You are on page 1of 282

DOWNFALL CHRONICLES

PLEASE DONT CLAIM THIS AS YOUR OWN STORY. And please dont redistribute this without asking permission. THANK YOU. ENJOY!

www.jonaxxstories.blogspot.com
Lovelots, Jonah(jonaxx)

Probably, the person who can experience a series of HEARTACHES from ONE PERSON (only) in a long period of time... is the DUMBEST of all!

But it cant be helped. I cant help it. It's just that simple... I CAN'T DAMN HELP IT!

START Serene Cruz Sa isang gabing maulan at madilim, Nagsimula akong magkagusto kay Daelan Tanseco noong Grade 3 pa ako! Nang nagkaroon kami ng Girl Scout and Boy Scout Camp! Kami ni Sophie ang magkasama noon! Hindi sana ako papayagan ni Mama at Papa dahil bumabagyo noon at takot ako sa kulog, kaya lang pinilit ko sila at sinabi kong nandyan naman si Crayon - ang aking pinsan. Kahit ngayon, malinaw parin sa alaala ko ang mga nangyari sa gabing yun! Since kinder, classmate ko na si Dae. Tahimik siya. Saka lang siya nagsasalita o nagiingay kapag kasama niya sina Grey, Crayon, Valen, at Drake; kaya naman hindi ko na lang siya pinapansin. Pero I think... something is something with him. I don't know but I feel like there is something in him that I can't resist... or maybe something between us! Hindi naman kami nagpapansinan, pero I still notice him. Or maybe, talagang hindi niya ako pinapansin! HEHE. Pero, saka ko lang narealize kung ano yung nararamdaman ko sa kanya pagkatapos nang gabing yun. Walang ulan pero madilim. Mga flashlight at ilaw na galing sa mga teachers namin ang maliwanag. May mga tent na rin. Lumabas kami ni Sophie para maglakadlakad nang biglang kumidlat at kumulog ng napakalakas. I can`t help but run away. OO,

NAKAKATAKOT! Natatakot ako sa kulog! Si Sophie naman ay natakot sa akin dahil baka saan ako mapunta, so she called the teachers! She informed my cousin! And me? I'm running away with myself on the forest! NABIGLA AKO, at ganito ako kalala. I CAN'T HELP IT! Ewan ko kung bakit ako napunta sa isang napakalaking kahoy. I hid myself on its roots. It rained hard, and I don't know what to do. Umiyak ako ng umiyak. Kasabay ng pag-iyak ko, ang kulog at kidlat!

"Ano? Tumakbo si Serene!?" "Oo! Teacher, she headed that way!" Nagsimula nang humupa ang ulan. Parang flash rain lang yung nangyari pero nagpatuloy ang kulog at kidlat. May nakita akong anino, and I saw a familiar face. "Dae." Hikbi parin ako ng hikbi. He handed his hand. "Hinahanap ka na nina teacher at nina Crayon. Halika na! SUMAMA KA SAKIN!" His face was light for me at that time. "P-pero," Kumulog ng malakas! I cried and he hugged me. "Wa'g kang mag-alala, andito lang ako." He was always cool since forever. Matagal din akong naghintay, pero kahit may kumukuha na sa akin ngayon... I still doubt. Baka matamaan kami ng kidlat! "Kanina ka pa naghihintay diba?" He wiped my tears, "andito na ako. Halika na!" Hinawakan niya ang nanginginig kong kamay then we both ran away. THAT WAS THE HIGHLIGHT OF MY ELEMENTARY YEARS! Yes, because after that... there was nothing but NOTHING! Simula noon, nagustuhan ko na si Dae. Si Dae na walang alam kundi magsuplado at manlait! Kailangan ko pang tanggapin ang masaklap na katotohanan na ganun ang ugali ng lalaking nagustuhan ko. Pero kung gaano ka sahol ang pag-uugali ng Dae na yan, ganon din ka gwapo ang mukha niya. Habang tumatagal, lalo siyang gumugwapo. Maybe I am just hooked with his beauty! When we reached Grade six, we were still at the same class. At nag-aalala akong baka hindi ko masabi sa kanya ang nararamdaman ko hanggang gumraduate kami. VALENTINE'S DAY of our Graduating year nang napagdesisyonan kong bigyan siya ng love letter! "Serene, sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo?" "Oo, Sophie! This is it!" Sabi ko. "Pero, baka ipabasa niya yan kahit kanino!" "huh? Hindi naman siguro, Sophie." I frowned.

Si Sophie - hanggang ngayon, bestfriends parin kaming dalawa. We share almost the same attitude, kaya lang mas private lang siya at may pagkaseryoso minsan. "Hoy, Serene! Love letter ba yan?" Tanong ng pinsan kong si Crayon. "Huh? H-Hindi ah!" "Naku! Hindi ka parin talaga marunong magsinungaling! Akin na nga!" Agad kong tinago ang loveletter at kinaladkad si Sophie. Yung walang hiyang Crayon na yun talaga! Baliin ko kaya yung leeg nun! Pasalamat siya`t pinsan ko siya! "HOOOY! Serene, para kanino ba `tong love letter?" Lumingon ako kay Crayon habang ipinapakita ang pinaghirapan kong love letter. Malayu-layo na rin ang narating namin ni Sophie sa paglalakad, pero kitang kita ko ang malalaking hearts sa labas ng envelope! Kitang kita ko rin sina Dae at kanyang mga kasama na inuusisa ang love letter ko. WITH THEIR EVIL SMILE! NOOO... NO. No. NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO~!

1st Fall Serene Cruz: Makikita mo, Dae!

"DEAR DAE!" Pangalawang ulit nang binasa ni Crayon sa harapan ko ang loveletter na para kay Dae. IIYAK NA TALAGA AKO, kaya lang tinitingnan ko ang reaction ni Dae. May gusto rin kaya siya sa akin? Habang nagtatawanan sila (kasama si Dae), mas lalo kong narerealize ang dalawa kong problema! UNA: MY DAMN LOVE LETTER WAS EXPOSED IN FRONT OF DAELAN! PANGALAWA: NAIIHI NA AKO SA KABA!!!!!! "Se-Serene!" Sophie whispered at me. ALAM KO! Umihi na ako. And we were just Grade six, I mean we are ALREADY at the 6th GRADE! "HAHAHAHAHA!" "HAHAHAHAHAHA!" "HAHAHAHAHA! Naihi si Serene dahil sa kaba!" Sabi ni Valen.

"Nakuuuu! Matuturn off si Dae nyan!" Sabi ni Grey. "Hoy Serene! Wa`g mo nga akong ipahiya sa harap ng mga kaibigan ko! Nakakadiri ka naman! HAHAHA~!" At sumama pa sa kantsawan ang walang hiyang pinsan ko! Lumapit si Dae sa akin. OMGEEE, Ba`t pa `to nangyari sa oras na magtatapat ako kay Dae? Nakakahiya! Basang-basa ang lower school uniform ko. Si Sophie naman, tahimik lang sa tabi at mukhang siya pa ang nahihiya sa nangyari sa akin. Linapit ni Dae ang bibig niya sa tenga ko. Kinakabahan ako. Kabadong-kabado ako. Parang lalabas na ata ang puso ko sa dibdib ko. I`m excited! Anong sasabihin niya? "Nakakahiya ka." He whispered gently. Ugh. My eyes started to produce tears. Tinalikuran niya ako at umalis silang lima sa harapan ko. Ilang sandali ang nakalipas, narealize ko na ang mga taga ibang section pala ay nanood sa lahat ng nangyari at hindi sila nagreact kanina dahil nandoon pa sina Dae. Kaya naman ngayon, puno ako ng kantsawan! Hinila na lang ako ni Sophie papuntang clinic at siya na rin ang kumuha ng damit ko sa bahay namin. Nakatunganga lang ako at hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. "Napaka bobo ko talaga! Ba`t ko ba ginawa yun?! GRRR..." "Serene, tama na nga yan! Magpalit ka na lang ng damit!" Pinalitan ko ang damit ko. "Ba`t ka ba kasi hindi umihi muna?" Matatawa na sana si Sophie pero tinitigan ko siya. "Eh malay ko bang makukuha pala nung stupidong Crayon na yun ang love letter ko?" "Naku naman oh! Nakakahiya yun!" She sighed. "Ehhhh di bale na nga! Hindi naman sayo nangyari eh! ang sakit-sakit nga nun! Napahiya na ako, binasted pa ako!" "Sabi ko naman kasi sayo noon pa diba? Wala na talagang pag-asa ang lalaking yun! Hayaan mo na lang ang ibang babaeng magdusa sa piling niya no! Ang feeling-feeling niya naman! Kala niya kong sinong gwapo siya!" She crossed her arms. "Eh, gwapo naman talaga siya eh." "Lam mo ikaw...? wala ka na rin atang pag-asa no? Tigilan mo na yan! Bata pa tayo!" "Pero Sophie, mahal ko na ata siya eh." "Tseeeh! Wa`g mo nga akong artehan ng ganyan! Lika na! Huli na tayo sa klase." Nang pumasok na kami sa klase, nagtawanan ang lahat ng mga lalaki sa klase habang ang mga babae naman sa room namin ay namangha sa akin. "Grabe, Serene! Nagawa mo yun? WOW." "Perooo wala rin namang nangyari eh." "Pero at least diba?"

Pumasok sina Dae at dumaan pa sila sa harap ko. Crayon made a face, he was always like this! Kasalanan niya talaga `to! HUMANDA KA TALAGA CRAYON KAAAAAA! "Excuse me, dadaan ako." Nakita ko si Dae. SANA LAMUNIN NA AKO NG LUPA. Hindi ko maigalaw ang paa ko. Masyado kasi akong naentertain sa pagpaplano ng makakapagpabagsak sa Crayon na yan eh, kaya ngayon... Saka lang ako nagkamalay nung, "Excuse me... naririnig mo ba ako? O baka naman namamangha ka na naman diyan sa kagwapuhan ko?" "Abah... excuse me! Kung akala mong bidang-bida ka na sa puso ko dahil binigyan kita ng loveletter, pwes nagkakamali ka! P-U-P-P-Y LOVE LANG YUN! Pagkahighschool natin, makikita mo!" "OWWWS? Sige nga???! Ipakita mo sa akin, Serene? You`re under my spell." Evil smile ni Dae. Nagha-hyperventilate na ako dito at hindi ko na mapigilan ang sarili ko! *SLAP* "Makikita mo, Dae! Hinding-hindi talaga kita sasagutin kapag manliligaw ka sa akin!" "NAAAAAAAAAAAAAAKS!" Nagtawanan na naman sina Crayon! " >:D Bakit? Manliligaw ba ako sayo?" Everyone laughed. HAAAAY, so... my last year in elementary was ruined.

2nd Fall Serene Cruz: NAKAKAINIS!

"And the winner of Miss Xavier School is... Candidate number... FOUR! Miss Serene Cruz!" I heard the uproar of the crowd. I`m still a freshman and I won! Hindi ko alam kung paano nangyari `to! "The 1st runner up is automatically Miss Charlotte Santos!" Natalo ko si Charlotte - ang rumored crush ni Dae! YESSSSSSS~! May maipagyayabang ako laban sa kanya! May ipagmamayabang ako kay Dae!

*Nadapa* "Ouch~" "Buti nga sayo! Hindi ka naman karapat-dapat eh, you answered the questions in pilipino, hindi english! Ewan ko kung anong pinakain mo sa judges!" Charlotte whispered. Ang sama talaga ng ugali niya! Maganda pa naman sana, at aamin akong masmakinis siya sa akin! Pero mas maganda parin ako...bleeeh! HAHAHAHA. Bumangon ako isinoot ang korona. Umalis naman agad ang bruha at nakita ko ring nawala si Dae. I was smiling a while ago, pero nang nakita kong nawala si Dae... I can`t help but think about things that I don`t want to discover... LIKE... "Charlotte, okay lang yan!" Nakita kong yinayakap ni Dae si Charlotte. Nagtago ako. "Akala ko kasi ako ang mananalo eh!" She cried and cried. NAKUUU! Bruhildaaaaaaaaaaaaaa! Nagpapacomfort ka pa kay Dae ha? At kinocomfort mo pa siya Dae? KAILAN MO BA TALAGA MATATANGGAP ANG KATOTOHANAN NA SA AKIN KA MAPUPUNTA!? "Hayaan mo na. Nagtagalog naman kasi siya eh, kaya ganun! At least english yung sagot mo! Alam mo naman yun, mejo bobo." ABAAAAAAAAAAAAH DAE! Ang kapal mo din?! Tinawag mo pa akong bobo? ARGH. I`m holding my breath as I hid myself. PERO, I just can`t hide my feelings! "HOY Dae! Kapal mo ah? Di porke`t mahina ako sa math noon, mahina parin ako ngayon!" I showed myself. Nabigla silang dalawa at mas lalong umiyak ang walang hiyang si Charlotte! "Hoy Serene, wa`g ka ngang makinig sa mga pinag-uusapan ng ibang tao! Tsaka, math ba yung tinutukoy ko dito eh ENGLISH naman? Ibig sabihin lang nun, bobo ka in general!" "Mas bobo ka kasi kinakampihan mo yang plastik na Charlotte na yan!" Hikbi ng hikbi si Charlotte. "Hoy plastik, wa`g ka ngang iyak ng iyak diyan-" "Tama na nga yan, Serene!" Hinawakan ni Dae ang kamay ni Charlotte at mukhang magwo-walk out na silang dalawa. "Kala mo naman boyfriend mo siya, Charlotte! YUCCCCKKK~! Asa ka!" "Serene, tama na sabi eh!" Nanlilisik na ang mga mata ni Dae ngayon.

Tumahimik ako at linapitan niya ako. Nakita ko si Sophie, papalapit sa amin at mukhang naramdaman at nahulaan niya kung ano ang nangyayari. Mas lalong lumapit si Dae kaya napa atras ako. ATRAS... Hanggang sa napasandal ako. "Serene, tama na. Wa`g ka ng magpapansin sa akin." I looked at his eyes and he was serious. "Hindi naman ako nagpapapansin eh! Sinasabi ko lang naman ang---" "TAMA NA SABI EH!" My tears began to form. "Bakit ba? Girlfriend mo ba siya?" "Hindi... HINDI PA! Kaya tumahimik ka na lang diyan kasi nasasaktan na siya!!!" Umulan na ang luha ko. "Tumahimik ka na lang dahil sinasaktan mo rin ako!" Tinalikuran niya ako at hinawakan ulit ang kamay ni Charlotte, sabay silang naglakad papalayo sa akin at linampasan si Sophie. Tumakbo si Sophie sa akin nang nakita niyang umiiyak na ako. "ANG PLASTIK NG BABAENG YUN!! ANG PLASTIK-PLASTIK NIYA TALAGAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! NAKAKAINIS!" Sophie hugged me. Napadaan si Mina at Chyna sa amin at nakiusisa, simula noon naging kaibigan na rin namin silang dalawa.

3rd Fall Serene Cruz: Binibiro mo ba ako?

"Serene!!!!" Tinawag ako ni Crayon galing sa labas ng classroom namin. 1st year highschool - hindi kami magkaklase nina Dae at Crayon... sa unang pagkakataon! "Bakit?" I showed an ugly face for my naughty cousin. He threw an evil smile, "Hinahanap ka ni... Dae." "H-Ha?" Kumurap-kurap ako dahil hindi ako makapaniwala. "T-talaga?"

"Oo." Lumabas ako at nakita ko silang lima - as usual. Hinanap ko si Dae. "Pakibigay kay Charlotte!" Binigyan niya ako ng papel. It`s a loveletter! "H-huh?" SHUCKS. Akala ko pa naman... "Yoko nga!" "Hoy, hoy... Serene! Umayos ka nga at ibigay na `to kay Charlotte! Sige ka... hindi ka patatawarin ni Dae sa ginawa mo!" Sabi ni Crayon. "Bakit ba? kasalanan ko ba kung ako ang nanalo sa Miss CHAKA na yun ha?" Tinitigan ako ni Dae... MY GOOOOOODNESS, He is so cool... so gwapo... I CAN`T RESIST HIM. "Akin na nga!" Pumasok ako sa loob at naghintay kay Charlotte. "Charlotte, eto oh, bigay ni Dae." "Huh? Ilagay mo na lang diyan!" "H-hindi mo ba babasahin?" "Alam ko naman kung ano ang laman nyan eh!" She rolled her eyes. Aalis na sana ako dahil baka pumutok lang yung pasensya ko`t mapatay ko siya kaso... "uh, Serene. Pwede sayo na lang muna yan?" Sabay bigay sa akin ng letter. "B-bakit?" "Kasiiii... baka kasi mawala ko eh. Ibigay mo na lang sakin yan mamaya sa gym." "Huh?" "Mga four o`clock! Sige na... please?" "Okaaay," Ang dami namang arte ng babaeng `to! Kaya nang nag four o`clock na... "Serene, hihintayin na lang kita rito ah?" sabi ni Sophie habang binabantayan ang bag ko. "Serene, mag ingat ka ah? Narinig kong nasa loob daw ang kulo ng Charlotte na yan!" Sabi ni Chyna. "Okay! Saglit lang `to!" Nagpunta ako sa gym. Asan naman kaya yung Charlotte na yun? GRRR. Baka paghintayin niya ako ng 24 hours naku... sasabunutan ko na talaga siya!

"Serene... hinahanap mo raw ako!" Lumingon ako at naaninaw ko ang mukha ni Dae. "Dae?" Ba`t si Dae ang narito? Akala ko si Charlotte? Tinago ko ang loveletter dahil baka akala niya hindi ko binigay. "Sabi ng kaklase ko, makikipagkita ka raw sa akin dito?" LOADING... "SINASABI KO NA NGA BAAAAAAAAAAAAAAAA! Dae! You cheated! Akala ko pa naman, totoo ka!" Charlotte slapped Dae's face very hard! "A-anong?" "Nakikipagkita ka sa babaeng `to!" She cried. "Anong nakikipagkita si Dae sa akin, ha Charlotte? Binibiro mo ba ako? Ikaw ang..." "Tumahimik ka Serene!" She cried and she even SLAPPED me. "Charlotte, hindi totoo yang sinasabi mo! Nagkakamali ka, si Serene ang nakipagkita sa akin..." OMAYGOOLAY! anong pinagsasabi nila? "Serene!!! YOU`RE A BIG FLIRT! At ikawww Dae, kumagat ka naman sa flirt na yan!" She slapped Dae again. "Both of you... go to he-" SINABUNUTAN KO SIYA! Oo. Kailangan kong sirain ang mukha niya para ma satisfy ang feeling ko ngayon! Walang hiya siya! Frame up! TODO NA TO! Wala na akong pakealam! Ang gusto ko lang gawin ngayon ay ang sirain ang walang hiyang mukha niya!

4th Fall Serene Cruz: Pupunta kami ng states.

"This is a catholic school, so we do not tolerate those events and excuses." Sabi ng principal namin habang nanggagalaiti. Pinatawag si mama at papa! Pati na rin ang mama at papa ni Charlotte, kaya lang mas naaapi ako dahil mejo napuruhan ko ang mukha niya habang pinutulan ko naman ang buhok ko dahil napuruhan niya.

Sa labas ng opisina, nakikita ko si Chyna, Mina at ang bestfriend kong si Sophie. Hinihintay nila ako at nagchi-cheer din sila. Buti na nga lang at mababait ang parents ko kaya hindi ako masyadong napagalitan kagabi nang sinabi kong pinatawag sila ng principal dahil sa ginawa ko. "Ma`am, their daughter started it." Sabi ng mama ni Charlotte. "Serene, humingi ka ng dispensa! Bilis." My mom whispered. "Huh? O-Okay?" I looked at Charlotte`s face. Puno ng band-aid. BUTI NGA SA KANYA... grrr, ba`t ba kailangang mag sorry? "Sorry." Sabi ko. Frame up yung ginawa niya! Siguro ayaw niya kay Dae kaya yun na lang ang ginawa niya! Pero pwede niya namang sabihin kay Dae na ayaw niya talaga diba? Ba`t kailangang ganun pa? Baka sisisihin ni Dae ang sarili niya sa nangyari, grrr. Ilang sandali ang nakalipas, umalis sina Charlotte kasama ang parents niya kaya kami na lang ang naiwan kasama ang principal. Nagtaka nga ako kung bakit nagpaiwan kami... "Ma, hindi pa ba tayo uuwi?" Sabi ko sabay tingin sa labas at hinanap sina Sophie. My mom shook her head. "Ma`am we want to get Serene`s records, kasi dadalhin namin siya sa States." Sabi ni mama sa principal. LOADING.... "ANO????" I cried, I didn`t get to be with my friends that day kasi todo-todo ang pamimili at pagkain namin sa loob ng mall kasama ang mama at papa ko para ata i-cheerup ako. "Serene, matagal na naming balak `to. Pero hindi ko alam kung paano sasabihin-" "Ma? Saan ako mag-aaral? Sa States? AYOKO! DITO LANG AKO!" "Serene, three years lang naman yun eh! Ayoko kasing maiwan ka dito sa Pinas habang nagtatrabaho kami ng papa mo sa States!" "Ha? Paano si Ney? Si Kuya?" Tanong ko kay mama habang iniisip ang dalawa kong kapatid na lalaki. "Ney is going with us, of course he`s just grade three we can`t leave him here. Kuya is going to stay because it`s his last year in college!" Sabi ni mama habang hinahaplos ang buhok ko.

"NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO~!" Nagpatuloy ang hysterical ko sa bahay namin. "Maldita ka kasi, yan tuloy na kick out ka!" Sabi ni Kuya Vilfred. "SHHH~ Red, stop that! Hindi siya na kick out!" Sabi ni papa kay Kuya. AT THIS POINT OF TIME, NAG-IIMPAKE KAMI.

pagiging

"Serene, mag-aral ka na! Nag request kami ng early final exam mo para makatapos ka ng 1st year bago tayo umalis!" I still can`t get over the fact! Parang gusto ko ng magpakamatay!!!! "Ate Ate... makakakita na ako ng SNOWWW!" Sabi ni Ney habang pinaglalaruan ang Gundam miniature na binigay ko sa kanya last christmas. "WAAAAAAA~! Ba`t ba ganito ang nangyayari??" "Ate, ayaw mo ba ng snow?" "AYOKO NG SNOWWWWW~!" Binatukan ako ni Kuya, "Ang ingay mo! Tsaka... ba`t ka nga ba nakipag-away sa school? Dahil siguro kay Dae noh?" Oo, alam ni kuya na may gusto ako kay Dae. Tumahimik na lang ako at `di ko na siya sinagot. *KRIIIIIING-KRINNNNG-KRINNNNG* "Hello? Hello?" "Hello, Sophie... WAAAAAAAAAAAA~! Sophie tulooooong!" "Ano? Saan ka ba nagpunta kanina? Hinanap ka namin nina Chyna...!" "SOPHIIIIIIE, SOPHIE." "Ano bang nangyayari sayo? Kumalma ka nga!" "Pupunta kami ng states." I catched my breath.

Nang dumating ako sa skul sa susunod na araw, agad akong sinalubong ni Sophie, Chyna at Mina. "Ano? Bakit? Hindi ka naman na kick-out ah?" Tanong ni Mina. "Oo. pero... sina mama at papa kasi eh." Nakita ko si Dae na paparating... at mukhang papunta siya sa amin! OO, papunta nga siya sa amin. Siguro sinabi na ni Crayon na aalis ako... baka magpapaalam siya! BUKAS na kasi agad ang alis namin dahil emergency daw sabi ni mama. Kung hihingi siya ng tawad baka magbago pa ang isip ko at pipilitin ko si mama at papa na di na lang ako isama... pero, I-M-P-O-S-S-I-B-L-E. NAPAKA imposible na hihingi siya ng tawad.

"Serene," Chyna, Mina and Sophie rolled their eyes. Ayaw na nila kay Dae... para sa akin. "A-Ano?" I don`t know how to react.

5th Fall Serene Cruz: Bye... Dae.

"Serene," "Ano?" Silence. "Serene... halika na! Pumasok na tayo sa room!" Sabi ni Chyna. "Oo nga! Sumisikip na ang corridor eh!" Dagdag pa ni Sophie. Hinawakan nilang tatlo ang kamay ko para lang madala sa loob at iwan na si Dae pero nagpumilit ako... "Sophie, mauna na kayo sa loob. Susunod na ako." Umalis naman sila pagkatapos nilang pandilatan si Dae na nagsusuplado parin. Walang tao sa corridor, kami na lang dalawa. Three minutes na lang ata at magsisimula na ang mga klase. Pero, nagpunta ako dito sa school para mag review at magtake ng exam. "Ano, Dae?" Feel na feel ko na talaga na magpapaalam siya sa akin o hihingi siya ng dispensa... "Hindi mo raw binigay kay Charlotte ang sulat?"

AGSFHDIUHAJHDIUHA... &*!$%# ... ??? &^$(?/# "Ahhhh! Kasi naman, sinabi niya sa akin nun na...saka ko na lang daw ibigay sa kanya." "oo nga, pero ba`t di parin nakakarating sa kanya ngayon? Excited pa naman siyang basahin yun!" SO, nagkaayos na siguro silang dalawa! HAHAHAHAHAHAHAHA. Ay ang galeeeeng! Parang gusto kong magtatalon sa inis! Nagflashback sa utak ko yung mga oras na sinabi ni Charlotte na alam niya na kung ano ang nakasulat. "Ganun ba?" Wala parin ako sa aking pag-iisip habang binibigkas ang mga salitang ito.

Parang gusto kong umiyak sa inis. "Anong ganun ba? Akin na! Sana ako na lang ang nagbigay sa kanya! Makakarating sana." Habang ipinapakita ang palad niya. HALA, saan ko nga pala yun nailagay? HALA. Patay! Nasa bahay kaya yun? "Ahhhh, eh. Nasa bahay siguro yun! Dadalhin ko na lang bukas ah? sige..." Aalis na sana ako dahil hindi ko na kayang marinig ang mga salita niya. Nang tinalikuran ko siya... hinawakan niya ang braso ko. FOR THE FIRST TIME AFTER HE SAVED ME THAT NIGHT, nahawakan niya ulit ako. Lumakas at bumilis ang pintig ng puso ko... "Sinungaling!" "Huh?" Hindi parin ako lumingon sa kanya dahil may kakaiba na naman akong nararamdaman. "Aalis ka na bukas diba?" "Aalis?" Play dumb. "Wa`g ka ng magmaangmaangan d`yan!" "Oo. aalis ako bukas. So?" "Hindi mo maibibigay sa akin yung sulat!" "Edi gumawa ka ng bago!" "Ayoko! Pinaghirapan ko yun! Tsaka hindi yun sayo!" OUCH~! "Ibabalik ko... bukas." "Ano-..." "IBABALIK KO SABI BUKAS EH!" Binawi ko ang kamay ko. Kaya sa araw na yun, mas lumaki ang problema ko. Hindi na nga ako matalino tapos pinapasagot pa sa akin ang mga tanong sa exam ng biglaan, tapos may bumabagabag pang DAE sa utak ko. "Ano bang hinahanap mo dito sa kwarto ko, Serene?" Tanong ni Kuya. "Yung... letter! Kinuha mo yung letter nooooh?" Tanong ko sa kanya... Baka kasi napagkamalang akin yun tapos inusisa niya para may ipang-bablack mail siya. "Anong letter?" Kaya imbis na papuntahin ko sina Sophie sa bahay namin para makapagpaalam sa akin, ako na lang ang pumunta sa school para makapagpaalam sa kanila AT hanapin ang love letter ni Dae sa gym.

"Serene, mag-ingat ka ah?" Sabi ni Sophie. "YM tayo lage ah?" Mina smiled. Nakikita ko ang sasakyan naming naka park. May kinuha pa si mama at papa na documents bago kami umalis. Hinanap ko agad si Dae at nagpasama ako sa kanya sa gym. "Ano bang ginagawa natin dito? Asan na yung letter?" Hinanap ko sa loob ng gym ang letter at doon mismo sa pinag-awayan namin ni Charlotte, "Hoy Serene, nawala mo noh?" Hinanap ko sa ilalim ng mga upuan... sa basurahan... sa ilalim ng upuan ulit... at buti na lang... nahanap ko nga. I`m still catching my breath while giving the letter to Dae. Napagod ako sa paghahanap. Kinuha niya naman agad. "Alam mo ikaw, Serene? Nakakainis ka talaga! Importante `to!! Tapos iniiwan mo lang kung saan saan?" Tahimik lang ako. "Tsaka... madumi na `to ah! Kasalanan mo `to! Espesyal pa naman `to! sayang... pinagkatiwalaan pa naman sana kita~!" "Eh alam mo naman diba? Di ako magaling humawak ng love letter? Nawawala ko agad!" Sabi ko at napatahimik siya. Ngayon ngayon lang... habang nakikita ko sina Crayon, Valen, Drake at Grey; Sophie, Chyna at Mina sa labas mas lalo kung narereealize ang katotohanan na aalis na ako. Sana sa pag-alis ko... makalimutan ko na `tong lalaking nasa harap ko. Kung sa bagay, baka nga! Bata pa naman ako eh. Tsaka, willing din akong makalimutan siya. WILLING NA WILLING! I tried to get the love letter again but I didn`t. "Ano ba~!" "Eh... akin na lang yan!" I tried to smile but it didn`t work. Mas tumulo pa nga ang luha ko eh, agad kong pinunasan dahil nakatitig lang si Dae sa akin. "Lamm mo na, remembrance!" My voice broke. "Huh? Hindi naman `to para sayo eh! Para kay Charlotte `to!" "Alam ko," Napahikbi ako pero pinigilan ko ang mga sumunod para lang makapagsalita ako ng mas malinaw. "Pero... hindi mo naman yan ibibigay sa kanya diba? kasi madumi na?"

I know, it`s i-m-p-o-s-s-i-b-l-e AGAIN to make him give that to me... I`m just hoping. HOPING.

"Serene... tama na yan!" Nakita ko si Crayon. Papunta siya samin ni Dae at sinundan naman siya ni Sophie. "Serene, hi-hinahanap ka na ng Mama mo, baka... ma late na kayo." Sabi ni Sophie. "Yeah!" Aalis na sana ako... pero... before that... I want to do something!

I KISSED DAE ON HIS LIPS! YES, "Bye... Dae." Linampasan ko si Sophie at Crayon na nakaharang sa dadaanan ko. Pagkatapos kong magpaalam sa mga kaibigan ko at kay Crayon at sa mga kaibigan niya rin, umalis na kami. And that`s period!

6th Fall Serene Cruz: hindi na ako magwawala sa kaba!

Binasa ko ang diary ko noong elementary at high school. Minarkahan ko na rin ng DOWNFALL CHRONICLES sa labas. "No noo... I can`t believe I did those things! And Oh my God, everything is heartbreaking!" Sabi ko sa sarili ko habang hinihintay si Sophie at Mina sa YM. It`s been three years! Susunugin ko na talaga ang diary na `to! Hindi na talaga `to magpapatuloy! HINDING HINDI NA! My Heartbreaking Chronicles are over. OVER. Alam n`yo, may GIRLFRIEND na daw si Dae... last month lang daw naging sila. And so? HAHAHAH >:D Isang nagngangalang Francine ang naging girlfriend niya! Well, I`m curious... ano kaya ang mukha ng Francine na yan? Sabi ni Mina, sumasali daw yun ng mga beauty contest! WHEW, siguro maganda yun! "Ate! Bumili ka na ba ng pasalubong para sa mga kaibigan mo?" Tanong ni Ney. "Of course! Ready na ako!" Sabi ko.

Umalis naman siya para ata maghanap ng pasalubong para sa mga kaibigan niya! Oo, babalik na ako sa Pinas! BUKAS AGAD. Kasi naman ang aga daw ng pasukan sa Hereux University [version ko ng UP/ADMU/La salle. pili lang kayo ng school. FICTION!] Bumisita ulit ako sa youtube. I erased the site`s address and... "Napaka guilty ko talaga! Di ko na naman siya mahal eh!" Then retyped it again. DAHIL, sikat sina Dae, Crayon, Valen, Grey at Drake ngayon sa Pilipinas! Sikat yung banda nila at kahit ako, ayaw kong maniwala! TENENENENTENEN... Si Dae pa ang vocalist! YM: :) sweet_siren - I`m going home. ;]

Sophie de Vera: BUZZ! sweet_siren: yeah! Sophie de Vera: Excited na kami! sweet_siren: ako rin! HAHAHA :) Sophie de Vera: pasalubong ah? sweet_siren: yeah! bumili na ako! Sophie de Vera: What you doin? sweet_siren: uhh. sweet_siren: youtube. Sophie de Vera: na naman? sweet_siren: eh. Sophie de Vera: tsk! >:( sweet_siren: trailer lang naman ng Twilight at Harry Potter eh! Sophie de Vera: ASA! If I know! DAEDAEDAEDAE! sweet_siren: indi na nga sabi eh! YUCK. sweet_siren: nakakahiya yung pinaggagagawa ko nun! Sunog na nga ang Diary ko eh! EW. Sophie de Vera: May gf na yun noh! Tsaka... haaaai, my goodness!

Mas dumadalas ang pag-uusap namin ni Sophie kay Dae dahil papalapit na ang pagbabalik ko. I`m so excited! Kamusta na kaya ang Pinas? Three years ako dito! HEHEEEEEE. I can`t help but think about it! Pinanood ko ang video ng banda nina Dae. PAULIT-ULIT! Pero seriously, wala na talaga akong nafi-feel for Dae kahit ulit-ulitin ko pa ang video. sweet_siren: ang panget na ni Dae! Sophie de Vera: hahaha! siguro nga. sweet_siren: no. seriously! Sophie de Vera: baka naman ang ibig mong sabihin eh gumanda ka?

sweet_siren: IDK. hahaha. LOL Okay, I`m serious. Pero... ewan ko lang! I mean, ang tagal na nun hindi ko na naaalala ang feeling! Sophie de Vera: like him still? sweet_siren: nope. i`m just curious! Syempre... ex crush. Sophie de Vera: hahah. oh well. If you`re up for revenge... Sophie de Vera: Hindi na siya matatablan kasi may gf na siya at mahal niya daw. sweet_siren: I`m not vengeful! ahaha. tsaka, di naman yun manliligaw kung di niya mahal diba? Sophie de Vera: Haha, yeah yeah... Sophie de Vera: Oi! Out muna ako, may ihahatid lang ako kina Crayon! sweet_siren: KK! gooooo. Ikamusta mo `ko sa taong yun! Sophie de Vera: sure!

Hindi ko pa nasasabi sa inyo naaaa girlfriend na ni Crayon si Sophie! EWAN KO TALAGA HUH? Paano kaya na outsmart ni Crayon ang bestie kong si Sophie? Baka nabulag lang talaga si Sophie? Eh ang kulit-kulit ng Crayon na yun eh! NAUGHTY PAH! "Talagang expect the unexpected!" Sabi ko habang pinapanood ang isa pang music video sa youtube. Hanggang sa dumating na kami sa Pilipinas... "Expect the unexpected." parin ang bukambibig ko. Sinalubong kami ni Kuya, Crayon at ang papa ni Crayon! "Ang init..." sabi ko. "Sa Pilipinas." Habang pilit pinapaypayan ang sarili. "WOW. Serene, naninibago ako sayo ah! Dalagang-dalaga ka na! Ang ganda-ganda mo na! May boyfriend ka na siguro noh?" Sabi ni Crayon with his naughty smile. "HEH. Tigil-tigilan mo nga ako! Hindi ka parin nagbabago!" "Ano baaah! Hindi naman kita linoloko eh!" He looked at me from head to toe. "Tsaka, babaeng-babae ka na talaga! Marunong ka ng manamit! So ano, may BF ka na ba?" "Bakit ba?" "Nagtatanong lang naman!" He smiled another creepy smile. "O baka naman... si Dae parin yung andyan?" "TSEH! Wala pa nga akong BF pero... I`m so over that guy! DUH! As if naman walang cute sa States!" "ABAH! At mas umarte ka pa." "Eh kasi naman... ang kulit mo!" "HMMM, Sigurado ka ba talagang 'you`re over him'" Ginaya pa ni Crayon ang boses ko.

"OO! Kahit iharap mo pa siya sa akin ngayon din, hindi na ako magwawala sa kaba!" Sabi ko sa kanya with all my heart. "Okay, couz..." Ngumiti siya at inakbayan ako habang papauwi na kami sa bahay. Kung nagtataka kayo kung ano na ang nangyari kay Charlotte... ewan ko. Basta ang alam ko, nag transfer na daw siya ng school pagka third year high school nila. Naging sila ni Dae, pero nagbreak din sila pag-alis niya. Oh well, that`s life. "Hey couz, mag-aaral ka daw sa Hereux University! Maganda yan para masaksihan mo ang kasikatan namin noh!" Sabi ni Crayon at mukhang nagiging hambog na naman siya. "Whatever, doon lang ako dahil nandoon si Sophie, Mina at Chyna. Tsaka, maganda naman dun eh!" "Wa`g kang mag-alala, walang makakalapit sayo bukod samin! Syempre, dalagangdalaga na ang paborito kong pinsan eh!" Sabi niya. He`s hobby is to bug me... and it will be his hobby forever. At ngayon, nagiging excited na akong pumasok sa first day of school! First day din yun nina Crayon pero sikat na sila kaya magmumukhang hindi-first-day para sa kanila yun.

7th Fall Serene Cruz: D-D-D-D-Dae.

Ewan ko ba kung maiinis ba ako o maiinis talaga dahil mukha atang kinakampihan ako ng malas ngayon. Una, di ko kaklase sina Sophie at kahit sino kina Crayon. Pangalawa, I`m so late. Pangatlo, ang layo ng classroom ko at di ko pa alam kung saan papunta yun! OMG, I`m still very sleepy. Tatlong oras lang ang tulog ko kagabi dahil di ako makapaniwalang stress na stress pa ako tapos pasukan na! Andito na ako. I sighed as I entered the room. Andun na ang professor namin at kumpleto na rin ang mga kaklase ko. Umupo ako sa likuran at nakinig. "Ang ganda ni Francine no? Kaklase pala natin siya?" Sabi ng lalaking katabi ko. "Uh? Huh?" "Francine, yung model! Kaya lang diba boyfriend niya si Dae ng Chapter Review?" Chapter Review is the name of Crayon`s band. "Ahhh." Napatango ako at nakita ko ang isang babaeng mahaba ang buhok at MAKINIS. Francine... Dae?... Siya yung GF ni Dae? Classmate ko? Blockmate ko... na naman ang girlfriend ni Dae? May pagkakahawig sila ni Charlotte pero kung ikukumpara ko siya kay

Charlotte, di hamak na mas maganda `tong Francine na `to. Kaya lang, matagal na kaming di nagkikita ni Charlotte eh. Pero anyway, namangha ako dahil ang kinis at ang ganda niya. Syempre, GF nga ni Dae eh. Dapat lang! Magiging insulto sa part ko kung pangit yung GF niya... hey, walang meaning yun ah!

"Hoy Serene, gumising ka nga!" Yinugyog ni Crayon ang balikat ko. Nakatulog pala ako... sa klase. "Crayon..." "Ano ka bah! Buti na lang wala tayong pasok sa isa nating klase kundi ma-li-late kang talaga!" I wiped my face. "Ano? Magkaklase tayo sa next subject ko?" Wala ng tao sa classroom. Dumating sina Sophie at piniga ako sa yakap ni Mina at Chyna. "Serene... ang ganda-ganda mo na! AS IN!" Sabi ni Mina... kulang na lang tumili siya. I smiled and stared at Sophie and Crayon. HMMM, Bagay nga naman silang dalawa kung mukha ang pagbabasehan. Pero kung ugali... "Hoy Serene, akala ko talaga nagbago ka na, yun pala natutulog ka parin kung saan-saan." "Kasalanan ko ba? Nag-aadjust pa ako noh! Tsaka, ang init dito ah!" My eyes were still tired. Nakita kong dumating si Valen at Grey. Pumasok sila sa abandonadong classroom na tinulugan ko. "WOOOOOOW, Idol... ang ganda mo na ah!" Sabi ni Grey. IDOL - dahil sa lakas ng loob kong halikan si Dae nung umalis ako. Bigla akong nakaramdam ng hindi magandang pangyayari. Biglang nagtindigan ang mga balahibo ko at para bang magkakaLBM ako, pero di naman masakit ang tiyan ko. "tseh! maganda ka riyan!" "Kaya lang, di ka parin nagbabago!" I frowned... "Kita mo na!" Nagtawanan sina Valen at Grey. Pati ang dalawang `to, hobby na rin ata ang abusuhin ako. Hinintay kong magpakita sina Dae at Drake kaya lang... "Sayang lang at wala ang first love mo dito. May ginagawa yun eh! Busy." Sabi ni Valen.

Hindi na ako nagreact at tiningnan ko na lang sina Mina at Chyna. "Tsaka... alam mong may GF na siya diba?" Singit ulit ni Valen. "Huh? Oo naman noh. tsaka, it`s not a big deal!" "WOW. Wala ka na bang feelings para sa supladong yun?" Nagtawanan sina Grey, Valen at Crayon. "Wala na nga kasi siyang feelings dun eh!" Buti na lang at sinagot na ni Chyna para sa akin. Nang dumating kami sa malaking cafeteria ng Hereux, mas lalo akong nainitan. Ewan ko ba, nagcu-cultural change ba ako o mukhang lagi na lang akong kinakabahan dahil ngayon, iisang lupa lang ang tinatapakan namin ni Dae. Alam ko... wala na akong feelings para sa supladong yun, kaya lang di ko lang talaga maiwasang mag-isip sa kanya dahil siya lang ang lalaking minahal ko ng ganun. Pero... wala na nga ba talaga!? OF COURSE! Ba`t ko ba tinatanong ang sarili ko? I`m certain. "Si Dae!" Para akong nauntog nang narinig ko ang nakakabiglang boses ni Mina. Lumingon agad ako at nakita ko si Crayon kasama ang iba pa sa kabilangtable ng cafeteria. Unfortunately, wala akong nakitang Dae. "Serene, lika nga!" Sigaw ni Crayon sakin. Pinagmasdan ko ang paligid pero wala parin akong nakitang Dae. Kaya lumapit na agad ako kay Crayon. Nang papalapit na ako ng papalapit sa kanya, may naramdaman akong ENERHIYA sa likuran ko kaya`t lumingon pa ako bago makarating sa table. "D-D-D-D-Dae." "huh?" He stared at me blankly. Para bang `di niya ako kilala. Suddenly, inakbayan ako ni Crayon at... "Dae, si Serene `to! Di mo na ba siya naaalala?" He stared and stared and stared and stared and S-T-A-R-E-D at me. And I stared at him, too... I WATCHED HIM CLOSE AND... my heart started to say something like...

8th Fall Serene Cruz: ma-inlove ulit ako sa kanya?

... I`m falling for him again? NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO~! "Ahh. Nakabalik ka na pala." His stare was still blank. "Uh. yeah." I said, avoiding his eyes. He ignored me and talked with Grey, "Mamaya na lang tayo ulit magkita, bad mood si Francine eh." "Okay, naku Dae ayus-ayusin mo yan, ang ganda pa naman nun!" "Crayon, kita na lang tayo mamaya..." Aalis na sana sia Dae kaya lang... "Uh, Dae... Okay lang ba sayo kung isama ko si Serene sa mga practice or gig natin, kasi..." Dae stared at me again. "-oo. Ikaw ng bahala." At nagmadaling umalis. "Okaaay Dae... sabi mo weh. HIHIHI. >:D " Crayon and his dark plans. Nagtawanan pa ang apat na naiwan. "Huy Crayon, anong isasama mo ako sa gig at practice?" I waited for his reply. Kaya lang nagtawanan ulit ang apat na para bang mga partners in crime nila ang isa`t-isa. "Diba yun naman talaga ang gusto mo, Serene?" Sabi ni Drake. "Huh? Anong gusto?" "Nakuuuu. `tong pinsan ko, dinideny pa samin ang katotohanan. Akala mo bang naniwala kami na wala ka ng gusto kay Dae? HINDI NO~ Asa ka!" "A-anong..." "Alam mo Serene," Inakbayan ako ni Crayon at tinuro niya ang tatlo niyang kaibigan sa harap ko na pareparehong nakakaduda ang mga ngiti. "Alam naming apat na may gusto ko pa kay Dae. Sa itsura mo pa lang kanina - wala kang gusto kay Dae? Lokohin mo si LOLA, pero kami di mo maloloko." "Kitang-kita naman sa kislap ng mga mata mo eh! May gusto ka parin kay Dae... eeeeeeeeeeeh" Dagdag pa ni Grey. Kinalas ko ang braso ni Crayon sa leeg ko. "Pwede bah! Tigilan niyo nga ako!" Umalis na ako dahil pinagtitinginan na ako ng mga tao... pero bago ako tuluyang makabalik kina Sophie... "Akala mo ah! Binilin yan ng papa mo noh! Bantayan raw kita, wa`g ka ng mag-inarte jan! Aalalayan mo lang naman ako eh!" Pinandilatan ko siya. "Sophie, pagsabihan mo nga yang boyfriend mo!" Sabi ko habang nagwawala sa harap nina Sophie.

"Serene, calm down! Hayaan mo na lang yun... Tsaka... mabuti na nga lang at ganun para naman may kasama ako." "Huh?" "Pinapasama niya kasi ako sa gig at practice nila kaya lang, wala akong kausap." "Ahhh, ganun bah...?" "Oo. Andun naman si Francine, pero di kami close at may pagka maarte." "Aaaah." INIISIP KO SI DAE. Unti-unti kong nagustuhan ang malagim na ideya ni Crayon. "Hey Serene... may tinatago ka ba?" Tanong ni Mina na mukha pang nag-aalala. "huh? Like what?" "You`ve fallen for Dae again?" Tanong ng prangkang si Chyna. Ngumiti si Sophie... "HAHAHA. Napansin niyo ring dalawa?" OMG, ba`t ba sila nagsasalita ng ganyan? Hindi naman ah! Hindi naman ah! Hindi ah! Nakita kong papalapit sina Crayon sa amin, mukhang aalis na sila sa cafe. "Hindi ah!" I denied. "Sophie, alis na kami. Dumadami na ang nakikiusisa sa amin, iba na talaga pag sikat!" "Tsk... Whatever, o sige... I-interrogate lang namin `tong pinsan mong denial queen!" "ABAAAA. Anong denial queen?" Crayon and his group stopped by on our table. "Talaga? Umamin na siya samin eh..." Sabi ni Grey. Naku talaga... :( Mga sinungaling! "Hay naku Serene... Kelan ka ba magtatanda! Hindi ka naman kasi marunong magsinungaling eh! Wa`g mo ng itago yang pag-ibig mo kay Dae na kasing tanda na ng panahon, okay!" Crayon tapped my head tapos umalis din sila. Nagkatinginan nalang kaming apat sa table at... "Paano kung, ma-inlove ulit ako sa kanya?" :'( Napa buntong-hininga silang tatlo at sabay sabay binigkas ang... "Ang sabihin mo, hindi nawala yung feelings mo sa kanya!" They stared at me. Pinandilatan nila akong tatlo... "Eh..." I sighed.

9th Fall

Serene Cruz: Nagkaproblema kasi.

Nagmamadali akong pumasok sa elevator ng school dahil ma-li-late na ako sa isang klaseng wala ulit akong kilala ng may pumindot sa button at pumasok din. Para ulit akong nauntog dahil ang pumasok sa elevator ay si TENENENENTENEN... DAE. Kami lang dalawa sa elevator at TAHIMIK. Babasagin ko sana ang awkward moment sa pamamagitan ng pagsasalita, "Uhhh." Kaya lang... *KRINGGGGGG* Napalunok ako ng limang beses... "Hello? Nasa building mo na-" napalingon siya ng bahagya sakin at OO, pinapanood ko si DAE. "Ako lang mag-isa- Wala nga eh- Wala nga sabi- Sino naman ang- Wala akong kasama okay- Stop acting like that, Francine-" Para akong nakikinig ng drama sa radio. Ang gwapo gwapo na ni Dae. Pangit kaya ako? Bakit ayaw niya sa akin? Kilalang-kilala ko na siya eh! Allergic siya sa shrimp, ayaw niya ng pinapakealaman, si Crayon ang bestfriend niya, magaling siya sa Math, mahina siya sa history, bunsong anak siya, mejo mayaman sila, may kuya sila, may ate siya, siya na lang ang nag-aaral ngayon, auditory learner siya, at... at marami pa akong alam sa kanya, alam kaya `to ni Francine? "Sino na naman ba ang pinagseselosan mo ngayon?- Wala akong kasama, papunta na ako sa room mo- Okay, mamaya na tayo mag-usap- makinig ka muna jan-" The door opened and he stepped out. Hindi pa doon ang floor ko pero para bang hindi ko maiwasang lumabas din sa elevator at sa KASAMAANG palad... nadapa ako at nadaganan ko siya. Tumilapon ang cellphone naming dalawa: magkaparehong unit. "S-Sorry!" I leaned at his shoulders. Tumayo kaming dalawa. He sighed and got his phone back immediately, "Saan ba ang room mo?" "Huh? Uh..." kinuha ko rin ang cellphone ko. "Next floor." I smiled. I feel like... he`s different. Tinanong niya kung saan ang room ko! OMG, kumalabog ang puso ko.

He looked away, "Ganun ba? Eh ba`t ka bumaba?" Napayuko ako dahil ako mismo, walang sagot. :( "Sorry Serene, `di kita maihahatid... may susunduin pa ako!" "Huh? Ano ka ba... Dae... Hindi na ako bata! Hindi ko namalayang sa itaas pa pala ang room ko eh kaya yun!" Agad kong pinindot ang button sa elevator, dahil naririnig ko na naman ang puso ko. AYOKO NA~! Pero I can`t resist the moment! I can`t resist my heart! I CAN`T HELP IT! I smiled, pero tinalikuran niya ako. I looked at my watch and... "Worth it! Bahala na kung late ako!" HAAAAAAAAA~ May plano siyang ihatid ako kung wala siyang susunduin? OMYGOD. Nagha-hyperventilate na ako at para akong mabubuang na sa saya! WAAAA~ WAAA~ Ehem, simpleng bagay lang yun pero para na akong mawawala sa sarili! Lintik na Dae! GRRRR. Walang duda, I still have feelings for him. BAHALA NA NGA!

Agad akong umupo sa pinakamalayong upuan... I caught our Teacher`s attention. "Miss?" "Cruz." :-[ "Cruz... Buti na lang at orientation pa ngayon, I don`t want anyone in my class - as late as her!" The whole class was staring at me. Patay... wala pa akong kilala huh! "Okay... where are we..." *KRIIIIIING* *KRIIIIIIING* Ugh, my phone is ringing! "Miss Cruz, sagutin mo yung fone mo!" Ano ba naman `tong teacher ko, parang kakain ng tao! I excused myself and... "Hello?" "Hello... Hello?" Napatingin ako sa phone at binalik ulit sa tenga ko. Lumabas ako sa room, "Hello?" "Hello! Sino `to?" "Si... Serene! Sino ka?" Sumulyap ulit ako sa phone.

Francine? "Serene? Oh my God! Asan si Dae! Sinasabi ko na nga ba! Yung lalaking yun talaga!" Narinig ko na ang hikbi ng babaeng - ng girlfriend ni Dae. "Uh? huh... Ah. nagkapalit ang-" "Ikaw siguro yung kabit niya no! Kaya pala busy siya! AAAAAAAAAAAAAAAARGH!" "Huh? Miss. Nagkakamali ka-" "Go to hell! Alam mong may girlfriend ang tao ah-" "Hello? hindi mo naiiintindihan, miss- ako si-" "Anong di ko naiintindihan!? Alam kong gusto mo siya... pero ako ang girlfriend niya, miss!" She cried. "Andyan ba siya... let me talk to him! let me talk to him! ano baaah!?" Naririnig ko pa ang pintuan ng CR na kumalabog. She locked herself on the CR! This Francine-girl is a bit delusional! Bakit ba? Is Dae cheating? Hindi naman siguro! Wala yun sa ugali ni Dae! Pero bakit ganito siya? "W-Wala siya dit-" "Anong wala! Sinungaling-" "Alam mo, hindi ako nagsisinungaling! Hindi ako kabit ni Dae! Wala siyang ibang girlfriend! Ikaw ang mahal niya! nagkapalit kami ng phone! My goodness! PAGSALITAIN MO MUNA AKO PWEDE?" Lumingon ang mga kaklase ko sakin at napalabas ang teacher ko. I stared at the phone... "Low bat nah! AAAAAAAAAAAAAAH!" "Miss Cruz, sino ba yang kausap mo? Importante ba yan?" "Ma`am uhhh, sorry. Nagkaproblema kasi." Pumasok ako sa loob at umupo, kaya lang... My mind is still wandering! ANONG GAGAWIN KO!? BA`T GANITO ANG NANGYARI? GRRRRR. MALAAAAAAAAAAAAAAS. "Si Dae ng chapter review ba ang tinutukoy mo dun sa phone?" Tanong ng katabi kong babae. "Uh, Oo." Ba`t ba ang sikat-sikat nila!? Atsaka... wait... I really really need to find day as soon as possible! My goodness.

10th fall Serene Cruz: para sabihin sa kanya ang totoo!

*SLAAAAP* "Sige nga! Explain to me, Dae! Sino si Serene!? I`m sure narinig ko na yung pangalan niya sa usap-usapan niyo ng kabanda mo!" She was very angry. Andito ako sa floor kung saan bumaba si Dae kanina at pumunta ako sa pinakamalapit na CR only to find out na nakalabas na si GIRL sa CR at ngayon, nagkita na nga sila! *SLAAAAP* She slapped him again! "Ba`t ayaw mong magsalita?" Tinitigan ni Dae ang phone niya---ang phone ko. "Francine, you`ve got it wrong! Nagkapalit ang phon-" "What wrong Dae?" Gush, she was completely hysterical and duhhh! "So... sino si Serene? And why is your phone with her!" "Si Serene... pinsan ni Crayon!" "Sooo, yun pala ang pinsan ni Crayon na tinutukoy nila! She`s also your fan right?" Kamuntik ko ng ihagis ang cellphone ni Dae sa mukha ng girlfriend niya kasooo... pinigilan ko ang sarili ko. Nananahimik ako at nagtatago sa gilid at hinintay na kumalma ang dalawa. "Anong fan ang pinagsasabi mo?" "She`s your fan! Ilang beses ko ba talaga kailangan ulit-ulitin sayo na wag ka masyadong lumapit sa mga fans mo! Mga flirt sila!" She cried and cried! "Anong fan ba ang sinasabi mo? Serene is not my fan!-" "Shut up! Ganyan naman lagi ang sinasabi mo eh!" Francine cried and cried. Buti na lang walang tao dito. I sighed and continued listening. "Well... Serene is your number one fan! Sa mga kwento nila tungkol sa inyo noon, there is no doubt!" Umiiyak si Francine at galit na galit ang kanyang mga mata. Ang babaw naman ng babaeng `to! At nakakainis pa`t tinawag akong fan! NUMBER ONE PA! "Asan ba siya! Sige nga... ipakilala mo siya sa akin! Sige nga Dae! kung kaya mo!-"

"ENOUGH FRANCINE! Sumusobra ka na! Were better off if you won`t trust me!" Sabi ni Dae na mukhang nauubusan na rin ng pasensya sa girlfriend niyang selosa! "Okay if that`s what you want then..." ONE LAST *SLAAAAP* Umalis si Francine at si Dae naman, naiwan. He sighed. OMFG. Nakita ko ba ang buong pangyayari ng THE BREAK-UP? Tapos... ako pa ang naging dahilan? OMG, I need to go somewhere far... I need to escape. Habang papaalis na ako, "Akin na ang phone ko!" Napalingon ako kay Dae na umuupo sa bench malapit sa lugar na pina-awayan nila. "H-Huh? P-Paano mo nalaman na andito ako?" He is cool. He is cooler this time. Lumapit ako sa kanya para ibalik o makipag-exchange ng phone niya. Binigay niya naman sakin agad ang phone ko. "Hindi ka marunong magsinungaling at the same time hindi ka marunong magtago." Katahimikan.

"S-Sorry." "It`s not your fault." What is it, sarcasm? "Involve ang pangalan ko simula`t sapul ng pag-uusap niyo! >:( Tapos..." "Oo, kasalanan mo na~!" Sabi niya. "Uhhh. Sorry." Tinitigan niya ako. He was irritated. "Uhhh, ba`t di mo siya sinundan?" "Ilang beses niya nga akong sinampal?" "TAT...LO." "Kung ikaw ang nasa part ko, hahabulin mo ba siya?" "Uhhh-" Okay now, that`s the conversation! Naninibago ako sa kanya, hindi naman kasi siya ganito dati. I mean... hindi niya naman ako nakakausap. HINDI NIYA AKO KINAKAUSAP. Pero bakit ngayon, parang iba na siya? MAS OKAY NGA YUN EH!

"Hindi niya ako pinapagsalita! Tapos, hahabulin ko siya? para saan? Para masampal ulit?" Tanong niya sa akin, and he was hiding his frustration. I sighed... I sighed... And sighed. "Kung ako sayo, hahabulin ko siya." Tinitigan niya ako... "Hahabulin ko parin siya kahit ayaw niya akong pakinggan, hahabulin ko parin siya para sabihin sa kanya ang totoo!" Tumayo siya at parang mas lalo siyang nairita sa mga sinabi ko. :( "Ba`t ko ba tinatanong sayo `to!? Eh di naman tayo pareho... martyr ka eh!" tapos tinalikuran ULIT ako at umalis. Parang ang sarap niyang batuhin ng cellphone! NAKAKAINIS SIYA! NAKAKAINIS AKO! Eh... tinanong niya eh! Yun naman talaga ang nasa isip ko!! ARGH! DANG IT! Parang gusto kong manuntok! Oo, martyr nga ako! Pero ba`t binanggit pa niya? Tinutulungan ko lang naman siyang makipag-ayos sa GF niya eh! Oo, martyr yun pero... at least naman sana nagpasalamat siya dahil kahit masasaktan ako pinayuhan ko parin siya ng ganon! GRRRR...

11th fall Serene Cruz: impossible yan!

'Hahabulin ko parin siya kahit ayaw niya akong pakinggan, hahabulin ko parin siya para sabihin sa kanya ang totoo!' This phrase resounded on my mind. Pangalawang araw ko `to sa Hereux at andami ng nangyari! When Dae is around, my life is not dull! Maaga akong pumasok... and that was at least for me. LATE AKO. Oo, maaga na yun sakin! Kung `di lang kami blockmate nina Crayon at nina Sophie ngayon sigurado akong mas LATE pa ako sa late! Maaga ring natapos ang klase namin dun at... "Dae, practice tayo bukas!" Sabi ni Drake. "Okay!" Sabi ni Dae habang nakaupo pa sa upuan niya.

Sumulyap ako sa kanya. "Wala ka bang planong makipag-ayos kay Francine?" Inakbayan ni Crayon si Dae. "Pare, alam kong gusto ka parin ni Francine, mejo selosa lang talaga siya! Mahirap nga`t may nadawit na third party, teka... sino bang pinagselosan niya?" Tahimik lang si Dae pero sumulyap siya sakin. Sumulyap siya sakin para bigyan silang lahat ng clue na ako ang dahilan sa break-up nila at ako and NA INVOLVE! Ack~! Kaya wala akong nagawa kundi... umamin. "Eh kasi... nagkapalit yung phone namin eh." Napabuntong-hininga silang lahat. "Tsk... tsk... so it`s Serene`s fault!" Crayon and his creepy smile is annoying! "Hindi ko naman siya sinisisi eh!" Tumayo si Dae at umalis na ang grupo except kay Crayon. "Anong gagawin mo ngayon, couz?" Ngumiti ulit siya. Napatingin ako sa kawalan. "Ewan ko..." Pero tumayo ako at lumabas "DAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAE~!" sa classroom!

Parang narinig ng buong building ang pagsigaw ko. Napalingon silang apat sa akin. Lumabas na rin sina Sophie at Crayon sa room. "Alam kong sinisisi mo ako! WALANG HIYA KA TALAGA! Ang kapal-kapal ng mukha mo! Wa`g kang mag-alala okay! Ibabalik ko kayong dalawa!" ARGH. I`m shouting my heart out! Kamuntik na ngang magtawanan sina Crayon eh. "Buti naman at napag-isipan mo yan!" Naglakad siya papunta sakin. At marami ang nakakita neto. Sana lang walang Francine na nakakita! He leaned towards me. "Hindi ba gusto mo ako? Kakayanin mo kaya yun?" Ngumiti siya. ANONG SINABI NIYA? HANGGANG NGAYON BA NAMAN MAKAPAL PARIN ANG MUKHA NIYA!? "Abaaah Dae, i-update mo na yang timeline mo! Hindi na ikaw ang sigaw ng puso ko!" I`m a bad liar huh? "Owwws? Then... sige nga!" Tinalikuran niya ulit ako at umalis na sila... "Serene, kita na lang tayo bukas sa bahay! Magpa-practice kami dun eh kasi may upcoming gig kami." Sigaw ni Crayon sakin.

Ang hinayupak na Dae na yun! Ang kapal ng mukha niyang sabihin ang mga katagang yun! Ang kapal-kapal talaga! nakakainis! GRRRR. Makikita niya! Pagkatapos kong ayusin ang gusot nila ni Francine, hahanap ako ng boylet! Humanda siya`t magseselos talaga siya ng todo-todo! HAAAAAAAAAY, sana nga! Napayuko ako pagkatapos kong kinwento kina Sophie ang mga nangyari kahapon. "OMG! So... ikaw nga ang dahilan?" Sigaw ni Mina sa cafe. Tumango ako. "Naku Serene, ang hirap hagilapin ng Francine na yun eh! Iba kasi yung mga friends niya." Sophie crossed her arms. "Kaklase ko siya bukas!" "Sure ka na ba talaga?" Sabi ni Sophie. May lumapit saming mga babae. "Excuse me, sino sa inyo si Serene?" "Uhh, Ako bakit?" Sabi ko, bakit kaya? "Kasi... kung ganun, ikaw yung cousin ni Crayon?" Nakita kong napalingon si Sophie. "Uh... Ikaw ata yung kinaiinisan ni Francine ngayon eh!" "Huh?" Napalunok ako ng tatlong beses. "Ikaw daw yung dahilan na nakipagbreak si Dae sa kanya!" Sabi nang babae habang tinitingnan ko ang sugat sa braso niya. "Huh? Hindi ganun yun!" "Ehhh, buwisit talaga yung babaeng yun! Ako nga pala ang vice president ng fans club nina Dae. Hiningi niya kasi sakin ang listahan ng fans nila para hanapin daw ang pangalan mo!" ANOOO~ Sumisikat na rin ata ako ah! Nakinig lang ng mabuti sina Sophie, Mina at Chyna. "Kaso... wala ka sa listahan nun. Akala niya tuloy peke yun kaya`t sinabunutan niya ako!"

Nagsilapitan ang halos lahat ng narinig ang pinag-usapan namin nung nasabing vicepresident ng fans club na di umanoy sinabunutan ni Francine. Mapababae at lalakeng fans ang nakiusisa sa amin. "Nakuuu, ang bruhang Francine na yun! Kahit kelan di ko talaga maisip kung bakit siya nagustuhan ni Dae!" Sabi nung isa. "Oo nga! Napaka selosa! HMPPP!" Sabi ng babae sa likod ni Sophie. "Kaya, Serene. Mag-ingat ka sa kanya!" "Huh? Uh... Okay!" "Sana kayo na lang ni Dae! Ang alam ko kasi magkababata daw kayo-" "Nakuu... hehe, impossible yan!" Sabi ko. Sana makumbinsi ko silang mukhang impossible yung sinasabi nila! Nagdadalawang isip na tuloy ako ngayon kung tama bang tulungan ko si Dae sa babaeng yun! Pero, I-try ko na lang para naman mapanatag ang kalooban ko`t malaman nung Dae na yun na `di ako nagbibiro! Kaya ng sumunod na araw... "Francine," Tinawag ko ang babaeng makinis na nakatalikod sa akin pagkatapos ng klase namin. "Ano?" She looks kind naman eh? HMMM. "Ako nga pala si Serene...-" "AAAAAH Ikaw yung kabit ni Dae ano? Ang kapal kapal ng mukha mong i-approach ako dito. Bakit? anong gagawin mo?" Linapitan niya ako kaya`t napaatras ako. "Uh.. eh.. uhm.. si Dae kasi... Pwede bang-" "YOU FLIRT!" Bago ako makapagsalita - tinulak niya na ako at sinabunutan! OH NO! NOT AGAIN! NOT MY HAIR! NOT THAT! NOOOOO~! "Walang hiya ka! It`s all your fault! It`s all your fault! You pretentious ugly b1tch!" "A-ano bahhhh~!" Pinigilan siya ng mga napadaang estudyante. I nearly cried... because of PHYSICAL PAIN! Nakita kong dumugo ang braso ko. Nakalmot niya! Ang haba kasi ng mga kuko niya - matutulis pa! Ang kuko ko naman, eh malinis. "Bitiwan niyo nga ako! Yang babaeng yan! Dahil sa kanya! She stole Dae!"

May nakita akong mga guard na lumapit at pinakalma nila si Francine, pinayuhan din nila akong pumunta sa infirmary para lang magamot ang mga kalmot sa braso ko. Kaya lang... I refused. "Kaklase pala kita huh? HMMMP. I-drop ko na `tong subject na `to! Ayokong makita ang pagmumukha ng kabit ni Dae na yan!" EH I-DROP MO! Pasalamat ka nga diyan at tutulungan sana kitang makipagbalikan kay Dae eh. PASALAMAT KA NGA! Walang hiyang buhay naman `to oh! Gusto ko na tuloyng kumain ng Katol at magpakamatay! Ba`t ba ganito lagi ang nangyayari? GRRRRR. Eh mabuti naman ang intensyon ko eh!

12th fall Serene Cruz: Ouch!

Papauwi na ako noon sa bahay habang iniinda ang hapdi ng sugat ko. Ang walang hiyang malditang babaeng yun! Hindi ko talaga alam kung mahaba lang ba talaga ang pasensya ko o talagang bulag ako pag si Dae na ang pinag-uusapan! Pupunta pa kaya ako sa practice nina Crayon? eh ganito ang lagay ko! Wa`g na lang, baka usisain lang nila ako! Wala akong narinig na ingay sa bahay nina Crayon. Bakit kaya? Akala ko ba magpapractice sila ngayon. HMMM At oo, dumadaan pa ako kina Crayon bago makarating sa bahay. For short, we`re neighbors. Pero kahit na mukhang wala naman sila doon, nag-ingat parin ako. Kulang na lang gumapang ako para kahit isang bintana nila hindi ko makita. "SERENE~!" Tinawag ako ni Sophie habang kumaway. Napatingala ako at nakita ko sa balcony namin na andun siya. Nakarating na pala ako sa bahay, pero ba`t andito si Sophie? "Huh? Sophie!" Unti-unti kong napansing maingay sa bahay at parang may mga bisita! Pumasok ako sa loob at didiretso sana sa balcony kaso nakita ko sina... Dae, Crayon and the rest of the group.

Tumigil sila sa pagtutugtog, "Sorry couz, di na kita nainform! Kasi si Tita eh sabi niya aalis daw sila ni Tito, may aasikasuhin sa probinsya tapos nakiusap siya na dito na lang daw muna kami magpractice!" OMFG, iniiwasan ko sila eh! HUHUHU "Uh... Okay, asan si Ney?" Tanong ko sa kanya gamit ang malamyang boses. Walang enthusiasm at iniinda ang sakit ng kung saan. I think I`m sick, pero di ko naman feel na masakit ang ulo ko. WALA LANG TALAGA AKONG GANA. "Nasa kwarto ata, naglalaro ng PSP." Sabi ni Crayon. "Uh... Okay! Bihis lang ako ah!" Sinenyasan ko si Sophie na sumama sakin sa kwarto kaya dali-dali siyang pumunta sakin. I can feel their stares. Para akong binabato ng bato sa likod sa mga tingin nila sakin. Syempre, tinago ko ang braso kong may STRAIGHT LINE ng kuko ni Francine. Napansin kong dumudugo pa ang lintik na sugat at mahapdi na talaga. Nakakatakot naman kung lalagyan ko ng alcohol. "Serene, may nangyari ba sayo?" Tanong ni Sophie habang tiningnan muna si Crayon habang papalapit sakin. "Wala." "You look tired." Bago pa ako makapagsalita... "Ano yan?" Napalingon ako kina Crayon at para bang kanina pa silang nakikinig sa sinasabi ni Sophie. "Ba`t may sugat ka? Andami pa! Pero ang laki neto ah!" "Ahhh. Wala yan, gasgas lang yan." I smiled and breath. Bago kami pumasok sa kwarto, hinila na ako ni Crayon. "Oh no..." Tinitigan nila akong lahat. "May nakaaway ka bang pusang-kalye?" He laughed. Humapdi ang sugat. Ewan ko kung bakit. "Wala!" Sabi ko! Nakakainis na! "Serene, don`t tell me... si Francine ang may gawa niyan!?" Nabigla ako nang ipinasok ni Dae si Francine sa usapan. "Hindi! Sanga lang `to ng... uhm... kahoy!" "Huh?" Tanong niya at papalapit na siya samin. "Sanga sabi ng kahoy-" "Bakit? Natutulog ka habang naglalakad? O umakyat ka ng kahoy habang natutulog!"

Nag give-way si Crayon kay Dae at tiningnan niya ang sugat ko. "Patingin, hinawakan niya at mas lalong humapdi!" "Serene, hindi ka ba natututo? Magsabi ka na lang ng totoo kung hindi ka marunong magsinungaling!" Sabi ni Crayon. "Si Francine ba ang may gawa nito!?" Dae insisted. Hindi na talaga ako nagsalita. Ayoko kasing maisip niyang sinisiraan ko si Francine. "Dae, mukhang siya nga kasi nangyari na rin yan kahapon at siya yung gumawa." Sabi ni Drake. "Ako ang may kasalanan!" Geeez. "Tama na nga yang pagiging santa mo!" Kinuha niya ang cellphone niya at may tinawagan... "Francine, magkita tayo!" Yun lang ang narinig ko. Pagkatapos nun, umalis na siya. Wala na siyang ibang sinabi o binilin sakin. Hindi ko pa nga alam kung anong pag-uusapan nila ni Francine kung magkikita sila! Nakakainis. Lagi nalang akong naiinis! Tatanda ako ng maaga neto. Hindi pa naman umalis sina Crayon at ang iba. In fact, tinulungan nga nila si Sophie sa paggamot sa sugat ko eh. "Alam mo Serene... ayaw ni fafa Dae ng mga sinungaling na vata!" Pabirong sinabi ni Grey. "Kaya ikaw, wa`g na wa`g ka na ulit magsinungaling ha!" Nagtwanan sila. "Tsss. Tumigil nga kayo! Kita niyong namimilipit si Serene sa sakit dito eh!" Sabi ni Sophie habang kinukuha yung bulak. HAAAY, Mas maganda sana kung si Dae ang gumamot ng sugat ko. Napapikit ako dahil mahapdi. "Nakuuu... lagot yun si Francine kay Dae!" Sabi ni Crayon habang nanonood lang kay Sophie at sa sugat ko. "Oo nga! Baka tuluyan ng hindi makipagbalikan si Dae sa kanya kasi ganyan ang nangyari!" Singit ni Drake. "Baka... bigyan siya ni Dae ng pagkakataon! alam niyo naman yun, mahal niya si Francine eh!" Sabi ni Valen. Para silang nagbi-brain storming sa mga gagawin ni Dae. "Ouch!" sigaw ko ng natamaan ni Sophie ang masakit na part. "Sorry. Tsk. Kawawa naman `tong braso mo!" Sabi ni Sophie at nagpatuloy siya sa paggamot. "Baka, hindi siya makikipagbalikan kay Francine kung `di magbabago si Francine!" Sabi ni Crayon.

"Mukhang ganun siguro yung gagawin niya!" Sumang-ayon naman ang tatlo. "Eh mabait naman kasi si Francine, selosa lang talaga! Nagiging monster." Sumingit pa si Sophie. Ako lang ata ang walang alam sa mga nangyayari eh! I mean, ako lang ang walang alam kay Francine at Dae! "Hmmm, pero iba na talaga pag si Serene ang pinag-uusapan!" Sabi ni Crayon with his creepy smile. Anong sabi niya? Tatanungin ko sana siya tungkol dun pero ayaw kong maisipan niyang interesado ako sa sinasabi niya! Pinutol ni Sophie ang munting kasiyahan ko nang, "Tama na nga yan, baka umasa lang `tong si Serene eh!" May point siya! I sighed. Kaya ko pa bang umasa sa lagay kong `to?

13th fall Serene Cruz: HAHAHAHAHAHAHA

"Tapos na ako, ikaw na lang magligpit niyan Serene!" Sabi ni Ney. "Aba`t talaga naman! Hoy, Ate mo ako!" Kami na lang dalawa ni Ney sa bahay. 6:30pm na at kanina pa umalis ang buong tropa. Kumakain ako at feeling ko gutom na gutom na ako! Tinali ko ang bangs ko para hindi ako mainitan at natutuwa din ako sa pagmumukha ko habang nakatali ang bangs! Pinatay ni Ney ang TV pagkatapos niyang marealize na walang magandang palabas at pumasok sa kwarto. "3 pooooints!" Umaksyon si Crayon na para bang may ring ng basketball sa living room namin. Nakakabigla siya. "Ba`t ka andito?" Sabi ko habang kumakain. "Concern si fafa Dae eh!" Sagot niya at napakalmot ako sa ulo habang nakikita kong pumapasok si Dae. "Loko lang! Eh dito na muna kami dahil mukhang `di makakauwi sina Tito."

Sana totoo na lang yun! "Huh? D-dito kayo matutulog?" Tanong ko habang tiningnan si Dae. "Hindi rin, aalis rin kami mamaya pag lumalim na ang gabi!" Tumango ako. "Dae, kain muna tayo!" Sabi ni Crayon. Ano kaya ang pinag-usapan ni Dae at Francine? Hmmm, gusto kong magtanong kaso... baka maisip nilang interesado ako! Umupo si Crayon sa tabi ko at si Dae naman sa harap ko. At kumain nga silang dalawa. Pinagmasdan ko ng maigi si Dae, tiningnan ko ang mga maliliit na pagbabago sa kanyang mukha. Ewan ko kung bakit ganito ako ka apektado pag siya na ang pinag-uusapan! Ilang years ko na ba siyang crush? huhu. ayoko ng bilangin kasi sumasakit lang yung ulo ko pag naiisip ko yung previous years! "Ehem... ehemm..." Na istorbo ang pagmumuni muni ko dahil kay Crayon. "So Dae... sigurado ka na ba talaga sa desisyon mong yun?" "Oo." "Tskk... akala ko pa naman magkakabalikan din kayo within this week. tsk tsk tsk." WHAAAAT? So, hindi nga siya nakipagbalikan? At mukhang di na siya makikipagbalikan? "Kailangan niyang matuto! Minsan kasi naiirita na ako sa kanya!" Sabi ni Dae. Ewan ko pero parang gusto kong ngumiti kaya sumubo na lang ako ng pagkain para mapigilan ko. "Uyyy, masaya si Serene!" "Huh? Anong pinag-uusapan niyo?" Liar liar liar! Hindi ako makatingin kay Crayon. "Sus naman `to oh!" He pinched my nose. "Hi-hindi ko alam ang sinasabi mo!" Tumayo ako at kimuha ng tubig sa ref para uminom. Nawalan na rin ata ako ng ganang kumain. Lintik talaga yang crayon na yan oh! "Hoy Serene, penge nga ng juice!" Tinuro ni Crayon ang baso niya at baso ni Dae. Aba`t gagawin pa nila akong maid? Sige... humanda ka talaga sakin ngayon Crayon! Humanda ka! Humanda ka!

Uunahin ko muna ang baso ni Dae para maibuhos ko na `tong tira-tira kay Crayon at nang matauhan yang makulit kong pinsan! Dahan-dahan kong binuhos ang juice sa baso ni Dae na katabi lang niya. AWWW, sana paglaki ko ganito. LOL. Sana ako yung magluluto ng pagkain niya, tapos sabay kaming mata-trabaho, tapos ganito ulit ang mga eksena pag sa bahay na! "Serene, ilan na ba ang manliligaw mo`t binasted mo?" Napalingon ulit ako kay Crayon. Nabigla ako nang lumingon din si Dae sa akin. Bakit niya ako tinititigan ng ganito? Curious ba siya sa love life ko? NAKU NAMAN. Baka may gusto na `to sakin! Di naman impossible yun dahil matagal na kaming magkakilala! "S-Serene," Napatingin ako sa baso ni Dae na punong-puno na at NABASA KO PA ANG DAMIT NIYA! Oh no. Not again. Agad akong kumuha ng tuwalya habang panay naman ang tawa ni Crayon. Si Dae naman parang nag-iinit na talaga ang ulo sakin dahil ang sama makatingin. WAAAAH! Si Crayon dapat ang sinabuyan ko ng juice eh! Ba`t si Dae? Loko talaga ako. "Dae... S-Sorry. Hi-Hindi ko sinasadya!" Kinuha ko na lahat ng pwedeng makapagpatuyo sa kanya. Pati na ata ang inosente naming mga electric fan. Nagtatawa parin si Crayon. "Hindi ako makapaniwalang `di ka parin nagbabago!" Sabi ni Dae. Malumanay lang ang boses niya pero nakakatakot yung mga titig niya. Tumayo siya para punasan ang damit niya. Crayon was still catching his breath while saying, "Kukuha na lang ako ng damit... hahahahah >:D " Umaksyong susuntukin ni Dae si Crayon pero tumawa silang dalawa. NAGTAWANAN ANG DALAWA. Seeing Dae`s face laughing makes me feel warm inside. Paano ko siya hindi magugustuhan kung kahit saan siya ang nakikita ko1t ngayon mas lalo ko ulit siyang nagugustuhan! "Uh... kay Ney na-" "Ney? Wa`g na! Damit ko na lang, makakaistorbo lang tayo dun! Tsaka baka di kasya kay Dae yung mga damit ni Ney!" Patuloy sa pagtawa ang dalawa.

Unti-unti kong narealize, habang papaalis na si Crayon sa bahay, ang katotohanan na kaming dalawa ni Dae ang maiiwan sa bahay - este andyan si Ney pero preoccupied yun sa PSP niya! "Hintayin niyo ako ah! Dae... Dae... fafa Dae, ingatan mo si Serene ah? hehehe" "Tseeeh!" Sabi ko kay Crayon. Gush, kami na lang dalawa ni Dae dito! Tapos ko ng iligpit ang gamit namin at nakikita ko siyang pinakekealaman ang guitar ni Crayon na dala niya kanina. Nanood ako ng T.V. (really? as if lang `to) habang pinapanood ko siyang nag strum at nakaupo sa bintana namin at malay ang tingin. Ano kaya ang mga iniisip ni Dae sa mga ganitong pagkakataon. I sighed... He looks so lonely right now. I don`t know. Sumulyap siya sa akin dahil mukhang namalayan niyang tinitingnan ko siya. Kaya linagay ko ang mga mata ko sa T.V. at... "HAHAHAHAHAHAHA >:D " nagtatawa ako ng malakas para as if nanonood ako ng TV. Tiningnan ko ulit siya at nakatayo na siya malapit sa akin dala-dala ang guitar kaya agad kong tinitigan ulit ang TV. Mukhang may sasabihin siya kaya hinintay ko talaga siyang magsalita pero eto ang narinig ko, "Anong nakakatawa sa TV patrol?" Ack~! waaaaaaaaaah! :'(

14th fall Serene Cruz: akala mong hindi na masakit?

"Ahh. hehe, wala lang. Natawa lang ako." Tsssk. Buwisit naman oh! Lagi na lang akong nagkaka-embarassing moment pag andyan siya! Sana linamon na lang ako ng lupa! Tinitigan ko ang TV habang nagcoconcentrate kung paano yun babasagin sa pamamagitan ng mga mata. Telekinesis ba ang tawag dun? Ay... nagpapagalaw yun ng bagay eh! Ah basta. Sumulyap ako kay Dae... "A-Anong ginagawa mo?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil tinanggal niya ang T-shirt niya. "Ano?" Linagay ni Dae ang kanyang T-shirt sa inuupuan niyang bintana kanina. Tapos bumalik siya malapit sakin at umupo sa sofa! Sa sofang kinauupuan ko rin! Nakatitig ako sa kanya. May halong pagtataka at ehem... pagkamangha! "Ano?" Inulit niya. "B-Bakit mo tinanggal!" He smiled, "Ano bang problema? Hindi ka na bata para pag-isipan ako ng masama dahil lang tinanggal ko yung damit ko!" Tahimik parin ako at ngayon may halong inis na. Ewan ko kung bakit. Siguro dahil nagugustuhan ko na NAMAN siya? Bakit kaya ganito? Lahat na lang ng ginagawa niya feeling ko... magic. "Tsaka, ikaw naman ang may kasalanan ah! Ikaw yung nambuhos ng juice!" Napalunok ako. Tumingin siya sa TV, "Tingnan ko nga kung matatawa ako dito!" "Ah.." Wala akong masabi. WAAAH! Okay, easy lang dapat ako!

Ilang sandali ang nakalipas, "Ang tagal naman ni Crayon!" Sabi niya habang umupo ulit sa bintana namin at kinuha ang guitar. Pinatay ko ang TV, ewan ko pero parang gusto ko na lang makinig kung ano ang itutugtog niya. "Ang tagal ni Crayon noh?" Kinuha ko yung phone ko at iti-text na sana si Crayon. "Bakit? Ayaw mo ba nun, mas mahaba ang oras na tayo lang dalawa!" I stopped texting, OO NGA NOH? LOL. As if naman aamin ako kung ganun ang tono ng pananalita niya, baka ngayon tuluyan ko na siyang mabato ng phone! "Dae, ilang beses ko ba kailangang ipaalala sayo na hindi na kita gusto!" Pinandilatan ko siya. "Ipakita mo nga sakin yung gusto mo?" This is so humiliating! "Wala nga eh! Wala naman kasing lumalapit na lalaki sakin dito dahil sa Crayon na yan!" Pinandilatan ko ulit siya. "Eh sa States?" "Wala rin! As if naman interesado ako sa kano!"

"Eh anong gusto mo?" IKAW. JOKE. NYENYENYE. "Wala! Tsaka, ba`t ba impatient ka masyado? Natatakot ka ba dahil baka maging oldmaid ako?" "Hindi naman, gusto ko lang kasing sabihin sayo na hindi ako maniniwalang `di mo na ako gusto kung wala ka ngang ibang gusto!" "Oh my funny goat! Bahala ka diyan, Dae! Hindi ko naman problema yun! Buti nga yun at madagdagan ang problema mo!" I sighed. "Hmmm, oo nga naman!" Tiningnan ko siya at ngumiti naman siya! GRRR. HUMILIATING! Word for the day na ito! "Alam mo kasi Dae, kaibigan na lang talaga ang tingin ko sayo ngayon kaya... haaaay, I hope we can be friends!" "Bakit? Di ba tayo friends?" He smiled again, an evil smile! "Ahhh okay, edi friends!" Yes. And that`s enough for me! Pwede na yun! Friends! Friends! Friends na lang! At least diba, my relationship parin, kesa sa stranger? "So, kamusta na kayo ni Francine? Uh I mean kamusta kanina?" Natanong ko rin sa wakas ang tanong na kanina ko pang gustong tanungin! Nag-iba ng ekspresyon ng mukha niya, "Ba`t mo naitanong?" "Heller, we`re friends right? Dapat lang malaman ko yung mga nangyayari sa buhay mo!" "Break na kami, alam mo naman yun diba?" I can`t believe this! Hindi dahil break na sila! Kundi ang thought lang na nag-uusap kaming dalawa! "Oo, pero diba nagkita kayo kanina? Anong sinabi mo?" OH MY. My real intentions are showing! "Sabi niya sakin, ginalit mo raw siya!" "Uh? Huh?" "Ikaw naman kasi! Minsan nakakairita ka!" GRR. Anong sinabi? Eh wala naman akong ginawa eh! Nagpakilala lang naman ako noon! Tapos nag second demotion pa ang mokong! "Wala naman akong ginawa ah! Siya lang tong biglang naging werewolf. >:( " "Wa`g na nga muna natin siyang pag-usapan? Naiinis lang ako sayo pag naaalala ko yan eh!"

OUCH! Mukhang affected siya ah? Naku... mahal niya talaga si Francine! Para akong nakalunok ng manga dahil ang asim ng mukha ko. GRRR... Pero nakakainis eh, kasi ako pa ngayon ang may kasalanan! Okay, iisipin ko na lang na ako nga dahil ako naman ang pumunta sa kanya pero... nakakainis parin! "Eh ba`t ka sakin naiinis? Eh ako na nga yung nasugatan!" Tumayo siya at pumunta agad sakin. Para bang nalimutan niyang may sugat ako at ngayong pinaalala ko, nag-alala naman siya! "Aray." Mahapdi parin, oo. "S-Sorry! Nagamot na ba `to!" "Oo!" "Eh ba`t walang bandage?" "Hello! Di naman yan dahil sa kutsilyo! Kuko yan, kuko!" Nainis ako sa sarcastic niyang pag-aalala! Or maybe... OA. And... okay na sana yun, kaya lang sinadya niyang hawakan ang sugat! "ARAY~!" Binawi ko agad ang braso ko! "Eto naman, OA. Tiningnan ko lang naman kung masakit pa ba!" "Tseh! Eh kita mo ngang kanina pa lang `to nasugatan tapos akala mong hindi na masakit?" "Pasalamat ka nga`t concern ako sayo! Concern yun CRUSH mo sa`yo!" BUWISIT talaga! CRUSH? Mahal kita eh! Tsaka, papaano kami magiging kaibigan neto kung pinapaalala niya lagi ang katotohanang yan! Kulang na lang umiyak ako sa inis dito! Ganun lagi ang nangyayari sakin, umiiyak dahil sa inis! "Hoy hoy! Tumigil nga kayong dal`wa diyan!" Hinagis ni Crayon ang T-shirt ni Dae sa akin, sa aking mukha! Ang galing talaga ng timing niya, kung kelan ako naiiyak sa inis saka niya naman dadagdagan!

15th fall Serene Cruz: Dae... ingat... ka!

"Hindi pa ba kayo uuwi?" Sabi ko habang tinanggal ang T-shirt ni Crayon na para kay Dae sa mukha ko at hinagis malayo kay Dae! Sa inis ko, ganun na talaga ang ginawa ko at sinabi ko! "O, o... kayong dalawa, anong nangyari sa inyo! Para kayong aso at pusa ah?" Sabi ni Crayon habang tumatawa. "Eh kasi `tong pinsan mo eh-" "Hoy hoy Dae! Anong ako? Ikaw ata!" Piandilatan ko si Dae. Tahimik lang kami habang pinagmamasdan ko si Ney na bumaba tapos uminom ng tubig at bumalik ulit sa kwarto niya. "O ano? Magtititigan na lang ba kayo diyan?" Sabi ni Crayon habang lumapit sa bintana at kinuha ang guitar niya`t nagsimulang tumugtog ng maiingay na kanta. Si Dae naman, wala paring damit at isinasandal lang ang buong katawan sa sofang katabi ng sofa na inuupuan ko. Sinulyapan ko ang damit ni Crayon sa malayo at mukhang walang plano si Dae na pulutin `to! Kaya, kinuha ko na lang at hinagis sa mukha ni Dae! Pasalamat siya`t damit lang yan! Na bull`s eye ko pa naman ang ulo niya! GRRRR. Agad niya namang sinoot ito. "Ano ba? Mag-usap nga kayong dalawa! Alam kong miss na miss niyo na ang isa`t-isa!" Sabi ni Crayon. "Huh? Anong miss? tsk." "Oo nga! HMMP!" I looked away. "Nakuuu, kayong dalawa oh! Eh di ko naman yun linalagyan ng malisya eh!" Sabi ni Crayon habang may tinapos na text message saka kinuha ulit ang guitar. "Sige na Dae, kausapin mo na si Serene!" "Ayoko nga!" "Hello! As if naman gusto ko yun! Feeling!" "Alam niyo, mas grabe pa kayo sa mag boyfriend at girlfriend mag-away! Nagdududa na ako ah!" Tumugtog ulit si Crayon ng maingay na tugtugin! "Crayon, ang ingay!" Sabi ko habang tinatakpan ang tenga. "Ay oo nga pala. Ayaw mo pala ng maingay noh?" Tumango ako. Nagpatuloy siya. "Narinig mo na ba kaming tumugtog?" "Oo." "Talaga? Saan?"

"Sa youtube!" "Kung ganun, yung nasa States ka pa?" "Oo." "How was it?" "Okay lang... Mejo... maingay, too Fall-Out-Boy-ish!" "Ayaw mo ba nun?" "Uhhh, okay lang naman. Pero nasanay kasi ako sa mga love songs na mellow... Alam mo yun..." Crayon strummed his guitar lighter. Kinanta niya ito, "Ikaw na ang may sabi, na ako`y mahal mo rin... At sinabi mo, ang pag-ibig mo`y di magbabago." Hmmmm. LOL. "Ganito ba ang gusto mo?" Tanong ni Crayon with his evil smile. again. "Uh... yeah yeah! Pwede din english, basta yung di masakit sa tenga." Sabi ko. "Tumutugtog din naman kami ng ganyan, depende sa gig or request. Flexible naman kasi kami at yung boses din ni Dae eh!" "Uhhh. Edi maganda! Magpapalullaby na lang ako sa inyo! HAHAHA >:D " "Nyee, kala mo ah! May bayad yun! HAHAHAHA >:D " Nagtawanan kami ni Crayon nang, "T-Teka... Akala ko ba kami ni Serene ang mag-uusap pero...?" Dae blushed when I stared at him waiting for the continuation of his words. OMGEEE. Anong sinabi niya? Ina-absorb ko pa ang lahat ng salita na sinabi niya eh! "OH MY. Dae, are you jealous? HAHAHAHA >:D " Tumatawa na naman ang evil cousin kong si Crayon! "H-Hindi ah? B-Bakit naman?" "HAHAHA. Wa`g kang mag-alala pre! Parehong kaming maganda at gwapo ni Serene kaya walang duda na magpinsan kaming dalawa! HAHA! Kahit DNA!" "A-Ano bang pinagsasabi mo, Crayon?" Sumulyap si Dae sa akin na para bang guilty. "S-Sorry, Dae!" I smiled. Feeling ba ako ngayon? Eh kasalanan yan ni Dae! Kung di nya naman sinabi yun eh! "H-Huh? Ah. Joke l-lang yun!" He looked away. Kainis talaga! ayaw pang aminin! Kumuha ako ng unan at binato sa kanya. "Eh ba`t di mo na lang kaya aminin? Para ka namang aamin niyan na may gusto ka sakin!" "Eh joke lang kasi!" He looked away again! "Andito na sina tita!" Sabi ni Crayon habang tumayo sa kinauupuan niya.

Tiningnan ko ang relo at 10:31pm na! Akala ko di uuwi si mama at papa. "Umayos kayo diyan at tigilan niyo na ang pagtatalo niyo!" Sabi ni Crayon habang binuksan ang pintuan. Pumasok si mama at papa, sinalubong ko naman. Tapos, andun na rin si Dae. "O Dae, andito ka rin pala?" Nabigla si papa. Syempre, kilala ni papa at mama si Dae. Nagdududa nga ako na alam nilang si Dae lang ang tanging nilalang na pinagnasaan ko buong buhay ko. "Ahh, opo!" "Naku, salamat sa pagsama kay Serene dito sa bahay ah? Hindi pa kami nakakakuha ng magbabantay dito kasi wala pa kaming time eh!" Sabi ni mama habang sumulyap sakin. Syempre, hindi ganun ka ganda ang ekspresyon ng mukha ko dahil sa pagtatalo ULIT namin ni Dae kanina! "O-okay lang yun tita!" Sabi ni Crayon habang inakbayan niya si Dae. "Basta si Serene! diba Dae?" Evil smile. "Oo. ;) " "tsss, nagpauto naman!" Bulong ko sa sarili ko. "Oh oh Serene... Makikipag-away ka na naman ba sa kay Crayon o kay Dae? Tigilan mo nga yan, pasalamat ka nga`t sinamahan ka nila dito eh!" Tumingin ako sa kanilang dalawa at :P bleeeh! Tinukso tukso pa ako sa pamamagitan ng pagbulong ng 'kawawa-kawawa!' Buwisit! NAKU. NAKU. Puputok na talaga ako. Inis na inis na talaga ako! Grabe! "Sige Serene, alis na kami!" Sabi ni Crayon habang nagmadali silang lumabas. "Tita, Tito, alis na kami!" Kumaway silang dalawa. "Okaaay! Ingat kayooo!" NAKUU. NAKUUU! Di pa ako tapos sa inyong dalawa! GRRR. "DAAAAAAAAAAE!" Sigaw ko habang nanggagalaiti! Lumingon naman siya, kaya imbis na dugtungan ko ng CRAYOOOOON ang sigaw ko, "Uhhh. >:( " Seryoso ang mukha niya habang papalabas sila sa gate ni Crayon.

"Tama na Serene, matulog ka na! Good night!" Sigaw niya sa akin. AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH~! I mean... "Dae... ingat... ka!" Bulong ko habang nakatingin sa kanya sa malayo. FORTUNATELY/UNFORTUNATELY, mukhang nag lip-read siya kaya... "Oo, magiingat ako! Ingat ka rin!" WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH~ Ehem. Kumaway na si Crayon pero si Dae naman, hindi na lumingon pagkatapos niyang sabihin yun!

16th fall Serene Cruz: Anong ibang tao?

"Who`s Miss Cruz?" Tanong ng prof ko habang papapasok ako sa classroom. GEEZ, Late again! Kahit na kaklase ko sina Crayon ngayon, late parin! Mag-iisang buwan na ako sa Pilipinas at isang buwan na rin ako sa eskwelahan na `to pero di parin ako nasasanay sa oras at temperatura! Kaya laging late sa klase. tssk, "Miss Cruz?" Siniko ako ni Sophie. "Uh, yes? Sir?" "I`m sorry," Sabi niya habang linapag sa harapan ko ang isang test paper. "You failed this quiz, again." MY GEEEZ! I failed! Math `to! Mahina ako sa math! Waaaa~! "Uh. Ganun po ba-" "Okaaay, let`s continue..." Ewan ko kung mamomroblema ba ako sa grade kong `to eh alam ko namang wala na akong pag-asa! grrr. Alam ko na! Magpapatutor ako kay Crayon! Lumingon ako kay Crayon pero tinuro niya si Dae na nakaupo sa harapan niya!

"My goodness, Serene! Kailangan mo ata ng tutor!" sabi ni Chyna. "Tulungan niyo naman ako oh!" Sabi ko kahit alam kong impossible dahil iba ang schedule naming apat. "Kahit every weekends lang!" "Hmmm, eh kay Dae ka na lang kaya magpatutor!?" Sabi ni Sophie. Habang tumatagal ata mukhang nahahawa na `tong si Sophie kay Crayon! "Huh? Ba`t naman ako-" "Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?" Lumingon ako`t nakita si Dae. Nang ibinaling ko naman kay Sophie ang paningin ko, huli na ang lahat. Nag-tanan na sila ni Crayon. Tumingin naman ako kina Chyna at agad namang umalis na parang naiihi ang dalawa. "HAHAHAHAHAHA >:D " Nabigla na lang ako sa tawa ni Dae! "Hindi ka parin nagbabago!" Hinahawakan niya ang test paper kong may flying colors of red! "Nakakahiya ka talaga! tsk tsk tsk!" Kinuha ko ang test paper ko, kaso hindi rin ako nagtagumpay. "Akin na nga yan!" Nangiinis na naman siya! "Kinakahiya mo ba `tong score mo?" "Hindi ah! Akin na sabi!" Hindi ko parin makuha ang testpaper ko. Hanggang sa mukhang naging crowded na ang pavilion - kung saan kami nagtatambay. "Dae, akin na sabi!" "hehehe >:D " "Dae..." Sorry, wala na akong choice eh! "Si Francine!" Sabay turo sa likuran niya at ang galing ko pang umarte! Kaya napalingon siya`t nakuha ko rin ang testpaper ko! Agad ko `tong tinago. Nang ibinaling na niya ang tingin niya sa akin, tahimik na siya at seryoso. Sinasabi ko na nga ba, affected parin siya! Ganito rin siya noon pag si Charlotte eh! Ke swerte-swerte naman ng mga babaeng inibig niya! He`s the reason for the teardrops on my bed kaya dapat lang iniingatan siya! GRRR. "Ang bobo mo naman Serene! Eh ang dali-dali lang niyan!" Sabi niya nang narealize nyang ginawa ko lang pala yung bitag! At least, di siya nakipagtalo. Pero nakita ko ang pagbabago niya ng mood. "Sige nga! Turuan mo nga ako!" Hinamon ko siya sa kabila ng mood swing niya. :D

Nabigla na lang ako`t pumayag siya at ngayon, tutor ko na siya! Imagine? Si Dae? Si Dae na ang akala ko noon eh hanggang pangarap na lang ang kausapin siya`y tutor ko na ngayon? May dahilan talaga `to! "Naintindihan mo na?" Tanong niya sakin pagkatapos niya akong turuan. May maiintindihan ba talaga ako neto kung malapit kami sa isa`t-isa ngayon? Hindi ako makapagconcentrate! "Serene, naintindihan mo ba?" Inulit niya nang namalayang nakatunganga ako sa mukha niya. "O-OO!" "Ows? Sige, sagutin mo `to!" waaa. "Uh, pakiulit?" Nagkasalubong ang kilay niya, "Ano? Akala ko naintindihan mo?" "Eh, may hindi pa ako naiintindihan eh!" HAHAHA, Oo! Meron nga akong hindi pa naiintindihan hanggang ngayon! Kung bakit hindi niya ako MAHAL! hahahahaha Inulit niya nga ang tinuro niya. He`s so patient! Wow. "Hoy Serene! Abnormal ka ba? Hindi ka naman tumitingin sa papel eh! Sa mukha ko lang nakatitig yang mga mata mo! Umayos ka nga!" WHAAAT? Akala ko di niya namalayan yun. "Uhh, may iniisip lang ako!" Napasinghap siya, "Ano ang iniisip mo?" "Uhhh, kung kamusta na yung mga kaklase ko sa Philosophy?" Sabi ko. Hindi ko rin alam kung bakit yun ang binanggit ko. "Naku! Nag d-daydream ka ba? May crush ka siguro dun noh? wa`g ka ngang mag-isip ng walang kwentang bagay! Andito ako sa harapan mo..." He paused. At feeling ko na naman kinilig ako sa sinabi niya! Ewan ko kung bakit! Wala naman siyang binanggit na mahal niya ako! NAKUUUU ABNORMAL NA TALAGA ATA AKO. Obsessed na! This is bad! "Isipin mo na lang yung tinuturo ko!" "Ah, Okay! Sorry."

"Tsss, kung mahina ka sa math ba`t etong course na `to ang kinuha mo?" Sabi niya sa tonong pinapashift na ako! "Wala eh, gusto ko!" "Apat na taon tayong math ang inaatupag! Kaya wa`g mong sabihin saking apat na taon din akong magiging tutor mo!" Ngayon, sinisermonan niya na ako! GRRR. "Ehhh, wa`g ka na kasing mag alala! Ngayon lang `to!" Sabi ko. "Hmmm, sa IQ mong yan? Baka nga higit pa sa apat!" NAKAKAINIS TALAGA! Ayan na naman yang pang-iinis niyang nakakainsulto! "Edi wa`g mo na nga lang akong turuan! Maghahanap na lang ako ng ibang tutor! AS IF NAMAN PINILI KITA EH! AS IF NAMAN DI AKO MAKAKAHANAP NG IBA!" Napalakas ang boses ko kaya marami ang nakarinig. Agad niyang tinakpan ang bibig ko. Nakatingin na kasi ang ibang tao sa amin at showbiz masyado `tong isang `to! "Tumigil ka nga! Magconcentrate ka kasi sa pinag-uusapan nating dalawa! Wa`g kang mag-isip ng kung anu-ano!" "Eh iniinsulto mo na ako eh! Asan na ba si Crayon, sa kanya na ako magpapaturo!" Sabay tayo ko`t linigpit ang mga gamit ko. Tumayo din siya at tinulungan ako sa pagliligpit! TSK. Akala ko pa naman pipigilan niya ako eh willing pala siyang itaboy ako. Pagkalabas ko sa pavilion, sa amin parin nakatitig ang mga tao! Ako ang unang lumabas pero ang bilis niyang napunta sa unahan ko`t hinila pa ako. "Akala mo namang hindi ka iinsultuhin ni Crayon? Mabuti na yang ako na talaga ang nagsasabi sayo! Hindi yung ibang tao?" How should I react? Hinahawakan niya ang kamay ko at hinihila. "Sa library na kita tuturuan!" Sabi niya. "Ah-Uh. Anong ibang tao?" Talagang tinanong ko pa talaga yun noh? Nanahimik na lang kaming dalawa. Mukhang nagseselos talaga siya kay Crayon. Huh? Ba`t siya magseselos, may gusto ba siya sakin? Tsaka... kung magseselos siya, humanap naman siya ng ibang tao! Ba`t si Crayon pa!? HAHAHA. >:D

17th fall

Serene Cruz: Kung nagseselos ka kay Crayon,

Nakalipas ang dalawang linggo, narealize kong mejo effective nga ang pagtututor ni Dae sakin! Kasi nakakuha ako ng mejo magandang grade sa subject na iyon. Nasa cafe kami kasama sina Chyna, Mina at Sophie ngayon at pagkatapos kong kumain eh aalis ulit ako dahil nagkasundo kami ni Dae na magkita ulit sa library para makapagtutor ulit siya. Ang bilis ng flip ni Sophie sa pages ng libro niya kaya mejo nagtaka ako. "Sophie, okay ka lang ba?" "Huh? Oo." She tried to smile. "Uh, ngayong sabado," Sabi ko habang tini-twist ang spagetti. "I mean, bukas, sasama ka sa gig nina Crayon? Sa... Te Beach Resort daw ata?" "Uh, hindi. May gagawin ata ako." She frowned. "Sophie, may problema ka ba?" Tinanong ko na talaga. "Uh... W-Wala." Sabi niya. Kinakabahan ako, mukhang may problema siya. At ano naman kaya yun? Ilang sandali ang nakalipas, "Uh, Serene, Mine, Chyna, pupunta lang ako sa library ah? Aayusin ko pa yung thesis namin." Agad umalis si Sophie. "A-Anong problema dun?" Tanong ko kay Mina at Chyna na kanina pa tahimik. *1 message recieved* Dae: Hui, asan ka na!? Dalian mo! Baboy! Walang hiya, makikinig muna ako kay Mina at Chyna bago ako umalis! "Kasi, nag-away sila ni Crayon!" Agad sinabi ni Chyna. "Ha? Bakit? Kelan lang? Ba`t di niya sinabi sakin?" "Feeling ko, sasabihin niya rin sayo pero hindi niya pa kaya! Hindi nga niya sinabi samin eh kaso nahahalata namin." Sabi ni Mina. "Ba`t di ko nahahalata?" "Kasi naman po... lagi kang may tutorial session kay Dae kaya yun!" I sighed. "Ba`t daw sila nag-away?" "Ang alam namin, eh... dahil ata sa MGA third party!" Sabi ni Chyna habang pinipilit sinisigaw ang salitang MGA. "Ano? Sinong mga third party?" "Kilala mo ba si... Sophia?" "Hindi."

"Siya yun student nung highschool na inexchange kay Charlotte! Balita noon na nagdidate daw si Crayon at si Sophia, pero hindi naging sila! At ngayon naging si Sophie at si Crayon na!" "Uhhh, Tapos?" "Classmate ni Crayon si Sophia ngayon sa Philosophy subject niya tapos Mina spotted them together last week!" Siniko ni Chyna si Mina. "Tapos?" "Ang alam ko, si Sophie din kasi may thesis sa Philosophy subject niya tapos yung ka groupmate niya daw ay isang lalaki na pinagseselosan ng todo-todo ni Crayon dahil masyado dawng caring yung lalaki sa kanya!" "Tapos yun na ang mga third party?" "Oo, yun lang ang alam namin! Hindi ko alam kung sinong inaway nino o sinong nakipag-away kanino!" I sighed again, "Si Crayon naman yun eh, maaayos din yan!" Sabi ko. "Sana nga," Naku naku... Natatakot ako para sa kanilang dalawa! Mejo seloso din kasi si Crayon tapos etong si Sophie naman mukhang hindi alam ang gagawin! Pero iba na talaga pag may kasalin caring na third party at past love! OH NO~! *krriiiing* "Hello?" Agad akong tumayo kasi alam kong si Dae na ang tatawag. I arranged my things then left. "ANG KAPAL NG MUKHA MONG PAGHINTAYIN AKO DITO NG FIVE MINUTES!" Sabi niya sakin sa library. Napatingin ang mga tao. "Dae! Shhhh." "Ang tagal mo naman kasi! Saan ka ba nagpupupunta? Sino ang kasama mo`t anong ginawa niyo?" Sabi niya. "Tumigil ka nga! Kumain lang ako sa cafe... kasama si..." Parang nakita ko si Sophie. "Si? Si? Sino?" Tanong ni Dae. "Si ano...! Si Sophie at sina Chyna at Mina!" Pinandilatan ko si Dae. "Napaka impatient mo naman! Bilis na, turuan mo na ako!" "Nakakainis ka talaga! Kain ka lang ng kain tapos ako pinaghihintay mo dito!?" "Edi sa susunod, sumama ka na sakin pagkakain ako para masaya ka na!" "Sinabi ko ba yun? Eh ang point ko lang naman eh ba`t ang tagal mo!" "HOOOO MY GOODNESS, five minutes!?" "SHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH~!" Napatingin sa akin lahat ng mga estudyanteng uhaw sa katahimikan kaya huminahon ako.

Pinagtawanan pa ako ni Dae dahil sa kahihiyan na napala ko! Nakakainis, ba`t di si Dae ang tingnan nila? Maingay din naman siya eh! Pagkatapos nung talo namin, tinuruan niya ako, pero ewan ko ba... parang hinahanap ko si Sophie. Parang nag-aalala ako. "Uh Dae," "Ano?" "Kamusta si Crayon?" Tinitigan niya ako at alam kong may halo `tong pagtataka at pagkabigla. "I mean, hindi ba mainitin ang ulo niya ngayon?" Tahimik lang siya at parang may hinihintay pang tanong kaya dumiretso na ako sa totoong tanong ko! "May dini-date ba siyang iba?" "H-Huh?" "Meron... ba?" Takot akong marinig ang sagot niya! Natatakot ako baka totoo yung hinala ko! Pero hindi naman siguro! "Wala, ba`t mo natanong? Eh alam mo namang sila ni Sophie diba?" "Kasi..." *TUUUUUUUUUUG!* May narinig akong malakas na pagsasarado ng libro habang nakikita ko si Sophie umiiyak at nagwo-walk out; at sinundan nung isang matangkad at maputing lalaki. At si Crayon naman, nagkasalubong ang kilay habang nakatayo sa harap nung libro at may kasamang isang matangkad na babae. "Si Sophia at Crayon?" Sabi ni Dae kaya napalingon ako sa kanya. Lalapitan ko na sana si Crayon at sasampalin ko na! Mukhang totoo ang hinala ko! Paano naman mangyayaring mag walk-out si Sophie ng umiiyak kung hindi niya sinaktan! Kaya lang, hinawakan ni Dae ang braso ko. Kaso inis na inis na ako para pigilan eh. "Bitiwan mo ako, Dae! Ang walang hiyang Crayon na yan!!!!" >:( Hinigpitan niya pa lalo ang paghawak sa braso ko.

"Bitiwan mo sabi ako! Kung nagseselos ka kay Crayon, isa ka ng malaking bobo! hindi mo ba nakikita-" Linapit niya ang mukha niya sa tenga ko, "Nasa library tayo! Tsaka..." he sighed, "Walang kinalaman dito ang pagseselos ko kay Crayon sayo, kaya sundan mo na si Sophie! Ako na ang bahala kay Crayon!" Anong ibig niyang sabihin? Na, na... nagseselos nga siya? Kanikanina lang para akong kumukulong tubig eh ngayon para na akong binuhusan ng yelo! Hindi ako nakagalaw kahit nung binitawan na niya ang aking braso! I want to snap out of it. Alam kong marami pa akong gagawin pero ayaw talagang sumunod ng mga paa ko, hindi ko moment `to pero bakit parang nagiging moment ko nga to? WAAAA~ "Serene, bilis na! Baka makalayo na si Sophie!"

18th fall Serene Cruz: Anong happy meal!?

"Sophie! Sophie!" Sabi ko habang half-running na! Papalabas na siya sa school at mukhang itinaboy niya na rin yung groupmate niyang humahabol sa kanya! Tumigil siya sa paglalakad nang naka-labas na kami sa school. "Sophie, okay ka lang ba? Anong nangyari?" Pinunasan ko ang mga luha niya. "Nakakainis talaga siya!" Sabi niya habang umiiyak. Yinakap ko siya at pinakalma. "Sophie, bakit? Anong nangyari?" "Eh kasi... Nagseselos siya sa partner ko! Nakakainis talaga oh! Ba`t ba ayaw niyang maniwala sakin!" Yinayakap ko parin siya kahit nagpumiglas na dahil sa inis na nararamdaman. Pumasok kami sa pinakamalapit na fastfood at binilhan ko na siya ng ice cream. Wala naman kasi akong ibang alam tungkol sa mga comfort foods. "Ano ba talaga kasi ang nangyayari sa inyo?" Tanong ko sa kanya.

"Si Chad, partner ko sa Philo, okay! Kailangan naming matapos yung ginagawa namin kaya nagdo-double time kami. Feeling naman ni Crayon na nanliligaw si Chad sakin kaya nagtampo siya!" "Ganun ba?" Muntik na akong matawa. Kasi naman, hindi ko ma-imagine ang mukha ni Crayon na nagtatampo! Marunong pala yun sa mga ganung feelings? "Tapos? Bakit ganito na kayo ngayon?" "Ewan ko Serene, masyado na ata siyang nag tampo eh kaya humanap na ng iba!" Unti-unti kong na realize na seryoso na `to! Kasi naman... kasama nga ni Crayon si Sophia kanina! "Sabagay, si Sophie-ya naman ang nauna sa akin!" Sabi niya habang nakangiti pero namumugto parin ang mga mata. "Isipin mo nga! Mag kalapit lang yung pangalan namin! Mas maganda lang pakinggan yung sa kanya!" "Sophie naman eh! Tumigil ka nga!" "Totoo naman eh! Feeling ko bigla lang akong sumulpot sa buhay ni Crayon noong higschool! Tapos, parang aksidente lang na nainlove siya sakin, kaya ngayon... nakarecover na siya sa aksidenteng nangyari!" "Sophie..... tumigil ka nga! baka masampal kita diyan eh! Wa`g mo nga akong artehan!" Umiyak siya... Umiyak nang umiyak... Masakit ba yung sinabi ko? Pero kasi... "Serene... alam mo ba kung anong sinabi niya kanina?" "H-Hindi!" "Nagkasalubong kami, kasama ko si Chad, kasama niya si Sophie-ya... Tapos, hindi ko namalayan na kasama niya pala si Sophie nung una kaya 'Crayon, sorry matatapos na `to ngayong araw na `to! Sorry talaga.' Tapos, nakita ko si Sophia, sabi ni Crayon sakin okay lang daw kahit di na namin yun tapusin!" "Talaga? Sinabi niya yun?" Parang nag-init ang ulo ko! SUPER! Ang Crayon na yun talaga! Tapos, ngayon? Sinong kumakausap sa kanya, si Dae - ang Ama ng Heartbreak? NOOO! Umiyak nang umiyak si Sophie... "Sophie... nakipagbreak ka na ba? Uh... Anong gagawin ko? i mean..." ARGH, anong gagawin ko? bestfriend ko `to! Pinsan ko siya! Kay Crayon ako magagalit diba? Pero... hindi ko pa naririnig yung side niya! Takte! *KRIIIING* *KRIIIING*

Patuloy na pinapatay ni Sophie ang mga tawag na mukhang kay Crayon galing! Umorder pa ako ng marami para mejo magtagal kami sa fastfood nang nakita kong pinatay niya na talaga ang phone niya. *KRIIIING* "Hello?" "Hello Dae?" "Asan kayo?" "S-Sa... Jollibee malapit ng school!" "Ano? Tsk. Kala ko pa naman nasa bahay ka na nina Sophie... Papunta na kami diyan!" Sabi ni Dae habang naririnig ko ang malakas na music. Ginagamit nila ang sasakyan niya! "Huh? Asan ka?" "Papapasok na sana kami sa subdivision nina Sophie... eh andyan lang pala kayo! Kasama ko si Crayon!" "Bakit? Makikipagbreak na siya! Ibigay mo nga sa kanya ang cellphone!" "Can I take your order ma`am!" "Teka lang, Dae." Linagay ko ang phone malapit sa shoulders ko saka... "Dalawang N2, large fries, large coke, tapos... uh, palabok? meron ba? Okay, Rocky Road na sundae at Hot Caramel..." Napatunganga ang cashier. "Hello?" Lingay ko ulit ang phone ko sa tenga ko. "Dagdagan niyo na rin ng isang happymeal!" "Happy meal? Eh wala yun di-" Si Dae? "Walang happy meal dito! Sa Mcdo yun!" Lumingon ako kay Sophie at doon nakita kong si Crayon na ang ka table niya. Lalapit na sana ako, kaso pinigilan ako ni Dae. "Hayaan mo muna sila, nang magkaliwanagan sila!" Tumango ako, pero naiinis ako dahil umiiyak si Sophie at mejo nagkakasalubong pa ang kilay ni Crayon! Kinuha ni Dae ang order namin, at siya na rin ang nagbayad! LIBRE?! UYYYYY, Hahah. Kulang na lang tumili yung cashier, akala ko talaga napatunganga siya kanina dahil sa dami ng order ko, kaso yun pala dahil sa gwapong kasama ko. Grrrr... Hinila niya ako sa isa pang table. Ilinapag niya ang mga pagkain.

"Anong plano mo sa mga ito?" Tanong niya. "eh ano pa! kakainin!" "Ang dami naman nito!" "Ba`t ka nagrereklamo! Eh bayaran na lang kaya kita! Hindi naman sasama ang loob ko eh!" "Wala pang happymeal!" "Anong happy meal!? Palibhasa di ka marunong kumain sa mga fastfood kaya di mo alam kung saan ang happymeal!" Linantakan ko na yung pagkain! Bahala na nga si Dae siyan, bahala na siya kung anong isipin niya! As if naman di niya ako nakitang naihi noon! Ang dami ko ng kahihiyan sa harapan niya eh ba`t pa ako mahihiya ngayon? "Dahan-dahan lang! Baka mamaya magka LBM ka!" "Tseh!" Pati yung laway ko ata napunta sa mukha niya. "Yuck! Nakakadiri ka talaga Serene!" Sabay punas sa mukha nya. "HEHEHE :D" "Kung crush kita, baka nadiscourage na ako sayo!" Sabay tingin niya kina Sophie. Parang gusto kong magtanong kung ano pala ang tingin niya sa akin, kaya lang... natatakot akong marining na 'KAIBIGAN' lang. :( Pero naiisip ko yung sinabi niya kanina? Yung binulong niya sakin na... 'walang kinalaman dito ang pagseselos ko kay Crayon.' WHAAAA~! Ano kaya talaga ang tunay niyang nararamdaman sakin? HMMM. Ilang sandali ang nakalipas nang natapos ko na ang pagkain, tumayo na si Sophie at iniwan niya si Crayon sa table.

19th fall Serene Cruz: Dae... tapos na kami!

"Serene, alis na ako! Uuwi na ako." Naiiyak parin ang mga mata niya. "S-Sophie... Ano? okay na ba?" Tinanong ko pa kahit obvious na hindi pa! "Ewan ko," she shook her head tapos umalis.

Parang gusto kong lapitan si Crayon. Gusto kong magtanong sa kanya, kaya lang pinipigilan ako ng mga tingin ni Dae. "Serene, hayaan mo muna siya! Alis na tayo." Sabay tayo. "Huh? P-Pero si C-Crayon?" "Hindi naman siguro siya magpapakamatay!" "P-Pero hindi ko alam ang side niya!!!" Umalis parin si Dae at linapitan si Crayon para magpaalam. Binalikan niya ako, ayaw ko parin tumayo. Natatakot ako para kay Crayon. Nalulungkot ako, naiinis ako sa kanya, naaawa. Pero hindi ko alam kung ano ang dapat kong ma feel dahil hindi ko alam ang side niya! "Serene! Lika na!" "P-Pero gusto kong marinig ang sasabihin niya!" "Halika na sabi eh!" Kinuha niya na talaga ang kamay ko pero nagpumiglas ako. Napatayo ako dahil sa paghila niya. Napalakad din ako dahil sa paghila niya kaso, pinilit ko parin kaya nabangga ko yung statue ni Jollibee at mejo na out-balance kaya kinailangan ng tulong KO. Oh no! "D-Dae! Tulong! Ayusin mo naman oh!" Nasa labas na kami ng fastfood habang pilit kung hinahawakan for support ang mga kamay ni Jollibee. Nakatingin na yung guard sa amin. Linagay ni Dae yung kamay niya sa kanyang noo, "Serene naman eh!" He was halfsmiling! "Mamamatay na talaga ata ako sa mga kahihiyan mo!" "ehhh." Kaya, inayos niya rin. HEHE. Nakakahiya yun ah! Hindi lang sa mga tao, pati narin sa kanya! Ang gaga ko talaga para makagawa ng isang nakakahiyang bagay sa harap ng lalaking pinakamamahal ko. HEHE, bahala na nga, nangyari na eh! "Ayan, mapilit ka kasi! Buti nalang malakas ako!" Sabi niya with evil smile. "Heh. Eh kasi hinila mo ako eh!" "Ang kulit mo talaga!" "Ayan tuloy, hindi ko nakausap si Crayon! Kasalanan mo `to Dae." Pinagtitinginan na naman kami ng mga tao. Bukod sa weird naming pagtatalo, sikat din siya eh kaya di maiiwasan. "Nakakainis ka! Wa`g mong sabihing nagseselos ka parin kay CRAYON sa puntong ito!" Napatingin samin ang mga tao. Tinakpan niya ang bibig ko at hinila papunta sa sasakyan niya. Ipinasok niya ako sa front seat at siya naman sa driver`s seat.

"Nakakahiya ka!" Yun lang ang nasabi niya. "Eh kawawa naman si Crayon eh! Gusto kong malaman kung ano ang side niya!" Bababa na sana ako pero... "Eh alam ko ang side niya kaya wa`g mo na siyang istorbohin sa pagmumuni-muni niya ngayon! Okay!" Katahimikan. Umalis din kami sa lugar na yun pero nakadikit yung mga mata ko sa loob ng fastfood chain kung nasaan si Crayon. "May klase ka pa ba?" "Huh? O-Oo. Philosophy." Sabi ko habang tinitingnan si Dae na nakadrive. First time ko to sa car niya! WAAA~ Ang bango. Ang sarap dito! Sana dito na lang ako lagi... KASAMA SIYA! Waaa~ Ayan na naman ako, nagiging corny! Ang korny-korny ko! Supeeer korny talaga. "Namumula ka ah!" Sabay tingin sa akin sa salamin. "H-Huh? Ah. Wala... `to." WAAAAH. Ehem. Dumating na kami sa school, pagkalabas namin sa sasakyan niya tiningnan ko ang relo ko and I`m 10 minutes late sa Philo! Pero, hindi ako natatakot. Parang wala lang. Okay lang yun! "Anong oras ba ang Philo mo?" "Uh, ngayon na?" Napalingon siya sakin. "Anooo? Edi umalis ka na!" "P-Pero... yung... tungkol kay..." "Mamaya na! Hihintayin kita after ng Philosophy mo!" Ayaw ko paring umalis. Sa dalawang dahilan: Gusto kong malaman, ngayon na, ang side ni Crayon. AT, si Dae. I`m getting attached into him. "Sige na! tayo na!" Sabi niya habang nauna sa paglalakad! "H-huh?" Inabutan ko siya, "Bakit? Saan ka pupunta?" Ang alam ko wala na siyang klase eh! "Hihintayin sabi kita!" "Saan ka maghihintay?" Nakita kong halos lahat ng mga mata ay nakatingin samin at may... "GO SERENE~!!!!!!!!!" Pa akong narinig galing sa ewan.

"Loko yun ah!" I stopped walking. Nag-alala ako`t baka magalit si Dae sa sinigaw niya. O baka maisip ni Dae na mahal ko parin siya. "Hayaan mo na yun!" Sabi niya kaya naglakad ulit ako. Bakit ang dami kong supporters dito? At bakit halos kilala ako ng lahat? Alam din nila ang past namin ni Dae! Bakit ganun? HAAAAAAAY. Ang dami kong tanong pero mamaya na muna yan, I need to keep those wonders muna. "Uhhh, saan ka nga ulit maghihintay?" Tanong ko ulit. "Sa labas ng room niyo!" "Ano? eh," "Ano? Ayaw mo!?" Nakarating na kami sa room at nakikita ko na ang teacher namin, naglelecture! "O sige. Ikaw bahala!" Pumasok na ako. WAAA~! buti na lang at mejo good mood tong teacher ko. :D Anyway, kinikilig ako kay Dae. Paa ko siyang BF! ang galing! hmmm, nasa labas lang siya`t naghihintay sakin! WAHAHAHA, Naku, sana mainlab na siya sakin. Juskoooo~! "Miss Cruz? Why are you smiling?" Napalingon sakin ang mga klassmate ko. "uh.. ma`am. Wa-wala po!" Tapos naglecture ulit siya. Buwisit naman oh! Wala ba silang makita? ganito ba talaga ako kuminang na kahit mejo ngumingiti lang naman eh tinatawag na! Isang oras sa purgatoryo at natapos rin ang pagkahabahabang lecture na feeling ko wala naman talaga akong naintindihan. Agad na akong umalis ng room, mas nauna pa ako sa teacher. Eh kasi... naghihintay si Dae. "Dae... tapos na kami!" Sabi ko habang nakikita ko siyang nakasandal sa wall ng room namin. "Okay... Lika na!" HUUUUUUUUU~! Parang gusto ko siyang talian! Ayaw ko na siyang pakawalan! LOL, as if naman kami na! Papunta ata kami sa library, tutorial session ba ang mangyayari? O orientation sa nangyayari kina Sophie at Crayon.

20th fall Serene Cruz: Sa... uhm... gig?

"Si Sophia dini-date ni Crayon noon, pero hindi niya linigawan! Kaibigan lang talaga ang turing niya kay Sophia." Tumango ako pagkatapos ibinulong ni Dae sakin ang mga sagot sa tanong ko tungkol kay Sophia. "At bakit sila magkasama kanina?" "Kasi... nagpapaturo daw si Sophia ng guitar kay Crayon. Alam ni Crayon na magseselos si Sophie, kaya nga yinaya niya si Sophie na sumama sa kanila kapag magtuturo na siya, kaso... busy si Sophie sa thesis niya with that other guy, kaya mas lalong nainis si Crayon!" Unti-unti kong narealize ang situation. I can`t blame anyone! Not Sophie - natural lang kasi wala naman siyang gusto sa Chad na yun at trabaho lang ang inaatupag niya. Not Crayon - mahal niya si Sophie kaya natural lang na magselos siya, he tried his best to keep their trust pero walang nangyari. "Masyado naman yatang komplikado!" Sabi ko while I tilted my head. Buti na lang wala akong boyfriend! HAAAY. Pero kung iisipin ko, ang galing naman ng pinag-awayan nila. "Communication breakdown lang pala? Eh wala namang nag cheat! May kasalanan si Sophie - kasi napabayaan niya yung boyfriend niya. May kasalanan si Crayon - kasi ang dami niyang sinabing masasakit na bagay!" I sighed. "Oo. for short, kahit na ganun ang nangyari, mahal parin nila ang isa`t-isa!" Nagkatinginan kami ni Dae: awkward moment.

"Pero, nagwalk-out si Sophie kanina. Ano kaya ang sabi ni Crayon?" Sabi ko. "Hindi ko alam! Ang alam ko, hahamunin ni Crayon si Sophie na sumama bukas o pumunta bukas sa Te Beach Resort sa gig namin, pag sumama siya OKAY NA SILA." Tumango ulit ako. "Kaya ikaw, kailangan mong kumbinshihin si Sophie na pumunta bukas sa Beach Resort kung gusto mong magkaayos ang dalawa!" He flipped the page of the book. "Okay. Sana nga mapapayag ko siya!" I smiled. At ngayong klaro na sa akin ang mga nangyayari, bumabalik na sa akin ang mga thoughts like... bakit maraming nakakakilala sa akin at bakit maraming nakakaalam sa past namin ni Dae!

"Uh Dae..." "Hmmm?" Nakatingin siya sa libro at mukhang naghahanap ng pwede niyang ituro sakin. "Bakit maraming nakakakilala sakin?" "Ewan ko." Sagot niya habang nakatitig parin sa libro. I bit my lip, "Bakit alam nila yung... 'noon'?" Tumingin siya sa akin at... "Ewan ko." Sagutin mo naman ng tama Dae! Ba`t puro ewan? GRRR! Pero, hindi ko na lang pinansin o sinaway ang kanyang mga sagot dahil baka nga naman hindi niya alam at kagagawan lang pala ni Crayon ang lahat. O baka naman grabe yung research ng mga fans nila sa mga past-life nina Dae. Napabuntong-hininga ako. "Serene... kumuha ka pa ng libro dun, ubos na yata `to eh!" Sabi niya habang itinuro ang isang bookshelf. "Ba`t ako?" "Magpapaturo ka ba o hindi?" Tumayo ako habang palihim na nagdadabog. Nakakainis talaga siya! Masyadong paimportante. Naku, pasalamat siya`t mejo natututo din naman ako sa mga itinuturo niya! Lumapit ako sa mga libro at nagsimulang magbasa ng mga pamagat. Hmmm, kumuha ako ng limang libro na mukhang pwede niyang ituro sa akin, papabalik na sana ako pero napatago ako sa bookshelf na pinanggalingan ko dahil nakita ko si Dae na katabi si Francine. Nakaupo si Francine sa upuan ko kanina. Parang kinukurot ang puso ko. Nasasaktan na naman ba kaya ako? HAHAHA. Nakakatuwa naman, nakita ko nga lang silang magkasama eh ganito na makapagreact si HEART. >.< Nag-uusap ang dalawa pero hindi ko marinig. Nakikita ko sa mga mata ni Dae na seryoso siya. Too bad, nakatalikod si Francine sa akin kaya di ko makita ang ekspresyon ng kanyang mukha. Napasandal ako sa bookshelf - pero di ko sinandal ang buong katawan ko dahil ayaw kong matumba ito! Lalapit ba ako o hindi? Magpapakita ba ako o hindi? Matatapos pa kaya ang dalawang yan sa pag-uusap? Tiningnan ko ang paligid at napansin kong dumami ang tao. Saan ako uupo kung hindi sa tabi ni Dae? Uuwi na lang kaya ako? Baka kasi... magselos lang si Francine kung makita niya ako rito! Anong gagawin kooo? Ayaw ko ng magkamali ulit! Baka mas lalong magalit si Dae sakin. Baka mas lumala pa ang away nila. Teka, baka pagkatapos nito magiging sila ulit? Baka paglabas nila ng library, sila na ulit?

*1 message recieved* Dae: Puntahan mo na lang muna si sophie, kita na lang tayo sa gig bukas. I sighed. Papaano yung gamit ko? Nasa sasakyan pa niya ang iba kong gamit ah! Well, makukuha ko parin siguro yun bukas. Dahan-dahan kong binalik ang mga libro sa

pinanggalingan nila at nagmadaling umalis. Tinitigan ko pa ang seryosong mukha ni Dae bago ako umalis. Yung mukha niyang nakaharap kay Francine. Kahit anong gawin ko, lagi ko paring pinupuri ang pagiging 'swerte' ni Francine dahil mahal siya ni Dae. Pag labas ko ng library, napahinga ako ng malalim. "Hindi na pala ako humihinga kanina!" I smiled. Kahit wala naman talaga akong kasama. Feeling ko tuloy natutuwa ako sa nangyari kahit mukha akong naubusan ako ng energy. Kasi, alam mo yun, at least wala ng hinanakit si Dae sakin. Kahit na masaktan ako... okay lang. TEKA NGA! ERASE! Ayoko nga noh! Hindi naman ako nasasaktan eh. Hindi ah! Nakangisi nga ako ngayon eh. "Serene, ba`t ka natatawa na parang naiiyak?" Bumulaga sakin sina Chyna at Mina na nakasalubong ko habang papalabas ako sa school. "Asan si Dae?" Tanong ni Mina. "Ah. Andun sa library, kasama si..." "Si?" "Si.. Francine." "HA? Ba`t mo hinayaan?" "Eh... ha?" "Ano? Haaay naku! Kung ba`t ka pa naman kasi pinanganak na martyr!" Ilang sandali ang nakalipas, nang makawala na ako sa sermon ng dalawa kong kaibigan, nauntog ako sa gate nina Sophie. "Hoy Serene!" Buti na lang at nakaupo lang pala at nag-eemote si Sophie sa harap ng bahay nila. "Oi. Sophie." Pinapasok niya agad ako at pinaupo sa upuan katabi sa kanya. Malapit nang gumabi pero dumayo parin ako sa kanila para lang sa modus operandi namin ni Dae. "Ba`t tulala ka?" Hindi ko namalayang 15 minutes na kaming nakaupo na walang kibo. "Huh? Uh... Pumunta ka bukas ah?" Sabi ko habang binalewala ang mga tanong niya. "Sa... uhm... gig?" "Oo." "Uhh. Okay." I tried to smile for her. My smile was supposed to be sincere - because I`m really happy for her and for them.

"Anong nangyari? May problema ka ba?" "Wala." "Serene naman eh! Bakit? Anong ginawa ni Dae sayo?" Hinawakan ni Sophie ang braso ko. Saka lang ako nagising sa pagkatulala ko at nakita ko ang kanyang namumugtong mga mata at pag-aalala sa akin. Kagagaling niya pa lang sa isang problema, ayoko nang sabihin sa kanya ang akin. "Serene, noong hindi ko sinabi sayo ang problema ko anong naramdaman mo?"

21st fall Serene Cruz: Excuse me-

"Serene, di ka ba papasok?" Tanong ni Sophie habang hinahawakan ang kamay ko. Mukhang okay na siya at handa ng makipagbati kay Crayon. Mabuti na lang, at least panatag na ang loob ko ngayon. "Serene?" "Uh, hindi na Sophie. Ikaw na lang. Dito na lang ako," Sabay tingin sa hotel na malapit sa dagat. "balikan mo na lang ako mamaya pag tapos na." Ang ganda ng resort na `to, grabe. Kahit gabi na, makikita mo parin ang kagandahan ng paligid. Buti na lang pumayag si Mama at Papa na pumunta ako dito at mag overnight kasama si Sophie at Crayon. "Serene, wa`g mo namang ipahalata kay Dae na may gusto ka pa rin sa kanya!" "Eh hindi naman sa ganun, ayoko lang na makita ako ni Francine. Baka anong sabihin nun!" "Sigurado ka bang andito nga si Francine?" "Hindi, pero naninigurado lang!" Sabay tingin sa loob ng isang malaking bar katabi ng hotrel at mukhang marami talagang tao dito. "O sige, wa`g kang lumayo ah! Malaki ang resort na `to, baka mawala ka." "Oo, hindi nga eh! Magpapahangin lang naman ako."

Pumasok na si Sophie habang nakaupo ako sa isang duyan. Ang daming tao, may mga foreigners at iba pa! Katabi ko si Sophie sa pagtulog mamaya kaya hindi na nag-alala si Mama kung saan ako mapupunta. May nakita din akong mga lovers na dumadaan sa harapan ko habang nagpapahangin ako sa duyan. Andito kaya si Francine? Kung nandito siya, ibig sabihin nagkabalikan sila. Pero pag wala... ewan ko. Sana hindi! LOL. Ba`t ko ba `to iniisip? "Hoy Serene... gumising ka dyan!" Naaninaw ko ang pagmumukha ni Dae habang sinipa ang duyan. "Dae?" Nakatulog pala ako! Agad kong kinurot ang pisngi ko para malaman kung nananaginip pa ba ako o talagang gising na! "Kung saan-saan ka nalang natutulog! Paano kung may gumahasa sayo dito? Punasan mo yung laway mo!" ARGH! Pinunasan ko na agad at napatawa pa si Dae. "Yuck!" "Ipahid ko `to sayo ngayon eh!" "YUCK! Ang dungis-dungis mo talaga kahit kelan." Naisip kong kutusan si Dae, kaya lang natatakot akong baka panaginip lang talaga `to tapos maglaho siyang bigla dahil napaidlip nga ako! "Ba`t ka andito?" "Tapos na kami dun!" "Ahhh, asan si Franc-este-Sophie?" "Andun parin kasama si Crayon at sina Drake." "Nagkabati na ba sila?" Unti-unti akong bumangon at umupo sa duyan at inayos ang sarili. "Oo. Bati na sila." Umupo din si Dae sa mismong duyan na kinauupuan ko. TUMABI PA TALAGA SIYA AH! Kaya... ano? WAAA~ "Iniwan mo sila?" Si Francine, iniwan mo rin? "Oo. Kasi sabi ni Sophie andito ka raw!"

Tahimik lang ako, baka kasi ang susunod na maitanong ko eh tungkol kay Francine at mabisto pa ako sa munting pagseselos ko. KAHIT WALA NAMAN TALAGA AKONG KARAPATAN. "Serene, kumain na tayo! Ginugutom na ako tsaka naghihintay na sina Crayon sa loob." Tumayo siya. Sinundan ko siya sa paglalakad. Mediocre siya ngayon. Minsan sobrang sweet, minsan sobrang kulit, minsan sobrang pikon at ngayon naman mukhang may invisible wall saming dalawa. Siguro nga nagkabalikan na sila ni Francine, kahit wala si Francine dito.

Umupo kami sa isang mahabang table kung saan nakaupo na si Sophie, Crayon, Drake, Grey, at Valen. Grabe, sobrang sweet nina Sophie at Crayon! Hindi ko nga alam kung nagseselos ako o naiinggit lalong lalo na kung katabi ko lang naman si Dae. Andito kaya si Francine? "Ginugutom na ako, ang tagal naman ng order!" Sabi ni Grey. Ang ganda talaga dito, mejo maraming tao at may sariling DJ pa sila para sa tugtugin! Lumingon ako sa right side ko at may nakita akong sumasayaw - sa harapan. Mukha ngang nagpo-propose ang lalaki eh dahil sa dami ng rosas sa table nila. Lumingon ako kay Dae pero nakita ko siyang umalis. PHEW, wala nga si Francine! "Saan daw...-" "Mag c-cr lang daw siya. ayaw mo kasing makinig eh! Nakatunganga ka dun sa sumasayaw!" Sagot ni Crayon. Tumango ako at napansin ko yung cellphone ni Dae, naiwan niya ata! Aksidente ko namang naopen ang isang message na di pa niya nababasa.

Francine: Maybe the time isn`t right yet! Kumain ka na?

Para akong kinuryente pagkatapos kong mabasa ng aksidente ang message na yun. Anong ibig sabihin nun? Siguro hindi pa sila. Pero, nararamdaman kong malapit na. Napatingin ako sa CR at nakita ko si Dae pabalik na. Lagot!! Paano ko ieexplain sa kanya na aksidente kong na open at nabasa ang message ni Francine? PATAY AKO! Pataaaay! "Crayon. Uh... kasi..." "Huh?" Ano? Pwede kayang si Crayon na lang ang umamin na siya ang may sala?

"Ano, Serene?" "w-Wala. Kasi eh... wala." "Naiihi ka?" "Huh? O-Hindi- Oo!" Nakarating na ang lintik na Dae at agad naman binuksan ang cellphone niya. "Andito na ang pagkain! YES!" Agad akong tumayo... pupunta ako ng CR? iihi ako? Baka maihi ulit ako sa harapan ni Dae dahil na naman sa kaba. O, pupunta na lang sa room namin ni Sophie at magkulong dun, either way tatanggapin ko! Hindi naman siguro ako mamamatay sa gutom. "Excuse me-" Hinila ni Dae ang braso ko. "Pinakealaman mo ba ang phone ko?" I sighed, ngayon sobrang pikon na siya.

22nd fall Serene Cruz: Listen, Dae.

"Pinakealaman mo ba ang phone ko?" "H-Hindi ko naman binasa eh. Aksidente lang." Pilit kong binabawi ang braso ko. "Dae... mag C-CR ako." Hindi niya parin ako pinakawalan. "Pakealamera ka talaga noh, Serene?" Nanlaki ang mata ko. Lagooot! Galit nga talaga siya. "Psst. Dae, tama na yan. Baka maihi ulit si Serene dito!" Sabi ni Grey. Buti na lang at pinakawalan niya rin ako at agad na akong pumunta sa CR. Napahinga ako ng malalim pagdating ko dun. Hindi ko na tuloy alam kung babalik ba ako o hindi na! Magkulong na lang kaya ako sa kwarto namin ni Sophie? Pero

nagugutom na talaga ako! Babalik na lang ako, bahala na si Dae. Ano naman ngayon kung nabasa ko nga yun? Di niya naman siguro niya ako papatayin! Dumating na ako sa table pero di na ulit ako pinansin ni Dae. Galit ba siya sakin? Natapos na kaming kumain pero wala parin siyang kibo. Nagpapahangin silang lahat habang pinapanood ko sina Sophie at Crayon. Nakaupo ako sa sand at nakaharap sa dagat habang pinaglalaruan ko yung bonfire na ginawa ni Drake at Valen para sakin. Mag-isa lang akong nakaupo dito hanggang sa... "Nabasa mo ba yung message ni Francine?" Yun ba naman ang sinalubnong na tanong sakin? TORTURE! "Huh? Hindi. Bakit? Anong sabi niya?" Tanong ko habang pinapanood ang apoy. Umupo siya sa tabi ko. "Tama na nga yang pagsisinungaling mo!" "Ehhh ano ba ngayon kung nabasa ko nga yun?" Pinandilatan ko ang masungit niyang mukha. "Ba`t ayaw mong aminin?" "Alam ko naman kasing magagalit ka na naman." "Kasi naman, ang likot likot ng kamay mo. Naiwan ko lang ang phone ko sandali tapos agad mo namang pinakealaman." "Sabi ko na nga kasi sayo diba? Aksidente, okay-" "Aksidente?" GRRRR... "Dae, hindi ka ba marunong makipag-usap sakin ng hindi tayo nagtatalo?" Tumahimik siya. Bahala siya! Nakakainis! Akala niya ba natutuwa ako sa mga nabasa ko sa phone niya? Hindi ata! Kung ano man yung misteryosong text ni Francine na 'Maybe the time isn`t right yet!', alam kong hindi ko yun gusto dahil alam kong tungkol yun sa pagbabalikan nila. Ibig sabihin lang nun, magkakabalikan sila pero PA hindi ngayon! "Nasaktan ka ba?" Tanong niyang ikinagulat ko. HAAAAAAAY, pause. Kinukurot ang puso ko sa tanong niyang tatlong-salita lang. Ang bilis ko talagang bumigay pag si Dae na! "Ha? ba`t naman ako masasaktan?" Kumurapkurap ako habang di ako makatingin sa mga mata niya. "'Maybe the time isn`t right yet!'" "Hindi. Ba`t naman ako masasaktan?" Tumango siya.

"Nag-alala ako, baka kasi nasaktan ka sa nabasa mo." "Hindi ah! Eto naman oh! HEHEHE. Noon, siguro masasaktan ako. Pero ngayon? Di nah." I smiled and smiled. Di raw ako marunong magsinungaling kaya siguro mukha na akong buang dito sa paningin niya. Hindi naman siya kumibo at para bang ayaw niyang maniwala sa mga sinasabi ko. "Serene, ba`t ba patuloy ka paring nagsisinungaling kahit alam mong hind-" "Juskooo naman! Paano ba ang mukha ng mga nagsasabi ng totoo dahil gagayahin ko na? Sabi ko naman sayo diba?" "Ang gusto ko lang naman eh sabihin mo yung totoo mong nararamdaman sakin!" "Totoo naman `to ah? Tsaka, bakit ba? Kung sasabihin kong nasasaktan ako, anong gagawin mo?" Tahimik lang siya. "Yun naman pala eh! WALA! So, anong mapapala ko kung aamin ako?... ehmm, kahit di naman talaga totoo! Either way, wala akong... uhm... mapapala!" Sabi ko. JUSCOOO. I`m stuttering. Kinakalawang na ang utak ko at ayaw pang mag process. Siguro kaya hindi epektibo ang pagsisinungaling ko. I evaluated his looks. Pero wala akong makuhang impormasyon. Kaya ang ginawa ko? Naglaro na lang ako sa apoy na nasa harapan ko. Hinagis ko ang mga buhangin sa apoy! Feeling ko Harry Potter! Parang akong gumawa ng spell o ano... Daigon Alley ba yun? HAHAHA. "DAIGON ALLEY!" Napalingon si Dae sakin pero binalewala ko na lang. Para naman ma paniwala ko siya na balewala lang talaga lahat ng yun. "Daigon alley!" Inulit ko pa habang hinagis ulit sa apoy ang mga buhangin. Napatunganga siya sakin at... "Adik ka ba?" Tanong niya sakin. "HUH?" "Anong ginagawa mo?" "Wala! Ginagaya ko lang sina Harry Potter." I smiled. "Ano? So... yung mga sumpa-sumpa na yan? Bakit? Ina-apply mo na ba sakin?" Ba`t niya ba talaga ako laging inaaway o ginagalit? Wala naman akong ginawa sa kanya ah? Ba`t ba gusto niya lagi naming pinag-uusapan ang tungkol sa feelings ko sa kanyang nakabaon na sa limot at kahibuturan ng aking puso? (kahit hindi naman talaga totoong nakabaon na.)

"Ba`t ko naman i-aapply sayo?" Tumawa pa ako para as if mukhang joke yung sinabi niya kahit sobrang affected na. Ganito na ba talaga pag in love? Ganito ba talaga pag in love ka sa taong mukhang di ka naman gusto pero nag-eenjoy sa paglalaro sa feelings mo? "Malay ko." "Hindi ko i-aapply sayo noh. Listen, Dae." Nabigla siya sa biglang pag-iingles ko at pagiging mukhang TOTOO ko. Mejo gutsy ako ngayon dahil sa mga nabasa ko kanina. Feeling ko dapat kong isampal sa kanya na wala na talaga akong gusto kahit katiting. "FIRST, IF I REALLY LOVE YOU, hindi ko idadaan sa spell ang lahat. Gusto ko, voluntary akong mamahalin ng isang tao." EHEM, 'isang tao' ang ginamit ko para di masyadong mahalata. "SECOND, that is not a love spell! Pangalan yan ng lugar na---" then I realized it was hard to explain this part lalong lalo na kay Dae na mukhang walang interes at walang time sa pagbabasa ng Harry Potter. "... basta!" Tumahimik siya. That`s enough. Kumuha ulit ako ng sandakot na buhangin sa aking kamay... "Paano kung sabihin ko sayong may gusto ako sayo?" ANO? RAW?

23rd fall Serene Cruz: Nostalgia.

"Paano kung sabihin ko sayong may gusto ako sayo?" Napakawalan ko agad yung buhangin sa kamay ko. Kaya lang, umihip ang panirang hangin ng malakas. Ready na talaga akong sagutin yung tanong niya, este, hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong niya kaya ewan ko kung makakabuti ba ang pagkapuwing ko o hindi. "ARAAAAY." Napasigaw ako dahil mahapdi pala ang buhangin pag napunta sa mga mata. Sigaw... hanggang sa puntong pati si Crayon nag-alala.

"Serene?" Mukhang lalapit na si Crayon pero pinigilan siya ni Dae. "Napuwing siya. Ako na ang bahala!" WHOAPAK! "Okaaaay. Sabi mo eh!" Hindi na tuloy ang paglapit niya. I rubbed my eyes. Ang sakit! Sobra! Parang may bangaw na pumasok sa mga mata ko at ayaw matanggal. Parang kiti-kiti. "Araaaaay." Mejo kumalma ako dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko. Kahihiyan kay Dae. Lumapit si Dae sakin at hinawakan niya ang kamay ko. Linapit niya ang mukha niya sa mga mata ko. SAYANG TALAGA, di ko masagot yung tanong niya dahil ang pangit ng nangyayari ngayon! "ARAY~!" Pumiglas ako then I rubbed my eyes again! "Wa`g Serene. Hihipan ko na nga!" "Ang sakit eh!" Hinipan nga niya. WAAAW, ang bango ng hininga niya! Gusto kong magcomment pero ayaw paring matanggal ng bruhong buhangin sa mata ko! "Ikaw kasi eh. May pa Daigon Valley ka pang nalalaman diyan, yan tuloy!" I rubbed it again, tapos nawala ba naman! Lintik talaga. Kainis! Parang nangyari lang yun para mawala yung question ni Dae kanina. BUWISIT TALAGA. Then I realized... nakahawak pa pala siya sa mga kamay ko at ang lapit lapit niya na sa mukha ko na kahit si Crayon at Sophie ay nakatingin na saming dalawa (sa malayo) at mukhang nag-eexpect na ng kiss! "Okay na ba~?" "Mahapdi pa." I rubbed my eyes again. At sa totoo lang, wala na talaga pero ayaw ko lang na bumalik siya sa posisyon niya kanina. Kahit one moment in time lang... kahit ngayon lang, ilapit niyo po sana siya sa akin LORD. Hinipan niya ulit kaya napangiti ako sa di malamang kadahilanan. "Ba`t ka ngumingiti?" Nagtaka ang mokong. "Wala. Nostalgia." "Huh?" Hindi parin niya ako pinakawalan.

"Dae! Kumuha ka kaya ng tubig at basain mo yan noh?" Sigaw ni Crayon. Nagtawanan pa ang buong grupo kahit malayo naman talaga sila. Nakakahiya naman kaya... "O-Okay na ako, Dae. Sige na!" Sabi ko. Tumango siya at umayos pero mas malapit na siya sakin ngayon kesa kanina na hindi pa ako napuwing. "Anong nostalgia?" Tinitigan niya ang mata ko at parang tinitingnan niya kung ayos na ba talaga ako. "HA? Ang daya mo!" "Bakit?" "Eh kanina, binalewala ko yung huling tanong mo kasi may distraction! Tapos ngayon, hindi mo malimutan yung huling sinabi ko kahit may distraction din!?" "O sige nga... sagutin mo yun?" GEEZ, how can he act like it was nothing? Parang wala lang sa kanya yung tanong niya kanina. Parang wala siyang pakealam kung ano ang sasagutin ko. "Dae, am I that worthless for you?" Tanong ko. OO, TANONG KO! Baka akala niyo nananaginip na naman ako dahil mukhang di ko naman talaga kayang magtanong ng ganun pero ngayon... eto ang pinaka-ayaw ko eh, yung pinaparamdam sakin na wala akong halaga. NOTE: Lagi yun nangyayari pag kasama ko si Dae kahit noon. Pero TODO NA `TONG inis ko ngayon. "Oi, wa`g ka ngang umiyak!" OMY Funny Goat! IIYAK PA LANG DAPAT AKO. Nauuna na siya sa mga nangyayari. "Dae, hindi nga... ano? Am I that..." "Worthless?" Nakita ko sa mga mata niyang gusto niyang takasan ang tanong ko. "W-Wait. Sagutin mo muna yung pinakaunang tanong ko. Paano kung sabihin ko sayong may gusto ako sayo?" Dae, of course... I`ll never tell you the truth! Are you insane? Tanong mo pa lang, maling mali na eh. Dapat 'Paano kung may gusto ako sayo?' "Edi sasabihin ko ang totoo, na wala akong gusto sayo!"

"O, yun naman pala yung isasagot mo eh. Ba`t ko ba kailangang marinig yan? Ba`t mo gustong itanong ko ulit yan?" "Ba`t ayaw mong marinig yan?" "Eh kasi lagi mo namang sinasabi yan. Para kang sirang plaka~" Natahimik ako. "Nostalgia, what about it?" Bumawi pa talaga ang mokong! Kaya... humanda siya. bobombahan ko siya. "Pag malapit ang mukha mo sakin, naaalala ko yung hinalikan kita noon." Nanlaki ang mata niya. Buti nga sa kanya! HAHAHA "O ano? May tanong ka pa?" "Wala. Naalala ko tuloy ang masaklap kong first kiss na naibigay ko lang naman sa isang katulad mo!" Nagkatinginan kami. Parang gusto ko siyang sabunutan at bugbugin ng mabuti. I chopchop at ipakain sa mga pating para makontento ako. NAKAKAINIS. Nasabi ko ba sa inyo na hindi ko masyadong namamalayan ang mga luha ko kaya ngayon, kahit kinukurot ang puso ko, hindi na lang ako humihinga dahil takot akong may makita siyang tubig sa mga mata ko. "Ano may tanong ka pa?" TALO ULIT AKO! Akala ko talaga mananalo na ako ngayon.

24th fall Serene Cruz: break na ata sila.

"Tulala ka na naman diyan!" Sabi ni Sophie sakin habang inaayos niya ang kanyang mga libro sa harapan ko. "Huh? Eh..." Tumingin ako sa paligid. Tapos na ang mga klase ko for today at nagkasundo kami ni Dae na magkita ngayon para sa tutorial session.

"Magkikita kayo ni fafa Dae diba? Tsaka... ba`t parang di ka masayang close na kayo ngayon?" Napabuntong-hininga ako. "Sophie, tama kaya `tong ginagawa ko?" "Huh?" "I mean, yung pagiging malapit ko kay Dae ngayon. Natatakot kasi ako eh, baka umasa ako." "Asa ka naman ng asa eh." She laughed. "Wa`g mo nga akong pagtawanan! Noon, gusto ko na lang maging kaibigan ni Dae. Pero ngayon, nang naging kaibigan ko na siya - narealize kong sana hindi ko na lang siya kinaibigan." She sighed. "Kasi mas nagiging mahirap sakin ang sitwasyon. Mas natatakot na ako ngayong mawala siya sakin o makuha siya ng iba dahil ganito na siya kalapit sakin." "Wala namang masama sa ginagawa niyong pagiging malapit sa isa`t-isa eh. Pareho naman kayong walang BF at GF." Yun na nga ang iniisip ko eh! Pareho kaming single! Alam niyo ba kung bakit bigla nalang akong naging ganito ka paranoid ngayon? Kasi, sa bahay kami nina Dae pupunta ngayon. Doon niya raw ako tuturuan dahil baka may makakita saming dalawa dito! Isipin niyo nga, sino ba ang pagtataguan niya? Hindi ba si Francine lang naman. There is no doubt about it. Ayaw niya lang na malaman ko ang katotohanan eh. Alam ko yun kaya nga natatakot na ako ngayon. Linalagyan ko kasi ng mga meaning yung mga ginagawa namin eh, tapos sa kanya parang wala lang. Tulad na lang nung nasa Beach Resort kami. At dahil naalala ko yun, pati na rin yung text message ni Francine na alala ko na! "Serene, andito na si Dae. Umayos ka!" Agad kong linigpit ang mga gamit ko at ang notebook kong puno na ng drawing ng kung anu-ano. "Sophie, hinahanap ka ni Crayon." "Uh. Oo, teka lang..." "Tsaka... Serene, tayo na?" Malalim parin ang iniisip ko nang iniwan namin si Sophie at papunta kami sa sasakyan ni Dae. Nang nakaalis na kami sa skul, "Dae, ugh, okay lang ba sa mama mo na sa bahay niyo-" "Okay lang!" "Uhh, ba`t ayaw mo sa library?"

Tiningnan niya ako bago tumingin sa daan. "Kasi... uh. Bakit? Ayaw mo sa bahay?" "Hindi naman sa ganun, pero pwede naman tayo sa library diba?" "Uh. Kasi... wala lang." May tinatago siya! Sigurado talaga akong ayaw niya na sa library kami dahil ayaw niyang makita kaming dalawa ni Francine. "Dahil ba kay... Francine?" Hindi siya umimik. And it hurts. Of course, kahit sinigawan niya man lang ako ng mga defensive na salita wala siyang sinabi. Ibig sbihin lang nun, ganun nga. "Hay naku Dae. Okay lang naman sakin kung every weekend na lang tayo magkikita para magtutor sakin, tutal nagpapractice din naman kayo nina Crayon. Hindi na kailangan `to." Tumingin ako sa labas - sa mga sasakyang dumadaan. "Baka sisihin mo pa ako pag bumagsak ka." Sabi niya habang nakatingin sa daan. GRRR. At binalewala niya lang talaga yung sinabi kong tungkol kay Francine. Gush, I don`t like this. Tahimik lang kami hanggang nakarating na kami sa bahay nina Dae. Nakapunta na ako dito noon, nung birthday ng kapatid niyang si Bloom. Ilang taon na rin ang nakalipas, at ang ganda ganda na ng bahay nina Dae. Palibhasa, mayaman talaga sila. Siya pa ang bunso at pinakamamahal sa kanila. Si ate Bloom naman, balita ko kay Sophie ikakasal na daw siya. "Serene, ang bagal mong maglakad!" "Uh, sorry." Hinabol ko siya. "Wala ba ang mama at papa mo?" "Nasa trabaho pa sila." Binuksan ni Dae ang pintuan. At grabe, sobraaaang laki na talaga ng bahay nila. Nakita ko ang maraming frame sa dingding na nakasabit. Isa-isang portrait ng magkakapatid. Una si Arthur, sunod si Haji, sunod si Ate Bloom, huli si Dae. Bunso si Dae kaya siya ang pianaka-spoiled sa kanilang apat. Tsaka, siya na lang rin ang nag-aaral sa kanilang lahat. "HELLLOOOO~!"

Bumulaga sakin ang isang magandang babae. Si Ate Bloom na kapatid ni Dae habang nagkalat sa living room ang mga magazine at may mga tao ring mukhang susukatan siya ng gown. "Serene, ikaw ba yan?" "Uh... Oo." I smiled. "Serene, dito ka muna. Magbibihis lang ako." Sabi ni Dae habang dumiretso na sa kwarto niya. "HUY DAE, ang snob mo talaga!" Sinigawan ng kanyang ate si Dae ng pabiro. Kahit na nasa harapan ko ng ang mga sofa, ayaw ko paring umupo. Tinitigan ko si Dae habang umaakyat siya sa bonggang hagdanan ng kanilang bahay. "WAHAHA. Buti andito ka Serene. Siguro dinala ka dito ni Dae dahil alam niyang invited ka talaga sa kasal ko. yeheyyy, sukatan niyo siya ng gown, DALI!" Sabay turo sakin at nagdagsaan naman sila at sinukatanb ako. Wow. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari. Nagdadalawang isip tuloy ako kung umiiwas ba si Dae na makita kami ni Francine o sinadya niya `to? "Kamusta ka na?" Umupo siya sa sofa habang nakatayo ako at sinusukatan na parang manika. "Ang ganda-ganda mo na ah." Tinulungan niya ang katulong nilang ilapag ang juice sa mesa. "O-Okay lang." Ngumiti ulit ako at mejo naiilang pa sa kanya dahil ang tagal na naming di nagkikita. "Anong okay lang? Kwentuhan mo nga ako?" "Ehhh, wala naman kasing masyadong nangyari sa America eh. hehe, nag-aral lang ako tapos nagpalamig. hehe." "Ganun ba? Taposss? Ba`t kayo andito ni Dae?" Ngumiti siya na para bang may masamang binabalak. "Wala. Tutorial, hehe, alam mo na, Math." I tried to calm my self. "Owww. Tapos, hindi ba nagseselos yung selosa niyang girlfriend?" Nabigla ako. Dahil kilala niya pala si Francine. Of course naman, dapat lang kilala niya yun noh! Tsaka... hindi niya alam na nagbreak na sila? "Ang totoo... break na ata sila." "OWWWW." She frowned. "Ba`t di niya sinabi sakin." Just as I thought, mukhang hindi pa talaga tanggap ni Dae ang kinahinatnan nila ni Francine. "Tsk. Si Dae talaga. Siguro gusto ka na niya ano?" Tumawa siya. "H-Hindi ah." "Siguro nasakal siya sa Francine na yun? HMMMM." Nag-isip ng siyang mabuti. "Di bale... baka mainlab si Dae sayo. HAHAHA Naku... masaya yun!"

Naaalala ko tuloy na alam ng buong pamilya ni Dae ang feelings ko sa kanya. WAAA~ "Malaaaabong mangyari yan!" Napalingon kaming dalawa ng ate ni Dae sa likod, at nakita ko siyang naka pambahay habang nakasandal sa gilid ng piano. Ang gwapoooo niya. Kahit pambahay yung damit. WAAA~! Ang ganda-ganda. Kaya lang, nakakainis yung banat niya.

25th fall Serene Cruz: Nakikinig naman ako eh.

"Malaaaabong mangyari yan!"

GRRR. "Pssst. Sige ka, pag mainlab ka kay Serene di kita tutulungan." Tumawa ang ate ni Dae. "As if naman magpapatulong ako sayo." Nanlaki ang mata ko sa di malamang kadahilanan at agad napansin ni Dae. Siguro dahil sa sinabi niyang 'magpapatulong'. "Tsaka, as if naman ma-iinlove nga ako sa kanya." "Huy Dae, don't be rude." Pasalamat ka talaga Dae at andito ako sa pamamahay niyo kaya di ko pwedeng labagin ang human rights dahil kaharap ko ang ate mo. GRRR. "Ang ganda ganda na ni Serene ngayon, di mo ba napansin?" Ngumiti ang ate ni Dae sakin na para bang nangangampanya siya sa isang walang pag-asang kandidato. Ininom ni Dae ang juice na para sana sakin. "Hindi eh. Too bad." Ngumiti siya at, "Serene, lika na. Ano bang hindi mo naintindihan kanina?" Naglakad siya patungong garden nila habang nasa pockets ang mga kamay niya at para bang alam ko nang kailangan ko siyang sundan.

"Excuse me." Ngumiti ako kay Ate Bloom kahit na mejo gumagalaw na ng mag-isa ang mga muscles ko sa mukha dahil sa inis. "Go Serene, kaya mo yan. Wa`g kang sumuko sa Dae na yan ah. Sayo lang ako boto." Ngumiti rin siya. At sinundan ko na agad si Dae. Parang ang sarap niyang sipain. huhu. The whole world wants me to be with Dae, pero... ayaw parin ni Dae sakin. Mas okay yung storyang mala you-and-me-against-the-world kay sa sa me-and-the-world-against-you kasi kahit saang angulo tingnan, worth it pag nasaktan ka dun sa una. HAAAAY. "Serene, nakikinig ka ba?" He sighed, at napatingin ako sa mukha niya. "Ano bang maganda sa mga bulaklak na tinititigan mo at kulang nalang eh mapuwing ka ulit?" "Huh?" Kanina pa pala ako nakatitig dun sa mga bulaklak habang nag-rereflect sa mga nangyayari. Dae flipped the pages of the book. "Ngayon, hindi ka na sa mukha ko natutulala. Imbis na mag improve ka, parang... nagiging mas malabo ka na." "Huh? Pwede ba, Dae? Tigilan mo nga yang pagiging vain mo diyan." Pinandilatan ko siya. Masyado na talagang lumalaki ang ulo niya. ANG HIRAP TALAGA PAG ALAM NG CRUSH MONG CRUSH MO SIYA. "Totoo naman eh. Nasasayang lang yung laway ko dito dahil turo ako ng turo samantalang nag d-daydream ka lang dyan." "Anong daydream? Hindi ah. may iniisip lang ako." "Pareho narin yun." Nagkatitigan kami at ni isa samin ayaw bumitaw sa titig. "OOOOYYYY. Kayo haaaa~" Pareho kaming lumingon sa loob. Nakatingin pala at nakabantay si Ate Bloom saming dalawa. Kinindatan niya pa kami saka nagfocus siya ulit sa mga magazine. "Dae, sige na. Turuan mo na ako." Kinuha ko yung libro sa kanya. Huminga siya ng malalim at padabog na binigay ang lahat ng libro, "Kanina pa kita tinuturuan dito tapos di ka nakikinig." "Nakikinig naman ako eh." "Sige nga, ano yung tinuro ko?" "Uhh-" "Kita mo na. Kung gusto mong mag daydream, sabihin mo na lang."

Ba`t ba lagi na lang talaga kaming nagtatalo. Sino ba talaga ang may kasalanan saming dalawa pag nagtatalo kami? Tumayo siya at pumasok sa loob dahil mukhang napansin niyang dumating na ang kanyang mama at papa. Close talaga si Dae sa kanyang pamilya, lalong lalo na sa papa niya. Sinundan ko siya para naman makita ako ng mga magulang niya. "Serene, andito ka pala." Sumulyap ang ang mama ni Dae sa kanya. "hmmm, tutorial?" "Opo." Ngumiti siya. Ang papa naman ni Dae, dumiretso na sa kwarto at mukhang pagod na pagod. "Sorry ah, pagod kasi siya." Sabi ng mama ni Dae sakin nang napansin niyang sinundan ng mga mata ko ang papa niya. Napahinga ako ng malalim, "Okay lang po." Kinabahan ako dun, akala ko di nya ako nakilala. Mabait kasi ang papa ni Dae eh. Tsaka feeling ko kailangan kong magpabango sa kaniyang pamilya. HAHAHA >:D "Serene, lika na!" Sabay kaladkad sakin. "Dae, dahan-dahan naman." Sigaw ng mama niya. "OPOOO." Pero patuloy parin akong kinaladkad. Buti na lang at pagdating namin sa garden, tinuruan na ako ni Dae. HAAAY, at least hindi waste yung pagpunta ko dito. Kahit di ako napansin ng papa niya. HEHE

26th fall Serene Cruz: Shhh~

"Absent daw si Dae." Sabi ni Sophie sakin saka binaba yung phone. Katatawag niya lang kay Crayon at yun agad ang binalita niya sakin. Wala naman akong care kung absent nga siya. Baka nagbulakbol o baka tinatamad. Ginulo ko ang buhok ko sa inis? "O, ano?" Nagtaka si Sophie sa ginawa ko. "Bakit daw?" "Na-ospital daw ang papa niya." Pagkarinig ko sa sinabi ni Sophie hindi na ako nag-isip.

Matinding muscle-coordination dahil dumiretso na talaga ang mga paa ko sa hospital. Ack~. Grabe ako, ni hindi ko na inisip kung may pasok pa ba ako o wala basta dumiretso na ako. Mamaya pa daw si Sophie pupunta pag dating ni Cryon, eh ang tagal pa nung mokong na yun kaya nauna na ako. Nakita ko agad si Dae sa labas ng room. Mag-isa. "D-Dae," He looked problematic. Nakasandal ang mga kamay niya sa noo niya. "O... ba`t ka andito?" Ang sarap niya paring sapakin sa mga pagkakataong nagsalita na siya. "Uhh. Kamusta na si Tito?" Tanong ko. "Okay na siya." Sinandal niya ang kanyang likod sa upuan. Tumabi ako sa kanya para makausap siya. "Kelan lang siya naospital?" "Kaninang umaga." Hmm, sa pagkakaalam ko, may sakit daw sa puso ang papa ni Dae. Pero parang ayaw kong pag-usapan dahil ayaw kong maisip niya ang mga bagay na yun at mag-alala siya. Tahimik kaming dalawa hanggang sa naisipan kong magsalita. "Siguro dahil sa stress." Tumango siya at pinikit ang kanyang mga mata habang nakasandal parin ang likod sa upuan. "Saan yung room niya?" Itinuro niya ang malapit na room sa amin, pupuntahan ko na sana pero pakiramdam ko marami pa akong itatanong. "Uhh, gising ba siya?" "Oo." SHUCKS, wala akong dalang kahit ano bukod sa bag ko at mga libro. Dapat kasi bumili nalang muna ako ng prutas o bulaklak. Nakapikit parin ang mga mata ni Dae. Mukhang pagod siya. "Anong oras siyang naospital?" "2-" He sighed. "A.M."

Kaya pala. Hindi pa siguro siya natutulog! "Okay lang bang pumasok-" "Oo." Kaya tumayo na ako at unti-unti kong binuksan ang pintuan sa room niya at naaninaw ko ang mama ni Dae, si Ate Bloom, at si Kuya Arthur. "O, Serene." Pinaupo ako ng mama ni Dae sa tabi niya. Kaharap ko ang kuya ni Dae at si Ate Bloom naman ay nasa tabi ni Tito. "Serene? Yung kababata ni Dae?" Tanong ni Tito. Napabuntong-hininga ako. HAAAY salamat, naaalala niya pala ako. "Opo." Tinitigan ko si tito. "Okay na po ba kayo?" Tumawa siya, "Oo. HMMM, buti na lang at gising pa si Dae sa mga oras na yun..." "Ahhh. Ganun po ba? Uhh," Tiningnan nila ako. "Pasensya na po, uhhh, kasi nagmadali akong pumunta dito... kasi... nag-alala ako... dahil kahapon... uhhh." Nagtawanan ulit sila. Nakakainis at nakakaintimidate dahil hindi ko alam kung anong nakakatawa? Siguro hindi sila sana`y ng mga nilalang na tulad ko - na mejo maingay - or what? "Wa`g kang mag-alala Serene, ayos na ako. Stress lang yun." Ngumiti ang papa ni Dae sakin. "Ahhh." "Nasa labas ba si Dae?" "Opo." "Naku. Baka nastress din yun, puntahan mo na lang muna siya kasi hindi pa yun natutulog." Ngumiti silang apat. Nagdadalawang-isip pa ako dahil ayaw ko naman talagang makasama ang mokong na yun dahil mag-aaway lang ulit kami. Kaya lang tinulak na ako ni Ate Bloom papalabas, "Sige naaa~ hindi yun makatulog kagabi dahil ikaw ang iniisip niya eh." Nagtawanan silang apat. WHAAAAT? Joke ba yun o pwede na rin akong maniwala? Lumabas na lang ako dahil nap-pressure ako doon sa kanila. Nakita ko si Dae na nakaupo parin at nakapikit ang mga mata. Tinabihan ko siya. Hindi naman siguro totoo yung sinabi ni ate Bloom. Joke. "Uhh, Dae. May ipapagawa ka ba sakin? Babalik pa kasi ako sa school-" Sumandal siya sa balikat ko. "Wala na." "Huh? Uhhh."

OH NO. Dae, don`t be too close to me. Nagwawala na ang puso ko. PLEASE? PLEASE? PLEASE? "Can I sleep?" Tanong niya sakin habang nakapikit parina ng mga mata niya. "Uhhh. O-" I don`t know what to do. "-O. Pero, dito?" Tumango siya. Kaya pinahiga ko siya sa lap ko. Ang pangit ng feeling. Bakit kaya gusto kong umiyak? Kasi nakikita ko siyang natutulog sa harapan ko? Bakit kaya? Siguro masyado akong masaya dahil kahit ganito lang... nararamdaman ko siya. I caressed his face. Whew, is this one of my first time to see his face and hold him like this? Mukha nga, mejo ignorante pa kasi ako sa kanya. Para akong probinsyanang pinakawalan sa New York. "Dae, bobo ka talaga." Sabi ko. Oo, pinagsasamantalahan ko ang pagiging tulog at helpless niya para pagalitan siya. "Andito na nga ako, naghahanap ka pa ng iba. Hanap ka ng hanap d`yan eh wala ka namang mahanap. Ayaw mo lang kasing tingnan kung sino ang nasa harapan mo." I sighed. Nakita kong paparating sina Sophie kasama ang buong banda. "OOOOOO-" "SHHHHH~!" Agad kong pinigilan ang bunganga ni Crayon. "Natutulog siya." I whispered. Naghalakhakan silang lahat at, "May dapat ba kaming malaman?" sabi ni Crayon ng nakangisi. I shook my head. "WOKIEE." "Shhh~" Napakamot siya ng ulo at pumasok na sila sa room ng papa nia Dae. Napatingin ulit ako kay Dae, he is fast asleep. He looks so gentle. I want him to lay like this forever. I LOVE HIM. I LOVE HIM and I can`t help it. Hindi ko alam kung anong ginawa niya sakin na kahit ang tagal na naming magkakilala o magkaibigan at ang tagal ko na siyang mahal, eh ayaw ko paring magsawa sa kanya. Minsan nakakainis na dahil ayaw talagang makinig ng sarili ko sakin. Para bang sinasabi ko na lang na 'mamahalin at mamahalin ko parin siya kahit anong mangyari.' Yun nga eh, mejo nakakabwisit minsan. "Is he sleeping?" Napatingin ako sa babae sa harapan ko. It was... Francine.

27th fall Serene Cruz: Anong ibig niyong sabihin?

"Fran-cine." Para akong nabuntan ng tinik. Tumindig ang balahibo ko at parang may physical reaction na nangyayari sa kaluluwa ko. Para akong na trauma nung huli ko siyang nakita na ganito ka lapit. Gusto kong tumakbo o tumalon at parang hinahanap ko ang nakakatakot na mga kuko niya. "Is he sleeping?" Inulit niya ang tanong niya. "O-Oo." I`m stuttering. I`m scared. Tumango siya. Tapos nagiging maamo ang mukha niya. Hindi ba siya nagseselos sa posisyon namin? O baka naman kasi di na sila mag-on? OMYYYY. "Mind if I-" Umamba siyang parang papalitan ako. "Yes... I-I mean, I don't mind." Kinarga ko ang ulo ni Dae at tumabi naman si Francine sa akin at dahan-dahan kong linipat ang ulo ni Dae sa lap ni Francine. Nakatayo ako ngayon sa harapan nila at hindi ko alam kung anong gagawin ko at anong gamit ko dito. Kaya umupo ako sa upuan sa harapan nila. "Sorry nga pala... sa ginawa ko." Sinulyapan niya ang braso ko. Wala na dun ang sugat. Wala din namang scar. Madaling magpatawad, pero para kasi akong na trauma sa ginawa niya. "Okay lang." Anong sasabihin ko? Naniintindihan ko siya? Eh hindi ko naman naintindihan kung bakit niya yun ginawa sakin. Mga 15 minutes kaming tahimik at natutulog lang si Dae. She caressed Dae's face with her hand. Siguro naka-ilang ulit na siyang naging ganyan ka lapit kay Dae noh? My gash, ang swerte nga naman ng magiging girlfriend niya. "Hoy Ser-" Lumabas si Sophie at natigilan siya nang nakita niya si Francine.

"Bakit, Sophie?" "Wala." Ngumiti siya habang sinulyapan sina Francine at Dae tapos umupo siya sa tabi ko. Ilang sandali ang nakalipas, lumabas din sina Crayon at umupo sila sa tabi ko. "Diba may klase ka pa?" Tanong ni Crayon. "O-Wala na. Wala na akong magagawa, natapos na rin yun eh." Sabay tingin ko sa relo. Crayon sighed then he smiled an evil-smile. Lumabas din si Ate Bloom, "O, Francine, andito ka pala." "Hello." Francine smiled. Ang sama parin ng tingin ni Sophie sa kanya kaya siniko ko na. "Kanina pa ba siya natutulog?" Tanong ni Ate Bloom kay Francine. "Yeah." Kainis! Ako dapat ang andun eh. Well, there's no room for jealousy. I sighed. Tiningnan ako ni Ate Bloom, "Sabi ni papa ang ganda-ganda mo na daw, Serene." WAAA? LOL, I blushed. Tapos, nagising si Dae. Para akong kinabahan. Hindi pala... kinabahan talaga! Ayaw ko kasing makita ang reaksyon niya kung makita niya si Francine. At ayaw ko ring nakikita niya ako dito na parang nasa tabi-tabi lang at pakalatkalat. "A-Ate, p-paki sabi na lang kay tito 'thanks'." Sabi ko habang sinulyapan ko ang mga dala ni Francine - mga fruits at flowers na ngayon ko lang napansin. "M-May pasok pa kasi ako." "Huh? Ahh. Okay! Sana sinabi mo - ihahatid na-" Tiningnan niya si Dae na bagong gising at mukhang nakuha ko na ang gusto niyang mangyari. Nagkatinginan si Francine at si Dae at alam kong ayoko na... "Okay lang. Malapit lang naman yun eh." I smiled fakely tapos agad kong inayos ang mga gamit ko at lahat-lahat. "Serene, saan ka pupunta?" Lumingon ako kay Dae habang nagwawala na ang puso ko. "School." "Ganun ba?" Tumango siya at tiningnan ulit si Francine. "Ate, ihatid mo si Serene." SHEEEET. Ipinasa ako sa iba? LOL. Of course, ganun ang mangyayari. Andyan si Francine eh.

"Huh? Ikaw-" "Okay lang Ate. Kaya ko naman eh." I smiled. Agad na akong umalis, I don't want to hear anything from him anymore. Bakit ba ako nagkakaganito? Umaasa na nga ba ako? Mukhang umaasa na nga ako. GRRR. Sinundan ako nina Crayon. "Couz, uwi ka na?" "Oo." Sabi ko. Syempre, ba`t ko aamining uuwi na ako sa harapan ni Dae? Mapagkakamalan lang akong nagseselos. Hinabol ako ni Sophie at magkasabay na kaming naglakad ngayon. Nasa likuran namin sina Crayon at ang iba pa. Pumasok na silang lahat sa sasakyan ni Grey. Buti na lang at malaki ang sasakyan niya kaya kasya kaming anim. Ako ang pinakahuling pumasok at ako lang mag-isa sa likuran. Tahimik ako habang pinapaandar ni Grey ang sasakyan niya habang hindi ko namamalayang silang lahat pala ay tinitingnan ang facial expression ko. "Ano?" Isa-isa silang nagtawanan. "Sige sige... deny ka pa. Ayan tuloy." Sabi ni Valen. I smiled, "Anong ibig niyong sabihin?" "Nakuuu Serene, pasensya ka na talaga kay Dae. Kahit kami, di namin siya maintindihan pag lovelife na." Sabi ni Grey habang sumulyap siya sakin sa salamin at tumingin ulit sa daanan. "Oo nga. tsss, tapos hindi pa maayawan ni Dae si Francine dahil maganda." Sabi ni Valen. "Maganda naman si Serene ah?" Sophie defended. "Oo nga eh. Sa tagal nating magkakilala ba`t kaya di ka pa niya makita?" I sighed. "Haaay, ba`t ba kayo nag-aalala? Makukuha din ni Serene si Dae, eventually. I`m sure. Kung hindi naman ako sure, edi gagawa na ako ng paraan." "WUUUU, Crayon`s dark plans!" Nagtawanan sila. "HEHE, joke. Hindi naman sa ganun pero susubaybayan ko lang silang dalawa. Tingnan natin kung anong mangyayari." Lumingon si Crayon sakin with his evil smile, again. Napangiti ako, kahit na mejo stressed na rin ako at nasasaktan. "Humanap ka na kasi ng iba, Serene." Sabi ni Grey. "Wa`g na!" Sabi ni Crayon.

"Para magselos yung Dae na yan." "Wa`g na, Serene." Ano ba naman `to sila oh. "Wala ka bang suitor? - of course, wala! Tinatanong pa ba yun? eh lahat ng nagtatanong ng tungkol sa`yo sa skul eh binabarahan na agad ng mga salitang 'Kay Dae na yan.' O 'Gusto mo bang mabugbog ng Chapter Review?' Paano ka magkakaroon ng manliligaw?" Nagtawanan ulit silang lahat. Ewan ko kung maiinsulto ba ako. GRRR. Haaay, hindi naman kasi ako naghahanap ng iba eh. Kung si Dae ang mahal ko, si Dae lang talaga. My heart is already closed and occupied by him. Tumingin ako sa labas. Ano na kayang ginagawa ni Dae at Francine ngayon? Anong pinag-usapan nila? Natahimik kaming lahat ng tumigil ang sasakyan dahil sa traffic. Ang tanging naririnig namin ay isang kanta, *You are my sweetest downfall, I loved you first...*. "Downfall, eh? How can it be sweet?" I sighed as we listened to the song. I'm starting to think about that diary again. "Dapat kasi sunog na yun, yan tuloy hindi parin ako linulubayan." Napalingon si Crayon at Sophie sakin.

28th fall Serene Cruz: makakahanap din ako ng iba.

"Serene, ikaw NALANG ang date ko sa Seasonal Ball." Sabay lapag ng invitation sa mesa. Nasa pavilion ako at tahimik na iniisip kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng assignment namin sa Philosophy. Napalingon ako at nakita kong marami ang tumingin sa akin. Si Dae ang nagsalita! At ano nga ulit ang sinabi niya? Nakatayo siya sa harapan ko at parang may hinihintay na sagot. "HA?" "Ang sabi ko, ikaw na lang ang date ko sa Seasonal Ball." "A-Ano? Anong 'nalang' at huh?"

Teka, I'm so confused. Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko sa pag-iisip. Seasonal Ball - nangyayari yan pag malapit nang matapos ang semester at narealize kong malapit na nga pala. At teka, ako daw ang date niya tapos may 'nalang' pa. Magagalit ba ako o masisiyahan? "Anong 'nalang', huh?" Sinapak ko sa kanyang tiyan ang invitation. "Bakit? Ayaw mo?" Nakita kong mukhang nanlalaki na ang mga mata ng mga tao sa paligid at parang may mga excited at ewan ko ba. "Kung gusto mo talaga akong ma-date sa ball, sana mejo wa`g naman harsh ang pagkakasabi!" Sabi ko. "So ano, ayaw mo o gusto?" I sighed. Lintik talaga `tong si Dae o. Ayaw ko o gusto? Pag sasabihin kong gusto ko nga talong talo na naman ako. "Bakit ako? Asan ba si Francine?" "Di siya makakapunta. Kukunin daw siya ng papa niya sa araw na yan." "Wha-. Bakit? Saan daw siya pupunta?" WOOO. LOL. Di na siguro siya dito mag-aaral ano? Wala na akong karibal kay Dae. YES. Maganda `to. "Vacation lang daw sa Hong Kong, for one week." Sabi niya. WHAT? Akala ko pa naman. nakakainis. "Huh? So, kung andito siya - kung di siya pupuntang Hong Kong-" "Wa`g mo na nga yang tanungin. So, Ano? Oo o hindi?" Naramdaman ko na naman ang mga nanlalaking tenga ng mga tao sa paligid. Linigpit ko na ang mga libro ko at kinuha ang bag ko at agad na akong umalis, pero bago yun marami akong narinig na... "Serene, oo na - dali!!!" Oo na, Dali? Grabe, ang swerte naman talaga ni Dae ano? Kung kailangan niya ng extra, andito lang ako. Kung ayaw niya sakin, dun siya kay Francine. Grabe no? Kahit noon, si Dae na lagi ang number one sa puso ko. Pero kahit kailan, hindi pa niya ako naiisip. Nagflashback sa isipan ko ang pinakaunang araw/gabi na nakaharap ko si Dae - the 'STORMY NIGHT'. I sighed. Sumusunod pala sakin si Dae. "Ano ba Serene, may klase pa ako." Lumingon ako kay Dae. NAKAKAINIS talaga siya. Siya na nga yung humihingi ng pabor, siya pa yung demanding.

"Si Francine na lang kasi yung imbitahin mo." I said while hiding my frustration. "Wala kasi siya eh." Tumingin siya sa relo niya. "Sige na, mali-late na ako." "Ayoko nga." Natigilan siya. Agad ko namang pinagsisihan ang sinabi ko. "Bakit? May date ka na ba?" Tanong niya with all the confidence in the world. "W-Wala." I can't look at him. "Yun naman pala eh. Edi, sige na. Pwede ako, kaya sumama ka na lang sakin." Tapos agad umalis. *DING-DONG-DING* Napakamot ako sa ulo, habang nakita ko si Sophie, Mina at Chyna na papunta sa akin. "Anong nangyari sayo? Di ko maexplain kung masaya ka ba o galit?" Sabi ni Chyna. "Did Dae invite you?" Tanong ni Sophie with her evil smile. Paano ni Sophie nalaman? Pinandilatan ako ni Chyna at Mina. "Sabi ni Crayon, aalis daw si Francine that day kaya wala siya sa Seasonal Ball. So, probably Dae will invite you." Sabi ni Sophie. "Hay naku, ewan ko lang huh? Hindi ko alam kung dapat ba talagang suportahan kita kay Dae o hindi. Eh lagi ka na lang nasasaktan sa kanya eh." Sabi ni Chyna. "Oo nga. Hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang intensyon niya sayo. So ano Serene, tinanggap mo ba?" I sighed when we take our seats at the cafe. "I can't..." Tinitigan nila ako. "...reject him." Nagpahayag ng pagkadismaya ang tatlo at para bang nag-unahan sila sa pagbubuntonghininga. Nanggigil pa si Chyna sakin. "NAKUUU, Serene talaga. Yung utak moooo gamitin mo." Sabi ni Chyna kasabay ang panggigigil. I frowned, "Eh... Bahala na, makakahanap din ako ng iba." Sophie and Mina both laughed at me.

"Kay Dae ka na sa paningin ng mga tao sa buong campus. Saan ka makakahanap ng iba?" Tanong ni Sophie habang nangangalumbaba. "I don't know."

29th fall Serene Cruz: Payag na ako,

*DING-DOOONG-DINNNG* "Okay, dismissed!" Yun na lang ang naabutan ko sa huling klase namin sa Philosophy. Inayos ko ang mukha ko dahil kakagising ko lang. Nagsitayuan at naglabasan na ng classroom ang mga kaklase kong di ko naman kilala. I sighed as I stared blankly at my bag. Pasensya na, bagong gising lang ako. hehe "Kahit last na, tinulugan mo?" Someone chuckled from behind me. Lumingon ako para tingnan kung sino, at nakita ko ang hindi naman ganun ka pamilyar na mukha. "Inantok ako eh." Linigpit ko na ang gamit ko at humandang lumabas dahil kaming dalawa na lang ang naiwan sa classroom. I was surprised because he came to me and helped me organize my things. Pagkatapos naming iligpit yun, naconscious ako sa pagmumukha ko baka kasi may dumi ako sa mukha o laway. Napatitig ako sa mukha niya, at talagang namangha ako dahil narealize kong nag-gwapuhan ako sa kanya. Pero hindi ako sigurado kung sino ang mas gwapo sa kanila ni Dae. Kung aalisin natin ang katotohanan na mahal ko si Dae, mejo maiisip kong mas gwapo ito dahil"What`s wrong?" Ack~ Masyado akong tumitig sa mukha niya. Nakakahiya. "I`m Nico, by the way." Sabay lahad ng kamay niya sa harap ko. Agad akong napatayo at linagay ang bag ko sa balikat ko at kinuha ang kamay niya, "Ser"

"Serene, right?" Ngumiti siya. I don't know if I'll be surprised. "Uhhh?" Ngumiti ako, hindi ko rin alam kung tatanungin ko ba siya kung saan niya nalaman ang pangalan ko o hindi. "Next class?" Sabi niya habang ngumingiti at mukhang natutuwa siya sakin. I sighed, "Mamaya pa." Tapos magkasabay kaming umalis sa classroom. Magkasabay din kaming naglakad sa corridor. "So... Saan ka pupunta ngayon? With your friends?" Tanong niya. I shook my head, "Pavilion?" Wala sina Sophie ngayon, may pasok. "Good, papunta din ako dun eh." Tumango ako. "HMMM, totoo palang mahirap kang lapitan." Sabay tingin sa paligid. "Huh?" Tumingin narin ako sa paligid at nakita kong pinagtitinginan kami ng mga tao mapa babae man o lalaki. Pagkatapos nila kaming tingnan eh agad silang nag-uusap. "Last day of the sem na ngayon, isipin mo nga... ngayon mo lang ako nakilala diba?" He smiled again. "Uhh. Oo." "Kasi, kung hindi ka nagmamadali papaalis ng Philosophy class, eh lagi ka namang tulog." He chuckled. Napatawa rin ako dahil sa kahihiyan, "Really? Binabantayan mo ba ako?" "Sort of." Nakarating na kami sa pavilion. Ang alam ko kasi, anytime this time, dadaan si Dae dito. Tulad nung inimbita niya ako sa Seasonal Ball. HMM, Hindi ko pa nga pala siya nasagot sa invitation niya. Ngayon ko na lang sasagutin, malapit na rin yun eh. Sinabi ko na rin kina mama at papa na si Dae ang magiging date ko kaya pinayagan na nila ako. For short, hindi sila papayag kung hindi si Dae o si Crayon ang ka date ko sa Seasonal Ball. Ang hirap, pero solve na ang problemang yan. Nakabili na nga ako ng isusuot eh, excited na talaga ako. "May date ka na ba sa Ball?" Tanong ni Nico. "Uhm, yeah." "Ahhh. It`s one of them in that band?" Nagsasalita siya na parang alam na namin ang pinag-uusapan. "Yeah." I can't help but smile. "Dae Tanseco? Or Crayon Cruz?" "Dae." I smiled again.

"Ohhh, I see." He looked at me. "You like him, right?" Ngayon, mejo weird na `to ah. Este, tanggap na yun dahil marami naman talagang nakakaalam sa feelings ko para kay Dae. Si Dae lang ata ang walang alam o baka ayaw niyang marinig. "Uhhh. Mejo." Sabi ko. "What`s your course?" "Same with yours." Sabay dungaw sa sangkaterbang accounting books. "Wow. Haaai, siguro matalino ka noh? Hindi kasi ako marunong eh." He laughed, "Hindi naman. Pero ano ba ang hindi mo alam? Baka matutulungan kita?" Next week na ang exams, tapos ang Seasonal Ball. Kaya mejo nakaahon ako for this sem. Thanks Dae! "Ah. Okay na, for this sem. Si Dae kasi yung nagtuturo sakin eh." Napatingin ako sa paligid at hinahanap si Dae. "Wow. Date na, tutor pa!" Tumawa siya. "Oo nga eh." SA WAKAS! Naaninaw ko si Dae, nagmamadali. Alam kong may pasok siya kaya hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo patungo sa kanya. "DAE~" I waved my hands. Tumigil siya sa paglalakad. "Payag na ako, sa Seasonal Ball!" Sabi ko. "Ow? Kala ko pa naman kung ano na, eh ang alam ko pumayag ka na last time diba?" He smiled an evil smile. Hinampas ko ang braso niya. "Oy ang feeling na `to. Hindi pa no." Kinurot niya ang pisngi ko. "Namumula ka na naman!" GRRR, his evil smile! "Sige na... may pasok pa ako." "Ahh." Agad niya akong tinalikuran. "Kukunin na lang kita sa bahay niyo sa gabi ng Seasonal Ball."

Agad siyang umalis. WAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! EHEM, I`ll try to compose my self again. Bumalik ako sa pavilion na parang excited at gusto kong yakapin si Nico. HAHAHAH~ Ang sweet ni Dae ngayon ah? HMM, di bale na kung masaktan ako paminsan-minsan! HAHAHA.

30th fall Serene Cruz: nag-hihintay siya eh

"WAAAW, ang ganda-ganda mo na!" Sabi ng bading na kaibigan ni Kuya na nagmimake up sakin. "Ano ba? Kapatid kaya yan ni Red!" Sabi ng kabarkadang babae ni Kuya. Namimis ko na tuloy si Kuya! "Teka, sino ba ang date mo?" "Si Dae..." Sabi ni mama. "Dae Tanseco." "T-talaga?" Parang na-excite ang mga kaibigan ni Kuya. "Oo." Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Wow, bulag na siguro si Dae pag hindi pa niya ako sabihan ng maganda. HEHE. Isang oras na ang nakalipas, wala pa si Dae. Isa at kalahati. Natatakot na ako dahil naiisip kong baka hindi ako siputin ni Dae. Pero, imposible naman yun dahil wala naman si Francine at wala na siyang ibang pwedeng imbitahin kundi ako. "Serene, late na si Dae ah?" Sabi ni papa. "Huh? Oo nga eh." Binaba ko ang cellphone ko dahil kanina ko pa hinahagilap si Dae. Pero patay ata ang cellphone niya eh. Gusto kong umiyak pero ayaw ko dahil ayaw kong masira ang gabi ko at ayaw ko ring mapahiya ako sa papa ko, ngumiti na lang ako. "Serene... late na late ka na talaga ah? Baka nasiraan si Dae, tawagan mo." Sabi ni mama. "Huh? Oo nga eh, si Sophie kasi ang tinatawagan ko." Sabi ko, and yes I lied.

Nakakainis na, gusto ko ng umiyak pero baka masira yung make-up na pinaghirapan nila. Ang walang hiyang Dae na yun, iindianin yata ako eh. Nakakainis talaga siya. Sana di na lang kasi niya ako yinaya eh. NAKAKAINIS. *KRIIIIIING* "Dae!" Agad kong sinagot ang cellphone ko at tiningnan nila ako. "Serene~" T'was Sophie. "Asan ka? Nasa bahay ka pa ba?" Tanong niya. "O-Oo." Tumalikod ako kina Mama at Papa. Dahil sa tono ng boses niya, parang may sasabihin siya saking hindi ko gustong marinig. "Andyan ba sina Tita at Tito?" "oo~" My voice broke. "Shhh. Ganito ah, magtaxi ka na lang papunta dito." Sabi niya. WHAT? "B-Bakit?" "A-Andito na si... Dae." She whispered. "Huh?" "Oo, basta. I-eexplain ko na lang sayo pagdating mo. Ah, eh, kung gusto mo wa'g ka na lang munang pumunta." Naramdaman kong nakikinig sina mama at papa. Bakit di ako pinapapunta ni Sophie? Siguro may nangyari! Natatakot ako, baka masaktan ako! "Serene?" "O-" "Ano? Magbihis ka na-" Sabi ni Sophie habang nag-aalinlangan. "O sige, Dae, magtataxi ako. Asan ka nga ulit nasiraan?" Sinulyapan ko si Mama at Papa. napabuntong hininga silang lahat. OMG, I really, really really wanna cry right now. Kahit di ko alam kung anong nangyari - pero nasasaktan ako. "Huh?" nabigla si Sophie sa naging desisyon ko. "Sige, bye." I smiled as I put the phone down. "HAY, nasiraan siya?" Tanong ni Papa. "Sayang naman." They all smiled. "Di pa naman tapos eh, aalis na ako. Late na kami... t-tsaka, nag-hihintay siya eh. Kawawa naman." Agad akong umalis ng walang pag-aalinlangan.

Mabuti na lang at kahit papaano, sinwerte ako't agad kong nakita ang isang taxi. Pumasok na ako at kinawayan silang lahat. "Serene, ingat ka!" Sabi ni mama. Ngumiti na lang ako dahil pakiramdam ko, kapag magsasalita ako, maririnig nila ang panginginig ng boses ko. I LIED TO MY PARENTS. Tahimik sa loob ng taxi pagkatapos kong banggitin ang lugar kung saan naganap ang Seasonal Ball. Ang naririnig ko na lang ay yung walang hiyang kanta na ewan ko kung sino ang kumanta... Nakakainis, di ko mapigilan ang mga luha ko kasi ang dami ko ng iniisip. Baka may ibang date si Dae? sino? Teka, ba't yun ang tanong ko? Dapat, ang tanong ko, bakit di niya man lang ako tinawagan? Mali rin. Mali ang mga tanong, parang martyr. Kung ganun, anong tanong ko? *I've known you for so long. You are a friend of mine. But is this all we'd ever be? I've loved you ever since. You are a friend of mine. But babe, is this all we ever could be?*

"Hija, sayang yung make-up mo. wa`g kang umiyak." Sabi ng driver tapos pinatay niya ang tugtugin. Napatawa ako kahit umiiyak. Nakakainis naman talaga ako at si Dae!

31st fall Serene Cruz: Crayon, stop that!

Nakarating na ako, at nininerbyos na ako kahit di pa ako nakakapasok. Inayos ko muna ang sarili ko. Syempre, kahit ganito ang nangyari o kung ano pa ang mangyayari, I don't want to look like a loser. Naaninaw ko na ang mga ilaw, pero bago ako makapasok ng lubusan... *KRIIIING* "Hello~" "Serene." I heard a deep sigh.

DAE! Napatigil ako sa paglalakad. "Asan ka?-" Pinatay ko na ang cellphone ko bago ko pa marinig ang pwede niyang sabihin. Ayan na naman ang mga luha ko. Kaya inabutan pa ako ng siyam-siyam sa labas dahil sa pagpapabalik ng luha ko sa kanikanilang mga glands. At sa wakas, napagdesisyonan kong wa`g ng huminga para makapasok na ako sa loob at malaman ko na kung ano talaga ang nangyari. Nabigla ako dahil lahat ng tao nakatingin sa akin. Gusto kong hulaan kung bakit sila nakatingin sa akin. Dahil ba wala akong date? Dahil kaya alam ng lahat na si Dae yung date ko na hindi ako sinipot? Maganda ba ako ngayong gabi? O baka naman bakas sa mukha ko ang pag-iyak ko kanina? I laughed. Oo, tumatawa ako sa sarili ko ngayon habang pumapasok ako dito at tinatahak ang red carpet ng mag-isa. LATE! Two-hours late. Sana worth it yung pagmumukha ko ngayon para di naman sila madismaya. Hindi ko makita si Dae, pero agad akong kinawayan ni Sophie kaya pumunta na rin ako sa table niya. Syempre, ako lang ang walang date doon. "Serene!" She hugged me. "Ba`t ka pa pumunta?" Tanong ni Chyna. Siniko ni Mina si Chyna. "Kasi... baka magduda si Mama at Papa eh." I tried to smile. Tiningnan ko ang paligid at nakita kong bumalik na ang mga tao sa kanilang mga ginagawa. I sighed. Lahat naman ng tao sa table namin, nakatingin sa akin. Maliban na lang kay Crayon. I faked a smile. "Crayon, anong nangyari... sayo?" Tinitigan niya ako na parang kakain ng tao. I don't know but my cousin can really see through me. And I'm sure of that. "Do you want me to kill Dae?" Tanong niya. Natakot ako. Bakit niya yun sinabi? They're best friends! OMG. "H-Huh?"

Nakita ko si Dae. Kinabahan ako, lalong lalo na nang may nakita akong nakakapit sa braso niya. He's soooo handsome tonight! Pero... I saw Francine. "Shut up, Crayon!" Hinampas ni Sophie ang braso ni Crayon. "Hindi mo pa nga siya nakakausap eh!" "Kahit na!" WHOA. Galit si Crayon! I focused on Dae and Francine. Nakita kong lumingon si Dae sa table namin at mukhang hinanap ako. Nagtago ako kina Sophie para hindi niya ako makita. I sighed. "Serene... pasensya ka na. Nabigla ako eh. Hindi kita tinawagan agad. Akala ko kasi tinanggihan mo na si Dae eh! Kasi kasama niya yung Francine na yan pagdating niya dito." "Really?" I faked a smile. Nagiging geisha na ata ako. Marunong ng ngumiti kahit nasasaktan. "Akala ko naman may ibang date ka na. O baka pinag-usapan niyo na yan ni Dae. I never thought..." Lumingon si Sophie kay Crayon, "Serene, tanungin mo kaya si Dae?" She sighed. "Natatakot na kasi ako para sa kanila ni Crayon." She whispered. OH NO~ Ako rin eh. Baka mag-away sila't dahil pa sakin. Madali lang naman `to eh. I`ll just pretend na okay lang naman talaga yung nangyari ngayong gabi at ibabaon ko sa limot ang lahat para di na sila mag-away. Kaya ko naman yun eh. As if hindi ko yun ginagawa - ang magpakamartyr! I just don't want to ruin their friendship. Ayaw kong magiging excuse pa yung feelings ko sa pag-aaway nilang dalawa. "Crayon, uhhhh," I sighed. "Kumalma ka nga! Wala namang nangyari sakin eh." His eyes were darted at mine. "Cray-" "Serene... can we talk?" T'was Dae. Para akong nabunutan ng tinik. Talk? Ano pang pag-uusapan namin? Ayoko nga! Ayan tuloy, ewan ko kung kukumbinsihin ko pa ba si Crayon o hahayaan ko na lang siya. In one way or another, Dae deserves to be hated by someone who cares for me. Nagkatinginan ang dalawa. Nagkatitigan. I'm so sorry, I really can't afford to see them like this just because of me. "Crayon, stop that!" Napalingon si Crayon sakin. Tiningnan ko na rin si Dae at pinandilatan, "Ako ang kakausapin mo diba?"

Tumango siya at sinenyasan niya si Francine na maghintay. Binalewala ko silang dalawa pero hindi ko parin alam kung bakit nakita kong napailing si Francine nang lumabas kami ni Dae sa hall. Whatever, I'm not in the mood to be thinking about them.

32nd fall Serene Cruz: OKAY~

Nasa likod ko siya ngayon at nasa labas na kami ng hall. Ayokong humarap sa kanya. I decided to think about his words thoroughly before answering him. I don't want to destroy anything - especially his friendship with Crayon. "Serene, sorry." Sorry? HUH? Gross! "Okay..." lang? "Anong okay? You can punch me if you want!" Napalingon ako sa kanya. Naramdaman kong willing talaga siyang magpabugbog sakin. "That's useless." "Sige na!" "Dae, wala na tayong magagawa." Nasaktan mo na ako eh. Para namang gagaan ang feeling ko kapag masaktan kita physically. Atsaka, di naman kita masasaktan emotionally dahil wala ka namang emosyon para sakin. "Galit si Crayon." Why? Kung di ba siya galit, di rin siya hihingi ng tawad? "Galit ka rin." He said. Hinarap ko siya para makita ko ang ekspresyon ng mukha niya. "Si Francine kasi, tinawagan ako kanina, di daw siya tutuloy ng Hong Kong."

My system began to talk like crazy. TANG***! SO? SO WHAT? Pagkatapos ng excuse na yan, nag-eexpect siya ng kapatawaran sakin? OMY Funny Goat! Sana man lang mas reasonable nun! "Eh, naiwan ko ang phone ko sa bahay dahil sinundo ko siya sa airport. Tsaka, ewan ko baka nag lowbat na yun." I sighed. OMY. I'm so thankful that he can't read my mind like Edward Cullen. Nagmumura na ako! What kind of excuses are those? "Susunduin na rin sana kita, kaso nagmadali pa kami ni Francine sa parlor tapos nagbihis pa siya." Kung ngingiti si Dae ngayon baka hubarin ko na `tong mga heels ko at ibato sa kanya. "Tsaka... pagdating namin dito, mejo late na rin eh. Hinanap kita kasi baka nakarating ka na, pero hindi pa pala. Kaya nanghiram ako ng phone kay Francine para matawagan ka, pero binabaan mo naman ako!" WHAT? Anong klaseng mga excuses yan? Para bang sinisisi pa ako. Parang ako pa ang may kasalanan sa lahat na nangyari. He stared at me. He waited for my response. But I'm not that stupid to say something like 'okay lang' right now. "Uhh, sige na. Bugbugin mo na ako!" He said. Pinandilatan ko na lang siya. "Sorry." Tumango ako, to end this up. I stared at him while he was also staring at me. Sana man lang napansin niya ang effort ko para sa gabing `to. "Uhh sige, ganito na lang..." He sighed. "Bukas, pupunta kami ni Francine sa farm nila... malapit lang yun dito. Uhh, bibisita lang kami dahil yun daw ang sabi ng papa niya. Come with us." COME WITH US? That's the most stupid invitation I have ever heard in my entire life. Paano niya nasabi o natanong yun? Sa tingin ba niya papayag ako. Nagkakamali siya! "What? Yoko nga." "Sige na... that's my peace offering." PEACE OFFERING! Okay na yung chocolate sakin para peace offering, bakit yung ganung klaseng bagay pa?

"Sige na. Wa`g kang mag-alala, pumayag na si Francine dito. Sabi din kasi niya na may kasalanan din siya sa nangyari." I am... so hurt. It's very painful. Very very very painful to hear his words. Kahit hindi niya naman ako binasted pero mas masakit pa to sa pambabasted niya sakin noon. Paano niya nasasabi sa harapan ko ang mga bagay na `to? "Okay na! Di naman ako galit sa inyo eh! Kaya wa'g niyo na akong isama." Sabi ko. "Serene, sige na. Hayaan mo ngang makabawi si Francine sayo. Hayaan mo ngang makabawi kami sayo." He is slowly raising his voice. "Dae~ bulag ka ba? Ang sabi ko... ayaw ko... ayaw kong madamay sa inyo. Paano kung mamatay ako dahil sa kagat ni Fran-" "Nagbago na siya!" Pause. Buffering. Sila na ba ulit? Nagbago na raw siya eh. "Serene, trust me. Sige na naman. Isang araw lang naman yun eh." "Ano baaaaaaaaaaa!" Hinawakan niya ang braso ko kaya't nagpumiglas ako. "Serene, sige na, please? Para naman makita ni Crayon na ayos na tayong dalawa." Huminga ako ng malalim. I'm so humiliated but I need to hide it. I'm so pissed but I need to conceal it. "Serene, pramis ko sayo, mag-eenjoy ka dun! Sige na... sumama ka na." "OKAY~" Lecheee... ang kulit nya! Ba't ba di niya kayang sila lang dalawa ang pumunta dun? Ba't isasama pa ako? It's like taking me to the highest mountain, showing me the world, and saying 'this is what you can't have'. argh.

33rd fall Serene Cruz: hindi naman ako naghahanap eh.

"O sige, susunduin ka namin bukas. Promise na talaga `to! Ayoko ng mapahiya sa mga parents mo." Yun ang huling sinabi niya. Wala siyang kaalam-alam na hindi siya napahiya kina mama at papa. Wala siyang kaalam-alam na pinagtakpan ko na siya. Pinagtakpan ko siya kahit sinaktan niya ako. Bumalik na kami sa loob. As expected, di nga talaga titigil si Dae kapag di ako papayag. Bumalik na siya kay Francine, at hindi ko pa siya natatanong kung sila na ba ulit. Ayoko ngang magtanong eh. Pero alam kong malalaman at malalaman ko rin ang katotohanan, lalong lalo na't kasama ko silang dalawa bukas. "Serene, ano daw?" Tanong ni Sophie. Lahat ng nasa table, tumingin ulit sakin. Pati si Crayon. "Okay na kami." They all paused for a while. Until Crayon said, "Anong okay?" "Sinundo niya si Francine sa airport dahil di siya tumuloy sa Hong Kong, nagbihis si Francine at naiwan ni Dae ang phone niya sa bahay. Tinawagan niya ako gamit ang phone ni Francine pero binabaan ko dahil nainis ako." WHOA! What an explanation, Serene. Ginawa mong dehado ang sarili mo. Pero yun naman talaga ang nangyari diba? It sounds like my fault. But I was hurt. "W-wait... so?" Tumaas ang kilay ni Sophie. "I'm at fault... partly." I am definitely protecting Dae, unconsciously? Or consciously? I don't know. "Tapos? What about the DATE?" Tanong ni Chyna. Huminga ako ng malalim bago sumagot, "Uh, well. Di naman siguro ako palalabasin dito dahil wala akong date... Tsaka, isasama rin nila ako bukas." I smiled. "Saan?" Tanong ni Sophie." "Bastaaa... kina Francine daw." "Okay lang ba?" They looked at each other. Tumango naman ako. So there goes my night. It was a very HAPPY night, the sarcasm. Nakikita kong masaya si Sophie at Crayon. Nakikita kong nagkabati si Dae at Crayon. Masaya siya. At least nalang hindi ko nakitang sumayaw si Dae at si Francine sa harapan ko. Pansin ko nga eh parang tahimik lang silang dalawa sa table nila. Habang ako naman dito, lonely pa sa night ang drama. Mag-isa sa table at nagmumukhang tanga.

*KRIIIIIIINGGG* "Hello~" "Hello?" I rubbed my eyes. Kinuha ko ang relo kong nakalapag sa higaan, 11:00am na, pero gusto ko pang matulog. "Serene, kanina pa ako tumatawag ah. Ano ready ka na ba?" T`was Dae. Oh great! Hindi pa nga ako bumabangon tapos nagtatanong siya kung ready na ba ako? WTH? Okay, I found a lame excuse. "Dae, kayo na lang... kasi-" "Anong kami? Nagpromise ka diba?" Napakamot ako sa ulo. "Eh kakagising ko lang. Matatagalan kayo." "Kasalanan ko ba yun? Alam mo namang may lakad tayo ngayon tapos ang tagal mong gumising!" WAIT NGA. Ba`t niya ba ako pinapagalitan? May kasalanan siya sakin tapos ganun siya kung magalit. Binaba ko yung phone. Hindi ko na siya sinagot at agad akong bumangon para maligo, magbihis, at mag-ayos ng mga gamit. Anong klaseng farm ba yung pupuntahan namin at bakit ako nadadamay sa mga ganitong sitwasyon? I stared outside the window. Mukhang uulan ata ngayon. Si Dae ang nagddrive ng sasakyan at si Francine ang nasa frontseat. Mag-isa lang ako sa likuran, habang nakasandal sa window at nagmumuni-muni. Ba`t di sila mag-usap diyan? Di ko tuloy malaman kung sila na ba o hindi pa rin. "Uhhh." I saw Dae's eyes on the mirror. "Malayo pa ba tayo?" Tanong ko. "Mejo." "Uhhh, anong gagawin natin doon?" Tanong ko ulit. "Bibisitahin ko lang ang farm." Sagot ni Francine. Ganun naman pala eh, ba't kailangan ko pang sumama? Whatever, tumingin na lang ulit ako sa labas.

"Serene, gising!" Naaninaw ko ang mukha ni Dae. "Andito na tayo." Dagdag niya habang ginigising ako. Nakatulog na naman ako. Lumabas ako sa sasakyan at linanghap ang sariwang hangin. WOW, ang ganda dito. SUPER. "Ang ganda diba?" Tanong ni Dae. "H-Huh?" Hinanap ko si Francine, pero hindi ko siya makita sa paligid. Asan siya? Panaginip lang ba `to? Ba't kami lang dalawa ngayon? Tiningnan ko si Dae na nakatingin sa malawak na lawa sa harap namin. "Asan si Francine?" I forgot to tell you that I'm still pissed everytime I look at him. "Andun." Tinuro niya ang isang bahay sa malayo. May mga kabayo akong nakita. Mukhang eto ang unang pagkakataong makakita ako ng kabayo. "Wow!" "Hmmm?" "Wala." I'm disturbed with his presence. Tinitigan niya ako habang nakatingin ako sa mga kabayo. "First time mong makakita ng kabayo?" Tanong niya. Nagkibit-balikat ako. "Wala bang kabayo sa States?" "Meron, pero hindi naman ako naghahanap eh." I'm still pissed so don't talk to me like nothing happened. Kahit na nag-uusap kaming parang wala siyang atraso sakin, mas lalo akong naiinis. Mas gusto ko atang mag-isa na lang ako dito kesa kasama ko siya o silang dalawa ng hinayupak niyang Francine. "O diba, sabi ko sayo may makukuha ka nga sa trip na `to! Ngumiti ka na d'yan!" He smiled. Nagkasalubong ang kilay ko? Why is he smiling? Sipain ko siya diyan eh. Kala mo ganun yun kadali, huh Dae? Okay, put the blame on me! Bakit ba kasi ako sumama.

34th fall Serene Cruz: Tinanong ba kita?

"Dahan-dahan lang, Serene ah?" Sigaw ni Dae sakin. NYENYENYEHHH~! Kainis! Bahala kayo diyan. Wala akong pakealam sa inyong dalawa ni Francine. Ewan ko kung nag-uusap ba sila o ano, basta ang alam ko sasakay ako sa kabayo! "Bakit kailangang hawakan mo pa yang tali?" Tanong ko dun sa tagapangalaga ng kabayo. "Kasi mailap pa `tong isang `to eh." Tumango ako. At isa pa, first time ko rin tong sumakay ng kabayo. WOW, feeling ko ang tangkad ko. Lumingon ako kina Dae. Nakatayo silang dalawa sa malayo. Magkaharap sila at mukhang may pinag-uusapan nga. Ewan ko ba pero nanggigigil ako pagnakikiita ko silang dalawa. Francine caressed Dae's face. WAAAH. Whatever, Serene! Your such a loser. Naramdaman kong nabigla ang kabayong sinasakyan ko. The next thing I know, he's galloping! Asan na yung mamang hinahawakan yung tali? Nawala! At ako? OH NO! OH NO! OH NO! "AAAAH~!" That shout from me was enough to catch Dae's attention from afar. Papunta ang kabayo sa kanila. OHMYF. "AAAAAAH~!" I shouted. Nakita na rin ako ni Francine kaya't nag panic siya. Agad kong hinila ang tali, bahala na, pati ako nagpapanic na kaya bahala na kung anong epekto nun. Buti na lang at lumiko ang kabayo! Kaya lang pagliko nito, nakita kong tumakbo si Francine papalayo kay Dae at sinalubong ang kabayo! "AAAAAAAAAAH~!" Her shout was sharper than mine. Syempre, nadaganan siya ng kabayo! AND HEY, I`m still with it! Buti na lang at nakuha ng tagapangalaga yung tali bago pa ako madisgrasya. I can feel my hands trembling overtime. My heart was pounding too fast that I can't think of anything but getting away from the horse. My tears kept falling, though I don't know why. I'm scared.

"Okay ka lang ba?" Tanong ng tagapangalaga sakin. Lumingon ako kina Dae, at nakita ko si Francine. Maraming tao at tinulungan siyang tumayo. Maputik na yung damit niya, pati nga yung mukha niya. And Dae was there, helping her too. HEY, ako rin ah... stop! Hindi ito ang oras para isiping binabalewala na naman ako ng hinayupak na Dae na yan. Tumakbo ako sa kanila... "Francine, sorry!" I said. Hindi siya sumagot, at andaming taong nakapaligid sa kanya! "Francine, di ko-" "DAMNN your stup*d!" She cried. "Ba't mo pa sinakyan yun kung hindi ka naman pala marunong?" I'm still trembling and scared. "Serene," I felt Dae's hands on my arms. "Ikaww talaga! Delikado yun ah! Ba't mo ginawa yun? Paano kung masaktan si Francine? Paano kung nadisgrasya-?" My tears were still falling. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko! I'm scared! "Serene!" Yinugyog niya ang buong katawan ko para matauhan. "Pano kung-" "Ano? Pano kung nasugatan si Francine? Ehhh bakit? Di ba delikado ang buhay ko, huh Dae?" He paused. "Ba't ba laging ang gagaling ng mga dahilan mo? Pinapunta mo ako dito para maisip ni Crayon na okay na tayo!" Tiningnan ko sina Francine na papunta sa mansyon. "Tapos, pinapagalitan mo ako ngayon dahil muntik ko ng maaksidente si Francine? Ano ba talaga ako sayo? Wala ba akong halaga sayo?" Sa wakas, nasabi ko na rin ang mga salitang noon ko pa gustong sabihin. "I'm just telling you that it's dangerous! Bakit mo pa inungkat yan?-" "DAEEE~!" Sigaw ni Francine. Agad namang tumakbo si Dae para habulin sina Francine. Nasugatan ata siya. Ang hinayupak talaga na Dae na yun! Imagine? Yun pa ang sinabi niya? Pagkatapos ng lahatlahat? Lagi na lang siyang may hidden agenda! Lagi niyang pinapakitang nag-aalala siya sakin, pero ang totoo naman talaga eh yung mga tao sa paligid ko lang ang gusto niya. Napaka-walang-hiya niya talaga! Ba't ko ba kasi siya mahal? Wala naman siyang ginawa kundi manakit? Ayoko na talaga! Ayoko na! Ayoko na! Tama na `to. Tama na ang kahibangang `to.

I'm still crying while sitting on the stairway of Francine's mansion. Bored ako kaya tinatapon ko na lang yung mga batong nahahawakan ko. Dumidilim. Uulan nga talaga yata! I can't believe that I have a very large amount of tears inside my eyes. Kahit ngayon di parin humuhupa eh. Para akong loser dito habang nagtatapon ng mga bato at nakaupo lang sa hagdanan. Di man lang makapasok dahil nahihiya sa nagawa kanina. Kasalanan ko ba yun? Buti na nga lang at napaliko ko yung kabayo eh. Isipin niyo marunong pala akong mangabayo? HAHAHA >:D I smiled. Tumingala ako at nakita ko si Dae sa harapan ko. Tinitigan ko siya gamit ang mga matang may bahid ng inis. "Okay na siya." "Tinanong ba kita?" Pinandilatan ko siya at nagpatuloy sa pagtatapon ng mga bato. "Serene," Lumingon ako at nakita ko si Francine sa likuran na nakatayo malapit sa pintuan. "Mahal mo pa ba si Dae?" Napatayo ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Este, alam ko kung anong sagot pero di ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo o magsisinungaling. Nangangapa na rin ako kung anong mga salita ang sasabihin ko kung aamin nga ako. And why the hell did she ask about it?

35th fall Serene Cruz: The game is over

"Francine, tama na yan. Iwan mo na lang muna kami ni Serene!" Sabi ni Dae. "No, Dae. Para saan pa ba yung pag-away ko sa kanya noon kung hindi ko nararamdamang may gusto parin siya sayo?" Sabi ni Francine. WTH? So, hindi pala talaga siya nagsisisi sa ginawa niya sakin noon? How dare... "If I know, ginawa niya siguro yung kanina dahil nagseselos siya satin!" What? My tears are falling again. Ba't niya nasasabi yun? Paano niya nasasabi yun? "Francine, stop that! Sabi ko, iwan mo muna kaming dalawa!" Pinandilatan mun ako ni Francine bago siya tuluyang umalis. "Dae, uuwi na ako." Sabi ko habang humihikbi. "Serene," He sighed. "mahal mo pa ba ako?"

His question was devastating. Pati siya? At sa mga panahong ito, kaya niya pa yang itanong? Umiiyak parin ako at hindi ko pa masagot dahil hindi pa ako makahinga. "Serene...-" Inhale... exhale... "OO!" Sinabi ko na lang ang totoo. I promise, pagkatapos ng araw na `to, magmo-move on na ako. Promise, this is the last. "Pero-" "SHHHHHHHHH!" I put my index finger on his lips. Hindi ko siya hahayaang magsalita dahil lagi akong nasasaktan sa mga sinasabi niya. Tama na. Tapos na yun. Tapos na yung mga oras na hinahayaan ko siyang saktan ako. Magsisimula ako ng bago ngayon! At sasabihin ko na sa kanya ang lahat. Di bale nang magalit siya sakin. Di bale na kung di na kami maging mag kaibigan ulit. Bahala na. Sasabihin ko na ang lahat para iwan na ang sakit. "Mahal kita. Noon pa." Hikbi parin ako ng hikbi. "Ang sakit-sakit na, Dae." Pinunasan ko ang sarili kong luha. Eto na yata ang pinakamasakit. Di bale na kung ilang beses niya akong indianin, pero ang maramdaman siya sa harapan ko't walang magawa habang umiiyak ako - pinakamasakit. "Hinahayaan na lang kitang saktan ako ng ganito dahil-" Hindi ko makompleto ng hindi ako humihinga ng malalim, "-dahil akala ko, madedevelop ka rin sakin!" He stared at me and did nothing to lessen the pain. "Lagi na lang akong umaasa na mapansin mo, kahit alam kong hindi!" Ngumiti ako kahit na parang waterfalls na ang luha ko. "Bobo kasi ako eh. Ang tanga-tanga ko." I looked away. "Eh kung tutuusin, bobo ka rin eh!" Yung mga mahal mo, ang papangit ng ugali! Nakakainis! "Andito naman ako, naghahanap ka pa ng iba."

Tinitigan ko siya. "Syempre. Di mo naman kasalanan yun, sinusunod mo lang naman ang puso mo. Pero, di mo rin ako masisisi, sinusunod ko lang ang puso ko!" Umiling siya, "Serene, ayaw kitang saktan-" "WHAT?" I smiled, "Okay! Okay. Kung yun ang gusto mo." Huh? Eh, ilang beses mo na akong nasaktan ah. "Kung ayaw mo akong saktan-" May bagong batalyon ng luha ang nahulog galing sa kani-kanilang mga glands. "-wag ka ng magsalita ngayon, okay! This is the last time that I'll let you hurt me... kaya sana, pwede, wa'g masyadong masakit? Wa'g ka na lang munang magsalita." I sighed. "Kasi, kahit yung mga sinasabi ko eh, masakit para sakin! Kung nasasaktan na nga ako sa sinasabi ko, paano na lang kung magsasalita ka pa, diba?" I laughed again while I wiped my tears. "Dae, mahal na mahal na mahal kita. Hanggang sa puntong nagiging loser na ako at nagiging martyr." Hikbi parin ako ng hikbi. Napansin kong dumidilim na kahit hapon pa lang at mukhang uulan. "Serene, I don't want to hurt you but-" Natigilan siya. "But what?" I smiled another faint smile. "Buti naman at nagiging matalino ka na. Di mo na rin yun dinagdagan kasi magiging contradictory na sa una mong sinabi na 'I don't want to hurt you'." I caressed his face. I memorized every bit of his face. I loved his eyes. I loved his nose. I love him, still. I love him even to the point of letting go. I love even his honesty - that hurted me. "Dae, I love you and my God it hurts! Di bale, tama na yun. Tama na yung nalaman mo yan. Sawang-sawa na akong masaktan eh." I want to kiss him for the last time. LOL. Pero naisip kong baka di ko na naman makalimutan ang halik ko sa kanya at di na naman ako makamove-on. Kaya linapit ko na lang yung mukha ko sa mukha niya, remembering his smell will be enough for me. "AHH~!" I heard Francine's shout.

Lumabas siya sa likuran ng pintuan at galit na galit. Kanina pa siguro siyang nakikinig sa mga sinabi ko kay Dae at mukhang natakot siyang halikan ko siya. "I told you! May gusto ka nga kay Dae! Well, sorry ka na lang at wala siyang gusto sayo! Hindi mo siya maaakit!" She pointed me. Pinunasan ko ang luha ko at sinigurado kong hindi muna ako iiyak hanggang sa mawala na ako sa harapan nila. "Oo. May gusto ako sa kanya, pero kahit kailan-" I glanced at Dae's eyes. "Kahit kailan, di ko hiningi ang pag-ibig niya!" Katahimikan. Naramdaman ko ang ulan sa braso ko, hindi pa ganun ka lakas kaya andito parin kami sa labas. "The game is over, you can both live happily ever after!" MY GOSH, yung luha ko hindi ko napigilan. Agad kong pinunasan at nagwalk-out na rin ako. Nang linagpasan ko si Dae, akala ko hihilahin niya ang braso ko o susundan niya ako, pero wala eh. Hindi niya na ako sinundan, nag-aabang na lang ako ng masasakyan ngayon kahit na umuulan. Pero di na ako makapaghintay, tumakbo na lang ako papalayo sa lugar na yun. Kahit na wala akong nakikitang bahay dito, tumatakbo parin ako papuntang hindi-ko-alam para lang makalayo.

36th fall Serene Cruz: Dae, mahal mo ba ako?

Nakalayo na ako. Or should I say, wala na ako sa teritoryo nina Francine. And I don't know what to do and where am I. Kahit na ewan ko kung saan na ako ngayon, hindi parin ako natatakot. Mas nangingibabaw kasi sakin ngayon ang pag-iisip na lumayo. Buti na nga lang at nakalayo ako. Pero ang lakas ng ulan at basang-basa na ako. Nanginginig pa ako sa lamig. Mabuti na lang at may waiting shed akong nakita kaya dito muna ako sa ngayon. I sighed in relief as I stared at the rain. It's raining so hard! Hindi ko pa napapansing umiiyak parin ako hanggang ngayon. Mas lalo pa akong naiyak nang maisip ko ang sitwasyon ko ngayon. "Broken-hearted." I laughed while crying.

"Basted. Basang sisiw. Lost!" Naghanap pa ako ng mga mas worst na salita. I hugged my knees. Nasa gilid ako ng waiting shed at pinapanood ko na rin ang mga sasakyang dumadaan paminsan-minsan. MY GULAY, sana hindi pa ako lowbat - bahala na kung basa yung phone ko. I didn't bother to take my phone out because I don't want to be disturbed right now. "Sana lang hindi kumidlat o kumulog! My gosh, di ko na kakayanin." Yun din ang isang kinakatakutan ko. Pinaniniwalaan ko kasing kapag hahawakan ko ang cellphone ko, mas lalaki ang posibilidad na tamaan ako ng kidlat. Tama! Hindi ko parin na get-over ang phobia na yan. Hanggang ngayon, takot parin ako sa kulog at kidlat. Well, mabuti na lang at wala ngayon kahit malakas ang ulan. I rubbed my palms. "ACHOOOO." WHAAAAT? Mukhang sisipunin ako ah? Lord, sana hindi. matinding kamalasan na ata ang dadanasin ko. WAAAA~! Then I noticed a taxi stopped in front of me or the waiting shed. Naaninaw ko agad ang mukha ni Dae, kaya mejo nagiging NORM na yun sa katawan ko ngayon ang iwasan siya. Kahit umuulan, umalis ako sa waiting shed at balak ko pang maglayas at pupunta ulit sa kung-saan, si Batman na ang bahala. Hinila niya ako kaso nagpumiglas ako. My GASH, it's raining and why can't he just stay with Francine and leave me alone to rot in hell? Kaya tumakbo ako nang nagkaroon ako ng pagkakataong tumakas, pero less 50% yung stamina ko kaya agad niya akong naabutan at hinila (masakit nga yung kamay ko, pati kuko) patungong waiting shed. "Ano ka ba? Magpapakamatay ka ba?" Tinitigan ko siya ng mabuti. Nanlilisik yung mga mata ko sa mga sandaling ito. Wala na akong pakealam sa kanya kaya bakit pa siya nangengealam sakin? Umiyak na naman ako, goodness, hindi na ba `to matatapos? Hindi na rin ako nagsalita. "Giniginaw ka pa!" He touched my arms. Nanlilisik parin ang mga mata ko. Nang lumapit siya sakin, lumayo ako sa kanya. "Ano ba? Wa'g ka na ngang mag-inarte sa mga oras na `to? Paano kung lagnatin ka?"

NYENYENYE~ ang daming sinasabi. Baka magpabola na naman ako dito at maisipang concern siya kahit alam ko namang GRRR ewan. Lumapit siya sakin at umambang yayakapin ako. Pero sinuntok ko ang dibdib niya kaya napaatras siya. "Bakit ka andito?" Napahikbi ako. Lalong lumakas ang ulan. "Eh-" "Si Francine walang kasama dun! Ba't ka andito?" Tanong ko. PLEAAAAAAAAAASE, stop the rain? OR PLEASE, bigyan niyo na ako ng taxi ngayon din para makaalis na ako dito. "Symepre, baka anong mangyari sayo. Safe naman si Francine dun kasi nasa kanila siya. Alam mo ba kung saan ka pupunta ha?" Lalo pang tumulo ang luha ko. "Ni hindi mo nga alam kung saan ang lugar na `to! Hindi mo nga alam kung papano ka uuwi sa inyo!" Pinapagalitan niya ba ako? Nagsimula na akong maghanap ng taxi na paparating. "Di mo ba talaga ako naiintindihan, Dae?" Tumahimik siya. Ang pagpunta niya dito ngayon, mas lalong nakakapagpasakit sa puso ko. Pumara ako ng taxi pero pinigilan niya ako. Di rin naman tumigil ang taxi dahil may sakay. "Okay, I get it. Umalis ka na, ako pa ang papara ng taxi, pag humupa na ang ulan." Sabi niya habang bumubuntong-hininga. Tinitigan ko na naman siyang may kasamang poot. Hindi ko talaga mapigilang magalit sa kanya. Pero, susundin ko ba siya? Baka paghihintayin ko pa ang ulan na humupa, manlambot na naman ako't maisipan ko na namang mahal ko ang pinakawalang hiyang lalaki sa balat ng lupa. May napansin ulit akong taxi at pinara ulit ako at pinigilan niya na naman ako. "Ano ba!" Sigaw niya.

Hindi na ako nagsalita. Bakit ngayon pa nagsilabasan ang mga taxi? Sana kanina pa nung wala pa si Dae. "Hindi ka ba talaga nakakaintindi? Ganyan ba kababa ang IQ mo?" NAKAKAINIS! Nang-iinsulto pa ang isang `to. "Kung mababa ang IQ ko, mas mababa parin ang IQ mo, Dae!" Lumuha na naman ako. "Kasi, hindi mo naiintindihan eh. Nasasaktan ako at ayoko na, kaya pwede ba, the least thing you can do for me is to not hurt me so get out of my life!" Sabay para ko sa taxi. Tahimik lang siya habang tinitingnan akong pinupunasan ang sarili kong luha. "Dae, mahal mo ba ako?" I gathered all my confidence just to ask him this question. Para may closure. Para marinig ko mismo sa kanya ang sagot niya. Para masaktan ako ng husto at may saktong rason para iwan ko siya ngayon. I even swallowed my pride. "Hin-, uhh, I-I-I don't want to hurt you." Napapikit ako sa sakit. GRABE. Todo na `to. Wala na bang mas masakit pa dito? "Yun yun eh. Salamat sa pagiging honest mo, Dae. Buti na nga lang at ikaw ang minahal ko." My tears flowed again. "My gosh, kahit ngayon, I'm still thankful that I love you. Ikaw ang minahal ko at hindi mo ako ginamit kahit alam na alam mong mahal na mahal kita. Hindi mo ako linigawan kahit alam mong patay na patay ako sayo. SALAMAT DAE. Pero tama na." Sa kabutihang palad (kahit masamang masama na ang sinapit ko), kahit na mejo lumagpas na ang taxi sa amin, tumigil parin ito. Hinabol ko ang taxi kahit malakas ang ulan. Si Dae naman, hindi parin ata nakakagalaw dahil sa mga binitiwan kong salita. Buti nga sa kanya. Di naman siguro siya masasaktan nun dahil wala naman siyang pakealam sakin. Pumasok na ako sa taxi pero nakita ko si Dae sa labas. Pinilit niyang buksan ang pinto pero syempre hindi ako pumayag. Basang basa na siya sa ulan kaya binuksan ko ang window. "Dae, wa'g kang mag-alala, ako na ang bahala kay Crayon. Di kayo mag-aaway, promise!" Ngumiti ako sabay andar ng taxi. Dae was... just standing in the rain staring at me. I stared at him too but it's too late. Nakaalis na ang taxi pero di ko parin maalis ang mga mata ko sa kanya. Nakatayo lang siya, mag-isa at mukhang may malalim na iniisip, sa ulan. Ilang sandali ang nakalipas, di ko na siya makita.

I can't believe that I left him there. Hindi ako makapaniwala sa nagawa ko. MILAGRO. This is a start! Napabuntong-hininga ako habang pinupunasan ang mga luha ko at tumitingin sa labas.

37th fall Serene Cruz: Kaya, Crayon, sana...

Agad kong sinarado ang pintuan sa bahay na para bang sinusundan parin ako ng kung sino kahit hindi na. "Anong nangyari sayo?" Bumulagta sakin si Crayon kasama si Ney at kumakain ng popcorn habang nanonood ng TV. Nabigla ako kaya napahinga ako ng malalim bago binalewala ang tanong nilang dalawa. "Asan si Mama at Papa, Ney?" "Wala pa. Nasa trabaho." Sabay tingin sakin na may halong pagtataka. It's still 6:30pm. Akala ko 10pm na. I sighed. Kumuha ako ng tuwalya at pinunasan ko ang sarili ko habang papunta sa kwarto. "Hoy! Ano, kamusta? Anong nangyari?" Sumunod na pala si Crayon sakin. Eto ang pinakakinakatakutan ko eh. Ang tanungin ako ni Crayon ng ganito. Pero alam ko na ang isasagot ko. "Ano? Wala." I said. Ack~ Akala ko ba alam ko na ang isasagot ko? "Anong wala?" Hindi pa ako nakakapasok sa kwarto nang dumungaw ako kay Ney at pinagmasdan siyang nanonood ng TV. "Basta...-" "Basang-basa ka ah? nagpaulan ka ba?" Tanong ni Crayon.

"Ah.. Oo nga pala. Magbibihis lang ako ah!" Sabi ko habang umuubo. "O sige..." He was hesitant. "Bilisan mo ah? Tsaka, lumabas ka kaagad pag tapos ka nang magbihis." Then he went back to Ney. Nagbihis na ako pero natagalan parin ako bago nakalabas. Nanlalamig ako pero mainit. EWAN. Lalagnatin ata ako eh. Kahit na gusto ko nang magkulong muna sa kwarto, hinarap ko parin si Crayon. Pero wala parin akong masabi kaya nasa harap ko lang siya ngayon sa hapag kainan. Nakatingin lang siya sakin habang pinipilit kong kumain. "Ano?" Tanong ko habang tinitingnan siyang nakatunganga sa harapan ko. Mabuti na rin yang andyan siya kesa sa mag-isa lang ako dito habang kumakain, maiisip ko na naman si Dae at kakawawain na naman ako ng mga maiisip ko. Yun rin yung ayaw kong mangyari pag mag-isa lang ako sa kwarto eh - natatakot akong umiyak ng umiyak buong gabi. "Anong nangyari?" Tanong niya. Sinubo ko ang pagkain bago ako nag-isip ng sasabihin. "Kasi..." I stared at him. He's just staring at me too. Wala siyang pinapakitang ekspresyon. Yung tipong kahit sabihin ko sa kanya ngayong muntik na akong mapatay ni Dae eh tatawa lang siya at di magagalit. "Binasted ako ni Dae." I said. Wala akong ganang kumain pero kumakain parin ako, for the sake of eating something. "Ano pa?" "H-Huh?" "Anong bago dun, eh noon ka pa niya nabasted ah." Sabi niya while smiling. I smiled too. "Yun nga, mas masakit lang talaga `to ngayon kasi... umamin ako." I sighed. Napailing siya, "Masakit nga yan. tsk tsk tsk." he laughed. "Crayon, gusto mong kumain ng tinidor?" Sabi ko habang tinututukan siya ng tinidor. "Hindi." He was still laughing. "Todo yung iyak mo noh?" I touched my eyebags.

"Ang laki ng eyebags mo eh." Uminom ako ng tubig. Wow, di ba siya galit? Mabuti na lang! "Nakakainis talaga yung Dae na yun. Biruin mo, para ka niyang dinala dun kina Francine para lang saktan?" Hey, nag-iba ang ekspresyon niya. "P-pero, hindi g-ganun-" Nauubusan na naman ako ng mga salita. Isip, Serene! "Oo! Bahala kayo diyan. Problema niya na yun." Siningit niya. "H-Huh?" "Hmmmm, well, wa'g mo na lang dibdibin masyado." He winked. Ano ba `tong pinsan ko? Wa'g dibdibin? Okay, I'm trying my best. Tsaka, mukhang gusto kong dibdibin dahil naiinis na talaga ako kay Dae eh. "Pero, Crayon, uhhh hindi ko pa kayang makipag-usap kay Dae eh. Di muna ako magpapakita sa mga gig o practice niyo ah." Naku, sana tama yung mga choice of words ko. He was still silent. "K-Kasi... alam mo na. Desidido na talaga akong mag move-on." "Ows? Eh... ilang years ka nga sa States? Naka move=on ka ba?" "Eh... Iba na `to ngayon." "Okay... Naiintindihan kita." He smiled again, and his smile was creepy. "Ba't ka ngumingiti?" "Wala lang." Nangalumbaba siya sa harapan ko habang tinapos ko yung pagkain ko. He is really creepy. Ayaw ko tuloy isipin kung ano ang magiging mga plano niya. "Kaya, Crayon, sana... makipag cooperate ka na lang sakin ah? Sana umatras ka na sa mga plano mo." Inunahan ko na talaga siya. I know Crayon. I know that his smiles from the very beginning were up for something. "Oo nga kasi eh. I just want to make you smile through smiling!" He made a face. Or am I overrating his creepy smiles? Either way, ganun parin ang desisyon ko. I'll move on.

38th fall Serene Cruz: S-sure?

*coughs* "Really? Naku... sinasabi ko na nga ba. Walang kwenta yang Dae na yan!" Sabi ni Chyna. "Nagkita na ba kayo pagkatapos nun?" Tanong ni Mina. "Hindi pa." I sighed. "Nabasa ka pa sa ulan ah! At hanggang ngayon di ka parin nakakaget-over sa ubo mo. My God." Sabi ni Sophie. I tried not to coughe again, pero inuubo talaga ako eh. Sinabi ko na sa kanila ang bawat detalye na nangyari nang nagpunta kami kina Francine. Nasa mall kami ngayon, sa loob ng isang coffee shop. "Kaya pala hindi ka pumunta sa gig nila kahapon?" Tanong ni Sophie. Isang linggo na ang nakalipas pero parang kahapon lang para sakin. "So, panu na yan?" Tanong ni Sophie. "Anong panu? Wala. Okay lang. Di naman kami eh." I smiled. Nakatingin lang sila sakin at walang sinasabi. "Tsaka, makakalimutan ko rin siya. Someday." Ilang sandali ang nakalipas, pinag-usapan naman namin ang tungkol sa enrollment para sa 2nd sem, lovelife ni Mina at iba pa. Lumingon ako kung saan-saan, para tingnan ang mga tao sa paligid nang bigla kong nakita si Nico - yung kaklase ko sa Philo. Kumaway siya sakin kaya kinawayan ko rin siya. Nasa kabilang table siya kasama yung mga kaibigan niya (I assume). "Hay naku. Mabuti pa kayo ni Crayon noh, Sophie?" Sabi ni Mina kaya napalingon ulit ako sa kanila.

"Syempre naman, kahit mejo makulet yun di naman siya torpe." Pinag-uusapan namin yung manliligaw ni Mina na torpe. Hay, mabuti pa siya, torpe lang ang problema. HEY, ba't ko ba iniisip `to? Di ko na problema si Dae ngayon noh! "Look who's coming!" Sabi ni Chyna. Napalingon agad ako. My heart skipped a beat. Pakiramdam ko kasi si Dae yung nakita nila. "Hi, Serene!" Naaninaw ko si Nico sa harapan ko. "Oi, Nico!" Napatayo ako sa bigla. "Uh, nakakaistorbo ba ako? Kakamustahin lang sana kita." He smiled. "Owww-" "Hindi, actually. Mag C-CR nga kaming tatlo eh." Nagkatinginan silang tatlo. "Diba?" Sabi ni Sophie. "Oo nga. Sige, mag reretouch muna kami ah! Serene, babalik lang kami-" "Huh? Ako. sasama ako!" "Wa'g na!" Sabay pa nilang sinabi. "T-Teka. Nico, eto nga pala si Sophie, Mina at Chyna. He's Nico." Sabi ko while trying to hold them up. "Hello~" Sabi ni Nico. Nagpacute pa silang tatlo, "Hello!" "Classmate ko siya sa Phil-" "Bye na, Serene! Mag CCR lang talaga kami, naiihi na ako eh." Sabi ni Sophie habang naghalakhakan sila paalis at para bang kinikilig papuntang CR. Anong nangyari sa kanila? They're weird! "S-Sorry." Sabi ni Nico with his puppy eyes. "Okay lang noh!" I'm still wondering about the reaction of the three. Kaya nakatingin ako sa kanila habang papasok sila sa CR. Mukhang matatagalan silang tatlo dun, feeling ko kasi sinadya nilang umalis. "Umupo ka." Tinuro ko ang upuan malapit sakin. Umupo naman siya. "Kamusta?" *Cough*

Takteng ubo. Nakakaturn-off. "Sorry. Excuse me." "Ow. Your sick?" "Uh, hindi. Inuubo lang." "Parang ganun na rin yun." Nag-iba ang ekspresyon niya. "Nagiging maulan this past few days, nagpaulan ka ba?" "Huh? Hindi." Tinitigan ko ang coffee na inorder ko. Tinawag siya ng isang kaibigan niya at sinenyasan niya naman `to. "Uhh. So, how's the Ball?" Napatingin ako sa kanya. Matagal na yun. Pero, nang binanggit niya parang kahapon lang. "Okay... lang." I tried to smile. He smiled back. "Kamusta ang date niyo ni vocalist?" He winked. OH NO~! Di ba niya alam? Di niya alam ang nangyari? I was about to spit out lies like, 'okay lang, nag-enjoy ako sa company niya.' Kaya lang mejo nakita niya ang frustration sa mukha ko. "Bakit? May nangyari ba?" He caught my eyes. Ayaw kong magsalita kaya nagkibit-balikat nalang ako. "Di ka ba niya sinipot?" He asked worried. OH MY, naapakan niya ang katotohanan. "Oo." Tumawa ako nang nakita kong seryoso ang mukha niya. "Bakit? Di mo ba nakita? Late ako ng dalawang oras sa party kaya dramatic entrance yung nangyari. Na late ako kasi hinintay ko siya, yun pala, nauna na pala siya." I laughed again. Tinitigan niya lang ako. He tried to decipher my expression and thoughts. "Ba't ka pa niya inimbita kung ganun lang ang gagawin niya?" Nabigla ako sa tanong niya. Kasi, di ko rin naman alam yung isasagot ko.

"Uh... may emergency eh. May dumating... este... bumalik... kaya... pero, okay lang. Nakarating naman ako on time." I smiled. "No, that's not okay! Kahit sino pa ang dumating o bumalik, kung ikaw ang inimbita niya, ikaw parin ang idi-date niya." I'm shocked again. Masyado siyang nag-aalala sakin. I didn't even think about that. "Sorry. Sana pala nagpunta ako sa Ball." He said. "Di kasi ako pumunta kasi wala akong date eh." TOINK. So, dapat pala di ako pumunta noon kasi wala akong date? "Kung alam ko lang na wala ka ring date nun, pumunta sana ako." EHEM? What was that again? He's weird. Malalim ang iniisip niya pagkatapos niyang sabihin yun. "Hindi ka pumunta? Wala kang date? Ba't wala kang date?" Oh com'on. Paano siya mawawalan ng date? Eh ang gwapo niya? Wala ba siyang inimbita? O wala bang umimbita sa kanya? Therefore, every girl at school is stooopid? Ibinaling ko ang tingin ko sa mga kaibigan niya, may mga babae naman dun, ba't kaya wala siyang date? "Hmmm, tinatamad akong maghanap ng date eh. Nakahanap na sana ako, pero may date niya... tapos, it turned out to be... uhh." He frowned. Tumingin siya sa likuran ko, "Andito na sila. Sige, Serene... babalik na ko ah! Kita na lang tayo sa school. Hope we'll be classmates again." He tried to smile but I know his smile was fake. "Can I be your date next Seasonal Ball?" Nabigla ulit ako. Grabe, malayo pa yun pero may umiimbita na sakin? Hindi ako sumagot. Hindi ako makapag-isip ng mabuti! Paano kung imbitahin ako ni Dae? LOL. Ba't ko ba yun iniisip? Come on! Nico is inviting me... "S-sure?" He laughed, "Don't worry. Sisiputin kita." I gave him a weird look. "And... you can cancel if whenever you want. I just want to make sure that you will have a serious date for the next semester." Tapos bumalik siya kaagad sa table nila. WOW. Grabe. Ang bait niya. LOL. Hindi ko ika-cancel noh! Wala naman akong ibang guy-friend except kina Crayon at si... Nico.

"HOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOY nanggigigil.

babae!"

Sigaw

ni

Sophie

habang

39th fall Serene Cruz: Tapos?

"Bakit?" "Kaibigan mo pala si Nico Lee? Ba't di mo sinabi?" Umupo na sila sa kanikanilang mga inupuan kanina. Si Mina at Sophie naman ay nakatingin sa table nina Nico. "Anong pinag-usapan niyo?" Tanong ni Chyna. Lumingon naman sina Sophie sakin. Ba't ba ang O-OA ng mga reaction nila kay Nico. Siguro, dahil gwapo siya. "Uhh, yung nangyari sa Seasonal Ball?" Sabi ko. Nanlaki ang mga mata nila. "What? Ba't yun ang pinag-usapan niyo?" Tanong ni Mina. "Ganun na ba kayo ka close?" Tanong ni Sophie. "Anong sinabi mo?" Dinagdagan ulit ng isa pang tanong ni Chyna. "Uhhh, hindi naman kami close pero napag-usapan kasi namin ang Seasonal Ball nung huli ko siyang nakita kaya kinamusta niya yung nangyari sakin." Tahimik lang sila habang hinihintay ang idaragdag ko. "Syempre, inamin ko sa kanya yung nangyari. Kaya lang, wala siya sa Seasonal Ball eh. Wala daw siyang date-" "WALA SIYANG DATE?" Sabay ang sigaw nilang tatlo. Sabay din nilang tinakpan ang mga bibig nila. "Teka nga, bakit ba? Anong nangyayari sa inyo? Crush niyo si Nico noh?" I whispered.

Tahimik lang sila habang nacoconscious. "Ay, oo nga pala." Sophie sighed. "Nakalimutan kong tatlong taon ka palang nakulong sa States at di bumalik dito kahit isang araw." They laughed. "Oo nga pala!" Sabi ni Chyna habang tinitingnan ang table nina Nico. Marami siyang kaibigan and they all look elite. "Bakit? Sino siya?" Tanong ko. "My God. Wala ba kayong TFC dun?" Chyna asked ignoring my question. "Bakit kasi?" "Narinig mo na ba yung show na Pinoy Big Brother?" "Ha?" Napatawa ako ng bahagya. "Big Brother." "Pinoy Big Brother. Yung... basta... sa ABSCBN." Sabi ni Sophie. "Okay. Bakit?" "Kasama siya dun! Showbiz yun! Pero tapos na syempre yung PBB teen edition last summer. Isa siya sa 5 finalists! Tapos, super sikat siya dahil ang gwapo." Sabi ni Sophie. Unti-unti kong narerealize kung ano na talaga ang tunay na nangyayari. "Tapos?" "Tapos OMG, kilala mo siya at pinapansin ka niya! WOW. Ang alam ko, di pa raw siya nagkaka-girlfriend ever since. Silent type kasi eh pero marami naman daw siyang kaibigan!" Sabi ni Chyna. "Naku. Ang alam ko, sa Hereux daw siya mag-aaral sa college pero di ko alam na talagang nag-aaral na nga siya ng college ngayon! Imagine, sa isang sem ko sa Hereux di ko pa siya nakikita, tapos ikaw??" Mina laughed. "Ang swerte mo!" Sabi ni Sophie. MY GOOLAY, I can't even understand them. Okay, so ipagpapalagay ko na lang na `tong si Nico eh isang artista or someone connected on show business. Lumingon ulit ako sa table nina Nico. Nakatayo na silang lahat at handa ng umalis. Nakatingin pa sila sa table namin kaya lalo akong naconscious. My goodness, all of them are goodlooking. "Serene," Nasa tabi ko na pala si Nico, nakatayo. "Alis na kami ah!" Narinig ko pa ang kaonting tili nina Sophie at parang nagtaka ang mga kaibigan ni Nico. "Uh." Tumango ako. He smiled. Tumili na naman sina Sophie.

Kumaway siya habang papaalis na sila. Kaya kinawayan ko rin siya. Hanggang ngayon, excited parin sina Sophie at para bang kino-congratulate ako sa bago kong kaibigang bigatin.

40th fall Serene Cruz: Tapos?

Tulala lang ako habang nakatitig sa kawalan at nakahiga sa kwarto ko. Kung magkakaganito ako buong linggong `to, baka mamatay na ako! Ano kayang ginagawa ni Dae ngayon? Di parin kami nagkikita simula noon. Haaaay, bakit ganito? Bakit nakakalimutan kong sinaktan niya ako? Nakakalimutan ko ang mga dapat kong isipin para tuluyan ko na siyang makalimutan! ARGH! "Serene!" Tinatawag ako ni Crayon. *knock-knock-knock!* Bumangon ako at binuksan ko ang pintuan sa kwarto ko. Andito si Crayon kasi inaassemble daw nila ni Ney ang padala ni Kuya na laruan. Ang ganda nga nun eh, kaso wala naman akong interes sa pag-aassemble ng kung ano lalong lalo na pag kaharap ko `tong si Crayon, nakakairita eh. "What?" "Hindi ka ba lalabas diyan sa lungga mo?" Linagay niya ang kamay niya sa pintuan ko. "Eh tinatamad ako eh." "Naku, couz. Lika na! Tingnan mo yung ginawa namin ni Ney." Kaya naman sumama ako sa kanya at nakita ko ang malapit nang matapos na laruang eroplano. Hindi ako sure kung laruan siya o display lang. Whatever. Umupo ako sa sofa at pinagmasdan silang dalawa na tinatapos `to. "Alam mo, para kang hopeless kapag nagkukulong ka sa kwarto." Sabi ni Crayon. "Haller, anong gusto mong gawin ko. Bored ako eh." "Hmmm, i-date mo na lang si Dae." He throwed the first evil smile for today. I sighed. Walang hiya talaga. Ba't ba isinisingit si Dae sa mga usapan? Hindi naman siya kailangan eh. "Kayo na lang kaya ni Dae?" Sabi ko na may halong pagkainis.

He laughed, "Eh di naman ako type ni fafa Dae eh. tsaka, excuse me... di ko rin siya type noh!" Ayan na naman ang Crayon's-bading-syndrome. "Bakit? Type ba niya ako at type ko PA ba siya?" Tumawa na naman siya, "Ewan ko." "Eh yun naman pala eh." Pinandilatan ko siya. "Hindi mo naman pala alam!" GRRR, eto ang ayaw ko eh. Pag nag-uusap kami tungkol kay Dae dumarating sa puntong parang inaamin ko ulit na may gusto parin ako kay Dae kahit todo na ang deny ko. Mas lalo pa siyang tumawa... "Yun nga eh! Hindi ko alam." Tumawa siya ng tumawa. Gusto kong mag-isip na mukhang may something sa sinasabi ni Crayon pero naiinis ako dahil yun nga mismo ang ayaw ko. Ayaw kong may marinig ulit. "Ney, wa`g kang tutulad sa ate mong martyr na, tanga pah!" Sumama pa sa tawanan si Ney. "Di naman yun mangyayari---" Buwisit talaga. Binu-bully ata ako dito. Kinuha ko ang telepono at agad kong tinawagan si Sophie. "Sinong tinatawagan mo?" "Si Sophie..." "Isusumbong mo ako?" Pinandilatan ko ulit si Crayon habang inaaninaw ang evil-smile niya, "Hindi. Para lang magkaroon naman ako ng matinong kausap." "Hello~" Sophie answered. "Hello, Sophie." "Serene, o ano?" "Wala. Naiinis lang ako dito sa bahay. Andito kasi si Crayon." "HAHAHA, Sabi ko na nga ba't tatawag ka." "Huh?" "Kasi, I'm sure kukulitin ka na naman ng Crayon na yan." "Uh." "Sabi niya kasi sakin na pupunta siya sa inyo. Tapos nagtext siya sakin kanina na di ka raw lumalabas ng kwarto, kaya iinisin ka raw niya." Napatingin ako kay Crayon. Crayon... is really a lovable person. He's sweet, kahit na makulit talaga siya. Napasinghap ako, "Nakakainis talaga siya."

Napatingin si Crayon sakin kaya pinandilatan ko ulit siya at lumabas na ng bahay dahil ayaw kong marinig niya ang pinag-usapan namin ni Sophie. "May lakad ka bukas?" Tanong ni Sophie. "Wala." "Sumama ka na lang samin." Agad kong naisip na kasama si Dae o ang banda. "Huh? Sinong kasama?" "Si Crayon." "Kayo lang dalawa?" I'm wrong? "Oo." "Swear?" "Oo." Napaisip ako. "Naloloka ka na ba? Sa tingin mo sasama ako, eh mukhang date niyo yan eh." Sabi ko. "Hindi... talaga, swear." Nag-iisip na naman ako na baka may masamang balak ang mga kumag. "Hindi na, Sophie." "Awww, gusto ko lang namang ipasyal ka eh. Lumabas ka naman diyan." "O sige..." "Yehey." "I mean, lalabas ako. Pero di ako sasama sa inyo." "Huh?" Tahimik lang ako habang nangangapa ng mga salita. "Hindi ko isasama si Dae noh, baka akala mo. Ano siya, siniswerte? HMMM, ngayon pa na andyan na si papa Nico!!!" Tumili si Sophie. "O siya...sige na nga. Pero wa`g mong sabihin kay Crayon na sasama ako bukas ah. Iiwan niyo na lang ako bukas sa kahit saang bookstore o coffeeshop ng mall, okay na ko ron." "Hmmm?" "Sige na... baka monthsary niyo bukas, mabadtrip pa si Crayon dahil nandyan ako. Huh? Kung manonood kayo ng sine, sa bookstore lang ako tatambay." "O sige... basta lumabas ka lang diyan, baka pumangit ka sa kakaisip kay Dae." Narinig ko ang pagtawa niya ng malakas. Dae na naman? Pano ko di maiisip si Dae kung lahat nalang ng tao eh siya ang bukambibig?

"Pati ba naman ikaw, Sophie?" Pumasok ako sa loob dahil handa na kong ibaba ang telepono. "HAHAHAHA >:D Totoo naman eh." "Whatever. Wa'g mo ng ipaalala, sige na... bye." Binaba ko ang phone. *KRIIINNNNNG* "Hello~" "Hello. Nukaba..." Narinig ko ulit ang tawa ni Sophie. "Alam mo, may virus ata yung boyfriend mo eh. Nacontaminate ka na. Naku Sophie... lagot ka..." Biniro ko siya. "HEHEHE. Wala lang. When I look in your eyes I still go crazy... that old flame comes alive, it starts burning inside, waaaay deep down inside." Nainis ako sa kanta niya kaya binaba ko ulit ang phone. *KRIIIIIIIING* "I still go crazy... Wa'g mo nang isipin si Dae, wala kang mapapala." "OO~!" Binaba ko ulit. Geeez, ang kulit ni Sophie. *KRIIIIIIING* "SABING DI KO NA NGA KASI IISIPIN SI DAE EH!" Wala akong narinig na nagsalita. Napalingon si Crayon sakin at nabigla sa isinigaw ko sa phone. "Serene?" OMG. Please kill me. Kill me now. "Uh? hello? Serene... ano? I-I mean..." "D-D-Dae?" "Uhhh. Andyan daw si Crayon sa inyo?" "O----"

I can hear my heart beating really fast and loud. "--O, teka lang ah." Binigay ko agad ang phone kay Crayon at kumaripas na ng takbo at nagkulong ulit sa kwarto.

WULAAAAAAAAANG HEYA!

41st fall Serene Cruz: Brokenhearted siguro.

"Sure ka?" Tanong ni Sophie sakin. Naghahanap ako ng magandang libro dito tapos sunod nang sunod ang dalawa. "Oo nga kasi. I-text niyo lang ako pagkatapos niyong manood ng sine." Nagkatinginan sila ni Crayon. "Sige na kasi. Ano ba naman kayo! Di naman ako mawawala dito eh. Iisang mall lang naman `to." Tahimik na naman sila habang tinitingnan ako. "Hindi naman kasi ako nakakaranas ng post-traumatic experience para mawala at maging missing ng 30-days." Sabi ko habang binabalik ang isang libro sa bookshelf. "O sige, sige." Sabi ni Sophie. "Hoy Serene, pasalamat ka`t may gagawin si Dae ngayon-" "Crayon, pwede ba? Ayoko ng makasama ang taong yun sa kahit anong kondisyon. Nabu-bwisit lang ako eh." Sabi ko. "Oo na kasi... alis na kami, mag-iinit na naman yang ulo mo eh." Hinila ni Crayon ang buhok ko. "Aray." Nakakainis talaga `to. "Mag text ka ah!" Sabi ni Crayon habang kumakaway na si Sophie at aalis na sila. Tumango ako at kinawayan si Sophie habang lumalabas sila sa bookstore. "Buwisit talaga, di ko naman makakalimutan si Dae kung lagi nilang sinasali sa usapan." Napakamot ako sa ulo. "KAINIS!!!!!!!"

Naghanap ulit ako ng libro. HMMM, anong maganda? Gusto ko ng romance kaso parang gusto ko munang iwasan yang mga ganyan ngayon, bibili na lang ako ng mga horror? O yung mga thriller? Ano bang maganda? "Eto o, maganda." May nagbigay sakin ng isang libro. Twilight? "Ah. Nakabasa na ko nito. Natapos ko na nga ang apat eh." Tumingin ako sa lalaking nagbigay sakin nito sa kabilang side ng bookshelf na kinatatayuan ko. Si Nico?! He smiled. "Ganun ba?" I smiled too. "Uyyy Nico! Ba't ka andito?" Tanong ko. "Naghahanap ng magandang libro." Another smile. He's soooo cute. "Ganun? Eh, basahin mo na lang ang Twilight." "Naaah, I'm not into romance." Sabi niya. "But I heard its cool, so." "Maganda nga yan." Sabi ko habang naghahanap ulit ng ibang libro. "Ikaw, anong hinahanap mo?" "Uhh, yung hindi romance." "Why? Are you hating romance right now?" Tinabihan niya ako habang naghahanap ng libro. Buti pa siya noh? Nagbabasa? Si Dae? Di yun nagbabasa. Music lang ata ang alam nun at ano pa ba? HMMMM. "Uhh, wala lang." Nagpatuloy ang pag-uusap namin hanggang sa... ginugutom na ako. Pero kaso... *DLUUUBLOOOOOBBBB* Tumawa si Nico, gosh nakakahiya. "Lika? Kain muna tayo?" Sabi niya habang ngumingiti. I smiled fakely, "S-Sorry." Habang nag-aapologize ako at nagdarasal na sana lamunin na ako ng isang libro dito dahil sa kahihiyan, tiningnan ko ang paligid at hinanap kung may kasama siya. "Uh, wala ka bang kasama?" "Wala eh. Nanood yata sila ng sine, nagpaiwan lang ako." "Ahhh, same here." Sabi ko.

Grabe noh? Sinasabi na siguro sakin ng tadhana na si Nico na talaga ang para sakin. Nasa harap ko si Nico habang naghihintay kami ng pagkain dito. Linibre niya ako, biruin mo yun? HAHAHA. "Thanks nga pala." Sabi ko habang naghahanap na naman ng masasabi. Ang hirap naman nito... "Uh... Artista ka raw?" Tanong ko sa kanya nang dumating na ang pagkain. Tumawa na naman siya, "Uhhh, I don't know?" "Huh? Ikaw raw yung... nasa Pinoy Big Brother ba yun?" Tanong ko. "Oo. Ako nga yun. Hmmm, ilang taon ka nga pala sa States?" Parang winawala niya ang usapang artista siya ah? At alam pa niyang galing ako ng States. "Tatlong taon ako dun. So ano, anong feeling maging artista?" HEHE. Nakikiusisa talaga ako. "Uh, wala, okay lang, mejo..." Tumingin siya sa paligid at may mga nakatitig na saming dalawa. "Mejo... mahirap lang. Tsaka," He smiled, "di naman ako artista talaga. Di pa naman ganun ka lawak ang exposure ko, inuuna ko pa yung pag-aaral ko eh." Wow, I know he's a good man. I can feel it. Nakatitig lang siya sakin habang kumakain ako. Nakew naman... ang galing neto. "May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko. He shook his head. Tumango naman ako. "Blooming ka ah." Sabi niya. "Huh? Ahh." I think I blushed. "In love ka ba? O...-" "Nope. Brokenhearted siguro." I laughed. "Huh? Why?" He examined my face, "Dae?" Hindi na ako nakasagot. "I don't think that that guy deserves you." "Uhh, ganun rin ang iniisip ko eh. Kaya nga... I'm moving on." I said. Wow, kahit minsan lang kami nagkikita parang ang sarap mag share sa kanya. Para bang ang laki na agad ng trust ko sa kanya. Sobra. Minsan lang ako nagkakaroon ng kaibigan maliban kina Crayon at kina Sophie kaya siguro ganito ang feeling ko ngayon.

"I thought you and Dae are... fine." Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. "We are fine. Kaso, yun nga eh. Dapat di kami fine para makalimutan ko na siya." "Inindian ka pa niya that night. tsk tsk. Kaya galit ka sa kanya?" "Uh. Nakalimutan ko na yun, may mas malaking rason pa." "Hmm? Ano? Sinaktan ka ba niya?" Napatingin ako kay Nico, he looked so interested about it. "Oo." Tumawa ako. Damn, I miss... Dae.

I can't stand talking without arguments.

Hmmm, siguro kailangan ko ng sumama nang sumama kay Nico para makapagbagongbuhay na ako, noh?

42nd fall Serene Cruz: Naiinis ka ba kay Nico?

*KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING* Kinuha ko ang cellphone ko, hindi ko na namalayan ang oras eh. Andito parin kami sa kinainan namin ni Nico at kanina pa kami nag-uusap ng random things. "Hello~" "Asan ka?" Si Crayon. "Uh... Shakeys." Sabi ko habang tumitingin sa labas. Nakatingin lang si Nico sakin. "Nico." Nakita ko ang mga kaibigan ni Nico, umupo sila sa tabi ng table namin. "Andito ka lang pala! Pinatay mo ba ang phone mo?" Hindi ko na narinig ang pinag-usapan nila dahil nagsalita si Crayon, "Sinong kasama mo?"

"W-Wal-Uhhh kaibigan." "Sino? Chyna or Mina?" "Basta... si Nico." "NICO~?" His voice broke. "Who's that?" "Uhhh. Nico Lee?" Narinig kobg tumili si Sophie... "Nico Lee, yung sa PBB." "Huh? Sino yan?" "Basta, wa'g ka ngang mag-alala diyan di naman siya mamamatay tao eh. Classmate ko `to. Asan kayo?" "Teka, diyan ka lang. Papunta na kami." Binaba na ni Crayon ang phone. ARGH.

"Pinsan mo?" Tanong ni Nico habang binababa ko ang cellphone. "Uh.. Oo." Lumingon ako sa kanyang mga kaibigan at nakatingin naman sila sakin. Nakakahiya naman `to. "Uh... Guys, this is Serene." Sabi ni Nico. "Hi Serene!" Sabi nang isang babae. Marami sila, kaya useless ang pagpapakilala ni Nico sa kanila ng isa-isa. Hindi ko na matandaan ang mga pangalan. "So... ano daw sabi ng pinsan mo?" "Sabi niya papunta na raw sila." Tumango siya.

"Close ba kayo ng pinsan mo?" "Oo." I smiled. "Kahit mejo makulit yun papatayin niya yung mananakit sakin." Sabi ko habang pinaglaruan ang tinidor. He smiled, "I see. May manliligaw ka ba?" "Huh? Wala. Namomobre ako ng manliligaw eh." He laughed, "I see. Wala naman kasing nakakalapit sayo except sa bandang yun eh." "Hmmm, pero okay lang. Di naman ako naghahanap eh." What? Naghahanap ako eh! Kasi... dapat nga, makamove-on na ako diba? "...noon..." I laughed. "Serene! Hi Nico!" Tumabi si Sophie sakin.

Andito na pala sila. Tumatayo lang si Crayon sa harap ng table namin habang tinitingnan si Nico. "Uh.. Crayon, this is Nico." "Oo. Yung sa PBB." Singit ni Sophie. Naglahad ng kamay si Nico, at nakipagkamayan naman si Crayon. I sighed in relief. Hay salamat. Nagdududa kasi ako sa tono ni Crayon sa cellphone kanina at sa titig niya kay Nico eh. Nakakatakot talaga ang isang `to. "Kumain na ba kayo, Sophie?" My goolay, nakatitig parin ang hinayupak na Crayon kay Nico. Nakatitig siya na para bang may nag trespass sa lupangkanyang angkin. "Hindi pa." Hinawakan ni Sophie ang kamay ni Crayon at hinila siya sa kasunod na table samin. Mukhang naintindihan ni Sophie ang mga masasamang tingin ni Crayon kay Nico ah. Umupo sila sa katabing table at sinigurado pa ni Sophie na hindi nakaharap si Crayon samin. Nag two-thumbs up pa siya bago ko narinig ang buntong hininga ni Nico. "Sorry." Sabi ko. "Okay lang. Alam kong ganun ang mangyayari." "Ha?" "Mainit ata ang dugo ng pinsan mo sakin. But that's okay, alam kong ganun talaga. Maybe he thinks I'm courting you or something." Napatawa ako, "Naku..." Nga pala, no GF since birth daw siya? Matanong nga. "Uh... May girlfriend ka ba?" He shook his head, "No girlfriend since birth." He chuckled. "Why is that? I mean..." Tiningnan ko siya at tinitigan ang kanyang ka gwapohan. "Napakaimpossible naman ata sa kagaya mo. Wala pa bang nagpapahiwatig sayo or what?" "Hmmm," "O baka naman manhid ka?" I laughed. Baka gaya ka ni Dae? "Hindi ah! I want to be the one courting. Eh wala pa naman akong nagugustuhan." Tumango ako. He wants to be the one courting? Eh ako, parang ako yung nanliligaw kay Dae noon. Teka nga... ba't ko ba naiisip si Dae lagi?

"Serene... uwi na tayo." Nakatayo na si Crayon sa harap namin habang nasa likod naman si Sophie at sinisenyasan akong uuwi na kami. "Ah.. akala ko kakain-" "Nag take-out na kami." Sabay tingin kay Nico. "O-okay. N-Nico, alis na kami ah." Tumayo ako. Kumaway naman si Nico at... "Sige, see you at school." Sana maging classmate ko siya, ang bait niya kasi at gentleman. "Dapat kasi andito si Dae eh." Sabi ni Crayon kay Sophie habang naglalakad kami patungong parking lot ng mall. NAKAKAINIS TALAGA! Alam ko ang punto ni Crayon. Kaya kanina pa siya parang naiinis kay Nico. "Pssst, Crayon! Naiinis ka ba kay Nico?" Lumingon siya sakin with an evil smile, "Hindi." Nagkibit-balikat si Sophie nang tiningnan ko siya. "Gusto ko ngang andito si Dae para makita niyang may ibang lalaki ka na." He smiled another evil smile. WOOOT! I can't understand him. Sino kaya ang kinakampihan niya?

43rd fall Serene Cruz: Aray...

"So, anong balak mo? Forever ng iiwasan si Dae?" Sabi ni Sophie habang kumakain ng chips. Andito ako sa bahay nila. Dito ako matutulog dahil balita ko, may practice daw sina Dae sa bahay nina Crayon. Baka pumunta yun ng bahay, mahirap na. "Hindi naman. Ngayon lang." I said while hugging a pillow.

"Paano na lang kung pumunta si Crayon dito o pumunta ako kina Crayon?" "Hindi ka naman pupunta diba?" She sighed, "Whatever. Tapos, same course pa si Dae... paano kung magiging magkaklase din pala kayo? Diba siya nga ang tutor mo?" My gesh, nakakabingi ang mga tanong ni Sophie at wala pa akong maisagot sa kahit isa. "Naku... Sophie, tulungan mo ako please. Kailangan ko ng bagong tutor! please? Please? Please?" "Naku. Hindi naman ako magaling eh. Humanap ka kaya ng mga A students." "Like Dae?" "Oo." She smiled and evil smile. Linagay ko ang mukha ko sa pillow, "Hindi mo naman kasi maiintindihan kasi wala ka nung pumunta kami kina Francine eh." Nagflashback sakin ang lahat sa utak ko kaya napahiga ako sa kama niya at parang namimilipit sa sakit. Sakit sa puso. Kahihiyan? AHHH. "I'm not ready to face him! Gross." "Oo na. Oo na. Wa'g kang mag-alala, di naman ako boto sa kanya eh. Kay fafa Nico naman ako." Napapikit ako. I know I still love him. But I don't want to love him anymore. Paano ko ba siya makakalimutan? Teka, buong buhay ko ganun na ang tanong ko. I want to get rid of that question. Please? I really really really want to get rid of that question.

"Nga pala, narinig kong matataas daw ang grades ni Nico. Ba't di na lang siya ang gawin mong tutor?" "Nakakahiya naman." "Sige na! Siya na lang. Wa'g ka nang mahiya! Kesa kay Dae ka na naman magpapatutor, di mo na naman siya makakalimutan." Oo nga no? Kay Nico na lang ako magpapatutor. Tutal, mabait naman siya. Kaya lang, nakakahiya eh, baka maubos ang pasensya niya sakin. "Malapit na ang pasukan noh, kaya wag ka ng mag-isip. Kay Nico ka na magpatutor." Linipat ni Sophie ang channel. "Kita mo `to? Si Nico o, si Nico." Wow, si Nico nga! Nasa TV. "O diba, tutor mo na... artista pa!" Sophie laughed. *KRRRRRIIIINNG*

"Hello~" Sophie got the phone really fast. Tiningnan niya ako at tinakpan ang phone, "Si Crayon." Tumango ako at pinatay ang TV. Humiga na ako sa kama at inaantok na dapat ako kanina eh, kaso tumawag si Crayon, feeling ko nandyan lang si Dae sa tabi-tabi. "Serene..." Ginising ako ni Sophie. Nakatulog pala ako, agad akong tumingin sa digital clock na katabi ng kama... "Nine thirty." Nakita kong hawak-hawak pa ni Sophie ang telepono kaya bumangon ako, "Sa pagkakaalam ko 8:30 tumawag si Crayon ah, nandyan parin siya?" Binalewala ni Sophie ang tanong ko dahil mukhang kausap pa nga niya ang pinsan ko. Grabe, ganun ba talaga yun? HMMM? "Ang kulit niya eh." Tinakpan niya ulit ang phone. Napailing ako na may halong kilig. Akala ko magpapractice sila sa bahay nina crayon, ba't parang nagtetelebabad na lang sila ngayon. Buti na nga lang at pumunta ako dito kina Sophie, sabi na nga ba't wala rin yang practice nila. "O." Binigay ni Sophie sakin ang phone. "Kakausapin ka raw niya." Kinuha ko naman agad ang phone at... "O, Crayon." "Uhh." I know for sure that this is not Crayon. Lumingon ako kay Sophie pero pumasok siya sa CR at mukhang magsho-shower. "O ano, Crayon?" Let's just pretend, okay? Parang maghahyperventilate na naman ako anytime. "Serene, si Dae `to." Oh there... There.. I told you it wasn't him! Bakit siya ang nasa line? At bakit hinayaan `to ni Sophie? O baka naman pakana `to ni Crayon? "Huh? Akala ko si Crayon- O, Dae? Bakit?" PRETEND. With all the capitals. Dae? Napilitan ka lang noh? Baka binigyan ka ng death threat ni Crayon diyan kaya kinailangan mo kong kausapin sa phone ngayon? "Are you avoiding me?"

*BOOOOG~!* "Aray..." You heard the explosion right! Nahulog ako sa kama. Sorry, nagulat ako sa tanong niya at nagwawala nga kasi ako kanina. "Ano yun?" He asked with a worried tone.

44th fall Serene Cruz: Nakapagdesisyon na ako, Dae.

"W-Wala." Umupo ako sa sahig habang iniinda parin ang sakit sa likod ko. ARAY. Araaay. Kung wala siguro si Dae sa telepono baka umiyak na ako sa sakit. "Uh Dae, sige ah-" "Are you avoiding me?" Ininda ko ulit ang sakit... ng likod ko. "Huh? Di ah? Sinong nagsabi?" Tumawa pa ako ng bahagya para mukhang di plastik ang pagkakasabi ko. "Tsaka... ba't mo nasabi? Eh di pa naman tayo nagkikita. Tsaka...-" "Wala ka raw sa bahay niyo ngayon dahil may practice kami kina Crayon." Ay buwisit. Si Crayon siguro ang nagpakalat ng tsismis ng alibi kong yan no? Nakakainis talaga. Humanda yung bruhong yun sakin pag nagkita kami. "Oh! Coincidence." Yun lang ang nasabi ko in a sarcastic tone. "Serene naman, ilang taon na tayong magkaibigan, wa'g ka namang ganyan." Napasinghap ako. Ewan ko ba pero nasaktan ako dun ah! Kahit na simpleng pagkakasabi lang ni Dae ng ganun pero tumagos parin sa puso ko. "Dae, please lang. Tama na." Sabi ko. I mean it. Tama na talaga. I'm so tired of this. I'm so tired of this daw pero hinahanaphanap. "Okay, so what kung iniiwasan kita? Wa'g ka na lang makealam sa desisyon ko." "Paano ako di makikialam eh kasama ako sa desisyon mo."

"Kung natatakot kang baka ma-apektuhan ang pagkakaibigan niyo ni Crayon, wa'g ka ng mag-alala ako na ang bahala dun." Aray. Naiinis ako sa mga pinagsasabi ko. Natatakot kasi akong baka totohanin niya yung pakiusap ko. LOL. Oo, pinakiusapan ko nga siya. Kaya lang may parte parin sa akin na nangangarap na sana hindi niya tuparin ang gusto kong mangyari. Ay ewan, paki-dala na ako sa mental, bilis. "Magkikita't magkikita parin tayo sa skul at alam mo yun diba?" "Oo, alam ko. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi na kita pwedeng iwasan." Katahimikan. "Cooperation lang naman ang hinihingi ko sayo, Dae eh. Yun lang. Wala ng iba." Hindi ang pansin mo. Hindi ang pag-ibig mo. Cooperation lang. Para pagkatapos ng lahat, kaya ko pang makipagkaibigan. Parang kinurot ang puso ko sa mga iniisip ko. Nanikip na naman ang dibdib ko. I catched my breath. Tahimik parin. Kahit gusto ko ng ibaba ang telepono, hindi ko maibaba. Namamanhid ako. Namamanhid ang kamay ko lalong-lalo na kung iisipin kong nasa kabilang linya lang si Dae. "O sige. Kung yun talaga ang gusto mo."

NOOO! "T-Teka. Are you crying?" Anak ng palaka... para ko siyang kaharap ah! Paano niya nalaman? Kumpyansa pa naman akong ipadaloy ang luha ko dahil nasa telepono lang naman siya eh. "H-Hindi." Kahit na inayos ko na ang boses ko, hindi parin gumana. Mukhang narinig niya parin ang konting pagkabasag nito. "Wait. Kung nahihirapan ka, wa'g na lang." Ayun. Yun yun eh. Ang galing no? Syempre, mahirap talaga yan eh. Kaya nga nagsasakripisyo ako dito tapos siya, ganyan ganyan niya lang sasabihin ang mga salitang yun?

"Ano naman ngayon? Wala ka namang pakealam kung mahirapan ako. Hindi naman ikaw ang mahihirapan." Katahimikan. Wala na akong pakealam kung marinig niya ang paghikbi ko. Bahala siya. "Nakapagdesisyon na ako, Dae. Ayoko ng tanungin ang sarili ko ng pauilit-ulit kung kelan kita makakalimutan at paano. Kaya ngayon, eto ang sagot ko sa tanong kong yun." I heard his deep sigh. "Okay." Ngayon, ako naman ang tahimik. "Pero sana maging magkaibigan parin tayo pagkatapos nito." OMGEE. Pumayag siya! Pumayag siya... kill me now! Lumabas si Sophie galing banyo at agad na tumabi sakin ng nakita niya akong naghahanap na ng oxygen. "Anong nangyari? Sino yan?" She asked worried. I shook my head at kinuha niya ang cellphone kong nasa kama. I heard another deep sigh from Dae. "I hope you'll soon find the right guy who deserves you." Arayyyyyy! JISAHIAUYDHAUHJHSUITA. Aray. "Bye." Sabi ko at agad kong binaba ang cellphone. Lumingon ako kay Sophie nang nakita ko siyang may binabasa sa cellphone ko bago ako yinakap. "Was that Dae?" Tumango ako. "Ba't siya? Eh akala ko si Crayon." She said. I shook my head. Eto para akong baliw at pipi dahil di makapagsalita. Umaapaw ang luha ko eh.

Binigay niya sakin ang cellphone bago kumuha ng sandamukal na tissue para sa akin. May message na binasa na ata ni Sophie dahil bukas na. And it goes like this: Hi Serene. It's me, Nico. I got your number from you last week, right? This is my new number, hope you'll save it. See ya soon. I throwed my phone on the bed. Binigyan ako ni Sophie ng sandamukal na tissue na kinuha niya kanina. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng pinag-usapan namin ni Dae sa phone habang inuubos ko ang tissue. Ito ang isa sa mga gabing pinakamasakit at pinakamarami akong nailuha. At sa parehong rason pa ang lahat ng gabing yun, parehong lalaki.

45th fall Serene Cruz: I'm not talking to you!

1st day of school, 2nd sem. Napapraning na ako. Sana naman di ko masyadong ma klasmeyt si Dae. Sana si Nico na lang ang makakaklasmeyt ko parati at nang masabi ko na sa kanya na naghahanap ako ng bagong tutor. Tsaka, alam kong late na naman ako. Pumasok ako agad sa room. It's another Philosophy class! Kaya nang pumasok ako agad kong hinalughog ang bawat estudyante at hinanap si Nico. "Hi." Ayun, katabi ko lang pala! "Late ka na naman." He smiled. "Kasi... tinanghali ako." "Sabi ko na nga ba't classmate ulit tayo sa Philo."

Tumango ako. Yehey! At least diba, may isa pa akong kaibigan maliban sa mga common friends namin ni Dae. Mabilis natapos ang Philo namin kaya nang naglakad kami sa corridor, agad kong binantayan ang mga mata ng taong nakapaligid sa amin. May mga nagbubulungbulungan at may weird ang titig. "Sorry ah." Sabi ni Nico. "Huh? Bakit?" "Napansin mo na siguro yung mga tingin sayo ng mga tao." "Ha? Oo. Pero ba't ka nagsosorry." "Kasi... baka ayaw mo ng ganun. Plus you're a very private person." Ngumiti ulit siya habang papababa kami ng building. "Okay lang yan." Sabi ko. Hindi ko kasi alam kung anong isasagot. May kung anong kaba akong nararamdaman, feeling ko... "Hey couz!" Sabay akbay sakin ng hinayupak kong pinsan. Parang biglang nawala si Nico o baka naman tinulak yun ni Crayon palayo para makaakbay siya sakin. Buti na lang at nasa harapan ko lang pala siya. Teka, Crayon's here... so... "Asan si..." Dae? "Dae?" "-Sophie?" "Ay akala ko si Dae ang hinahanap mo." Sabay turo sa likuran. Frost bite! "S-Si Sophie." Nagkakafrost bite na nga ako kahit nasa likuran ko si Dae at di ko naman naaaninaw ang pagmumukha niya, papaano na lang kung magharap kaming dalawa. "Nasa bahay pa nila." Kinuha ni Crayon ang kanina ko pang hawak-hawak na schedule. Nagkatinginan kami ni Nico at nagkakafrostbite parin ako. "Serene... kita na lang tayo mamaya ah!" Kumaway sakin si Nico pagkatapos kong madatnan ang nakakatakot na tingin ni Crayon sa kanya. "Uh. Ow. Okay." At tuluyan ng umalis. "Uy! Magkaklase tayo sa next class ah! Pero may isang oras pa bago-"

"Crayon, kung tuhugin ko kaya yung mata mo noh?" "Huh?" Tinanggal niya ang braso niyang nakaakbay sa akin. "Akala mo di ko yun..." Nakita ko si Dae. Hinarap ko kasi si Crayon at tumigil kami sa paglalakad. "...n-nakita, ha?" Ehem, "Akala mo di ko yun nakita? You scared Nico." Sabi ko habang kinokontrol ang boses. Omigod. Dae's just there standing. "Eh ganun naman talaga ako makatingin eh. Tsk, baka naman bading yun?" Crayon smiled an evil smile. Sinuntok ko ang tiyan niya. "Ouch-... Loko lang. Hindi ah, baka naman tinitigan ng iba dyan... kaya natakot. Lam mo na, mas masamang magalit ang mga tahimik sa mga tulad kong madaldal." He glanced at Dae. Tiningnan ulit ni Crayon ang schedule ko at pinag-aralan. Oo nga, hindi ko kasi nakita si Dae kanina pero imposible naman kung tititigan niya nga si Nico ng nakakatakot na tingin. Ba't niya naman gagawin yun? I glanced at Dae's face then he looked away. Ay guilty. Ano ba! Nakakainis na talaga ah! Kawawa naman si Nico. Binawi ko ang schedule ko kay Crayon. "Oy-" "Akin na nga yan! Nakakainis ka ah! Kawawa naman si Nico! Natakot tuloy ang tao. Ayaw pa naman nun ng gulo! He's a very friendly person with a good heart." Grabe, nanggalaiti na talaga ako sa galit. Kaklase ko si Nico sa next subject eh, tapos nagkasundo kaming sabay pumasok. Imposible namang umalis na lang siya ng bigla. Tatakpan sana ni Crayon ang tenga niya pero pinigilan ko siya. Mabuti yang marinig niya naman minsan ang mga hinaing ko. "Ba't mo siya GINAGANYAN? Kawawa NAMAN YUNG TAO! HUMINGI KA NG TAWAD NEXT TIME AH! TSAKA, KAIBIGAN KO RIN YUN." "Eh ba't siya umalis kung kaibigan mo siya?" Lintik. Sumingit pa si Dae eh si Crayon naman ang kinakausap ko at kaharap ko. "I'm not talking to you!" Hinarap ko si Dae. "You're talking around me, it's the same." Ay ang galing ng sarcasm mo, Dae. Nag walk-out ako sa matinding inis. Very humiliating. Silang dalawa! Lalonglalo na si Dae, ang hayooop na Dae na yun! Kinakausap ko ba siya? Takte talagang buhay `to oh.

Calm down, Serene. Calm down. Kaya lang, mukhang di ako kumakalma eh. Ang bilis parin ng tibok ng puso ko.

46th fall Serene Cruz: we'll sit far from them.

"Hello, Nico?" "O, Serene." "Asan ka?" I called Nico. Of course, I need to apologize! Hindi niya sinagot ang tanong ko at bigla siyang sumulpot sa harapan ko kaya binaba ko na ang phone. "S-Sorry." "Bakit?" "Uh... Sa ginawa nina Crayon sa'yo." "Uh?" "I mean... yung kanina, nakita kong tinitigan ka niya at mukhang masama pa ang tingin nila." "No, that's okay. Ginawa niya lang yun dahil nagdududa siguro siya sa akin. Pero... that Dae is..." "Huh?" Si Dae daw. "Uh... mas nakakatakot pa siya kay Crayon eh. Naisip kong baka magkagulo at magaway pa kami, ang angas kasi, kaya umalis na lang ako." "Ah, ganun ba? Pasensya ka na ah." Umupo kaming dalawa ni Nico sa pavilion. Pinapanood ko ang mga tao sa paligid. "Dalawang subject lang ata tayo classmate this sem." Sabi niya. "Oo nga eh."

I find it weird to be sitting with a guy. Ang ibig kong sabihin eh, sa isang lalaking tulad ni Nico. At si Nico mismo. Kasi sikat siya. I find him intimidating sometimes, but I guess Dae is more intimidating. "It's better than last sem." Sabi ko. "Sa Philosophy lang tayo classmate last sem eh." "Yeah right!" He sighed. "Wala ka bang shooting or something?" Tanong ko. He laughed at my question, "Wala naman. Usually Saturday ang mga schedule ko ng ganyan. Inaayos ko naman. Inuuna ko ang school." "Ahhh." I smiled. Wow. May kaibigan na nga akong artista! Yehooo. Para naman akong ignorante dito. "Bakit?" "Wala lang, it's just amazing." He smiled again. Nico's aura is so relaxing. And I like it. Nakita ko si Francine sa malayo. At mukhang nakita niya rin ako kaya pinilit kong magtago kay Nico. Feeling ko nga mejo na weirduhan si Nico sa akin. "Bakit?" "Shhh." Sinilip ko si Francine. "Serene!" Shucks andyan na siya sa harapan namin. Napaka useless ng pagtatago ko. Bakas sa mukha ni Francine ang pagkainis sa akin. Bakit? Eh sa kanya naman si Dae ah. Pinandilatan niya ako bago nagsalitang uli, "Kasalanan mo kung bakit di kami nagkabalikan ni Dae." Ay nakanang. Di daw sila nagkabalikan! Edi buti nga sa kanya! YES! I mean, bakit? Gusto ni Dae si Francine diba? "You ruined our mood that time!" Sabi niya habang pinapakalma ang kanyang sarili. So, anong gusto mong gawin ko? Tutulungan ko ulit kayong dalawa? GET LOST! Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Gusto kong magmura pero hindi na naman ako makagalaw. "Excuse me, Francine." Sabi ni Nico. Tiningnan ni Francine si Nico at mukhang magkakilala sila.

"Sorry for involving myself with something that doesn't concern me, but I think its wrong to blame Serene." He looked at me. "She likes Dae, Nico! She's a pathetic los-" "Francine, don't talk like that. Ikaw yung magmumukhang pathetic loser kung ipagpapatuloy mo pa ang paninisi kay Serene." Francine sighed. Umalis din siya pagkatapos niyang makitang dumarami na ang tao. "Nico, uhhh, sorry ulit at salamat." Shucks. Dumarami na ang atraso at utang ko kay Nico. "Hindi, okay lang." Sabi niya habang pinapanood si Francine na papalayo. "Magkakilala pala kayo?" "Uh, yes. We're classmates since highschool." Tumango ako. *DING-DONG-DING* "Let's go! Baka ma-late tayo." He smiled. OHHHH Nico, your so gwapo and so mabait. Haaay, ang swerte ng babaeng magugustuhan mo. Paano kaya siya manligaw noh? Habang papunta na nga kami sa room, naisipan kong magtanong sa kanya ng mga personal na tanong. HEHEHE. "Uh, Nico..." "Hmm?" "May linigawan ka na ba o liniligawan?" "Uhhh, hmmm, wala pa." "HA?" I am seriously shocked. "Bakit?" "Pero di ibig sabihin na hindi pa ako nagkakagusto o crush ah! It's just that, I want to be deeply interested at a girl before I court her." We're here na. Hindi pa kami pumapasok dahil sa maselang pinag-uusapan namin. "Really? Wow. Nga naman, ganun talaga dapat! Naku, ang swerte ng liligawan mo!" "You think so?" He smiled and entered the room. Fortunately, wala pang professor. May kaonting estudyante pa. Maaga ata kami. And guess who's there? Andun si Sophie at Crayon, magkatabi. Si Dae naman, nasa likuran ni Crayon. Yes, we are classmates! At si Francine? Tumabi kay Dae!!!! OH MY.

"Saan tayo uupo?" Tanong ni Nico. Nagkukulitan si Crayon at Sophie habang malagkit ang tingin ni Francine kay Dae. At ang mga mata ni Dae? Nasa kay Nico! Napailing ako. "I think it's better if we'll sit far from them." Sabi ko kay Nico. "Hindi, okay lang kung-" "Uh, miss. I mean, Francine, may nakaupo na kasi diyan eh. Umalis siya." Napalingon ako kay Sophie na kinakausap si Francine. Dae and Crayon's eyes were on Nico. "Ah! She's right there!" Tinuro ako ni Sophie. WHAT? "Serene. Dito ka sa tabi ni Dae tapos si Nico naman ang sa tabi mo. Sorry, Francine." "Wha~ Wait. T-teka." I said. I'm panicking. Tumayo naman si Francine at umupo sa likuran ni Dae. Kumaway si Sophie sa akin at tinuro ang upuang katabi ni Dae. So that means, this is Nico-Me-Dae. Laugh out loud. Dumating sina Mina, Chyna, the rest of the band then the prof. Geeez, is it really okay like this?

47th fall Serene Cruz: I don't need the scores.

"Serene... Late na ata tayo." Sabi ni Nico. Shucks, mukhang oo! Andito kasi kami sa library at naentertain ako masyado ng mga pictures ng kinuha kong libro. Hindi rin ata namalayan ni Nico ang oras kasi nagbabasa siya. Agad kong linigpit ang mga gamit ko at nagmadali kaming umalis sa library.

"Diba ngayon ibibigay ang exam results?" Tanong ko kay Nico. "Oo." OMG. I'm scared. It's been two months since the first day of school. Tapos na rin ang midterms! At oo, mejo parati kaming magkasama ni Nico. You know, MWF - Philo class to Accounting lang naman pero I'm loving his company so I'm sticking to him. Wala rin naman sina Sophie sa Philo class kaya yun nga. Naabutan namin ang prof na binibigay ang mga test papers at tinatawag ang mga last name. Lumalapit naman ang mga tinatawag sa harapan para kunin ang testpaper. Habang umuupo ako sa tabi ni Dae, nararamdaman ko ang titig niya samin ni Nico. We arrived late so it's expected. He was sitting there and playing with his ballpen. I glanced at his table and saw his testpaper. Okay, malaki ang kuha niya. Asan na kaya ang akin. "Lee." Sabi ng prof. Tumayo naman si Nico at kinuha ang test paper. Napasinghap ako at OMGOLAY I'm getting nervous. Habang papabalik na si Nico sa kanyang upuan, binasa ko ang ekspresyon niya at nagbabakasakaling magkaroon ako ng clue kung pasado siya. Pero bakit ko pa yun iniisip eh talagang papasa yan. He smiled when he caught me staring at him. OMG, he is so, so, so cute. I-I think I'm crushing him. "Serene, tawag ka." Bulong ni Dae sakin. Ayun, tumindig ang balahibo ko. Ewan ko kung bakit. Di ko na tiningnan si Dae dahil baka bumagsak ako. Naglakad ako sa harap at nakakatense na paghawak mo na ang test paper. Lalong lalo na pag nakita mong may malaking Letter EF. "O my." "Patingin-" Kinuha ni Crayon ang testpaper nang nakalapit ako sa kanya at binalik niya agad. "Wanted: Tutor." Para akong nakalutang habang umupo sa upuan ko. I failed! I d@mn failed! Sabi ko na nga ba, I can't make it without Dae... I mean, errr, tutor. Sa kasagsagan ng aking pagdadalamhati sa upuan ko, may nakita akong note sa mesa. And it goes like this: "Do you need me?" Who the hell is this? Lumingon ako kay Nico. He was staring at me then, "How's your score?"

I shook my head and I feel like crying. My gooolay, marami pa kaming Accounting subjects and I can't afford to fail one. "I can help you, if you want." Sabi ni Nico. Oh yeah! Di ko na siya kailangang tanungin kung pwede niya ba akong tulungan. Pero di parin ako makasagot... "Uhh, you can still make it, midterms pa naman." He looked worried so I cheered up. "I hope so. Tulungan mo ako, ah?" "Sure. I was actually asking you." "Talaga, Nico?" Confirmed, so I smiled a big smile. "Yes!" Tapos na ang klase, at sa kasamaang palad di ko na makakasama si Nico dahil iba nga yung sched niya sa akin except for two subjects. "So, text-text na lang ah!" May naramdaman akong mga lumingon sa amin habang tinulungan niya akong iligpit ang gamit ko. Linapitan naman ako nina Sophie habang mukhang kinikilig sa aming dalawa. "Oo, thanks talaga ah!" "Sige! Bye, Serene." He glanced at my friends then he went out. Nagmamadali yun dahil may klase ulit siya. Hmmm, ako naman mamaya pa. "UUUYYYY." Siniko ako ni Mina. "Showbiz ka ah!" Nagtilian sila habang kinuha ko ang mga libro sa table. Andun pa sina Crayon pero di ko na lang pinansin. Laging ganito ang nangyayari eh, minsan pa nga nagmamadali pa kami nina Sophie papalabas ng room eh. "Oy ano, Serene. Tutorial session na ba?" Crayon smiled then he glanced at Dae. "Huh?" "Kelangan mo ng tutor diba? Mr. Tutooor, are you there?" Nakita kong nagwalk-out si Francine. Oh come'on. Alam ko kung anong ibig sabihin ng pinsan kong `to kaya sinenyasan ko na sina Sophie na kailangan ko na namang tumakas sa kanila kaya naunsa na si Chyna at Mina sa labas ng room. "OH NO~" Pinulot ni Crayon ang note. OH MY, oo nga pala ang NOTE! Sinong naglagay dun? It's either Dae or Nico. "Don't tell me..." He smiled an evil smile. "AAAAWCHHHH~!" Crayon shouted while trying to sound like he was hurt. "Ang sakit nun ah~" He glanced at Dae.

Then almost everyone in the band laughed. Sophie was laughing too. Bakit? Dae snatched the note. It was...? "Parang dart! OUCH, sakeeet, pre." Sabi ni Crayon habang tumatawa. "Biruin mo, di pinansin?" It was... Dae's note? Oh my funny goat! I can't believe this. I need time to compose myself. Para akong nabasag sa tuwa at excitement. "Like I cared. Gusto ko lang namang makatulong, kung ayaw niya di wa'g. Madali naman akong kausap." Dae said. Aray. "Bakit, couz, mago-overtime ka na lang ba sa pag-sstudy?" Tanong ni Crayon. "Hindi... may nagvolunteer eh." Sabi ko. "Ha? So... you're accepting Dae?" "Nope. Nauna siya eh." Their expressions turned blank. "S-Si Nico." "OWW~" Hindi ko maipaliwanag ang mukha ni Crayon. Hindi ko na rin nabasa ang mukha ni Dae kasi tumalikod siya't, "Mas mataas naman ang scores ko sa lalaking yun, tssss." Aray nako! Ang sarap batuhin ni Dae ng bag. "I don't need the scores..." Nag walk out ako at sumunod si Sophie sakin na pinipigilan ang kanyang sarili sa pagtawa ng malakas. Sumunod na rin si Mina at Chyna sa akin na tumatawa na at mukhang narinig nila ang lahat. I'm sooooo mad! HUMILIATING na naman! Si Dae, Dae, Dae - humiliating. "Biruin niyo~ nagawa niya yun?" "And kay Dae!" Matulin ang paglalakad namin hanggang sa napagod ako at umupo sa isang bench. "Smile ka naman diyan! HAHAHAHA"

Hindi na ako makahirit dahil grabe na ang pagtatalo at tawanan nina Mina, Chyna at Sophie. Nakasimangot parin ako hanggang sa nag sink-in na sa akin ang lahat ng nangyari. I smiled. SUCCESS!

48th fall Serene Cruz: wala ng iba, gets?

Tama ba yun? Di naman si Nico ang nauna eh. Kung tutuusin, mas una kong nabasa ang note ni Dae sa pag vo-volunteer ni Nico. Pero... what, Serene? Don't tell me may gana ka pang tanggapin si Dae kahit ang dami niyang mga kayabangan sa katawan? "Oist, Crayon tigilan mo na nga yang kakulitan mo diyan!" Pinandilatan ni Sophie si Crayon nang nakita nitong papalapit sa amin. Friday na at nagkasundo kami ni Nico na magkita pagkatapos ng klase niya. Pero may pasok pa siya ngayon kaya't andito kami nina Sophie, Mina at Chyna sa pavilion. Sabi nila, sasamahan muna nila ako dahil wala pa naman si Nico. Kaya lang, andito na sina Crayon kaya nagsialisan yung ibang tao dito malapit sa amin dahil umupo sila. "Wala pa naman akong ginagawa ah?" Umupo si Crayon sa tabi ni Sophie. "Tse, malayo ka pa lang eh ang laki laki na ng ngisi mo't parang may masama ka nanamang binabalak kay Serene." Lumipat si Crayon sa tabi ko. Nakakainis naman `to oh. Seryoso ako dito sa pagbabasa at pag-aanalyze ng lesson namin para naman di ako mapahiya kay Nico mamaya tapos guguluhin pa nila ako. "Hi, couz." Tumingin ako kay Crayon at kinindatan pa niya ako. "Ano?" Nasa libro ulit ang mga mata ko. "Kala ko ba may tutor ka? ba't parang self-study lang-"

Sinarado ko ang libro. "Hindi naman kasi ibig sabihin na may tutor ka eh, di ka na mag-aaral mag-isa." Tumango naman ang mokong. "Ano na naman ba kasi yung hindi mo naiintindihan, ha, Serene?" Linipat ko ang tingin ko kay Dae nang nagsalita siya. Naramdaman ko namang kinitusan ni Sophie si Crayon ng palihim. "Marami, Dae eh. Mababa IQ ko. Mababa masyado." Sabi ko habang pinapandilatan siya. "Ay grabe naman yan, tinatarayan nang tinatarayan ni Serene ang pinakamamahal niyang si Dae ah?" Linipat ko na naman ang mata ko kay Grey na naabutan kong tinatakpan ang kanyang bibig at sinisiko ni Valen. Napailing ako't binuksan ko ulit ang libro ko para magbasa kahit di naman talaga ako makapagconcentrate dahil sa ingay nilang lahat. "Naku... kung tuturuan ka rin ng isa pang mababa ang IQ, baka mas lalo pang bumaba ang IQ mo." Sabi ni Dae habang tumatawa. "Hindi mababa ang IQ ni Nico." Sabi ko. YIIIII. Nakakainis na talaga siya. Ang sarap niyang tirisin. Ang sarap niyang batuhin ng libro. My goodness. Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil ayaw kong matawag na unethical. "Marami namang genius sa tabi-tabi-" Tinitigan ko siya. "-yung mga kilalang kilala mo na noon." "Hindi na, Dae. Si Nico na lang." Sabi ko while cutting his irritating statements. "Yun nga eh." He smiled. "Si Nico NA LANG! Kawawang Nico. tsk tsk." Ay jusmiyo, ba't pati yun? NA LANG? Iniisip pa niya? I'm holding my muscles. Ayokong may bigla na lang akong matapon sa kanya at matamaan ko pa siya ng bongga. Kahit nakakabuwisit yan... Bakit niya nga ba ako kinukulit ng ganito? Tsaka, asan ba si Francine sa mga oras na `to? Alam kong di nga sila nagkabalikan, kaya lang ba't di na lang nila ipagpatuloy yun diba? Para naman magkaroon siya ng pagkakaabalahan ngayon. "Si Nico LANG kasi ang GUSTO kong magtutor sa akin at wala ng iba, gets?" Sabi ko sa kanya. Natahimik naman silang lahat habang liniligpit ko ang gamit ko.

"Ehem... Crayon, lika na nga." Sabi ni Sophie habang hinihilahila si Crayon. Linigpit na rin ni Sophie at ng iba ang gamit nila. "Serene... uh..." Nico's here!!!! Lumingon ako sa kanya at kumaway siya agad. Umiling si Dae. "Uyyy, Nico! Lika dito!" Sinenyasan ko si Crayon na umalis sa tabi ko. "Lika na! Aalis na sila ngayon. Kaya dito mo na lang ako turuan kasi wala ng istorbo." I smiled. He was hesitant when Dae stared at him. "Ha? Sinong nagsabing aalis kami?" Sabi ni Dae. "Oo nga-" Kinurot ni Sophie ang tenga ni Crayon. "-Oo naaaa." "Dae, ano? Di ka ba sasama? Dito ka lang talaga?" Sabi ni Drake habang tumatayo at nag-uumpisang umalis. Aalis na talaga sila. "Sige, Serene, Nico, aalis na kami!" Sabi ni Chyna habang kinikindatan na ako. Inakbayan ni Crayon si Dae at... "Lika na, Dae." Sabi niya habang hinihila papalayo sa amin si. "Hahanapin na lang natin si Francine. Naku, mag-eenjoy ka talaga....." Habang papalayo na silang lahat. Sumulyap pa si Crayon sa akin at naabutan niya akong nakatingin sa kanila. "NAKUUU~! Si Francine, mahal na mahal ka nun! Di ka ipagPAPALIT sa KAHIT SINONG ARTISTA!" GRRR. Pakealam ko ba kung may Francine siya diyan? GRRRRR. Nakakainsi talaga. Grrrr. "uh. Did I disturb...-" "Hindi ah." I tried to smile. Totoo namang di siya nang-aabala, sila ang nang-aabala! "Let's start?"

Tumango ako at kinuha ang mga libro. Kaya lang, hindi ako makapagconcentrate. Noon, di ako makapagconcentrate dahil si Dae ang nagtuturo sa akin, ngayon, di na naman ako makapagconcentrate dahil hindi si Dae ang nagtuturo sakin. Ack~!

49th fall Serene Cruz: may kontrata nga pala

Nanonood ako ng TV habang inaayos ang buhok ko. Si Nico ang pinapanood ko. Lately, dumadami na ang ads niya. Pati guestings at loveteam. Haaay, iba na talaga pag artista. Pero mas iba na talaga pag tutor mo isang artista. Pinatay ko na ang TV at bumaba na ako. "Ney, may lakad ako. Sinabi ko na kina mama at papa kanina bago sila umalis. Aalis ka ba?" "Hindi." Sabi ng kapatid ko. "Pero pupunta sina Shin at Rain dito mamaya." Tumango naman ako. Akala ko ganun na talaga ka bored ang kapatid ko ngayon. "Sinong kasama mo?" Tanong ng kapatid ko. "Bakit?" "Baka may tumawag sayo at maghanap, anong sasabihin ko?" Napalingon ako sa kanya at nagkibit-balikat. "Oh ehhh sabihin mo si Nico." Tumango naman siya at kinuha ang kanyang PSP. Yinaya ako ni Nico na lumabas. Date? Hindi date noh! He didn't call it a date. Pupunta lang kami sa bookstore at titingnan namin kung may magandang libro na ba. At pagkatapos nun, maglalakad-lakad na kami sa buong mall. Lumabas na ako sa bahay nang nakita ko ang kanyang sasakyan sa labas. Umikot pa siya para lang buksan ang pintuan sa frontseat kaya agad naman akong umupo. Wow. Ang gwapo niya ah. Ang gwapo niya ngayon. WAHAHAHA OYYY tutor ko yaaan! HAHAHA. "Hmmm, buti na lang at agad mong nahanap ang bahay namin." Sabi ko.

"Sinabi mo naman ang street diba? Madali lang yun." He grinned. "Ang galing mo!" Pinaandar na niya ang sasakyan. Excited na ako kasi kasama ko na naman ang artistang `to. Pero, mejo may halong kaba ako. Natatakot kasi akong baka magkaroon siya ng issue o masira yung career niya dahil may kasama siyang... wooot, ano ba Serene? Ang feeling mo ah! Ang OA ko talaga. "Si...na..." Nabigla ako nang nakita ko ang buong banda sa labas ng bahay nina Crayon at nakatambay lang. Grabe, panay pacute rin ng mga kapitbahay naming babae sa kanila. Parang gusto kong bumaba at pagsabihan silang magtago naman sila para... "Ah." Tinigil ni Nico ang sasakyan. "Wanna greet them?" He smiled. Nakita kong nakatingin si Crayon sa sasakyan namin, si Dae naman eh parang nakikipagusap kay Crayon. Si Valen naman at Grey panay ang tawanan at parang may pinaguusapan. Si Drake naman eh nagpapacute sa isang kapitbahay namin. "No. Tayo na." Sabi ko. "Uh, okay." Then he started the engine. Hindi na ako tumingin sa kanila. Para di na ako makapag-isip ng kung ano. "Alam mo naman ang mga yun, mga pasaway." Nang nakarating na kami sa mall, agad na kaming pumasok sa bookstore. Hmmm, feeling ko masyado kaming carefree. Nag-aalala na nga ako dito kasi marami talagang tumitingin sa kanya. Pero siya sa mga libro lang tumitingin. Sometimes, I find him mysterious. Di ko alam kung ano ang iniisip niya kahit lagi naman kaming magkasama. Tinitigan ko siya habang binabasa niya ang likod ng mga libro at mukhang naghahanap talaga ng kanyang babasahin. Di pa siya nagdisguise, paano na lang kung may media dito o journalist o writer sa showbiz section eh di huling-huli kami? Teka nga, ang OA ko talaga. So what kung mahuli kami? Wala naman kaming ginagawang masama eh. Oo nga naman, ba't naman mag-aalala si Nico eh wala naman kaming ginagawang masama. "May dumi ba sa mukha ko?" He caught me staring. "W-Wala." I looked away. "Hmmm, why are you looking away?" "Ah. Wala lang."

Mejo lumayo ako at nagsimulang maghanap ng libro. Geeez, ba't ko nga ba siya tinitingnan? Crush ko siya. Yeah, we know it. Tsaka iniisip ko lang ang mga pwedeng mangyari kung may media ngayon. "You know what?" Lumapit siya sakin at naghanap ng sarili niyang libro. "You are sooo mysterious." Natigilan ako. I was actually thinking that he was mysterious too. "Hindi ko alam kung anong iniisip mo. Minsan naman, iba ang iniisip mo sa sinasabi mo." Tingin ko ang ibig niyang sabihin eh yung ilang beses kong sinabing naintindihan ko ang tinuro niya kahit absent-minded ako nun. "Sorry." Sabi ko. He smiled, "Why are you sorry? That means I'm actually interested with your thoughts." He laughed. Napatingin ako sa kanya. WHAAA~ WHAAA~ WHAAA~ Walang ganyan si Dae! "Ha? HEHE." OMGEE, wala akong masabi. Nakatingin lang siya sakin habang nakangiti. Para bang natutuwa siya sa akin na ano... ewan! "Labas muna tayo." Tiningnan niya ang paligid at mukhang nahalata niyang pati ang mga security guards ay nakakakilala na sa kanya. Lumabas kami sa bookstore at naglakad-lakad. It's awkward! Andami talagang nakakakilala sa kanya, pero hindi niya pinapansin ang mga tingin nila. Para bang kami lang talaga dalawa ang naglalakad sa mall. "Excuse me, you're Nico Lee, diba?" May tatlong babaeng lumapit sa amin. "Oo." He smiled. "Uh... pwede pa-picture?" "Sure." Then the girl turned to me, "Miss, can you-" "Sure." Ngumiti pa ako. Syempre, okay lang na ako. Hindi niya namana ko GF at wala naman akong dapat ikainsulto kahit mejo nainsulto nga ako. Wala naman kasing ganito nung magkasama kami ni Dae eh? Hindi pa pala kami nagsama sa mall? LOL. Ba't ko ba ikinukumpara?

"Thanks!" Kinuha na niya ang camera pagkatapos nilang makatatlong picture. "Ang gwapo mo pala sa personal!" Sabi ng babae. Umalis naman sila agad at umalis na rin kami agad. "Sorry, Serene ah?" "Okay lang yun, nu ka ba!" "Etong ayaw ko eh." "It can't be helped. Artista ka eh." Tumango siya. Pumunta ulit kami sa Shakeys. At tulad noon, libre niya na naman! Sabi niya, may trabaho daw siya kaya okay lang. Pumayag ulit ako. "May show ka ba?" LOL. Ang awkward ng tanong ko. Para akong host. "Oo. Next week, magshoshooting kami para sa Your Song, lam mo yun?" "Oo, talaga?" "Oo. Kaya nga, mejo magiging busy ako next week. Pero tuturuan parin kita!" He smiled. "Ha? Nukaba! Okay lang noh! Tapusin mo na lang muna yang shooting mo! Mas importante yan. Kaya ko naman eh." Nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. May nasabi ba akong mali? Alin dun? AWWW, ayokong magalit siya sakin! "Bakit?" I asked. "Wala lang. Para kasing ayaw ko na." He said. "Ayaw mo nang-?" "I'm bored with my life before so I joined PBB, pero ngayon parang gusto kong ordinaryo ulit." "Huh? Ang dami nga diyan gusto ng ganyan eh! Hindi ba pwedeng magresign ka na lang diyan?" Napaisip ako. "Ay oo nga, may kontrata nga pala, kaya mukhang mapipilitan ka. Pero, ano ba, wa'g na noh! Sayang naman." Nakatitig lang siya sakin habang nanghihinayang ako sa mga sinasabi niya. "You know what, I like you."

50th fall Serene Cruz: Thank you.

"HA?" He smiled, "I like you." Napangiti ulit ako. I think I'm blushing! Papaano ako magugustuhan ng isang katulad ni Nico? He is Mr. Perfect! "B-bakit?" Nakatingin lang siya sakin habang nakangiti at nakapangalumbaba. Oh, he is the most beautiful creature I'd ever seen. Grabe! "You're my escape from reality. And you're also real!" He smiled. WHA~WHA~WHA~ Hyperventilate. Wow. Wow. As in? He likes me? I'm his escape from reality! "I hope you don't mind." Sabi niya habang pinaglalaruan ang baso sa harapan niya. Halatang takot dahil mukhang naiilang ako. "H-Hindi ah! I-I-I mean..." Ewan ko. Huminga ako ng malalim nang nakita kong nakatingin lang siya sa akin at naghihintay ng sagot. "Kasi... first time kong nakarinig ng ganyan." Finally, the words came out. "Really? That's Impossible!" He is not doubting, he is wondering. "Oo! Swear." He smiled, "Papaano nangyari yun eh... you're beautiful, mabait, you're... amazing." Isasali ko sana sa usapan si Dae at si Crayon kaso naiilang ako at natatakot ako. "Oh well, I think I know the reason behind." Di ko na pala kailangan i-explain. "Pero wala bang naglakas loob?" "Ikaw pa." I smiled. Ang laking bagay nito sakin ah. Syempre, una `to kaya ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kasiyahan. Tumango naman siya pero mukhang di parin siya makapaniwala. "Hi couz!" Ay anak ng palay. Si Crayon! "Oh, ba`t ka andito?"

Sumunod na sina Dae, Grey, Valen at Drake. Umupo sila sa tabi ng table namin. Umupo na rin si Crayon. "Wala lang, ginutom kami eh." "Ahhhh." Nasulyapan ko si Dae at naabutan kong nakasimangot siya o nagagalit habang nakatingin sakin. Tapos na rin naman kaming kumain ni Nico kaya... "Nico, alis na tayo!" Sabi ko. Tumango siya at tumayo kami. "O, o teka! Hindi pa nga namin naririnig ang pinag-usapan... este... di pa nga kami nakakakain tapos aalis na kayo?" Sabi ni Crayon. "Pakealam ko ba? Eh tapos na kaming kumain eh." Tumayo na rin sila. "O, saan kayo?" Tanong ko. I can smell something fishy! Mga walang hiya kayo! Pinutol niyo ang usapan namin ni Nico?! Tapos mukhang susundan pa nila kami ah. "Ay, we change our mind. Hindi naman pala kami gutom." Sabi ni Dae. "Oo nga... Bakit? Saan kayo pupunta?" "Bakit? Pupunta rin kayo kung saan kami?" Lumingon ako kay Nico at nagkibit balikat na lang siya. Sorry Nico! Pwede pahiram? Sorry. "Hindi ah! Kapal ng mukha nito." Sabi ni Dae. Ay leche. Nakakainis talaga! Nicooo, I need you! Kaya kumapit na ako agad sa braso ni Nico. YAY. Bahala na si Darna, basta mapatameme ko lang `tong mga mokong na `to. "Ewan ko. Mag-iisip pa kami ni Nico. Saan nga ba magandang pumunta ngayon?" Lumingon ako kay Nico. First, he looked shock. Pero dahil artista siya, kaya niyang umarte! "Labas na lang muna tayo dito. Hmmm, ikaw, kung saan mo gusto. Okay lang sakin." He smiled.

"Ganun ba? O sige. Uhh, Crayon, Dae, Grey, Valen, Drake... ingat na lang kayo ah! Aalis na kami ni Nico." Kapit Serene! Kapit kay Nico!!!! "See yah!" Kulang na lang kumindat ako. At umalis na kami ni Nico sa Shakeys. Walang sumunod, walang nagsalita. OKAY! Ang galing ko nuhhh? "Sorry." Agad kong tinanggal ang kamay kong nakakapit kay Nico. "Okay lang, naintindihan naman kita eh." "Sorry talaga!" Napabuntong-hininga ako. "Nakakahiya. Ginamit pa kita." I'm disappointed. "I want to help you in any way. And I'll always be here if you need me." Yeah right! Tumango ako. At tumingin ako sa kanya, he was just staring at me with his sincere eyes. He was serious. "Thank you." He gave me his sweetest smile.

51st fall Serene Cruz: Di na ngayon!

Hay, ang init, gusto ko nang maligo. Kakagising ko lang eh. Pinatay ko ang TV. Kanina pa yun umaandar ng wala namang nanonood. Pinanood ko lang naman kasi si Nico sa ASAP eh. Grabe, mas gwapo nga talaga siya sa personal. Kaya lang, mukhang di muna kami masyadong lalabas o magkikita sa susunod na tatlong linggo dahil busy siya. Syempre, magkikita parin naman kami sa classes namin pero hanggang dun na lang yun. Di na raw muna niya ako hihintayin pagkatapos ng isa ko pang klase sa accounting (kung saan klasmeyt ko si Dae). Mamimiss ko siya. And my goolay, sinabi niyang gusto niya ako. Nakakakilabot. Parang panaginip. Pero, hindi niya naman sinabi saking mahal niya ako o ano. Heller, pag sinabi niya yun naloko na talaga. Tsaka, ba't naman sa lahat ng tao eh ako pa? Marami naman siyang loveteam

diyan! Si Shinigami08 na kasama niya sa Pinoy Bog Brother noon, tanyag na model din yun. At meron pa! Si untamed77angel na anak ng isang beautyqueen at makakasama niya sa Your Song na isho-shoot niya raw; Si edzie_015 na laging na lilink sa kanya; Si im_numb10 na nanalo sa PBB, at naging matalik niyang kaibigan sa loob; pati na rin si norilicious na nandun sa isang music video nina Dae, napabalitang may gusto raw sa kanya! Paano naman ako bibida sa kanya kung ganun ang mga nakikita niyang pagmumukha halos araw-araw diba? Bumaba na ako at naabutan ko si Ney na naglalaro ulit ng PSP. "Ate." "O." "Tumawag si Crayon." Natigilan ako. Nakita ko si mama at papa na mukhang may lulutuin. Hmmm, iba rin ang trip ng dalawang `to ah. Kung walang trabaho, ganyan na talaga sila eh. "Ma, anong lulutuin niyo?" Tanong ko kay Mama habang binabasa nila ang cook book. "Mamimili pa kami." Tumango ako at ibinaling ko ulit ang tingin ko kay Ney. "Tapos?" "Hinahanap ka niya." "Bakit?" "Di ko alam eh." Tatawagan ko sana pero... "Wa'g mo na daw siyang tawagan." "Ha?" Nakakalito si Crayon ah? "Bakit daw?" "Ewan ko." "Ba't di mo tinanong? Ang mokong na yun, may pinaplano siguro. Baka bigla na lang sumulpot yun dito. O baka naman inaabangan niya yung luto nina mama at papa, baka makikisawsaw ulit yun dito tapos kakainin ang share ko. Ang buwisit na yun talaga. Nababadtrip ako sa kanya. Sumingit ba naman siya samin ni Nico noong nagdate kami! haaay-" "Ate, ang ingay mo. Eh hindi ka naman maririnig ni Kuya Crayon eh." Pinandilatan ko na lang ang kapatid kong hanggang ngayon eh naglalaro parin ng PSP. *DING-DONG!* "Ay ayan na! Humanda talaga ang mokong nato't sasabunutan ko siya."

Agad akong nagmartsa patungong gate habang iniisip kung paano ko nga ba papatayin si Crayon. Binuksan ko na ang gate... "Walang hiya ka talag-" *tug-tog-tug---toooot* Tunog yun ng puso ko. Hindi ako naiinlab ah! Kinakabahan ako sa kahihiyan na makukuha ko ulit ngayon. Hindi pa ako naliligo at nagsusuklay! NO~ So what? I don't care... di ko naman crush si Dae eh. Tsaka, wala na siyang ika-didiscourage pa. Ubos na ang ganda points ko sa kanya. "O, Dae... ikaw pala yan!" Sabi ko habang tumatawa ng wala sa lugar. "Uhhh." Nakatayo lang siya doon. Unusual sa kanya ang magpunta sa amin ng mag-isa. Anong masamang hangin ang nagdala sa kanya dito sa banal na bahay namin? "A-Andun lang ang bahay nina Crayon oh!" Sabay turo ko sa kabilang kanto. Baka kasi, naliligaw siya. Hindi. Nanliligaw nga - este - naliligaw nga ata siya. Isasarado ko sana ang gate kaya lang pinigilan niya `to. "Ahhh, dito talaga ako pupunta." Ay anak ng balyena. Paano siya mapupunta dito? Sagrado ang lugar na `to. Nasa therapy ako kaya tresspaser siya ngayon. "Ha? B-Bakit? NEEEEY!" I started calling Ney, akala ko siya ang hinahanap. "Serene!" Tinakpan niya ang bibig ko. "Ikaw ang sadya ko." I'm starting to feel WORMS on my stomach. Pinapawisan na rin ako ng malamig. Tinanggal ko ang kamay niya. "Ano?" Sabi ko habang linalagay ang kamay sa baywang. Hindi ko na siya papapasukin. Nakakairita siya eh. Ano naman kaya ang sadya niya? May binigay siyang envelope. "Ano `to?" "Ano pa, edi invitation!" Hay naku, pati yung paraan ng pagsagot niya... nakakairita. Napasinghap ako at isasarado ko na sana ang gate.

"Okay~" "Ma, andito si Dae!" Sabay sigaw ni Ney. Kelan pa siya napunta sa likuran ko? Eh andun lang siya sa living room at naglalaro ng PSP ah! Nakipag high-five pa si Dae kay Ney. Oh no! This is not good. "Dae, papaalis ka na diba?" Sabi ko. "O, Dae! Andito ka pala!" Si Mama. Oh no! "Serene, maligo ka na nga dun! Nakakahiya ka, hindi ka pa nagsusuklay. Andito si Dae oh, noon mo pa siya crush diba?" AMPUTEK. MA~! Isa kang panira sa aking buhay. My goodness. Napakamot ako ng ulo. "Noon! Di na ngayon!" Sabi ko. Tumawa lang si mama at pinapasok si Dae. "Hindi na po, hinatid ko lang yung invitation sa kasal ni ate. Sabi po kasi ni ate na di raw po kayo makakapunta?" "Naku... sinabi ko nga kasi sa kanya yun dahil babalik kami sa States that week to visit Vil, pero pangako, pupunta si Ney at si Serene pero pangako, pupunta si Ney at si Serene, di naman kasi sila kasama sa pagbalik namin. Tsaka dalawang linggo!" "Ganun po ba?" Tumingin si Dae sa akin. "Serene? Ba't di mo siya pinapasok kanina? Nakakahiya naman. Tsaka, ano pang tinutungatunganga mo diyan, maligo ka na. Dae, dito ka na lang mag lunch ah?" "Naku... di na p-" "Sige na! Wa'g ka nang mahiya." Ay ang galing ni Dae! Ang galing niyang magkunawaring mabait. May natatagong talent rin pala siya, pero yun nga lang di niya pinaparamdam sakin. "Serene... sige na!" Napakamot ulit ako sa ulo. Ba't kailangang dito pa siya kumain? Bwisit talaga o! "Kawawa naman si Dae, di mo pinapasok agad."

Bwisit! Mas kawawa ako nung di niya ako sinipot sa Seasonal Ball. Palibhasa wala kayong alam na ganun ang nangyari. Panagtakpan ko kasi si Dae eh. Pati si papa, walang alam. Paano na `to ngayon. NOOOO~!

52nd fall Serene Cruz: MABAIT?

Linapag ko ang invitation sa kama ko at dumiretso sa banyo. Di na lang kaya ako lalabas dito? "Serene! bilisan mo diyan ah! Magluluto kami ni papa ng Baked Meat Manicotti at Oven Barbecued Spareribs para sa ulam. Tinatry ko ring magbake ng Cottage Cheese cake for desert, kaya..." "Ma, oo na kasi. Wala naman akong maintindihan sa mga binanggit mo eh." "Ah basta. Bilisan mo riyan kasi may bisita ka." Akala ko nawala na siya. "Serene..." "Ma?" "Nanliligaw ba si Dae sayo?" "H-Ha? Of course not!" At mukhang tuluyan ng umalis. Ang impaktong yun, manliligaw sa akin? HA? Asa ka pa. Eh sinabihan niya nga ako noon na di raw siya manliligaw sa akin eh. Pagkatapos kong maligo... ayaw kong umalis sa banyo pero kailangan kong magbihis muna bago bumalik at magkulong. Parehong nanlaki ang mata namin. "What the-" Agad akong bumalik sa banyo kahit kalalabas ko lang.

"Sorry!" Sabi ni Dae. Nakaupo siya sa kama at parang hinihintay ako. "Ba`t ka andito?" Lanya! Nasa loob siya ng kwarto ko! "Sorry. Sabi kasi ni Tita puntahan daw kita kasi baka di ka na lumabas diyan!" SUSGINOO~! Pinagpawisan na naman ako ng malamig kahit kakaligo ko lang. "Lumabas ka na nga! Di ako makapagbihis eh." "O-O sige. Pero nasa labas langa ko ng kwarto mo ah! Tsaka bilisan mo." "Ang demanding mo naman! Kausapin mo si Ney dun, wa`g mo kong guluhin dito!" Sabi ko habang hinahawakan ko ang doorknob ng banyo. "Basta, nasa labas ako. Kung ayaw mong kulitin kita, kailangan mong magmadali." "Ay bwisit. Sige na! Bilisan mo na kasi! Giniginaw na ako!" Narinig kong umalis na nga siya. Agad akong lumabas sa banyo at sinarado ang pintuan. "Bilisan mo ah!" Sabi niya sa labas. TSE~! Sino ka ba? Ang kapal talaga ng mukha ng mokong na yun. Pinaglihi ata sa balat ng kalabaw. Napatingin ako sa kalagayan kong naka tuwalya lang. BWUSIT! Nakita niya ata pati kalulwa ko. "Serene~?" "What, Dae? Wa`g ka na ngang maingay diyan! Patayin kita diyan eh." Napasinghap ako at mukhang nakakalimutan ko kung anong gagawin ko. "Serene~" Sabay katok. *TUG-TUG-TUG* "Oo na sabi, Dae! Teka lang. Ano ka ba, nalulunod ka na ba diyan?" Sigaw ko habang nagbibihis. Binilisan ko na lang. Gumuho yung mga dark plans ko. gumuho yung pagkukulong ko sa banyo dahil sa Dae na `to. "Kakain na raw!" Lumabas na ako at sinarado ko ang kwarto ko ng padabog. Pinandilatan ko na rin si Dae at dumiretso na sa hapagkainan. Sumunod na rin ang mokong sakin. "Dito ka Dae!" Sabi ni mama sabay turo sa upuang nasa harap ko.

Umupo naman ang kapalmuks na si Dae. Naku naku, confident ata siyang di alam ni mama at papa ang nangyari nung seasonal ball ah. Tahimik lang akong kumain habang panay naman ang interrogate ni mama at papa kay Dae tungkol sa kasal ni Ate Bloom. Mga pamahiin ang pinag-usapan nila hanggang sa... "May girlfriend ka na ba, Dae?" Tanong ni mama. Halatang sumulyap pa si Ney sakin at para bang inaabangan ang pagsuka ko sa mga kinain ko. "Wala naman po." Sabi ni Dae. Ang galing talagang makipagplastikan ng lalakin ito. "Eh si Serene, may boyfriend na ba?" Tanong ni papa. "Di ko po alam eh." Sabay tingin sa akin. "Pero lately, nakikita ko siyang kasama yung artistang si Nico Lee ba yun? Hmmm." Napabitaw ako sa kutsara't tinidor ko. "Talaga?" Sabay tingin ni papa at mama sakin. "Ba't di mo sinasabi samin yan, Serene? Naku, artista? Yun ata yung teen idol ngayon ah. Wa`g yan, puro issue lang ang makukuha mo sa kanya-" "Pa, sino bang nagsabi sayong kami na?" Sabi ko sabay titig kay Dae. Ang buwisit na Dae, linalaglag na nga ako pinapasobrahan pa. "Wala naman, sinasabi ko lang naman. Andyan naman si Dae oh, ambait pa!" "MABAIT?" Napailing ako. "di niyo alam ang sinasabi niyo." Bulong ko sa sarili ko. Pinagkakanulo na ata ako ng mga magulang ko sa demonyong ito eh. Habang nasa hapag kainan kami, puro si Nico na lang ang pinag-usapan namin. Si Nico, si Nico, si Nico, si Nico na walang malay. Kawawang Nico. "Tita, salamat po. Di na ako magtatagal kasi pupunta pa ako kina Crayon." "Ow? Sige sige... Serene!!!" Sigaw ni mama nang naramdaman niyang lumalayo na ako sa kanila. "Ma." Sabi ko gamit ang isang malamyang boses. "Ihatid mo si Dae-" "Kina Crayon? Di ba niya alam kung saan ang bahay nina Crayon?" Sarcastic. "Sa gate lang!" Sabi ni Mama. Hay! Nakakainis. I mean, bakit pa? Pwede namang siya na lang ah? Kaya sumunod na ako kay Dae.

"Bye, Dae!" Sabi ko kahit nasa pintuan pa lang kami. "Pinapaalis mo na ba ako?" Sabay tingin niya sa loob at hinanap sina mama at papa. Of course nasa kitchen ang dalawa kaya wala na akong pakealam kung magtatalo ulit kami dito. "Oo." Sabi ko habang nauna na sa gate at binuksan ng pagkalaki-laki para lang mahigop siya sa labas. "Ang bastos mo talaga noh?" Tahimik lang ako habang hinahawakan ang gate. Napailing siya sa katahimikan ko. "Sana di ka na lang pumunta sa kasal ni Ate..." Sabay lapit niya sa gate at aalis na. Ouch! Ang sakit nun ah. Ayoko ng magsalita, ayan na naman kasi siya eh. "...panggulo ka lang dun." "Sana di mo na lang hinatid yung invitation!" Sabi ko habang nabubwisit. "Napilitan ako, okay! Kaya wa'g kang feeling masyado." Sabi niya at tuluyan ng umalis. Anong nangyari dun? ARGH! Nakakapang-insulto talaga ang tabas ng dila niya. Ang sama-sama niya talaga! GRRRR. Bakit pa siya nagpunta? Nakakainis talaga. Di ko maintindihan. :'(

53rd fall Serene Cruz: para kay Dae

Serene, kailangan maraming picture ang makuha mo ah? This lines keep resounding on my mind. Sabi kasi 'to ni mama bago sila umalis 2 days ago. Grabe, bumili pa talaga siya ng bagong digital camera, at pinakalatest pa ah! Para lang daw 'to sa event na 'to. Ewan ko nga ba kung bakit ganito siya ka excited. Serene, pumasok ka na nga! Excited ka atang kumuha ng picture kay Dae eh! Sabi ni Crayon habang naghihintay sa loob ng sasakyan niya.

Kanina ko pa kasi tinitingnan ang digital cam, nagiging ignorante na naman ata ako kasi bago at latest pa. Tse! Ano siya hilo? Yuck! sabi ko habang umupo na sa front seat. Nasa likuran si Ney habang dalaa-dala ulit ang PSP, napag utusan kaming sumama kay Crayon dahil pareho kaming inabanduna ng mga magulang. Nauna na raw kasi sa simbahan ang mga magulang niya at naatasan lang siyang kunin kami. Wa'g ka na kasing magmaang-maangan diyan! Sabi ni Crayon habang nagdi-drive. Napapansin niya na naman ata yung pagkahumaling ko sa digicam. Sabing hindi eh! Nakakainis ka, ba't mo pinagpipilitan yan?! Sus... *KRIIIING * Hello? Serene! Sophie, Magkasama na ba kayo ni Crayon? Oo. Pasensya na talaga ah! Nakita kong sumulyap si Crayon sakin. Asan na raw siya? Tanong ni Crayon. Asan ka na? Tinanong ko si sophie. Sa Tagaytay na! Sabi ni Sophie habang tumitili. Tagaytay. sabi ko kay Crayon, tumango naman ito. Di kasi makakasama si Sophie dahil pupunta daw sila sa Tagaytay whole family eh. HA-HA, nakabawi rin ako! Lagi kang wala sa mga practice at gig nila kaya ngayon, ikaw naman mag-isa riyan! Buti nga sayo. Sabi ni Sophie habang tumatawa. Ang daya-daya talaga nito oh. Mag-isa tuloy ako mamaya. Puro mga bwisit na lalaki ang kasama ko! hmm. Oo nga, wala si Nico! May taping siya diba? Oo. O, sige na! Balitaan mo na lang ako ah, ibababa ko muna 'to dahil andito na kami kina Lola eh. Mmmmkay! Binaba ko ang phone ko habang iniisip ang mga posibleng mangyari sa araw na 'to.

Nakarating na raw sila sa lola niya. Sabi ko kay Crayon. *KRIIIING * Hello? Serene. Nico? Ngayon ang kasal ng ate ni Dae diba? Sinong maghahatid sa inyo dun? Ahhh, si Crayon. Nakita ko ulit na bahagyang sumulyap si Crayon. Ganun ba? Uhhh, gusto mo kunin ko kayo mamaya pagkatapos? Wa'g na! Mukhang gabi na matatapos eh. Okay lang! huh? Uhhh... uhh. Bakit? Sasabay ka ba kina Crayon? Uh,siguro? O sige, basta, tawagan mo lang ako ah pag may... problema. Naging malungkot ang boses niya. Uhh, o-okay. Sige, ingat! Kaw rin! Binaba ko na ang phone. Grabe ah! Hanep yung Nicong yun, todo kung manligaw. Sabi ni Crayon. Hindi siya nanliligaw, pwede ba? Sa itsura nun? Crayon smiled. Di nga sabi eh. Sinubukan ko ulit ang camera. Hinahabol nga siya ng camera ng buong Pilipinas pero ang babaeng hinahabol-habol niy, bumili ng bagong camera para habulin ang isa pang lalaki. He laughed. EVIL TALAGA! Feeling ka ah! Di ako bumili ng camera para kay Dae. Lalong di ako ang bumili nito. At mas lalong di ko siya hahabulin! May sinabi ba akong Dae? sabi niya habang nakataas ang isang kilay at nagpapark ng sasakyan. At may sinabi ba akong IKAW ang naghahabol o bumili ng camera? AAAAAAAAAAH! My gosh, gusto kong umiyak sa inis. Nakakainis! Nagdidilim na naman ang paningin ko sa pinsan kong 'to. Pangako, di mababahiran ng mukha ni Dae ang camera'ng 'to! Kailangan, wala siyang kahit isang picture dito. Isinusumpa ko, hindi ko isasali ang kuha pag andyan si Dae.

Kapag may kahit isang kuha dito na may mukha ni Dae... ibig sabihin nun... ibig sabihin nun, isinumpa na talaga akong siya lang ang lalaking mamahalin ko! Kailangan wala! Bumaba na kami sa sasakyan at padabog kong sinarado ang pinto. Hoy! Yan kasi eh... pikon naman pala! Crayon smiled an evil smile.

54th fall Serene Cruz: Aanhin ko naman yung picture mo?

Tumigil ako sa paglalakad. Okay... errmmm, kaya ko 'to! Sabi ko sa sarili ko. Ate, nababaliw ka na ba? Tanong ni Ney. Huh? Linagpasan niya ako. Hay naku, ganito ba talaga ang mga lahi namin ng lalaki? Hobby na talaga atang mang-asar eh. Si Kuya, si Crayon, pati si Ney. Jusko. Pumasok na ako sa simbahan. Uhg, ano ako, bride's maid. Oo, bride's maid. Si Ney at Crayon naman, pumunta dun sa kabila kaya mag-isa lang ako dito. Hi Serene! Sumalubong sakin ang isang babaeng may napakaamong mukha. Hello! T'was Mara. Tatlong beses ko lang ata siyang nakita eh, pang-apat ngayon. Pinsan siya ni Dae. Una ko siyang nakita noong kasal ng kuya ni Dae, sa graduation namin ni Dae at isang araw noong 1st year high school ako. Natatandaan pa pala niya ako? Naaalala mo pa ba ako? Oo naman, Mara. Ngumiti siya at lumingon sa left-side. Mukhang naatasan siyang batiin ang lahat ng bisita ah? At bride's maid din siya, yung ibang bride's maid eh mga kaibigan ni ate bloom kaya kaming dalawa ang mas magkakasundo, ka age kasi siya ni Ney eh. Ang feeling ko talaga, ang bata-bata pa nun eh. HEHE. Ang bait talaga niya at friendly pa. Nakita kong binati ni si Crayon, ngumiti naman ang pinsan ko. Nakita kong binati niya si Ney-- and my goodness, napahiya ako nang nadeadma ang beauty ni Mara! Ang Ney na yun, malapitan nga!

OH, Dae! Sabay highfive kay Dae. WOOOOT. Muntik ng tumulo ang dugo ko nang nakita ko siyangang gwapo-gwapo sa soot niya. Inayos niya ang necktie niya't nakipag-asaran kay Crayon. Linagay ko na ang camera ko sa kanyang llagyan. Di pwedeng magkaroon ng picture si Dae dito. Kuya Dae, ang gwapo-gwapo mo sa soot mo ah! Bati ni Mara. Hanep, nakalimutan na ng dugo ko kung panu kumulo kaya di ko tuloy mapagalitan si Ney. Hindi naman kasi ako stunning today kaya wala akong maipepresenta kay Dae eh. Hindi rin kasi ako nagpaparlor o ano. Teka, maiba nga tayo ng topic, ba't ko nga ba iniisip yung ganyan eh negative na nga kasi ang ganda points ko kay Dae. Sumunod na ang mga kuya ni Dae, pati mga pinsan niyang lalaki grabe ang gu-gwapo at ang tatangkad, para lang akong kawayan dito kasama ang mga naglalakihang puno. Idagdag pa si Crayon sa kanila, pwede na silang gawing replacement ng Dong Bang Shin Gi. Ehem, tama na nga 'tong kalokohan ko. Ayan na si Ate Bloom! Sigaw ni Mara. Lilingon na sana ako sa likuran para hanapin ang limosine o kung anong sasakyan ang ginamit ni Ate Bloom kaya lang mas nauna ko pang narinig ang angalan ko. SERENE! Dali-daling hinila ang braso ko at yinakap pa ako ni? Pahamak ka talaga! DAE! Wooo- Narinig kong naudlot ang asaran ng mga kapatid at pinsan ni Dae dahil sinaway ni Mara. Agad kong tinanggal ang braso ni Dae sa likuran ko. Serene, sorry, okay ka lang? Lumabas na si Ate Bloom. S-Sorry. Grabe, aang bilis ng pangyayari na ngayon ko lang naramdaman na masasagasaan na talaga ako kanina. Pinagpawisan na naman ako ng malamig. Woooo- Naudlot na naman ang sigaw ng mga pinsan ni Dae na halatang nakatingin samin.

Andito na ang bride! Umalis na ako sa lugar na yun at pumunta kung saan di na ako masasagasaan. Umalis rin ako dun dahil masyadong maraming nagaganap na pictorials. Hoy ate, lagot ka kay mama pag wala kang naiuwing picture ng kasal. Sabi ni Ney na pumasok na sa simbahan. Agad kong binuksan ang lalagyan ng camera at kumuha na ng picture ni Ate Bloom. Syempre, kinunan ko rin ang kanyang groom sa loob. Lahat ng picture na andyan si Dae, kahit blurred, idini-delete ko. HAHA, sa ganitong paraan, maiiwasan ko yung sumpa. Hoy! Muntik nang nasira ang kasal ni ate dahil sayo. Sabi ni Dae na nasa likuran ko na pala. Napatigil ako sa pagpo-point-and-shoot ko. Ang kapal mo ah. Sorry na kasi, may iniisip ako nun! Sabi ko't binalewala na siya at pinagpatuloy ang picture taking. Bago ko naclick ang camera, pumunta na siya sa harap kaya imbis na si Ate ang makuha ko... siya. Nidelete ko agad. Ano ka ba? Ayan ka na naman ah, sinisira mo na naman ang araw ko! Ayaw mo ba nun, may picture ka na sa- Aanhin ko naman yung picture mo? Ipapa-frame? Hayy, ang kapal. Ate Serene, lika na! Mag s-start na! Tawag na ako ni Mara. Pinandilatan ko muna si Dae bago ako umalis.

55th fall Serene Cruz: May paa naman ako eh

Syempre, nang rumampa na kami, sino pa ba ang ini-expect niyong ka pares ko? Edi si Dae. Nothing special. Di naman ako humawak sa kanya, deadma lang rin ang reaksyon niya. Napahinga na lang ako ng malalim nang nakarating na ako sa upuan. Pinagmasdan kong mabuti ang bride si ate Bloom. Pati na rin ang kanyang groom na mukhang mabait naman. Dapat lang noh, ang bait kaya ni Ate. Pinagmasdan ko rin ang altar. BALANG ARAW... Ermmm, Napapailing ako sa aking sarili. May sinasabi ka, Serene? Tanong ni Mara. W-wala. Grabe, sa wakas... ang pinakahihintay at climax part ng kasal. Ang pagsasaabi ng... Yes, I do. Nagpalakpakan ang mga tao sa simbahan. Pati na rin ata ang ibang bride's maid eh kinilig. Pumalakpak na rin ako habang sumusulyap kina... Crayon. Kaya lang, palabas ko lang yung sulyap kay Crayon... at naabutan ko si Dae na nakangiti habang nakatingin sa bride at groom. Ay anakanang... ehem Buti na lang at walang nakakarinig dahil sa ingay ng palakpakan. Tiningnan ko ulit aang altar. OOPPSSS, Serene, don't you dare think about things like you wanna change your family name with Dae's family name. Napailing ulit ako sa aking sarili. I feel so stupid. Bakit ko ba iniisip 'to? Sumulyap ulit ako kina, okay, kina Dae. NAKATINGIN SIYA SAKIN. I looked away. My gosh! Dapat ba akong maging masaya dahil naabutan ko siyang nakatingin sakin o mahiya dahil nalaman niyang tinitingnan ko siya every now and then. Hindi na lang ako titingin ulit. Ganito ang eksena hanggang sa nakarating na kami sa reception ng kasal. Katable ko sina Crayon, Ney, Grey at iba pa. Si Dae naman, eh andun sa kanyang pamilya. Tapos na kaming kumain at busog na busog na ako. Grabe, pag umuupo sina Dae sa isang lugar nagmumukhang bigaten ang pamilya nila. Pero talaga namang bigaten ang pamilya nila eh. Yung mga tito, tita, pinsan niya? Naku... grabe talaga. Hoy Serene! Punasan mo na nga yung laway mo! Kanina pa yan tumutulo sa simbahan habang nakatingin ka kay Dae eh. Para akong naalimpungatan kaya dumapo yung kamay ko sa mukha ko. Wala namang laway!

Asar ka ah! Pero bago ako nakapagreact, nagtawanan na sila at dinamaitsura ang kanilang mga mukha. Ay grabe, absent-minded ka ngayon ah! Tuloy-tuloy parin sa pagtawa si Grey. Masyadong namamangha kay Dae eh. Singit pa ni Crayon na siyang may pakana ng lahat. Muntik ko ng ihagis ang pouch ko, buti na lang at naalala ko yung digital camera kong bago. Nakakainis ka talaga! Sabi ko. Tawagin kaya natin si Dae? Sumang-ayon naman ang lahat. Dae! Tinawag nila si Dae kahit may program pang nagaganap at mukhang naghahagisan pa ata ng bulaklak. EWAN KO SA INYO! Nagwalk-out na ako at naglakad papuntang CR. Serene, hoyyy, joke lang! Sigaw nila sakin, pampalubag loob. Tse! Bahala kayo sa buhay niyo. Pumasok na ako sa CR a nagpalipas oras. Kulang na lang eh tumae na ako dun dahil sa boredom. Hinuhugasan ko ang kamay ko ng wala sa lugar, inuubos ko na ang tissue at kung anu-ano pang kabuastugan ang ginawa ko. Masmabuti na yung mag-isa kesa sa may kasama ka namang mga impakto. *KRIIING * Hello? Sinagotko ang cellphone kong kanikanina ko pa dala-dala. Separate kasi siya sa pouch ko kung nasaan ang digicam na andun naman ngayon kay Ney. Serene? Kamusta na riyan? Ah, Nico. Okay lang. Ikaw? Okay lang rin, kakatapos lang namin.

He waited for my reply. I think kailangan kong magpasundo sa kanya? Hindi ko kayang sumama sa mga impaktong yun tsaka isa pa... parang masama ang mood ng tiyan ko. Naparami ata ang kain ko. Saan ka na? Tanong ko. Nasa parking lot pa. Uh, ganun ba? Akala ko kaya kong magpasundo. Di ko pala kayang bigkasin. Sunduin kita? Wha- Sure! Wow Serene! Bago mo hihilingin sinasagot niya na agad. Tapos na ba? Okay lang kung hindi pa... maghihintay na lang ako sayo. hi-Hindi pa. Pero... okay lang. Di rin kasi maganda ang pakiramdam ko eh. Sorry ah? Okay lang ba talaga? Oo. Kanina pa kita yinayaya diba? I heard him laughed a bit. He seemed tired. Hindi ka ba pagod? stup*d question. Hindi. Sige, maghihintay na ako sa labas ng Plaza Maria Clara ah. Naku, wa'g na, tatawagan na lang kita pag nandyan na ako. Ayokong nakikita kang naghihintay sakin. sabi niya AWWW NICOOOOO! Huh? P-Pero Nico... Ha-Ha. Hindi mo ako mapipigilan, paglabas ko dito, magpapaalam na ako sa pamilya ni Dae at aalis na. Wala akong pakealam basta makalabas lang ako dito, nakakatakot pag sumama ang tiyan ko habang nakaupo dun. Tsaka, nakakaasar sila eh. Sige na... don't worry. O-Okay. sige... Bye... Bye... Nauna na naman ako sa pagbaba ng phone kahit siya ang unang nagpaalam. Hay naku, Nico. You're an angel in disguise. Ilang sandali ang nakalipas... PAGKATAPOSKONG TUMAE AT HABANG HINUHUGASAN KO ANG KAMAY KO... Serene!? Shucks! D-Dae?

Ack! Napalapit ako sa pintuan para mas marinig nang mabuti ang tumatawag. Si Dae ba yun o si Crayon? Serene, anong ginagawa mo diyan? Kanina ka pa raw sabi ni Crayon. Lumabas ako para bumalik na sa upuan ko. Syempre, mas mabuting kasama ko ang mga impaktong yun kesa sa yung lider nila. Ang mokong na yun, eh ba't ikaw ang pinadala niya dito? Ba't di siya ang pumunta? Sabi ko habang naglalakad papalabas. Hinila niya ako. Ano ba! Tinitigan ko siya. Narinig ko ang hiyawan sa labas. Mukhang on-going parin ang program. Bakit? Ayaw mo? And now, he's serious. Pakealam ko kung seryoso siya eh ang pangit ng pagkakasabi niya. Yabangggg! Eh siya naman kasi yung nakakaalam, ba't ikaw pa yung pupunta. Tsaka, di ba pwedeng maghintay na lang kayo run? sumakit ang tiyan ko kaya... privacy, okay!? Pinandilatan ko siya. Tinulak niya ako pabalik sa CR. O sige, tatawagin ko si Crayon ah! diyan ka lang. He's sarcastic. Umaandar na naman yung Jealous-of-Crayon syndrome? Dae! Joke lang yun, nukaba! May paa naman ako eh, di ko kailangan ng sundo dito. Ang babaw mo talaga! Sabi ko habang inunahan ko siya sa paglalakad. Kung di mo kailangan ng sundo, eh ba't ka nagpapasundo kay Nico? Sabi niya na mukhang wala na siya sa sarili at unti-unting tumaataas ang tono ng boses niya. WHAT? he heard it? And he's jealous?

56th fall Serene Cruz: Aray, Dae! Ano ba!

"Ano naman ngayon kung nagpasundo ako sa kanya?" "Marunong ka na palang manlandi ngayon? Sinong babae ba ang magpapasundo sa isang lalaking di niya naman boyfriend?" "Excuse me, DAE!" Eto na. Nagtatalo na naman kami at ang lakas-lakas na ng mga boses namin. "HINDI KO SIYA LINALANDI! Tama lang namang magpasundo na ako sa kanya, dahil nakakaasar na dito. Nakakaasar na ang pagmumukha mo." Sabi ko. Tinulak ko siya at umalis sa harapan niya. Kukunin ko na yung pouch ko tapos magpapaalam. "Tita, aalis na po ako ah." Sabi ko sa mama ni Dae habang nakatingin ako kay Ate Bloom na mukhang nag-eenjoy sa party. "Naparami po kasi ata yung kain ko eh, kaya sumakit ang tiyan ko." "Naku, talaga? O sige, sasabihin ko na lang kay Bloom mamaya." Tiningnan niya ako. "Okay ka lang ba? Baka... anong mangyari sayo?" "Hindi, okay lang po ako. Uh, uuwi na lang po ako para makasigurado." "Kung ganun..." May hinanap siya sa likuran ko. "Dae~" OMG. No! "H-Hindi... Wag na po, Tita." "H-Huh?" Nakarating na si Dae, "Ma? Bakit po?" "Ihatid mo si Serene." "Po?" Parang ayaw pa niya ah. Ayaw ko rin naman eh! Feeling siya ah. "Wa`g na po. May maghahatid na sakin." "Ah, ganun ba? Si Crayon?" "Di po." "Boyfriend mo?" "Di rin po, kaibigan lang." Sabi ko. Tumango naman ang mama ni Dae at buti na lang naintindihan niya kaya hinayaan niya na lang ako.

"O, Sige... mag-ingat ka ah!? Dae, ihatid mo siya sa labas." "Po?" NAKUUUU, kung ayaw mo eh di wa`g! Di naman ako mag susumbong eh. "Wa`g na po..." "Anong 'wa`g na'? Sige na." Sabi ni tita at umalis naman siya agad. Parang natatakot siyang umangal pa ako ulit. Napabuntong hininga ako habang naglalakad pabalik sa table namin. Nasa likuran ko naman si Dae at nakasunod. "Magpapahatid pa, ba`t di niya na lang kaya papuntahin si Nico para malaman natin kung..." "May sinasabi ka ba, DAE?" Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "Wala naman... May narinig ka ba?" "Kung ayaw mong ihatid ako, aba, mas lalong ayaw ko no! Kaya wa`g mo na lang akong ihatid, pwede? Pakiusap lang, Dae." Sabi ko. Pinandiltan ko siya bago nagpatuloy sa paglalakad at padabog na kinuha ang pouch sa mesa. "O, O... Ano na naman ba ang nangyari sa inyong dalawa?" Tanong ni Crayon. SIYA ANG MAY KASALANAN EH! Kung di niya lang kasi sinabi kay Dae na nasa CR ako eh di sana `to nangyari! "Wala! Uuwi na ako, masakit ang tiyan ko. NEY..." Lumingon ako kay Ney na nakatitig lang sa PSP, "Aalis na ako, sumama ka na lang kay Crayon..." Sinulyapan niya lang ako at tumango ng bahagya. Naramdaman kong nasa likuran ko ulit si Dae kaya naglakad na ulit ako papalabas bitbit ang pouch. Sumunod naman ang impakto. "Bahala ka sa buhay mo." Sabi ko habang mas lalong binilisan ko ang paglalakad ko. Nasa likuran parin siya. Nakakaasar na. Hanggang sa nakalabas na ako at andun na ako sa driveway. Dito ako maghihintay kay Nico para madali niya akong makita. Hinawakan ni Dae ang braso ko, "Ano ba?" "Ako na lang kasi ang maghahatid sayo!"

"HA?" Totoo ba ito? "Ayoko nga! Si Nico yung nangako sakin no! Di ko naman siya iindianin, di tulad ng iba diyan." Nagpaparinig ako. "Sige na kasi, wa`g ka na ngang pakipot!" "Ang kapal mo talaga kahit kelan no?" Narinig niyo yun? Nakakahighblood! Baka ma-stroke na ako dito dahil sa inis! Bwisit. Nakita kong may nagpark na sasakyan sa harapan namin. Sasakyan yun ni Nico! "Nico..." Binaba ni Nico ang salamin ng front seat. Mas lalong hinila ni Dae ang braso ko at kinaladkad niya pa ako papalayo sa sasakyan. "Aray, Dae! Ano ba!" "Serene~!" Bumaba si Nico sa kanyang sasakyan.

57th fall Serene Cruz: makikipaglandian?

"Aray, bitiwan mo nga ako!" "Tama na, Dae." Sabi ni Nico habang hinahawakan ang braso ko at binabawi kay Dae. Nakatitig lang si Dae kay Nico at para bang isang kalabit na lang at susuntukin niya na si Nico. "Bakit? Sino ka ba?" Hinila niya parin ang braso ko. "Halika na nga, Serene! Wa`g kang sumama sa mga di mo kilala!" Hinila niya ako. "DAE, nasasaktan ako!" OUCH! Pulang-pula na ang braso ko at halatang masyadong mapwersa ang pagkakahila ni Dae sakin. "DAE, TAMA NA SABI EH!" Umaamba na ng suntok si Nico. "Nico, wa`g---" Humanahon siya. Mabuti na lang at nakawala rin ako sa wakas. Hinila naman ako ni Nico sa likuran niya. "Ba't mo siya pinigilan, ha Serene? Ayan tuloy! Natatakot atang maintriga kaming dalawa!" Sabi ni Dae.

Umamba na naman ng suntok si Nico at alam kong nanggigigil na siya kaya pumagitna na lang ako sa kanilang dalawa. Dae's just standing there. Parang naghihintay lang masuntok ni Nico. "Dae, umalis ka na nga. Bumalik ka na dun sa loob. Nang-aasar ka lang eh!" My gosh, I can't blame Nico - wala siyang kasalanan. At di ko siya masisisi kung bubugbugin niya si Dae dito dahil pagod siya sa taping nila. "Ayoko nga." "Ano ba! Naghihintay ka bang mabugbog ka ni Nico, ha? Sa asal mong yan, sigurado." "Bakit? sinong nagsabing magpapabugbog nga ako? Halika nga dito!" Hinila niya ulit ako. "Aray, Dae! Bakit ba? Nakakaasar ka na ah!" "Eh ikaw? bakit ka ba sasama diyan sa di mo naman kilala?" "Ano ba kasi ang pakealam mo kung sasama ako sa kanya!? Tsaka, FYI kilala ko sin Nico. Di hamak na mas mabait siya sayo." "Di mo ba nakikita? Artista yan? Pwedeng umaarte lang siya-" "At pwedeng hindi!" "Dito ka lang kasi!" Sabi niya habang pinipilit kong inaalis ang kamay niya sa braso ko. "Ano ba talaga ang punto mo, Dae?" Biglang nagsalita si Nico at inalis niya ang kamay ko sa braso ni Dae. Pagod parin ang boses niya at may halong pagkainis. Nakakainis naman kasi si Dae eh. Ba't ba ganyan ang asal niya ngayon? Bakit siya ganyan ngayon? may gusto na ba siya sakin? Impossible naman ata. "Bobo ka pala eh-" "DAE, Tama na nga sabi yan eh." Nainis ata siya sa sinabi ko. "Tama na? O sige, makikipaglandian ka sa lalaking yan habang buhay, yun ba ang gusto mong mangyari?" "Anong makikipaglandian?" Nawala ang LBM ko. "Bakit ba, Dae? Ano bang pakealam mo kay Serene?" Natahimik ako. Gusto ko rin kasing marinig ang sasagutin niya. Alam kong nahalata `to ni Nico pero bahala na. "Eh bakit, ikaw? Ano ba ang pakealam mo sa kanya?"

NYETA. Di niya sinagot! Tahimik na rin si Nico. "Kita mo na-" "May pakealam ako sa kanya dahil liniligawan ko siya! DAHIL GUSTO KO SIYA! At ikaw? Anong pakealam mo sa kanya?" Nanlaki ang mata ko pagkatapos kong marinig yun mula kay Nico. Pati rin ata si Dae, natigilan. Bakit niya sinabi yun? "Serene... ihahatid na kita." Lumapit si Nico sakin at hinawakan ang kamay ko. "Lika na." He smiled a gentle smile. Sumunod naman ako sa kanya. Hindi parin umiimik si Dae. Hinubad ni Nico ang soot niyang jacket at sinoot niya sakin. Bago pa ako makaramdam ng lamig, may ginawa na siya. He's so thoughtful. Lumingon ako kay Dae. I assume na yung sinabi ni Nico kanina ay para lang may maisagot siya sa tanong ni Dae. Ang galing din ng sagot niya ah, kasi napatunganga niya si Dae. Errr, pero ba't naman ata tutunganga si Dae kung yun naman ang sagot ni Nico. Ano nga ba talaga ang pakealam ni Dae sakin? Nga naman, wala siyang pakealam kay wala siyang isasagot. Pumasok na kami sa sasakyan. Sa huling pagkakataon, lumingon ulit ako sa kinatatayuan ni Dae. Ang akala ko makikita ko ulit siyang nakatayo lang dun pero nadatnan kong naglalakad na siya pabalik. Wala nga ata siyang pakealam sakin. "Serene, uhmm, sorry." Lumingon ako kay Nico.

58th fall Serene Cruz: O-MY-GOSHHHHHH!

"Sorry kung nabigla kita." Sabi ni Nico habang nakatingin lang ako sa kanyang nagddrive. "Okay lang noh." Sabi ko. "Alam ko namang sinabi mo lang yun para mawindang si Dae."

Tahimik lang siya habang nagd-drive. Ano kaya ang iniisip ni Dae ngayon? Sana ma process niyang mabuti ang mga nangyari. Anak ng pusakal ka Serene ba't mo parin siya iniisip? Si Nico na lang muna... "Nico, ginugutom ka ba?" Tanong ko. Lumingon siya ng bahagya habang ngumingiti. "Bakit mo naitanong?" "Wala lang. Y-You look tired." "Ang totoo... Oo." He smiled. Pumayag akong magpark na lang muna kami sa isang fastfood, dahil nawala na rin naman yung sakit ng tiyan ko at maaga pa naman. He was eating slowly, hindi halatang gutom siya. Hindi na rin ako umorder ng pagkain. Natatakot na kasi akong kumain ulit dahil baka sumama ulit ang pakiramdam ko. Nakatingin lang ako sa labas dahil iniiwasan ko ang mga tingin ng mga taong nasa loob ng fastfood. "Mommy mommy, si Nico!" Sabi ng isang mukhang nasa highschool pa na babae. Kaya mas lalo kong inintindi ang tanawin sa labas. "Serene," "Hmmm?" Nakatingin parin ako sa labas. "Tungkol sa sinabi ko kanina-" "Ano ka ba, okay lang sabi yun eh." Lumingon ako sa kanya at naabutan kong pinupunasan niya na ang bibig niya. "Tapos ka na?" Ang liit lang nung kinain niya. Diba galing siya sa taping nila? Pagod siya at gutom? Tumango siya. "Pero, marami pa-" "Shhhh... Serene, may sasabihin lang sana ako." Bigla siyang nagseryoso tapos ngumiti ulit. Anong sasabihin niya? "Okay lang kasi yun, Ni-" "Serene, totoo yun." Wait. err, what`s TOTOO? "I-I like you."

"Ha?" "I want to be a part of your life. Naiinis ako pag nakikita kang nasasaktan, gusto kitang alagan. Ayaw kong nakikita kang inaalala si Dae at nababalewala ka lang." He sighed. I'm still speechless at parang nakatunganga lang ako. "I want to show you how it feels to be the one cared too, because I love you and I know your worth." LOVE?????? :D OMG Narealize kong may mga nakarinig at nakakita sa amin. Napalingon ako sa paligid. "Nico, tama na, wa'g ka ngang magbiro. Baka ma issue ka pa!" "I don't care. First time kong magmahal ng ganito kaya I'll try my best to make you feel that you are loved." AY JUSKO. Totoo nga?! Hindi nga. "Serene, I want to be your boyfriend." He paused. "And I will wait." Napalunok ako ng pitong beses. Hindi ko parin malaman kung anong mga salita ang dapat kong sinasabi, first time ko ring magkaroon ng manliligaw. "I know I'm too fast. Pero, sa sitwasyon mo ngayon... I can't stand it any longer. Di ko kayang nakikita kang sinasaktan lang ni Dae. Mahal kita at kaya kitang alagaan, if you'd let me." OMGEEE. TOTOHANAN NA NGA `TO. OMYYYYY. Errrrm. OMYYYY. Nico's sitting there and smiling like he mean it. "Now, I won't apologize for my real feelings."

Hinatid niya na ako sa bahay, pero bago ako umalis sa sasakyan niya... He sighed, "Bye, Serene." "Uh..." Di ako makatingin sa kanya, "Nico, nanliligaw ka ba sakin?" Tumawa siya, "Oo!" "Ahhh." Napangiti na rin ako. He's so adorable! Siguro, eto na ang sign? SIGN NA BA `TO NA KAY NICO, AT DI KAY DAE, NA TALAGA AKO?

"Sige na... pumasok ka na." Tumango naman ako at pumasok na sa gate ng bahay at dumiretso sa loob. Sumilip ako sa bintana para tingnan kung nakaalis na siya. Ilang sandali, pinaandar niya na ang sasakyan at umalis na. Napaupo ako sa sofa. "HAAAY, NICOOOOO~!" Buti na lang maaga parin kaya wala pa si Ney. Binuksan ko ang pouch ko at kinuha ang camera. "Ang vain naman!" Una kong nakita ang mukha ni Dae! Mga 20 pictures na siya lang mag-isa! Siya mismo ang kumuha ng picture sa sarili niya! Kasunod ang tatlong picture nila ni Crayon at ang banda... "O-MY-GOSHHHHHH! MAY NAIUWI AKONG PICTURE NI DAEEEEE!" At siya pa ang nagpicture sa sarili niya! ARGHHHHH~!

59th fall Serene Cruz: maiilang ako sayo

"Pero di naman siguro ganun ang ibig sabihin nun, Serene!" Sabi ni Chyna sakin habang umuupo ulit kami dito sa cafe. "Pero, duh, it`s a sign!" Sabi ni Mina. "Si Dae ang kumuha diba, it's a very big sign!" "Tse, wa'g ka ngang magpapaniwala sa mga sign-sign na yan." "Ano ba kayo, wa'g niyo na ngang pag-usapan si Dae. Di niyo ba nakikitang nabu-bwisit na si Serene?" Sabi ni Sophie. "So, ano, Serene? Liniligawan ka na ba ni Nico? AYYYI!" Tumili pa silang tatlo. "Uh... sabi niy-" Di ko na narinig ang boses ko dahil nagtilian na sila.

"Serene..." Napalingon ako, t'was Francine. Natigilan sina Sophie. "Uh... Oh?" "Can we talk?" Napalingon ako kina Sophie at sumunod na kay Francine. "Ano?" Tanong ko nang nakarating na kami sa isang lugar sa cafe na wala masyadong tao. "Nanliligaw si Nico sayo, diba?" "O-Oo." So? "K-Kasi," She sighed. Napansin kong namumugto ang kanyang mga mata. "Last night was the-" She sighed again. "-fifth time." "Fifth time?" "M-My fifth attempt-" Napasinghap siya at para bang sa bawat salita niya eh may linulunok siyang pride. "-to make up with Dae." Napatango ako na para bang sinasapian. Anong koneksyon dun sa panliligaw ni Nico? "Do you still love him?" Napalunok ako at, "Hindi na ah." Ngumiti pa ako para decoration. "Kung ganun, sasagutin mo si Nico?" "I-I'm not... I don't know?" PATANONG. "Sa bagay, who would dump him." Sabi niya na para bang hindi pa talaga nanliligaw ng kahit kanino si Nico at masyado siyang mataas para sa lahat ng babae, kaya dapat kong sagutin. Nagkibit-balikat ako. "C-Can you help me with Dae?" OH. OH. OH. OMGEEE. Oh no! Serene, why not? "Eh kasi..." She sighed, "Yeah, I know that I'm such a loser kasi inaaway-away kita noon tapos ngayon... It's understandable if you're still mad." "Di naman sa ganun, pero..." Nangangapa ulit ako ng eksplenasyon.

"pero kasi... As much as possible, I want to avoid him..." I sighed. Tumango siya at mukhang kumbinsidong-kumbinsido siya sa sinabi ko. "Limang ulit na akong nakikipagbalikan sa kanya. I've realized that I can't make it without him." Ngayon mo lang yan narealize? Eh ako, noon pa! "Sorry talaga. Don't worry, I'll try my best... if ever..." Tumango ulit siya, "Sige, I'll try my best too. Sa cellphone lang kasi ako nakikipagbalikan sa kanya kasi natatakot ako na kahit sa personal eh aayaw parin siya." WHAT? OH MY. Kaya naman pala. Eh kung makikipagbalikan si Dae, bahala na siya sa buhay niya. "Uhh, i-try mo na lang sa personal... baka sakali..." Sabi ko. I was hesitant. Natatakot akong magkabalikan... sila? Sa malayo, nakita ko si Nico na papalapit sa table namin. "Sige... uh, okay lang ba sa inyo na sasama ako pag may mga gig sila, para naman... kahit papaano?" Sabi niya. "May gig ata sila sa isang Te beach Resort diba?" HINDI KO ALAM EH. SORRY AH. "Ewan ko. Pero... sige, sumama ka. okay lang naman." Ba't ba ang bait ko. "Sige, Francine. Andun na kasi si Nico eh." Tumango naman siya at umalis na ako't bumalik sa table. Umupo na ako agad at hinanap si Nico. Kainis naman si Francine... Ay bahala siya sa buhay niya... Ewan ko sa kanila ni Dae. Asan si Dae? GEEEZ... "Anong sinabi nung bruha?" Tanong ni Chyna. "Ay, mamaya na lang kasi..." "ANDYAN na siyaaaaaaaaa~" Tumili ulit sila nang nakita nilang papalapit na si Nico. Grabe, sa lakas ng dating niya parang nagslow-motion na ang lahat dahil paparating na siya. Naramdaman kong tinutulak-tulak na ako ng mga kaibigan ko. "Hi Chyna, Mina, Sophie at Serene!" Ngumiti si Nico.

"Hello!" Tumili ulit sila. "Errr, lina kayo!" Hinila ni Sophie si Mina at Chyna. "Naku, Nico. Ayus-ayusin mo yang si Serene ah, boto pa naman ako sayo." Sabi ni Chyna. "Huy, wa'g namang ganyan." Nakakahiya naman. "Ay basta. Ayaw ko sa Dae na yun eh." "Heller, as if naman nanliligaw si Dae." Sabi ni Mina. "Ah ey basta." "Tayo na nga!" Sabi ni Sophie habang hinihila silang dalawa. Tumawa lang si Nico. "So-sorry." Sabi ko nang nakaalis na sila. "Okay lang." "Yung tatlong yun talaga, tuturuan mo lang naman ako ngayon eh." Sabi ko habang papunta kami sa pavilion. "Wala namang malisya `to." Nagkibit-balikat lang si Nico at ngumiti. "Nukaba, Nico. Wa'g ka ngang ganyan, maiilang ako sayo niyan eh." "Eh paano ba naman, alam mo nang may feelings ako sayo." Ngumiti ulit siya. OEMMGEEE, I think I'm blushing. "Serene..." Napalingon ako bago umupo sa pavilion.

60th fall Serene Cruz: B-Bakit? P-Paano? Ano?

"D-Dae?" Nakita kong mukhang napailing si Nico. "Dae, kung andito ka na naman para manggulo-" "Ano naman ngayon, paalisin mo ako?" Seryoso ang mukha niya. Anong problema nito?

"Masyado mo atang kinacareer ang pagiging tutor mo? O baka naman...-" Tinitigan ni Dae si Nico. Nagtitigan na talaga ang dalawa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. "-o, baka naman ang... panliligaw mo?" "DAE! Tigilan mo na nga yan!" Hinila ako ni Nico sa likod niya. "O, o... ba't mo siya tinago? Bakit? may karapatan ka na ba sa kanya? Kayo na ba?" Hindi nakasagot si Nico pero ramdam na ramdam ko na ang pagkainis niya. Pinipigilan niya lang ata dahil sa mga nakatinging mga mata sa paligid. "Ano ba talaga ang problema mo?" Tanong ni Nico na mukhang seryoso na rin. "Ba't ko naman sasabihin sayo?" "Nakakaasar ka na ah! Ba't mo ba kami ginugulo." "Kami? Bakit? Kayo na ba?" Tanong ni Dae in a sarcastic tone. "Eh ano ngayon kung kami na, ha Dae?" Sumingit ako. Natatakot na naman kasi akong baka may mangyari kapag pinabayaan kong mag-usap lang silang dalawa. Umalis na rin ang mga tao sa pavilion. Natatakot na ata silang magkagulo. Nakakahiya naman. "Bakit? Kayo na nga ba?" Tanong niya. Alam kong alam niyang nagsisinungaling ako kaya ayaw kong magsinungaling. Kaya lang, ayaw ko ring bumigay na lang ng basta-basta. "Kung sagutin mo na lang muna kaya ang tanong ko?" Sabi ko. Tinulak ni Nico si Dae dahil mejo lumalapit na siya sakin. "Loko ka ah-" "DAE, tama na nga yan!" Buti na lang at napigilan ko bago magsuntukan. "Bwisit, ikaw naman yung nauna tapos naiinis ka diyan?" "Naiinis ba ako?" Bwisit talaga. Hinawakan ko na ang kamay ni Nico at hihilahin ko sana siya papalabas ng pavilion kaya lang kinuha ni Dae ang kamay ko.

"Kayo na ba?" I was shocked when he got my hand really fast. "Ano naman ngayon kung kami na nga?" Sumingit si Nico. "Kung kayo na, edi kukunin ko siya sayo." WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAT?? Errr, Serene, next time... araw-arawin mo na ang paglilinis ng tenga mo. "Ba't mo siya kukunin?" "Dahil akin siya." ANO? Hinila ko ang kamay ko. Hindi parin kasi niya binibitawan yun. "Dae, tama na. Di ako sayo~" "Serene, hayaan mo muna siyang magsalita." Sabi ni Nico. And they're both serious. "Ba't mo siya liniligawan, ha? May masamang balak ka sa kanya no?" Sabi ni Dae. Ang g@gong `to. Ba't niya sinasabi yan? Kawawang Nico. "Liniligawan ko siya dahil MAHAL KO SIYA AT KAYA KO SIYANG ALAGAAN. May problema ba?" "Wala, kasi ako naman ang mahal niya diba?"

Nagkatinginan ang dalawa. Hinila ko ulit ang kamay ko. "At liligawan ko rin siya at tatapatan kita. Hihigitan pa! Wala namang problema diba?" He smiled an evil smile. OMG. HA? Errr, liligawan? ako? ni? Dae? Hinila niya ang kamay ko, "Liligawan kita, narinig mo?" Binulong niya sa tenga ko. OMGEEE. Confirmed. "B-Bakit? P-Paano? Ano?" Wala na, brain damage.

61st fall

Serene Cruz: alam mong manliligaw siya sakin?

"I mean, hindi pwede!" Sabi ko kahit wala pa naman talaga ako sa tamang estado ng aking pag-iisip. "Ha? Bakit naman?" Nagkasalubong ang mga kilay ni Dae. "Wala ka ng pakealam-" "Ibig sabihin, pwede si Nico tapos ako, hindi?" Mag-wa-walk-out ako. At isasama ko si Nico. Di ko na nga alam kung humihinga pa ba ako dito. Basta, ayaw kong marinig ang mga sasabihin ni Dae dahil baka mas lalong lumambot ang puso ko. Tinalikuran ko na siya at sumunod naman si Nico. "Napaka unfair naman yata nun, Serene." Sumunod si Dae saming dalawa. Kaya tinigilan ko ang paglalakad ko. "Bahala ka sa buhay mo, basta! Ayaw kong magpaligaw sayo..." Pinandilatan ko siya. "Bahala ka rin sa buhay mo, basta ang alam ko... manliligaw ako sayo." *DING-DONG-DING* "Paano ba yan? Kami naman ngayon, Nico?" Sabi ni Dae habang nakangiti. Magkaklase kami sa susunod na subject ni Dae, pero hindi si Nico. "Nico, ihatid mo na lang ako sa classroom." Sabi ko while ignoring Dae. Ngumiti naman si Nico at tumango. Pero bago pa kami nakaalis, nag walk-out na si Dae. Para bang siya ang may karapatang mag walk-out! Pagdating namin sa classroom... "Sayang naman, di kita naturuan." Sabi ni Nico. "Okay lang yun," Tumigil ako sa pintuan ng classroom. Wala pa ang aming professor, tsaka nakaupo na si Dae sa upuan niya. "Kasalanan naman kasi ni Dae eh." "HIIII~ Couz!" Sigaw ni Crayon sa malayo.

Nang nakalapit na siya sakin, kinalas niya yung kamay niyang nakaakbay kay Sophie at inakbayan ako. "Nanligaw na ba si Dae?" He smiled an evil smile. Grabe, tumindig ang balahibo ko nang narinig ko ang tanong niya. "H-huh?" "Serene... sige, aalis na ako. Kita na lang tayo mamaya." Sabi ni Nico. "O-O sige. Salamat!" Kumaway na ako at tuluyan ng umalis si Nico. "Ano haaa? Kulelat ka ba?" Pabirong sigaw ni Crayon kay Nico. Di naman `to narinig ni Nico dahil malayo na siya. At dahil dun, nasuntok ko ang tiyan ni Crayon. "Arayyyy." "Tumigil ka na nga!" Ngumiti ulit siya. Kinalas ko na yung akbay niya at umupo sa upuan. Nga pala, ang upuan ko sa subject na `to ay nasa likuran ni Dae. "Bakit? Anong problema?" Umupo si Crayon sa tabi ko. Alam ba niyang manliligaw si Dae sakin? Baka naman alam ni Sophie na manliligaw si Dae sakin??? "Sophie..." Ay, asa naman ako! Ang tanong, kung totoo ba yung sinabi ni Dae sakin kanina. At kung totoo naman yun, bakit niya ako liligawan? Naapakan ba yung ego niya? "Hmm?" Lumingon si Sophie sakin. Lumingon din si Dae sakin kaya napatingin ako sa kanya imbis na si Sophie ang kakausapin ko. "Wala ka bang espesyal na reaction sa sinabi ko kanina?" Napatunganga si Sophie, at mukhang pati pa ata ang pinsan ko. "Ano bang sinabi mo kanina, Dae?" Crayon was extremely curious. Nagkibit-balikat lang si Dae.

"Manliligaw ka?" Sinamahan pa ng malakas na tawanan ng buong banda na nasa likuran ko lang pala. Hindi sumagot si Dae at tumingin ulit siya sa harapan. Deadma lang? "Ba't naman ako magkakaroon ng espesyal na reaction dun?" Lumingon ulit siya sakin, "Bakit hindi?" "Bakit nga?" "Nanliligaw na nga ako, tapos wala ka pang comment diyan." Sabi niya. Feeling ko narinig yun ng buong eskwelahan at para bang nangangatog na rin ako sa sinabi niya. AHHHH~! I mean, totoo naman kaya yan? Di bale, di ko na nga lang siya sasagutin! Baka lokohin lang ako ng mokong na `to. "Di nga, pare?" Sabi ni Crayon at mukhang seryoso siya sa tanong niya. "Gusto mo, ulit-ulitin ko pang nanliligaw ako kay Serene?" Hindi ko na alam kung anong reaksyon ng grupo sa likuran. Basta ang alam ko, nakatunganga lang si Crayon at Sophie. "Akala ko, alam mong manliligaw siya sakin?" Tanong ko kay Crayon. Ayaw kong makita ni DAE na masayang-masaya ako sa sinabi niya. Ayaw ko ring magbigay ng kahit anong reaksyon, dahil takot akong baka tawanan niya lang ako sa huli dahil ISANG MALIKING JOKE lang yung sinabi niya. "SO? Totoo nga!?" Nanlaki ang mata ni Crayon at abot tenga pa ang ngiti niya. Oh great! Parang dinagdagan ko ng kompirmasyon ang sinabi ni Dae! "Totoo nga. Kaya," Tinitigan ako ni Dae. "sa ayaw't sa gusto mo sasagutin mo ako at magiging tayo." He smiled a creepy smile!

62nd fall Serene Cruz: wa'g ka namang maging bayolente

"Alam mo, kasi, Serene..." Tumigil si Sophie sa pagsasalita nang napansin niyang busyng-busy ako sa pamimili ng iinumin ko sa cafe. "Si Dae..." Umupo na kami sa table. Kaming dalawa lang ngayon, wala pa sina Chyna at Mina. Si Dae, Crayon at ang buong banda naman, ewan. "Si Dae... ano?" Tanong ko. Binibitin ata ako ni Sophie eh. Hindi na nga ako nagpapahalata tapos ganyan pa ang ginagawa niya... HMMP. Ngumiti siya at napailing, "You can't fool me." "Huh?" "You still like-- love him, do you?" Ininom ko ang binili kong Fit n Right. "O, sige. Alam kong di moko sasagutin... Kasi nga, si Dae. Di naman kasi yun nanliligaw pag di siya seryoso." "Wala naman akong pakealam kung seryoso siya o hindi eh." "Whatever, but hey... wala lang. Since gradeschool... errr, napaka impossible kung wala ka ng-" Sumimangot ako. "Okay, okay. Saan na nga ba ako? Kasi... si Dae, mahal niya talaga ang liniligawan niya. Tulad ni Charlotte, ni Francine. Yun nga lang, nagkaproblema ata sila ni Charlotte noon. At si Francine naman, naku,nakakasakal. Kaya-" "Kaya ano? Sasagutin ko siya kasi seryoso siya sakin? HAH, asa ka pa." "Hindi naman noh, sinasabi ko lang naman na ganun. Ano nga kaya ang nangyari kay Dae..." Tumawa pa si Sophie pagkatapos niyang napansing nakasimangot na ako sa pakikinig sa kanya. 3:30pm na at tapos na lahat ng klase ko kaya andito lang ako't sinasamahan muna si Sophie. May pasok pa `to maya-maya eh. "Asan na nga pala sina Crayon?" "Finally," she laughed again. "Tinanong mo rin..." "Ano?" Huh? "Nagcecelebrate siguro yun sila ngayon dahil nanliligaw na si Dae sayo. Sobrang tagal naming hinintay ang pagkakataong manligaw siya sayo." Napailing ulit ako.

"Excuse me, Miss Serene Cruz?" Napalingon ako at may nakita akong lalaking may dala-dalang bulaklak. Tatlong rosas, at ang ganda. OHMY, nagsisimula na nga atang manligaw si Dae. "Oo, ako nga." Pinilit kong sumimangot. Baka pinapanood ako ni Dae dito, akala niya naman nasisiyahan ako sa ginagawa niya. "Pinabibigay sayo." "Huh? Sabihin mo sa nagpabigay na ayaw ko ng makatanggap ng bulaklak galing sa-" AY ANAK NG PATING. Buti na lang at binasa ko ang nakasulat! Galing pala kay Nico. "I mean, wala. Never mind. Salamat." Tumango ang nagbigay at umalis. Sinampal ko ang sarili ko. "O, bakit? Kanino ba galing?" Tanong ni Sophie habang umiinom ng juice. "Kay Nico." Kamuntik na niyang maisuka sa harapan ko ang juice na ininom niya. Tumawa siya, "Maraming namamatay sa maling akala!!!" Napabuntong-hininga ako. *KRIIIING* "Hello?" "Hello, Serene. Did you like the flowers?"

*DING-DONg-DING* "Yeah, thanks! I love it." T`was Nico. "Nasa cafe ka ba ngayon?" "Oo. Pero, uuwi na rin ako eh, papasok na kasi si Sophie." Sabi ko. "Pwede ba kitang ihatid sa inyo?" Natigilan ako... wala naman si Crayon, kaya mag-ji-jeep ako pauwi pag di ako papayag. Tsaka, wala naman si mama at papa, kaya walang mangungulit sakin.

"Sure." "Okay, papunta na ako diyan..." Binaba niya na ang phone. "Si Nico?" Tanong ni Sophie habang liniligpit niya ang mga gamit niya at naghahandang umalis. "Oo. Susunduin niya raw ako dito at ihahatid sa bahay. Pakisabi na lang kay Crayon pag nagtanong siya." "MMMKAY, and oh. May malaking gig nga pala sila this summer... sa birthday pa nga ata raw ni Dae yun mangyayari, sa Te Beach gaganapin. Bilin kasi ni Crayon sakin na pipilitin daw kitang sumama. Sumama ka ah?" BIRTHDAY NI DAE ANG GIG? Kaya pala si Francine... "O-o?" "Sige na... alis na ko. Bye." Umalis na si Sophie. Nagmamadali, ayan kasi, daldal ng daldal. Inspeaking of Dae's birthday, malapit na rin pala ang birthday ko. WOW. LOL. At, malapit na rin pala ang finals. tsk. "Hi!" Binigla ako ni Nico. "Uyyy, Nico. Tara?" Ako na talaga ang nagyaya sa kanyang umalis na sa cafe dahil ayaw kong humantong na naman sa center of attention ang beauty ko. "Serene!!!" Narinig ko ang boses ni Dae sa malayo. Tumakbo siya samin nang nakita niyang papasok na ako sa sasakyan ni Nico. "Nico, tama na nga yan. Lamang ka naman ng ilang araw sa panliligaw ah? Ako na nga ang maghahatid kay Serene!" GRRRR. Nanggugulo na naman siya! "Dae-" Hinila ako ni Nico sa likuran niya. "Ano ba talaga ang problema mo, pare? Nanliligaw ka ba kay Serene o pinapangalagaan mo lang yang pride mo?" *SUNTOK*

Hindi ko alam kung anong nangyari. ang bilis kasi, basta ang alam ko, sinuntok ni DAE si NICO! Nasuntok na rin ni Nico si Dae bago dumating ang banda at inawat sila. Feeling ko decoration lang ako si gilid. "Tama na yan! Ba't ba lagi na lang kayong nag-aaway." "Eh loko pala `tong manliligaw mo eh. Anong akala niya sakin-" "Shut up, Dae. Ikaw lagi ang nang-aasar diyan eh." "Sinasabi ko lang naman ang gusto kong sabihin!" "Kung gusto mong manligaw sakin, pwede ba, wa'g ka namang maging bayolente diyan. Ako ang napeperwisyo dito!" So, pumapayag na akong manligaw siya? "Dae, tama na." Sabi ni Crayon. Parang gusto pang tumawa ng pinsan ko pero pinipigilan lang. Pinandilatan ko na si Crayon, pati na rin si Dae. "Nico, tayo na." Pumasok na ako agad sa sasakyan ni Nico. Pagkapasok niya, pinaandar niya naman agad.

63rd fall Serene Cruz: Basted ka na sabi eh.

Narealize kong malakas ang pagkakasuntok ni Dae kay Nico dahil mejo namaga ito at mukhang iniinda pa niya ang sakit. "Masakit ba?" "Uh, hindi masyado." Sabi niya. Tahimik lang kami nang huminto ang sasakyan sa traffic. "Nico, wala ka bang taping today?" Tanong ko sa kanya nang nag green na ang trafficlight. "uh.. meron."

"Ganun? Anong oras?" "hmmm, 5." 5? Eh 4:00pm na ah! "Gusto mong kumain muna tayo?" "HA? Eh, paano? I mean..." "Okay lang. Di naman ako masyadong importante sa scenes ngayon eh." Kaya ipinark na niya ang sasakyan sa parehong restaurant na kinainan namin nang nagtapat siya. "Di naman ako ginugutom." Sabi ko nang binigyan na kami ng menu. "Ako rin..." He smiled. "Ice cream na lang." Sabi niya sa waiter. Nakatunganga lang ako sa harapan niya. "Bakit?" "Natatakot lang ako para sa taping mo." "Huh?" "Kasi... baka-" "Okay, pagkatapos nating mag ice cream, ihahatid na kita agad at dediretso na ako sa taping." Tumango ako at agad namang binigay samin ang ice cream. WOW. Pero, kailangan kong bilisan ang pagkain nito dahil ayaw kong ma late siya. "I`m actually doubling my efforts." Sabi niyang bigla. Nakatingin lang ako sa kanya at nagtataka kung ano ang ibig niyang sabihin. "Never mind... uh, kelan nga pala ang birthday mo?" Now that he mentioned it. Tiningnan ko ang calendar ng cellphone ko. My birthday is near on Dae`s birthday. LIMANG ARAW lang pagkatapos ng birthday ni Dae, eh birthday ko na. At para sa taong `to, nasa parehong linggo ang birthday namin. "Uh... April 25." Sabi ko habang dumudungaw ako sa phone ko. "Sabado. Bakit?" "Wala lang." He smiled. "Bakit? kelan ang birthday mo?" Tanong ko. "Ngayon." He smiled. Nanlaki ang mata ko.

"What? ba't di mo sinabi?" Nakangiti lang siya. Grabe, nga naman. Hindi pa kami ganun ka close para malaman ko ang birthday niya. "Happy birthday ulit! Uh, sorry sa-" Nakita kong mejo namaga ang pisngi niya. "-suntok ni Dae." Sabi ko kay Nico nang nakalabas na ako sa sasakyan niya. "Okay lang, nasuntok ko rin siya eh kaya..." Napabuntong-hininga siya. "Salamat sa paghatid sakin." Sabi ko. Tiningnan ko ang relo ko, "it`s 6:00pm already." Tumango siya at ngumiti. "O sige... salamat talaga. Happy birthday." Tumakbo na ako sa gate namin. Ayaw ko kasing matagalan siya sa paghahatid sakin at mapagalitan pa siya ng direktor nila. Tsaka, nagi-guilty ako sa suntok ni Dae. Puhunan niya pa naman ang mukha niya.

Pagkapasok ko sa bahay, umalis agad ang sasakyan niya. "Hi couz!" "Ay potek." Andito pala si Crayon? "Kaya pala naghuhuramentado si Dae eh." Lumingon siya kay Dae na nasa sofa lang at naghihintay. "Hatid sundo ka pala ng mokong na yun." "Paano kayo nakapasok?-" Nakatitig lang si Crayon sakin. "-never mind." Pumunta na ako sa kwarto ko nang nakita ko si Ney na umaaligid sa bahay. Andito si Ney kaya siguro nakapasok sila. "Grabe, alas kwatro kayong umalis, tapos alas sais kang umuwi?" Sabi ni Dae. Bumalik ako sa living room, halos ayaw kong makita ang mukha ni Dae eh - namamaga din ang pisngi niya. "Nanliligaw ka ba talaga? Basted ka na sabi eh. Ayaw ko sayo!" Nainis na talaga ako. "Di mo ba ako maintindihan?" Tumayo siya sa harapan ko. "O kung ganun, sabihin mo sakin kung anong pwede kong gawin para maintindihan mong di ako titigil sa panliligaw sayo!" Humina ang boses niya, "Sabihin mo sakin kung ano ang gusto mo, gagawin ko-" Napatingin ako sa kinatatayuan ni Crayon pero wala na siya. "-susundin ko."

SLAVERY???

64th fall Serene Cruz: Mahal mo ba ako?

"Talaga?" Lumapit ako kay Dae at mas lalo kong naaninaw ang namamaga niyang pisngi. Gusto ko sanang ibasted ulit siya pero sa totoo lang naeengganyo ako sa offer niyang `to. Para bang hindi ko mapigilang hindi siya pagbigyan sa gusto niyang mangyari. Hindi siya makatingin sakin, "O-Oo." "Talagang-talaga? As in, pwede kitang utusan?" I smiled an evil smile. >:D "O-O sabi eh!" Pinindot ko ang pisngi niyang magang-maga. "AWWW." "S-Sorry." Hindi ko sinadya yun ah, tiningnan ko lang kung talagang malala nga. "Ang lakas palang manuntok nung gagong yun!" "Kasalanan mo naman kasi. Ba't mo siya sinuntok." Kumuha na ako ng ice sa refrigerator. "Eh sinabi niyang pinapangalagaan ko lang ang pride ko, nakakainsulto." Napalingon ako sa kanya. "A-Ano?" Hindi ulit siya makatingin. "Bakit? Di ba yun totoo?" "HINDI NOHHH!" Lumapit na ako sa kanya. Kaya lang, nang papalapit na ako parang napaatras pa ako dahil na tetense ako. Bakit na naman ba? Talaga bang ganito na lang ang epekto niya sakin. I tried to act like nothing's wrong. "Ilagay mo `to sa mukha mo." Sabi ko. Ayaw kong ako ang gumamot sa pasa niya. Baka di ko mapigilan ang damdamin ko`t magwala na naman ang puso ko. Kinuha niya naman ang ice at linagay niya sa pisngi niya. Umupo ako sa tabi niya habang tumitingin sa labas. Nakita kong naglalaro ng PSP si Crayon at Ney sa labas at busyng-busy.

"Nahalikan ka na ba niya?" "Ha?" "Ano?" "Anong palagay mo sakin, cheap?" "Hindi. Pero, artista yun eh, kahit cheap o hindi-" "HINDI PA!" My gosh. Nagsisimula na naman siya. "Uh-" "Dae, pwede ba? Wa'g kang magsalita diyan!" "Uh, huh?" "Sabi mo sakin gagawin mo kung ano ang gusto ko." "Bakit? Akala ko ba basted na ako?" "So, tanggap mo na talagang basted ka? Okay la-" "JOKE lang! Tatahimik na, eto na..." Tahimik lang siya habang ginagamot ang sariling sugat. "Talaga bang pwede kitang gawing yaya or ano? Kaya mo ba talaga?" Hindi siya nagsalita. "Ano ba! Tinatanong kita." "Akala ko ba di ako magsasalita?" PILOSOPO PA! Grrrr. Hindi ako tumingin sa kanya. Nakakainis eh. "Uy, Serene. Sorry na. Sasagutin ko na ang tanong mo." Lumingon ulit ako sa kanya. "Oo. Kahit ano." "Bakit? Para saan? Para mahigitan mo si Nico? Ganun ba?" "Hindi no. Ano ka ba, ba`t ko naman pag-aaksayahan ng panahon yan?" Hinarap ko siya at tinititigan niya naman ako na para bang tinotorture na siya at ipinapaamin ang kasalanang di niya naman ginawa. "Mahal mo ba ako?" Parang gusto kong magtatawa na lang dahil parang napakaimpossible kung sasagutin niya ang tanong ko ng OO. Napakaimpossible. "Hindi ka naman maniniwala eh." Sabi niya.

Buti alam mo! "Huh-" "Dae, alis na nga tayo dito! Wa`g mong sabihing may plano kang dito matulog? Pupulbusin talaga kita." Sumulpot ng bigla si Crayon. Argh.. ano nga ulit yung tanong ko at ano yung sagot ni Dae? "Ang aga pa... hindi pa nga ako nakakabawi sa mga oras na nandun siya kay Nico eh." Para akong nabuhusan ng isang timba ng tubig. Ano nga yung sabi niya? Hindi ko na naririnig yung mga pinagsasabi niya eh. Ang alam ko, yung mga sinasabi niya sakin eh... 'malandi ka, nakakainis ka, nakakasuka ka.' ba`t parang hindi na si Dae `to? "Eh mas mahaba naman yung panahon mo kay Serene noon eh." "Noon yun nung di pa ko nanliligaw." Umalis na ako at nagpunta sa kusina para uminom ng tubig. Marami pa akong tatapusing assignments, kaya bahala na yang dalawang yan diyan. Okay na sakin yung malamang.... nanliligaw si Dae sakin. AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! Este... slave ko siya. "O sige, isang oras lang ah." Sabi ni Crayon pagbalik ko. Nakaupo lang si Dae sa sofa at lumabas naman si Crayon para makipaglaro ulit kay Ney. Linapag ko na ang mga assignments ko sa mesa ng living room at tahimik lang si Dae na nanonood sakin.

65th fall Serene Cruz: Para saan?

Ilang minuto ang nakalipas, napansin kong hindi talaga siya umiimik at pinapanood lang akong ginagawa ang assignment. "Ang hirap naman nito."

At least mejo natuto nga naman ako sa mga itinuro ni Nico pero may mga part parin na hindi ko naiintindihan. "Ang alin?" Lumapit siya sakin. HMMM? Magpapaturo na nga lang ako kay Dae, magaling naman siya eh. O di kaya, siya na lang ang ipasagot ko? "Eto oh." Itinuro ko yung mahirap na part. Tinuruan niya naman ako at talagang di niya sinagutan para maituro lang sakin ang tama. "Ahhhhh." "Ano bang tinuro ni Nico sayo't bakit di ka parin marunong nito?" Tinitigan ko siya. "Okaaay. Sorry. Never mind. Di ko naman siya binabatikos dito." He looked at my assignment. "Ikaw na nga lang sumagot ng lahat ng yan! Ang yabang-yabang mo talaga." "Paano ka matu-" Binigyan ko siya ng masamang tingin. "O-Okay!" *KRIIIINNNNG* Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Sophie. "Hello?" "Hello, Serene. Kamusta na diyan? Nandyan pa ba si Dae?" "Oo." Sinabi siguro ni Crayon. "Nabasted mo na ba?" "Oo." "Ba't andyan pa siya?" "Makulit eh." "Tapos...?" "Ayaw magpabasted." Binulong ko `to sa cellphone kaya napalingon si Dae sakin nang di niya narinig `to. Dumungaw ulit siya sa assignment ko at nagpatuloy sa pagsagot. Narinig ko naman sa phone ang malakas na tawa ni Sophie. Kahit nga si Dae mukhang napalingon ulit. "HAHAHHAHA..." She catched HAHAHAHAHA. Saktan mo yan!" her breath. "Naku, gawin mong alalay...

"Ha, Sophie. grabe naman..." AY SERENE~ Gunggung ka talaga. Ba't ka manghihinayang na masaktan ang hayop na yan? (sabi ng konsensya kong... masama) Masama pa talaga? "O sige na... HAHAHAHA. Goodluck." "Bye..." Binaba ko na ang cellphone. "Sino yun?" Nakaupo lang ako sa sofa habang hinu-hug ang pillow... Si Dae naman ay sinasagutan parin ang assignment ko. "Si Sophie." Tinitingnan ko lang siya't naiinlove na ulit ako. Naku po... paano na `to?! Bobo na kung bobo pero... MAHAL KO PARIN SIYANG TALAGA. Hindi ko na ata kayang makalimutan siya. Kahit na sabihin niya sakin ngayong di totoo yung mga sinabi niya, mukhang di parin magbabago ang puso ko. Linagay ko ang unan sa mukha ko. *KRIIIING* Kinuha ko ulit ang phone ko at sumulyap ako kay Dae... "Hello, Serene?" "Nico!" Napalingon si Dae sakin. "Tapos na ba ang shooting niyo?" "Oo. Hehe, andito kami sa isang restaurant ngayon kasama ang mga cast. Sinurpresa nila ako." "Wow, talaga? mabuti naman... Happy birthday ulit!" Nakita kong tumigil si Dae sa pagsusulat. "Thank you. Gusto mong pumunta dito?" "Ha? Naku..." Sumulyap ako sa orasan. "Gabi na eh." "Ganun ba..." Maingay ang background niya. "Mag-enjoy ka diyan ah! Hehehe. Tsaka, maghahanap pa ako ng gift - okay lang ba kahit late na?" "Oo naman!" Naging excited ang boses niya. "Serene... ikaw na nga ang tumapos nito!!!!" Sabi ni Dae bigla.

"Sino yun?" Pahamak talaga `to si Dae! "Ahh, si Crayon. Nasa bahay namin siya." "Ahhh." "Sige, Nico. Happy birthday ulit! Inuutusan pa kasi ako ni Crayon eh!" "Sige... thanks!" "Bye." Agad kong binaba ang phone. "Ba't mo sinabing si Crayon ako??? Ba't di mo sinabing andito ako sa bahay niyo???" Sabi ni Dae habang tinatakpan ang humiliation na nakita ko sa mga mata niya. "Ayoko nga, baka magselos si Nico." "Eh ba't di ka na lang nagpretend na si Sophie yung tumawag sayo?" "Para saan?" "BAKA MAGSELOS AKO!"

66th fall Serene Cruz: Whatever, Caryon.

Stoooop that Dae! Nakatingin lang ako sa kanya habang hinahawakan niya na ang mga braso ko`t kasasabi niya lang na 'BAKA magselos siya.' "Ah, sinabi mo sana ng mas ma-aga." Sabi ko out of nowhere. Tinanggal niya ang kamay niya sa mga braso ko. "Sige, Dae. inaantok na ako. Ikaw na ang bahala sa assignments ko." "H-Huh? Eh natapos ko na eh." "I-transfer mo sa one-whole-sheet of paper." "Grab-" Tinitigan ko siya. "Oo-okay." Tinalikuran ko siya. My gosh, excited na akong makarating sa kwarto at magsisigaw at magtatalon dun. Hinawakan niya ang left arm ko, "Sandali..." "Ano?" Keep acting cool please? "Matutulog ka na?" "Oo."

"Bakit, boring ba akong kasama?" "M-mejo?" "Eh pinapagawa mo lang kasi ako ng assignment eh." "Sige na, inaantok na ako." Kinuha ko ang braso ko sa kamay niya. "Serene naman, tinutulugan pa ako dito." "Tse~" Iniwan ko na siya sa living room at dumiretso na ako sa kwarto. Pagpasok ko sa pintuan, agad kong sinara at sinandalan. "MY GOOOOOD~," "Serene?" *Tok-tok-tok* "Ay anak ng palaka..." Binuksan ko ang pintuan dahil sa nerbyos. "Dito ko na lang `to gagawin." Sabi ni Dae habang dinala lahat ng papel at notebook ko. "B-Bakit?" "kasi, at least nakikita kita. Wa`g kang mag-alala wala naman akong gagawin dito. Itatransfer ko lang yung assignment mo sa papel." "okay, whatever." Pumunta na ako sa kama at kinuha ko na ang kumot ko. MATUTULOG NAMAN KAYA AKO? "Pagkatapos mo dyan, ilagay mo na lang sa mesa tapos umalis ka na at i-lock ang kwarto." Narinig ko ang buntong hininga niya, "Okay." Wow, ang galing! HAHAHAH. Ang sarap ng feeling neto. Para akong prinsesa at pinagsisilbihan ng prinsipe ko. Naks! LOL. Ang sama ko talaga. Sumisilip-silip ako sa kanya paminsan-minsan. Grabe, di nga ako makatulog kaya PRETEND na lang nang PRETEND ang ginagawa ko. Ilang sandali ang nakalipas, "Serene, tapos na~" "Hmmm...?" ACTINGGGGG~! HAHAHA. Bahala na... "Ilagay mo lang~"

Naramdaman kong lumapit siya sakin. "~dyan." "DAE! Isang or-" "Shhhh!" Crayon`s inside my room! "What?" Humina ang boses niya. "Natutulog." Parehong mahina ang boses nila. HAHAHA. Feeling ko kinikiliti ako eh. "Tayo na~!" "Magpapaalam pa ako." "Eh natutulog na nga diba?" Bigla na namang bumalik ang malakas na boses ni Crayon. "Wa`g ka sabing maingay eh." "Oo na... tayo na... Di pwedeng nasa loob kayo ng isang bahay kahit isang gabi!" Naramdaman kong tinutulak na ni Crayon si Dae papalabas. "Lika na!!!" Saka lang ako tumayo at dumungaw sa bintana nang narinig kong umandar ang sasakyan ni Dae. "AHHH~! HAHAHAH. Thank you LORD! Sa wakas, si Dae..." Biglang lumabas si Dae sa sasakyan, "SERENE~!" Oh my gooolay, nakita niya ba ako? Agad akong nagtago sa tabi ng bintana. "Asus, may patago-tago ka pa dyan. Kita na kita!" Sigaw niya. AYYYYY~ "Dae~ Hayaan mo na nga siya. Umuwi ka na nga!" Sigaw ni Crayon kay Dae. "Tsaka, tulog na siya eh. Namamalikmata ka lang ata." Tumawa pa si Crayon. Agad namang umandar ang sasakyan ni Dae at umalis na... I sighed in relief. "Gising ka pa nga!" Biglang sumulpot si Crayon. "Couz, you`re impossible. Sinaktan ka na ni Dae tapos para ka paring krung-krung diyan at inaabangan siya."

Sabi niya habang tinitingnan ang mga assignments na ginawa ni Dae. Bumalik na ako sa kama. "Ang lakas ng tama mo sa kanya..." "Whatever, Caryon. Shut up!" Sabi ko. Ayaw kong aminin kahit kanino, kahit sa sarili kong TALAGANG MAY GUSTO AKO SA KANYA. MAY GUSTO PA AKO SA KANYA. "Oh well, sino kaya ang mas malakas ang tama sa inyong dalawa?" What? "Good night." At sinara na niya ang pintuan. What?

67th fall Serene Cruz: Ang bigat ng bag ko...

"Pass your assignments!" Shucks. I`m sooo late. Kakapasok ko lang ng room. Antagal ko kasing natulog kagabi kaya matagal ring nagising. Sumulyap si Dae sakin. "Ang assignment mo?" Tanong ni Nico. Agad kong kinuha sa bag ko ang assignment ko. Si Dae naman, tahimik lang at pinaglalaruan ang ballpen niya. "Serene..." Binigay ni Nico sakin ang assignment ko. Parang nagtataka siya, bakit? "O," Kinuha ko para ipasa na sana dahil masyado ng busy ang lahat sa pagpapasa ng assignment nila.

"Serene... mali ata ang linagay mo?" Sabi ni Nico sakin habang ipinakita ang assignment ko. "Bakit?" Mali ba ang ginawa ni Dae? "Kasi..." Tinuro niya ang pangalan kong "Serene C. Tanseco." "W-Wh-What?" "Late papers wont be accepted." Agad kong linagyan ng strikethrough and Tanseco at pinalitan ng Cruz. Halos tumakbo na nga ako sa harapan para lang maipasa ng mas mabilis sa late papers... "Potengyni talaga... Ba't ganun ang linagay ni Dae??" Nagdabog pa ako sa upuan ko para ipakita kay Dae na tutol ako sa sinulat niya. "Uh, inaantok ako kagabi nung tinapos ko yun eh." Tumango naman si Nico kahit halatang hindi nagtataka parin kung bakit ganung family name ang nasulat ko sa papel ko. Napaka babaw na rason ang 'antok'. GRRR. Ayaw ko namang pagalitan si Dae sa harapan ni Nico dahil baka magtaka si Nico at mas lalong magduda. Okay! Bakit masyado kong pinapangalagaan ang damdamin ni Nico? *DING-DONG-DING* Pagkatapos ng isang oras... "Serene, about the Ball..." Sabi ni Nico. "Oh," Malapit na nga pala yun. Kasi malapit na ang finals. "May date ka na ba?" Lumingon si Dae saming dalawa. "Nukaba... akala ko ba ikaw ang date ko?" Tanong ko kay Nico. He laughed, "Akala ko kasi may iba kang inimbita." "Wala noh! Tsaka, sabi ko naman sayo diba?" Sumulyap si Dae at... "Serene, sa summer nga pala... pupunta kami ng Te Beach Resort. Sumama ka ah?" Nagkatinginan si Dae at Nico. "O-O Sige..." Nagkkatitigan parin ang dalawa. Para bang ilang sandali na lang at mag-aaway ulit sila.

"Dae!" Saka tumingin si Dae sakin. "Nico, baka ma late ka na." Tumango si Nico at... "Okay, thanks. Ingat ka ah." Umalis na. Nagpatuloy ako sa pagliligpit ng gamit. Tinulungan naman ako ni Dae. HEH! Bahala na nga siya. "Siya na pala ang date mo?" "Naninigurado lang." Natigilan siya. YES, DAE! Iniinsulto kita. "Pag ako ba, di sigurado? Tsaka sino ang date ko?" Ako naman ang natigilan. "Si Francine, ayain mo... sigurado." "Ayoko nga." "Edi sinong date mo?" "Wala na nga lang!" VERY GOOD! "Alam mo ikaw, ba`t Tanseco yung linagay mo sa assignement ko? Nakita yun ni Nico, tsaka panu kung di niya namalayan yun? Anong sasabihin ng prof?" "Ano? talaga? Di ko rin namalayan yun eh..." Nagtaka siya. "EWAN KO SAYO! Wala ka talagang kwenta." "Ang sama naman nito..." Tahimik lang siya habang pinapanood akong liniligpit ang mga ballpen kong iba-iba ang kulay. At nang natapos na ako sa pagliligpit ng gamit. "Ang bigat ng bag ko..." NAGPAPARINIG. "Ah, uh... saan ba tayo?" Tanong niya kahit nasa classroom pa kami. "Tayo? Sasama ka sakin?" "oo naman!" "Sa... ewan... cafe?" Dahan-dahan niyang kinuha ang shoulderbag ko. "Ako na ang magdadala nito." HAHAHAHA. EXCELLENT! Nakaka-adik na talaga si Dae.

68th fall Serene Cruz: May tumawag kasi, importante.

"Paganda ka na ng pagandang talaga..." Sabi ng bading na kaibigan ni kuya Red. Siya na naman kasi ang nagmake-up sakin. Anggaling niya kasi at ayaw ko namang magpa-parlor dahil hindi ako komportable. Nakauwi na si Mama at Papa galing States. At tapos na ang finals, at isang oras na lang... magsisimula na ulit ang Seasonal Ball. Syempre, wala akong balita sa magiging date ni Dae. Ako naman, date na si Nico. HMMM, sana pumunta si Dae kahit wala siyang date. Para naman maranasan niya kung anong feeling. Pasalamat nga siya't di ko siya pinaasang siya ang magiging date ko, kahit si Nico naman talaga. "Sino ba ang date mo?" Tanong ng kasama niyang babae. "Si Dae parin ba?" "Hindi." Tumawa si Mama. "Ba't nga ba hindi si Dae ang kinuha mo, Serene? Diba crush mo siya?" "May ibang date na po yun. Hayaan niyo na nga yung tao." Tumaas ang kilay ng mga kaibigan ni Kuya. "Talaga? Ipagpapalit ka niya? May mas gaganda pa ba sayo?" Nagtawanan silang lahat. "Di na bale, si Nico Lee naman kasi ang date ko ngayon." Nanlaki ang mga mata nila. "N-Nico Lee?" "Oo." "Ba't di mo naman sinabi agad!" "Naku... ang swerte mo! Kaibigan mo pala siya?" Tumango ako. Pinag-usapan na nila si Nico kasama ang mga nalilink sa kanyang mga teen stars din. Si Mama naman, umalis ng kwarto. Kaya kaming tatlo na lang ang naiwan.

*KRINNNG* "Hello?" "Hello. So, ano, sinipot ka ba ni Nico?" Si Dae! "Dae, pwede ba. may isang oras pa bago magsimula at... sisiputin ako ni Nico." Napatingin ang dalawang kaibigan ni Kuya sakin. "Nagtatanong lang naman ako eh. K-Kung sakaling di siya makakarating, tawagan mo lang ako ah?" "O-Okay? tsaka, di naman siya bobo para indianin ako noh!" NAGPAPARINIG. OO, DAE. BOBO KA! "B-B-Bobo?" "O..." Nag-unahan ang dalawa sa paglapit sa bintana para tingnang mabuti ang nasa labas. "Ayun na ata ang date mo." Sabi nila. Sabi ko na nga ba, di niya ako bibiguin! PUAHAHAHA. "Ayan naaaa, talagang si Nico Lee!!!" Nagtilian sila. "Basta, tawagan mo lang ako ah. Para makapagbihis na ako." "H-Huh? Bakit? Di ka pa nakakapagbihis?" "Ah. oo." "Bakit?" "Di na lang siguro ako pupunta kung sisiputin ka ni Nico." "Ha?" Serene, wa'g kang magpahalata. "Ba't naman? Alam mo, walang date si Francine. Kawawa naman siya." Gosh! Clumsy. Pabigla-bigla na lang ang mga salita ko, hindi ko naman alam kung talagang wala ngang date si Francine. Tsaka, pangcover-up ko lang yun. Gusto kong andun siya. "Alam kong wala siyang date. Ano namang pakealam ko, basta..." Yes, nakalusot ako. Wala pala talagang date si Francine. I need power! "Magbihis ka na nga diyan. Inuutusan kitang pumunta dun!" "Serene, andito na si Nico." Tinawag ako ni papa.

Nagtilian ulit sila. Ilinayo ko ang phone ko sa mukha ko. "O-Opo." "Andyan na pala si Nico?" "O-Oo." gosh, ba't parang nagi-guilty ako? At bakit ako magi-guilty? "Okay. Buti di nga siya bobo." OMG! "Dae, listen... pumunta ka!" Lumabas ang mga kaibigan ni Kuya sa kwarto ko para salubungin si Nico. Si Ney naman ang pumasok sa kwarto. "Ate, lumabas ka na daw. Ano pa bang hinihintay mo dito?" Di na ako nakinig sa kanya. "Wala nga akong date." Sabi niya at mukhang seryoso siya sa desisyon niya. "Pumunta ka sabi!" "Nakakawalang-gana." I sighed. "Ba't ayaw mong sumunod sa gusto kong mangyari?" "Ano bang gusto mong mangyari?" "Pumunta ka... pumunta nga ako noon, k-kahit wala akong date."

Pumasok ulit ang mga kaibigan ni kuya at ngayon kasama na nila si Nico. OMG, I want to talk to Dae. Binaba ko na ang cellphone ko. Naku... mas lalo akong nagiguilty. Binabaan ko siya ng phone! "S-Sorry. May tumawag kasi, importante." I smiled. Nakangiti lang si Nico habang tinitingnan ako. Tumili silang lahat. "Naku, bagay na bagay kayo!!!!" "Let`s go?" "Nagpaalam ka na ba kay papa?" Akala niyo siguro, ako yung nagsalita. Hindi! T`was Ney's question.

"Oo." Ngumiti ulit si Nico. "Ahhh, pumayag siya?" May bahid na pagdududa, pang-iinis at sarcasm ang tanong niya. Nakuuuu, Ney... di porke't binibigyan ka ni Dae ng kendi noon eh siya na ang gusto mo para sakin forever. "Ah, Nico... pabayaan mo na siya... Lika na." Sumunod naman sila samin paalis ng kwarto. I glanced at my phone... and Dae didn't call again. No message too.

69th fall Serene Cruz: Hindi ko alam.

I typed: Dae, pumunta ka, that's an order. (Clear) I typed again: Dae, kailangan mong pumunta. (Clear) Gosh! ano bang sasabihin ko? yung di halata. Yung friendly lang talaga. Pumasok na kami sa sasakyan ni Nico. "Serene, ingat ka ah!" Sigaw ni mama. Kumaway naman si Papa at ang mga kaibigan ni Kuya. Kumaway na rin ako. Pag-alis ng sasakyan ni Nico, saka ko ulit tiningnan ang blank message ko sa phone. "Mas lalo kang gumanda." Nico said. Napatingin ako sa kanya, "hehe, thanks."

Ang gwapo niya pala ngayon. I mean... limang ulit siyang mas gwapo ngayon. I typed: Dae, asan ka na? Pumikit ako at SEND! Pagkatapos kong nakita ang 'message sent' napabuntong-hininga ako. "Ang sabi ng papa mo kanina, akala daw nila si Dae parin ang date mo." "Ah... hehe." I kept my phone. Tinago ko, pero tatlong beses sa loob ng isang minuto ko siyang chini-check. "Close pala talaga kayo ni Dae, ano? I mean... close siya sa family niyo." Tiningnan ko si Nico at bahagyang lumingon din siya sakin. "Oo. Simula kinder kaming magkaklase eh, at magkaibigan rin yung parents niya at parents ko. Pati nga parents ni Crayon." Tumango siya. I glanced at my phone, wala parin. *KRIIIING* Agad kong kinuha ang phone ko. Patuloy s apagd-drive si Nico. "Si Crayon." Sabi ko pagkatapos kong mabasa ang pangalan niya. "Hello?" "Hello, Nico`s with you?" "Oo. Why?" "Wala, akala ko di siya sumipot." "Bakit?" "Nagtext kasi si Dae sakin kanina na he changed his mind. Pupunta na daw siya sa ball. Akala ko kaya siya pupunta dahil wala kang date... So... yeah... Lika na..." Di ko mapigilang ngumiti. Pero ba't di siya nagtext sakin? Nagtampo siguro yun. "Talaga?" "Yeah. And... Francine's already here. Kaya impossibleng silang dalawa. Asan na ba kayo." "Papunta na... bye..." Binaba ko an ang cellphone ko.

"Yes!" "hmm? Sino yun?" Ay... Shooooot. "Ah, si Crayon. hehe." Tumango siya. Mabuti na lang at di siya nagtanong kung bakit ako masaya. LOL Nang nakarating na kami... "WOWWWWWWW! At last, may date ka na ngayon!" Nagtawanan ang buong banda. Wala pa si Dae ah? Bahala na nga yun. Ano naman ngtayon kung di siya pupunta? Nakita ko si Francine at ang ganda-ganda niya ngayon. Super. Marami naman siyang kasama kasi marami siyang kaibigan, kaya lang halata talagang wala siyang date. Alam niya kayang nanliligaw si Dae sakin? Naabutan niya akong nakatitig sa kanya. I looked away. Ilang sandali, napansin kong papalapit na siya sakin. "Where's Dae?" She asked. "Di ko alam." "He said he's going." OMG, nagco-communicate pa pala sila? OA. "You`re going with Nico?" "Yeah." obviously. "Akala ko si Dae na ang date mo?" "Hindi eh." Kumaway siya sa ibang kaibigan niyang kakarating lang. "Then who`s his date?" "wala..." Sabi ko. "So, sinong sasagutin mo sa kanila? At kelan?" Lumingon ako sa side. Buti na lang at walang nakikinig. Busy sila sa kani-kanilang mga sarili. Kaming dalawa lang talaga ni Francine ang magkausap. And, hahahaha, alam niyang nanliligaw si Dae sakin. "Hindi ko alam."

She sighed, "Alam mo bang tinigilan ko ng makipag communicate sa kanya. I'm starting to move on because I thought there's no way for you to reject him. And then, ngayon? Namamangka ka sa dalawang ilog?" Hindi ko alam kung sarcastic siya ngayon o concern lang siya kay Nico at Dae. "You should choose." "H-Huh?" "Akala mo ba masaya si Nico dahil pinagbigyan mo siyang manligaw sayo kung alam niyang nanliligaw si Dae sayo? Kahit na ilang ulit mo pang sabihing wala ka ng feelings kay Dae, kung totoo man yun, di parin siya makakasiguro dahil ilang taon mo siyang hinintay, Serene." Napatingin siya sa likuran ko. "Well, anyway... I'm just concerned with them. I know them, so... gusto ko lang namang sabihin sayo na hindi ako titigil kay Dae ngayong alam kong mukhang naglalaro ka lang." I was... speechless. Umalis na siya nang wala man lang naririnig galing sakin. "Tse~!" Sigaw ni Sophie kay Francine. Napatingin ako kay Nico habang kasama ang iba pang classmate at kaibigan niya. Hindi parin nagsisimula ang program. "Hoy. Wa'g kang magpapaniwala sa Francine na yun..." But I think she's right. Namamangka sa dalawang... ilog. And, I need to decide soon? Do I have too? Sinong pipiliin ko? Si Nico? Si Dae? Madaling ma inlove kay Nico - syempre. At mahirap mag move-on kay Dae.

70th fall Serene Cruz: Nico, I'm sorry-

Nagpaalam si Nico na pupunta sa kanyang kaibigan. Hinayaan ko siya dahil nakikita ko si Sophie na mukhang kating-kati na sa kanyang itatanong sa akin.

"Wala parin ba si Dae?" Tanong ni Sophie sakin. "Ewan..." Wala parin siya. Magtatatlong oras na ang nakalipas. Asan ba siya? Nakuuu... pupunta pa kaya siya? Malapit ng matapos ang program, tapos sayawan na... ba't wala pa yung mokong na yun? Talaga bang pupunta siya dito? Crayon showed me his phone... "Message niya `to kanina." Dae: Paparating na ako. "Hanggang ngayon, wala parin siya. Ano kayang nangyari sa kanya?" Lumakas ang tibok ng puso ko. Dahil sa sinabi ni Crayon, marami akong naisip. Baka nadisgrasya siya? Baka may nangyaring masama. Nininerbyos na ako. Agad kong kinuha ang cellphone ko... I dialed his number... HINDI NIYA SINASAGOT. "Tawagan mo, Crayon." Sabi ko habang binababa ang phone pagkatapos ng pangatlong ulit kong tawag. "Kanina pa nga ako tumatawag, di niya sinasagot." "Ha? Hindi niya rin ako sinasagot." Akala ko ako lang ang hindi niya sinasagot dahil nagtatampo siya. Pati pala si Crayon. Ano ba talagang nangyari sa kanya? "Tinawagan ko na rin sa bahay nila, sabi ng maid nila kanina pa daw umalis." "What?" OMG. Kinakabahan na talaga ako ng todo-todo. Paano kung may nangyaring masama sa kanya? Maloloka ako ng bonggang bongga. Ilang sandali ang nakalipas, si Sophie, Crayon at ako na lang ang naiwan sa table namin, sumayaw na sina Chyna at Mina at yung iba pa... Nakabalik na si Nico, kinuha niya ang kamay ko. Sumunod na lang ako sa kanya. We danced! *I've known you for so long you are a friend of mine... but is this all we'll ever be?*

Nagflashback sakin ang lahat ng nangyari last Seasonal Ball. Ito mismo ang kantang narinig ko sa taxi na pinatay ng driver dahil di na tumitigil ang luha ko. Pati ang feeling na pinagpalit ako ni Dae, nararamdaman ko na ulit. Pero ngayon, may halong kaba ang nararamdaman ko. Hindi ako nasasaktan ngayon, kinakabahan lang talaga. "What`s wrong?" Tanong ni Nico. "Uh-Uhmmm, wala..." "Are you worried? Wala pa si Dae." Ngayon mas lalo kong naririnig ang boses ni Francine. I`m so confused. Hindi ko na rin alam kung ano ang iisipin ko, si Dae, si Nico, si Francine... EWAN! "Uh, oo." "Hmmm, did you call him?" "Oo. Walang sumasagot eh..." The song was louder now... *But then again when you cry... I'm always at your side...* Tama nga kayang hinahayaan kong ligawan ako ni Nico? Sasagutin ko ba talaga siya? Sasagutin ko ba si Dae? Sinaktan ako ni Dae, minahal ako ni Nico... "Nico," "Hmmm?" Nakatitig lang siya sakin. At yun lang ang ginagawa niya habang marami akong iniisip. Tinitingnan niya lang ako. Maaring marami siyang nababasa sakin. At maaaring may alam na siya sa sasabihin ko. "Nico," I-I don't think I deserve your love... Pero naunahan na ako ng mga luha ko. He wiped my tears. He smiled, "Tamang tama ang kantang `to para satin ngayon ah?" I looked at him. "Nico, I'm sorry-" "Shhhh..." He put his index finger on my lips. "Alam ko. Simula pa lang alam ko na..." WHAAAT? "H-Huh? N-Ni-" "Alam ko... Alam ko..." He smiled. "Nag-aalala ka kay Dae. And you still love him..." "H-Hind..."

Hindi na ako nakapagsalita. Parang gusto kong aminin pero ayaw ko. Baka di niya na ulit ako kaibiganin. We're friends and I'm scared. "Pero di ako titigil sa panliligaw sayo... Hanggang sa aminin mo sakin ang totoong nararamdaman mo nang walang 'sorry'." Sabi niya. Mas lalong tumulo ang luha ko. Di siya titigil? Mas mabuti ng tumigil na siya... Ba't kailangan niya pang hintayin ang mga oras na yun? "Wa'g mong sabihin yun ngayon ah? Sabihin mo yan pag kaya mo na ring aminin sa lahat kung sino ang mahal mo." MY GOOOOSH! Ba't ganito si Nico? Ang bait niyaaa~ "Ba't ka umiiyak?" Napalingon ako. And I saw Dae standing on the dancefloor.

71st fall Serene Cruz: So ba't ka nga ba aalis?

Pinunasan ko ang luha ko... "Can I have this dance?" Dae said. Hindi ko mabasa ang mukha ni Nico. Ayaw ba niya o okay lang? "Malapit ng matapos ang kanta para satin..." He ignored Dae. "Hoy!" "Shut up Dae! Umupo ka nga dun!" Sigaw ko sa kanya.

Naiinis ako dahil kahit isang text man lang sakin o kay Crayon, wala. Nag-alala ako eh, nag-alala ako. Tinitigan ko siya. Tinitigan niya lang rin ako gamit ang mga mapupungay niyang mga mata. Naglakad siya papalayo samin... pero akala ko susundin niya ako. "Di pa ba sapat na ikaw ang date niya ngayon, Nico? Pinapaiyak mo pa siya! At ngayon ayaw mong isayaw ko siya? Ba't ka nga ba umiiyak, Serene?" Lumingon ulit ako sa kanya. Bwisit talaga, baka magkagulo ulit dito. "Dahil masaya ako, kasayaw ko si Nico-!" Tahimik siya habang ibinabaling ko ang tingin ko kay Nico. Ngumiti ako at napahinga ng malalim. "Okay, okay!" Sabi ni Dae. "Maghihintay na lang ako kung kelan ka malulungkot." Tinalikuran niya kami at naglakad papaalis sa dancefloor. "Serene, maybe it`s time for you to dance with him." Tiningnan ko si Nico. At mukhang narinig pa `to ni Daekaya agad siyang bumalik samin. "Okay lang. tapos na rin yung kantang para satin eh." Nico smiled. At this time, I felt like Nico was giving up. Bakit niya ibibigay ang pagkakataon niya kay Dae ngayon? Mas lalo siyang matatalo. Pero... he tapped Dae`s shoulder and... "Pero wa`g mong kalimutan, ako ang date niya. The rest of the night, she`ll be with me." "Oo na..." I changed my mind. He was still betting! Siya pa mismo ang nagbigay ng kamay ko kay Dae. Hindi na ako nagsalita. I`m saving my breath and my words. Si Dae na ang kasayaw ko ngayon at nakatingin lang siya sakin habang tinitingnan ko na papalayo si Nico samin. *I lie awake... Thinkin of the days gone by... Wishin that your still here with me, baby* "Ba't ka umiiyak kanina?" Tiningnan niya akong mabuti. Ang mga mata ko naman, kung saan-saan dumadapo. Kay Francine na nanonood, kay Nico, kay Sophie at Crayon, sa mga ilaw sa itaas, sa stilletos ni Chyna at iba pa. Parang nagwawala ang mata ko. Pero syempre, iniisip kong hindinghindi ko pagbibigyan si Dae sa ngayon. Kung binasted ko na si Nico, dapat patas. Di ko ipaparamdam sa kanya na lamang siya o ano. Gagawin ko talaga siyang alila. "Diba nga sabi ko, tears of joy?" Nakatingin ako sa stilletos ni Chyna.

Hinayaan niya lang ako. *Please here this heart of mine... Hear me callin'* Potek. Ba't parang siya yung kumakanta ng kantang `to? "Saan ka ba nagpunta? Akala ko patay ka na eh." "Ang harsh mo naman. Syempre, nagdadalamhati ako dahil di ako ang pinili mo." "Eh ba`t di moko nirereplyan?" Hindi nga ako magpapahalata. "Wala na akong load." "Sinungaling! Alam mo? Sa tingin mo ba talaga sasagutin kita? Eh sa mga ginagawa mo pa lang nakakaturn-off na!" Napatingin ako sa kanya. Mejo kinabahan ako nang nakita ko yung mga mata niyang nakatoon LAMANG sa akin. Sa akin at sa akin lang talaga. Pinandilatan ko na lang siya, tinago ko ang pagwawala ng puso ko. "Sabihin mo kasi kung ano talaga ang gusto mo." "Sinabi ko naman diba? Pumunta ka dito?" "Nagpunta naman ako." "Oo nga, pero late." *your love so true... And i never knew... That its you i need... All this time* Ano kaya yung nasa loob ng bagong album nina Dae? Ang alam ko marami dawng OPM. Anyway, hindi ko pa naririnig yun. Baka may dinedecate siya sakin. LOL. Asa! "Sorry na." Napatingin ako sa kanya. And he was smiling. Parang ang sarap niyang sampalin ng left and right. Kinikilig na ako eh. Bwusit talaga. "Kelan mo ba ako sasagutin?" "Abah, ang kapal mo ah! Alalahanin mo, Dae, Si Nico-" "Oo na kasi. bakit? Slave mo ba siya? HAHAHA. Hindi diba? Di mo nga siguro yun kayang utusan na gawin ang assignments mo eh." "Kahit na!" Napatingin ako sa kanya. "Alam mo, di mo talaga kayang manloko sakin. Mahal mo pa ako, swear." ANG KAPAL KAPAL DIN NAMAN TALAGA NG MUKHA NITO. Kahit na sabihin nating mejo halata ako pero sinong gag0 ba ang talagang itatanong yan?

I sighed, and smiled fakely. "Mahal kita noon, inaamin ko. Pero ngayon? Nakamove-on na ako. Di ko kayang maghintay habangbuhay sayo, and you should know that. People change. I learned to accept that you are... manhid." He chuckled, "Paano ako? i'm in love with you." "And so? Wala akong pakealam. I did my part. If you really love me, then, do your part. Tingnan natin kung maibabalik ko pa ba talaga..." HE'S IN LOVE WITH ME! INAMIN! OKAYYYY! Parang gusto kong tumawa ng malakas.. HAHAHAH. Kapalmuks ko. Para ko siyang binibigyan ng death threats. Para akong nanghihingi ng pera at nangungutang pa sa iisang tao at parehong oras. Pero di niya naman alam na mahal ko pa siya. HAHA "Kung ano man yung nakikita mo sa mga mata ko ngayon at naiisip mong mahal pa kita, I tell you, Serene today isn't the same with Serene yesterday." He chukled again, "I don't want Serene yesterday and Serene today. I want Serene forever." Tumawa siya ng malakas. LOADING... Ayoko na! Di ko na makakaya ang ka kornihan ni Dae. Tatadjakan ko na talaga siya pag di siya tumigil. "Whatever Dae! Bumalik ka na lang sa Francine mo!" NANG-IINIS NA AKO. "Nagseselos ka sa kanya no?" "HA? Ba't ako magseselos? Gosh..." Napatingin ako kay Nico at nakita ko siyang ngumingiti. "Okay now, since your date is that guy. I'll leave for tonight." WHAT? "Sapat na saking naisayaw kita." "HA? Eh panu kung utusan kitang wa'g umalis?" Kung sakali lang naman yun, di halata! "Di ako aalis." Ermmm, okay. HAHAHA "Ahhhh. So ba't ka nga ba aalis?" "Matutulog ako." "ha?" "Okay, I'll reveal something..." Linapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

Yinakap ko na lang siya. HAHAHAHA! Okay... pinagsasamantalahan ko na. "When I get jealous, t`will be bad for Nico's health." He whispered gently.

72nd fall Serene Cruz: Hah? E-ewan ko.

Ilang sandali ang nakalipas, nakita ko si Nico na nakatayo na sa tabi namin. "Oh, andito ka na pala? Para naman akong si Cinderella dito." Sabi ni Dae. "Serene, aren't you tired? You`ve been dancing for almost 1hour and 30minutes." He ignored Dae's question. Alam kong nag-aalala lang talaga si Nico. Pero hindi ko naramdamang pagod ako o ano. Hindi rin naman ako sinaway ni Dae at mukhang siya rin naman ay di pa napapagod. "Oo! Ang sakit sakit na ng paa ko eh." Sabi ko. Dae, sorry ah! HAHAHA Naglahad ng kamay si Nico at binigay ko naman agad ang kamay ko sa kanya. Hinawakan ni Dae ang braso ko. "Ang sama mo talaga. Di ka naman nagrereklamo kanina ah? Porke't si Nico na ang nagtatanong..." "Totoo naman eh. Di mo kasi tinatanong sakin. Palibhasa di ka concern kung okay pa ba ako o hindi na." Tinitigan niya lang ako. Nasobraan ata yung mga sinabi ko. Sorry. He sighed, and let me go. "Iuwi mo siya sa bahay nila ah at kailangan safe siya, Nico." Sabi niya kay Nico. "I will. Di mo na kailangang sabihin yan. I will always do that." Ngumiti si Dae at tinalikuran kami. Nakita kong sinalubong siya ni Francine bago makaalis ng tuluyan pero mukhang wala pa ngang sinasabi si Francine eh linagpasan niya na ito.

"Serene..."

At tuluyan na siyang umalis. Naninibago talaga ako sa kanya. Syempre, kasi iba na ang trato niya sakin ngayon. Naiisip ko tuloy si Francine at Charlotte. Siguro buhay prinsesa ang dalawang yun noon? Nakakainggit naman. Ba't nga ba ako naiinggit"Serene..." "A-Ah. Huh?" Tinatawag pala ako ni Nico. "Are you okay?" "O-Oo. S-Sorry." "Uhm... Sorry kasi inistorbo ko ang sayaw niyo. May sasabihin sana ako sayo..." Sabi ni Nico habang papunta na kami sa table. Kami na lang dalawa ang natira sa table, sumayaw kasi sina Sophie at Crayon. "Ano?" "Titigil muna ako sa pag-aaral next sem." "H-Huh? Bakit?" "T`was the best thing to do sabi ng manager ko." "Okay lang ba sayo yun?" "Marami kasing offers this year sa akin..." WHOA OMG! Magiging superstar na ata siya. He sighed. Tinitigan niya ako na parang marami pa siyang gustong sabihin... hindi na ako umimik dahil naghihintay ako kung sakaling mayroon pa nga siyang sasabihin. "But I wont stop loving you..." OMG! Errrm... "Next week may shooting ako para sa isang movie. Mawawala ako. But I`ll make sure that I`ll be in your birthday, I promise." Kawawa naman si Nico. Sobraaa. Parang ayokong mabigo siya sa akin. "Uh... My birthday week? Uh... Gusto mong sumama sa Te Beach Resort?" Tanong ko sa kanya. "Kasi... on my birthday week, mukhang andun ako kasama sina Crayon. Pero sa birthday ko, siguro naman tapos na yung gig nila nun... kaya..." "Okay lang ba?" "Oo naman!" Di rin naman siguro ako mapapansin ni Dae niyan dahil masyado siyang busy. Grrr... Whatever.

He smiled, "Sige, sasama ako." Pagkatapos ng gabing yun, hinatid niya na ako... Tahimik parin ako kahit sa sasakyan niya, iniisip ko parin yung mga ginawa ni Dae kanina at mga sinabi ni Nico sa akin. Nakarating na kami sa bahay at sinalubong naman kami ni papa at mama agad. "How was your night?" Yinakap ako ni Mama. "Maganda po ang gabi ko." I smiled. "Naku, salamat naman." Wow, they're so concerned this time? "Salamat, Nico." Sabi ni papa habang naglalahad ng kamay. "Walang anuman po yun, basta para sa anak niyo." Nagkamayan sila. Dahil dun sa sinabi ni Nico, parang nagstop ang buong mundo samin tatlo ng mama at papa ko. "Liniligawan ko po si Serene. I want to be the best man for her." ACK~! Nakatingin ako kay Papa. Ito ang unang pagkakataong may nagsabi sa kanya ng ganyan. Si Nico pa ang pinakauna kong manliligaw. I'm waiting for papa's reply. Nasa labas pa kami, ba't di kaya muna kami pumasok? "Okay lang naman sakin yun. Serene's to decide." Tumango si Nico. "Salamat po, kung ganun..." Nico looked at his watch. "May taping ka ba?" I asked. "Oo." "Ha? Gabi na ah?" "Gabi ang scene eh." "O sige, bilisan mo na..." "Sige po, pasensya na. Aalis na po ako." "O sige, mag ingat ka ah." Sabi ni Mama. Umalis naman agad si Nico. "Ang bait niya no, mama? Kung di ko yun tinanong kung may taping ba sila, sigurado di yun pupunta."

Ngumiti lang si Mama... "Mahal mo na ba siya?" WOOOT! Straightforward na tanong habang nakikinig si Papa. Nakakahiya. "Hah? E-ewan ko." "Eh si Dae, mahal mo?" "Ma~!" Tumawa si Mama at Papa. Pumasok na kami sa bahay.

72nd fall Serene Cruz: Pumayag ba ako?

"Downfall Chronicles." Sabi ng isang boses sa loob ng kwarto ko. "Dae!" nabigla ako nang naabutan ko siyang hinahalungkat ang mga pictures ko nung bata pa kami. Nakita ko yung mga pictures namin nung birthday party ko, birthday party ni Crayon. "Bitiwan mo yan!" Sigaw ko habang pinipigilan siyang buksan ang diary ko. Hindi ko pa nasusunog yun. narinig ko si mama, "Serene, andyan nga pala si Dae. Nakalimutan kong sabihin. Uh, Dae, sa labas ka na lang muna maghintay magbibihis ata si Serene." "MA~!" Grabe, di ko na marinig ang sarili kong boses. Dae raised the diary up high, "Opo!" "Akin na yan!" "Bakit? may tungkol ba sakin dito?" "Wala!" "Wala naman pala eh, ba't ayaw mong makita ko?" Buti na lang at nakuha ko agad. I sighed, "Bakit ka ba andito?" He tried to get the diary again so I hid it behind me. "Akin na." "Bakit ba?"

Napaatras ako. "Wala naman palang tungkol sakin diyan eh. Babasahin ko na. Diary yan diba?" "Oo. Kaya nga eh, diary to! Personal." Napaatras ulit ako dahil ayaw niya talagang magpatalo. "T-Tama na, Dae." Nagpupumilit parin siya hanggang sa napasandal na ako sa closet. His face is really really close to mine. "Dae, sisigaw na talaga ako. Tumigil ka na nga." "Wala naman akong ginagawa ah? Tumitigil na nga ako sa pangungulit sa diary mo. For sure, marami akong part diyan kaya ayaw mong ipabasa sakin." "Tsss. Kapal mo talaga." Tinitigan niya ako. He's too close. Too close. I want to scream. Pero di ko rin naman ginagawa. I swear, I'll kiss him in the next 10 seconds! *KRIIINGGGG* Napabuntong-hininga kaming dalawa. Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Nico. "Dae, lumabas ka muna. Magbibihis ako." Ba't nga ulit siya nandito? "Hello?" "Sino yan?" I pushed him to the door. Tinulak ko na rin siya papalabas kasi ayaw niya talagang lumabas eh. Sinarado ko ang pintuan. "Hello, Serene?" "N-Nico, yes?" "Wala lang. I just want to hear your voice before ang taping." Napangiti ako. Dang, he's sweet. "HAHAHA. Good luck then." "Thanks." "Nico, start na!" "Sige..."

"Bye..." Binaba ko na ang phone. napaupo ako sa kama ko habang inaayos ang buhok. Sa pinakaunang pagkakataon, ngayon ko lang naramdamang naistorbo ako ni Nico. WAAA. Sorry, pero yun ang nararamdaman ko sa ngayon. Well, whatever. Nico's sweet. Pero mas sweet sana yun kung pagkatapos na ng isang oras siyang tumawag. "Matutulog na kami, Serene, mag-usap muna kayo ni Dae tutal wala naman kayong pasok bukas. May trabaho kami bukas eh, sorry Dae." Sabi ni Mama. "M-Ma?" I hugged the pillow while sitting on the sofa. Tahimik kaming nanonood ng TV ni mama, papa at DAE habang nasa labas si Ney tapso bigla na lang magwo-walk-out si Mama at Papa? "Nga pala, Dae. Hindi pa tayo tapos." "P-Po? Opo, sorry po." WTH? "H-Ha? A-Ano? Ma? Pa?" "Alam ko na, Serene." My father sighed. "Malaking minus yun sa'yo Dae, and you should know that." Seryoso si Papa. Serysos din si Dae. Kaya naman pala mukhang concern si mama at papa ngayong seasonal ball na to. "Hindi ka niya sinipot last Seasonal Ball niyo." "H-Huh?" "Don't cover his fault just because you love him." "Omygod. I'm not! And I don't!" Tumawa si mama. "Basta. Dae, di ako papanig kahit kanino sa inyo ni Nico. Not anymore. Dapat sana bias ako pagdating diyan... kaso..." "Opo. Handa na po ako diyan. And I understand if you'll hate me." OMG!!! Alam ni Papa na nanliligaw si Dae sakin! "Sige!" Hinawakan ni mama ang kamay ni papa. "Good night." My father glanced at me. "Serene, matulog ka ng maaga." "Po.. Opo." Tumayo na ako para MATULOG. "Matulog ka lang pagkatapos niyong mag-usap." "Anong pag-uusapan namin?" "Tanungin mo si Dae."

Umalis na ng tuluyan si Mama at Papa. Napatingin ako kay Dae at hinawakan niya ang kamay ko then he pulled me down. Napaupo ako sa sofa. "Hoy, ba't ka nga ba andito? Can you explain to me? At anong masamang hangin ang pumasok sa utak mo at mukhang na konsensya ka sa ginawa mo noon?" "Isa-isa lang. Wa'g kang mag-alala sasagutin ko ang lahat ng tanong mo." "Ba't ka andito?" "Bored ako." "Kanina ka pa ba?" "Oo. Dito ako tumambay, kaya late." "Anong masamang hangin ang pumasok sa utak mo at mukhang na konsensya ka sa ginawa mo noon at sinabi mo kay papa at mama?" "Yung pag-ibig ko sayo?" Loading... "Matatawa ba ako?" Sarcasm. You'll shower me with your ka-cornihan, I'll shower you with my sarcasm. "Maniniwala ka." Errrm... Hindi nga pala ako magaling sa sarcasm. HAHAHA "Anong pinag-usapan niyo ni papa?" Sumandal siya sa sofa, "Marami, akala ko nga susuntukin niya ako eh. Muntik na nga akong masuntok, sa totoo lang." I laughed. "Anong sinabi mo sa kanya?" "Sabi ko sa kanya, nanliligaw ako sayo. at date tayo bukas." Errmmm, "Tapos?-" "Pumayag naman siya." "Pumayag ba ako?" I raised my eyebrow. "Nukaba, si Nico nga, di na nagpapaalam sa papa mo pagnag-di-date kayo. Tapos, ako, grabe..." "Ha? panu mo nalamang di siya nagpapaalam kay papa?" "Sinabi nila eh." AHAAAAAAAAAAAAAAA! Papa talaga, akala ko walang bias.

73rd fall Serene Cruz: E, ginugutom ka na diba?

"Bibili ako ng sapatos, damit, jacket - hmmm malapit na ang tag ulan sa Pinas, ano pa ba?... hmmm..." "Mamimili ka?" Tanong ni Dae sakin habang nagdi-drive. Papunta kami sa mall. Kakain lang daw kami dun kaya naisipan kong mamili ng mga gamit. Since, summer na at malapit na ang birthday ko. "Oo, Obviously. Pero mukhang kulang ang pera ko eh." Tiningnan ko siya habang sinulyapan ako at ibinaling ulit ang tingin sa kalsada. "Tapos?" "Pautangin mo naman ako, Dae. O..." HAHAHAHA. Uubusin ko ang pera mo. "Bilhan mo na lang ako." "Ha? paano ka naman nakasisigurong di kasya ang pera mo? Linoloko mo ata ako eh. Gusto mo atang ubusin ang pera ko." "O sige sige... Just in case?" "Hindi pa naman kita girlfriend." Ay. Anakanang... "Ayaw mo nun? Mabuti na yung malaman mong marami akong pangangailangan, tsaka pwede ka pang mag back-out kung di mo naman pala talaga kaya." HAHA. I'm just joking. Sinasadya ko talagang takutin siya sa ubusan ng pera. Tingnan natin kung maturn-off. Nakapagdecide na akong sasagutin ko siya kapag mapatunayan kong mahal niya nga ako. Pero paano ko naman mapapatunayan yun? "Back-out? Asa ka..." Errr... Sige. Mabuti yan, Dae. HAHA "Ano ba kasi yung mga bibilhin mo?" "Mga damit... mga pagkain... at iba pa..." Sabi ko. "O sige, sige... Ang daya mo talaga. Sagutin mo na kasi ako eh." "Ayoko nga! Di na kita mahal noh. Kaibigan lang tingin ko sayo." "Tumahimik ka nga diyan. Kahit ulit-ulitin mo yan, di ako maniniwala."

Tumingin ako sa labas ng sasakyan. Nakita ko ang billboard ni Nico sa isang mataas na building. "Mabuti pa si Nico... Linilibre niya naman ako kahit di pa kami. Sayang lang at may pelikula siya ngayon. Namimiss ko na tuloy siya." Nagpaparinig. Napansin kong sumulyap siya sakin. "Lamo Serene, pag tayo na... wa'g mong sabihin yan sa harapan ko ah." Sabi niya. "Bakit?" "Iiyak ako." "Tse. Ikaw? Iiyak?" Natawa ako. HAHAHAHA. Buang `tong si Dae. Ang sarap kasama. Kahit lagi kaming nagtatalo. Walang kapantay talaga. "Bakit? Pinabili mo ba siya ng damit? Hindi naman diba?" "Sigurado naman akong pag sasabihin ko sa kanya yun, sangkaterbang damit ang ibibigay niya sakin." "Hindi siguro... Di yun magpapauto." "Eh kung ayaw mo, edi wa'g. Di naman ako namimilit." "Sinabi ko ba yun? Ang sabi ko, di magpapauto si Nico. Dahil diba nga... matalino siya? Bobo ako diba? Sabi mo?" HAHAHAHAHA. Asus, di rin ako magpapauto sayo. It's too early to conclude na malakas nga talaga ang tama niya sakin. Whatever. I need Crayon, please. Nang nakarating na kami sa mall, naglakad ako beside him. WOOOH. I'm so happy today. Yesss. Feeling ko binigyan ako ng reward ni Lord sa lahat ng sakit na naramdaman ko noon. "Si Francine ba, binibilhan mo noon ng damit?" "Hindi." "Si Charlotte." He paused for a while. Tinitigan ko siyang mabuti. "Hindi rin." "Really?" "Oo. Ikaw lang ata ang nagpapabili sakin. Ni hindi pa kita girlfriend. Kung nabigyan ko man ng mga bagay ang dalawang yun, di naman nila hiningi." Tiningnan niya ako.

Parang na gi-guilty tuloy ako. Ang sama ko naman. Pero, its part of the plan diba? Kailangang ma-turn off siya. GRRR. Nakakainis. Ang hirap talaga pag mahal mo ang taong ilinalagay mo sa pagsubok. Maraming personal bias. "Tama na nga yan. Ano bang gusto mo?" Sabi niya. Mukhang napansin niya na natigilan ako sa sinabi niya. "Wala. Sabi ko naman sayo, just in case na maubusan ako ng pera diba?" Napabuntong hininga ako nang nakarating kami sa mga botique. Ang pinakahuling napuntahan namin ay ang department store. Buti pa dito, at least di ako masyadong mauubusan ng pera. "Pagod ka na?" Tanong ko sa kanya. NYAHAHAHA. Siya ang nagdala ng mga binili ko. "OO." HAHAHA. Ang kapal ng mukha. Nanliligaw nga sakin pero ang lakas ng loob na magreklamo. "Grabe ka naman, di mo ba naiisip na pwedeng turn-off sakin yung pagrereklamo mo?" "Eh ang bigat nito. Di pa nga tayo kumakain." "O? Kita mo na! I bet di mo yan nagawa sa ibang linigawan mo." "I bet di mo rin `to nagawa sa ibang nanliligaw sayo." he smiled. OMG. Point. "Dae! Nakalimutan ko, bilhan mo naman ako ng chocolate o. Nakalimutan ko talaga." Sabi ko habang papalayo na kami sa department store. Sinulyapan ko ang wallet ko, at wala na akong demn na pera. "Ay wa'g na lang." "Anong chocolate ba ang gusto mo? Ako na lang ang bibili." "Ha? E, ginugutom ka na diba?" "Ako na nga lang ang bibili para mas mabilis. Dito ka lang maghihintay. Anong gusto mo?" "Ferrero-" Agad siyang umalis. Yesss. Libre? At least no, chocolate lang yung nabili niya. Habang tinitingnan ko siyang pabalik sa department store...

"Serene?" Lumingon ako sa babaeng nagsalita. Isang pamilyar na boses, at pamilyar na mukha ang tumambad sakin. Hindi pa nga napoproseso ng utak ko ang nakita ko, nauna na ang puso ko sa pagpintig ng mabilis habang isinisigaw ang pangalang... "C-Charlotte?"

74th fall Serene Cruz: Ooooy, naloko kita!

"Nakabalik ka na pala?" She raised her eyebrow. OMG. Parang di ako makapaniwalang si Charlotte nga ang nasa harapan ko. "O-Oo." "Naunahan mo pa ako." She looked around. Wala pa si Dae. Nagkita na kaya sila? O gosh! "So, how`s Dae?" "H-Huh?" "I mean... don't tell me di pa kayo nagkikita? Kelan ka lang ba nakauwi?" "Uh. Last year." Speechless. "Ah. Talagang naunahan mo nga ako." "S-Saan ka ba galing?" "Ah, Canada." She paused. "So, how's Dae? I heard may girlfriend na daw siya." Natigilan ako't mejo shock parin. "I bet, di mo alam kung bakit kami nag break. Hindi niya siguro sinabi kahit kanino. Hay..." "Syempre... a-alam ko. Hindi mo naman siya mahal diba? Siguro naramdaman niya na yun." She laughed, "Nakalimutan kong mas nauna ka pala saking umalis ng Pinas. Wala ka pala talagang alam." Natahimik ulit ako. "Do you still love him?" Seryoso ulit ang mukha niya. "H-Hindi ah." "Ahhh. Uhmm.. Okay." She smiled.

Katahimikan ulit. "Charlotte." Tawag ng papa niyang maraming pinamili. "Halika na~" "So, Serene... See you around. Paki sabi kay Dae... and his girlfriend na... Charlotte's back. I'll give him the closure. And we'll start a new beginning." "New... beginning?" "Yes, I still love him." Nagseryoso ang mukha niya. "B-Bakit? Minahal mo ba siya?" "Don't insult me, Serene. Don't worry, makikita mo rin yan pag maghaharap na kami ni Dae at yung girlfriend niya." "B-Bakit?" Magpapatayan sila? "Never mind. Gotta go." She smiled. Habang tinatalikuarn niya ako, tinitigan kong mabuti ang mukha niya. Seryoso at parang walang bahid ng panlilinlang. Nagbago na siya? Ano nga ba ang nangyari sa kanila noon? Ilang months sila nag last ni Dae? Anong issue? ANOOOOO~? Omg, ni katiting wala akong alam. Walang sinabi si Sophie... Wala rin si Crayon... pati si Dae! I want to know! "Eto na oy!" He handed me the chocolates. "Ah... S-Salamat." "O, anong nangyari sayo?" "W-Wala. Nagugutom lang." He laughed. "Naramdaman mo rin, sa wakas. Lika na, kumain na tayo." I don't wanna move. Natatakot akong baka makaharap ulit namin si Charlotte ngayon. Natatakot akong baka may mangyari kay Dae pag magkita sila. I can smell something fishy. Ayokooooo~! He's with me now. He loves me now! He loves me now because I'm here now! Pero... paano kung... AHHHH. Can I ask him? Paano kung kakaibang sagot ang mga isasagot niya? Mas mahihirapan ako. "Serene?" "O-Oo." Tinitigan niya ako. "May problema ba?" "W-wala." I laughed. "Ooooy, naloko kita!" Binawi ko talaga yung katangahan ko. I pinched his cheek para matigil na siya sa pagtitig sakin.

"May problema ka ba?" Linagay niya sa sahig ang mga pinamili ko at hinawakan niya ang mga braso ko. Errr.

75th fall Serene Cruz: Crayon naman eh...

Ang ganda na ni Charlote! Mas lalo siyang gumanda. Dumating na ang order namin ni Dae pero nakititig parin siya sakin. "Ano?" "Hindi talaga ako naniniwalang wala kang problema." "Wala nga sabi." Kumain na ako. Ilang sandali lang ay kumain na rin siya. I really want to esk him about his past. Kaso, ayokong magpahalata. Sasabihin ko ba sa kanyang nakita ko si Charlotte? "Dae, kamusta na si Francine?" Sinulyapan niya ako, "Mabuti naman siguro..." Sabi niya habang kumakain. "Ikaw talaga, ba't ka ba nagtatanong tungkol sa kanya?" "Wala lang. Syempre... curious lang naman ako sa inyo. Parang last year lang eh girlfriend mo siya..." Tumango siya. "Wala ka na bang feelings sa kanya?" Binitawan niya ang kutsarang hawak niya't, "Sa tingin mo ba liligawan kita kung meron pa?" "P-Pero... alam mo na..." Nagpatuloy siya sa pagkain. "Si Charlotte ba... kamusta na?" Tumigil ulit siya. "Hindi ko alam."

Please help me rate his answers. "Wala na ba kayong communication?" "Wala na." Kumain ulit siya. Kumain na rin ako para magmumukhang walang hidden agenda ang mga tanong ko. "Kelan kayo last nagkita o nag-usap?" "Third year high school, September." "Ahhh." He remembered the month! That's natural, or is it? It is, of course. "Ilang months kayong nag last?" "One year and five months." "WHAT~" LOL. I was totally shocked. Ganun sila katagal. "Ba't mo tinatanong yan? Can we change the topic?" "Bakit ba? May masama ba sa mga tanong ko?" "Masama kasi ang mga reaction mo eh." Tinitigan niya ako. "Ba't kayo nag break?" "Hmmm... k-kasi, aalis na siya." So he didn't fell out of love. "Ahhh. Minahal ka ba niya?" What a stopid, stoopid question. "Oo." And a more stoopid, stooopid answer. "Ikaw, minahal mo ba siya?" "Oo.. Ano ka ba? Sabing change topic eh!" "Curious lang naman ako eh." Napatingin ako sa pagkain ko. I'm having a hard time digesting and judging his answers. Ayoko namang tanungin siya kung may feelings pa siya kay Charlotte, baka kasi magduda na siya. Waaaa~ It's so hard. "Hoy! Tigilan mo na ang pagreresearch sa mga ex ko ah." "oo na!" Sabi ko habang nasa labas na kami ng bahay.

Nkauwi na ako at hinatid nga ako ni Dae. "O sige... pag itetext kita, mag reply ka ah?" "Oo na!" Tinitigan niya ako bago nagdrive pa alis. Hinintay kong mawala ang sasakyan niya sa paningin ko bago pumasok sa loob. "Yes couz???" Biglang lumabas si Crayon from somewhere. "Anak ng... Crayon naman eh..." Nakakagulat. "Hehehe... Anong kailangan mo. Crayon to the rescue." Papauwi kami ni Dae kanina ng tinext ko si Crayon. Kailangan kong malaman ang lahatlahat tungkol kay Dae at Charlotte. Wala na akong pakealam kung maamin ko man sa pinsan kong buang na `to na mahal ko nga si Dae. Ipagpapalit ko na ang dignidad ko. LOL. Bahala na. "Uh... May tanong ako... tungkol kay Dae."

76th fall Serene Cruz: may Nico ako.

"Bakit? May nangyari ba?" Tanong ni Crayon habang nakahiga sa kama ko. Nakaupo naman ako malapit sa bintana habang nakatingin sa malayo. "K-Kasi... uh... wa'g mong sabihin sa kanya ah?" Nangalumababa siya't, "Bakit ba kasi? Nakakabitin ka naman." "Nakita ko si Charlotte kanina..." Hindi nagsalita si Crayon. Halong pagkabigla at pagkabitin ang nakuha niya sa sinabi ko. "Pero di sila nagkita ni Dae. Nagkataong may pinabili ako kay Dae nung nagkita kami." Tumango siya at halatang malalim ang iniisip. "Sabi niya... wala pa dawng closure yung relationship nila ni Dae." Tahimik parin si Crayon habang hinihintay ang mga sasabihin ko pa.

"Anong nangyari... noon? Noong nasa States ako, Crayon?" "Huh? Really? Nagkita kayo. Nakabalik na pala siya?" "Hello, obvious ba? Sagutin mo na nga ang tanong ko!" "Uhhh, noon? Well, sila ni Dae noon." "Alam ko. Ano pa?" "Mahal na mahal siya ni Dae." "A-" "First love, kung baga." I sighed. "And Charlotte?" "Mahal niya rin si Dae." "That`s not true. Sinet-up niya nga ako noon at hindi pa siya interesado sa mga love letters ni Dae..." "Maybe. That was when Dae`s still courting her. Nang tumigil na si Dae sa panliligaw kay Charlotte... si Charlotte naman ang naghabol kay Dae." "At kelan naman siya tumigil sa panliligaw?" "Pag alis mo, the next day." Natahimik ako. "Mukhang na guilty siya sa nagawa niya sayo noon. He 'stopped' courting Charlotte." "Then? Bakit naging sila?" "Kahit nagstop na siya, I`m not saying na hindi niya na mahal si Charlotte. Mahal niya parin. Kaya nang si Charlotte na ang gumawa ng paraan... siya na ang naghabol... naging sila na nga." JSHAUHDHTAD "Ahhh. Whatelse?" "Hmmm... Yun na. Their relationship was fine." "Hindi ba sila napagalitan or what? Ang bata-bata pa natin noon." "Hindi naman." "Mahal ba talaga ni Charlotte si Dae?" "Oo. Sa pagkakaalam ko, mahal na talaga ni Charlotte si Dae. Si Charlotte pa nga ang nagsu-surprise kay Dae noon everytime monthsary nila. Tapos, basta... she was kind. Muntik na nga niyang maging close si Sophie. Kung di lang siguro yun umiwas sa amin dahil sa akin, baka close na sila ngayon." "She's not nice. I mean, she was never nice... Okay... whatever." Baka nga naman nagbagong buhay. "Dae and Charlotte were both guilty. Syempre, pag-alis mo sa skul. Matunog noon na na expel ka sa ginawa mo. Ikaw ang masama sa harap ng lahat. Binisita siguro ng konsensya nila." He laughed.

"Na-guilty?" I stared blankly outside the window. "Bakit sila nag break?" "Because... I don't know." Napatingin ako kay Crayon. "Bakit?" "Ang alam ko kasi... aalis si Charlotte, pero their relationship was okay. Kahit na mejo malungkot silang dalawa noon dahil magkakahiwalay nga sila." "Ahh..." Speechless all the way ah? Yan kasi. Research pa ng research. Ngayon tuloy, di ko na alam kung anong nararamdaman ko. Nagseselos ba ako? O iniisip ko na talagang mawawala si Dae sa akin soon. "Pero, they're planning to hold on. I mean, tatanggapin nila yung Long distance relationship. I don't know what hapenned. Parang the day na aalis na si Charlotte, nag break sila." Tumango ako. "Nukaba! Wa'g kang mag-alala. Mahal ka ni Dae." He smiled an evil smile. "H-Ha? Ano naman-" "Blahblaaah... Seryosong seryoso ka kaninang nakikinig at halatang nasasaktan sa mga sinasabi ko tapos ide-deny mo ngayon? Ang labo mo talaga!" Hindi na ako nakapagsalita. "Kelan mo ba kasi yun sasagutin? Pinapatagal mo kasi eh." "Paano kung... mahal niya pa pala si Charlotte?" Crayon paused for a while and, "Suntukan na lang kaya kami ni Dae?" "Crayon naman... wa`g kang ganyan. Baka mamaya liniligawan lang ako ni Dae dahil kaibigan kayo." "Hindi yan mangyayari. Kung ganun nga, dapat nung highschool pa linigawan ka na niya." He laughed. "Nagsuntukan pa nga kami pag-alis mo noon dahil nainis ako sa kanya. Alam kong wala na talaga akong magagawa kung ganun siya, kaya suntukan na lang?" He laughed again. Walang kwenta talaga `tong si Crayon. tsk. *Krrrrriiiiing* "H-Hello?"

"Serene," "Nico! Napatawag ka?" "Tumawag ako para sabihin sayong wala kaming shoot sa birthday week mo, kaya makakasama ako." "Ganun ba! Mabuti naman kung ganun!" Yes! Makakasama ko pa siya bago siya umalis. "S-Sige... Uh... Kamusta ka na?" "Okay lang ako." Napangiti ako. Kahit busyng-busy siya, nararamdaman kong gusto niyang maging libre para makasama ako. "Ikaw?" Tanong ko, pahabol. "Okay lang rin." Nabitin ang boses niya. "-Uh. Sige, Serene. Ingat ka ah? Good night." I glanced at Crayon. Nakatingin lang si Crayon sa phone niya. "Okay.. Sige. Thanks for calling. Ingat ka rin." Binaba ko na ang cellphone ko. "May Nico ka pa pala." "Kung may Francine at Charlotte si Dae, may Nico ako. Tsaka, isasama ko siya sa Te Beach ah? Hmmp." Sabi ko na parang nagmamalaki. Pero ang totoo, naiinsecure ako. Dalawang magagandang ex. Dalawang minahal niya. Lalong lalo na sa first love niyang walang closure ang drama. Plus meron pang obsess na ex na parang ayaw sumuko pag di niya mapasagot si Dae. At ako? Isang balikbayang simula kinder ay kilala na siya at simula grade three mahal ko na... may laban ba ako? Mahal niya kaya talaga ako? BITTER ka, Serene! Insecure pa. Grrr...

77th fall Serene Cruz: Para mas enjoy?

"Nico brought his car." Sabi ko kay Dae habang tinititigan ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Binitawan niya nang napansin niyang nakatingin ako.

"Ang daya mo naman. Bakit ba? Nanliligaw din naman ako sayo ah? Di ba pwedeng sa sasakyan ko?" "Pwede ba? Tapos? Anong gagawin ko kay Nico?" He sighed. "Wala pa siya. Iwan na natin!" "Hello? One hour advance ka masyado. Excited ka ba?" Bukas na ang birthday ni Dae. Tatlong araw lang kami sa Te Beach Resort. Bukas ang gig nila pero binigyan kami ng free stay chuchu. Ang bait kasi ng may-ari ng Te Beach Resort. "D-Dae, can I ride with you?" Tanong ni Francine. I crossed my arms. Tiningnan ko ang daanan habang hinihintay si Nico. Nasa labas kami ng bahay nina Crayon and I'm also ready. "Uh, Serene?-" "Why me?" "O... Edi sure, Francine." "Ilalagay ko ang gamit ko sa loob ah?" "Sige." Pinandilatan ko ang kawalan dahil sa kaeng-engan ni Francine. Nakuuu. Di pa nga natatapos yung kaba ko kay Charlotte, sasama pa `tong Francine na `to? Oh Jesus. Lumingon ako sa kanya at naabutan ko siyang masama ang tingin sa akin. "Ano? Di na ko pwede sa sasakyan mo ah." "Serene, is it Nico?" Tanong ni Chyna habang nakaturo sa isang magandang sasakyan. Bagong-bago pa at mukhang wala pang gasgas. Mukhang di pa nga nadadapuan ng langaw. Ohhh, and it's black. "N-Nico?" I heard Dae's SARCASTIC sigh. "Yabang." He whispered. "Serene, sakin ka ba sasakay?" Tanong ni Nico. "Oo naman." I smiled. Woooo~! Bonggang bongga. "I bet, ako ang unang babaeng makakasakay diyan?" I was hoping.

"Nope-" "Ah." Boink. "Ikaw ang unang taong makakasakay." He smiled. Tumili si Sophie kahit papalabas pa sa gate nina Crayon. "Sweet ka, ever, Nico." Sabi ni Sophie. "Totoo naman kasi." He smiled again. Excited na me! HAHAHA. Linagay ko ang gamit ko likuran ng sasakyan niya. Bumaba siya't tinulungan niya ako. Habang inaayos namin ang gamit ko, "Yabang talagasus..." I heard Dae said something like that to Grey and Valen. "Wa'g mo na lang pansinin. Insecure yan." Sabi ko kay Nico nang naramdaman kong umiling siya. "Hoy Serene, bakit mo inaayos ang gamit mo ha? Eh may isang oras pa namang natitira? Excited ka ata?" "Wa'g mo na nga lang akong pakealaman." Nakita kong nasa front seat na si Francine ng sasakyan ni Dae. Naku, kung bastos lang talaga ako sasabihin ko na talagang mas excited pa si Francine sakin. Ayaw kong magparinig. Nang bumyahe na kami. Syempre, ang bango ng sasakyan ni Nico at para akong batang nakatingin sa tanawin sa labas. Ignorante. Tahimik kami. Naramdaman kong mabilis ang takbo ng sasakyan ni Nico pero di ka kakabahan dahil mukhang maaliwalas naman ang feeling. Psychological effect ata `to dahil bago ang sasakyan niya. "Kanina pa nakikipaghabulan si Dae..." He broke the silence. "H-Huh?" Ngayon ko lang napansin ah. "Wa'g mo na lang siyang pansinin." Nakita kong nasa unahan ang sasakyan ni Dae. Mukhang gusto pang unahan ni Nico. "Bagalan mo na lang ang takbo, Nico." Sabi ko. Tumango naman siya at sinunod ang sinabi ko. At least diba, mas enjoy ang tanawin sa labas ng sasakyan. "Bakit ang tagal niyo?" Tanong ni Dae paglabas ko sa sasakyan ni Nico.

Kanina pa ata sila naghihintay samin. Nakarating na kami sa Te Beach Resort at kami ni Nico ang huli. "Wala lang. Para mas enjoy?" Dae was pissed. LOL. Nyenye... "Sinama pa kasi... Yabang-" He murmured. Buti na lang di pa nakalabas si Nico sa sasakyan kaya di niya narinig. "Francine, kunin na natin yung mga gamit. We'll be in the same room." Francine rushed. "H-Hu-" okay... erm. So shocked. "Dae, di pwede yan. Usapan nating girls for girls... guys... for guys..." Singit ni Crayon. OMG. I'm so... i dont know. Basta. Ang sama ni Dae. Pinapaselos niya ba ako or whut? I HATE IT. Uwi na ko? Nagpatuloy si Francine at Dae sa pagkuha ng gamit. Para bang wala na siyang pakealam sa ethics at mga iisipin ng mga tao kung magtatabi sila ng ex niya. "Walang ganyanan, tabihan ko na rin si Sophie! Tapos, si Serene at si Nico." Crayon smiled. "Asan ba ang kwarto natin, Crayon?" He glanced at Nico. Crayon and the band was holding their laugh. HAHAHA.

78th fall Serene Cruz: I love... Dae... still.

"Ayaw mong pumasok?" Tanong ni Nico habang sinasamahan niya ako sa seashore at pinanonood ng bonfire. Nakaupo kami sa buhangin. Kanina pa nagsimula sina Dae. Maaring anytime now, tapos na yun kaya useless na rin kung papasok pa kami. "Ayoko."

"Bakit?" "Hindi ko kasi feel yung maingay eh." Sabi ko. It wasn't the perfect reason but I think Nico accepted it. He sighed. "Ilang gig na ba ang napuntahan mo sa kanila?" "Uh, dalawa? I don't know, I forgot." Sabi ko habang isinusulat ang pangalan ko sa buhangin. "And, di ko naman talaga pinapanood yung gig nila eh. Pumupunta ako sa place, pero di ako nanonood." I smiled. "Bakit?" "Wala lang. Ayaw ko ng maingay na music." "But I think the people love their music." "Yeah. Kitang-kita naman. Maganda naman yung mga kanta." Napatingin ako kay Nico. "Birthday ni Dae ngayon, hindi ba?" "Oo." Sabi ko. "Anong ibibigay mo sa kanya?" "Wala." "Really?" "Uh, oo. Uhm... Change topic?" Sabi ko dahil nakikita kong masyado na siyang interesado saming dalawa ni Dae. Birthday na nga ni Dae ngayon, at di ko pa siya nagigreet. Gabi na't di ko pa rin siya nagigreet. Kasi sunod nang sunod ang Francing yun. Naiinis tuloy ako. Nawawala sa mood at di na nakapagreet. HMP. Si Dae naman, mejo busy kaya mukhang balewala. "Bakit mo... iniiwasan?" Tanong ni Nico. Nakita kong seryoso siya sa tanong niya kahit nakangiti siya. "Uh... Di naman sa ganun." Yumuko ako. Umihip ang malakas na hangin... "Uhm..." Bakit nga ba? Ayaw kong masaktan siya. Ayaw kong pag-usapan si Dae dahil... ewan ko. "Serene, I think now is the perfect time to tell you that..." He sighed. "...I can be your friend." Nawala ang ngiti sa mukha ni Nico.

What did he said? He can be my friend? "Suko... na ako..." He uttered. Speechless. "Tanggap ko ng mahirap na kalaban si Dae. He is your first love-" "Huh?" "-And he will always be your only love." Sabi ni Nico. I can't say anything. Feeling ko ang sama-sama ko. "Nico~ sor-..." I bit my lip. Tinitigan niya ako. "All I need to do now is to make sure that I'll still be your friend." Bakit niya pinipili paring maging kaibigan ko? Baka masaktan ko lang siya. Nico~! :'( "I'm sorry for bringing our simple conversation here. But, I want to ask you one more question... can I?" "S-Sure." "May pag-asa ba ako sa'yo?"

OMGOMGOMG. What will I say? "Nico~" He's smiling. "Y-You're a... good guy. You're the best guy I'd ever met." Tumango siya. "P-Pero..." OMG. I can't say it. I can't say it. "I love... Dae... still." Para akong kinuryente nang nakita siyang tumango habang ngumingiti. "Whoa. Hindi ko naisip na ganito... siya... kasakit." He sighed then smiled. Tinitigan ko ang mga mata niyang kung saan-saan lang nakatingin. Nico, I'm sorry.

"Sorry ulit, kasi masyado kitang nape-pressure. Ang dami kong kasalanan sa'yo." His tears dropped. "Nico," I hate myself. Pinunasan ko ang luha niya pero hinawakan niya ang kamay ko. He laughed. "I fooled you. Ganun na ba ako ka galing na artista ngayon?" He laughed still but his voice was breaking. And his heart too. It's like he's letting me see everything about him tonight. Pero binawi niya ang lahat. Ayaw niya atang ma-guilty ako sa sinabi ko. Mahal na mahal niya ako. And I can't help but adore him. "Shhhh..." I hugged him. "Serene, sorry. I-I can't help it." Nico, alam ko. Naranasan ko na yan. I can't help it too.

79th fall Serene Cruz: You're not my boyfriend.

"Ehe..ehemmm." Bumitaw ako sa pagkakayakap ko kay Nico. Napalingon ako sa gumawa ng ingay at naaninaw ko ang mukha ni Francine na may daladala pang isang box na nakabalot sa isang magandang wrapper. "Sorry. Naistorbo ko ba kayo?" She smiled. "H-Hindi." Umihip ulit ang malamig na hangin. Napatayo ako habang yinayakap ang sarili. "Gusto ko lang sanang magtanong kung nakita niyo ba sina Dae?" "Ah- Hindi. Bakit? Wala ba sila sa loob?" "Iniwan ko kasi sila kanina. may kinuha lang ako sandali." She showed the box. Okay, gift. Gift for Dae. Nabigla ako nang sinoot ni Nico sakin ang jacket na kanina niya pa dala-dala. Francine threw a weird look.

"Hindi eh." Tumango siya't, "Sorry ulit." umalis na. "May regalo pala si Francine kay Dae, magpapatalo ka ba?" Napatingin ako kay Nico at hayan na naman ang kanyang mga ngiti. "Wala naman akong magagawa eh. Di talaga ako nagready." Sabi ko. "Bakit?" "Uh. Wala lang. I don't want Dae to think that he's still special for me." "Bakit?" Nagkibit-balikat ako. "Nagdududa ka ba sa kanya?" "Syempre, mejo ganun na nga." "Di ka naman masisisi kasi ilang beses ka na niyang sinaktan." Tumango ako at pinansin ulit ang jacket na sinoot niya sakin kanina, "Thanks." Sabi ko. Nakita kong maraming message na ang di ko nababasa sa phone ko. I opened it, puro kay Sophie at Crayon. "Bumalik na tayo? Nasa restaurant na raw sila't mukhang kanina pa tayo hinahanap." Pagkapasok namin sa restaurant, agad kong nakita ang mga titig ni Dae sa akin. O sa aming dalawa ni Nico. "Serene, saan ba kayo galing? Kanina pa kami ginugutom, di kami makaorder dahil wala pa kayo." Sigaw ni Crayon. "Sorry. nagpahangin lang." Agad na akong umupo sa upuang nasa harapan ni Dae. Magkatabi sila ni Francine. Umupo na rin si Nico sa tabi ko at harap ni Francine. "Nagpahangin? Ba't mo kailangan ng jacket kung gusto mong magpahangin?" Nakatitig na naman siya sakin habang sarcastic na naman ang tono at pagmumukha. "Malamig eh." Ayaw ko ng makipagtalo ah. Nakakahiya sa mga waiter at waitress dito. Mukhang todo pa naman ang services nila ngayon dahil maraming tao. "Kung ayaw mo ng malamig, sana pumasok ka na lang doon kanina." Napasinghap ako't, "H---" binuga ko agad. Di na ako sasagot. Birthday niya ngayon at wala akong regalo. Tapos aawayin ko pa siya? Wa'g na! Di na lang ako gi-greet sa kanya. I swear, di ko yan pagsisisihan. Simula kinder hanggang grade 6, greet ako ng greet sa

kanya. Wala man lang akong 'thank you' na narinig. Take note: Kahit kailang birthday niya, walang thank you. At eto isa pa, pang guiness world record na, kahit kailan di pa niya ako nagi-greet sa birthday ko. Grabe, ang kapal ng mukha. Pagkatapos naming kumain, kahit di naman ako nabusog dahil sa mga tingin ni Dae sakin, bumalik na kami ni Nico sa inupuan naming bonfire kanina. "Hindi mo pa siya nagi-greet ah?" Nico asked. "Bahala na." Sabi ko habang gumuguhit ng heart sa buhangin. Nico sighed, "Di talaga kita mabasa minsan." He smiled. "Bak-" "Excuse me, Nico." Napalingon ako sa isang istorbong lalaking sumingit sa isasagot ko sana kay Nico. Nakatayo lang siya habang nakalagay ang kanyang mga kamay sa bulsa. Siya lang magisa at... asan si Francine? OMG. He wants to talk to me? Baka magreet ko siya? "Pwedeng iwan mo muna kami ni Serene?" Walang manners! "Dae, pwede ba?-" Hold your tongue, it's his birthday. "Uh. Okay lang Serene," Tumayo si Nico. "so... uh, see ya later." Sumulyap pa si Nico bago tuluyang umalis. "Bye, Nico? Balik ka agad ah?" I whispered. Buti di narinig ni Nico. Kumuha ako ng isang ligaw na coral reef sa katabi ko't padabog na gumuhit ng mga bulaklak sa buhangin. "Anong kailangan mo?" Tanong ko habang nakatingin parin sa buhangin. Suddenly, Dae hugged me. "It was a little bit unfair, you know." He whispered it on my ears. Di na ako nakagalaw dahil sa gulat at pangangamba. Pangangamba?! "H-Huh?" Serene, you need to understand that it's his birthday and you can't punch him or even kick him. "Hug for Nico? It's not even his birthday."

OMG. OMG. HAPPY BIRTHDAE! Can I hug you back Dae? Are you jealous? At bakit alam niya? Nakita ba niya? O nagsumbong ang bruhang ex? "Tigilan mo nga yan, Dae? Ano ba. Baka may makakita satin-" "So, okay lang kung may makakita sainyo ni Nico. Tapos sakin hindi?" "Uhh.. Dae, stop that. You're not my boyfriend." I said, confused already. Bigla niyang kinalas ang braso niyang nakapalibot sakin. "Why? Kayo na ba ni Nico?" Bumigat ang ekspresyon ng mukha niya. "Uh..." I can't darn look at him. Why is he acting this way? He's sweet. It's his birthday. Nico and Francine's even around. And... Charlotte is back. I CAN'T. I don't know. Hey Serene, you need to answer his serious question. "..." Napasinghap ako at binubuo pa ang mga salitang isasagot ko. Hindi naman sana mahirap pero, si Dae kasi... Nakakakilig. HAHA "-Uh, forget it. I'll get jealous." Tumayo siya at parang magwo-walk out. Parang ayaw niya nang marinig ang sagot ko. OMG. WAIT, Dae.

80th fall Serene Cruz: Nice... idea.

"Dae~" WOOOOO? Parang naghiyawan ang buong sistema ko. Lumingon siya sakin with his tired eyes. Tired? He's tired. Oo nga pala, birthday na birthday niya marami siyang ginawa. Wala pa ang family niya dito tapos sinasaktan ko pa? Ay tama lang naman yun sa kanya no... "Ano?" "Nukaba~, may pa walk-out-walk-out ka pang nalalaman diyan." Errr, what else can I say?

Nakatunganga lang siya't naghihintay sa idudugtong ko. "Sanglibong beses mo na akong tinalikuran mula noon, tapos kahit nanliligaw ka na ngayon... ganun parin?" "Tumatanggap ka pa pala ng manliligaw kahit may boyfriend ka na?" Grabe... Para akong sinakluban ng langit at lupa. Narinig pa `to ni Francine na mukhang kanina pa naghahanap kay Dae at natagpuan niya na nga ngayon kasama ang mga salitang iyon. "Dae," She called him. Napalingon si Dae sa kanya. Kumaway naman siya agad habang malaki ang ngiti. "Oyyy, Serene. Kayo na pala ni Nico?" Napatayo ako. "Hind-" "Dae, nabuksan mo na ba yung regalo ko?" "Ah... Hindi pa eh. Kaya nga ako babalik ngayon sa kwarto para buksan yun." He walked away. Sumabay na rin si Francine kay Dae. Kulang na lang eh kumapit siya sa braso ni Dae. "Dae!" Sigaw ko. Hoy Francine! Di pa kami tapos ni Dae! Batuhin kita ng buhangin riyan eh. Lumingon si Dae sakin at... "Ano? NEXT TIME NA LANG SERENE AH?" He said in a sarcastic tone. "May gagawin pa ako eh." Nagpatuloy siya sa paglalakad kasama si Francine. Bwisiiiit talaga. Argh. Kung di ko lang naman kasi siya mahal eh di ko na lang sana... ay nakooo. "Serene," Tinawag ako ni Francine. Mukhang naabutan niya pa akong nakasimangot at nabubuang na sa inggit. "wala ka bang regalo?" She smiled. Hinawakan niya pa ang braso ni Dae para matigil siya sa paglalakad. Tumigil nga sila sa paglalakad para lang makausap ako ni Dae. Hindi na ako nagsalita, at agadna akong naglakad patungo sa kanila.

Lalagpasan ko ba sila o sasabay ako sa kanila sa paglalakad? Hahanapin ko si Nico o manonood sa pag-open ni Dae sa regalong bigay ni Francine? Di ako makapagdecide kaya ginawa ko na lang ang sa tingin kong gusto ko - kahit alam kong mejo di tama. Linagpasan ko sila't, "Kung sasagutin ko ba siya ngayon, sapat nang regalo yun?" "H-Huh?" "S-Serene," Sabi ni Dae. OHHH, may dating ako. HAHAHA Lumingon ako para hintayin siyang lumapit sa akin at sundan ako. NYENYE. Behlaaat sayo Francine. "Wa'g mo na nga akong paasahin." Nagwalk-out ulit siya't linagpasan ako. BWISIT. Maghahabol ba ulit ako o hahayaan ko siya? Ay ayoko na talagang magpakatanga. "Nico~!" Tinawag ko na agad si Nico nang nakita ko siyang pakalat-kalat lang. Kumaway siya't nakita ko ang ngiti niya. "Anong pinag-usapan niyo?" Nakita kong patuloy parin sa paglalakad sina Francine at Dae. "Wala... Sabi niya kasi, boyfriend daw kita." "Hmm? Really? Tapos?" "Tinanong niya ako. Kaya lang masyado akong na shock and all that..." Napasinghap ako. "Shucks. Tapos, nagwalk-out siya't sinabi kong 'sagot ko na lang ang gift ko sa kanya' kaso sinabi niya saking wag ko na raw siyang paasahin. Ugh." He laughed. Napatingin ako sa kay Nico. I wonder if he's okay now. "Sorry Nico ah? Masyado talaga akong nag-oopen up sayo eh." My eyes darted on Crayon and Sophie. Nakita ko silang naghoholding hands kasama sina Valen, Grey, at iba pa. "Okay lang. Gusto ko nga yan eh." He smiled again.

Napabuntong-hininga ako, "Gosh. Ewan ko na talaga. Ang sarap niya ng sapakin." Overflowing humiliation na `to. "Hmmmm, pagselosin kaya natin siya?" "Huh?" "Feeling ko nagpapahard-to-get siya sayo kasi alam niyang hahabulin at hahabulin mo siya." Wow. Ang sakit na sapak nun sakin. The truth hurts nga. Hahabulin at hahabulin ko siya. "Nice... idea." May bulb na umilaw sa utak ko. Ang galing ni Nico.

81st fall Serene Cruz: Happy birthday, Dae.

Kumakain kami ni Nico ng icecream sa isa pang cafe nang beach resort na yun. It's 11:00pm. HMMM, or maybe 11:15pm. HAHA Ewan, basta seryoso ako sa hindi-pagreetkay-Dae movement. "Hindi ka ba nag-aalalang di ka makagreet kay Dae?" "Hindi na~" Sabi ko at nagconcentrate ulit sa icecream. "Talaga? Gusto mo, punatahan natin sila dun sa kwarto?" KWARTo-KWARTO-KWARTOOOO? Oo nga noh? Anong ginagawa nila doon? HA? Tumayo agad ako at para bang ready nang pumunta doon. "Serene, umupo ka... andito na sila." Nico whispered. "Ha?" Umupo na ako agad kahit di pa nag-iisip. He wiped my cheek with a tissue then smiled. Siguro part lang yun ng plans niya-slashnamin kaya... di na ako nabigla. "Psst, act." He whispered again half laughing at me. "Aw... right." Tumango ako at ngumiti. "Thank you." "Hi, Serene!" Sabi ni Francine.

Ewan ko kung nagpapasikat ba siya o yun nga, nagpapasikat lang sakin. "Hi!" I smiled. "Wow. Ice cream! Dae, gusto mo?" "Sige!" "Saan tayo uupo?" Tanong ni Francien kay Dae. "Dito na lang sa table nila." He said. Binalewala ko na lang. Di man lang talaga siya nagtanong kung okay lang ba. HMMP. "Anong tawag diyan?" Sabi ni Francine habang binabasa ang menu. "Uhhhm, doon kasi namin `to binili eh." Sabi ko habang tinuturo ang mga lalagyan ng selecta icecream. HEHE. "Ahhh. Bibili muna ako, Dae ah?" Sbai ni Francine. "Okay." Umalis si Francine para bumili at kaming tatlo na lang ang natira sa table. "Kamusta ang regalo ni Francine?" "Ah. Maganda naman. Nagustuhan ko." Dae said without looking at me. Tumango ako, "Ganun ba?" Heh! Wa'g kang mag-isip an igi-greet kita. "Serene, labas muna tayo? Dumarami na angtao eh." Sabi ni fafa Nicong boyfriend ko sa paningin ni Dae. "Oo nga eh. Sige. Tara!" "O-O-Oi!" "Okay lang yun Dae. Andyan naman si Francine, di ka nag-iisa." "Ah. Oo nga, sabi ko nga." OMG OMG. Di ko sasabihing bf ko si Nico ah. Basta wala akong kasalanan, period! Nang lumabas na kami ni Nico. "Nico, anong plano?" Tanong ko. He was facing the cafe and I was facing the shore. Sa may puno kami nakatayo habang iniisip niya ang plano. "Dae's watching us." Sabi niya habang nakatingin sakin. "Si Francine, nasa table na rin." He put his hands on my head and smiled. "Tumayo na siya." He's holding his laugh. "Naglakad siya... and... and... he's heading this way." "Wh-What?"

"Yeah. He likes you, I'm sure." "Why?" "He's effin jealous." "Hah. Eh oo, alam ko na yan. Pero di naman yan ang sukatan." "Shhhh." He put his index finger on my lips. Unti-unti niyang linapit ang mukha niya sakin. What? What? He'll kiss me? "Serene naman eh, loko lang yung kanina. R-Regalo ko sabi!" Nabigla ako kay Dae kaya mukhang naging natural ang acting ng pagkabigla namin ni Nico. "Nico, alam kong di kayo... kaya wa'g mo nga siyang pagsamantalahan!" Hinila niya ako sa likuran niya. Nico was smiling. "Dae, ano ba?" "Ikaw talaga! Lintik ka. Yinakap mo pa, tapos hahayaan mo pang magnakaw ng halik? Di mo naman siya boypren." "Akala ko ba sabi mo boyfriend ko siya? Kaya, kung boyfriend ko siya, diba dapat okay lang yun?" "J-Joke lang yun... Diskarte. Wa'g mo namang seryosohin." Hinila niya ako papalayo kay Nico at papuntang somewhere near Sophie and Crayon. "Tse. Diskarte?" Nasaktan ako no! "Luma na ang acting niyong dalawa. Pero syempre, pag di ako pumatol sa pagtatago niyo dito kanina, baka mahalikan ka niya ng tuluyan..." Tahimik. "K-Kaya... so, ano? Yung sabi mo kanina... na... uh... regalo?" "Ah yun ba? Diskarte ko lang yun." He looked at me. Annoyed. "Gusto mong malaman kung ano ang regalo ko?" His face lightened up. "Oo." He smiled the cutest smile I've ever seen.

Kaya di ko mapigilang mapangiti din. Linapit ko ang mukha ko sa mukha niya. OMYGOLAY. NOSTALGIA! Kapag ganito kami kalapit, bumabalik sakin ang feeling ko bago pa ako umalis. May halong excitement, kaba, at sakit. Ganun parin, walang nagbago. I acted like I'll kiss him. "Dae~" Oh goodamn, t`was Francine, eh? My lips landed near his ears and I whispered, "Happy birthday, Dae." I can feel that he was still stunned. And that, Francine was behind me already. "Good night." Sabi ko habang iniwan silang dalawa. "Hoy Serene! Sasama ka ba ulit sa Nico na yan? Di kayo magboypren ah!" Sigaw niya nang nakalayo na ako. Kung mahal mo nga ako, sakin ka mapupunta. Lam mo bakit, Dae? Kasi, wala akong ibang mapupuntahan o gustong puntahan, ikaw lang.

82nd fall Serene Cruz: busog na busog na ako...

"Ang bilis ng panahon, noh?" Sabi ni Crayon sakin. "Uuwi na tayo ngayon, tapos na ang birthday ni Dae. At malapit na ang birthday mo." He smiled. "Oo." Linagay ko ang gamit ko sa sasakyan ni Nico. Nasa loob na si Nico at handa ng umalis. Nasa loob na rin ng sasakyan ni Dae si Francine. Nasa labas pa kami ni Crayon dahil kinakausap niya pa ako't hinihintay namin si Dae at ang iba pa. At sa wakas, andyan na siya't mukhang di nakatulog ng maayos kagabi. Sina Valen, Drake at Grey na lang ang kulang, aalis na kami.

"Uwi na tayo." Sabi niya habang linalagpasan kami - ako - at linalagay ang earphones niya sa tenga niya. Pumasok na siya sa sasakyan niya. "Teka, ano bang nangyari sa birthday ni Dae? May regalo ka ba? Ba't parang nagtatampo siya sayo?" "Wala. Wala akong regalo." Sabi ko. "Kaya naman pala. Ang aga niyang natulog kagabi eh. Tsaka, walang imik nang pumasok sa kwarto namin. Kamusta sa kwarto niyo ni Sophie? Si Francine?" "Uh, wala naman. Normal lang." "Bakit ka nga ba walang regalo?" "Bakit nga ba ako magkakaroon ng regalo?" "Diba lagi kang may regalo sa kanya noon? Milagro!" He chuckled. "Ewan ko. Wala namang pakealam yun kung may regalo ako o wala." "Asan na ba sina Grey? Ang tagal naman." Nabigla ako nang nagsalita si Dae. Lumabas pala siya sa sasakyan niya. Naku, baka narinig niya ang mga pinagsasabi ko. "Oo nga eh." Sabi ni Crayon kay Dae. Tiningnan ko si Dae kaso he looked away. Galit parin ata dahil iniwan ko siya't sumama ako kay Nico. Crayon poked me. "Excited ka na siguro sa birthday mo no? Kasi... manliligaw mo na si Dae ngayon. First time niyang mag care sayo!" He teased me. Lumingon ulit ako kay Dae. Pero nakatalikod na siya samin at nakalagay ulit sa tenga niya ang earphones. "Excited? Dalawang araw na lang at birthday ko na, eh di niya ako pinapansin ngayon. Gigreet kaya yan? Pag nagkataon, eto pa nga ang unang pagkakataong gigreet siya sakin, kung sakali." I whisepered. "Edi, ibasted mo yan pagdi ka igigreet." "Ha?" "O, ano? Nagtatangatangahan ka na naman at di mo na naman kaya? Manliligaw mo yan no, nukaba!" Sabi ni Crayon sakin. Ilang sandali na lang eh dumating na sina Grey, Valen at Drake. Pumasok na ako sa sasakyan ni Nico at umalis na kami. As usual, mukhang nakikipagkumpitesyon na naman si Dae kay Nico at sa bagong sasakyan ni Nico. Nakauwi na kami. Si Crayon, Sophie, Dae at Nico na lang ang andito. Grabe, napagod ako dun. Pero masaya naman.

Ang bigat ng mga bag ko. Lalabas na sana si Nico pero pinigilan ko, "Wa'g na. Uh... Dae, paki kuha naman `to." Sabi ko. Lumipas ang ilang segundo at lumipas ulit ang isang minuto, kahit nakatayo lang si Dae sa harapan ko, hindi niya parin ako tinulungan. Take note, walang earphones at malinaw ang pagbanggit ko sa pangalan niya. How bwisit. Pinigilan ko ang sarili ko sa pakikipag-away sa kanya. Mejo napansin din ni Nico ang nangyari kaya umamba ulit siyang lalabas ng sasakyan pero, "Sige, Nico. See you on my birthday! And uh, good luck sa mga taping." Sabi ko. "Thank you! Yeah, I'll see you on your birthday." He winked. Pero bakas sa mukha niya ang pagtataka. Kumaway na lang ako para makaalis na siya. Umalis na si Nico. May appointment kasi ata yun today dahil nagmamadali. "Uuwi na ako, Crayon." Sabi naman ni Dae habang papalapit na sa sasakyan niya. Edi sige, Dae. Umuwi ka dun ng di pa ako pinapansin! Hala sige, GO! Kakainis. As in superrrr bwisit. Nadeadma ako? At manliligaw ko pa ang nangdeadma? Abah. Ang lakas ng loob. Humanda ka talaga't hinding hindi na kita papansinin. Akala mo ah? Padabog kong inayos ang gamit ko, buti na lang tinulungan pa ako ni Sophie. "Teka lang, Dae. Andito pa si Sophie. Sabay na lang tayo mamaya, ihahatid ko `to eh." Natigilan si Dae at mukhang sang ayon siya sa gusto ni Crayon. "Pahinga muna tayo sa bahay~" "O-Okay." Tumango si Dae. "Ah, uuwi na ako, Crayon. Inaantok pa ako." Sabi ko na halatang nagtatampo. Nagtatampo? Kay Dae syempre! "Ha? Ikaw naman ang uuwi ngayon? Mamaya na. Dito ka muna sa bahay." Nang naisipan kong maganda nga ang ideya ni Crayon, pumayag naman ako. Bakit maganda? Para makapagrevenge ako kung sakaling tatawagin niya ang atensyon ko ngayon, humanda siya't hindi ko siya papansinin o pakikinggan. "Kain muna tayo, ginugutom ako eh." Sabi ni Crayon. Wala ang mama at papa niya dahil may trabaho sila kahit bakasyon na. Kaya umupo na lang kami agad sa dining table.

"Crayon, dinadala mo siguro si Sophie dito no pag wala ang mama at papa mo?" Tanong ko kay Crayon habang kumakain. "Bakit?" He laughed. "Anong masama dun?" "Ehhh. Naku Sophie, wa'g kang magpaloko dito." "Kaya nga eh. Sinisigurado ko munang andito sina Tita pag pupunta kaming dalawa dito. Wala akong trust sa lalaking yan." Pinandilatan ni Sophie si Crayon. "Ayieeee~" HAHAHA. Kakatuwa at kakainggit sila. Kilala na kasi si Sophie ng pamilya. Ipinakita ko sa mukha ko ang pagkainggit habang isinubo ang pagkain. "Uyyy, si Serene, naiinggit samin." Sabi ni Crayon. Oops. Nabulunan ako. *ubo* "Hi-" *ubo* "-ndi-" *ubo* "-ah!" Agad kumuha si Dae ng baso at linagyan ng tubig at ibinigay sakin. Kahit na, jusko, gusto ko ng kunin yung baso't inumin ang tubig. Umiral parin ang pride ko. Kumuha ako ng sarili kong baso at linagyan ng tubig saka ininom. Nakita kong parang natulala si Sophie at Crayon. "Hindi no. Ba't naman ako maiinggit? Kung katulad mo yung magiging boypren ko, nakuuu." Sabi ko habang tumatawa. Linagay ni Dae ang baso malapit sakin at para bang alam na niya kung ano ang feeling ko kanina. >:D "Uh, Serene... Nakatul~" "Nga pala, papalapit na ang birthday ko. Sabi ni mama imbitahin ko raw kayo." I ignored Dae. Successful. "Plurk Cafe and Restaurant daw. Pumunta kayo nina Chyna ah?" Tumango lang si Sophie habang nakakunot ang noo't mukhang nabigla dahil di ko pinansin si Dae. "Kasama ba-" "Crayon, ikaw rin ah?" I smiled at Crayon habang mukhang mamamatay na siya sa pagpipigil sa kanyang pagtawa. "Uh, Serene...-" "Tapos na ako." "Hoy, Serene. Ba't di-" "Haaaay, busog na busog na ako..."

At hanggang sa pag-uwi niya, hindi ko siya pinansin. Totoo.

83rd fall Serene Cruz: I thought t`was Dae.

"Happy Birthday, Serene!" Sabay beso ni Mina at Chyna sa akin. Inabot nila ang kani-kanilang mga regalo. Wala naman talagang program or whatever, simpleng salu-salo lang kasama ang mga kaibigan ko. And since konti lang ang mga kaibigan ko, konti lang rin ang andito. "Thanks!" Sabi ko sabay ngiti. Kanina pa ako ngiti nang ngiti at tanggap nang tanggap ng regalo. "Serene, andito na ba ang mga kaibigan mong expected mong dumalo?" Tanong ni Papa. "Uh. Oo, yata." Sabay tingin ko sa paligid. "Serene," Lumingon ako at nakita ko si Nico. "Happy birthday." He handed me his gift. "Thank you." I feel so good today. Kasi, simula nang umalis kami, ngayon lang ulit ako nakapagbirthday kasama ng mga pinoy friends ko. Pero kanina ko pa talaga nararamdamang hindi kumpleto. At alam kong alam niyo kung bakit ganito. Ganun pa man, di ko na `to iniisip. "Serene, did you invite Dae?" Tanong ni Mama sa kalagitnaan ng kainan. Tumango ako't di ako makasagot ng maayos dahil may pagkain pa sa bibig ko. "Really? Crayon~" Tinawag ni tita (mama ni Crayon) ang anak niya. "Maybe you should text your friend already." Dagdag niya nang lumapit na si Crayon samin. He glanced at me for a while then got his phone.

Tumayo ako't halatang di ako masyadong komportable sa table kong si Mama, Papa, Tita, Tito at iba pang matatandang kamag-anak ang nasa paligid. "Pssst... Serene!" Kumaway si Mina. Nakita kong mukhang enjoy na enjoy sila sa iisang table nina Chyna, Sophie, Nico, Valen, Drake at Grey. Umupo ako sa isang upuan malapit kay Nico. "Grabe, ang sarap ng mga pagkain." Sabi ni Grey. "Happy birthday nga pala ulit, Serene." "Salamat ulit." I made a face. "Saan na nga pala si Dae?" Tanong ni Drake. Nagkibit balikat nalang ako. I saw Nico smiling beside me. "Wala ka bang taping?" I asked. "Wala naman." "As in, the whole day?" "Yup." He smiled again. Napangiti na rin ako. "Mabuti naman. Thanks for coming." "You're welcome." I'm sure he waited for my reply but my mind was in the state of, uh, nothingness. "May nangyari ba sa inyo ni Dae?" "H-Huh?" "Like, nag-away ba kayo?" "Uh... hindi naman... mejo... lang." Sabi ko na mejo nahihiyang umamin. Nakatingin lang siya sakin na parang nagtataka. "Did you invite him?" Tanong niya. Pati na rin ata sina Sophie at Mina ay nakinig sa tanong niya't naghihintay sa sagot ko. "Mejo... rin." Para silang nagunahan sa pagbuntong-hininga. Kaya pati ako, napabuntong-hininga sa sagot ko. Actually, wala pa akong natatanggap na text sa kanya. At pakealam ko ba? Pakealam ko ba? Sana nga nasasabi ko pa `to ngayon, kaso mejo naguguluhan na ako at nagsisisi. Halata naman, kahit iniiwasan kong magsisi. Then someone tapped me. Para akong napalundag sa kinauupuan ko.

"Oy, easy ka lang." Crayon laughed. Bwisit, siya lang pala. He sat down beside me and beside Sophie also. "Di ko siya macontact." I stared blankly at him. "Ikaw naman kasi, may pa deadma deadma ka pa. Nainsulto siguro yun." "Tsss. Bahala siya. Kasalanan niya naman eh. Siya ang nauna." "Tapos, di mo pa ininvite! Loko ka talaga! Ako yung hinahanapan ni tito at tita sa kanya." "Hayaan mo na. Di naman nila mapapansin yun pagkatapos dito." Sabi ko. Lumalalim na ang gabi. And my gosh. Ang ibang bisita... nakauwi na. Sina Sophie, Crayon, ako, Nico, at Ney na lang ang natira kasama ang mga elders. "Pa, uwi na kami. Ihatid ko lang si Sophie." Sabi ni Crayon sa papa niya. Pumayag naman ang papa niya. Ayaw pa nilang umalis eh kasi nag-uusap-usap pa sila at mejo bihirang mangyari ang ganito sa kanila. "Serene, sumabay ka na!" Sabi ni Crayon habang hinihila ang ilang hibla sa buhok ko. "Aray." Nico was standing beside me. "Ayoko... muna." "C'mon. It's 11:00pm na! Di na dadating si Dae." Sabi ni Crayon ng naka evil smile. Sa huling sinabi niya, mas lalo kong narealize ang katotohanang hindi na nga darating si Dae. At kasalanan ko. "Sige na! May bagyo ngayon... Baka umulan pa mayamaya." I wasn't moved. "Serene, gusto mo ako na ang maghatid sayo?" Tanong ni Nico sa akin. "Oo nga, Serene. Uh...~" Sabi ni Sophie. Speechless? "Uh..." Halatang kanina pa inoobserbahan ni Nico ang mood ko ngayon. "Sige." Sabi ko. I don't want to refuse. Tumango naman si Crayon at pumayag. "Diretso sa bahay, Nico ah?" Sab ni Crayon.

"Sure." Pinaandar na ni Nico ang bagong sasakyan niya't nauna na kami kina Crayon at Sophie. The silence was deafening inside his car. *Someday... you'll gonna realize... One day... you'll see this through my eyes...* Yun ang pinakaunang kantang narinig ko nang buksan niya ang 'soundsystem'. "Oh~ my~ shhh" I can't help it. Parang ang sarap saktan ng sarili ko. Kasalanan ko naman eh, yan tuloy. Nabubuwisit ako sa sarili ko. "I know it means so much to be greeted by the one you love in your birthday." Sabi ni Nico. I glanced at him and I think he noticed my teary-eyes. Hindi pa ako umiiyak. Papunta pa lang diyan. Naiiyak ako dahil sa inis sa sarili ko~! "Dae!" Sigaw ko nang nakita ko ang isang lalaking papunta sa isang park. Nico parked his car immediately. Agad naman akong lumabas at hinabol ang lalaki. Pero walang tao sa park. Wala. Nico was running after me. I sighed then looked up. "Serene, mukhang uulan ngayon. Umuwi na tayo?" Sabi ni Nico. "Ah~." I laughed. "Oo. Sorry. I thought t`was Dae." He sighed deeply, "I hate seeing you in pain." Napalingon ako sa kanya at nakikita ko ang parehong mukhang naaninaw ko nang gabing umiyak siya sa harapan ko.

84th fall Serene Cruz: I'm officially yours

Nico looked away. "Pwede ba?" He smiled but his eyes were still sad. "Ayusin mo naman yan. Akala ko tuloy~" Napasinghap siya.

"Huh?" Tinitigan niya ako at pinunasan ang konting luhang tumulo sa mata ko kanina. "Dae," "Huh?" Why is he calling me Dae? "Sinasaktan mo na naman siya. I really can't understand why she likes, loves, you so much. Kaya pag tumakbo siya sakin, hinding hindi ako magdadalawang isip na agawin siya sayo." He smiled at me. "I don't like your idea." FROSTBITE. Di ako makagalaw when I heard someone say that. T`was Dae?! My God, I'm sure t'was Dae. "Hmmm. Serene," Nico tapped my shoulders. "be true, tonight." He smiled. Nakatayo lang ako't nakatingin kay Nico. Speechless. Motionless. "I'll be going home." Pinakita niya ang susi ng sasakyan niya. Tumalikod siya't naglakad pabalik sa sasakyan niya. Darn, I looked up. the sky was bright. Hindi uulan. OMG. Then, I realized I can't move my feet. Parang nakapako lang siya. Then I heard footsteps from behind me. "Hi! Happy birthday!" He hugged me from the back. Ang braso niya ay nakapulupot sa leeg ko. "Just in time." Sabi niya. Sa wrist watch niya, 11:57pm na. OMG. Just in time nga. Okay, kontento na ako. Tinanggal niya ang braso niya't humarap siya sakin. May dala pa siyang roses. WHOA WHOA WHOA. Sobraaang speechless na ako. Ayokong may masabi ulit sa kanyang masama at baka maudlot pa ang kaligayahan ko ngayon. "Ayieeeeeeeeeeeeeeeee~" May tumili pa. Sino ba yan? "Leche talaga `tong si Crayon." Crayon? Set up `to? May babae din akong narinig. It must be Sophie.

"O? Ang tahimik mo naman..." He smiled and handed me the roses. "Errr, b-bakit di ka pumunta?" Tanong ko. "Di ako invited eh." He laughed. Ilang sandali ang nakalipas naging uneasy na ako dahil nakatitig lang siya sakin. Nagsimula na akong tumingin sa paligid upang hanapin si Sophie o Crayon man lang para mejo magkaroon ako ng state of mind. LOL "Malayo na sila." Sabi niya nang napansin niya `to. "Ahhh. Tapos? Anong gagawin natin dito?" Pinaglaruan ko na lang ang rosas na ibinigay niya. "Hinanap mo ba ako kanina?" Tanong niya. "Uhhh, hindi naman masyado." Tiningnan ko siya. "Bakit ka bumaba dito?" Sabi niya sabay tingin sa daanan. "Ahh. Akala ko kasi, nakita kita... kay~" "Ahh. Hinabol mo ako?" "Mejo." "Bakit? Mahal mo ba ako?" "H-Huh?" Sinapak ko siya gamit ang boquet of roses na binigay niya. "Aray! Ano ba? Ang sakit!" Sabi niya habang iniinda ang thorns. Napatingin ako sa langit dahil sa fireworks. Grabe, ang ganda. Habang nakatingin ako sa langit, inakbayan ako ni Dae. Pagkatapos ng fireworks, hindi na natanggal ang ngiti ko sa mukha ko. Kahit nung pinaupo niya ako sa isang swing dun sa park. Obvious na obvious na kaya andito sina Crayon at Sophie somewhere para sindihan yung fireworks. How amazing! May pa-fireworks-fireworks pang nalalaman ah? Tahimik ulit ako habang nags-swing. Linagay ko na yung roses sa isang bench. Hinawakan niya ang swing ko para tumigil. Umupo siya sa harapan ko habang nakaupo ako sa swing. Feeling ko tuloy batang-bata ako sa lagay na `to. Errr, he's looking at me again. "Ano ba, Dae! May sasabihin ka ba? Baka naman na totorpe ka?" I pushed him but he did not move. "Oo. Natotorpe nga." He said. "Wha~" "And so weirded out." "H-Huh?" "You are my most... hated... girl." He sighed. "Kahit kailan, di ko naisip na magkakaganito ako sayo."

He is closer to me. Nakatitig lang ako sa kanya. At ang tanging naiisip ko lang sa ngayon ay ang mga salitang 'oo'. "Kilala na kita noon at alam kong may gusto ka na sakin. Bakit ngayon lang kita nakita?" "E-Ewan ko." He laughed. "Simula noon sinasampal ka na sa mukha ko, pero ngayon ko lang talaga naramdaman yung sakit." Hinawakan niya ang kamay ko. "Alam kong ilang ulit na kitang nasaktan. At alam kong hindi ka pa satisfied sa pananakit sakin hanggang ngayon." Nasasaktan ko ba siya? waaa~ "Alam kong mahal mo ako noon, kaya siguro binabalewala lang kita dahil alam kong sakin ka parin. But when I saw you with someone else," Napasinghap siya. "hindi ko na nagustuhan ang ideyang may iba ka ng gusto. At first I'm telling myself that t'was competition. And I'm sure, ganun din ang akala mo. Pero, nakarma ata ako. T`was not competition kasi nasasaktan ako." Parang ang bilis ng luha sa mga pisngi ko. I'm touched. Too touched. Si Dae ba talaga ang nagsasalita ngayon? Or am I dreaming? "O, ba't ka umiiyak?" He wiped my tears. "W-wala. Hindi ah." "Ayan ka na naman. Dinedeny ang obvious!" "Ba't mo ba kasi sinasabi yan?" "I don't know, I can't help it. Ikaw, ba't ka ba umiiyak?" "I don't know. I can't help it too!" "Nareveal na ang feelings mo sakin through a loveletter... Naihi ka na sa harapan ko..." He laughed. "Ano pa ba?" I punched him, "Wa'g mo na ngang iparemind yun!? Ikaw din naman eh, nagpabigay ka ng loveletter... and all that." He laughed, "I guess I gave it to the right person?" Natahimik lang ako habang pinupunasan ang luha ko. Kulang na lang humikbi ako dito. "I am... in love with you. And I am willing to be committed." Lord, Ma, Pa, Ney, Kuya, Crayon, Sophie, Nico, everyone? Sasagutin ko na talaga siya eh. Andito na talaga ako sa puntong OMGEEE ano pa ba ang hihilingin ko? "Dae, one last favor?" Tanong ko. Sumimangot siya at parang natatakot sa hihingin ko. "Ano? Anong last? Kung pabor na namang iiwasan kita at mag-iiwasan tayo at titigil ako sa panliligaw sayo... ayoko nga. Ilang ulit mo na akong binasted, at kahit kailan di pa ako

nabasted. Hinabol pa kita at hinayaan ko pang masaktan ako kahit di pa tayo... Ayoko nga!" "Buang ka ba?" I laughed. "I'm not asking you that!" Sabi ko. "H-Huh? Kung ganun, ano?" "Can you sing a song... for me?" "H-Huh?" "Narinig na kitang kumanta ng ilang ulit. At sa lahat ng kanta niyo, wala akong naiisip na kinakantahan mo kundi si Francine... o si Charlotte... I don't~" I can't breath! He smiled, "Shhh~" He put his index finger on my lips. "Okay po." Kinalma ko ang sarili ko para di ko na masyadong malagyan ng pressure ang puso ko at para din matigil ko na ang pag-iyak ko. "Thinkin' how the story goes. You're helpless and I'm wishin'... Put the film inside my mind. But there's a big scene that I'm missin'... As I re-read my lines I think I said this, I should've said that... Did you edit me out of your mind... 'Cos in a flash you had disappeared, gone... Before the curtain falls And we act this out again... Maybe I should risk it all and state." Napangiti ako nang naisip kong ito ang unang pagkakataong narinig ko ang boses niyang malambing at malamig. Ang ganda ng boses niya, ang gwapo niya ngayong gabi, ang gwapo ng ngiti niya, ang ganda ng gabi... at lahat ng yan para sakin? Ang halos siyam na taon kong paghihintay sa kanyang matauhan siya't marealize niyang mahal niya pala ako ay sobraaaang worth it. "I'm officially going on the record to say I'm in love with you... I'm officially everything you hope that I would be this time I'll tell the truth... I'm officially wrong I know, for letting you go the way I did... Unconditionally more than I ever was before. I'm officially yours." He smiled again at me. For me. Only me. Hinawakan niya ang kamay ko.

"If you let me press rewind... I'll rehearse every word I should have said... 'Cos girl I'm ready to make things right..... This time I'm not letting go... 'Cos I'm officially yours."

Hindi pa niya natatapos ang kanta, hinalikan ko na siya. I really can't believe this. OMG. The feeling wasn't nostalgic anymore. Kasi sa tuwing malapit ako sa kanya, lagi kong naiisip yung hinalikan ko siya noon. Pero ngayon, it was a new feeling. Because he is already kissing me back. "Why is it the last favor?" Tanong niya. "The last favor before I say, I'm officially yours, too." Sabi ko.

85th fall Serene Cruz: MAHAL AKO NI DAE

I'm officially wrong I know, for letting you go the way I did... Unconditionally more than I ever was before. I'm officially yours. Yun lang ang tanging naiisip ko kahit sa mga puntong ito. Naghihintay ako sa labas ng bahay kay Dae. Pupunta raw kasi siya dito ngayon. Pumayag naman ako dahil hinanap kasi siya ni mama at papa kagabi. Pabalik-balik na ang lakad ko nang nakita kong paparating na ang sasakyan niya. He parked it near me. "Good morning!" Sabi niya ng nakangiti. HAHAHAHA~! I love it. "Morning!" Di na natanggal ang ngiti ko. Talagang unbelievable at napakadreamy ng nangyari sakin kagabi. "Nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong niya. "Uhmmm... Hindi." Sabi ko. Syempre. Dalawang oras lang ata akong natulog eh. "Ako rin." He smiled. WAAA~! Bonggang bongga! Inakbayan niya ako nang papapasok pa kami sa bahay. "Alam na ba ni mama at papa - este tito't tita na tayo na?" "Uh... uhmmm, yeah." I laughed. "Talaga?" "Oo. Bakit?" "Wala... kinakabahan na tuloy ako." "Asusss. As ifff..." Tumawa naman siya sa rection ko.

"Bakit ikaw, sinabi mo naba sa mama at papa mo?" "Di pa eh." "Errrm. Okay~" Kinda disappointed? Grrr He pinched my cheek, "Plano ko kasi, mamayang gabi sa bahay tayo magdi-dinner." "H-H-Ha??" Whatta..... "Yeah. Para talagang official na tayo." Err. Okay, need I say more? Nang makapasok na kami sa bahay. Agad talagang inentertain ni mama at papa si Dae na para bang expected na na magiging kami pagkatapos ng kaarawan ko. "Akala ko talaga iindianin mo ulit ang Serene ko." My dad laughed. "Hindi po. Pauso lang yun." Dae laughed also. What a happy family habang nasa mesa kami at kumakain ng lunch. HAHA. Nakakatakot lang dahil masyado na akong masaya ngayon. Hindi ko pa nakakalimutang maari pang bawiin ang kasiyahang `to sakin. Si Charlotte, nagkita na kaya sila ni Dae? At talaga bang wala ng feelings si Dae sa kanya? Natatakot akong bumigay ng todo sa kaligayahang `to. "Hoy, Serene..." Sabi ni Dae habang nakaupo lang kami sa upuan namin sa garden. Kanina pa ako nakaupo dito kasi pinalabas ako ni papa pagkatapos naming maglunch, (ang sama naman) dahil may pag-uusapan lang daw sila ni Dae. "Ano? Ang harsh mo parin talaga." He smiled an evil smile. "Anong ngini-ngiti ngiti mo diyan?" Tanong ko. "Wala lang... Sinabi kasi ni Papa na okay lang daw sa kanya na tawagin ko siyang papa." He laughed. "What??? Pa~!?" Tinakpan niya ang bibig ko, "Loko lang yun no. Syempre... di pa naman ako ganun ka sira para magpaalam sa kanya kung pwede ko na ba siyang matawag na papa.." Tinanggal ko ang kamay niya sa bibig ko. "Eh ano nga kasi ang pinag-usapan niyo?" Umupo siya sa tabi ko at parang di ata ako sasagutin. "Ayyy. Ano? Nahihiya ka sakin?" "Hi-Hindi ah~" "Ano nga?" "Wala... eh... tinanong niya ako ng maraming tanong..."

"Like?" "Bakit raw kita linigawan. Bakit ayaw ko sayo noon. Bakit ngayon lang." Hindi niya ako tiningnan. Ewan ko pero natutuwa ako sa reaction niya. "Anong sagot mo?" I'm almost laughing. "Wa'g na... tatawanan mo lang ata eh." "Sige na~!" "Wa'g na kasi... alam mo na kung anong mga sagot ko dun..." "Hindi eh~" Pinipilit ko na talaga siya't hinuhuli ang mga mata niya na ayaw tumingin sakin. "Ang kornii!" "Ehhh... Gusto kong malaman. Ba't mo ko linigawan?" "Err. Kasi mahal kita." "And uh... bakit ayaw mo sakin noon?" "Hindi ako sigurado... pero siguro dahil alam kong mahal mo ko." "Huh? Anong masama dun?" "Ano yan? follow up question?" He was uneasy. "Bakit ngayon lang?" I asked him and I really really want to laugh at this question. "Kasi... ano... err. Kailangan pa ba yan?" "Oo..." I pouted. "Kasi narealize kong di ko kayang mawala ka... At uh, natatakot akong makita kang may kasamang iba..." His last statement sounded like there's still more. Kaya lang di niya tinapos so I waited for the continuation. "Ano baaa... tama na yun." I pouted again. "Korni talaga nito. Ang daya pa." "Hmmp." "Kasi... ngayon ko lang narealize na sa bawat sakit na ibinigay ko sayo, iniisip kita lalo. Habang iniisip kita, minamahal kita lalo. Pero iniiwasan ko lang ang pag-iisip na mahal kita..." He stopped then he looked at me. Yeah, Dae... Very corny. At mukhang ang tagal niyang inisip `to. Reflection. "...dahil ayaw kong aminin sayo. Dahil ayaw kong lumabas na nanalo ka sa laban." "Whoa. Very deep. At anong laban ang pinagsasabi mo? Ha?" I laughed. "Sigurado ka bang sinagot mo yan kay papa?" I played around him. Grabe halos umiyak na ako sa pagtawa at matanggal na yung panga ko. Tumatawa ako dahil naloloka na ako, hindi na ako makapaniwala sa mga naririnig ko't, talagang korny ang mga sinabi niya. OMG. And it's all for me. He sighed and laughed too. "Kita mo na~, o sige na! Talo na nga ako. Kinakantsawan mo na ako dito. Ginagawang clown. Eto ang ayaw kong mangyari eh."

HAHAHAHAHAHA. Kaya tinawanan ko na lang siya maghapon. "Uyyy, si Dae... mahal ako." Kiniliti ko ang pisngi niya habang nagdi-drive papunta sa kanila. "You are bullying me already. Stop that." Sabi niya. Nagtatawa na lang ako sa loob ng sasakyan niya. HAHAHA. "Oy Dae.. lam mo? May secreto ako. Pero di ko sasabihin..." I laughed. "Mahal mo raw ako? As in... mahallll na mahaaaal!" I laughed again while he is parking his car beside their gate. Ang bilis niya nang lumapit siya sakin at linapit niya ang mukha niya sa mukha ko na siyang dahilan kaya natahimik ako. "See. Stop that." I smiled plus puppy eyes, "Opo~" "-or I'll kiss you." "MAHAL AKO NI DAE MAHAL AKO NI DAE. MAHAL AKO NI DAEEEEEE~!" HAHAHAHA. Hindi ako titigil.

86th fall Serene Cruz: May bagyo ba?

"Pumasok na tayo." He said while looking at the sky. "Hmm. May bagyo ba?" Tanong ko nang nakita kong mejo di masyadong clear ang langit. "Oo." Hinawakan niya ang kamay ko, kaya napangiti ako sa kanya. Naglakad kami papasok sa bahay nila nang sinalubong kami ni... Francine. Hinila ako ni Dae sa likuran niya at mas lalong humigpit ang hawak nito nang napansin ang mood ni Francine - kasing sama ng panahon. "Dae,-"

"Ba't ka andito?" "Don't ask me like that!" Linapitan niya kaming dalawa. Mejo napaatras ako, ewan ko kung bakit. Ngumiti si Francine at... "Eto na ba ang right time?" Kumapit siya sa kabilang braso ni Dae. Anong pinagsasabi niya? "What?" Sabi ni Dae. Kinalas ni Francine ang kamay niya sa braso ni Dae. "Anong pinagsasabi mo? Pagkatapos mong umamin sa ex mo-" Linagpasan na ni Dae si Francine. Mabilis ang paglalakad niya habang hawak-hawak niya ang kamay ko. OMG OMG! Anong sinabi ni Francine? EX? Narinig kaya yun ni Dae? "Dae! Hey! Dae! Wait~" Tumakbo si Francine at inabutan niya kami. Kinalas niya ang kamay naming dalawa pero agad namang hinawakan ulit ni Dae ang kamay ko. Awww. Hindi niya ako pakakawalan! Behlat! "Just what is the meaning of this?" Tanong niya habang tinitingnan ang kamay namin ni Dae na magkahawak. Tahimik kaming tatlo nang parang 5 seconds. "Alam na ng mama at papa mo na nagkabalikan tayo!" HA? Umabot ulit ng limang segundo bago may nagsalita... "Don't tell me..." Napailing siya. Hindi nakapagsalita si Dae kaya mejo pinanghinaan ako ng loob at napakalas ako sa kamay niya, pero agad niya namang hinawakan ulit ng mas mahigpit ito. "Anong nagkabalikan? Kami na ni Serene... what are you talking about?" Napailing si Dae at nagpatuloy sa paglalakad. "Dae~" Hinawakan niya ulit ang braso ni Dae. Malapit na kaming makapasok sa loob ng bahay nina Dae. "Francine, umuwi ka na." He said calmly.

Pumasok na kami sa loob at dumiretso sa dining area. Nabigla ako nang kahit dito'y sinundan kami ni Francine. "O... Andito ka na pala, Dae. And... Francine, where did you go? Kakain na tayo?" Sumambulat sa akin si Charlotte. Si Charlotte. Charlotte's here. O-EMMM-GEEEE. "O, Dae. Lika na, let's eat together. And... andito ka pala-" Sabi ng mama ni Dae. Nabigla ako nang parehong nanghina ang mga kamay namin ni Dae at pareho namin itong kinalas. "-Serene. Kumain ka na rin." OMG~! "Oh... Serene's here? Why? Di ka ba magseselos, Francine?" Nakangisi lang si Charlotte habang nakatingin kay Francine. Dae's looking at Charlotte and he looked shocked. Shocked. Dahil ba sa pagka 'shock' niya eh nawalan siya ng lakas at nabitawan ang kamay ko? O dahil... dahil... may nararamdaman parin siya? Ano kaya ang nararamdaman niya ngayon? Tulad kaya yun sa naramdaman ko nang nakita ko siyang muli noong galing akong America?

87th fall Serene Cruz: Mukhang.. totoo...

"Nagkabalikan pala kayo ni Francine? Di mo sinabi..." Sabi ng mama ni Dae sa kanya. "Hi-Hindi~" "Ohhhh, bakit? Naghiwalay pala sila, tita?" Tanong ni Charlotte sa mama ni Dae. Si Dae naman eh mejo tulala parin. Nanginginig na ang kamay ko't nararamdaman ko na ang pagiging extra ko sa scene na `to. Bakit ba kasi ako nandito? Anong ginagawa ko dito at sinong nagdala sa akin?

"Oo. Dae, Serene, Francine... Lina kayo." "Uh, sorry tita, uh... may naiwan ako sa labas...~ excuse me." Sabi ko. Agad kong tinalikuran silang lahat. Dae didn't even bother to call me. Nang nakarating na ako sa gate nila, saka niya lang ako tinawag. "Serene~" "Dae, may naiwan ako..." My voice broke. "Huh? Saan?" My tears fell. Agad kong pinunasan `to at mukhang di pa naman napapansin ni Dae. Charlotte is already behind him. "Dae," She called. Dae was like stunned, that he can't even turn around and look at her. Pinara ko na ang taxi na nakita ko. Agad akong pumasok at di na tumingin sa labas. Hindi ko na alm kung ano talaga ang nararamdaman ko sa mga oras na `to. Nagseselos? Natatakot? Ano? Pakiramdam ko marami pang problemang hindi naayos si Dae. Naramdaman kong hindi pa siya ready sa isang relationship nang nakita niya si Charlotte. Sinampal ulit sa akin ang katotohanang hindi talaga para sa akin si Dae. "Manong pakibilisan po." Sabi ko. "Uh, saan po ba tayo pupunta?" Hindi ko na alam kung saan pupunta. Kaya bumaba na lang ako. Maraming tao sa binabaan ko kaya imbis na manatili ako dun, naglakad ulit ako. Di ko parin alam kung saan ako pupunta. Sa totoo lang, gustong-gusto ko ng umiyak, kaso pinipigilan ko dahil ayaw ko na ulit magmukhang tanga kahit sa harapan pa ng mga taong di ko naman kilala. Pero sigurado akong pag may bumangga sakin dito o kahit isang kalabit lang tutulo na talaga ang mga luha ko. "Serene~?" I heard a familiar voice. I turned around to look. Blurred na ang paningin ko dahil sa luhang bumaba na sa kanikanilang glands. "Nic-" My tears fell. "Ba't ka umiiyak?" Agad siyang lumapit sa akin.

Naramdaman ko na lang ang yakap niya pagkatapos kong punasan ang mga luha ko. "Nico, 30 minutes lang ang break." Sabi ng isang lalaki. "Opo." He said. "Ni-Nico? Sorry." Kinalas niya ang pagkakayakap niya. "What happened?" "Nasa gitna ka ba ng taping?" Tanong ko. "Oo. Saan ka galing?" He asked with his serious face. No smile. "Hindi ko naman alam na dito pala kayo nagshoot. Anyway, napadaan lang ako." Lalagpasan ko na sana siya pero seryosong seryoso ang mga titig niya at halatang di ako pakakawalan hanggat di ko siya nasasagot. "Asan si Dae?" Tanong niya. "Ahhh." I smiled. "Nasa bahay nila." "Ba't ka umiiyak?" I can't talk or say anything like.... what? Ano naman ang sasabihin ko? Na iniwan ko kasi si Dae kasama yung first love niyang mukhang di pa ata niya nalilimutan? "Serene... tell me, please? What happened? Kaibigan mo rin ako." He stared at me in silence. Di ako umimik at di rin siya umimik. "Totoo bang first love never dies?" Tanong ko. Hindi siya sumagot. "Mukhang.. totoo..." I answered my own question. "Totoo sa akin... Kay Dae, totoo rin kaya?" "Dae's first love?" He said gently. "Iniwan ka ba niya para sa first love niya?" OMGEE~ He didn't, right? "What happened?" His voice sounded like he's going to kill someone if i'd say so. "Ser-" Narinig ko ang malakas at mabilis na paghinga ni Dae. He bended his knees as he catched his breath. "Serene." Napatayo si Nico habang iniisip ko ulit kung paano ako lalayo kay Dae.

88th fall Serene Cruz: -walang closure.

Sinuntok agad ni Nico si Dae. Nagkagulo at mukhang nabigla ang mga tao sa shoot nina Nico. "Dae, ano pa ba ang gusto mo? Nasasayo na siya ah?" He punched Dae again. "Nico~" I held Nico's arms. Inawat narin si Nico ng mga tao doon. "You know I love Serene so much! Kaya nagawa kong magparaya... tapos anong ginawa mo?!?!" Nico shouted. I've never seen him like that. Galit na galit siya at hindi kapanipaniwalang ganoon talaga siya kagalit ngayon. Nakaupo si Dae dulot nang pagkakasuntok ni Nico kanina. Hindi siya umiimik at mas lalong hindi siya nanlaban. "Nico, s-sor..." I don't know what to do, I felt so guilty. Dumami na ang tao at mukhang may nakiusisa na rin. Napansin ito ni Nico kaya... "Serene, lahat ng sinabi ko kanina-" I glanced at his face. Nakatitig siya kay Dae at hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. "-hindi totoo. Wa'g mo na yung pansinin." Tumayo si Dae nang dumami na nga ang tao at may nakakikilala na sa kanya. Buti na nga lang at biglang umulan kaya nabasan ang nakiusisa at sumilong ang mga may dalang camera. Gusto ko na ring sumilong kaya lang ayaw gumalaw ni Nico at nakatayo lang din si Dae sa harapan namin. I got a weird feeling..... Sa isang iglap lang kumidlat at alam na ng sistema ko na pagkatapos ng kidlat na iyon, ay ang... kulog na kinakatakutan ko! "AHHHH~!" Hindi ko alam kung paano yun ginawa ni Dae pero ang bilis niya at agad akong yinakap bago pa magsimulang kumulog. Yinakap niya ako na parang walang kahit anong pwedeng manakit sa akin. Wala na rin akong pakealam kung galit ako sa kanya ngayon,

basta ang alam ko masaya na ako't di niya kinalimutang takot ako sa kulog. Ang babaw talaga, pero oo - talagang masaya na ako. "Ba't ka biglang umalis? LOKO KA TALAGA!" Sigaw niya habang nasa loob kami ng kotse. Umuulan sa labas at si Nico naman eh andun parin sa lugar ng shooting nila. Hindi na ako nagsalita. "Paano kung may nangyari sayo?! HA?!" Sigaw niya ulit. Kahit na malakas ang ulan, malinaw parin sa pandinig ko ang mga pinagsasabi ni Dae. "Hindi alam ni Nico na takot ka sa kulog, tapos sa kanya ka tatakbo!?" Napatingin ako sa kanya... pero nakatingin siya sa labas at mukhang galit na galit talaga siya sa ginawa ko. Lumingon siya sa akin... "Ano? Wala ka man lang bang sasabihin?" Hindi parin ako makapagsalita. Ano kaya ang nangyari? Nag-usap na kaya sila ni Charlotte? What now? "Serene! Ano ba? Nagseselos ka ba?" I looked away. Humiliated. Pissed with his question. Kahit mejo nanginginig na ako dito at basang basa parin sa ulan, nakakaya ko paring mag-inarte. "Francine and I are done..." He said seriously. "Charlotte and you..." Bulong ko sa bintana. Naramdaman kong lumingon siya sakin. Nakita ko ang repleksyon niya sa bintana na nakatingin sa akin. "-walang closure." Sabi ko. Yeah! I want him to be pissed too. Hindi ko nga lang alam kung bakit. He sighed and he looked pissed too. Pinatay niya ang aircon - hindi ko nga lang alam kung dahil ba giniginaw na rin siya o dahil napansin niyang giniginaw ako.

"They're both my past, Serene~!" Sabi niya habang tinititigan ako. Alam kong matutunaw ang puso ko kung titingin ako sa kanya kaya sinugurado kong sa harap lang ako nakatingin - at walang imik. Sinapak niya ang manibela pagkatapos ng mukhang labinglimang minutong pagtitig sa akin at di ko man lang pinansin, di ko man lang kinausap. Humupa na ang ulan at agad niyang pinaandar ang sasakyan. Mabilis at matulin ang takbo ng sasakyan, halatang galit siya. Pero gaano man kabilis ang pagtakbo nito, I still feel safe. Kaya lang, di parin ako makangiti o makaimik. Pero di ko rin magawang magalit sa kanya, basta ang alam ko, nasaktan ako nang bitiwan niya ang kamay ko pagkakita kay Charlotte.

89th fall Serene Cruz: What? Yeah.

Bumaba siya sa sasakyan nang nakarating na kami sa bahay nila. Umikot siya sa harapan at binuksan ang pintuan. "Lika na..." Ilinahad niya ang kamay niya. Nakatitig lang ako sa kanya at napansin kong basangbasa parin ang buhok niya pati ang soot niya. Mejo umuulan sa labas pero nakatayo si Dae at hinihintay ang kamay ko. Biglang kumidlat. Alam na alam kong kulog na ang susunod kaya tatakpan ko na sana ang tenga ko pero hinila niya ang kamay ko't yinakap. "D-Dae," "Pumasok na tayo. Di pa kita naipapakilala sa kanila." He said gently while holding my hand. Sinarado niya ang pintuan ng sasakyan at naglakad papasok sa bahay nila hawak-hawak ang kamay ko. Dumiretso kami sa dining room. Tapos na silang kumain at nag-uusap usap na lang sila. Tumayo si Francine para salubungin kami. "O... Saan ba kayo nang galing?" Tanong ng mama ni Dae.

Mas lalong hinigpitan ni Dae ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Dae, kumain na ba kayo? Hindi mo ba nakikitang andito si Francine? Uh-" Tanong ng papa ni Dae habang nakatingin sa magkahawak naming kamay. Hanggang ngayon nakatayo parin kami at hindi ko alam kung anong gagawin ni Dae dito. "Ehemmm. Tapos na kaming kumain. Sige, kayo na lang muna dito. Sa labas lang kami ng mama mo-" "Pa..." Natahimik ang lahat. "Ma, Pa..." Sumulyap siya sa akin. "Si Serene po ang girlfriend ko." OMG. "Ah~" His mom and dad laughed. Nagbulungan din sila kaya mejo na tense na ako. "Uh... Okay-" Pati ata ang mga magulang ni Dae eh naguluhan sa sitwasyon. Tumayo sila at iniwan ang mesa. Napatayo din si Charlotte. "Uh, hija... Sa labas lang kami ng tito mo ah? Diba gusto mong kamustahin si Dae?" His mom smiled at Charlotte. "Opo. Sige po." Umupo ulit si Charlotte. Francine looked confused. Umupo na rin siya sa upuan niya tulad ni Charlotte. "Serene, sorry~..." Sabi ng papa ni Dae sakin ng pabulong. "Ikaw naman Dae... fix this. Kumplikado na ata ang sitwasyon..." "Opo." Kinurot naman ng mama ni Dae ang pisngi nito. "Aw-" "IKaw talaga... Ayusin mo yan!" She whispered in his ears. Ewan ko pero gusto kong tumawa. Hindi na lang ako nagpahalata para di masira ang moment kong 'galit-daw'. Umupo na kami ni Dae. Kaharap niya si Charlotte, kaharap ko naman si Francine. "Kamusta, Dae?" Tanong ni Charlotte.

Hindi pa pala sila nag-uusap kahit galing na kami dito. "Akala ko..." Sumulyap siya sakin. "Francine ang pangalan ng girlfriend mo?" Katahimikan. "Sinabi kasi ni Francine..." Lumingon si Charlotte kay Francine. "nang tinanong ko siya kung siya ba ang girlfriend mo, 'oo' daw." "Totoo naman-" "No you're not!" Charlotte laughed. "Aba't talaga naman-" Francine pushed Charlotte. Kaya nahulog si Charlotte sa kinauupuan niya. Agad namang tumulong si Dae kay Charlotte. Tinulungan niyang makatayo `to. "Aww." Tumayo si Charlotte with Dae's hands. "Thank you." "Sh-" Francine pushed her again. "Francine! Tama na~!" Sigaw ni Dae. Francine's almost crying. Ewan ko ba pero naawa ako kay Francine. "D-Dae, tama na." Sabi ko. Taena, oo gaga ako. Basta! Naawa ako sa kanya. At di ko maatim na walang gawin dito habang nagmomoment yung dalawa. Charlotte's still holding Dae's hand. Bwisit. "Nasasaktan na siya." Binawi ni Dae ang kamay niya kay Charlotte at umupo na ulit ng maayos. I sighed. Nakatitig lang at nakapangalumbaba si Charlotte sa akin habang pinapakalma ni Francine ang sarili niya. "Nakakatakot pala ang EX MO!" Charlotte laughed. "And... hmmm, ang baet ng present!" Tahimik parin. Dae? Say something! "Walang closure yung relationship namin ni Dae, Serene eh. So, naiintindihan ko ang pagwo-walk out mo kanina. Mukhang natakot ka dahil andito ako." 'H-Hindi ah!" "Aminin mo na kasi!" She winked.

Kay Dae na naman ang mga tingin niya. "Kamusta?" Katahimikan. "Nothing has changed?" She laughed. NOTHING HAS CHANGED? WTF? Okay. DIRTY MINDED. Sige Dae! Wa'g mong sagutin, iiwanan ulit kita. "Everything has changed." OWWW. Er.. "Oh. Interesting." Sumulyap si Dae sa akin. "Alis na ako..." Tumayo si Francine. "H-Huh? Why?" Charlotte asked. The sarcasm~ >:( Pinandilatan ni Francine si Charlotte. "Sorry Serene ah?" Her tears are forming in her eyes again. "Sorry din, Dae."

Bago siya nakaalis ng tuluyan sa dining room... "Ah. Francine, okay lang ba kung sasamahan kita paglabas?" "Serene~!" Dae interrupted. "Hindi ako aalis." I glanced at him. "Ihahatid ko lang siya." "Pero~" "What?" Hindi niya ata kayang makipag-usap sa first love niya na sila lang dalawa. "Mabuti na rin yung makapag-usap kayo at magkalinawan kayo kung ano man yung namamagitan parin sa inyo hanggang ngayon!" I said without thinking. Tumayo ako para samahan na nga si Francine, hinila naman agad ni Dae ang braso ko. "You know what?" OMG. "You have no idea how much I love you." Hinalikan niya ako sa pisngi. "And I don't want you to feel the insecurities you are feeling right now." Nakatitig lang si Francine habang kitang kita sa mukha ni Charlotte ang pagiging interesado sa ginawa ni Dae. I feel... embarassed! HAHAHA. OMG.

"Uh~ What? Yeah." Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo kay Francine. Speechless. "Hey, you are not expressive! I know you... OMGEEE, you did that to her? Sooo kilig!" Yun na lang ang narinig ko nang papaalis na kami ni Francine sa loob ng bahay. Sabay pa ang tili ni Charlotte na parang nanood ng isang kilig na love story. What? I DON'T REALLY KNOW WHY IS SHE EVEN HERE AND I THOUGHT SHE'S STILL INLOVE WITH DAE? HER ACTIONS DOESN'T SHOW. Lecheee. At iniwan ko pa silang dalawa doon. Ehem... Okay lang. Sabi ni Dae eh, mahal niya daw ako.

90th fall Serene Cruz: Akala ko ba di ka iibig sakin?

Kailangan kong marinig ang pinag-usapan nila! ERRRR. Kaya todo ang dikit ko sa dingding ng dining room nina Dae. Ayaw ko namang pumasok dahil baka istorbo lang"O, Serene..." Narinig ko ang munting halakhak ni Charlotte. Andun na rin si Dae sa likuran niya. "O-O... tapos na kayong mag-usap?" How embarassing. "Oo." Tumawa ulit siya. Tinitigan ko si Dae nang lumapit siya sakin. "Anong sasabihin mo sa kanya?" Tanong niya kay Charlotte. "Huh?" "Wala ka na dun... Serene," Hinawakan ni Charlotte ang kamay ko't hinila ako papalabas ng bahay nina Dae. Sumunod si Dae pero nang nakalabas na kami sa bahay nila, tumigil na siya't mukhang naging kontento na siya sa pagtingin samin sa malayo. "Umupo ka." Sabi ni Charlotte habang itinuturo ang upuan sa garden nina Dae.

Tiningnan ko si Dae na nasa loob lang at parang di mapakali. "O-Okay." Umupo ako. "B-Bakit?" "May mga tanong ka ba?" Sumulyap siya kay Dae at mukhang may sasabihin siyang sikreto. "A-Anong tanong?" "Tanong... Tungkol kay Dae." "Bakit?" "Sige na! Tanungin mo na ako ngayon, babalik ako ng Canada bukas. Sige ka..." "HUH? Babalik ka ng Canada? Akala ko-" "Babalik ako ng Canada... Dun na ako for good. Tsaka, may boyfriend na ako dun, so..." Teka lang ah? Sink in... "Whatttt?" Nakapangalumbaba ulit siya habang tinitingnan ang reaksyon ko. "Akala ko ba di ka pa nakakarecover kay Dae? Diba sabi mo-" "Loko lang yun. Gusto ko lang makita yung reaksyon mo." "Huh? Pero... Bakit ako? Di naman ako ang girlfriend ni- I mean... That time..." "Alam kong may gusto ka kay Daesimula noon, kaya tinitingnan ko kung may gusto ka pa nga sa kanya." Katahimikan. I am relieved. SOOOO RELIEVED. "Honest mistake lang talaga yung akala ko si Francine parin ang girlfriend ni Dae, tapos sinakyan niya naman ako kaya... don't blame me." She smiled. "Kung ganun... wala ka ng feelings kay Dae?" She chuckled, "Wala na... I got my hot boyfriend... Love him much." Napabuntong-hininga ako. Grabe, supeeer inabangan ko ang mangyayari sa pagbabalik ni Charlotte, mabuti na lang talaga. "So... Kung ayaw mong magtanong, hmmmm...-" "Uh... Te-teka... Bakit kayo nag break ni Dae noon?" Tanong ko. Sumulyap ako kay Dae at nandoon parin siya't mukhang malalim ang iniisip. Hindi niya naman siguro kami naririnig. "Finally..." Charlotte sighed.

"Bago kami umalis noon, usapan namin ni Dae na kakayanin namin ang long-distance relationship." She glanced at Dae. "Days before we parted, dumalas yung pag-inom niya..." What? LOL. Listen, Serene! These are the things you missed. "Isang gabi bago kami umalis, lasing na lasing siyang hinatid ko sa bahay nila. Nakahiga siya dun sa sofa nila, iiwanan ko na sana siya pero... ang sabi niya..." She glanced at Dae again. BREATH, Serene. "'Wag mo akong iwan....-'" And? "'-Serene.'" "Huh?" She laughed, "Yeah. he said that. At dahil masyado akong nasaktan sa sinabi niya. Alam kong maliit na bagay lang yun para makipagbreak ako sa kanya pero..." "Bakit niya sinabi yun?" Tanong ko, at mukhang nagiging boba na naman ako. "My God! Anong klaseng tanong yan? Eh syempre... di ko alam!" She said. "Tanungin mo kaya siya?" Kaya siguro walang nakakaalam kung bakit sila nag break eh dahil... nonsense. "Noong papaalis na ako, sa airport... Sinabi ko sa kanya na kayo ang magkakatuluyan. Pagbalik mo dito, sigurado akong mamahalin ka niya. Nagalit siya sa mga sinabi ko, kaya... nagtalo kami. Walang kwenta daw yung rason ko sa pakikipagbreak sa kanya..." Katahimikan. Speechless. "Dahil sa galit niya, sinabi niyang hinding-hindi siya iibig sa'yo." "I've heard that for a million times." "Ako rin." Awww. You can't escape me, Dae. You can't resist my love. "Tanong niya sakin kanina kung kaya ko bang mapredict ang future. HAHAHA. Tsaka, infairness, ang expressive niya ngayon. Lam mo noon, kahit kami na, puro notes lang yung natatanggap ko. At parang bato siya pagkaharap mo na. Pero ngayon, hmmmm, siguro malakas ang kalaban nun kaya..." She laughed. I don't know if I can still laugh. Masaya ako pero...- masyado na akong masaya.

"O, Ba't ka umiiyak?" She laughed harder. I wiped my tears. OMG. Tears of joy. Nang nakita ni Dae ang nangyari, agad siyang tumakbo sa amin at... "Ba't ka umiiyak?" Umupo siya sa harapan ko at pinunasan ang luha ko. "W-Wala..." Dae looked at Charlotte. "Ano bang sinabi mo?" "Wala ah! Kung ano man yun, di ko siya nasaktan ah!" Sabi niya. "Wala, Dae. May napag-usapan lang kami." "Oo nga. Hmmm." Charlotte sighed. "Binilang lang namin kung ilang ulit mong sinabi na di ka iibig sa kanya." "A-" "O... diba? Speechless ka!" Ilang sandali ang nakalipas, ganun parin ang posisyon ni Dae habang binabantayan ang mga mata ko. Binabantayan ang pag-iyak ko. Pero kung ganun ang gagawin niya sakin, bakit pa ako iiyak, diba? "Yo!" "Crayon, Sophie-" Biglang pumasok si Sophie at Crayon sa eksena. Parang nabigla na rin ang dalawa ng makita si Charlotte. Nakita ko rin ang pag-aalala ni Sophie sa akin. "O sige, gabing gabi na. My Dad's waiting for me." Tumayo si Charlotte at nagpaalam na. Di naman siya pinigilan ni Dae at wala na ring nasabi sina Sophie at Crayon hanggang sa umalis na siya. "What was that?" Crayon asked Dae. Kinaladkad narin ako ni Sophie papalayo kina Dae at Crayon. "Ano yun? Si Charlotte yun ah. Anong nangyari?" Wala parin akong masabi kaya ngumiti na lang ako. "Are you alright?" "Oo." I smiled at Sophie.

Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Malayo kami kina Crayon at Dae pero pagkatapos kong ikuwento kay Sophie ang lahat... pero narinig ko parin ang sinabi ni Dae kay Crayon... "Maybe, I've hurted her so much - too much - that the only thing that I can do for her, right now until forever, is to love her." Napalingon ako sa kanilang dalawa. Papunta sila sa amin ni Sophie. "So, what now? Double date?" Tumawa si Crayon habang inaakbayan si Sophie. "Sure!" Sabi ni Dae. Tumawa si Sophie at Crayon at naunang maglakad sa amin. Nasa likuran kami ni Dae nang inakbayan niya rin ako tulad ng ginawa ni Crayon kay Sophie. I glared at him and watched him as he sighed. "Akala ko ba di ka iibig sakin?" Tanong ko kay Dae, iinisin ko sana. Dae smiled an evil smile for me as he whispered, "I didn't managed to escape from your love. So this time, I won't let you escape too." I loved Dae. I'm loving Dae. And I will love Dae. Kahit masyadong masakit ang mga sinapit ko sa kanya pagkatapos ng halos sampung taon, okay lang. Basta ba may kahit isang minutong ganito siya... Ang halos sampung taon na yun, eh binalewala ko na. Nakalimutan ko na ang mga sakit na nangyari... parang di niya ako nasaktan kahit kailan.

END Serene Cruz

Nagulat ako nang napanood namin ni Dae ang pelikula ni Nico. Hindi dahil malayo sa karakter niya ang ginampanan niya doon kundi dahil ang istorya sa pelikula ay katulad ng istorya namin ni Dae. Nakakatuwa nga dahil tumatawa kami ni Dae sa tuwing pumapalpak ang babae at nag-iinarte ang lalaki. Naaalala namin ang mga sarili namin. Ang huling part lang ng istorya ang di pa nangyayari. Pero mangyayari pa ngayon. "Akalain mo nga naman, no?" Sabi ni Kuya Red habang inaayos ang necktie niya. "Sinasabi ko na nga ba. Sa kanya ka lang talaga iibig." "Kelan mo ba sinabi yan?" Tanong ko. Loko talaga siya, di ko naman matandaan kung kelan nga niya sinabi yun.

Biglang sumulpot si Crayon out of nowhere. Ang guwapo guwapo niya ngayon. Pero di parin siya nagbabago. Inakbayan niya ako. "Oppps! Crayon, dumistansya ka nga. Naapakan mo ang damit niya eh." Sigaw ni Kuya. "Sorry na." Dumistansya siya. Nakangiti parin siya habang nakatingin sa akin. "Ayos ah. Edi bestfriends forever na kami ni Dae nito. HAHAHAHA" >:D "Whatever." "To talaga, nagtataray pa sa mga oras na `to." "Kasi naman, alam ko namang mangungulit ka na naman dito." "Hindi na ako ganun noh. Matanda na kaya tayo. HAHAHAHA" "Hindi raw ganun... hmmmp." Pumasok si Ney sa kuwarto, at narealize kong ang gwapo-gwapo rin ng kapatid ko. Binata na't ewan ko kung meron na ba `tong napupusuan. "Lina kayo. Mali-late na tayo." Sabi ni Kuya Red habang kinaladkad ang kapapasok lang na si Ney. "Crayon!" "Mali-late?" "Ano ba~ Nagugusot ang soot ko weh." Inayos ulit ni Ney ang soot niya. "Kuya, dahan dahan naman diyan. Ang gwapo pa naman ni Ney." Saway ko. May pumasok ulit. Dalawang kyut na bata. Twins. "Dad, Lolo said we should go already." Sabi ng lalaki habang hinihila ang soot ng kanyang ama - si Kuya. "Tita, you're soooo sooo beautiful!" Sabi ng batang babae na lumapit sa akin. I smiled at her and she kissed me on my cheek. Tama. Ang dalawang iyon ay anak ni Kuya Red. HAHAHAHA. Ang bilis ng panahon no? Parang kailan lang eh pinipilit ko pa si Dae sa pag-ibig ko. Parang kailan lang eh umiiyak pa ako ng todo-todo dahil sa sakit na binibigay ni Dae sakin. Pero ngayon, ano na? Siguro tama siya sa sinabi niya noong masyado na akong nasaktan kaya ngayon, wala na akong pwedeng matanggap sa kanya kundi ang pag-ibig niya. At dahil mahal niya nga ako, wala ng problema! Kasi mahal ko naman siya noon pa, at mukhang di na ata ako magmamahal pa ng kahit sino ulit. Wala ng mas makakasakit sa akin kundi siya. I ENTRUST MY HEART TO HIM. No. Useless kung sasabihin ko yan dahil simula noon, nasa kanya na ang puso ko. So now, I AM OFFICIALLY ENTRUSTING MY HEART TO HIM.

*There's two things I know for sure... She was sent here from heaven and she's daddy's little girl...* I walked slowly holding my father's hand. Nakita ko ang ngiti ni Nico habang kumaway sa akin. His smile was very pure. Nauna na si Sophie at nakatayo lang siya habang mejo naiiyak. Si Mama naman mejo busy pero di parin natanggal sa kanyang mukhang ang saya. Si Kuya naman nasa tabi ng kanyang asawa. Ang twins niya naman eh kasama ang ibang bata. Sina Mina, Chyna at ang banda naman ay behave na behave sa kanikanilang mga upuan. Si Ate bloom kasama ang asawa at anak niya, at si Mara eh kumaway sa akin. Andun na rin ang iba pang kapatid ni Dae na lalaki - klumpleto. Kasama naman ni Ney sa upuan niya ang mga kaibigan niyang lalaki. As I was about to cry, Dad tapped my hand. *Butterfly kisses after bedtime prayer...* And to my surprise, he's almost crying too. Nakangiti nga siya pero bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan at kasiyahan para sa akin. *She'll change her name today... She'll make a promise and I'll give her away..."Walk my down the aisle, Daddy-it's just about time." "Does my wedding gown look pretty, Daddy? Daddy, don't cry!" I know I gotta let her go, but I'll always remember every hug in the morning and butterfly kisses...* Ewan ko kung bakit pero ramdam kong si Dae lang talaga ang gusto ni papa para sa akin. Si Dae lang ang kaya niyang pagbigyan. He tapped my hand again. Nakita ko si Crayon kasama ang evil smile niya. Siguro normal lang sa kanya ang mga evil smile niya pero I don't know, he seems mysterious all along. Para bang marami siyang alam na di ko alam. Pero kung ano man yun, sigurado akong di niya rin ako pababayaan. Pero mas lalo akong iingatan ng taong katabi niya. He's wearing an all-white suit. Puti rin ang soot ko eh, kaya tamang-tama. Dad hugged me. Then he tapped Dae's shoulder. "Ingatan mo siya." "Opo,-"

WHOA. "-pa." WHOAWHOA! My heart skipped a beat. Can't understand what I'm feeling. That was the first time I heard him call my father that. OMG. Tumango si Papa at tumabi na kay mama. Katabi din nila ang mama at papa ni Dae. "Please, entrust your heart to me." Bulong ni Dae. Mejo pormal ang pagkakasabi niya kahit nakangiti na siya. Di parin ako makapaniwala eh. Kaya mejo umiyak ako. "I've already entrusted my heart to you, since then." Sabi ko. Tinulungan niya ako sa pagpunas ng luha ko. "Sorry. Ikaw kasi, ayan tuloy!" Sabi ko. He chuckled. "Pinapaiyak na naman kita." He said. "Kaya ngayon, can you please, entrust your life to me." Kanina heart. Ngayon, life! "Hinihingi mo na yata lahat sakin eh." Sabi ko. "Syempre, nasa sayo na yung lahat sa akin. Ayaw ko namang bawiin, kaya..." "My life belongs to you..." Sabi ko sa kanya para di na siya makapagsalita. He kissed me on my cheek. I looked at him and we were smiling at each other. Alam kong masaya kaming pareho. Linapit niya ang bibig niya sa tenga ko, "Di pa nagsisimula, kasal na tayo." I smiled. I know that I'd never regret anything when I'm with him. I know that my downfalls are worth it. Dae proved me that everything was worth it.

You might also like