MARCH 4, 2013

NR # 3033B

Bahagi ng VAT ilaan sa agrikultura
Iginiit ni Rep. Gloria Macapagal-Arroyo (2nd District, Pampanga) na ilaan ang bahagi ng taunang nakokolekta sa Value Added Tax (VAT) para matustusan ang agrikultura sa bansa. Sa House Bill No. 6704, aamiyendahan ang National Internal Revenue Code of 1997 sa koleksyon ng VAT para sa fram inputs, post harvest facilities, infrastructure support, livelihood programs, capability programs at trainings at microfinance. Sa HB 6704 ang magbibigay din ng karagdagang hanay na kikilala sa gastusin ay bibigyan ng limang porsiyentong alokasyon mula sa VAT. Sa mungkahi, 20% ng 5% alokasyon mula sa VAT ay mapupunta sa construction, rehabilitation at restoration ng communal irrigation system, 10% ay mapupunta sa postharvest facilities kabilang ang mechanical at solar dryers at warehouses, at 10% ay gagastusin para sa seed at organic fertilizer subsidies. Dalawangpong porsiyento ang ilalaan para sa farm-to-market roads sa mga munisipalidad na malaki ang bukirin; 10% para sa livestock dispersal program; at 10% para sa traning/capability building programs para sa agriculture extension workers. Sampung porsiyento ang gagamitin sa microfinance lending programs para tustusan ang smallholder agriculture; 10% para sa pagtatayo at pagmimintena ng mariculture at aquaculture. (30) eg