You are on page 1of 48

Pangkat Isa

Mondragon, Lorelie V.
Miranda, Janinne
Quiatchon, Hanzel
Daug, Lady Ann
Zaraspe, Mairene
Olimpiada, Adrian
Landicho, Janel
Natanauan, Andres
KALIKASAN NG PAKIKINIG

Ang pakikinig ang proseso ng pagpaparinig ng


tunog at salita ng nagsasalita o enkowder, ang
nagpapadala ng imformasyon sa pamamagitanng
isang sistema ng komunikasyon o TSANEL sa
INTERPRETER na maaaring isang tagapakinig,
isang mambabasa o isang manonood, ang
kumikilala, tumutuklas at nagbibigay kahulugan sa
mga tinanggap na mensahe na sa mahusay
niyang pagsusuri at matalinong pagtataya
naitatransform ito sa anyong naiintindihan na ang
katiyakan ay napipiho sa kanyang pagsagot dito.
Patunog at pasalita ang pagpaparinig kapag
VERBAL ang paraan ng komunikasyon. Nakasalig
ang pag-intindi rito sa dalawang mahahalagang
bahagi ng anatomiyang pangkomunikasyon ng tao:
sa mga tenga at mga mata maliban na lamang kung
may kapansanan ang mga ito na pandamang hipo
na lamang ang ginagamit. Karaniwan na anyo ng
Verbal na pakikipagkomunikasyon sa araw-araw na
pakikipag-usap. Samantala, mga ekpresyon naman
ng mukha at mga kilos o galaw ng mga bahagi ng
katawan gaya ng mga mata, balikat, kamay at daliri
ang kinakasangkapan sa Di-Verbal na pakikipag
komunikasyon.
Kahulugan ng PAKIKINIG
Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Aktibo ito dahil
nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan at ianalisa
ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang
napakinggan.

 Ang pakikinig, samakatuwid, ang pagunawqa sa kahulugan ng


mga tunog na napakinggan. Nangangahulugan ito ng pakikinig
nang may layunin- ang pagunawa sa kahulugan ng mga salita at
pangungusap na narinig. Inuunawa ang mga katotohanan at ideya
na nakapaloob sa mga salitang napapakinggan.

 Natatamo ang paguunawa sapamamagitan ng ating isipan. Isang


aktibo itong kasanayan sapagkat may nagaganap sa isipan ng
isang tao habang nakikinig. Ipinoproseso ng kanyang isipan ang
mga bagay na kanyang napapakinngan hanggang sa maunawaan
niya ang kahulugan ng mga ito.Napakahalaga ng pagunawa sa
proseso ng pakikinig.
PAGKAKAIBA NG PANDINIG AT PAKIKINIG
Bagama’t magkaugnay, may pagkakaiba ang
pandinig(hearing) at pakikinig(listening).
Sa level ng pisikal na pandinig sapagkat isang kapasidad
ito para matukoy ang tunog na mabubuo sa isang salita.
Tumutukoy ito sa ating kakayahang marinig ang
anumang tunog sapamamagitan ng ating mga tainga.
Samantala, isang proseso ng pagiisip na may layunin na
unawain ang kahulugang nakapaloob sa mga tunog na
pinakikinggan ang pakikinig.
Bagama’t magkaiba ang pandinig at pakikinig,
magkaugnay ang dalwa sapagkat hindi maaaring
mangyari ang tunay na pakikinig kung walang pandinig.
Preliminaryong hakbang sa pakikinig ang pandinig.
PROSESO NG PAKIKINIG
Sinasabi ni Kline(2006) na ang pakikinig ay isang kompleks
na proseso. Ito ay dumadaan sa tatlong magkakasunod na
hakbangin: PAGDINIG, ATENSYON, at PAGUUNAWA.

PAGDINIG

ATENSYON

PAGUUNAW
A
PAGDINIG
Ang unang hakbang sa pakikinig ay PAGDINIG.
Ito ay tumutukoy sa pagtanggap ng tunog
(salita,parirala o pangungusap) na pagdadalhan
ng mensahe. Ang tunog ay nagmumula sa isang
spiker o tagapagbigay ng mensahe. Ang mensahe
ay pinadala sa paraang pasalita, at tinatanggap
naman ito ng tagapakinig.
ATENSYON
Ang ikalawang hakbang sa pakikinig ay
ATENSYON. Hindi lamang natin naririnig ang
tunog na nagmumula sa spiker, bagkus, itinutuon
natin ang atensyon sa mensahe na inihahatid ng
tagapagsalita. Sa puntong ito, hindi sa lahat ng
tunog (salita) nakapokus ang atinmg atensyon sa
halip pinipili natin ang mga mahahalagang
katotohanan o ideya na bumububuo sa mensahe
o paksang tinatalakay . Ito ay tinatawag ni
Kline(2006) na Selektibong Atensyon. Ang
atensyon o interes ng tagapakinig ay nakapokus
sa kabuuan ng mensahe hindi sa bawat salitang
binibitawan ng tagapagsalita.
PAGUNAWA
Ang pinakahuli subalit pinakamahalagang proso ng
pakikinig ay ang PAGUNAWA.
Masasabi nating epektibo ang komunikasyon kapag may
pagunawa ng tagapakinig sa mensaheng ipinapaabot ng
tagapagsalita.
Ang patunay na totoong nakikinig tayo sa nagsasalita ay
kung inuunawa at nauunawaan natin ang mensahe
inihahatid sa paraang pasalita.
Walang komunikasyon naganap sapamagitan natin at
nagsalita kapag hindi naunawaan ang kanyang sinasabi.
Mas malawak at tumpak ang ating pangunawa sa
mensaheng nais ipahatid ng tagapagsalita sa
pagkakataong mababatid natin ang kahulugan ng mga
salitang kanyang sinasambit(VERBAL) at ang kilos at
tunog(DI-VERBAL) ng nagsasalita. Ang pagunawa sa
verbal at di-verbal na aspeto ng pagsasalita na
nagpapalalim sa ating pagunawa sa mensaheng nais
ipahatid sa atin.

Samakatuwid, Ang tatlong mahahalagang proseso ng


pakikinig ang pagdinig, atensyon at pagunawa. Ang
pakikinig bilang isa sa makrong kasanayang pangwika ay
nagtatapos sa pagunawa sa mensaheng nais ipabatid ng
nagsasalita. Bagama’t mahalaga ang pagtugon(feedback) sa
buong proseso ng komunikasyon, hindi ito itinuturing bilang
lohikal na bahagi ng pakikinig(Kline,2006).
Mga Salik na Nakakaimpluwensya
Sa
Pakikinig
1.) MGA PISIKAL NA SALIK

Ang mga pisikal na nakakimpluwensay ay


maaring may kinalaman sa sarili ng tagapakinig
o kaya may kaugnayan sa mga panlabas na
bagay.
1.1. MAY KINALAMAN SA
SARILI
a) PAGKAPAGOD
Mahirap makinig kapag tayo ay pagod.

b) KARAMDAMANG PISIKAL
Ang sakit tulad ng lagnat , sipon, ubo o mas malalala pang
karamdaman ay nagsisilbing hadlang sa mabisang pakikinig.

c) KAPANSANAN SA PAN-DINIG(healing dis–abilities)


Ang pagkakaroon kapansanan sa pandinig o maaring pag-
kabingi ay isang suliranin sa proseso ng pakikinig.
Ang kapansanan sa pandinig ay nagiging sanhi ng hindi pag-
unawa sa mensahing nais ipabatid ng ispiker
1.2. PANLABAS NA BAGAY
Ingay sa paligid
Nagsisilbing handlang samabisang pakikinig ang
ingay sa paligid (maingay na katabi sa klase ,hugong ng
electric fan o aircon , dumadaang sasakyan sa labas o
eroplano at iba pa ). Nakakasira ang mga ito sa ating
koncentration atension habang nakikinig.
Temperatura
Ang sobrang init sa kapaligiran(sa klasrum) ay
nakakaapekto sa atin habang tayo ay naki-kinig. Ito ay
maaaring sanhi sa pagkasira ng ating atensyon sa sinasabi
ng nagsasalita.
c.) Pananamit, paraan ng pagsasalita at boses ng ispiker
May mga pagkakataong ayaw nating makinig dahil sa hindi
maayos o baduy niyang pananamit. Ang paraan ng
pagsasalita at boses ya maaari ding hadlang sa pag-
unawa natin sa kanyang mensahe: mabilis ang pagsasalita
o basag ang boses ng ispiker.
2.) Bakgrawn
May mga bagay na sinasabi ng ispiker na hindi natin
nauunawaan o kaya nabibigyan ng maling pag-unawa’t
interpretasyon dahil hindi natin lubos na naiintindihan
ang mga salitang ginagamit niya. Hindi sapat ang ating
karanasan, bakgrawn at kaalaman sa paksang
tinatalakay ng ispiker. Ang kalagayang ito ay
nakakaapekto sa ating pakikinig.
Sa pagkakataong mas malawak ang ating karanasan,
bakgrawn at kaalaman kaugnay sa paksang
tinatalakay ng ispiker maaaring maging sanhi ito ng
pagkawala ng ating gana o interes para ituloy ang ating
pakikinig. Samakatuwid, ang kalagayang ito ay
nagsisilbing hadlang sa mabisa nating pakikinig.
Ang Mga Layunin Ng Pakikinig

Nakikinig ang mga tao para tumanggap ng


mensahe, makapagukol ng atensyon, maayos na
mainterpret o maatuklasan ang kahulugan ng
mensahe, matandaan ang narinig, at
makapagbigay ng kasagutan. Efektibo ang
pakikinig kung malinaw na nakukuha ng
tagapakinig ang mensahe at mabigyan ito ng ng
tiyak na kahulugan kaya naman nasasagot na
mahinusay ang tagapagsalita o kausap.
Tungkol sa Kahalagahan ng
Pakikinig:
Isa sa mahalagang sangkap ng ating katawan ay
ang ating dalawang tainga. Ito ay sadyang nilikha
ng maykapal upang mapakinggan natin ang iba't
ibang tunog, mga mensahe sa pamamagitan ng
mga salita na binibigkas ng ating dila.

Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras


ang nagagamit ng tao sa pakikinig kaysa sa
pagsasalita dahil mas madalas ay mas gusto pa
niya ang makinig kaysa sa magsalita.
Lalo na ang mga mag-aaral sa loob ng silid-
aralan. Mas gusto pa ang makinig sa
talakayan ng guro at kapwa mag-aaral kaysa
aktibong makilahok sa kanila.

45% ay nagagamit sa pakikinig


30% ay sa pagsasalita
16% ay sa pagbabasa
9% naman sa pagsulat
Anuman ang mga tanong na ipasasagot sa
atin ay tiyakang matutugon natin kung
maayos, malinaw at wasto ang ginagawa
nating pakikinig. Magiging malawak ang
kaalaman natin dahil sa pakikinig.
Anim na Kahalagahan ng
Pakikinig :
Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang
paraan ng pagkuha ng impormasyon kaysa
sa tuwirang pagbabasa.
Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang
bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon
ng mabuting palagayan.
Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong
konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o
paggunita sa narinig.
Nakakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman ng
tao ang pakikinig.
Ang pakikinig sa sinasabi ng kausap ay maaaring
makatulong upang maunawaan ang damdamin,
kaisipan at maunawaan ang kanyang kinikilos,
gawi at paniniwala. lumilikha rin ito ng pagkakaisa
sa anumang uri ng grupo sa loob ng isang
pamilya, pamayanan, paaralan o pamamalakad
man ng isang uri ng pamahalaan.
Ang hindi pakikinig ng isang miyembro sa
sinasabi ng kanyang pinuno ay maaring magdulot
ng di pagkakaunawaan at pag-aalitan.
Iba Pang Kahadlangan sa
Mabisang Pakikinig:
• Lugar o Kapaligiran
Ang tahimik at malamig na lugar ay
lubusang nakahihikayat at
nakapagpapataas ng level ng
konsentrasyon ng isang tagapakinig ng
isang panayam.

Ang mainit, maliit at magulong lugar ay


nagdudulot ng pagkainis at kawalang
ganang makinig ng mga tagapakinig.
2. Oras
Malaki rin ang impluwensiya ng oras sa
pakikinig.
Ang isang tagapakinig na tawagan sa
hatinggabi o sa madaling- araw ay di kasing
linaw ng pakikinig niya sa oras na gising na
gising na ang kanyang kamalayan.
May mga oras na de-peligro rin tayong
tinatawag, ang isang nagbibigay ng panayam
na malapit na sa oras ng tanghalian ay din na
rin epektibo sa mga tagapakinig.
Ang mga estudyante na may klase sa umaga
ay mas aktibong tagapakinig kaysa mga
estudyante panghapon.
3. Mga Kagamitan at Tsanel
Paggamit ng instrumento sa paghahatid
ng mensahe ay malaking tulong upang
magkaunawaan gaya ng cellphone,
telepono, mikropono, radyo atbp.
Epektibo pa ring tsanel sa
pagpaparating ng mensahe ay ang
personal na pakikipag-usap kaysa sa
paggamit ng instrumento dahil malinaw
na masasabi ang mensahe gayon din
ang kanyang emosyon.
4. Distansya
Pag malayo ang kausap, anumang sigaw di
maririnig, marinig ma ay bahagya’t di pa
maintindihan. Pag naman sobrang lapit
nagkakailangan. Yuon lamang tamang distansya.
5. Kasarian
Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki
at babae
Ang mga lalaking tagapakinig ay ayaw sa
babaeng tagapagsalita dahil maligoy masyado
sa pagsasalita at maraming sinasabi o
ipinaliliwanag na nagiging negatibo para sa
kanila kaya hindi pinakikinggan. At gusto rin
nilang pinakikinggan ay ang paksang may
pansarili silang interes.
Ang mga babae naman ay ayaw sa lalaking
tagapagsalita dahil sa may katipiran ng mga ito
sa pagbibigay ng paliwanag.
Higit na mahaba ang pasensiya ng babae sa
pakikinig kaysa sa mga lalaki dahil madali silang
mainip
6. Edad o gulang

Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang


mahaba ang pahayag dahil masyadong maikli ang
kanilang interes, bukod pa sa kanilang kakulangan
sa pang-unawa.
Sa mga may edad na o matatanda na hindi rin ay
hindi rin mabuti ang mahabang pakikinig hindi
dahil sa nababagot sila kundi dahil sa mga
nararamdamang nila sa katawan bunga ng kanila
katandaan, katulad ng pag-atake ng rayuma at
ang kahinaan na ng kanilang pandinig
7. Timbre Ng Boses
May mga boses na nakakatulig talaga sa
natural na pagsasalita. Mayroon din sadyang
malamya’t baklang-bakla na sa halip
pakinggan ay pagtatawanan lamang.
8. Dami Ng Bilang
Pag siksikan, maalinsangan at
maingay.
9. Kultura
Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng tao ay nagiging
dahilan din ng mabuti at di-mabuting kawilihan sa
pakikinig.
Ang pananalangin ng ating mga kapatid na
katutubo ay iba sa pananalangin nating mga
kristiyano. Parehong Pilipino pero magkaiba ng
kultura.
Sa panayam, may mga tao na malayang
nakapagtatanong at sumasalungat habang
nagsasalita ang tagapanayam pero mayroon
namang tahimik at taimtim lamang nakikinig
habang nagsasalita ang tagapanayam at
magtatanong lamang sila kapag tapos na itong
magsalita.
10. Konsepto sa sarili
Ang tagapakinig ay may katalinuhang
taglay na maari niyang magamit sa
pagkontra o pagsang-ayon sa sinasabi
ng tagapagsalita.
Ang sariling pagpapakahulugan ng
tagapakinig sa kanyang naririnig na
mensahe ng kausap ay maaaring
magwakas sa mabuti o di-mabuting
katapusan.
Mga Kasanayan Sa Pakikinig:
Pakikinig para sa kagandahan, kaaliwan at
gamit ng musika

Pakikinig para sa pagtukoy ng pamaksang


diwa, aral at pagpapahalaga na napapaloob
sa isang pahayag o kwentong napakinggan

Pakikinig para makasunod sa tagubilin at


panuto kaugnay sa sadyang gawain

Pakikinig para sa paghinuha ng natatanging


impormasyon
Pakikinig upang matukoy ang pagkakaiba

Pakikinig upang mahinuha ang mga


paguugali, at upinyon para sa pahaya o
textong napakinggan

Pakikinig upang mailahad ang detalye ng


paghahambing sa pakikipagtalo at
pagpapahayag

Pakikinig upang makilala ang mahahalagang


kaisipan

Pakikinig upang makapagbalangkas ng mga


katanungan at matamo ang tamang sagot sa
mga tanong
AND MGA URI NG PAKIKINIG
AYON SA LAYUNIN:
Bawat tagapakinig ay may kani-kaniyang layunin sa
gawang pakikinig at ito’y ang mga sumusunod:

1. KASWAL
Pampakondisyon lamang o kaya’y pampalipas oras na
nakagawiang pakikinig.

Halimbawa’y nagiisa’t nakasanayan nang may naririnig


habang may ibang ginagawa, o sadyang walang
magawa at ito ang buntunan. Hindi seryoso ang
ganitong pakikinig kaya walang layunin, tuloy, wala ring
matandaan sa napakinggan.
2. Imformal
Karaniwan na ang ganitong uri ng
pakikinig sa mga estudyante na tipong
napilitan lamang dahil may dapat
isagawang rekisito ng isang kurso.

Mangyari pa, may layunin pero


pahapyaw lamang tuparin, basta makakuha
ng konting imformasyon lamang tungkol sa
itinakdang gawain.
3. Kritikal

Kaakibat ng uring ito ang pagiging


analitikal, ebalwativ at apresyativ. Masinsin ang
level ng pagsusuri, tinitingnan lahat ng anggulo,
ang pagkakatulad at pagkakaiba, gayundin ang
reaksyon dito’t paghusga, sa gayon, mabigyan
ng obhektibong pagpapahalaga.
Ang mga Katangian ng Kritikal
na Pakikinig:
Ang kritikal o mapanuring pakikinig ay may layuning
tayahin ang mga bagay na naririnig mula sa ispiker.
Kinakailangan sa kritikal na pakikinig ang pang-unawa
at pagsusuri sa mensaheng narinig. Ang mga
sumusunod na kundisyon ang nagpapatunay sa may
mapanuring pakikinig.

1. May kakayahang maipakita ang lohikal na


kaugnayan ng may detalye sa mga pangunahing
ideya na bumubuo sa paksang tinatalakay;
2. May kakayahang magbigay ng tumpak na hinuha
(hypothesis);
3. May kaka yahang tung kulin ang mga mahahalaga at
hindi mahahalagang detalye;
1. May kakayahang ihiwalay ang katotohanan sa
pawang opinion lamang :
2. May kakayahang hatulan o husgahan ang
relayabiliti o katunayan ng informasyong
ipinrisinta ng ispiker;
3. May kakayahang magpasya kung may
kabuluhan ang mensaheng nais ipabatid ng
ispiker, at
4. May kakayahang magpahalaga sa katotohanang
nakapaloob sa mensahe ng ispiker.
Samakatuwid, ang kritikal na pakikinig ay nangangailangan
ng mas mataas na antas ng pagunawa. Nangangahulugan
ito ng kakayahang magisip nang mapanuri(critical thinking)
– sa katunayan, hindi natin masasabi na mayroon tayong
mapanuring pakikinig kung wala tayong kakayahang
magisip ng mapanuri.
Mga Pamamaraan sa Mabisang
Pakikinig:
1. Maging handa sa pakikinig
2. Sikaping magkaroon ng kawilihan
3. Bigyang pansin ang pagitan ng pagsasalita at
pakikinig
4. Kilalanin ang mahahalagang puntos
5. Iwasan ang maagang pagpuna sa
tagapagsalita
6. Iwasan ang maagang pagpuna sa mensahe
7. Sikaping huwag pansinin ang mga bagay na
makagagambala sa pakikinig
MGA KABUTIHANG MAIDUDULOT
NG AKTIBONG PAKIKINIG
Makinig at pahalagahan ang sinasabi ng kapwa upang
mapaamo ang matigas na damdamin
Madaling maunawaan ang posisyon ng iba kung mataimtim
na makikinig sa kanya
Maiiwasan ang mga negatibong pagpuna kung ginagamit
ang pakikinig sa wastong paraan
Mawawala ang puwang ng di-pagkakaunawaan o di-
pagkakasunduan kung nakikinig sa bawat nagsasalita
Madaling matulungan ang kapwa sa pamamagitan ng
pakikinig
Matutuklasan ang mgakainaan ng bawat isa tungo sa
pagbabago sapagkat masususri at maaanalisa ang mga
kahinaan sa pamamagitan ng masusing pakikinig
Eager Beaver

Siya ang tagapakinig na ngiti


nang ngiti o tangu nang tango
habang may nagsasalita sa kanyang
harapan, ngunit kung naiintindihan
niya ang kanyang naririnig ay isang
malaking tanong.
Sleeper

Siya ang tipo ng tagapakinig na


nauupo sa isang tahimik na sulok ng
silid. Wala siyang tunay na
intensyong makinig.
Tiger

Siya ang tagapakinig na laging


handang magbigay ng reaksyon sa
anumang sasabihin ng tagapagsalita
upang sa bawat pagkakamali ay
parang tigre siyang susugod at
mananagpang
Bewildered

Siya ang tagapakinig na kahit na


anong pilit ay walang maiintindihan
sa naririnig. Kapansin-pansin ang
pagkunot ng kanyang noo,
pagsimangot at anyong pagtataka o
pagtatanong ang kawalan niya ng
malay sa kanyang mga naririnig.
Frowner
Siya ang tipo ng tagapakinig na
wari bang lagi na lang may tanong at
pagdududa. Makikita sa kanyang
mukha ang pagiging aktibo, ngunit
ang totoo, hindi lubos ang kanyang
pakikinig kundi isang pagkukunwari
lamang sapagkat ang hinihintay
lamang niya ay ang oportunidad na
makapagtanong para makapag-
paimpres.
Relaxed
Isa siyang problema sa isang
nagsasalita. Paano’y kitang-kita sa
kanya ang kawalan ng interes sa
pakikinig. Itinutuon ang kanyang
atensyon sa ibang bagay at walang
makitang iba pang reaksyon mula sa
kanya, positibo man o negatibo.
Busy Bee
Isa siya sa pinakaaayawang
tagapakinig sa anumang pangkat,
hindi lamang siya nakikinig, abala rin
siya sa ibang gawain tulad ng
pagsusulat, pakikipagtsismisan sa
katabi, pagsusuklay, o anumang
gawaing walang kaugnayan sa
pakikinig.
Two-eared Listener
Siya ang pinakaepektibong
tagapakinig, nakikinig siya gamit
hindi lamang ang kanyang tainga
kundi maging ang kanyang utak.
Lubos ang partisipasyon niya sa
gawain ng pakikinig. Makikita sa
kanyang mukha ang kawilihan sa
pakikinig.
MGA MALING PANINIWALA SA
PAKIKINIG
Ang pakikinig daw ang pinakamadali
sa apat na makrong kasanayan
Ang mga marurunog lamang daw
ang mahuhusay makinig
Hindi na raw kailangang pagplanuhan
ang pakikinig

You might also like