You are on page 1of 28

Siklab: Mga Tula ng Pakikibaka 2013 Karapatang – Sipi: Angelo Madarang Lahat ng parte nito ay pag – aari ng may

– akda Walang maaaring Gamitin na parte nito Na walang pahintulot.

Paunang Salita
Ngayon, sa tagal ng panahon na ako’y tumutula, ngayon lang ako nakapaglabas ng aking mga siniping tula at iba pang aking mga lkha. Dahil na rin sa pagpupurisigi na maisulong ito ngayong ika – 10 taon ng Kilometer 64 Poetry Collective, Bahagi na rin ng aking pagpupugay sa mga kasamang nagsulong nito at napanatili ito sa loob ng isang dekada. Ayos na rin ito, kahit medyo maguguluhan kayo sa nilalaman nito dahil halo – halo ang mga paksa nito pero Sinasabi nga natin na ang mga tula ng pagkikibaka ay pangpataas ng diwa ng pagsusulong ng rebolusyon, Pangpa –agit, ika nga nila. Hehe Ngayon, inilalabas ko muna na soft copy ito sa Scribd dahil na rin sa kakapusan ng panustos (walang badyet ngayon!), na pwedeng mai – download at mailagay sa mga inilalabas na tula ng mga pahayagan ng mga kampus at sa iba pa na kayang – kayang gawin ng Kilometer 64 Poetry collective (pasensya kina Rustum at Pia). Malaki rin ang naitulong sa akin ng Kilometer 64 dahil sila ang nakapaglalabas ng aking mga tula para sa bayan, hindi ko na nga lang alam kung ilan na iyon. Salamat din kina Noviembre El Drama (Ala), Lenkurt Lopez, Gem Karlos Aramil at Emmanuel Halabaso na mukhang pursigido sa Kilometer 64 at tutulong din ata sa pagtustos ng aking pagpapimprenta nito. Hehehe Hanggang dito na lamang ang aking masasabi sa inyo, sana ay tuloy – tuloy nating suportahan ang mga tula ng pakikibaka at ang SIKLAB: Mga Tula ng Pakikibaka, isama na rin natin ang Plumang Punyal ni Rogene A. Gonzales at Lover’s Lane ni Axel Pinpin, aking mga kasamahan sa Kilometer 64 at sa Timog Katagalugan. Salamat at Isang Mapagpalayang araw sa inyong Lahat! Angelo P. Madarang May - akda

“Ang isang makata ay Katulad ng isang mangingibig Naiintindihan niya ang damdamin nito at ang kanyang iniisip” - Angelo Madarang

Mga Tula

Buhay at Bahay
buhay ang pinagmulan ng lahat kabuhayan ang pinaka-kinailangan kaya sila'y naririto ngayon sa kalunsuran na minimithi nila ang mga nasa kanayunan nagpupunta sa kalunsuran dito na rin nanirahan kahit mag-iskwater sa daan ngayon, ang mga pasistang lider ng ating bayan pilit silang tinatanggal sa kanilang panirahan dahil sila daw ay EYESORE sa mata ng taumbayan at wala daw silang lugar dito sa kalunsuran demolisyon ang isinagot ng mapang-api sa masa'y pilit nilang winawaksi mga bahay nila'y kanilang pinaghirapan ngayon ay wawasakin lamang upang ang lupa'y ibigay sa mga dayuhan tandaan niyo, nandito pa kaming mga kabataan ipaglalaban namin ang kasaysayan babawiin ang kalupaan na inagaw niyo sa aming mga magulang rebolusyon man ang kahantungan kahit dahas sa dahas ang laban hahawak kami ng punglo at armas upang ipaglaban ang buhay, bahay, lupa at tunay na kalayaan ng bayan! Enero 10, 2011 Calauan, Laguna

Nang Mag-Status Update si Aquino Sa Kanyang Facebook fan page Natuwa siya “Maraming Nag-like” Yun pala ay ang Kanyang mga Gabinete Nang Mag-Status Update si Aquino Biglang may “nag-share” Natuwa na naman ang Abnoy ng Palasyo Yun pala ay si Tito Sotto at ang Senado Nang Mag-Status Update si Aquino After 2 minutes, may “nag-comment” Nagalit ang impakto Inika, “ipatupad ang Cyber Crime law” Ipinahuli ang nag-comment Kinasuhan ng e-Libel Kinastigo ng PNP, AFP, NBI at DOJ 12 years ang sentence Nang Mag-Status Update si Aquino Nang ganito “our economy is growing” At sinabi ng Anonymous Philippines Kailan ito nangyari? Nang Mag-Status Update si Aquino Sumigaw ang mga tao Ibasura ang Cyber Crime law Sumisira ito sa Karapatang Pantao

Lungsod ng Cabuyao, Lalawigan ng Laguna Enero 31, 2013

Hinalaw
Aali-aligid sa mga kalye Pawang mga bubuli Walang-awang isinantabi Ang ilaw na nakasindi Rikit ng pumapailanlang na awit Tinig ng bawat mga bisig Ng mga inaaping uri Ng mag putaragis na bubwit Hinalaw mo sa isang awit Pamapayagpag sa isip Ng isang tubig na matinis At malinis na tulad ng Kanyang nais Seldang nilagot ng tari Tanikalang tinagpas ng karit Sundang na pinalibis Sa walang malay na siniil Wala nang hari Dahil inialis na ng bawat aping uri Ang mga nagpasa-impyerno ng buhay namin At Sigaw naming “Rebolusyon” Tayong lahat ang tutugon Pebrero 3, 2013 Lalawigan ng Quezon

#Unlike RA 10175!
Sa aming „di na dapat iginagalang na Pangulo, Ngayong patapos na ang TRO Ng pinirmahan mong CyberCrime Law Na mariing kinondena Ng mga mamamayan mo Asahan mo, Asahan mong muli kaming aaklas Aaklas laban sa mapanupil mong batas Na tatapos sa karapatan sa Pamamahayag Hinigi namin ay FOI Pero ang binigay mo‟y CyberCrime Bakit gusto mong lahat ay may crime? Para ang pamahalaan mo‟y „di mag-goodbye? Kung gusto mong batiin ka Ng mga pilipino ng “Magandang Umaga” Umayos ka! Ngayon na! Para ang mga gutom na masa‟y Di mapariwara Sigaw ng Netizens #Unlike RA 10175! Isulong ang GARB P125 Across the Board At ang FOI! Itong Sulat kong ito‟y Para sa iyo „di na dapat igalang Na Pangulo! Una palang ito Hintayin mo Sa pagtatapos ng Tro „di na sulat ang ibibigay sa‟yo Pati na Kamao Ng lahat ng mamamayan mo! Lubos na Nangangalit Sa CyberCrime Law 30, 078, 875 Filipino Netizens

Virtual Crime…CyberCrime
Sa unang tingi‟y mahinahon Ang nilikhang salot sa Mamamayan Lalo na sa birtwal na pahayagan Ng panawagan para sa pamahalaan Mula sa lansangan ng bayan Hanggang sa pambansang hukuman Lalaban ang sambayanan Patungong tunay na kalayaan Facebook, Twitter, Scribd at Blogger Like, re-blog, re-tweet, share Sa Cybercrime Prevention Level Yan na ay kasong “e-LIBEL” Mahirap masagkaan ang karapatan Lalo na kung ito‟y para sa kanakanan Kapakanan ng inaaping sambayanan Na tunay na namumuno sa bayan Anyare? Bakit napasa ito? Dahil ba sa Kongreso? Dahil ba kay Tito Sotto? O kay Abnoy na nasa Palasyo?! Lalaban tayo Lalaban kami sa inyo Para sa amin ito Karapatang Pantao!

Bayan ng Los Baños, Lalawigan ng Laguna Enero 17, 2013

Kalat sa Tubbataha
Naglipana! Naglipanan ang mga naghahasik Ng lagim sa bayang inaapi At pinagsasamantalahan ang uri Nag-iwan kayo! Nag-iwan kayo ng kalat niyo Kayong mga imperyalistang kano Pati mga reaksyunaryong Sundalo niyo! Alisin niyo! Alisin niyo ang USS Guardian Diyan sa aming pinangangalagaan Tubbataha reef ng aming bayan Umalis na kayo! Dito sa aming bansa Pati ang inyong Embahada Sa aming mahal na bansa Junk VFA! Junk MDT! Tanggalin ang karapatan Ng mga Sundalong Kano Dito sa aming Bayan! Makibaka, „wag amtakot Bayan, tuluyan kang makisangkot! Lumaban ka Sambayanan! Para sa Iyong karapatan! Isulong ang Rebolusyong Bayan! Makibaka at maging Makabayan! Isulong ang Digmang Bayan! Para sa pagtatayo Ng tunay na Gobyernong Bayan!

Quezon Province Enero 25, 2013

e - MARTIAL LAW!
Nagdaan na ang nakaraang taon Dumating na ang bagong panahon Sadyang sa pagkalugmok ay hindi pa rin makabangon Ang bayang iginupo sa pagkagumon Nandiyan na naman ang banta Ng batas militar sa ating bansa Hindi man direktang makikita Mararamdaman natin ito sa midya Matatapos na Temporary Restraining Order niya Papayagpag na naman siya Sa Internet at maging sa midya JUNK Cybercrime Prevention Act of 2012 Yan ang sigaw ng mga tao sa mundo ng internet Dahil ang karapatan nila ay mayuyurakan e-Libel ang isusulong diyan i-unlike natin sa facebook i-unfollow natin sa twitter isigaw ang tunay na karapatan sa bagong midya at sa lansangan hindi tayo susuko hinding hindi tayo susuko Hanggang sa magupo RA 10175 na manloloko! Lungsod ng Batangas, Lalawigan ng Batangas Enero 2, 2012

MANINDIGAN

Naranasan mo na ang tunay na pagkapasista ng rehimen na tuta at ng imperyalistang amo nila nagmartsa na ang mga magsasaka para sa kanilang lupa sumama na rin ang mga manggagawa para sa karapatan nila sa ngayon ang lahat na'y natitipon upang ipaglaban ang lungsod at nayon at palayain ang bayan ngayon Sulong, Masang Anakpawis Tumindig ka't humagibis Para sa Paglayang nais at sa pag-agaw na mabilis!

MILISYANG BAYAN
Nasaan na ang hustisya! Nawawala pa rin sila Pinatay mo na sila Dinamay mo pa ang iba! Maraming Maraming Maraming Maraming lumalaban ang nawalan pag-asa ang nalusaw pag-ibig ang lumubog pagsigaw ang nadurog ang ang ang ang nakikita naming solusyon sasagot sa aming mga tanong dapat isulong tunay na dadaluyong!

REBOLUSYON REBOLUSYON REBOLUSYON REBOLUSYON

Manggagawa, Magkaisa Magsasaka, Makibaka Kabataan, Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan Sambayanan, Humawak ng armas at makibaka! Yan ang aming panawagan Yan ang aming tinuturan Yan ang aming ideolohiya At Yan din ang magpapalaya sa bansa at magpapalayas sa mga Imperyalista! Isulong ang Demokratikong Rebolusyong Bayan!

KULONG KA!
Kung ganito, kung ganito ang mga pangyayarid ito sa ating lipunan... Ano ang ating kasasadlakan? ano ang mangyayari sa atin? sa atin na nakikibaka at lumalaban para sa bayan.. sa atin na sumisigaw ng hustisya't katarungan... kung isang iglap, Kulong Ka! ang sigaw ng isang sundalong EPAL! pagkakamalan ka nilang NPA kahit ikaw ay walang ginagawa sa kanila paghihinalaan ka nilang NPA kung may dala kang Malaking bag o Laptop Ituturing ka nilang NPA kakasuhan ka rin ng mga anomalyang Gawa-gawa... kaya ano na? ano na kaya? ano na? NOYNOY "Abnoy" AQUINO, Sumagot ka!!! -----------------------------------------------Para sa mga kasamang hinuli ng mga sundalo at ng Lipunang ito! FREE ALL POLITICAL PRISONERS!

JUNK “BWISITING” FORCES AGREEMENT
Nandyan na naman sila tuloy tuloy na nananamantala sa sambayanan na pariwara dahil rin sa kanila sinira na ang Subic sinagasaan pa ang tubatahaa reef sambayanan ay nagngingitngit dahil sa galit sa mga pesteng drone at barko ng impe panahon na upang ibasura Visiting Forces agreement nila ipa-deport sa kanilang sariling bansa ang mga walang kwentang imperyalista at mga sundalo nila sisigaw ang bayan, sisigaw, nang sisigaw dahil sa galit sa kanila Ipatapon ang mga Imperyalista! Bayan ng Los Baños, Lalawigan ng Laguna Enero 18, 2013

MABIGAT NA HANTUNGAN
kailan mo ba nakita ang pagtama ng bala na tatapos sa buhay mong bigay hustisya ang hiningi ng mga biktima dini maging ng mga saksi sa ipinukol mo't iwinaksi sumisigaw ng paalam lahat ng mga nilalang sa mga biktima ng di sinasadyang pamamaslang kailan ka titigil? kailan ka titigil? ngayon..? bukas..? kailan? sagutin mo

MULING BABANGON
malapit nang matapos ang taon, naririto pa rin tayo, nakagapos sa panahon, inilubog sa kumunoy ng kasinungalingan, ng mga nasa kapangyarihan ngunit kahit bagyo man ang humarap ito'y ating magagagap na ang paglaban para sa mahihirap ay isang tungkulin at karapatan! kahit matatapos na ang taon, kahit pa ang panahon, ang pakikipaghamok natin sa kanila, magpapatuloy ng sandaang taon. laban kung laban, sigaw kung sigaw, manawagan nang manawagan, para sa pagbabago! at sa huli... Muli tayong Babangon, ang mga binusabos, ang mga nagugutom, ang mga pinahirapan, ang mga ikinulong, ang mga nawala, ang mga dinukot, ang mga tinortyur, ang mga pinagsamantalahan, at ang masa na ating ipinaglaban, Sama-sama tayong babangon, para sa ating karapatan!

MANGGAGAWA, MANGGAGAWA Manggagawa, Manggagawa, Ikaw na Mapag-palaya, Kasama ng Pangunahing Pwersa, Para Kabakahin ang Mapang-alila! Ikaw ngayo'y pinararangalan, ng mga Mamamayan, na Patuloy na Naninindigan, Para sa Karapatan at Hustisyang Panlipunan! Ikaw ma'y Pinahihirapan, ng mga Ganid at Dayuhan, Kapitalista't Gahaman, Ikaw pa ri'y Lumalaban! P125 ay Isulong, Itayo ang Tunay na Unyon, Isulong ang Pambansang Industriyalisasyon, sa Lagablab ay Magpadaluyong! Maso na iyong Tangan, sa loob ng Pabrika't Pagawaan, Iyong dahilan ng Paninindigan, Para sa iyong Kinabukasan! Makibaka, 'wag Matakot, Tuluyan nang Makisangkot, Para Paglaya'y Mahablot, ng Iyong Masong Pang-Lagot!! Abril 15, 2012 Calauan, Laguna

IKAWALONG SUNDANG: PAGBABAGO
Sa paanan ng bundok, at doon man sa pinakarurok, mataman ang alikabok, naglalagablab ang usok. sandatang tangan, hindi binibitawan, sa bundok man o kapatagan, sa lunsod man o kanayunan. Langit man ay pumanaw, Pakikibaka'y umaapaw, Dagat man ay magpaalam, Nananatiling maalam. Hawak mo ang sulo, Gagapi sa mga ulol, Simula hanggang dulo, Lalaban sa kahit sino. Sinta, lumaban ka, Karapatan mong lumaya, Sa mga mapang-alila, at sa mapagsamantala. Pagbabago'y simulan, Sa bundok ng Kalisungan, Hanggang kalunsuran, Para sa tunay na kalayaan!! Abril 11, 2012 Bundok Kalisungan, Tagpuan ng Bayan ng Nagcarlan at Bayan ng Calauan, Laguna

MAYO UNO!
Iyan na ang mga manggagawa, ang hukbong mapagpalaya, na siyang magpapalaya, sa aping sektor ng bansa! Naririnig na naman natin ang mga sigaw, ng mga Manggagawang patuloy na humihiyaw, Humihingi ng umentong ipapataw, sa sweldo ng mga manggagawang ligaw! P125 across the board, but don't get to be bored, o baka gusto mong mabulid, ang mga Regional Wage Board! Malawak na kalsada kanilang tinahak, upang ang masa'y hindi mapahamak, di kawasa'y ito'y maging tulak, ng maso't karit na humahawak! Isulong ang industriyalisasyon, karapatan ng Manggagawang mag-unyon, at kanilang tinatalunton, bako-bakong landas ng Reboblusyon! Kung hindi pagbigyan sa Pabrika, sa Engklabo man o Opisina, Humawak ng armas para lumaya, sa mga dayuhang kapitalista!!! Mayo 1, 2012 Crossing, Calamba City, Laguna

PAALAM, KASAMA!
(para kay ka ALEX REMOLLINO na pumanaw noong 09.03.10 sa PGH)

ilang unos man ang dumating ilang pighati man ang lumipas ngunit ang pakiibaka'y di lilipas magtungo man sa kamatayan ang bukas marami man ang mawala marami pa rin ang darating upang ipagpatuloy ang nawaglit na pakikibaka ng masang anakpawis kasama, isa kang pundasyon ng masa nagmulat, nag-organisa at nagpakilos sa bayan at sa pusong palaban ng masang anakpawis at sa mundo ng sosyalismo paalam sa iyo, kasama hanggang sa muli nating pagkikita muli tayong makikibaka upang ipagpunyagi ang sambayanang sosyalista!!

GABI NG LAGIM...
Sa gitna ng krisis sa lipunan Marami pa rin ang nangyayari sa ating bayan Ngunit ang bayan ay lalaban Hanggang sa huling laban o sa digmang bayan itigil ang demolisyon Ang sigaw ng masang pinagsasamantalahan Ngunit ang mga pasistang republika Patuloy pa rin sa panggagamit sa masa tamang paulanan lang ng bato Ang bahay ng mga walang maloko Tulad ng mga estrada Erap, JV, jinggoy at iba pa. panahon na upang bumangon Mula sa pagkakatapon Ng sinungaling na republika At papanigan natin ang masa! rebolusyon ang solusyon Upang ang bayan ay bumangon Mula sa bayang mapang-api Ating babaguhin ito Patungong mapagpalayang pagbabago!

JUSTICE IS ALL WE NEED
katarungan, katarungan isisigaw ng sambayanan upang magkaroon ng kapayapaan at hustisya ang pagkamatay ng isang kasama. si Lester, isang manggagawang pangkultura ng timog katagalugan, isang magsasaka ng bayan pinatay ng pasistang militar na iyan sa gitna ng CEASEFIRE na gawa-gawa lamang ng lipunan si karen at si jonas, parehas taos-pusong pinaglilingkuran ang sambayanan ngunit ano ang nangyari sa kanila, dinukot at hanggang ngayon ay hindi pa inilalabas ...si eden at si eddie, kapwa lider ng masa, pinatay ng mga hindi pa nakikilalang mga kalalakihan, iniwang nakalupasay sa nakatiwangwang na kalupaan hanggang kailan pa ba bago matapos ito, kung kailan ubos na ang lumalaban, sira na ang lansangan at kung saan ay sirang sira na ang sistema ng lipunan nanggagalaiti na ang sambayanan sa mga ginagawa niyo sa mga lumalaban malapit na naming agawin ang kapangyarihan at mananalo ang masang pinagsasamantalahan!

SA GITNA NG DILAW NA REHIMEN

sa gitna ng dilaw na rehimen nagaganap ang isang pangitain na sila'y naniniwalang ganapin ng kanilang presidenta ang kanilang hiling si P-noy, nandun sa palasyo habang naghihirap ang sambayanang pilipino si P-noy na naman, nandun sa palasyo habang nakikipaglaro ng patintero kina Shalani Soledad, Liz Uy at iba pa. Hacienderong republika kung ituring dahil si P-noy ay isang pating hacienda luisita'y inaangkin Magsasaka'y walang lupa man din kaya ang bayan ay lumalaban dahil sa kabalintunaan ng mga nasa upuan mga GANID sa kapangyarihan sa pangakong "MATUWID NA DAAN"

PARA KAY PRESIDENT Benigno Simeon "P-Noy" C. Aquino III...
asahan mo na sa araw ng iyong inagurasyon ay hindi ako pupunta tulad ng maraming maralitang pilipino na nagdaranas ng kahirapan hanggang ngayon mula sa liderato ng adminstrasyong arroyo ako na lamang ay makikibalita sa telebisyon ng aking mga kapitbahay na naghihikahos para sa kanilang ikabubuhay upang mapakain ang kani-kanilang mga pamilya ngayon, sa panahong ito ay panahon na ng pagbabago ikaw man ay isang 'MODELO NG PAMBANSANG PAGBABAGO"! ay maraming masa pa rin ang lalaban at makikibaka para sa pambansang demokrasya kaya kung ako sa iyo PRESIDENT BENIGNO SIMEON "P-Noy" C. AQUINO III panahon na para baguhin mo ang sistema na umiiral sa ating bansa ngayon tuparin mo ang iyong pangako na ibibigay ang lupa ng buong HACIENDA LUISITA sa mga magsasaka at magtutubo ng tarlac at mga karatig-probinsya nito at baguhin mo rina ng sistema mula sa MALA-KOLONYAL AT MALA-PYUDAL NA LIPUNAN patungo sa PROLETARYADO AT SOSYALISTANG LIPUNAN!

Ang Mamamayan ay muling babangon Mula sa pagkagumon Gamit ang mga salitang nakayukom Sa palad nilang binusabos ng ilang daang tao. Angelo Madarang, Makata ng Rehiyon ng Timog Katagalugan