Mga Nene sa Lungsod ng Tarlac: Pag-aaral at pagsusuri sa mga Epekto ng Teenage Pregnacy

Isang Pamanahong papel na Inaharap Kay Bb. Juvy Galamay sa Kagawaran Ng Kolehiyo Ng “Arts & Social Science” Tarlac State University Tarlac City

Bilang Bahagi ng Pangangailangan Sa Pagbasa At Pagsulat Tungo Sa Pananaliksik

Ipinasa Nina: Cortez,Christian Renz A. Tabaquero, Oliver John S. Velasquez Jr.,Marciano M.

Taong 2013
1|Page

Talaan Ng Nilalaman Pahina Pahinang Titulo Talaan Ng Nilalaman Kabanata I: Ang Suliranin Kaligiran ng Suliranin Paglalahad ng Suliranin Kahalagahan Ng Pag-aaral Saklaw At Limitasyon Katuturan ng mga Katawagang Ginamit Kabanata II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Kaugnay na pag-aaral at literatura Paradigma ng Pag-aaral Kabanata III: Pamamaraan Disenyo ng pananaliksik Pagkukunan ng Datos Instrumento Paraan ng Pangangalap Tritment ng mga Datos Pagtatalakay ng mga Datos Bibliograpi Appendix Tala Ukol sa mga Mananaliksik 1 2 3 4 5 6 7 8 11 12 18 19 20 20 20 20 21 22 27 30 32

2|Page

Kabanata I: Kaligiran Ng Suliranin

3|Page

Ito rin ay isang gawain na dapat ay ginagawa lamang ng dalawang taong natamo ang sacramento ng kasal. Sa realidad. ibinabalandra sa mga malalaswang babasahin.Ipinakita sa mga telerseyeng ito na kung gaanong kahirap ang kanilang buhay ng pasukin nila ito.Ayon naman sa bibliya. karamihan sa mga kababaihan ay inaabandona matapos mapagsawaan.ginamit ang salitang nakilala. ang mga kababaihan ay dinadala sa mga mumurahing hotel. at nininerbiyos na naghihintay sa kanilang “prince charming” na magbibigay sa kanila ng higit pa sa unang halik sa mga marurumi at tagong iskinita.Ngunit kadalasan ay ginagawa pa rin ito ng mga kabataan dahil sa maling kaalaman sa pakikipagtalik.Kabanata I Kaligiran Ng Suliranin Panimula: Ang makakilala ng isang prinsipe na magdadala sa isang paraisong malayo sa kaguluhan at problema at magmamahal ng tapat ay pangarap ng maraming kababaihan.Dala ng tukso at usig ng damdamin.Ito rin ang paraan ng pagmamahalan ng mag-asawa lamang.nagkaroon ng anak at naging ama sa murang edad.Marami sa kabataan na ang pag-aasawa ay madaling yugto ng buhay. Ayon sa biolohikal na kahulugan.Di alintana na ang pakikipaglik. ang pakikipagtalik ay isang paraan ng isang lalaki at babae upang makabuo ng isang supling sa pamamagitan ng kanilang maseselang bahagi ng katawan.Si Nene naman na mula sa teleseryeng Katorse. Ngunit hindi ito nangyayari sa realidad.Hindi ito dapat ginagawa ng minor de edad.Nabuntis at naging magulang sa kanyang kabataan. Isa na rin sa dahilan kung kaya gumagawa ng palabas ng may temang maagang nabuntis o maagang nakabuntis tulad na lamang ang palabas na "Anghelito" ay isang karakter na nakilala natin. hindi nila alam na dadaan sila sa mga mahihirap na pangyayari at hindi madaling takasan sbe nga ng matatanda “Ang pag-aasawa ay hindi kanin na kapag isinubo na pag napaso ay iluluwa.ay ganun din ang sinapit. kung kaya ito ay isang sagradong gawain. nag-iisa sa pagharap sa marahas na buhay at kadalasan ay buntis.gayon din sa babae sa kanyang esposo.kung kaya't ang pagtatalik ay pagkilala ng lalaki sa kanyang asawa.” Tunay ngang hindi madaling yugto ang papasukin ng kabataan kapag sila’y nagkaanak na o nakabuntis 4|Page . Sa halip.

6% ng boluntaryong aborsyon. Jean Marc Olive. Dahil dito. kinatawan ng WHO sa Pilipinas.. Ang mga kabataang ito ay sumusuong sa pakikipagtalik na walang ideya sa maaaring epekto nito tulad ng “teenage pregnancy” at pagkakaroon ng ”sexually transmitted diseases. Raymundo. Ayon kay Dr. naniniwala ako na ang pagtalakay sa usaping sekswal ay isa pa ring mabisang paraan upang ang kabataan ay maging responsable sa kanilang mga gawa. Ang mga nasabing epekto ng “teenage pregnancy” ay hahatiin sa aspekto ng: 5|Page . Ayon rin sa pagaaral ni Dr. napakahirap talakayin ang mga usapin sa sekswalidad dahil ang mga Pilipino ay mga konserbatibong tao. “Dito sa Pilipinas. Ang mga impormasyong makakalap ay gagamitin para makabuo ng mga kongkretong impormasyon para maging aral na magmumulat sa mga mata ng kabataan sa mga hindi magagandang resulta ng sobrang kapusukan at pakikipagtalik ng walang basbas ng kasal. ang mga batang ina ay bumubuo sa 30% ng lahat ng pagbubuntis. ayon sa 1995 census. 74% ang hindi gumagamit ng kahit anong kontraseptib. Ayon naman sa World Heath Organization. Ang isyu ng “teenage pregnancy” ay laganap na sa iba’t-ibang bansa sa buong mundo.ng maaga dahil kailangan nilang kumayod upang ipangbuhay sa kanilang pamilyang binuo ng maaga. Corazon M. Ayon rin sa POPCOM. 17% ng mga kaso ng hinimuk na aborsyon (induced abortion).000 kababaihan na may edad 15-24 ang aktibo sa sex o pakikipagtalik. 20% ng maagang pakikipagtalik ay nangyayari sa hayskul. karamihan sa mga kabataan ay may sarili ng mga anak. sa mga kabataang aktibo sa sex. mga 1. 21% ng mga Pilipinong kababaihan ang nabubuntis ng wala pang 19 anyos.8 milyong kalalakihan at 670. Sa Pilipinas. Kasalukuyan tayong nahaharap sa napakasakit na katotohanan na sa napakabatang edad.” Sa katunayan. 12% ng normal na panganganak. Samakatuwid.” Paglalahad ng Suliranin: Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na makakalap ng impormasyon ukol sa mga epekto ng “teenage pregnancy” sa mga kabataan na may edad 16-19 sa Lungsod ng Tarlac. nagkakaroon ng misinterpretasyon tungkol sa sekswalidad.

Makapagbibigay ito ng mga ideya kung paano nila papangaralan at didisiplinahin ang kanilang mga anak sa paraang hindi ito magrerebelde at gagawa ng mga di kanais-nais na mga bagay at may mabibigat na kahihinatnan. Ang pananaliksik na ito ay maaaring makatulong sa mga magulang sa pagdisiplina ng kanilang mga anak. ang mga researcher ay makakalap ng impormasyon na makakatulong sa kanila sa kung papaano makaiiwas sa mga hindi magagandang epekto ng maagang pagbubuntis. Kinabukasan 4.”  Sa kabataan. Sa tulong ng mga impormasyon ay maaaring makabuo ang mga mananaliksik ng realisasyon o aral na maaari nilang ipamahagi sa iba upang mabawasan. kundi man mapigilan. 2.  Sa mga magulang. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito.1. Kalusugan KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL  Sa mga researcher. Makakatulong rin ito sa pagsasakatuparan ng mga mananaliksik sa kanilang panlipunang tungkulin na tumulong sa kapwa. 6|Page . Pag-aaral Kalagayang sosyal 3. ang paglaganap ng “teenage pregnancy. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa pagmulat sa mata ng kabataan ukol sa masasamang epekto ng sobrang kapusukan at ng pakikipagtalik ng walang basbas ng kasal.

mananaliksik at iba pang manunuri sa kasalukuyan at susunod na panahon.  Sa DOH at WHO.manunulat.” Ang mga datos na makokolekta ay maaaring magmulat sa kamalayan ng karamihan ukol sa maagang pagbubuntis at sa samu’t-saring epekto nito na kadalasan ay nakasasama.  Tunay at malaki ang paniniwala ng mananaliksik ng thesis na ito na makakaambag at maiimulat ang mga isipan ng mga kabataang makakabasa ng pirasong papel na ito at makakatulong sa mga magaaral. kundi man matigil na ang pagdami ng kaso ng maagang pagbubuntis. ang aral ng simbahan ukol sa maagang pakikipagtalik na siyang sanhi ng “teenage pregnancy” at ang aborsyon. Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paghahanap ng epekto ng “teenage pregnancy” sa mga kabataan gulang 16 – 19 na kung saan deskriptibong pamamaraan ang gagamitin para makakuha ng mga impormasyon. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito. 7|Page . Sa tulong din nito. Makakatulong ang aming pag-aaral sa kampanya ng Department of Health at World Health Organization sa STD at AIDS na ilan lamang sa maaaring maging di kanais-nais na epekto ng maagang pakikipagtalik. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa pamahalaan sa pagkontrol ng populasyon sa pamamagitan ng pagliit sa insidente ng “teenage pregnancy. mapapalaganap lalo ang layunin ng simbahan na mabawasan. Sa simbahan. ay lalong mapapalaganap sa mga kabataan. SAKLAW AT LIMITASYON: Ang pag-aaral ay gagawin sa Tarlac na kung saan doon naninirahan ang aming mapapagtanungan. na maaaring maging solusyon ng mga batang ina sa kanilang problema.  Sa komunidad at pamahalaan.guro.

8. Teenage Pregnancy – ang pagbubuntis ng mga babae na wala pa sa tamang gulang. mas lumawak pa ang kanilang talasalitaan atupang mas maging pamilyar pa sila dito. Social Stigma – ang tawag sa pagkakaroon ng tatak ng “kahihiyan sa lipunan. 3.Katuturan ng mga Katawagang Ginamit Ang bawat termino na mababanggit ay mapapaloob sa aming sulatingpananaliksik. 5. 7. 2.” 8|Page . 1. Nanggaling ang mga salita sa mgadiksyunaryo. POPCOM (Population Commission) – isang ahensya ng gobyeno na namamahala at tumutulong sa pagbuo ng mga patakarang may kinalaman sa populasyon. Maternal – hinggil sa ina o paggiging ina. Ang mga terminong ito ay makakatulong sa mambabasa upangmaunawaan nila ang tungkol dito. WHO (World Health Organization) – isang ahensya ng Nagkakaisang Bansa (UN) na tumutulong sa pagpapabuti sa kalagayan ng kalusugan 6. STD (sexually transmitted disease) – mga sakit na napapasa sa isang tao patungo sa isa pang tao sa paraan ng pakikipagtalik. internet. HIV (Human Immunodeficiency Virus) . 4.Ang HIV ay ang virus na siyang nagdudulot ng sakit na AIDS o Acquired Immunodeficiency Syndrome na nakukuha sa hindi-ligtas na pakikipagtalik. atbp. Abortion – pagpapalaglag sa buhay na nasa sinapupunan.

para sa mga mag-asawa lalo na ang mahihirap. Menarche – unang buwanang dalaw ng isang babae. Nutritional deficiency – kakulangan ng karampatang kalusugan ng isang tao.9. 11.tumutukoy sa pangkalahatang kalusugang pisikal.Ipag-uutos nitong magtakda ang estado ng pangkalahatang pondo upang maipatupad ang isang pambansang programang pangreporduktibo. ligtas. epektibo at abot-kaya. na may kinalaman sa reproductive system. Kabilang dito ang kakayahang makagamit ng mga kontraseptibo na makatutulong sa pag-aagwat ng mga anak. 12. tanging ang 9|Page . Nakapaloob dito ang karapatan ng mga tao na magkaroon ng kaalaman at kakayahang mamili ng nais nilang paraan ng pagpaplano ng pamilya na naaayon sa batas.House Law 4244 o kilala rin A Comprehensive Policy on Responsible Parenthood. paraan at proseso nito. Maternal Mortality Rate – ang bilang ng mga batang naipapanganak sa isang araw. and Population and Development. epektibo. 14. kabilang ang family planning o pagpaplano ng pamilya. Reproductive Health (RH) . Sinisiguro rin nito ang mga serbisyong pangalusugan na magsisiguro sa ligtas na pagbubuntis at panganganak ng mga kababaihan. RH Law (Reproductive Health Law) . 10. 13. isang panukalang batas sa Kongreso na naglalayong magbigay ng serbisyong pangreproduktibo para sa lahat. at abot-kaya. Reproductive Health. Nais din ng panukalang batas na bigyan ang mga mag-asawa ng angkop na impormasyon ukol sa mga paraan ng pagpaplano ng pamilya na ligtas. and for other purposes. pangkaisipan at panlipunan. Sa ngayon. Gender role – bahaging ginagampanan o ang papel ng kasarian sa isang tao.

mga may pambili ng kontraseptibo lamang ang epektibong nakapagpaplano ng kanilang pamilya. 10 | P a g e .

Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura 11 | P a g e .

ang average na edad ng menarche ay patuloy na bumababa. ang “teenage pregnancy” ay nagdadala ng “social stigma” o ang kahihiyan sa lipunan sa karamihan ng mga komunidad at kultura. na nabubuntis. Sa Britanya naman. may legal na depenasyon kung saan ang isang babae ay sinasabing “maagang nagbubuntis” kung siya ay nabuntis bago sumapit ang kanyang ika-labinwalong kaarawan.5 taong gulang. nagawa niyang alamin ang mga impormasyon na sumusuporta sa “teenage pregnancy” bilang isang isyung sosyal sa mga mayayamang bansa. Ayon pa rin sa Wikipedia. ang average na edad ng “menarche” (unang buwanang dalaw/regla) sa Estados Unidos ay 12. Sa ibang mga bansa at kultura. At kahit na ang maagang pagkakaroon ng kakayahan na manganak ng isang babae ay isang dahilan ng maagang pagbubuntis. at ang unang obyulasyon ay nanatiling hindi regular hanggang ilang buwan matapos ang “menarche. Sa mga dahilang ito. sa araw-araw na pananalita ay nagpapatungkol sa isang babae na wala pa sa legal na edad. Ito ay ang mga sumusunod: mababang lebel ng pinag-aralan.” Sa kasalukuyan. Samantala. Sa isang pananaliksik ni Robertson et al. at ang hirap ng buhay ng mga anak ng mga dalagang ina. Ang terminolohiyang ito. nagkaroon ng mga pag. kahirapan. hindi pa rin dapat isawalang bahala ang iba pang mga salik na umaambag sa pagbubuntis ng isang dalaga.Kabanata II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Ayon sa Wikipedia Encyclopedia. ang teenage pregnancy sa Estados Unidos ay nangangahulugan na ang isang batang babae ay nagdadalang tao. Kadalasan sa mga mayayamang bansa. na nagkaka-iba-iba sa iba’t-ibang parte ng mundo. ang 12 | P a g e . partikular sa mga hindi pa gaanong masaganang mga bansa.aaral at kampanya na naglalayong alamin ang mga dahilan at limitahan ang numero ng maagang pagbubuntis. pero ito ay nag iiba-iba parin ayon sa etnisidad at timbang ng isang babae.

sinabi na ang maagang pag-aasawa at ang mga tradisyunal na “gender roles” o ang bahaging ginagampanan ng kasarian sa isang tao ay kabilang sa mga importanteng salik na nakakaapekto sa dami ng mga babaeng maagang nagbubuntis. Ayon kay Leonard Sax.” May isang pag-aaral na ginawa ng Kaiser Family Foundation. at 24% ang “gumawa ng gawain na sekswal na hindi naman nila talaga gustong gawin”. 33% ng mga kabataang aktibo sa aspetong sekswal ang nagsabing sila ay “nasa isang relasyon na kung saan sila at ang kanyang karelasyon ay gumagawa ng mga sekswal na gawain”. at kadalasang nagpapakonsulta lamang sa mga huling buwan na ng pagbubuntis. ang mga kadalagahan ay kadalasang lasing bago gumawa ng sekswal na aktibidad dahil ito ay “nakakatanggal ng hiya at sakit. Ayon pa rin sa naturang pag-aaral. Ang Guttmacher Institute ay nagbigay ng ulat na 1/3 13 | P a g e .aasawa. Mayroong mga pananaliksik na nagsasabing ang mga dalaga na nagdadalang-tao ay karamihang hindi nakakatanggap ng “prenatal care” o ang karampatang pagaalaga bago manganak. Ang pag-inom ng alkohol at ang paggamit ng ilang mga ipinagbabawal na gamot na nakakabawas sa mga inhibisyon ng isang tao ay isa marahil sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga hindi pinagplanuhang sekswal na gawain. gumawa sila ng sarbey tungkol sa sekswal na gawain ng mga kabataan na kung saan 29% ng mga teenager ang nagsabing nahihikayat sila na makipagtalik.teenage pregnancy ay saklaw ng kasal at hindi nagdadala ng “social stigma.” Ayon sa American Academy of Family Physicians and Obstetricians. Ang pandaigdigang insidente ng hindi napapanahong pagsilang ay mas mataas sa mga dalagang ina. ang maagang pagkakaroon ng karanasang sekswal at ang kakulangan sa paggamit ng mga kontraseptib ang mga dahilan. isang doctor at manunulat tungkol sa sekswalidad. ang “maternal” at “prenatal” na kalusugan ay nararapat na pagtuunan ng pansin lalo na sa mga dalagang nagdadalang-tao. At sa mga sociedad na hindi karaniwan ang maagang pag.

kasali na ang mga ginagawang pagpapapayat sa pamamagitan ng pagdidyeta. Marami sa mga nagbubuntis na dalaga ay mas may posibilidad na makaranas ng mga “nutritional deficiencies” o kakulangan sa kalusugan dahil sa pagkain ng hindi sapat o hindi masusustansyang mga pagkain na karaniwan sa mga kabataang ito.000 mga dalaga sa mga hindi gaanong masaganang mga bansa kada taon. ang maging dalagang ina sa isang industriyalisadong bansa ay isang disadvantage dahil ito ay maaring makaapekto sa pag-aaral. Ang World Health Organization (WHO) ay nagsabing tinatayang doble ang tsansa ng pagkamatay dahil sa pagbubuntis sa mga babaeng edad 15-19 kumpara sa mga babaeng edad 20-24. Ang “maternal mortality rate” na ito ay tinatayang mas mataas ng limang beses sa mga babae edad 10-14 kumpara sa mga edad 20 pataas. Ang mga dalagang ina ay may mas malaking tsansa ng paghinto sa pag-aaral. Gayon paman.ng mga nagbubuntis na dalaga ay hindi sapat ang tinatanggap na “prenatal care” at ang kanilang mga anak ay ang madalas na dumaranas ng iba’t ibang mga sakit. Ang hindi sapat na nutrisyon habang nagdadalang tao ay isa pang mas malaking problema sa mga nagbubuntis na kabataan sa mga hindi gaanong masaganang mga bansa. napag. at iba pa. Ayon pa rin sa WHO. kumpara sa mga anak ng mga mas nakatatandang mga ina. lalo na sa hayskul. hindi pagkain sa tamang oras. Isang pag-aaral noong 2001 ang nagsabing ang kababaihan na nagsilang ng sanggol sa kanilang kabataan ay nakapagtapos ng pag-aaral sa sekondarya 10-12% ay kadalasang nagpupursige ng post-secondary na edukasyon 14-29% mas kadalasan sa mga babaeng naghintay magbuntis hanggang sa edad na 30.alaman sa ilang mga pag-aaral na itong mga batang ina ay tumigil na sa pag-aaral bago pa man sila mabuntis. Sa 14 | P a g e . Ang mga batang ina ay maari ring makaranas ng paglayo sa sarili (alienation) mula sa kanilang mga kaibigan at pamilya. Ang mga komplikasyon sa pagbubuntis ay nagreresulta sa pagkamatay ng estimadong 70. at ang mga nag-aaral at nabuntis ay hindi rin malayo ang tsansa na makapagtapos tulad ng kanilang mga kaibigan.

Ang kalungkutan at problemang pinansyal ay maaring magdulot sa isang batang ina na masangkot sa hindi kaaya-ayang mga relasyon. ang iba naman ay hindi nakakapagtapos ng sekondarya. mayroon din itong masasamang epekto sa sanggol. Marami sa kanila ay tipikal lamang. Sa kasamaang palad. Kung ang maagang pagbubuntis ay mayroong masasamang epekto sa nagdadalang tao.aaral ang nagmungkahi na ito ay dahil sa kadahilanang ang mga batang ina ay paminsan. pagngiti. ang maagang pagbubuntis ay may kaakibat na “social stigma”. Ang mga negatibong pananaw (negative attitudes) na ito tungkol sa pagiging batang ina ay nagdudulot ng pagbaba ng tingin ng isang babae sa kanyang sarili. 60% ng mga batang ina ay wala nang lalakeng kapares sa oras na isilang nila ang kanilang anak. mayroon ding mga bumabalik sa antas na hindi nila naipasa. Ayon sa Kaiser Family Foundation. pakikipagusap. ang masamang epekto ng pagiging batang ina ay makikita o mapapansin sa paglaki ng sanggol. 15 | P a g e . Ang kahihiyang ito ay maaring makaapekto sa pakiramdam o tingin ng isang batang ina tungkol sa kanyang mga kakayahan sa pagiging ina. at pati na rin sa kanyang pagkatao. Sa katunayan. Ang mga anak na lalaki naman ng isang batang ina ay kadalasang nagiging basagulero at sa ibang sitwasyon ay nakukulong pa. at marami din ang nakakakuha ng mababang mga marka sa mga pagsusulit. at ang pagiging maselan sa pagkilala ng nga pangangailangan ng kanyang sanggol. Ang mga anak na babae ng mga batang ina ay malaki ang posibilidad na maging batang ina rin sa kanyang paglaki. Ang pagkakaroon ng kapansanan sa paglaki na maaaring sa pagiisip at mga kaibahan sa pagu-ugali ay mas mataas sa mga batang isinilang ng mga batang ina. Isang pag.minsan lamang ginigising ang pakiramdam (iniistimulate) ng kanilang mga sanggol sa pamamagitan ng paghawak. ang pagbubuntis ay maaaring magdulot ng mga problema sa isang batang relasyon.karagdagan. Nakita sa karamihan ng mga anak ng mga batang ina ang hindi gaanong magandang pagganap sa paaralan.

16 | P a g e . Impluwensya sa Pamilya. Kakulangan katawan. Karamihan sa mga kababaihang nabubuntis ng maaga ay galing din sa mga inang nanganak sa kanilang kabataan. Sa kasalukuyan. ang teenage pregnancy ay patuloy na tumataas at patuloy na nangangailangang pagtuunan ng pansin. Mababang Pag-ganap sa Paaralan. sa kaalaman ng Reproduksyon ng ating Hindi pagkakaintindihan. Ang “teenage pregnancy” ay iniuugnay sa mababang edukasyon ng mga magulang. maling palagay at kakulangan sa kaalaman ng kapaligiran ay may ginagampanang importanteng bahagi sa “teenage pregnancy. Ang mga nagbubuntis ng maaga ay mas maselan sa mga kundisyon tulad ng pagkamatay dahil sa pagbubuntis. lalo pa ring tumataas ang bilang ng mga batang babae na nagiging ina at karamihan sa kanila ay hindi pa kasal. Ilan sa mga dahilan ng pagkakaroon ng karanasang sekswal ng mga kababaihan ayon kay Bempechat ay: Pananaw sa Kinabukasan. Ang mga kabataan na nawawalan ng pag-asa sa kanilang kinabukasan ay mas madalas na nabubuntis ng maaga kaysa sa mga kabataang naniniwala sa kanilang mga pangarap at ambisyon sa buhay.Sa Pilipinas. Mayroong malaking kaugnayan ang mababang pag-ganap sa pagaaral sa pagkakaroon ng karanasang sekswal at pagbubuntis ng maaga.” Ang mga paniniwalang ang unang paggawa ng sekswal na gawain ay hindi nagdudulot ng pagkabuntis ay lumalaganap. at karamihan sa kanila ay sadyang hindi pa handa na harapin ang mga hamon ng pagiging isang ina.

pagkawala sa tamang pag-iisip. Samakatwid. Dahil dito. ang mayorya ay hindi pa rin kasal 83. napakahirap talakayin ang mga usapin sa sekswalidad dahil ang mga Pilipino ay mga konserbatibong tao. Dito sa kabataang populasyon na ito. Jean Marc Olive. ang teenage pregnancy ay isang rason ng pag-aalala dahil sa espesyal na role na ginagampanan ng mga kabataang babae sa sociedad. Tayo ngayon ay nahaharap sa nakakasilaw na katotohanan na sa napakamurang edad. Ang mga sanggol na naipanganak sa mga inang nabuntis ng maaga ay kadalasang mas mababa ang timbang at kadalasang namamatay sa kanilang unang taon ng pagkabuhay kung ihahambing sa mga sanggol na isinilang sa mga inang nasa sapat na gulang na. atbp. Ang mga pangyayaring ito ay nagpapahiwatig na hindi sapat ang mga impormasyong ibinibigay sa publiko na napapatungkol sa teenage pregnancy at hindi sapat ang ibinibigay na kahalagahan sa kalusugan ng mga nagbubuntis at mga ina. Masakit isipin. mababang timbang. Ayon sa National Demographic and Survey (2003).6% ang hindi magkasama. marami sa mga batang babae ngayon ay mayroon nang mga anak. Ayon kay Dr. at karamihan sa kanila ay sadyang hindi pa handa na harapin ang mga hamon ng pagiging isang ina.1% ay naglilive-in kasama ng kanilang mga kapares at 2. representatib ng WHO sa Pilipinas. habang apat sa sampung babae 20-24 taong gulang ay nagkaroon na ng karanasang sekswal. “Dito sa Pilipinas.Ang mga nagbubuntis ng maaga ay mas maselan sa mga kundisyong tulad ng pagkamatay dahil sa pagbubuntis. Higit sa numero. nagkakaroon ng misinterpretasyon 17 | P a g e . ang mga masasmang epekto ay patuloy na dumarami at patuloy na lumalala. isa sa apat na mga babae ay nagiging ina sa edad na 19. Ang dami o rate ng pagbubuntis ay tumataas mula 25% hanggang 50% sa panahong ang mga babae ay edad 20-24. pero ang karamihan sa mga kabataan ngayon ay hindi alam ang gagawin kung sila ay napupunta sa mga sitwasyong tulad nito. Ilan sa mga kumplikasyong maaaring makuha ng ina at ng sanggol ay malnutrisyon.

18 | P a g e . ipinapakita ng figura I ang mga posibleng epekto ng maagang pagbubuntis (“teenage pregnancy”) sa mga kabataang pumasok sa nabanggit na suliranin ng ating bansa.tungkol sa sekswalidad. naniniwala ako na ang pagtatalakay sa usaping sekswal ay isa pa ring mabisang paraan upang ang kabataan ay maging responsable sa kanilang mga gawa. Samakatwid.” Paradim ng Pag-aaral Teenage Pregnancy Tarlac Sa Kabataan (Mga Nene) Pag-aaral Kalagayang Sosyal Nakapag-aral pa rin Kinabukasan Kalugusan Komplikasyon Sa Ina Sanggol (bata) Pamilya Tumigil Na Kaibigan Sa Simbahan Sa Sanggol(bata) Ama At Ina Sa Lipunan Sa pananaliksik na ito.

Kabanata III: Pamamaraan 19 | P a g e .

Respondente Ang naturang sarbey at ipamahagi sa 20 na mga tagatugon na kinabibilangan ng mga sumusunod na pamantayan: a. Kinalap ang 20 | P a g e . Paraan ng pangangalap ng Datos Ang pamamaraan ng pangangalap ng datos ay nagsisimula sa paggawang talatanungan at sinundan ng pag-e-edit sa instrumento para maiwasto ang kaayusan ng mga tanong at upang matiyak ang kaangkupanng mga tanong sa mga problemang nais lutasin ng mga mananaliksik. Sila ay pasasagutin sa kwestyuner at pagkatapos ay magkakaroon ng pakikipanayam tungkol sa kanilang buhay-ina.) Mga kababaihan sa Lungsod ng Tarlac b. Personal napinamamahalaan ng mga mananaliksik ang pagbibigay ng mga talatanungan sabawat kalahok at ibinigay ang tamang panuto sa pagsagot upang makuha ang nararapat na tugon. Ang pamamaraang ito ng pagsagot ng mga katanungan ay naglalayong sagutin ang mga tanong tungkol sa mga kaganapan na nangyayari sa kasalukuyan at mga kasalukuyang kondisyon.Kabanata III Pamamaraan Disenyo ng pananaliksik Descriptive-status ang disenyong gagamitin sa pag-aaral na ito. Instrumento Ang instrumentong gagamitin sa pagkuha ng mga kakailanganing datos sa pag-aaral ay isang sarbey kwestyuner. Ang paghingi ng pahintulot sa bawat kalahok ang sumunod.)Nagbuntis o nagkaanak sa edad na 15-19. Ang mga babae ay gagawing sabjek ng sarbey. Ito ay isang paraan ng kwantitatibong deskripsyon na kung saan inaalam ang mga umiiral na kondisyon sa grupo ng mga usaping pinili para sa pag-aaral.

n = kabuuang dami ng sagot 21 | P a g e . Ang mga ito ay itutuos sa pamamagitan ng mga sumusunod: A. Percentage %=f/n x 100 Kung saan: % = kainaman (percentage) f = dami ng mga sumagot sa tanong n = kabuuang bilang ng mga babae B. MEAN x= ∑ Kung saan: x= mean (katamtamang dami) ∑x= kabuuang dami mga babaeng sumagot sa particular na tanong.mga instrumento at inihambing ang mga sagotng bawat kalahok at binigyan ng kabuuan Tritment ng mga Datos Ang analisis at ang pagsalin sa mga datos para maging pamilang na impormasyon (numerical data) ay gagamit ng “percentage” at “mean” upang makuha ang ninanais na detalye.

Ang sumunod naman ay sa gulang 17 na may 25%.Pagtatalakay ng mga Datos Talaan I: Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Edad EDAD 15 16 17 18 19 Kabuuan 2 6 5 4 3 20 DALAS PORSYENTO % 10% 30% 25% 20% 15% 100% Ang Talaan 1 ay nagpapakita na kadalasan sa maagang pagbubuntis ay nasa edad 16 na siyang nakakuha ng pinakamalaking porsyento na 30. Samantalang ang pinakamaliit na porsyento ay sa edad na 15% at edad 15 na 10%. Tunay ngang ang maagang nabubuntis ay sadyang napapatigil sa kanilang pag-aaral sa kadahilanang mas gusto na lang nila 22 | P a g e . Pinapakita lang ng talaang nabanngit ay Talaan II: Distribusyon ng mga Respodente Ayon sa Pinakamataas na Antas ng Pag-aaral na Natapos Pinakamataas na antas ng pagaaral na natapos DALAS 13 7 0 20 PORSYENTO % 65% 35% O% 100% Gradweyt ng Elementarya Gradweyt ng Hayskul Gradweyt ng Kolehiyo Kabuuan Ang Talaan II ay ipinapakita ang kadalasan antas ng natatapos ng maagang pagbubuntis.Ang pinakamalaking porsyento ay nagtapos lamang sa Elementarya sa 65% at ang ikalawa ay Gradweyt ng Hayskul sa 35 % samantala nakakuha ng “0” porsyento na walang nagtapos sa antas ng kolehiyo.

Ikaw ba ay naiinspara para mag. Dumating ba sa isip mo na gusto mong ipalaglag ang bata? Dalas Oo Hindi 17 3 5 2 15 18 Porsyento Oo Hindi 85 15% % 25 75% % 10 90% % 10 % 0% 90% 2 18 0 20 100 % Ang Talaan III ay pinapakita ang kadalasang epekto ng maagang pagbubuntis sa pag-aaral .Kadalasang Umihinto ang mga kabataang maagang nagbubuntis na kung saan sa mga nagpagtanungan naming ay sumagot Oo sa bilang na 17 sa porsyentong 85% at sumagot ng Hindi sa bilang na 3 sa porsyentong 15% lamang.aaral habang nagbubuntis? 5. Kung ikaw ay nag-aaral pa.Walang o ni hindi man daw sumagi sa dalawampung kababaihan na ipalaglag ang kanilang nasa sinapupunan.Sa dalawang sumagot na nainspara na aming napagtanungan ay nakaranas ng diskriminasyon habang sila’y nag-aaral na may dalang tao at nahirapan din sila kanilang pag-aaral habang sila’y nagbubuntis. Talaan III: Epekto ng maagang Pagbubuntis sa Pag-aaral Mga Tanong 1. ikaw ba ay nakararanas ng diskriminasyon sa paaralan? 4. 23 | P a g e . Ikaw ba ay huminto sa iyong pag aaral? 2.manatili sa kanila bahay at hintayin lumabas ang kanilang nasa sinapupunan.Tunay ngang napakalaking problema ng “teenage pregnancy” na nagbibigay malaking epekto sa atin bansa. (18 ang nagsabing hindi sa porsyentong 90% samantala 2 lamang ang sumagot Oo sa porsyentong 10%) . Kung ikaw ay nag-aaral pa.Pinapakita din sa Taas na Hindi na sila nainspara para mag-aral habang sila’y nagbubuntis. ikaw ba ay nahihirapan sa iyong pag.aral? 3.

Nakaranas ka ba ng diskriminasyon sa lipunan? Hindi Oo Hindi 0 100% 0% 17 15% 85% 4 16 20% 80% 6 6 14 14 30% 30% 70% 70% Sa Talaan IV.Tatlo lamang ang sumagot na nagbago ang kanilang pamilya ng sila’s maagang nabuntis sa kadahilanang marami pang gusto matupad ang kanilang mga magulang sa kanila (sa porsyentong 15%) samantala labing pito ang sumagot sa poryentong 85% na aming napagtanungan ay hindi daw nagbago ang pagtingin na kanilang pamilya bagkus sila’y naging suportado na lang at sila’y tinutulungan pa .Sa dalampung taong aming napagtanungan 70% ang sumagot na hindi nawalan ang respeto ng ibang tao sa kanila at 30% ang sumagot Oo nawalan ng respeto ang ibang tao sa kanila.Ikaw ba ay masaya sa iyong kalagayan ngayon? 2.Talaan IV: Epekto ng Maagang Pagbubuntis sa Kalagayang Sosyal Mga tanong DALAS Oo 20 3 PORSYENTO % 1. Sa palagay mo.di naman lingid sa kaalaman na konserbatibong bansa tayo at sa dahilang 24 | P a g e . pinapakita ang kadalasang epekto ng maagang pagbubuntis sa aspetong social . Nagbago ba ang pagtingin sa iyo ng iyong pamilya pagkatapos mong mabuntis sa murang edad? 3.Pinapakita sa taas na naging masaya sila sa kalagayan ngayon sa kadahilanang manganak at makita ang kanilang anak ay napawi ang lahat ng hirap na kanilang nararanasan at nagkaroon ng kasiyahan. nawalan ba ng respeto ang ibang tao sa iyo? 5. Nagbago ba ang pagtingin sa iyo ng iyong mga kaibigan at kakilala pagkatapos mabuntis? 4.Labingpito sa porsyentong 80% ang sumagot na hindi daw nagbago ang kanilang na mga kaibigan samantala 20% lamang sumagot oo nagbago ang kanilang kaibigan .

May balak ka pa bang tuparin ang mga planong ito? 3.iyon marami ang nangmamata o nanglalait ng pagkatao kapag maagang nabuntis kaya sa mga napagtanungan naming ay 30% ang sumagot na nakaranas sila ng diskriminsyon sa lipunan kanilang ginagalawan.95% naman ang may planong makisama sa naging ama o partner sa pagpapalaki ng bata at 5% lamang ang sumagot na wala silang planong makisama sa kanilang partner.Una Lahat ng napagtanungan naming ay sumagot na Oo may mga plano sila nung dalaga pa sila na hindi ngayong nagbubuntis sila. May plano ba kayong magsama ng iyong partner sa pagpapalaki ng bata? DALAS Oo 20 PORSYENTO % Hindi Oo Hindi 0 100% 0% 14 17 20 6 3 0 70% 85% 30% 15% 100% 0% 19 1 95% 5% Ang Talaan V.Sa kanilang pagbubuntis 85% ang sumagot na mas mahirap daw ang kanilang buhay ngayon kaysa nung dalaga pa sila samantala 15 % LAMANG ang sumagot na hindi. Talaan V: Epekto ng Maagang Pagbubuntis sa Kinabukasan Mga tanong 1. Ikaw ba ay mayroong mga plano noong ikaw ay dalaga pa na hindi natupad dahil sa iyong pagbubuntis? 2. Mas mahirap ba ang buhay ngayon kumpara sa dati? 4. 25 | P a g e . May plano ka bang bigyan ng magandang kinabukasan ang iyong anak? 5.Sa dalampung kababaihan tinanung naming ay kung may balak pa ba silang tuparin ang mga planong iyon 70% ang sumagot Oo kung may pagkakataon samantala 30% na wala na silang balak.pinapakita ang kadalasan epekto sa mga kabataang maagang nagbubuntis sa kanilang kinabukasan. Sa lahat ng napagtanungan naming at sainyong nakikita sa talaan na may plano silang bigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang magiging anak.

Maayos ba ang iyong pagbubuntis? 2.75% ang nakaranas ng komplikasyon habang sila nagbubunti at 25% lamang hindi nakaranas ng komplikasyon. Matapos manganak. Pagkatapos manganak. 26 | P a g e . Pinapakita ang kadalasang epekto ng maagang pag-aasawa sa kanilang kalusugan. kumakain ka pa ba ng sapat? 3. Malusog ba ang bata ng naipanganak? 4.Sa lahat n gaming nagpagtanungan 100% ang sumagot na maayos ang kanilang pagbubuntis hangga’t ng sila’y nanganak. Kaya mo bang bigyan ng sapat na sustansya ang bata? Dalas Porsyento% Oo Hindi Oo Hindi 20 0 100% 0% 19 20 15 19 1 0 5 1 95% 5% 100% 0% 75% 95% 25% 5% Sa Talaan VI.95% ang nagsabi makakaya nilang bigyan ng sapat na sustansya ang bata samantala tanging 5 porsyento laman ang nagsabing hindi nila kayang bigyan. 100% naman ang ipinangak ang kanilang anak na malusog.Talaan 6: Epekto ng Maagang Pagbubuntis sa Kalusugan Mga Tanong 1.95% ang nagsabi na kumakain pa sila ng sapat at 5% ang nagsabing hindi na sila kumakain bukod sa pag-iisip na kanilang makakain ay isa pa nilang iniisip ay paggatas ng bata na kung saan sila’y kinakapos. nakaranas ka ba ng mga komplikasyon? 5.

Bibliograpi 27 | P a g e .

8.sunstar. 8. et al.uk/ahandforteenagemoms_h tml [*]American Academy of Physicians and Obstetricians. Abuse:Sources of Problem Teenage Pregnancy and mula Drug sa Behaviors. Mallo.htm nakuha [*]Eileen Donnelly.wikipedia.com. Journal of Maternal and Child Health Nursing 1991.com/cf_dls/m3225/6_67/article.(2003 Pregnancy Guidelines: Pregnancy and Maternal Health. 16Carlo P.org/motherhood-teenage/research_html [*]Eileen Donnelly. Accesses at: www. artikulong nakuha sa sunstar issue noong Pebrero 23. 2008 na nakuha mula sa http://www.jhtml [*]http://who. Pages 85-94 [*]Janine Bempechat.ph [*]htpp://who. arttikulong http://www. Samuel R. G Byrnes. p. Pages 85-94 [*]Bempechat.Bibliograpi [*]http://www.gov. No.org/philippineissuesonpregnancy_html [*]Berenberg. 2.. 33 [*]http://kaiserfamilyfoundation.ericdigests. Journal of Maternal and Child Care. Lack of Accurate Info ups Tenage Pregnancies.com/teenagepregnancy_html [*]D Robertson. P Buttner. Journal of Maternal and Child Health Nursing 1991. R Andrews. R Speare (2001) Teenage Pregnancy as a Social Stigma in Delhi. 2. Vol. India.findarticles.org/pre9214/drug. The Modern Book of Infant Child Care: A Practical 28 | P a g e . loc cit. Vol. No.

The Toxemics of Pregnancy. Expenses.htm&no=57 [*]http://www. Manila: Philippine Publishing House. St.popcom. Jayne D.php [*]http://www. 1979.htm 29 | P a g e .pia. revised edition. London: D. Inc [*]Nelson. Louis: C.gov. Mosby [*]http://www.com/articles/2005/05/15/news/phils. Leslie. Inc. New York: Bartholomew House Inc. [*]Wiggins. Stopperd. 1987.globalpinoy. Childbearing: Physiology. Dear Mother tc-bc: Prental Care of the Expectant Mother.V. Philadelphia: F.com/pinoyhealth/ph_feature/FED1100 6. 1993. Benjamin. 1992. Reuben E.phpv [*]http://www. 1994. 1996.ph/sppr/suppr01/sppr/chap3_3_5. New York: Appleton Nattow. Needs. Miriam. New York: Pocketstar Books. Davis Kosmak. Indiana: Phi Delta Kappa Educational Foundation [*]Clark.[*]Guide for Young Mothers. Anette B. 1992. 2000. Conception.iht. Childbearing: A nursing Perspective.A. Ann L. The Pregnancy Nutrition Counter. Kindersley Pregnancy and Birth.ph/?m=12&fi=p060712. Teenage Parenthood: The School’s Response. George William.gov.

Appendix 30 | P a g e .

Mas mahirap ba ang buhay ngayon kumpara sa dati? 4. Nagbago ba ang pagtingin sa iyo ng iyong mga kaibigan at kakilala pagkatapos mabuntis? 4.Ikaw ba ay masaya sa iyong kalagayan ngayon? 2. Edad: Natapos (sa pag-aaral) : II. Ikaw ba ay naiinspara para mag. May plano ba kayong magsama ng iyong partner sa pagpapalaki ng bata? V. nakaranas ka ba ng mga komplikasyon? 5. May plano ka bang bigyan ng magandang kinabukasan ang iyong anak? 5. 1. Nagbago ba ang pagtingin sa iyo ng iyong pamilya pagkatapos mong mabuntis sa murang edad? 3. Pagkatapos manganak. Maayos ba ang iyong pagbubuntis? 2. ikaw ba ay nakararanas ng diskriminasyon sa paaralan? 4. May balak ka pa bang tuparin ang mga planong ito? 3.aral? 3. Kung ikaw ay nag-aaral pa. Dumating ba sa isip mo na gusto mong ipalaglag ang bata? gbubuntis? III. Ikaw ba ay huminto sa iyong pag aaral? 2. Kaya mo bang bigyan ng sapat na sustansya ang bata? 31 | P a g e . kumakain ka pa ba ng sapat? 3. Malusog ba ang bata ng naipanganak? 4. Kung ikaw ay nag-aaral pa. Ikaw ba ay mayroong mga plano noong ikaw ay dalaga pa na hindi natupad dahil sa iyong pagbubuntis? 2. Sa palagay mo. nawalan ba ng respeto ang ibang tao sa iyo? 5.aaral habang na 5. Ang mga sumusunod ay mga katanungan inyong sasagutin para sa amin pamanahonang papel upang makakalap ng tiyak na impormasyon na manggagaling sa inyong pagsagot : I. May plano ba kayong magsama ng iyong partner sa pagpapalaki ng bata? VI. Nakaranas ka ba ng diskriminasyon sa lipunan? IV. May balak ka pa bang tuparin ang mga planong ito? 3. 1. ikaw ba ay nahihirapan sa iyong pag. Mas mahirap ba ang buhay ngayon kumpara sa dati? 4. 1. Matapos manganak. 1. 1. May plano ka bang bigyan ng magandang kinabukasan ang iyong anak? 5.Appendix Nilalaman nito ang aming sarbey “form” na aming ginamit upang makakalap kami ng datos upang magamit sa aming pamanahong papel . Ikaw ba ay mayroong mga plano noong ikaw ay dalaga pa na hindi natupad dahil sa iyong pagbubuntis? 2.

Tala Ukol sa Mananaliksik 32 | P a g e .

Feliciano College Foundation.Tala ukol sa manaliksik Si Christian Renz A. Tabaquero. Si Marciano M. Velasquez Jr. sa Tarlac State University at nagtapos ng sekondarya sa Benigno S. sa Tarlac State University at nagtapos ng sekondarya sa Tarlac National Highschool(ANNEX). . kasalukuyang kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Civil Engr. kasalukuyang kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Civil Engr. sa Tarlac State University at nagtapos ng sekondarya sa Jose C. Si Oliver John S. 33 | P a g e . “Ninoy Aquino Highschool (Makati). Cortez. kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Civil Engr.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful