MAY 9, 2013

NR # 3098B

Mariculture program
Isusulong ng mga mambabatas ang panukala para sa isang National Mariculture Program para tiyakin ang proteksyon ng maritime environment ng bansa at kontribusyon nito sa seguridad ng pagkain. Ang mariculture ay naka-desenyo para magbunga ng mga isda sa pamamagitan ng sea cages, magpalaki ng matataas na uri ng marine species, tulad ng bangus, siganids, seaweeds, oysters, mussels, red snappers, groupers at iba pang species. Dahil tumataas ang international trade at competition, naniniwala si Rep. Benhur Salimbangon na kailangan ng bansa na palakasin ang plano at pagpapatupad sa development programs na may kakayanang kompitensya sa pandaigdigang pamilihan. (30) eg

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful