Are you sure?
This action might not be possible to undo. Are you sure you want to continue?
26, 2013
NR # 3027
Institusyon para sa mga matatanda, itatatag
Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara para magtatag ng institusyon para itaguyod at magsagawa ng pananaliksik sa pagtanda ng isang tao upang makagawa ng solusyon sa isyu at hamon kinakaharap ng mga matatanda. Inihain ni Rep. Godofredo Arquiza (Party-list, Senior Citizens) ang House Bill No. 6884 na naglalayong bigyang pag-asa ang mga matatanda na makisali sa nation building at hikayatin ang kanilang pamilya at komunidad para maging matibay ang kahalagahan ng Filipino sa pangangalaga ng matatanda. Sa istatistika noong 2010, sinabi ni Arquiza na mahigit 6.2 milyon o 6.8 porsiyento sa populidad ng bansa ang senior citizens at inaasahang tataas ito ng 8.5 porsiyento sa 2020. Sa panukala, makikipagtulungan ang institusyon sa katulad at kaalyadong academic at research institutions, local at international. (30) eg
This action might not be possible to undo. Are you sure you want to continue?