You are on page 1of 16

Proyekto sa Filipino II

Pagsulat sa ibat- ibang disiplina

Pinasa ni: Jimwel Bulso Pinasa kay: Gng. Amelia F. Cas

Pagbati

1. Binabati ko ang aking Ate ko na isang maligayang kaarawan, kahit na hindi mo sinasabe ang edad mo ay sana marami pa ang biyayang dumating sa iyo. 2. Binabati ko ang pala ang Ate Katherine ko na bagong kasal. 3. Maligayang kaarawan sa aking pinsan ko na si Kenneth 4. Binabati ko nga pala ang Tito ko dahil sa kanilang bunso na nakakapanganak pa lamang. 5. Isang masayang pagtatapos sa aking pinsan na si Kim sa elementarya na ngayong taon ay nasa hayskul na.

Mensahe
1. Nagpapasalamat ako sa king nanay na kahit anong sobraang pasaway ko ay inuunawa parin nya ako. 2. Humihingi nga pala ako ng tawad sa tatay ko na minsan sinasagot ko sya. Pag lasing ko lang naman siya sinasagot ng pabalang pero mali parin ako.

3. Sa kuya ko sa Dubia na mag-ingat siya palagi at alagaan niya ang kaniyang sarili. 4. Sa ninang ko na pumunta dito sa bahay kaylan lang, saying di nakita naabutan upang kamustahin ka at magpasalamat

5. Salamat sa mga Kaibigan at kamag-aral ko, nakalipas at kasalukuyan dahil kahit may problema ay napapasaya ninyo ako.

Tula:
DAAN

Tatahakin nating daan ng buhay ay mahaba. Pagdaan natin dito ay puno ng ala-ala, Masaya kapag may kasama sa paglakad natin, Sa pag-iisa kalungkutan mararanasan din.

Lubak at pataas na daan hirap ang nakita, Pero sa patag at pababa buhay ay ginhawa. Kung sa tingin natin daan ay walang katapusan, Dulo parin nitoy kamatayan ang nakaabang.

Pick- up Lines

1. Umamin ka na kasalanan mo! Bakit? Na minahal mo rin ako!. 2. Sana ang pag-iibigan noon ay tulad rin ngayon Bakit? Para mahawakan ko lang ang kamay mo, ikakasal na tayo!.. 3. Sana gumabi na. Bakit? Tumingin ka lang sa langit makikita mo na kung gaano kaningning ang pagmamahal ko sayo.

4. Pag kasal na tayo dapat apat ang anak natin. Bakit? Para four- ever din ang pagsasama natin. 5. Hindi mo ba narinig ang announcement ko kanina para sayo? Bakit? Uulitin ko, Calling the attention of my crush please proceed to my hear, immediately. 6. Kung mahal mo talaga ako sabihin muna! Bakit? Baka kasi maunahan kita kiligin ka pa!.. 7. Makasarili ka! Bakit?

Nasayo na ang lahat, pati puso ko nasayo narin. 8. Pag nagkabahay tayo dapat Mushroom. Bakit? Para mushroom- mantic! 9. Ayokong magsulat tungkol sa buhay ko. Bakit? Ayoko kasing malaman nila na ikaw ang buhay ko. 10. Kaya ko silang murahin.

Bakit? Pero ikaw lang ang kaya kong mahalin.

Panuto
Paggawa ng Paper Parachute
Materyales: Sinulid, Tissue o anumang papel na malambot, at isang laruan tulad ng sundalong maliit na hindi kabigatan. Kagamitan: panukat at gunting Una, pumutol ng apat na sinulid na may habang 10in. Ang dulo ng sinulid ay itali sa bawat sulok ng papel. At saka pagsama- samahin ang isa pang dulo ng sinulid at itali ito. Sunod, pumutol ng 6in. nah aba na sinulid at itali ito sa mga pinagsama- samang sinulid. Ang isa namang dulo ay itali sa sundalong laruan at gawa na ang iyong Paper parachute. Paano gamitin?: hawakan ang ibabaw sa gitna ng parachute ihagis ito pataas at tingnan ang mabagal na pagbaba at paglangoy nito sa hangin.

Adbertisment

Kinukuha ang atensyon ng lahat ng mga magaaral may ngipin o wala! What: Field Trip

Where: Intramuros, Chocolate hills, National Museum at


Swimming

When: Sa darating na Agosto 30, 2010

Miscellaneous: Bring extra money and clothes, foods and swimming


attire

NOTE: Ang deadline ng bayaran ay sa ika-20 ng agosto kaya magbayad na


kayo.

Maikling Kwento:
Mang Estong
MALAT ang tinig na binasa ni Mang Estong ang kanyang tula sa harapan naming mga kasama niya sa KAPILING, isang samahan ng mga manunulat sa London. Kamanunulat na Pilipino sa Inglatera ang ibig sabihin ng Kapiling. Ngunit dahil marahil sa magpipitumpung taon na si Mang Estong, tila hindi na siya makabigkas nang maganda. Bukod sa malat ang tinig niyay hindi na niya gaanong mabigyang-buhay ang tulang binabasa o binibigkas. Gayunmay dinig kong mahusay naman ang sinulat na tula ng matanda. Nang kabataan daw ni Mang Estong ay mahusay siyang mambibigkas. Luma raw ang kanyang mga kababatang makata sa kanilang lalawigan. Kung malungkot ang tulay kaya niyang magpaiyak, at kung nakatatawa ang tula, kaya niyang magpahalakhak. Ayon kay Jennifer, ang editor ng Pinoys Courier dito sa London at

kamembro namin sa Kapiling, sinira raw ng alak ang tinig ni Mang Estong. Subalit bukod sa makatay kuwentista at nobelista pa raw si Mang Estong, sabi niya. Jenny, bakit mo alam na sobra kung uminom at sinira ng alak ang tinig ni Mang Estong sa pagbigkas? tanong ko. Nakakausap ko kasi siya, at naipagtapat niya sa akin, kumindat siya, malakas daw siyang uminom lalo na nang kabataan pa niya. Uy, mukhang friend mo siya, ha? E, nakikipagkaibigan siya e. Talaga, ha? Alam mo namang hindi ako suplada, ngiti ni Jenny, saka mabait naman siya. Baka may gusto sa yo, biro ko. Balo yon, di ba? Ay, no ka ba? Pag nagkataon, magkakaroon ka ng boy friend, at

the same time, may Daddy ka pa.


E, ano namang masama non, nakatawa si Jenny,

wala siyang asawa at dalaga naman ako! Tinutudyo ko si Jenny dahil sa hindi ang pagkamakata at pagkamanunulat ni Mang Estong ang umuukilkil sa isip ko. May lumalaganap na balitang pilyo raw siya sa tsiks. At ang mga tsiks na nabibiktima niya ay pawang mga bata pa. Halos kakalahati o sasangkatlo ng edad niya ang pumapatol sa kanya. At si Jenny na dalaga at dalawamput walong taon lamang ay halos sing-edad ng misis ko. Kaibigang matalik namin ng asawa ko ang diyurnalistang ito. Gusto namin siyang paalalahanan. Papaano kaya nagagawa ni Mang Estong na bumingwit ng kay babatang dalaga? Nagtataka ako, hindi naman siya guwapo. May gayuma yata sa babae. O baka naman kaya dahil sa mayaman si Mang Estong. Kasi retiradong Bar Tender siya sa London Hilton. Malaki raw ang kita ng Bar Tender nang panahon niya sa otel. Nakabili raw siya ng isang four-bedroom house,

ipinagbili niya ngayong maedad na siya, at bumili na lamang ng isang munting flat. Mukhang malaki ang naipon ni Mang Estong. Limpak daw ang deposito niya sa Building Society. Anuman ang talagang dahilan ng pamimleyboy ni Mang Estong, basta gusto namin ng misis kong babalaan si Jenny. Jenny, nais naming paalalahanan ka tungkol kay Mang Estong, turing ni misis, mukhang malapit na malapit ka sa kanya. E, maano naman yon, sagot niya, nakikipagkaibigan lamang naman yong tao. Alam mo ba ang lumalaganap na usap-usapan tungkol sa kanya? tanong ko. Ano yon? nakatingin sa amin si Jenny. Parang worried na worried kayong magasawa. Playboy daw si Mang Estong, sabi ni misis, at maraming nabibiktimang mga babaeng simbata mo at ang ibay mas bata pa sa iyo. Worried kami sa yo dahil matalik ka naming kaibigan. Ano ba naman kayo, napahagikhik si Jenny, ang

tanda-tanda na nong tao, saka hindi naman lumiligaw sa akin. Baka naman tsismis lang ang nasasagap nyo. Basta gusto naming mag-ingat ka, aniko, ayaw naming may pagsisihan ka sa bandang huli. O, sige, salamat sa mga paalaala ninyo, nakangiti ang magandang kaibigan namin, mag-iingat na po, promise! Alam namin ng misis kong hindi nababahala si Jenny sa kabila ng aming mga paalaala. Tuloy siya sa pakikipagmabutihan kay Mang Estong. Hindi kami tumigil, malimit na sinusubaybayan namin si Jenny, lalo na kung alam naming kasama ang matandang palikero. Sa isang restorang-Pilipino sa Earls

Court nasubaybayan namin si Jenny. Nakakuha kami


ng impormasyon na kakatagpuin daw niya roon si Mang Estong. Maagap kaming dumating ng asawa ko sa Earls Court, sa hindi kalayuan sa restoran. Binantayan namin si Tandang Estong at si Jenny sa isang kubling lugar, sa isang parke na may upuan, hindi kami makikita.

Lumipas ang ilang minuto, nakita naming dumarating ang kotse ni Mang Estong na pumarada sa harap ng restoran. Umibis siya sa sasakyan. Magara ang bihis ng matanda. Dahil sa summer, nakabarongTagalog at brown ng pantalon. Mas batang tingnan kaysa talagang edad niya. Pumasok siya at naupo sa isang mesang malapit sa bubog na dingding. Transparent ang dingding at nakikita ang mga tao sa loob. Sa kinaroroonan namin, kitang-kita si Mang Estong. Kapagkuwan, dumating si Jenny na sakay ng isang mini-cab. Ang ganda-ganda niya. Sa soot niyang bestidang dilaw na walang manggas ay litaw na litaw ang kanyang kaputian. Katamtaman ang taas ng takong ng soot niyang sapatos. Nasok si Jenny sa loob ng restoran at naupo sa katapat na upuan ni Mang Estong. Lumapit ang waiter at nakita naming nag-order sila ng kakanin at iinumin. Ling, masayang-masaya sila, puna ni misis. parang may relasyon na yata sila. Mag-obserba pa tayo, sabi ko, baka naman magkaibigan pa lang. Sige, hindi tayo aalis hanggat hindi sila lumalabas

ng restoran. Nakita naming nagtatawanan at nagtutuksuhan ang dalawa habang kumakain. Tila ba malapit na malapit ang damdamin nila sa isat isa. Gusto ko nang maniwalang si Jenny ay magiging biktima ng kapilyuhan sa babae ni Mang Estong. Nagpatuloy kami ng pagmamasid. Nabaghan kami nang makita naming nakahawak si Mang Estong sa kamay ni Jenny. Mayamaya lamang ay tumayo at lumabas na ng restoran ang dalawa. Sa labas, bago sumakay ng kotse si Mang Estong ay ginawaran niya ng halik sa pisngi ang dalaga. Tumawag si Jenny ng taxi at umalis na rin. Sa loob-loob ko, marahil naghiwalay sila ng sasakyan upang hindi mahalata na talagang magsiyota na sila. Nahihiya rin marahil sa kapuwa Pilipino dahil sa agwat ng kanilang mga edad. Datapwat kung talagang tunay na umiibig sila sa isat isa, hindi sila dapat na mahiya.