You are on page 1of 6

James Allen C. Tan Filipino 4.

1 YC

Marso 5, 2013

Ang storyang 1986 at 1996: sa Mendiola, sa Eda at sa kung saan-saan ay storya nang isang bahagi sa buhay ni Bernie kung saan kanyang nakilala makita si Rex, isang 4th year student na nagmemejor nang Social Science. Minsang pumasok si Rex sa klase ni Bernie noong 2nd year pa lamang siya. Isang aktibista si Rex nuon na may maraming Isinusulong gaya nang pagkondena sa biglaang pagpasok ng mga military sa kanilang unibersidad na walang dalang search warrant, ang impluwensya ng world bank sa kanilang kurikulum at ang pagtaas ng matrikula at iba pang paglabag sa karapatan nang bawat mag-aaral. Nagsimulang sumali si Bernie sa grupo ni Rex matapos niyang makita itong nagsasalita nang buong tapang sa labas ng kanilang main gate at habulin ng gwardya palayo sa kanilang campus.

Mula noon ay nagsimula ng sumama si Bernie sa mga pagpupulong nang grupo ni Rex at doon ay mas nakilala niya si Rex at lalong hinangaan sa katapangan tikas at galing sa pagsasalita. Subalit habang tumatagal ay nag-iba ang mga dahilan ng pagdalo ni Bernie sa bawat pagpupulong. Imbes na siya ay dumalo bilang pagpaparaya para sa bayan ay naging makasarili ang kangyang intension. Nagkaroon nang espesyal na pagtingin si Bernie kay Rex subalit kanya

lamang itong itinago sa kanyang sarili. 1986, sa mendiola namatay si Rex habang nagmamartsa at sumisigaw nang matinding pagtutol sa pag-upo ni Marcos sa pwesto. At matapos nang sampung taon ay napanaginipan ni Bernie si Rex at ang lahat ng kanyang karanasan kasama siya. Ngayong, si Bernie ay sumasama na sa mga aktibistang sumusulong sa bawat karapatan ng mga mamamayan at sumisigaw para sa ikauunlad nang bayan. At kanyang labis na pinagsisihan ang pagtago niya sa kanyang tunay na nararamdaman kay Rex na ngayon ay hinding-hindi na niya makakausap kalian pa man.

James Allen C. Tan Filipino 4.1 YC

Marso 5, 2013

Ang tul ni Andres Bonifacio ay naglalahad tungkol sa isang dakilang klase nang pagmamahal ang pagmamahal sa bayan. Ibig ipahiwatig niya na dakila ang pagmamahal sa bayan dahil kaya nitong talikuran kahitpa ang mga mahal sa buhay. Bilang isang Pilipino, mahalaga para sa ating ang ating mga mahal sa buhay at sila ang madalas na sentro ng ating pagkatao. Handa tayong mga Pilipino na isuko ang lahat para sa kanila pero kapag ang ating inang bayan na ang ating minamahal, maging ating mga magulang, kapatid o irog ay ating iniiwan para lumaban. Ang pagmamahal na ito ay naipakita nang lubos noong panahon nang pagsasakop sa Pilipinas ng mga dayuhan. Gaya nang ginawa ni Andres Bonifactio para sa bayan, iniliaan niya ang klanyang buhay para sa inaasam na kalayaan. Dakila ang pagmamahal na ito dahil hindi ito makasarili at hinahamak kahit na kamatayan.

James Allen C. Tan Filipino 4.1 YC

Marso 5, 2013

Ugali ng Tagabukid

Minsan tayo ay nakatutok sa bilis ng ating pamumuhay at tuluyan natin nakakalimutan ang mga simple subalit mahalag bagay. Ang tulang "Ugali ng Tagabukid" ay naglalarawan ng karaniwang araw ng mga tao sa bukid.

Matutunghayan ng mambabasa ang kasimplehan nito, kasama na ang kasipagan ng mga tao sa pagtatatrabaho upang maitawid ang isang araw na hindi nagugutom. Kahit gaano kabigat ang mga gawain sa araw-araw, ang tanging ninais ay mga pangkariniwan na kasiyahan gaya ng sigarilyo, meryenda and mahimbing na pahinga.

Minsan kailangan natin tularan ang ugali mga taga-bukid upang tayo'y matutong maging kuntento sa buhay.

James Allen C. Tan Filipino 4.1 YC Tikbalang

Marso 5, 2013

Ang buod nang storya na ito ay tungkol sa isang bata na nagngangalang Pising. Isang masunurin na bata si Pising at kalaro niya si Ilu. Isang araw habang naglalaro sila sa ilalim ng puno, tinawag sila ni Mang Punying. Siya ang nagtratrabaho bilang mananaid sa palayan tuwing anihan at tagabantay naman sa playan sa panahon ng pagtatalok. Laging amoy pawis at alak si Mang Punying kagaya nang ama si Pising kaya naman nang tawagin sila ni Ilu ni mang Punying para siya ay bunutan ng putting buhok ay pumayag ito. Nung una ay magkakasama sina Pising at Ilu sa pagbubunot nang buhok kay Mang Punying pero nang bumalik na si Pising para maningil sa ay mag-isa na lamang siya. Pinapa-inom siya nang tubig ni Mang Punying at pagkatapos ay pinapatulog sa kanyang kubo. Nanag magising si Pising ay mabigat ang kanyang katawan kaya kanyang tinatanong si Mang Punying kung ano ang nangyari. Ang binigay na paliwanag ni Mang Punying kay Pising. Kaya naman ito ay kanyang kinalaban at nagpigilan. Kaya umuwi si Pising at nagtanong sa kanyang lola tungkol sa tikbalang. Sa sumunod na mga araw ay bumalik si Pising upang muling maningil kay Mang Punying. Ngunit sa pagkakataong ito ay nagdadala na siya nang gas na inilagay sa isang laruang baril barilin. Dumating na siya ay pinapag-hinga na ulit, hindi niya ininom ang tubig at

nagpanggap na natutulog. Nang kanyang maramdaman na may gumagalaw sa kanyang ibaba ay sinabuyan niya ng gas ito at sinindihan. Tumalikod si Psising agad at umuwi kaya hindi niya nakita ang mukha ng tikbalang. Maya-maya ay ginising is Pising ng kanyang ina mula sa isang mahimbing na pagkakatulog upang pagbantayin sa kanilang bahay dahil nasunog umano ang binabantayan ni Mang Punying kasama siya. Si Pising ay nagtaka sa tarantang mukha nang kanyang ina ngunit pinili sa bumalik sa pagkakatulog.