MARCH 12, 2013

NR # 3041

“Pnoy, ‘wag mo pabayaan ang PINOY”!
Hiniling ni Rep. Luzviminda Ilagan (Party-list, Gabriela) kay Pangulong Noynoy Aquino na ituloy ang proseso ng pakikipag-usap sa bansang Malaysia para maprotektahan ang mga Filipino na biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa Sabah, Malaysia. Mariing sinabi ni Ilagan dapat gawin lahat ni Pangulong Aquino ang mga posibleng paraan para kumbinsihin ang Malaysia na igalang ang alok ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III na unilateral ceasefire at ang apila ng United Nation para tapusin ang pagdanak ng dugo at matiyak ang karapatan at kalagayan ng mga Filipino naipit sa gulo sa Sabah. “Ang proteksyon ng mga kapatid nating Filipino ang dapat asikasuhin ni Pangulong Aquino. Kailangan gawin lahat ng gobyerno ang lahat ng posibilidad dahil kung hindi, parang pinapayagan natin na lalong apihin at abusuhin ng Malaysia ang mga Filipino sa Sabah,” sabi ni Ilagan. (30) eg

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful