P. 1
Celebrity Students

Celebrity Students

|Views: 142|Likes:
Published by maikobaysa
Ang pamanahong papel na ito ay binuo bilang huling pamantayan sa asignaturang Filipino II. Ito ay akda ng mga mag-aaral ng UST BSN 1-12 taong akademiko 2008-2009 sa patnugot ni Prof. Zendel Rosario M. Taruc. Maaaring kumuha o kumopya ng mga detalye mula sa akdang ito kung bibigyan ng karampatang pagkilala ang mga may-akda. Maraming salamat po! :)
Ang pamanahong papel na ito ay binuo bilang huling pamantayan sa asignaturang Filipino II. Ito ay akda ng mga mag-aaral ng UST BSN 1-12 taong akademiko 2008-2009 sa patnugot ni Prof. Zendel Rosario M. Taruc. Maaaring kumuha o kumopya ng mga detalye mula sa akdang ito kung bibigyan ng karampatang pagkilala ang mga may-akda. Maraming salamat po! :)

More info:

Categories:Types, School Work
Published by: maikobaysa on Mar 19, 2009
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

02/06/2011

pdf

text

original

UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS

Kolehiyo ng Narsing
Taong Akademiko 2008-2009

CELEBrology : Isang pagsusuri sa Karera at Pag-aaral ng mga Celebrity Students
Nina: Baysa, Maiko Kaye U Bernardo, Rose Marie Ann A. Bumanlag, Lady Clarrise C. Evangelista, Kirpatrick R. Morales, Isidoro Gabriel N. Teves, Jose Gabriel P . Unibersidad ng Santo Tomas, Kolehiyo ng Narsing, BSN 1-12 sa patnubay ni Gng. Zendel Taruc, M. Ed. Ika-10 ng Marso, 2008

I.Mga Kaugnay na Babasahin/ Literatura A. Layunin Layunin ng pamanahong papel na ito na talakayin ang buhay at mga gawi ng mga celebrity students. Dito ay mabibigyang-pansin ang kanilang pagkakaiba nila sa mga ordinaryong estudyante na di gaya nila ay sa pag-aaral lamang nabubuhos ang lahat ng oras. Gayundin, layunin nito na mas lalo nating maintindihan ang mga isyu na kinakaharap ng mga Celebrity Students gaya na lang ng pamamahala ng oras at kung paano nila binibigyang solusyon ang mga ito. B. Kahulugan ng Celebrity Student A celebrity is one who is popularly honored for some signal achievement: sought after by media/mass. ( Webster’s Third New World International Dictionary, 1993). Sila ay mga mag-aaral na kasalukuyang naka-enrol sa isang paaralan gayundin, sila rin ay mga artista, atleta, o modelo ng komersyal na sikat at madalas makita sa telebisyon, entablado at mga magazines. C. Mga Halimbawa ng Celebrity Students

Sina Chis Tiu, Robi Domingo, Iya Villania, Bianca King, Nikki Gil, Andi, Enchong Dee, Dylan Ababou, Jervy Cruz, Harry Santos, at LJ Reyes ay ilan lamang sa mga kilalang celebrity students sa ating bansa. Sila ay maaaring maging isang actor/aktres, atleta o modelo at kasalukuyang nag-aaral o kumukuha ng digri sa kolehiyo. D. Mga Isyu ng Isang Celebrity Student Time management, privacy, tsismis, academic achievements, working relationship sa talent manager at relasyon sa pamilya at sa kaibigan ay ilan lamang sa mga isyung kinakaharap ng mga celebrity students. Ang ilan ay halos matuyo ang utak kakaisip dahil sa matinding iskedyul. Marami rin silang pressure na nararamdaman bilang estudyante bukod pa sa pagiging isang celebrity. Mayroon din silang takot na nararamdaman dahil hindi nila alam kung ano ang dapat asahan sa kanila ng mga manonood at ng kanilang mga propesor. Ginagamit din nila ng tama ang kanilang oras. Dahil sa kanilang mahusay na pamamahala ng oras, nakakaya pa nilang makagawa ng kanilang mga takdang aralin at makapagbasa ng kanilang mga leksyon. Ginagamit din nila ang break nila sa pagitan ng bawat eksena upang mag-aral. Kahit gaano katindi ang iskedyul ng mga celebrity students, pag-aaral pa rin ang mas nangunguna nilang prayoridad. Dahil determinado silang silang matapos, nagagawa nilang pagsabayin ang pag-aaral at ang kanilang trabaho. Sa eskwelahan, wala silang natataggap na “special treatment” mula sa kanilang mga propesor. Ang mga natututunan nila sa pagiging estudyante ay naisasagawa nila minsan sa pagiging celebrity at ang natututunan nila sa set o court ay minsan naisasakatuparan din sa pagiging mag-aaral.( Candy Magazine, 2007 ) Ang pagtatrabaho ( pagiging artista, atleta, modelo, vj, dj) ay hindi rin nila mabitawan sapagkat itinuturing nila ito bilang “outlet” upang maging masaya sa buhay natututo silang ngumiti kahit na gaano pa katindi ang pagod, inis o gutom na kanilang nararamdaman. Mas kinukuha nila sa kanilang mga karanasan ang mga magagandang bagay at nakalilimutan ang mga masasamang pangyayari dahil sa tindi at bigat ng kanilang iskedyul. Hindi rin nawawala ang tsismis sa buhay ng isang celebrity student. Sa propesyong pinili nila kailanman ay hindi mawawala ang intriga. Totoo man ito o hindi ay nakakaimpluwensiya ito sa kanilang Panayam kay Robi Domingo (Jan 18,2009) career at imahe kaya’t aminado ang iba sa kanila na sila’y naaapektuhan nito lalo na kung hindi naman totoo ang mga intriga. Bukod sa mga intriga at tsismis, may mga isyu rin sila pagdating sa relasyon nila sa kanilang pamilya at kaibigan. Dahil sa kanilang kasikatan at busy schedule, hindi maiiwasan na mas mabigyan nila ng oras ang kanilang trabaho at pag-aaral kaysa sa kanilang pamilya at mga kaibigan . Ngunit sa kabila nito, may mga celebrity students na talagang humahanap ng bakanteng oras para lang makasama ang kanilang mga mahal sa buhay dahil nais rin nila na magpaghinga at

magkaroon na rin ng bonding time kasama ng kanilang mga mahal sa buhay.

E. Mga Adbentahe ng Pagiging Isang Celebrity Student • • • • • • • libreng tiket sa sine at konsyerto libreng pananamit backstage passes endorsements gift checks panayam sa mga lokal at internasyonal na artista pagkakaroon ng tagahanga F. Mga Disadbentahe ng Isang Celebrity Student • • • • • • kawalan ng privacy hindi agad makatapos sa pag-aaral kaunting oras sa pagtulog kahirapan sa paghahanap ng mga kagrupo bunga ng busy schedule pag-ikot ng buhay sa trabaho at pag-aaral lamang hirap sa paghahanap ng tunay na kaibigan

II. Mga Paglalahad ng Sariling Pag-aaral A. Metodolohiya I. Pamamaraan Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng panayam. Gumawa ang mga mananaiksik ng mga katanungan na sumasagot o sumusukat sa mga isyu na may kinalaman sa buhay at gawi ng isang Celebrity Student. Kabilang na dito ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pamamaraang isinasagawa ng mga respondente. Kinapapalooban ng mga katanungan ang mga iba’t ibang isyung kinakaharap ng isang Celebrity Student. Ang mga isyung ito ay ang pagbabalanse ng oras (time management), mga adbentahe at disaadbentahe (advantages and disadvantages), epekto ng pagiging isang Celebrity sa pag-aaral, mga natatamong pribilehiyo (privileges), at mga plano pagkatapos mag-aral. Sa mga katanungang kaugnay ng pagbabalanse ng oras tullad ng “Paano mo hinahati ang iyong oras?”, tinatalakay ang mga paraan na ginagamit ng respondente upang mapakinabangan ng tama ang kanyang oras. Nakapaloob dito kung kailan at paano siya nakapagaaral ng mga leksyon sa kabila ng pagiging abala sa mga gawaing may kinalaman sa pagiging Celebrity. Nakapaloob naman sa Adbentahe at Disadbentahe ang mga espeyal na bagay na tinatamasa gayun din ang mga di kaaya-ayang bagay mula sa mga taong nakapaligid sa kanya sa loob at labas ng paaralan. Ang mga taong ito ay kinabibilangan ng mga kaibigan, kamag-aral, mga guro at mga taong nakakikilala sa kanila gaya ng mga fans.Ilan sa mga katanungang, “Anuano ang mga natatanggap mong adbentahe mula sa mga guro, kamag-aral at mga taong

nakapaligigd sayo?” ay kabilang sa isyung ito. Sa mga katanungang may kinalaman sa mga epekto ng pagiging isang Celebrity sa pag-aaral gaya ng “Ilang beses mo kinailangang lumiban sa klase dahil sa isang appointment?”, tinatalakay ang mga posibleng bagay o salik na nakaaapekto sa pag-aaral ng respondente. Maaaring kawalan ng oras at iba pang responsibilidad na naka-ukol sa kanyang career bilang isang public figure. Sa mga katanungang kaugnay ng mga plano pagkatapos ng pag-aaral, inilalahad ang mga nais gawin ng mga respondente pagkalipas ng kanilang digri sa kolehiyo. Tinatalakay din dito kung ipagpapatuloy ba ng respondente ang kanyang career o bibigyang prayoridad ang natapos na kurso at magtatrabaho ayon sa napiling bokasyon. Nabibilang sa isyung ito ang mga katanungan gaya ng “Ipagpapatuloy mo ba ang pag-aartist/pagiging atleta/pagiging modelo o magbibigay-tuon ka sa kursong iyong natapos?” Ang mga katanungan ay nabuo sa pamamagitan ng pagkalap ng mga impormasyon mula sa mga naunang pag-aaral at mga nailathalang panayam sa na may kaugnay sa isinasagawang pananaliksik. B. Respondente/ Sabjek Ang mga napiling sabjek sa pag-aaral na ito ay mga artista, atleta o modelo na kasalukuyang kumukuha ng digri sa kolehiyo sa taong akademiko 2008-2009. Ang mga nakapanayan ng mga mananaliksik ay sina Robi Domingo, Dylan Ababou at KC Hollmann. Pinili ang mga respondente ayon sa ilang mga espesyal na konsiderasyon ayon sa Panayam kay KC Hollmann (Mar 1, 2009) kanilang Academic Standing at uri ng involvement sa Media. Kinapanayam ng mga mananaliksik ang naturang mga Celebrity ayon sa itinakdang oras at panahong naaangkop sa oras ng sabjek. Sa kabuoan, mayroong tatlong respondente ang pag-aaral ng mga mananaliksik. Ayon sa ilang pag-aaral, ang pagiging isang College athlete ay nangangahulugan ng maraming pribilehiyo partikular sa mga taong nakapaligid sa kanya. (N. Tyler, dailytrojan.com, Dec 2008) “Nung makapasok ako sa Varsity Team ng UST, hindi ko naman inaasahan na ganito kalaking atensyon yung ibibigay ng mga tao sakin lalo na dun sa mga hindi ko kilala.” Ayon kay Dylan Ababou, isa sa mga kilalang Varsity ng basketball ng Unibersidad ng Santo Tomas. Ang mga simpleng pagbati sa kanya habang siya ay nasa loob ng Campus ay kabilang sa mga bagay na hanggang ngayon ay kinamamanghaan parin ng atleta buhat sa pagiging aktibo sa larangan ng isports. Dumarating naman ang mga pagkakataong madali para sa nakararaming Celebrity Student ang pakikiusap para makakuha ng ilang mga konsiderasyon ng mga taong nakapaligid sa kanila lalo na sa paaralan, ayon mismo sa pahayag ng mga sabjek ng pag-aaral na ito. “I’m so thankful I have very considerate teachers who gives me chances to take the exams kahit pa absent ako that day. May mga araw kasi na talagang 24-hours ang isang photoshoot.” Kwento ni KC Hollmann, isang modelo at Commercial model. Ayon sa kanya, ang pagiging isang Celebrity Student ay ginagawa niyang daan upang mabigyang inspirasyon ang ibang kabataan at ipakita sa kanilang ang oras ay isang bagay na kayang isaayos ayon sa interes at

importansya ng mga gawain. Ngunit sa ibang mga kaso,ang pagiging kilala sa larangan ng media ay hindi isang dahilan para mabigyan ng mga espesyal na atensyon sa ibang bagay. Kadalasan, sila ay nauuri paring kahanay ng mga taong kanilang pinakikisamahan. (J. Mendoza showbizandstyle.inquirer.net, 2008) “Maraming nag-iisip na baka nakakakuha ako ng matataas na grade dahil artista ako or what, pero hindi nila alam, hindi ako nakaka-receive ng special treatments from my professors. Pinaghihirapan ko din naman yung mga grades na yon. And, sa school, there are this so-called ‘Elististas’, they don’t care if you’re a celebrity or not. So hindi rina ko nakakatanggap ng special treatments from people around me gaya ng inaakala ng iba.” Paglaahad ni Robi Domingo, first runner-up sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus, TV host at Product Endorser. Ayon sa 19-taong-gulang na Celebrity, nananatili ang normalidad ng kanyang buhay at hindi niya hinahayaang maging dahilan ang kanyang kaugnayan sa media na makaapekto s pagiging aktibo sa klase. Para sa kanya, edukasyon ang pinaka-importanteng bagay na pang-hahawakan ng isang kabataan maging Celebrity man siya o hindi. C. Presentasyon ng mga Datos

Robi Domingo

Dylan Ababou

KC Hollmann

Adronico.wordpress.com

Facebook.com

Flickr.com

1. Oras/Panahon ng Pagtatrabaho 2. Panahong ginugugol sa pagtatarabaho 3. Panahon kung kailan nakapag-aaral 4. Sanhi ng pagliban sa klase

Kadalasang arawaraw Ayon sa napagkasunduang iskedyul. Habang papunta sa set o sa paaralan Mga rehearsal o pictorials na natataon sa oras ng klase.

Kapag may nalalapit na kompetisyon 8 oras o higit pa lalo na kung may nalalapit na laro. Bago magsimula ang klase Mga kompetisyon o naka-iskedyul na training

Kung kailan may appointment Umaabot ng buong araw kung kinakailangan. Kapag walang appointment o photo shoot na nakaiskedyul Matagalang photo shoot o commercial

5. Mga bagay na bibigyang tuon pagkatapos ng pag-aaral ng Kolehiyo

Pag-kuha ng digri sa Medisina

Pagpapatuloy ng career sa Basketball

Pag-aabroad upang magtrabaho o Pagkuha ng digri sa Medisina

Makikita sa datos ang ilan sa mga kasagutan ng mga respondente ayon sa kanikanilang mga iskedyul. Tinalakay ng mga sabjek sa mga mananaliksik kung paano nila kinahaharap ang mga bagay na may kaugany sa kanilang pag-aaral at propesyon at kung paano nila ginagampanan ang pagiging mag-aaral at pagiging artista, modelo o atleta sa pareho o limitadong oras. Nakapaloob din dito ang mga bagay na nais pa nilang makamit pagkatapos ng pag-aaral sa Kolehiyo. Ayon sa panayam, kadalasang trabaho ang pinag-lalaanan ng oras ng mga respondente at naipapasok na lamang ang oras ng pag-aaral sa mga pagkakataong walang ginagawa o sa oras ng pagbibigay ng break. Halimbawa nito ang pag-aaral ni Robi Domingo, na kumukuha ng BS Health Care sa Ateneo de Manila University, sa loob ng kanyang sasakyan para sa susunod na klase o habang papunta sa set. Gumigising naman sa madaling araw ang atletang si Dylan Ababou mula sa AB Behavioral Science para balikan ang mga tinalakay na leksyon bago siya magsimula ng warm-up para sa training. Sinasamantala naman ng modelong si KC Hollmann, na kumukuha din ng kursong Narsing sa Far Eastern University, ang mga araw na wala siyang naka-iskedyul na appointment upang masinsinang makapag-aral para sa mga susunod na talakayin. III. A. Kongklusyon Mahihinuha mula sa pakikipag-ugnayan ng mga mananaliksik sa mga respondente na kahit gaano katindi ang iskedyul ng mga nakapanayam naming celebrity students sa kanilang mga trabaho, mas prayoridad pa rin nila ang kanilang pag-aaral.. Naniniwala sila nana darating ang panahon na sila’y makatatapos dahil sa kanilang determinasyon. Pagdating naman sa kanilang trabaho, makikitang mahal nila ang kanilang ginagawa dahil sa halip na maging pabigat ito para sa kanila, ginagawa nila itong isang uri ng recreation. Lingid sa kaalaman ng iba na kapag nakakukuha si Robi Domingo ng “C” sa kanyang mga leksyon ay nagpapanik na siya. Bagamat sikat na sikat na siya ay wala siyang natatanggap na special treatment sa kanyang mga propesor at kamag-aral. Inaakala ng ibang tao na suplada o Panayam kay Dylan Ababou (Jan 29 2009) mayabang ang mga modelo at varsity players. Pinatutunayan nina Dylan Ababou at KC Hollman na magaan lamang kausap ang mga tulad nila. Mahusay na time management ang susi sa kanilang trabaho at pag-aaral. B. Rekomendasyon

Bigyang pansin ang mga detalye ng pagkakahati-hait ng oras ng bawat Celebrity Student sa iba’t-ibang bagay na pinag-lalaanan nila ng oras. Ituon ang pag-aaral sa pagitan ng Career at kursong napili sa kolehiyo. Magkaroon din ng sapat na oras para obserbahan ang pakikitungo ng Celebrity Student at alamin ang mga dahilan kung bakit sila nakatatanggap ng mga pribilehiyo mula sa iba’t ibang taong nakapaligid sa kanila. Itala ang mga suliraning kinahaharap ng bawat Celebrity Student sa aspetong personal, akademiko at iba pang kaugnay dito at ilahad ang mga solusyong ginagawa o ginagamit ng bawat respondente. Sa mga nagnanais na ipagpatuloy ang ginawang pag-aaral, ang suhestyon ng mga mananaliksik ay maglaan ng mas matagal na panahon upang magkaroon ng detalyadong mga sagot mula sa mga respondente. Lubos na makatutulong ang mga detayle na ito dahil magkakaroon ng mas malalim na analysis sa naturang pag-aaral. C. Bibliograpiya
http://showbizandstyle.inquirer.net/sim/sim/view20081123-173870/youngandfamous http://www.igma.tv/story/4268/An-Eager_Learner November 2008 Issue, S magazine Candy Magazine, December 2007 Issue. Volume 8 No.9 Candy Magazine, January- February 2006 Volume 7 No.1 www.dailytrojan.com www.southmilwaujeehow.com/story/indez.aspx?id=816224 www.merinews.com/catfull.jsp?articleID=137014 www.dailybruin.uda.edu/archives/id/23060 www.suffolkedu/college/16193.html www.stjoennews.net/news/2008/aug17/poet-actress-gifted-student/?diem Candy Magazine, March 2008 Volume 9, No.2 Star Studio Magazine Candy Magazine, April 2007, Vol8 No.3 http://media.www.wrighttimes.net/media/storage/paper1129/news/2008/11/01/ArtsCulture/MeetJennifer.Klebba.Actress.President.Student-3521753-page2.shtml

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->