You are on page 1of 1

Tuwing Linggo, ika-10 ng umaga ang Binyag sa ating simbahan.

Walang “special” o pang-isahang binyagan (individual baptism).

MGA KAILANGAN PARA MAGPAREHISTRO SA BINYAG
FOR PARISHIONERS – MGA NASASAKUPAN NG MARY MIRROR OF JUSTICE PARISH (mga nakatira sa Comembo) Birth Certificate (original at photocopy) ng inyong anak na nakarehistro sa Munisipyo. Maaari din pong isubmit ang Birth Certificate na galing sa ospital kung hindi pa nakarehistro sa munisipyo. Photocopy ng Marriage Contract kung kasal ang mga magulang ng batang bibinyagan. Donation para sa simbahan (mamimigay po ng envelopes para sa mga ninong at ninang sa araw ng binyag.)

 

FOR NON – PARISHIONERS - MGA HINDI NASASAKUPAN NG MARY MIRROR OF JUSTICE PARISH (mga hindi nakatira sa Comembo)  Birth Certificate (original at photocopy) ng inyong anak na nakarehistro sa Munisipyo. Maaari din pong isubmit ang Birth Certificate na galing sa ospital kung hindi pa nakarehistro sa munisipyo.  Photocopy ng Marriage Contract kung kasal ang mga magulang ng batang bibinyagan  Permission from your parish makukuha mula sa parokya na nakakasakop sa inyong lugar na nagbibigay ng pahintulot sa pagpapabinyag dito sa Mary Mirror of Justice Parish.  200.00 ang kabayaran (kasama na ang principal sponsors)  25.00 ang kabayaran para sa bawat karagdagang isang ninong o isang ninang. MGA DAPAT TANDAAN:  Magparehistro tuwing Martes hanggang Sabado.  Mga magulang lang po ang maaaring magparehistro upang maiwasan ang mga pagkakamali.  Walang Birth Certificate, walang binyag.  Pre-baptism seminar ay magsisimula sa ganap na ika-10 ng umaga sa araw mismo ng binyag sa atin pong simbahan. Ang mahuhuli po ng dating ay magmumulta ng 200.00  Ang susuotin po ng bata sa araw ng binyag ay white, off white o dirty white at may sumbrero.  Magdala ng sariling kandila na may panahod na karton.  Maaaring magrequest ng Baptismal Certificate makalipas ang isang  linggo at maaaring makuha kinabukasan. Mga magulang lamang po ang maaaring kumuha ng Baptismal Certificate. Ang halaga ng Baptismal Certificate ay 30.00. Hindi ito makukuha kung ang birth certificate ay hindi nakarehistro sa munispyo.  Kasuotan para sa lahat: Tandaan natin na ang SAKRAMENTO NG BINYAG ANG UNANG SAKRAMENTO NA TINATANGGAP NG ISANG KRISTIYANO AT ITO AY NAPAKAHALAGA KAYA’T MARAPAT LAMANG NA MAGING MAAYOS ANG ATING KASUOTAN SA OKASYONG ITO. Bawal po ang mga nakashorts, spaghetti strap at backless.  Ang mga ninong o ninang ay dapat nasa hustong gulang (18-pataas) at nakumpilan na. kung hindi makadadalo ang ipinalistang principal sponsors sa seminar, ang pumalit o humalili sa kanila ang magiging legal o principal sponsors at ang kanilang pangalan ang ipapalit o isusulat sa libro.  Walang seminar, walang binyag ay mahigpit na ipinatutupad.