APRIL 15, 2013

NR # 3074B

Ang tuwid na daan ni PNoy
Naniniwala si Rep. Luzviminda Ilagan na ang tanging solusyon para masawata ang korapsyon sa Bureau of Customs ay linisin itong mabuti, tanggalin ang mga luma at palitan ng mga bago at sinserong empleyado. Sinabi pa ni Ilagan dapat magtrabaho nang husto si Pangulong Aquino kung nais niyang magkaroon ng katuparan ang kanyang tuwid na daan theme. “Kung ipagpapatuloy niya ang see no evil, hear no evil or speak no evil sa ahensiya, itinigil na niya ang pagsasalita tungkol sa kanyang tuwid na daan at magtrabaho siya ng husto,” sabi ni Ilagan. Ang BoC ay nalalagay ngayon sa hindi magandang imehe, kaugnay sa mga ulat na talamak na smuggling ng langis sa pamamagitan ng special economic zones at agricultural products na bilyong piso ang nawawalang buwis sa gobyerno. (30) eg

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful