MARCH 18, 2013

NR # 3047

Philippine Standard Time itatakda
Ang House Bill 164 ay naglalayong itakda ang Philippine Standard Time (PST) sa buong bansa gayunndin ang pagdedeklara sa unang pitong araw ng kada taon bilang national time consciousness week. Naghihintay na lamang ito para lagdaan ni Pangulong Aquino para maging sabaysabay ang officials time devices sa buong bansa upang ang bawat relo o orasan ay tumunog sa parehong oras. Ang panukala ay naglalayong din bigyan ng pondo para sa installation, operation at maintenance ng synchronized time devices na ilalagay sa mga pangunahing pampublikong lugar. Sa ilalim ng panukala, ang Time Service Unit ng PAGASA, sa pakikipag-ugnayan ng Department of Science and Technology ang mangangasiwa sa pagmo-monitor, maintain at palaganapin ang PST sa buong bansa. (30) eg