Ang Mangingisda

ni Ponciano Pineda

Maging nang sumabog sa kanyang kamay ang dinamita'y nagsasayaw pa rin sa kanyang isip ang lantsa ni Don Cesar na hindi man lamang natitigatig sa hampas ng daluyong. Ang ugong ng kanyang motor,sa pandinig niya, ay tila tugtuging nagbubuhat sa radyong nasa nagliliwanag na punduhan nina Fides. Ito ang kanyang malakas na pag-asa: ang lantsa ni Don Cesar at ang punduhan nina Fides. Ang mga bagay na ito and nagsilang ng kanyang mithiin. Hindi nawawaglit sa kanyang diwa saglit man. Ang kanyang mithiing binuo ng mga lantsa at ng punduhan ay lalong kinulayan ng mga panyayaring lumiligid sa kanyang buhay. Katulad ng pangyayaring nakaraan. Kangina, nang pakargahan niya ng gasolina ang kanyang motor sa punduhan nina Fides, ay naulit na naman ang kanyang pinakaiiwasan: Ang pangungutang kina Fides. "Kung maari sana'y idagdag mo muna sa dati kong utang, ha, Fides?" Tiningnan lamang siya ni Fides. Ni hindi kumibo. Ngunit sumulat sa talaan ng mga utang. Nauunawaan niya ang katotohanang ibinabadha ng naniningkit ng mga matang iyon: pagaalinlangan sa katuparan ng kanyang mga pangako. Nahuli niya ang buntot ng sulyap na iyon. Nang lumabas siya kahapon, kaparis din ng dalawang araw na nagagdaan, ay hindi siya nanghuli ng sapat na makatutugon sa pangangailangan nila ng kanyang ina at sa kanyang utang kina Fides. Kanginang umaga'y humihingi na naman siya ng paumanhin sa ina ni Fides. "E ano and magagawa natin kung di ka makahuli," ang wikang payamot ng ina ni Fides. "Minalas ho ako," nasabi na lamang niya. "Baka sakaling swertihin ako mamayang gabi." Sinabi niya ito upang mapaliwanag upang humingi ng muling kaluwagan upang kahit paano'y hugasan ng kanyang pakiusap ang kanyang kahihiyan. Hindi niya nagawang isipin and pagbabayad kina Fides. Inunahan siya ng pagsasabi ng kanyang ina kanginang umaga ng "Magdiskargo ka muna sa punduhan anak." Nababatid niyang wala siyang ibabayad kung sa bagay. Nalaman niyang sinundan siya ng tingin ni Fides at ng ina nito nang siya'y magpaalam. Hindi niya narinig na sinabi sa kanya ang katulad ng narinig niya sa ina ni Fides kapag hindi nakakabayad ang mga mangingisdang nangungutang sa punduhan: "Aba, e pa'no naman kaya kami kapag ganyan ng ganyan? Pare-pareho tayong nakukumpromiso... " "Bukas ho'y tinitiyak kong makakabayad na ako." Gabi ng nga umalis siya sa Tangos. Nakagapis siya sa dagat. Nguni't kailanma'y hindi sumagi sa kanyang muni ang umalpas ang lumaya. Ipinasya lamang niya ang mabuhay sa dagat, ang maging makapangyarihan sa dagat, kagaya ng lantsang pamalakaya sa tabi ng punduhan. Sapul ng pag-ukulan niya ng pansin ang unang lantsa ni Don Cesar ay nakadaman siya ng kakaibang pintig sa kanyang dibdib ibig niyang magkaroon ng lantsa - balang araw. Pagkakaroon niya ng lantsa'y hindi siya gagamit ng maliit na motor; hindi na siya sasagihan ng munti mang pangamba, magngitngit man ang habagat magngalit man ang sigwa sa laot. Hindi na
1

bago siya nakapagtipon ng sapat na salaping ibinili ng motor." Ipinaggiitan ng kanyang ina ang pagkakasiya sa Bangka na lamang. Maykapal ang lagging ipinag-aaliw sa kanya."sasabihin niya pagkatapos. Sa pagkakahiga niya sa kung gabi'y tila kinikiliti siya ng ugong ng mga motor at makina ng mga pangisdang humahaginit tungo sa kalautan. anak. Giginhawa ka na. Hindi na rin mangangamba ang kanyang ina kapag hindi siya nakababayad ng gasolina at langis. "bibili ako ng lantsa. Maykapal sa gitna ng pagdarahop. nasa laot… Isang mahabang kawil ng mga taon ang dumaan sa buhay nya niya bilang mangingisda. ng sangkisap-matang katuwaan. "Talagang bibili ako ng lantsa. Nawawalan siya ng pananalig kung minsan. Iyon ay ipinagparangalan sa kanyang sarili‟t sa kanyang ina. Ang kanyang puso'y punung-puno ng makulay na pag-asa. Nagniningning ang kanyang mga mata." Ang pagtatapat niya isang gabi. Siya'y sasagutin." "Magsasampa tayo ng maraming salapi. 2 . Makalalabas na siya ng lingguhan. Inang. Inang. At pagbabalik niya'y daan-daang tiklis ng isda ang kanyang iaahon. Kung makakatabi ang kanyang barko ang kay Don Cesar ay maabutan na lamang sila ng mga mangingisda ni Don Cesar. Sa pagkakaupo nila sa tabi ng durungawang nakaharap sa ibayo'y kanilang natanaw ang nagliliwanag na punduhan nina Fides at ang nangakadaong na mga lantsa ni Don Cesar. Makakapagkarga na siya ng kung ilang litrong gasolina sa kanyang barko. Inang…” Naunawaan ng ina ang katuwaang nag-uumapaw sa puso ng anak. Kagaya ng kung siya‟y hindi pinapalad. "Balang araw. Di na tayo kukulangin. Iyon ay isang makasaysayang pangyayari. "Ilang araw kayo sa laot. Inang. Nasa dagat. Ang hangaring iyon ay tila malusog na halaman: payabong ng payabong.pansumandaliang lalabas siya sa karagatan. Ito na ang simula. isang makabuluhang pangyayari sa kanyang buhay. Naririnig hanggang sa kanilang madilim na tahanan and alingawngaw ng halakhakan ng mga taong nagpapalipas ng mga sandali sa punduhan. “Huwag mong kakalimutanang Maykapal. “Di na ako ga‟nong mahihirapan sa pagsagwan kapag ako‟y napapalaot. At "ako'y tatlumpong araw.” ang sabi ng kanyang ina.” Hindi nya nauunawaan ang buntot ng pangungusap ng kanyang ina. “Ang kaligayahan na tao anak…. Matititigan na niya ang naniningkit na mata ni Fides." Pinagsabihan siya ng kanyang ina na hindi siya dapat mangarap ng gayon. Ang diwa nya‟y nasa malayo. paganda ng paganda sa lakad ng mga araw. Maari na niyang marating ang inaabot ng mga lantsa ni Don Cesar. Kagaya nitong tatlong araw na nangagdaan. ha?" itatanong niya. ng sakit. Inari niyang isa nang tagumpay na walang pangalawa. Ang huni ng mga lantsa'y kapangyarihang manding nagbubuhos ng lakas sa kanyang katawan. "Masiyahan na tayo sa isang bangkang nakapagtatawid sa atin araw-araw.

may mga pagawaan. Malulungkot ang kanyang ina. Inang…… Sinuwerte ako…. Binulatlat ang baluatan. Maiging pinagdikit ang mitsa niyon. At pinaugong uli ang kanyang motor.may mga barko. Mapuputi ang maiikling mitsa ng dinamita. Mapupuno niya ang Bangka bago dumating ang patrulya sa mga baybayin. “Sinuwerte ako.at kinambal ng dalawang bagay. Ang kanyang mga pagtatanong ay tinugon ng marilag na alaalang kakambal ng mga lantsang pamalakaya ni Don Cesar at ng pagkaliwa-liwanag ng punduhan nina Fides! Nagging tatlo ang lantsa ni Don Cesar.ay mga bahy-pawid na naglalawit sa ilog.” ang pagbabalita ng isa. mga mangingisdang porsiyen-tuhan lamang. Ayaw magdingas ng palito.” naganyakang kanyang kalooban. Naliligayahan na siya. samantalang siya‟y hindi nagkakaroon hanggang ngayon ng kahit isa man lamang. Pupupugin na lamang niya ang lambat na napunit. Pinahinto uli ang kanyang lantsa. Kumilos ang kanyang lantsa. Nakikilala niya ang ugong ng mga sasakyang ng patrulya. may mga apugan. Palaki nang palaki ang punduhan nina Fides.” sasabihin niya.”Sinuwerte ako. Hindi na sya nayayamot. doon ay may punduhan. „Isang Labas lang pala ng bagong lantsa ni Don Cesar ay halos bawi na ang puhunan. Inapuhap ang nakabalot ng mga dinamita. Nag-init . Tila tugtuging kumikiliti sa kanyang ang ugong ng kanyang motor. sumagitsit – parang kidlat na sumibad sa kalangitan at kaalinsabayhalos ng siklab na sumugat sa gabi‟y isang nakabibinging dagundong ang bumingaw sa buong kalawakan. mga bangkang malalaki . Masisiyahan ang kanyang ina paggising nito kinaumagahan. “At ang pakinabang sa isang labas. 3 . kung sinusurwte‟y santaaon na nating kikitain . Gayon na rin marahil ang damdamin ni Don Cesar nang siya‟y unang nagkaroon ng lantsang pamalakaya-ito ang wika niya sa sarili. Hindi niya ipagtatapat na gumagamit siya ng dinamita.ay dalang isda. idinikit na maduti sa dulo ng malaking mitsa ng mga dinamitang mahigpit na kamal sa kanyang kanang kamay. Makakauwi na siya nang . Inang . ngunit sa gawing timog-sa kanilang pook. “Ay! Salamt sa Diyos!” sasabihin naman ng kanyang ina. Kay gaganda ng dalawang bagay na iyon sa kanyang paningin. Hinipan ang hangin. Ito‟y katanungang sumasaklaw nang malaki kapag napag-uukulan niya ng pagmumunimuni. Tumilamsik ang ga-buhangung baga.mga manggagawa.Nakabili na rin siya ng bagong bangkang pinaglipatan ng motor. Higit na nag-ulol ang kanyang mithiin na maging dalawa mga lantsa sa tabi ng punduhan. At lalo itong hindi nya matugon kung sasaklawin niya ng tigang gawing hilaga ng ilog. Makababayad na siya kay Fides. Idinikit sa kanyang kilikiliang gilid ng posporo. may mga bagay na nagandahan.” Kiniskisan ang posporo. may mga lantsa. maraming isda. higit pang nagkakulay ang kanyang paghanga sa punduhan. Sandali lamang ang pagsabog iyon. Minsan narinig niyang pag-uusapan ng kapwa niya mangingisda ang dami ng salaping ipinapanhik ng mga lantsang pamalakaya ni Don Cesar. ikiniskis uli.saglit nyang piñata ang kanyang motor at mga lantsang pamalakaya. bangkang maliliit. Ang kanyang sarili‟y malimit niyang tinatanong kung bakit dalawa na ang lantsa sa ibayo. At siya nagtutumibay naman ang kanyang pagmimithi sa lantsa. Inilapit.

Inilathala ni Pineda ang Diksyunaryo ng Wikang Filipino.” “Pandalubhasaan Sining Ng Komunikasyon. Kapag nagkaroon siya ng lantsa ay matutungo din niya ang layong inaabot ng lanstang pamalakaya. Sa mga sulyap pa lamang na iyon ay alam na niya ang nais nitong ipahiwatig na hindi na namn siya makakabayad.[1] Siya ay naging direktor ng Komisyon sa Wikang Filipino na dati ay Surian ng Wikang Pambansa sa taong 1971 hanggang 1999.BUOD Ang maliwanag na ilaw sa punduhan nina Fides at lantsa ni Don Cesar ang nagbibigay sa kanya ng lakas upang pangarap at umunlad sa buhay. Ngunit madalas na siyang nawawalan ng pananalig sa pagtatakang ang mga taga-Hilaga ay maganda ang buhay. guro. Pineda. isa rin siyang Filipinologist o eksperto sa kulturang Pilipino. Nais din ng mangingisda na magkaroon ng punduhan at lansta. Itinatag ang 12 Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino sa buong kapuluan. Patuloy siyang nagtatanong kung bakit tatlo na ang lantsa ni Don Fides at lumalaki na ang punduhan ni Fides ngunit siya wala pa kahit isa. Isa na rito ang patungkol sa repormang ortograpiya ng wikang Filipino. naging patnugot rin si Pineda ng Filipino sa Varsitarian. sinimulan ni Pineda ang mga sosyo-linggwistikong pananaliksik. Madalas din siyang inaaliw sa mga pangaral na manlig sa Maykapal sapgkat ito lang ang makakatulong sa mga problema na darating sa kanila. Ang “Diksyunaryong Pilipino (1973) ni Jose Villa Panganiban. Filipino bilang pangunahin at pambansang wika sa 1983 ng mga Pilipino. at alpabetong Pilipino na binubuo ng 28 titik sa 1987. Peralta Pineda ay isang manunulat. Kabilang sa kanyang mga akdang pambalarila ang “Pagpupulong: Mga Tuntunin At Pamamaraan. Sa ilalim ng kanyang pamumuno. na nagsilbing pundasyon ng pambansang leksikograpiya. Maging masaya na nahuhuli na makakasuporta na sa araw-araw na pamumuhay. Madalas siyang nangungutang ng langis at gasolina sa punduhan ni Fides at kung mahina ang kanyang huli ay hindi siya nakakabayad. Bukod dito. Si Ponciano B. lumalakas ang kanyang loob at hangaring magkakaroon din siya ng lantsa tulad ng lantsa ni Don Cesar na nasa babayin ng punduhan ni Fides. Makakabayad na siya ng utang kay Fides at makaktitig na sa singkit nitong mata. II. Ngunit lagi siyang pinaaalalahanan ng kanyang ina na huwag mangarap ng mataas. diksyunaryong pansentenyal ng Komisyon ng Wikang Filipino (1998) na inedit ni Ponciano B. Sa tulong ng dating kalihim ng Kagawaran ng Pilipino na si Jose Villa Panganiban. Ngunit hindi na siya mahuhuli ng patrolya sapagkat wala na. na layong palaguin ang wikang pambansa. may mga pagawaan ng bangka. Patuloy siyang nangangarap habang sinisindihan ang dinamitang inaakalang magpapaganda ng kanyang buhay. may punduhan. Hindi siya makatitig sa naniningkit na mata ni Fides tuwing uutang siya. Tuwing papanaog siya sa laot. Ang May-akda Ang may akda ng maikling kwentong “Ang Mangingisda” ay si Ponciano Pineda. nakapagtapos si Pineda sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1948 sa kursong Associate in Arts.” at “Sining Ng Komunikasyon Para 4 . wala na siya. may lantsa at sa Timog sa kanilang pook ay puro bahay na pawid na nagsilawit sa ilog. Sa ilalim ni Pineda ay may malaking pagbabago sa mga patakaran ng wika: ang bilingual na edukasyon sa taong 1974. Binilisan niya ang paghagis bago dumating ang patrolya. linggwista at abogada. Bukod sa pagiging isang magaling na awtor ng librong pang-akademiko. Itinuring si Ponciano Pineda bilang “Ama ng Komisyon sa Wikang Filipino” dahil sa pagsulong niya na maitatag ang komisyon batay sa Seksiyon 9 ng ating Saligang Batas.

noong sinabi ng mangingisda kung bakit sa Hilaga nandoon ang mga pagawaan ng bangkang malalaki. May matinding pananalig siya sa Maykapal na ito ang tutulong sa mga problemang maari nilang kaharapin. V. hindi na nagnanais ng higit pa sa buhay na tinatamasa. Tagpuan Ang buong kwento ay naganap sa tatlong lugar. Nagagalit siya sa mangingisda lalo na kung hindi ito nakakabayad ngunit pinauutang pa rin niya ito. Mapupuna na nagkaroon ng pagpangkatpangkat ng mga tao batay sa estado ng buhay. Hindi nagkaroon ng pagbanggit sa kanyang pangalan upang maipakita ang katangian ng mga mangingisda at mga taong nasa mababang uri ng pamumuhay. Mga Tauhan Ang Mangingisda Sa kanya umikot ang buong kwento at ang kanyang pangarap na magkaroon ng lantsa at punduhan. Ang hindi pagbanggit sa kanyang pangalan ay hindi nakabawas sa kagandahan ng kwento. punduhan. Sinasabi na may singkit itong mata na may posibilidad na isa siyang Tsinoy na negosyante. sa bahay ng mangingisda. Siya ay tauhang flat sapagkat walang anumang pagbabagong naganap sa kanyang pananaw at paniniwalang matutupad niya ang kanyang mga pangarap kahit anupamang pangaral ang sabihin sa kanya ng kanyang ina. Ina Isang ina na kontento na buhay. barko at mga bagay na naggagandahan samantalang sa Timog nandoon ang mga mangingisdang posyentuhan lang. Nangangahulugan lamang na sa probinsya naganap ang kwento.” Pinarangalan ng Gawad Palanca si Pineda ng una at ikalawang gantimpala para sa kanyang mga maikling kuwentong “Ang Mangingisda” (1958) at “Malalim ang Gabi” (1953). nangangahulugan na alam niya ang buhay ng mangingisda lalo pa at ito ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Pilipino dahil ang ating bansa ay isang arkipelago. 5 . IV. Marami sa mga Pilipino ay nangangarap na magkaroon ng magandang buhay at makikitra natin ito sa paraan ng kanyang pananalita.Sa Mataas Na Paaralan. Ngunit ang kanyang pangarap ang nagbuhat sa sarili niyang kapahamakan. lantsa. Mapapansin natin na hindi siya nasisiyahan sa sobrang pangangarap ng kanyang anak ngunit naiintindihan niya ito. Namumutawi sa kanyang mga salita na magkakaroon siya ng lantsa. may apugan. Kung ating mapapansin eksperto siya sa kulturang Pilipino. Fides Ang may-ari ng punduhan kung saan dito nangungutang ang mangingisda ng gasolina at langis para sa bangka. sa punduhan at sa dagat. mga bahay na naglalawit sa ilog at mga manggagawa.

  6 . Dito sila yumayaman o nasasawi ang buhay o kaya naman ay nangangarap na magtungo pa sa mas malayong lugar. dito nagkaroon ng palitan ng pahayg ang mag-ina. Ang huli ay sa dagat kung saan ito ang maituturing na buhay ng mga taga-roon. Nakikita niya sa naniningkit nitong mata ang gustong ipihiwatig ng mag iyon habang inililista ang kanyang utang. masasabi natin talaga na sa lipunang ating ginagalawan ay may dalawa lamang klase ng tao. Sa bahay nina Fides. Patuloy ng mangingisdang sinasabi sa kanyang ina ang kaniyang pangarap na magkaroon lantsa at punduhan. Alinman sa dalawang ito tayo nabibilang. Banghay  Panimula Nangingisda siya gamit ang dinamita at kahit nasugatan na siya ay patuloy pa rin siyang nangangarap na balang araw ay aangat din siya tulad ng nagliliwanag na punduhan ni Fides at ang lantsang pamalakaya ni Don Fides. Mga Suliraning Inihahanap ng Lunas Binubuhayan siya ng pag-asa sa kanyang mga pangrap na pataas nang pataas at patuloy na yumayabong. Sa punduhan naganap ang pangungutang ng mangingisda ng gasolina at langis kay Fides. Sinabi na lamang niyang baka swertehin siya mamaya at baka sakaling makabayad na siya upang mahugasan ang kanyang kahihiyan. Nagkaroon ng diskriminasyon sa mahihirap kapg nasa lugal ka ng may kaya sa buhay. Sa mga oras na iyon ay lagi siyang pina-aalalahanan ng kanyang ina na makontento na sa buhay na meron siya at palaging manalig sa Maykapal. mayaman at mahirap.Sa mga pahayag na yaon ng magingisda. makapangyarihan at alipin. Pinautang naman siya ni Fides ngunit hindi nagkaroon maayos na pakikitungo ang mayayaman kay Fides. Ngunit nawawalan na siya ng pananalig sa Kanya lalo na habang tinititigan niya ang gawing Hilaga kung saan andoon ang magagandang buhay na maari nating maranasan na kabaliktaran ng buhay nila sa Timog. Kapag nagkaroon na siya ng lantsa ay magiging maganda na ang buhay nila at hindi na sila kailanman magkakaroon ng problema sa pagbabayad ng utang sa gasolina kina Fides. Naging akma ang lugar na ito upang magpalitan ng pahayag ang mag-ina sapagkat ito ang tamng lugar para sa isang pamilya. VI. Saglit na Kasiglahan Nagpakarga siya ng gasolina sa punduahn ni Fides para sa kanyang bangkang dimotor. Nanumbat na kung hindi na naman siya makahuli ng maraming isda ay hindi na naman ito makakabayad. Dito si Fides nagsimulang mangarap na balang araw ay mapupunta rin siya sa Hilaga kung saan nandoon ang mayayaman. Hindi nagkakaroon ng pantay na pagtingin dito sa lipunan na ating ginagalalawan.

 Kaukdulan Kanyang nalaman na tatlo n ang lantsa ni Don Cesar at patuloy na lumalaki ang punduhan ni Fedes. Sa kabuuan. nagtatrabaho at nabubuhay ay hindi lang basta mabuhay kundi ang umangat. Ang dalawang bagay na ito ang nagbibigay sa kanya na lakas ng loob. Sa mga hangaring ito ay nagkakaroon nayo ng matinding pananalig sa Panginoon at kung walang pagbabagong nagaganap ay umiisip tayo ng alternatibong bagay at kung minsan ay nagbubunsod sa atin na gumawa ng masama. VII. Halos isang taon na nila iyong kita.Habang siya ay nasa kaligitnahan ay patuloy pa rin siyang nangangarap habang nasisilayan niya ang maliwanag na ilaw sa punduhan at ang inaasam niyang lantsa. Uunti man ang tauhan ngunit naging makatotohanan pa rin ang kwento. tagpuan at ang istilo ng akda ang nakapagpaganda ng kwento.  Moralistiko Ang dahilan ng marami sa atin kung bakit tayo anag-aaral. Sa kabilang banda ay may mga tao pa rin na nakokontento sa mga bagay na meron sila at patuloy na naniniwala sa Panginoon sa kabila ng kahirapang dinaranas. Pumanaw siyang nangangarap at ang pangarap ay nanatiling pangarap. yumaman at makatakas sa lupit ng buhay.  Wakas Sa hindi inaasahang pangyayari kinain ng apoy at lagabalab ng usok ang dagat. Sinisimbolo ng pangunahing tauhan ang buong mangingisda at mahihirap na dahil sa hirap ng buhay ay napilitang gumawa ng masama. may malinaw na hangganan sa pagitan ng mayaman at mahirap. Kasamang nalusaw ang pangarap niyang magkaroon ng lantsa. ang tauhan. Pagdulog  Pormalistiko Naging maganda ang banghay ng kwento mula sa simula hanggang sa katapusan. Ang lalong nagpaganda sa kwento ay ang madalas na pagbanggit sa mga hangarin sa buhay ng mangingisda na nakapgpadagdag ng kakintalan sa mambabasa kung ano ba ang nais ipahiwatig ng kwento. Pagdating sa tauhan. Ang mga mahihirap ninanais na umangat at ang mayayaman ay patuliy pang yumayaman. Mapapansin na mayroong panandaliang pagbabalik-tanaw na nakadagdag sa magndang daloy ng kwento. Lalo siyang ginanahan at sinindiahan niya ang kanyang dinamita bago pa man dumating patrolya. Doon mo pa lamang maiisip ang tunay na mensahe ng huling talata. 7 . Nalaman niyang ang isang labas lang ng lantsa ay nakapagbibigay ng malaking kita sa kanila. Sa huli hindi man nabanggit kung ano ang tunay na nangyari sa mangingisda pero nagbigay ito ng dahilan sa mambabasa para basahin ang akda hanggang sa huli nitong salita. Lalong lumawig ang kanyang pangarap na lantsa at hinahangaang punduhan.

Upang maging hindi na sila magutang kailanman. Makikita na isa siyang maka. Mangingisda Pagdating sa pakikitungo niya sa kanyang ina. Tama ang kanyang ginawa ngunit mali ang paraan ng kanyang pagbibigay. Fides Hindi kalugod-lugod ang ginawa niyang pagpapautang sa mangingisda sapagkat binigyan nga niya ng pera ang mangingisda para sa gasolina pero hindi pa rin bukal sa loob niya ang pagpapautang. Ina Makikita sa kanyang mga pananalita ang mabuti niyang pag-uugali. makikita mo na mahal niya ito talaga. 8 . Sinumbatan pa rin niya ang mangingisda kung sakaling hindi ito makabayad. hindi pa rin niya nagawang sundin ito sa kabila ng mga pangangaral nito. Fides Makikita na napakababa ng pagtingin niya sa mahihirap tulad ng mangingisda.  Sosyolohikal Nakikitungo tayo sa iba base sa kung ano talaga ang ating ugali at minsa pinakikitunguhan nila ang ibang tao batay sa estado ng buhay. Sa kabilang dako. Ninanais niyang hugasan ang kanyang kahihiyan sa pamamamagitan ng pangangako. Gumawa siya ng masama bilang daan sa pagkamit ng pangarap. Nangangaral siya at nagpapaalala sa kanyang anak ng tama tulad ng huwag mangarap ng mataas at manalig sa Diyos. Ina Mahal na mahal niya ang kanyang anak. Ang gumawa ng masama ay labag sa utos ng Panginoon. Ang kanyang ina ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nangangarap na magakaroon ng magandang buhay. Nangangarap at wala naman masamang magarap ngunit pinangimbabawan ng pangarap ang ang tama. Lagi rin niyang pina-aalalahanan ang kanyang anak na manalig sa Maykapal. Isa pa sa nakawala ng kanyang moral ay ang noong siya ay nangingisda at sinabi niya na hindi niya sasabihin sa kanyang ina na gumamit siya ng dinamita. Makikita ang magandangpakikitungo nito sa kanyang anak sa lahat ng pagkakataon. Nagkakaroon na siya ng pangitain na hindi makakabayad ng utang ito dahil madalas itong nagaganap. Kay Fides. makikita mo sa kanyang pananalita ang kahihiyan sa pangungutang.Diyos. Noong pinangangaralan niya ang kanyang anak ay pilit niyang sinasabi na huwag mangarap ng gayon sapagkat alam niyang iyon ang ikapapahamak nito.Ang Mangingisda Siya ay may magandang hangarin sa buhay.

Hindi naman masamang mangarap basta ang mahalaga sundin natin ang tamang proseso sapagkat ito ang magdadala sa atin sa tunay na tagumpay. Maging sa buhay ng mayayaman. Fides Sa pagpapautang niya sa mangingisda ay natatakot siya may masabi ang mangingisda sa kanya kaya niya ito pinautang. Labag man sa loob niya ang ginawa niya ito kahit alam niyang posible na naman itong hindi makabayad. sinusulat at sinasalita. VIII. Nagnanais talaga tayong umangat paminsan-minsan. Minsan may mga bagay na ating naiisip ngunit hindi naibubulalas ng ating mga bibig ngunit makikita sa ekspresyon ng mukha. May mga bagay na naglalaro sa kanyang utak at ito ay nagsisilbing pangitain sa mga maaring mangyari sa kanyang anak. 9 . Noong siya ay nangungutang kay Fides ay makikita mo na maraming gumugulo sa kanyang isipan tulad ng kahihiyan at hangaring makabayad ng utang. Bisa ng Akda  Bisang Pangdamdamin Sa lipunang ating ginagalawan ay napupuno ito ng milyong milyong tao at pagkatao pero nananatiling sa dalawa lamang tayo nabibilang mahirap at mayaman. May mga iniisip siya sa kung ano ang maaring mangyari sa anak dahil sa mga paghahangad. Animoy mabubulag kakatitig dito at nagdudulot sa atin upang gumawa ng masama. Sikolohikal Ang ating utak ang nagdirikta sa anumang ating ginagawa. Napangunahan tayo ng hangararin natin sa buhay at ng mga pangarap na masyado nating pinadali ang paghangad nito. At tanging makawawasak nito ay ang may malawak na pananaw sa kung ano ang tama. Ina Kung ating susuriin sa paraan ng pagsasalita ng ina ng mangingisda ay makikita mo ang pangamba. nangangarap at nakakaangat. Mahirap ang buhay sa ngayon at kung ating iisipin masasawa na tayo buhay na meron tayo. Mangingisda Noong nangangarap siya ay makikita mo na marami siyang iniisip na magagawa para sa sarili at sa kapwa nya. nakakalungkot isipin na may mga taong sobrang nasisilaw sa kinang ng barya. May malaking hangganan sa pagitan nila. makapangyarihan at alipin.  Bisang Pangkaisipan Ang kwento ay nagbigay ng malawak na kamalayan sa tunay na estado ng lipunan. Lalong lalo na sa tunay na buhay ng ating mga mangingisda. Sa mga mayayaman dapat lamang na maging mapagkumbaba tayo upang balang araw ay hindi tayo magdusa dahil sa ugaling ipinakikita natin sa tao. Gayunpaman. Marami pa siyang pangarap bukod pa sa pangarap niyang magkaroon ng lantsa.

Mayroon ding punto ang mga taong naghihirap tulad ng mangingisda sa maraming pagkakataon. Sa buhay. Hindi natin sila masisisi. kung sakaling pagbigyan na lamang nila sa maraming pagkakataon ay sila naman ang maaring magdusa. Ang utak. Mainam pa ang maglupasay ka sa hirap kaysa mayaman ka ngunit ang puso mo ay matindi pa sa burak sa kanal. Sa Panginoon dapat tayo magtanong at magsabi kung ano ba ang tama.Sa bahagi ng mayayaman. Ang DIYOS muna bago ang lahat. hindi lang tayo ang gumagawa ng ugali maging ang sitwasyon Masyado minsan nating sinasanto ang mga bagay na mali masunod lamang ang ating hangarin. Huwag natin hayaang maging masama tayo dahil lamang sa pag-aasam. Kung marami namang umaasa sa ating kakayahan ay posible tayong magreklamo o kaya naman ay magmalaki. Bisang Pangkaasalan Ang ugali natin ay hindi lahat nababatay sa kung paano tayo pinalaki minsan ito ay nakabatay sa sitwasyon. Kung inaapi tayo maaaring patuloy tayong magpaapi o kaya naman ay lumaban. Iyon ang tama at madaling gawing bagay. Nabubuhay sila upang mabuhay ng maayos at hindi maghirap at magdurusa. Umangat sila dahil naghirap sila ta ngayong mahirap na sila ay hindi sila dapat sila magpatumpik-tumpik sapagkat maari silang lumagapak sa lupa. 10 . walang tama at mali ang dinidikta nitoa y ang bagay na makapagpapasaya sa katawan. Walang dahilan para sila ay mangarap at para makuha ito ay maari silang maglakas ng loob na kumapit sa mayayaman. Gumagawa rin tayo ng masama hindi lng dahil gusto natin kundi may mga bagay pa tayong isinasaalang-alang. Lahat ng bagay ay pinaghihirapan at hindi basta na lamang nakukuha. Mali ito sa mata ng Diyos maging sa lipunan. Matuto tayong maghintay at paghirapan ang mga bagay upang ating maabot. Hindi tama na kahit sila ay may kayamanan ay magbibigay na lamang sila ng magbibigay at ang mga mahihirap ay tatanggap na lamang nang tatanggap.

Huwag tayong tumalikod sa Kanya. Maaari itong makabuti o makasa sa atin.KONKLUSYON Ang buhay hindi hawak ng ating mga kamay maging ang ating kapalaran. nawawalan na rin sila ng pananalig sa Panginoon. Aminin man natin o hindi n a natin nabibigyan ng panahon ang makapagnilay nilay sa Panginoon. hinahangahan. dapat na nating mabatid ang tunay nating misyon sa buhay na isinasaalang-alang ang kahalagahan ng Panginoon. Nakakagawa sila ng marahas na bagay para sa pera at kapangyarihan at sa sobrang abala nila sa pagpapayaman. hindi bukas. Sa tatsulok na mundo. Siya ang tanging makalulutas sa walng katapusang pagsubok ng panahon. Ang tamang oras ay ngayon. sino ba ang namumuno. Ang negatibong resulta nito ay ang masamang gawain. Ang ating mga desisyon ay dapat nating pag-isipan. ang sarili ba nating yaman o pangarap. hindi rin buhay. namamalimos at pumapatay dahil sa pera. kapangyarihan at pangarap ang alisin niya sa atin kundi ang ating buhay na pinakaiingatan. Purihin natin siya at pasalamatan sa kung ano tayo ngayon dahil baka sa huli hindi yaman. Ang pera ay hindi ang Diyos. Nagnanakaw. Sila lamang ang may kakayahan. Sino ba ang lumikha sa tao. Lalo na ang mga taong kapos-palad. Habang maaga. Sa gobyerno. 11 . ang nasa tuktok ay ang mga makapangyarihan at nag mayayaman. minsan inaabuso minsan nila ang kanilang kapangyarihan. Gayunpaman. Sa katunayan. sino ang nagtatangkang lumaban sa eleksyon. Sila ang ating tinitingala. walang iba kundi ang mayayaman. karamihan sa atin ay nag-aaral at nagtratrabaho dahil naghahangad tayo ng kayamanan o ng kapangyarihan. hindi sa isang taon.

12 .

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful