You are on page 1of 7

Balangkas

I. Ang Pambansang Demokrasya bilang Pampulitikang Linyang


nagbubuklod sa KPD

A. Maikling Repaso sa Pangkasaysayang Pag-unlad ng Pakikibaka para sa


Pambansang Demokrasya

B. Ang Kahulugan ng Pambansang Demokrasya

Ang demokrasya ay, sa literal, ang pamamahala ng mga tao (mula sa


Griyego: demos, "mga tao," at kratos, "paghahari" o "pamamahala").
Nasa gitna ng iba't ibang kahulugan ng demokrasya ang kaparaanan
na ginagampanan ng pamamahala nito, at ang binubuo ng "mga tao",
ngunit may mga kapakipakinabang na mga salungat ang magagawa sa
mga oligarkiya at awtokrasya, kung saan mataas na nakatuon ang
kapangyarihang politikal at hindi nasasakop ng makahulugang
pagpipigil ng mga tao. Samantalang ginagamit sa kadalasan ang
katagang demokrasya sa konteksto ng isang politikal na estado, ang
mga prinsipyo na nailalapat din sa ibang bahagi ng pamamahala.
Ang pamahalaan ay isang demokrasya kapag ang
kapangyarihang mamahala ay nasa kamay ng mga tao. Ang
demokrasya ay tunay o tuwiran kapag ang mga tao ang namamahala
sa kanilang sarili sa pamamagitan ng lantarang pagpapahayag ng
kanilang saloobin. Isinasagawa nila ito sa maraming pagkilos o mga
pagpupulong na pambayan. Di-tuwiran, kinatawan o republikano kapag
ang mamamayan ay pinamamahalaan mga taong hinalal o pinili nila.
Ang Switzerland ay may tuwirang demokrasya samantalang ang
Pilipinas ay isang demokratikong kinakatawan ng mga halal ng bayan.
A.Proseso ng Pagsapi at Rekisito sa Pagtatayo ng Balangay ng KPD sa iba’t-
ibang antas
B. Istrukturang Pang-organisasyon
KILUSAN PARA SA PAMBANSANG DEMOKRASYA

Pormal na inilunsad ang KPD noong Hunyo 10, 1998 sa Abelardo Hall ng Unibersidad
ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City. Dinaluhan ito ng halos dalawang libong (2000)
Pilipinong nagmumula sa iba’t-ibang sektor ng lipunan.

Unang nailatag ang mga balangay ng KPD sa mga probinsya ng Gitnang Luzon.
Mabilis itong lumawak sa mga maralitang komunidad sa Metro Manila. Sa
kasalukuyan, nakalatag ang mga pormasyon ng KPD at mga pormasyon ng mga
sektoral na organisasyong kasapi nito sa kamaynilaan, timog katagalugan, hilagang
luzon, sa kabisayaan at lumalawak pa. Ang pagkakatayo ng grupong pang-organisa
sa Mindanao ang nagkumpleto sa pambansang katangain ng KPD. Sa matagumpay
na Unang Pambansang Kongreso ng KPD na inilunsad noong Disyembre 10-12, 2001
sa Baptist Camp, Mariveles, Bataan, buo ang representasyon ng lahat ng sektor ng
lipunan at mga istratehikong probinsya at syudad mula sa 200 delegado na
nagsidating.

Mula nang itatag hanggang sa kasalukuyan, nagkamit ng mga tagumpay ang KPD
sa pagsusulong ng mga pakikibaka ng mamamayan. Dahil dito, nagtatamasa ito
ngayon ng respeto ng iba’t-ibang sektor ng mamamayan bilang pwersa sa
pagbabago.

Pambansang Demokrasya: Ang Pampulitikang Linyang Nagbubuklod sa KPD

A. Maikling Repaso sa Pangkasaysayang Pag-unlad ng Pakikibaka para sa


Pambansang Demokrasya

Ang Pilipinas ay isang pampulitikang entidad na iniluwal ng


pangkasaysayang pag-unlad ng pakikibaka ng sambayanan laban sa
kolonyalismo. Nagkahugis ito nang mabilis sa huling bahagi lamang ng ika-
19 na siglo nang mailunsad ang tinatawag na Kilusang Propaganda na
nanawagan ng reporma sa paghaharing teokrasyang kastila.

Ang kawalan ng pambansang kamulatan at identidad ng sambayanan ang


malaking salik sa mabilis na pagkakagapi ng mga Pilipino. Panghahati
(taktikang divide-and-rule), espada at krus ang ginamit ng mga
kolonyalistang Espanyol upang maghari at gapiin ang nasyunalismong
Pilipino. Kaagad na nahimok ng mga kolonyalista ang lokal na naghahari
dahil sa kanilang palasukong aktitud sa mga dayuhan. Mula sa mga lokal na
namumuno, umusbong ang “principalia” sa bawat pueblo at baryo. Ang mga
naghaharing ito na may pribadong pag-aari at nag-aangkin ng limitadong
makauring kalayaan (class freedom) ang naging katulong ng mga
mananakop sa pagpapanatili at pagpapairal ng kolonyal na kaayusan.

Kinailangan munang makapangibabaw ang kamulatan ng mamamayan mula


sa makitid na utak-barangay (barangay mentality). Ginamit ng mga
kolonyalistang Espanyol ang ganitong pag-iisip at naipatanggap ang pyudal
na pagsasamantala bilang sagradong obligasyon. Magkalangkap na marahas
na paghahari at paggamit ng relihiyon at kultura na inilako ng mga
misyonaryo ang naglubos sa pagsikil sa kaisipan at damdaming makabayan
ng mga Pilipino.

Gayunpaman, ang pagsasamantala’t paninikil na ito ang naging dahilan din


ng paglawak ng saklaw, pagdami at pagdalas ng mga isporadikong paglaban
ng mamamayan. Sa kalaunan, naibagsak ng mamamayang Pilipino ang
kolonyalismong Espanyol. Mahalaga ang ambag ng mga aktibistang kumilos
noon sa paglilinaw ng kalagayan ng bansa at pagpapaalab ng damdaming
makabayan ng sambayanan.

Ang Rebolusyong 1896 ang naglubos sa pag-usbong ng bansang Pilipinas.


Bunga ito ng pagrurok ng mga isporadikong paglaban ng mamamayan sa
iba’t-ibang bahagi ng bansa sa loob ng 350 taong paghahari ng
kolonyalismong Espanyol.

Sa kabila ng paninikil ng kolonyal na pamahalaang Espanyol, palihim na


naorganisa ang Katipunan at inihudyat ng “Sigaw sa Pugadlawin” ang
paghiwalay ng Pilipinas sa kolonyalismong Espanyol nuong Agosto 23, 1896.

Totoong kung babalikan ang paglaban ng Pilipino sa Espanyol, palaging


nagagapi ng mga kolonyalistang Espanyol ang pakikibakang masa ng
mamamayan sa loob ng tatlong siglo. Gayunpama’y hindi maitatatwa na
nang mailunsad ang Rebolusyong 1896, sa pamamagitan ng kombinasyon
ng tamang pwersa, kahilingan at programa, naibagsak ang kolonyalismong
Espanyol. Ang masang Pilipino ay nagkapit-bisig laban sa komon na kaaway--
ang pyudal na pagsasamantala sa mga magsasaka at ang pwersadong
paggawa na ipinataw ng mananakop.

Inagaw ng Imperyalistang Estados Unidos, na dumating sa Pilipinas sa


pinakahuling yugto ng pananagumpay ng Pilipino laban sa Espanyol, ang
ating kalayaan bilang bansa. Ibayong humirap ang kalagayan ng
mamamayang nagsisimula na sanang mamuhay ng nagsasarili at malaya sa
pagdating ng Estados Unidos. Dahil sa mas malakas na kapangyarihang
militar at industriyal na astang ‘liberal’, kaagad nalinlang ang mga ‘ilustrado’
na noo’y siya nang nasa liderato ng rebolusyon. Ang panlilinlang na itong
nababalot sa mga palamuti tulad ng ‘manifest destiny’ at ‘benevolent
assimilation’ ang pumaslang sa mahigit 250,000 Pilipino (sa ilang istorikong
pananaliksik, triple ang laki ng bilang: 600,000) na ginugulan ng $600M at
gumamit ng 126,468 tropang pandigma – na halos kahalintulad ng pwersa
ng imperyalistang US sa rebolusyong Biyetnames nuong 1960’s.

Ang nabubuong dugo ng sambayanang Pilipino sa mga kamay ng


mananakop na Amerikano ay hindi pa ganap na nabibigyan ng pambansa-
demokratikong katarungan. Ngunit ang kasaysayan ang magtitiyak na
mapapasakamay ito ng api at pinagsasamantalahang mamamayan.

Ilusyon lamang ang ipinagmamalaking pampulitikang istabilidad ng


kasalukuyang rehimen. Kung may antas man ng istabilidad sa poder ng
gobyerno, ito’y sapagkat may inabot silang antas ng konsolidasyon sa kabila
ng nagpupuyos na sambayanan. Ang ganitong pampulitikang istabilidad sa
‘poder ng kapangyarihang pampulitika’ ay bunga ng paggamit ng epektibong
mga pamamaraan at kasangkapan ng Estados Unidos sa pagkontrol ng
pulitika, ekonomya at kultura ng bansa. Gayunpama’y hindi ito
nangangahulugang mapananatili ng kapangyarihang lokal at ng Estados
Unidos ang kanilang paghahari sa habampanahon. Habang lumalakas at
tumataas ang antas ng teknolohiyang ginagamit sa pagsasamantala at
pandarahas, lumalakas din ang batayan para sa pag-aalsa ng mamamayan
na siyang lubusang magpapahina sa imperyalistang dominasyon at
katutubong pagsasamantala.

Ang pambansa-demokratikong kilusan ay di lubos na nagapi kailanman ng


imperyalismong US. Pinatitibayan ng kasaysayan na ang pambansa-
demokratikong kilusan ang tunay at seryosong nagtataguyod ng pursigidong
paglaban sa pagsasamantalang dayuhan at lokal. Samantala, dahas ng
kapangyarihang militar ang itinutugon ng imperyalsimong Estados Unidos at
mga lokal na galamay nito sa mga lumalaban sa kanya habang
nagkukunwang taggapagtanggol ng kalayaan at demokrasya sa buong
daigdig.

Ang kasaysayan ng sambayanang nagtataguyod sa pambansang


demokrasya ay tigib ng kadakilaan. Sa nakalipas, makikitang
naisasakatuparan lamang ng US ang supresyon ng rebolusyong Pilipino sa
kolaborasyon ng mga lokal na naghahari.

Ang kabuhayang Pilipino na kontrolado ng Estados Unidos ay patuloy na


nakalugmok dahil sa paglala ng pambansang ekonomyang ‘import-
dependent, export-oriented’, pag-asa sa dayuhang pautang at kapital at
lansakang pagtatambak ng mga ‘imported surplus goods’ mula sa US at iba
pang industriyalisadong bansa.

Ang ganitong klase ng ekonomya’y nagsasamantala sa mura at supil na


lakas-paggawa, nagpapahigpit sa monopolyo ng iilang asendero sa
malalawak na lupang sakahan, at nagpapalawig ng akumulasyon ng
kapangyarihang pampulitika sa kamay ng mga burgesya-kumprador at
panginoong-maylupa na pangunahing kakutsaba ng imperyalismong US sa
pangangasiwa ng estadong nagpapanatili sa mala-pyudal at malakolonyal na
lipunan.

Ang pangunahing dagok ng pambansa-demkratikong kilusan ay sa


imperyalismong Estados Unidos at lokal na mga pwersa nito dahil sila ang
pangunahing nagsasamantala’t nang-aapi at nagsasadlak sa sambayanan –
laluna sa mga manggagawa’t magsasaka – sa masidhing kahirapan.

B. Ang Kahulugan ng Pambansang Demokrasya

Niyayakap at isinusulong natin ang pambansang demokrasya bilang


pampulitikang linya at tanging tiyak na landas tungo sa tagumpay ng
masang anakpawis para sa pagkakamit ng kanilang mga kapakanan at
adhikain.

Pambansa dahil naglalayon ng paglaya ng lipunan at bansa sa kontrol at


dominasyon ng imperyalismo. At demokratiko dahil tinitiyak ang saligang
karapatan sa pag-aari at pagsasaka ng sapat na sukat ng lupa ng malawak
na masang magbubukid, sa pamamagitan ng pagwasak sa pyudal na
monopolyo sa mga lupain ng iilang panginoong maylupa at pamamahagi sa
mga ito sa mga magbubukid na wala o salat ang lupang sinasaka.
Ginagarantiyahan din ang mga demokratiko at batayang karapatang sibil
(basic civil rights) ng lahat ng mamamayan, gayundin ang kanilang malawak
na partisipasyon sa pag-guhit ng kanilang kinabukasan sa pamamagitan ng
demokratikong pamahalaang bayan.

Ang pambansang demokrasya ay kinakailangang (necessary) yugto sa


pakikibaka ng mamamayan para sa katarungang panlipunan. Sa balangkas
nito, maisusulong ng bansang Pilipino ang mga demokratikong karapatan at
ganap na panlipunang kasarinlan ng sambayanan. Walang tunay na
repormang agraryo at pambansang industriyalisasyong magaganap hangga’t
hindi lubusang nalalansag ang imperyalistang paghahari sa Pilipinas.

Kasaysayan
ng
Demokrasya
Pangalan: Maila Erasga
Guro: Binibining Buendia

You might also like