan
Inangalan ni Rep. Rafael Mariano (Party list, Anakpawis) ang illegal at arbitrary demolition sa Barangay Payatas B sa Lungsod ng Quezon dahilan para mawalan ng tirahan ang libu-libong residente doon. Sa pamamagitan ng House Resolution No. 3012, nanawagan ng isang congressional inquiry si Mariano at hiniling sa Quezon City government na ipatigil ang demolisyon dahil wala itong sapat na kautusan mula sa sheriff at korte. Nitong nakaraang Nobyembre 27, 2012 at Disyembre 6, 2012, pinangunahan ng miyembro ng Task Force for the Control, Prevention and Removal of Illegal Structures and Squatting (COPRISS) sa ilalim ng pangangasiwa ni Officer-in-Charge Marlowe Jacutin, sinamahan ang miyembro ng Philippine National Police (PNP) para sa demolition at clearing operation sa Phase 3, Block 2, Lupang Pangako, Barangay Payatas B. Ayon kay Mariano tinututulan din ng mga residente na miyembro ng Alyansa Kontra Demolisyon (AKD) Payatas chapter ang sinisumulang rehabilitation at development sa Payat;as dumpsite facilities. Sa reklamo ng mga residente, sinabi ni Mariano na isang nagngangalang Col. Jameel Jaymalin at grupo nito ang umano’y tinatakot ang mga residente doon para lisanin ang kinatitirikan ng kanilang tahanan kapalit ang financial assistance sa halagang P27,000 bawat bahay. “Habang ang Payatas dumpsite ang nagbibigay ng tahanan at mapagkakakitaan sa libu-libong pamilyang namumulot ng basura, ang on-going project sa lugar, kabilang na ang expansion ng dumpsite, ay magreresulta sa pagkawala ng tirahan ng maraming residente,” paliwanag ni Mariano. Patuloy ang local na pamahalaan sa rehabilitation at transformation ng Payatas dumpsite kahit na dineklara ng Mines and Geosciences Burea (MGB) na delikado ang lugar (30) eag

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful