You are on page 1of 7

PRE-HISPANIKONG LIPUNAN SA KAPULUAN I.

Paglinang ng Likas na Yamang Bayan

Produksyon ayon sa yamang likas ng kapaligiran ang pinagmumulan ng kabuhayan ng mga Pilipino sa kapuluan. Ito ang nagbigay ng kaisahan sa katangiang pangkultura ng pamayanan. Ibig sabihin, ang tradisyon ng paglikha, paniniwala, mga gawi, ritwal at ugnayang panlipunan ay nakabatay sa kabuhayang may impluwensya ang likas na kapaligiran. A. Pamayanang nakabatay sa ugnayan sa karagatan Mahalaga sa kanila ang palitang epekto ng direksyon ng hangin at agos ng tubig. Sa Sama Dilaut, Badjao atbp. mamamayan ng karagatang matatagpuan sa Dagat Sulu, pakikiugnay sa mabubuting pwersa na nasa karagatan ang gumagabay sa paglalayag ng mga lepa (tradisyunal na bangka). Sa karagatan din nagmumula ang karamihan ng kanilang pangangailangang pagkain, gamut sa karamdaman at pinaniniwalaang mga espiritu na nagbibigay proteksyon sa paglalayag. Makikita sa kanilang mga simbolo ang pagkakaugnay ng buhay sa dagat. Ang libingan ay hugisbangka. Gayundin ang mapapansin sa mga kabaong. May ginagawang ritwal sa dagat o ilog gaya ng pagpapaanod ng alay para sa mga diwata. Sa bandang Cagayan, atang ang tawag dito. Naglalagay ng kulumpon ng bulaklak, pagkain at ilaw na ipinapaanod sa tubig patungo sa daigdig ng mga anito. Kayat ang malaking bahagi ng kulturang katutubo ay nakasentro sa kamalayang pandagat na ginagabayan ng mahusay na astronomiya at kosmolohiya. Ang tradisyon ng paglalayag ay nanatili sa kultura ng mga nasa baybaying dagat sa Kabisayaan hanggang noong dantaon 16. Malaking bahagi ng oras ang inilagak ng mga Bisaya sa tubig dahil ang bangka lamang ang kanilang paraan ng transportasyonWalang nanirahan nang mas malayo sa 40 kilometro mula sa dagat ilawod, patungo sa mas mataas na pinagmumulan ng tubigAng magsasaka ng isla ng Bantayan ay sumasakay sa mga bangka upang magsaka ng kanilang palay sa baybayin ng Cebu, ang mga minero ng ginto mula sa Camarines ay tumatawid naman ng dagat patungong Masbate, kayat natututunan ng kabataang ang tradisyon ng kanilang bayan sa pakikinig sa tunog ng dagat habang nagsasagwan (Scott, 1994: 125-126). B. Lupa sa kapatagan

Para sa pamayanan sa mga bayang ito, mga produktong mula sa karagatan at komersyo sa ibang pulo ang ipinapalit sa mga produktong agrikultural ng nasa baybaying ilog, na siyang pangunahing ruta ng panloob na kalakalan. Mga produktong gubat (tulad ng pulot-pukyutan) at pagmimina ng ginto o tanso sa kabundukan ang ipinapalit naman ng mga pamayanang nasa mataas na lugar gaya ng hilagang Luzon sa mga produkto ng kapatagan o pakikipagkalakalan nila sa karagatan, tulad ng mga porselana o bakal buhat sa Tsina, gangsa, asin o habi ng tela.

Ginagamit ng mga bayang nabanggit ang katayuang heograpikal at kakayanang mamagitan sa kalakalan, upang makamit ang mas paborableng posisyon kaysa sa ibang pamayanan. Ang mga salik na ito na ibinubunsod pa rin ng kapaligirang pisikal ang nagbigay motibasyon para sa mga bayang etniko na magkaroon ng mga tauhang ginamit sa pananalakay at pagtatanggol. Kayat higit na nakabatay ang kapangyarihan ng mga pinuno ng mga bayang ito sa paggamit ng lakas paggawa (at dahil dito, sa pagkamal ng labis na halaga o surplus mula sa ibang bayan), sa halip na sa pagmamay-ari ng, at produksyon mula sa lupa. C. Kabundukan

Sa mga pamayanang nabubuhay sa pagtatanim ng palay, sentral ang lupa sa pag-inog ng buhay ng pamayanan. Umiikot din sa sistemang pang-agrikulturang risikultura (pagtatanim ng palay) ang lahat ng umiral na mga gawi, paniniwala, relihiyon at istrukturang panlipunan. Halimbawa, halos sabay-sabay ang panahon ng pagtatanim at pag-aani ng palay. Binubuksan muna ito ng dasal at ritwal na nilalahukan ng buong pamayanan upang tiyakin ang produktibong ani. Pati irigasyon ay may maayos na sistemang sinusunod. Sa Bontoc, ang tumona (taong may pinakamalawak na lupain) ang nauunang makinabang sa irigasyon sa mga payoh at saka lamang susunod ang ibang kamag-anakan. Sa Sagada, may organisasyon ng mga gumagamit ng patubig sa payoh na pinamamahalaan ng lampisa upang matiyak na lahat ng may tanim ay mabebenipisyuhan ng irigasyon. Katangian ng maagang pamayanan ang pagkakaroon ng ugnayan para sa pagpapalitan ng mga produkto ayon sa kabuhayang angkop sa pag-iiba ng mga sitemang ekolohikal. Kayat dalawa ang tunguhin ng mga ugnayang pang-etniko at ekolohikal: ugnayan ng ilawud at iraya, at ugnayan ng patag at kabundukan. Ang ganitong ugnayan ang nagtakda naman ng kakaibang paggamit ng kapaligiran sa mga pamayanang nasa baybayin na naging mga bayang etniko na may rajah o hari gaya ng: Maynila, Mindoro, Pampanga, Leyte, Cebu, Samar, Butuan at Sulu. Pagmamay-ari at Paggamit ng Yamang Likas Ayon sa katutubong sistema ng batas, may tiyak na kaayusan sa paggamit at pagmamayari ng lupa, subalit hindi ito magkakatulad sa lahat ng pamayanan. Sa mga nasa kapatagan, may pribadong pagmamay-ari ng lupa ang mga pamilya lalo na sa mga pook na may aktibong kalakalan at labis na produksyong agrikultural. Gayunpaman, ang ilang bahagi na sakop ng pamayanan ay itinuturing na kolektibo o komunal. Karaniwang mga pamilya ng datu at rajah ang may sariling lupang pribado ang pagmamay-ari. Sa lipunang Tagalog, maging ang aliping namamahay ay may sariling lupang sinasaka habang ang bahagi ng kanilang lakas paggawa ay nakalaan sa mga sakahan ng kanilang datu. Katulad din ito ng kaayusan sa Kabisayaan: ang tumataban, tumarampuk, at ayuey (mga antas ng pagka-oripun o alipin) ay may magkakaibang bilang ng araw ng paninilbihan sa kanilang datu. Ang natitirang araw naman ay para sa kanilang sariling produksyon. Sa mga pook na malapit sa dagat, itinuturing namang kasamahan at hindi pribadong pagmamay-ari ang mga daungan at ilog. Sa Ivatan ng Batanes, sapat lamang para sa ulam ang gawi sa pangingisda sa baybaying dagat. Sa mga Lumad at Jama Mapun sa Mindanao, kung ituring nila ang karagatan ay katulad din ng kolektibong pagmamay-ari at paggamit ng lupa malayang gamitin ng sinuman. Ang hinuling isda ay para lamang sa sariling pangangailangan.

Sa ibat ibang pamayanang nakabatay sa lupa sa Cordillera tulad ng Aplay ng hilagang Kankanay (Sagada, Biula, Tamboan), Timog Kankanay (Bakun, Mankayan, Buguias ng Benguet), Maeng o Tinggian (ng Tubtuba sa Abra) at Kinali ng Besao (sa Mt. Province), maaaring hatiin sa tatlo ang batayan ng pagmamay-ari at paggamit sa lupa at yamang likas dito: 1. pribadong pagmamay-ari sa lupang kinatitirikan ng tahanan at halamanan (home garden) sa paligid nito, gayundin sa mga permanenteng sakahan na natutubigan (payoh); 2. karapatan ng pamilya, angkan at dap-ay (ward) na gamitin ngunit di aariin ang lupang kaingin (uma) at lupang pastulan ng malalaking hayop; at 3. komunal na pagmamay-ari ng buong pamayanan at grupong etnolinggwistiko ang mga bundok na may gubat at watershed. Kaalamang Katutubo Mayaman sa kaalamang katutubo ang sistemang pamproduksyon upang tiyakin ang masinop na paggamit ng mga yamang likas. May mga pagkilala sa halamang gamot. May ritwal na nagpapaalis sa peste at maraming kaalaman sa astronomiya at klima na nagagamit sa agrikultura. 1. Tiruray mula 223-241 ang halamang karaniwang kinakalap at ginagamit nila mula sa gubat. 86 o 39% dito ang ginagamit para sa pagkain: 36 ang kinakain bilang ulam, 6 ang pamalit sa bigas at mais, 6 ang pampalasa sa pagkain at 48 ang ginagamit bilang pamatid-gutom o pangmeryenda. Samantala, 29 naman ang ginagamit para sa paggamot ng sakit, 14 para sa ritwal. Tinatayang mahigit 70% ang may gamit pangteknolohikal (paglikha ng mga instrumento sa pangangalap at pangangaso, pangingisda, paghahabi, konstruksyon, atbp). Umaabot naman ng 49 ang ibat ibang uri ng halaman at hayop galing sa dagat ang kinakain ng mga Tiruray (Bennagen at Lucas-Fernan 1996: 61). 2. Ifugao holok- isang ritwal na ginagawa upang pigilin ang paglitaw ng mga salot sa tumutubong palay. Ang mga kababaihan ang nagsasagawa ng ritwal na ito na maaaring lahukan ng hanggang apat o limang komunidad. Nagtitipon ang mga kababaihan ng ibat ibang damo at halaman sa kapaligiran at ito ay kanilang binabayo hanggang maging pino. Mayroong padasal na pinangungunahan ng isang mumbaki at isinasabog sa palayan ang pininong mga halaman. Ipinagbabawal ang mga gawain sa 3 araw. Batay sa pagsusuri sa laboratoryo, ang pininong mga halaman ay may likas na bisang nakakapatay ng mga peste. 3 araw ang kailangan upang kumalat sa buong palayan ang epekto ng natural na pestisidyo. 3. Ifugao may kumplikadong kalendaryong nabuo, itinuturing na pinakatumpak na kalendaryo sa buong mundo. 4. Kankana-ey may kalendaryo ring nabuo na di naiiba sa kalendaryong Ifugao, sumusunod sa kalagayan ng panahon, paglikas ng isang uri ng ibon at itsura ng araw o buwan. 5. Agta mahalaga ang kaalaman sa mga bituin bilang gabay sa pangangaso. Ilang halimbawa lamang ito ng katutubong kaalamang nakaugnay sa kapaligiran ng tao. II. Paglilinang ng Kabihasnan at Bayan

Bagamat may impluwensya galing sa labas, ang kabihasnang sumibol sa Pilipinas ay produkto ng pagkamalikhaing likas sa mga katutubo. Mabilis ang pag-unlad ng kabihasnan sa panahon ng metal nang magkaroon ng pundasyong teknolohikal ang paghahabi, paggawa ng palayok, paggawa ng bangka, panitikan at pagsulat.

Paglaganap ng mga Kagamitang Metal Mahalaga ang ginampanan ng metal, lalo na ang bakal sa pag-unlad ng teknolohiya at lipunan. Ang pagkalat ng metal sa buong Timog-Silangang Asya ay pare-parehong naganap ilang daang taon bago kay Kristo, bagay na nagpapahiwatig ng kaugnayan ng paglalayag sa pagdadala ng mga bagong kasangkapan at kaisipan. Bunga ng pagdami ng kagamitang metal, dumali ang pagtatrabaho lalo na ang pagtatanim. Nagkaroon ng malaking epekto sa populasyon ang pagdami ng ani. Kailangan na ngayon ng mas malaking grupo ng tao upang tamnan at alagaan ang malawak na lupain. Ang isang grupong magkasamang namirmihan sa isang lugar ay nagkaroon ng pagkikilanlan bilang magkababayan na may parehong wika, pag-uugali at paraan ng paggawa. Sa teknolohiya, ang produksyon ng palay ay nangangailangan ng paglalagyan nito at paglulutuan para sa pagkain. Sa gayon, ang paggawa ng palayok ay nagkaroon din ng intensipikasyon kasama ang paggawa ng mga basket bilang imbakan. Pag-unlad ng Pagpapalayukan Ang panahon ng metal ay nagbigay-daan sa pagkakaroon ng magaganda at matitibay na palayok. Kinilala bilang natatanging pag-aari ng isang indibidwal, mahalagang gamit sa loob ng tahanan, daluyan ng paniniwala at simbolismo ng komunidad ang palayok. Mula sa paggawa hanggang sa paggamit ng palayok, mahihiwatigan na ang mga sinaunang Pilipino ay: 1. kilala na nila ang kanilang kapaligiran dahil sa alam nila kung saan kukunin ang pinakamahusay na sangkap sa paggawa ng palayok. Marunong na sila ng kemistri ng lupa kasama na ang mga mineral at mga elemento nito. Marunong din sila ng pisika dahil sa paggawa ng epektibong hurno; 2. malikhain sila sa paghubog ng mga palayok. Nakagagawa ng mga plato, tasa, baso, kutsara, kawali o lutuan hanggang sa mga malalaking banga na ginagamit sa sekundaryang paglilibing; 3. masasabing may espesyalisasyon na ng trabaho at may nagpakadalubhasa sa paggawa nito, at 4. may kaayusang panlipunang umiiral batay na rin sa ipinapakita ng ibat ibang paggamit sa palayok. (Pansinin ang Bangang Manunggul!). Pag-unlad ng Paglalayag Ang paggawa ng mga sakayan ay patunay ng mataas na kaalaman ng mga Pilipino ukol sa mga katangian ng ibat ibang uri ng kahoy at ang mga angkop na kahoy sa mga bahagi ng sakayan. May sinusundang proseso (at mga ritwal) at paggawa ng mga sakayan upang matiyak ang tibay at mabuting kapalaran nito. Matagal ang proseso ang paghihintay sa tamang panahon ng pagputol ng kahoy, tamang haba ng panahon ng pagpapatuyo ng kahoy na hindi bababa sa anim na buwan, ang ritwal ng paglulunsad na siya naming dahilan kung bakit mahigit sampung taon ang buhay ng isang sakayan bago ito mangailangan ng pagsasaayos. Halimbawa ng mga bangka: caracoa, balangay, biray, paraw, baroto at bilog. Dahil sa mga sasakyang nagawa, naidugtong ang mga barangay sa ibang barangay, ang ilawod sa iraya. Umunlad ang mga pamayanang naging daanan ng kalakal pandagat. (Kalakalan ay aktibo maging sa labas ng kapuluan). Paghahabi

Ang pinakamaagang katunayan na may kaalaman nang gumawa ng kasuotan ang mga tao sa sinaunang panahon ay ang batong pamukpok ng damit na balat ng kahoy. Natagpuan ito sa lambak ng Piacanaunan de Tuguegarao. May edad itong 3,500 B.K. 500 M.K. Kasama rin nitong nahukay ang ilang gulong na kidkiran ng sinulid na yari sa hinurnong luwad. Isa pang ebidensya ang mga tatak ng tela sa tumigas at kinalawang na kasangkapan at sandatang bakal sa panahong metal na natuklasan sa mga libingang nahukay sa Batangas at Bulakan. Hindi lamang para proteksyon sa init at lamig ang gamit ng kasuotan. Para rin sa kasiyahan ng mga tao at sa kagandahang dulot ng mga hinabing tela na kinulayan at nilagyan ng disenyo. Karaniwang mga kulay na matingkad na bughaw at pula, puti na may pasalit-salit na dilaw, matingkad na kayumanggi o mapusyaw na kulay abo at itim ang gamit ng mga Ifugao, Bontok at Kalinga. Sa disenyo, mahilig sila sa mga guhitan (stripe) na may 2 kulay na salitan. Ang Tboli at Blaan ng Timog Mindanao ay kilala sa ikat may kulay kalawang na pula at itim. Mahilig din sila sa maitim na berde. Sa disenyo, karaniwan nilang nilalagyan ang mga habi ng mga guhit na hayop, dahon at tao. Sa Kabisayaan (Leyte, Bohol, at Samar), bukod sa bahag, tapis at baro, halos katumbas na rin ang kasuotan sa disenyo sa katawan sa pamamagitan ng pagtatatu. Pagsusulat Baybayin Laguna Copper Plate

Panitikang Pasalita Bugtong, Tigmo (Cebuano), Kbui (Ivatan), Tukod-tukod (Tausug) Salawikain Awit Epiko

Pagpapanahon Kalendaryong Ifugao 13 bulan (buwan), 28 algo (araw), bulan nahahati sa 4 na bahagi: Lanup, Nakayang, Nuntamung at Langad. Katumbas ng pagbabago ng anyo ng buwan ang apat na linggong ito. Buwan 1. Tungo 2. Manaba 3. Dawe 4. Dato 5. Okal 6. Amaduyong 7. Keleng 8. Litong Panahon ng Agrikultura Luah Ahilamun Ahiloba Ahidaluh Ahipatang Ahibalin Ahilawang Gawain Pahinga at Kanyaw Paglinis ng Taniman Pagdamo sa Payaw Muling Paglinis Pagtanim Pag-araro Huling Araro, Pag-ayos ng Tubigan, at Paglipat ng Tanim

9. Bisbis 10. Luya 11. Upu 12. Lodo 13. Bakako

Luah Ahi-ago-o Ahi-uma Ahitanum Ahiloba Ahibuhbuh Holdang Ahitulu

Pahinga Pagdamo Paglinis ng Kaingin Pagsunog ng Kaingin Pagtanim ng Kamote, Paglinis ng payoh Paglitaw ng palay Paghinog ng Palay Pag-ani

Mumbaki tawag sa pari na nangangalaga sa kalendaryo ng bayan. Tinatawag din siyang manomnoman (ang palaisip). Kailangan isa siyang mapayapa at maingat na tao, di nakikilahok sa mga gawaing mapanganib. Siya ang nagtatakda ng panahon ng pagtatanim, paglilipat ng pananim, pag-aani atbp. gawain. Tinatandaan ng manomnoman ang mga araw sa pamamagitan ng tali na binubuhol niya araw-araw. Kung may mga mahahalagang kaganapan sa araw, nilalagyan niya ng kapirasong kahoy na may kulay ang buhol ng araw na iyon. III. Pagbubuo ng Kalinangan at Kamalayang Bayan

A. Sandaigdigan ng mga Sinaunang Pilipino Sa pananaw ng mga Pilipino, ang sandaigdigan ay isang kabuuan. Magkasaliw na umiiral sa kabuuang ito ng sandaigdigan ang mga katangiang pisikal at espiritwal. Gayundin, mayroon itong ibat ibang sapin at rehiyon: langit, lupa at ilalim ng lupa. May mga naninirahang mga diyos, diwata, anito, tao, hayop, halaman atbp. mga di pangkaraniwang nilalang sa mga rehiyong ito. Mahigpit ang ugnayan ng mga nananahan sa mga sapin o rehiyon. Maaari silang makapagparoot parito sa anumang bahagi ng sandaigdigan sa pamamagitan ng pagpapalit ng anyo. Bukod dito, naiimpluwensyahan ng mga diwata, anito at ibang nilalang ang buhay ng mga tao sa lupa kung kaya mayroong mahalagang papel ang mga babaylan, ritwal at agimat sa buhay nila. Kasama sa mga rehiyon ang huling hantungan ng mga kaluluwa ng mga namatay; maaaring nasa alinman sa 3 rehiyon ang kabilang buhay. Babaylan o Catalonan mga pari (kadalasan ay mga babae) at tagapamagitan (shaman, avatar) ng mga tao sa samut saring diwata at nilalang na di nakikita. Mga manggagamot at pantas sa pag-uugnay ng tao sa mga diyos at ibang nilalang. May taglay na mga anting-anting, agimat, mutya, orasyon o dasal. B. Kamalayan at Kaugnayan sa Sandaigdigan Ang paniniwala sa ibat ibang rehiyon ng sanlibuatn ay ipinapahayag sa ating wika, sa pagsabi natin na ang isang taong namatay ay sumakabilang buhay na. May buhay na nagpapatuloy sa kabila, sa ibang rehiyon o sa isang lugar na hindi nakikita ng tao sa lupa. Ang hindi namamatay at nananatiling buhay sa kabilang buhay ay ang kaluluwa ng tao. Ang bahaging ito n gating pagkatao kaluluwa ang nakakaugnay sa ibang rehiyon ng sanlibutan, at ito ang tumatawid sa kabilang buhay.

Para sa sinaunang Pilipino, 2 ang bahagi ng ating pagkatao: katawan at kaluluwa. Katawan ang panlabas na anyo, kaluluwa ang panloob na anyo. Magkasama ang 2 bahaging ito habang nabubuhay ang tao sa lupa. Ang Pakikiugnay sa Kabilang Buhay Bilang isang buong konsepto ng sandaigdigan, hindi lamang ang mga nasa lupa ang nakakaugnay sa kabilang buhay, kundi ang mga nasa kabila rin. Ang mga namatay na tao na sumakabilang buhay na ay nakaugnay pa rin sa mga taong nasa lupa. Ang kaluluwa, bilang buod ng buhay ay tinatawag sa ganitong pangalan habang nabubuhay pa ang tao. Kapag namatay ang tao at umalis na ang kaluluwa, iba na ang katawagan dito. Ilokano a-alia, araria at anioa-as; Tausug aluwa; Bisaya umalagad; Tagalog anito. Ang anito o umalagad ay katuwang ng mga tao sa lupa. Sila ay mga kaluluwa o espiritu ng mga nuno na gumagabay sa tao kaya tinatawag ding bathalang katutubo. Ginagawan sila ng imahen at ang kanilang pisikal na representasyon ay tinatawag na tao-tao, bata-bata sa Bisaya, likha o larawan sa Tagalog. Sa katutubong ritwal na mag-anito na isinasagawa ng babaylan, pinag-aalayan ang mga likha. Sa mga mag-anito, ang laging sangkap ay tuba, buyo, alay na hayop (manok o baboy) at pagkain (kanin, saging atbp.). Nakabihis ang babaylan, may putong sa ulo, at nakasuot ng mga palamuting ginto. Ang anito o likha ay pinupunasan ng mga pabango at pinupuri sa mga awit. Sisimulan niya ang pag-awit hanggang sa sapian siya ng anito at magsasalita na sa ibang tinig. Magwawakas ito sa pagpatay sa alay na hayop at maghahanda ng pagkain para sa mga anito na sasaluhan ng mga tao. Pinaniniwalaang ang mga anito ay naglilingkod kay Bathala at may mga sugo upang tulungan ang tao sa kanilang mga pangangailangan, kayat may mga takdang anito sa bawat bagay at gawain: may anito sa bukid, sa ulan, sa digma, sa pagtanim, atbp. IV. Ang Bayan Hanggang sa Pagkabuo ng Sultanato Sa kabihasnang Austronesyano noong 400 M.K., ang lipunan ng kamag-anakan ay pinamunuan ng pinakamatanda sa barangay. Bagamat lumawak ang samahan ng mga barangay (naging kumpederasyon), nanatili ang damdamin ng kamag-anakan sa pamamagitan ng ritwal ng kapatiran (sandugo). Pagdating ng Islam noong 1280, ang pook ng katutubo ay nabago sapagkat mula sa pagiging kasapi ng kamag-anakan sa isang barangay, sila ay napasali sa daigdig ng Ummah (ang lahat ng naniniwala kay Allah) na nakasentro sa Mecca.