You are on page 1of 74

My Love Is Here by: Lee Shin Sa mga masugid kong mambabasa!!!

Muli po ay inihahandog ko sa inyo ang isang pang nobela na sana po ay magustuhan ninyo. Narito na po ang love story nina Sam and Robin. Ang fallen for me SERIES 2 na pinamagatang My Love Is Here. Sana po ay subaybayan ninyo. Maraming salamat po

Teaser: *Saira Alba Martin aka Sam. Maganda, mabait at matalino. Siya ang tipo ng tao na kapag nag-suspetsa hindi titigil na mailabas ang katotohanan. Siya ang unidentical twin ni Jam. Nagkahiwalay silang magkapatid noong 14 years old pa lamang sila, nang dahil sa isang aksidente. Nasira ang mukha ni Sam at may nakapulot na isang mangangahoy sa kagubatan. Inampon naman ng mag-asawang Del Mundo, pagkatapos ay naninirahan sa ibang bansa. Dahilan rin upang mabago ang kanyang mukha at ipagaya ang mukha sa yumaong anak ng mag-asawang Del Mundo. Ngayon ay kinikilala siya bilang unica hija ng magasawang Del Mundo. Si Saira ngayon bilang si Margaret Del Mundo.,. *Robin Cruz Santillan aka Rob. Gwapo, mabait at tinitilian ng kababaihan. Siya ang tipo ng tao na masayahin at palabiro ngunit minsan ay may pagkaseryoso. Siya si Robin, ang martir na Bestfriend ng kapatid ni Sam. Magaling kumanta at mag-gitara. Naging bandmates ni Jam sa bandang Jam Session. At sa kasalukuyan ay bokalista na, nang bagong bandang Stupid. Ulilang lubos sa magulang ngunit kasama pa rin ang kapatid na si Angie na ngayon ay napagtapos na niya sa kolehiyo. *Nag-krus na ang kanilang landas sa pamamagitan ni Jam. At napagkamalan na kababata si Sam dahil sa retokadang mukha nito na kay Margaret. Si Margaret ang naging kababata ni Robin noon pa lamang ito. Sa pagku-krus nang kanilang landas! Mapansin naman kaya ni Robin si Saira na lihim na umiibig sa kanya. Umibig muli kaya siya sa huwad na mukha ni Saira bilang si Margaret. At si Kristine Flores (Tin-Tin Flores), ang isa pa nilang kababata! Ano ang magiging papel nito sa buhay nila? Gayundin si Liza Martin, ang anak ng yumaong si Delfin. Ano ang kadahilanan sa pagbabalik nito sa buhay ng kambal na Martin? Ipaghiganti kaya nito ang pagkamatay ng ama at ang pagkakapiit sa bilangguan ng ina! CHAPTER I Ilang araw nang tapos ang kasal ng kapatid ngunit hindi pa rin maka-get over si Sam sa pangyayaring naganap sa kasal nito. Hindi maipaliwanag ang kanyang damdamin sa nararamdamang tuwa at pagkabigla sa ginawang iyon ni Robin. Oo nga at halik iyon, ngunit ang halik na iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala sa sarili ang dalaga. Nakahiga sa kanyang silid at yakap ang isang malambot na unan. Oh my god!!! Eeewwww! kilig na kilig sa kilos ni Sam habang yakap ang unan na itinakip pa sa mukha. Pagkatapos ay bigla siyang napatayo at naglulundag sa kama. Sumigaw ng sumigaw. Yes!!! Yes!!! Hoooh hoooh!!! sigaw nito. Dali-daling pumasok ang maid sa kanyang silid na nakalimutan pa palang i-lock. Maam!!! Maam!!! Ano po ang nangyayari sa inyo? bungad ng maid na si Ising(halatang nag-aalala sa amo).

Ah!!! Wala! biglang sambit ni Sam na tumigil sa kalulundag at mabilis na naupo sa kama. Akala ko po kasi kung ano na nangyari sa inyo! Narinig ko ho kasi kayong sumisigaw! saad ng maid. Hihi!!! Pasensya kana Ising! Wala lang kasi akong magawa! nakangiting turan nito. Hmmm! Si maam!!! Inlove kayo noh!!! pambubuska ng maid. Naku, Ising! Tumigil ka nga riyan! Ikaw ha, kung ano-ano pinagsasabi mo! pag-dedeny niya. Kunwari ka pa, maam! Blooming po kayo! At halatang-halata na inlove kayo! pagbubuking nito. Ikaw ha! Baka gusto mong mawalan ng trabaho! bulalas ni Sam. Ay naku, maam! Sabi ko nga po eh lalabas na ako!!! anas ng maid na sisipol-sipol pa. Lumabas ang maid at ngingiti-ngiti si Sam sa tinuran nito. Hay!!! Ganito pala ang pakiramdam ng isang inlove!!! anas ni Sam na lumapit sa radio at nagpatugtog. Pagkatapos ay nahiga at sinabayan ang kanta sa radio habang yakap-yakap ang unan nito. Words nothing but words For me to show how much My love for you unfolds. Through trouble and fears This love feels so real And I need you to know Refrain: Even though were far apart Youre right beside me In my heart Chorus: Dont you know my love is here? Dont you know my love is real? You should know by now This much is true My love Is Here for you == Maya-maya ay may kumatok sa pintuan. Kakamot-kamot na napabangon si Sam. Ising, ano ba? bulalas niya pagbukas ng pinto. Ising ka dyan! Aga-aga, nag-iingay ka! Ang sakit kaya sa tenga! Tapos todo pa pagkanta mo! pambubuska ni Jam na halatang kadarating lamang. Ay ikaw pala, sis! Ikaw naman, minsan lang kumanta nababatas pa! pang-iismid ni Sam. Buti sana kung magandang pakinggan, kaso ang sakit sa tenga! bulalas nito.

O sige na, kayo na magaling kumanta! Hindi na nga ako kakanta kahit kelan! asik niya. Ito naman! Tamporurot agad! anas ni Jam na sinundot-sundot sa tagiliran ang kapatid. Tama na nga! Bakit ka ba naparito? tanong ni Sam na nakangiti na. Ahh! Kukunin ko lang yung ibang gamit ko na naiwan! tugon nito. Sige, halika! Tutulungan na kita!!! yaya niya. Nagpunta sila sa dating silid ni Jam at inayos ang mga gamit na kailangan nitong kunin. == Sa kabilang banda. Nakahiga si Robin sa kanilang sofa sa may sala at halatang napapa-isip. Bakit kaya ganun na lang ang dating sa akin nang halik na yon? Ang tagal na hindi ko pa makalimutan! untag ni Robin sa kanyang isipan. Ano ka ba Robin? Simpleng halik lang yon, kalimutan mo na! bulalas sa isipan niya. Hindi niya alam na lihim siyang pinapanood ng kapatid na si Angie. Ngunit hindi nakatiis na sumingit ito. Hoy, kuya!(tapik nito) Ano bang iniisip mo? Kanina ka pa parang sira dyan! bungad nito. Aba at kanina ka pa ba dyan! pagtatanong niya. Ay, hindi! Nasa likod bahay nga ako eh!!! At saka imposible na mapanood kita roon. Natatanaw nga kita kahit nasa likod-bahay ako, parang kang tanga na kinakausap ang sarili! May pahawak-hawak ka pa sa labi mo! Adik ka na ba, kuya! pamimilosopo nito. Loka ka! Banatan kita dyan! Ikaw, kung anu-ano pinagsasabi mo! asik niya sa kapatid. Naku! Kunwari ka pa!!! Siguro, babae noh! Sigurado hindi si Jam yan, kasi may asawa na yung tao! pambubuking nito. Tumigil ka nga! Pumunta ka nga sa kusina at magluto ka! utos niya. Sinunod naman siya ng kapatid ngunit hindi pa man nakakalayo ang kapatid Angie! Paandarin mo nga yung radio, sa favorite station ko! utos muli niya. Sumunod naman ang kapatid at pinatugtog ang radio. Nasa kalahitaan na ang kanta at unti-unting sinabayan ni Robin. Time nothing but time to make up your mind Ill give you all that you need. I want you to know Ill never let go Till you come back to me Refrain 2: Even though your far away Im right beside you Day by day Chorus:

Dont you know my love is here? Dont you know my love is real? You should know by now This much is true My Love Is Here for you *Sinasabayan ni Robin na animo feel na feel ang kinakanta Hindi pansin na pinapanood pala siya ng kapatid at bumunghalit ng tawa. Ikaw talaga! Kanina ka pa ba dyan! Di ba, pinagluluto kita! asik ni Robin sabay tayo upang puntahan ang kapatid ngunit tumakbo ito papunta sa likod bahay. Wehhh! Si kuya, ang arteng kumanta! Sayang dapat pala na-video ko! bulalas nito na tumatakbo. Pag naabutan kita! Lagot ka sakin! banta ni Robin sa kapatid na tatawa-tawa naman. E di kung aabutan mo! pambubuska nito. Naghabulan silang magkapatid at walang tigil ang pang-aasar ni Angie sa kuya niya.

CHAPTER II Lumipas ang ilang araw bilang bagong mag-asawa nina Jam at Ken. Nakaupo sila sa sofa at nagkukwentuhan. Babe! You know what? Parang nakikinita ko na ang Sis ko at si Robin! bulalas ni Jam. What do you mean, babe? tanong ni Ken.. Wala, kasi feel ko lang na magiging sila! saad ni Jam. Paano mo naman nasabi? ulit ni Ken. Ah, basta! Para sakin sila ang perfect match!!! bulalas ni Jam na biglang napangiti sa iniisip. Oh, ano naman ang iniisip mo? Parang may binabalak ka ah!!! anas ni Ken. Babe, alam ko na! Basta tulungan mo ko! Kailangan natin na mapaglapit sila. saad ni Jam. Paano naman? kunot-noong turan ni Ken. Simple lang, maki-ride ka lang sa gagawin ko! bulalas ni Jam pagkatapos ay inabot ang celfone at tinawagan ang kapatid. Hello, sis! Nasaan ka? bungad agad ni Jam sa kapatid. Ah, may meeting ako kay Atty. Pimentel! Pero patapos na rin! tugon nito. Ah, pwede bang pagkatapos mo dyan eh puntahan mo ako rito! saad ni Jam. Bakit? Nasaan ka ba? tanong nito. Nandito ako ngayon sa MOA! May binili lang! sagot niya. Eh, nasaan si Ken? Bakit hindi siya ang kasama mo? pagtatanong nito. Meron kasi siyang inaasikaso! Sige na puntahan mo ako rito! Hintayin kita rito sa ground floor malapit sa food court! saad ni Jam pagkatapos at pinindot ang end button.

Kayat hindi na nakapagreklamo si Sam. Wait, Jam! habol ni Sam ngunit dial tone na lamang ang narinig niya. Nagkibit-balikat na lamang siya at napabuntong-hininga ng mapansin ng abogado niya ang kanyang kilos. Sa kabilang banda, tatawa-tawa si Jam sa ginawa niyang pagsisinungaling sa kapatid. Pano ba yan, babe? Your turn! utos ni Jam. Hah! Ako! Ano naman ang gagawin ko? bulalas ni Ken. Eh di tawagan mo si Robin! Sabihin mo na pumunta siya sa MOA kasi hindi mo ko mapupuntahan dahil may inaasikaso ka pa! saad niya. Ano? Ako! Ayoko nga! tutol nito. Ayaw mo! Fine! Wag kang tatabi sa akin mamaya! wariy naggagalit-galitan siya. Oh, siya! Sige na nga! Gagawin ko na! asik ni Ken. Tinawagan na rin niya si Robin. Maya-maya ay sinagot nito ang tawag niya. Hello, Ken! Napatawag ka! sagot nito. Ahm! Si Jam kasi nasa MOA ngayon! Pwede mo ba siyang puntahan! saad ni Ken. Bakit? Nasaan ka ba? tanong nito. Ano kasi? May kliyente pa ako na kailangang puntahan! Kung pwede makipuntahan mo muna siya! Busy kasi si Sam! saad ni Ken. Ah, ganun ba! Sige, itetext ko na lang siya! pagpayag ni Robin. Okay, pare! Salamat! Nasa ground floor lang siya malapit sa food court! saad muli nito. Okay! Salamat! saad nito pagkatapos ay pinutol na ang tawag, Babe, ano sabi ng bestfriend ko? excited na tanong ni Jam. Ano pa nga ba? Eh di pumayag! Pupunta na raw siya! bulalas ni Ken. Yessss! tuwang-tuwang turan ni Jam na napapitik pa sa hangin. Ikaw talaga! Napaka-pilya mo! untag ni Ken at hinapit ang asawa sa beywang. Yaan mo na ko maging match maker ngayon! paglalambing niya. O, sige na!!! Sana lang mapanindigan mo ang pagiging match maker mo! saad ni Ken. Oo naman ako pa! pagmamalaki ni Jam. Ang mabuti pa, tara sa kwarto! bulong ni Ken. Babe ha! Umayos ka! Malapit na akong manganak! saad ni Jam na nakatulis pa ang nguso. Ikaw naman! Naglalambing lang! Wala naman akong gagawin na iba eh! depensa ni Ken. Pumunta na nga sila sa kanilang silid at doon nagharutan.

== Sa MOA, pagpasok na si Robin ay agad niyang hinanap si Jam. Ngunit hindi naman niya ito makita. Kayat sinubukan niyang kontakin ito ngunit patay ang celfon nito. Nasaan na kaya ang babaeng yon? bulalas ni Robin sa isip na lilinga-linga sa paligid. Maya-maya ay dumating si Sam na halatang nagmamadali. Patakbo siyang pumasok sa entrance pagkatapos ma-check ng lady guard ang bag niya. Hindi niya napansin ang nakaharang sa kaniyang daraanan dahil dinadayal niya ang numero ng kapatid sa celfon niya. Nang biglang may makabangga siya. Shit! Ano ba? pagtataray ni Sam dahil bumagsak ang celfon niya na pinupulot pa lamang niya. Abah, miss! Ikaw ang hindi tumitingin sa dinaraanan mo! asik ni Robin. Hoy! Kung ako! hindi naituloy ni Sam ang sasabihin dahil ng tingnan niya ang kaharap ay laking gulat niya ng mapagtanto ito. Bigla ring natahimik si Robin na makita na si Sam pala ang nakabangga sa kanya. Matagal sila sa ganoong ayos na nakatitigan pa. Nang may nagsalita. Hoy! Pinagtitinginan kayo! saad ng isang nakasaksi. Biglang natauhan ang dalawa. Hindi malaman ni Robin ang kanyang sasabihin. Pagkatapos ay tumayo naman si Sam hawak ang celfon na baklas-baklas. Muling nakahuma si Robin. Sam! A-an0 nga pala gina-ga-gawa mo rito? medyo nautal na tanong ni Robin. Ah, eh! Tumawag kasi si Jam! tugon ni Sam na hindi na makatingin ng derecho kay Rob. Ah, ganun ba! Paanong si Jam, eh tumawag naman sa akin si Ken! Sabi nya nandito raw si Jam at walang kasama! Kasi busy ka rin daw! bulalas ni Rob. Hah! Ako (turo sa sarili). Teka nga pala, nasaan si Jam! biglang bawi ni Sam. Biglang ring rumehistro sa utak ni Robin si Jam na kanina pa niya hinahanap. Nasaan na kaya ang babae na yun? untag nito. Maya-maya ay tumunog ang celfon niya at si Jam ang nagtext. Best! Sorry ha! Hindi ko na kayo nahintay! Kasama ko na si Ken, sumama na lang ako sa meeting niya! text ni Jam sa celfon ng matalik na kaibigan. Nagtext si Jam! Kasama na raw niya si Ken! Pasensya na raw kasi hindi na nya tayo nahintay! saad ni Robin na binabasa ang text ni Jam. Ano? Ibig sabihin alam nya na pareho tayong pupunta rito! biglang bulalas ni Sam pero sa kanyang isipan ay may pagdududa. Ngunit kung ano man iyon ay wala na siyang pakialam. Kung ano man ang ginawa ng kapatid ay ikinasiya niya, basta ang importante ay nasilayan niyang muli ang lihim na sinisinta.

Oo nga eh! Paano na yan? anas ni Robin. Ewan ko! Eh ikaw, anong plano mo! Uuwi ka na ba! bulalas ni Sam. Walang maisip na sasabihin si Robin kayat inaya na lamang niya na kumain si Sam. Ah, ang mabuti pa kumain na lang tayo! Nagugutom na kasi ako! yaya ni Robin. O, sige! Saan ba? agad na sagot ni Sam. Sinilip muna ni Robin ang kanyang pitaka. Patay! Di pa pala ako nag-wiwithdraw! Hindi ko siya mayayaya sa isang class na restaurant! bulalas ni Robin sa kanyang isipan. Rob! Okay ka lang! Ano ba ang tinitingnan mo sa wallet mo? Siguro wala kang pera hanoh! pambubuska ni Sam. Hindi naman! Naiwanan ko kasi yung atm ko sa bahay kamamadali ko kanina! tugon ni Robin. Ah, ganon ba! Kung gusto mo ako muna taya! saad ni Sam. Ah hindi na! Kung papayag ka, okay lang ba sayo na dito na lang muna tayo sa food court kumain. Masarap din naman ang pagkain rito. wika ni Robin. Walang problema sa akin! Kaw ha, ayaw mo pa akong pagbayarin! asik ni Sam pero sa kanyang isipan ay kahit sa bangketa lang siya pakainin ni Robin ay masaya na siya. Nagpunta sila sa food court at umorder ng pagkain si Robin. Napansin ni Robin na sarap na sarap kumain si Sam. Nakatitig siya sa mukha nito. Bakit, Rob!? May dumi ba ako sa mukha! bulalas ni Sam. Ah! Sorry ha! Nakakatuwa ka kasing panoorin na kumain! Si Jam kasi hindi ganyan, poise na poise siya sa pagkain. biglang nasambit nito. Ah, ganon ba! malungkot na turan ni Sam. Sa kanyang isipan ay hindi maiaalis na ikumpara pa rin siya sa kapatid kahit may asawa na ito. Bakit bigla kang natahimik? Ayaw mo na ba! anas ni Robin. Ah, hindi! Wala! May naaalala lang kasi ako! alibi ni Sam. Maya-maya ay may lumapit sa kanila na isang babae. Biglang tinapik si Sam. Hey, Marga! Is that you! bungad nito. Yes, do I know you! tugon ni Sam. What? Ang bilis mo namang makalimot. Hindi mo ba ako natatandaan! Ako yung kababata mo sa San Antonio! pakilala nito. Ano? Sorry, pero hindi talaga! Sino ka nga? pilit na kinikilala ni Sam ngunit hindi talaga niya makilala sapagkat hindi siya ang tunay na Marga. Ano ka ba? Hindi mo ba naalala ang mga kalokohan natin! Si Robin, hindi mo ba siya naaalala! bulalas nito. Tiningnan ni Robin ang kaharap ni Sam at hindi nga siya nagkakamali. Ikaw ba yan, Tin-Tin! singit ni Robin.

Nilinga siya ng magandang dilag at mabilis siyang nakilala nito. Oh my God! Robin!!! As in Robin Santillan! Bakit magkasama kayo ni Marga? bulalas nito. Ngunit kunot-noo si Sam at hindi masakyan ang usapan ng dalawa. Ako nga to! Kumusta ka na! saad ni Robin. Heto! Loveless pa rin! Wag mong sabihin na kayo ni Marga! untag nito. Ah, hindi ah! Magkaibigan lang kami! anas ni Robin. Talaga! E di may pag-asa pa pala ko! bulalas ni Tin-Tin na sagad ang ngiti sa mga labi. Lalong sumimangot naman ang mukha ni Sam at maya-maya ay bubulong-bulong. Ang kapal ha! Balak pa kong agawan! bulong ni Sam. Ano ang sabi mo, Marga? bulalas ni Tin-Tin. Ah, wala! Sabi ko kain ka muna! alibi niya. Thanks but no thanks! Hindi ako kumakain ng pagkain sa food court! nakangiwing turan nito. Ay sorry ha! saad ni Sam na naka-arko ang isang kilay. Of course! Gulat nga ako sayo! Kasi himala na kumakain ka dito! bulalas nito. Alam mo kasi Miss, I mean Tin-Tin! Pwede ring magbago ang tao! Subukan yung mga bagay na hindi pa nagagawa sa buhay! asik niya na nagkunwari na kilala na niya ito. Ganon! Sorry, pero never kong gagawin ito! pakli ni Tin-Tin. Ikaw ang bahala! Ang sa akin lang baka kainin mo ang sinasabi mo balang-araw! inis na ring turan niya. Bakit ang sungit mo ngayon? Hindi ka naman ganyan dati! Nawala lang ako ng ilang taon parang nag-iba ka na! Condolence nga pala sa iyo sa pagkamatay ng Papat Mama mo! sambit nito. Sorry ha! Medyo stress lang ako nitong mga nagdaang mga araw! Salamat sa pakikiramay. pagdadahilan niya. Napaisip si Robin sa huling tinuran ni Sam. Stressssss! Saan naman kaya siya naistress? Sa halik ko ba! ani Robin na pumasok sa kanyang isipan. Rob! untag ni Sam. Oh, bakit? biglang sagot nito. Parang kasing bigla kang natulala! saad ni Sam. Ehemmmm! singit ni Tin-Tin. Bakit Tin-Tin? pagtatanong ni Rob. Ano kasi? May pupuntahan pa ba kayo! Kung wala eh magikot-ikot muna tayo rito sa loob ng mall. yaya ni Tin-Tin. Okay lang ba sayo Sa-sa Marga!!! turan ni Robin kay Sam.

O, sige! tipid na sagot niya. Tumayo na sila at nagsimulang maglibot sa loob ng mall. Abot-abot ang kapit ni Tin-Tin sa braso ni Robin. Na siya namang kinaiinis ni Sam. Lagi lamang tuloy siyang nakasunod sa dalawa. Sa tuwing lalapit siya kay Robin ay sumisingit ito. Maya-maya ay nag-yaya ito na pumunta sa rest room. Kayat iniwan nila si Robin sa labas. Uyy, Marga! Ang gwapo talaga ni Robin hanoh! bulalas nito. Ah! Oo naman! tipid na sagot niya. Ganyan lang ang reaksyon mo! Sabagay, di mo nga pala siya type kahit na alam mo na ikaw ang first love niya! bulalas nito. Hah! Ako, first love ni Rob.! biglang sambit niya. Ikaw ha! Kunwari ka pang hindi mo alam! Ayaw mo nga sa kanya noon kaya binasted mo siya agad! asik ni Tin-Tin. Talaga! bulalas niya. Oo!!! Ang bilis mo naman nakalimutan! Kaya nga humingi ako ng tulong sayo noon! Crush na crush ko kasi siya!!! Sabi mo pa nga tutulungan mo ako kasi si Julius ang type mo noon, yung pinsan niya!!! saad nito. Ay oo nga pala! wariy alam niya ang tinutukoy nito. So, paano ba yan? Siguro naman ngayon, pwede mo na akong tulungan sa kanya! Mukha kasing naging close kayo eh! saad nito. Hah! tanging nasabi ni Sam at hindi alam ang isasagot. Pagkatapos ay nagyaya na itong lumabas. Hay naku! Tara na nga! Baka naiinip na ang loves ko sa labas! yaya ni Tin-Tin. Walang-hiyang babae to! Balak pa akong agawan kay Rob ko." aniya sa kanyang isipan habang nakasunod rito. Sabunutan ko kaya to oh kaya i-flush ko sa inodoro para magdisappear ng tuluyan. muli sa kanyang isipan. Paglabas sa Rest Room ay agad na lumapit ito kay Robin at kumapit na naman sa braso nito. Sa nakita ni Sam ay inis na inis siya rito at ibig ng ihulog sa escalator ang harot na babae. Natapos ang oras na magkakasama sila at nakasunod lamang siya sa mga ito. Nagyaya na si Robin na umuwi. So, paano? Uwi na kami Tin-Tin! pagpapaalam ni Robin. Okay! Heto nga pala yung calling card ko! Tawagan nyo lang ako pag may lakad hah! saad nito na inabutan sila ng tig-isang calling card. Pagkatapos ay nauna na itong umalis lulan ng kanyang kotse. Tara na! Hatid na kita sa inyo! Convoy na lang tayo! yaya ni Robin kay Sam. Umuwi kang mag-isa mo! Kaya kong umuwing mag-isa! ingos niya rito sabay talikod at pumunta sa parking lot ng kanyang kotse. Iiling-iling na lamang si Robin sa inasal ni Sam.

Ano naman kaya problema ng babaeng yon? Kanina lang okay siya tapos ngayon parang may topak!!! kausap niya sa kanyang sarili. Hayyyy! Ang mga babae talaga, ang hirap spellengin!!! buntong hininga niya habang nakatunghay sa papaalis na sasakyan ni Sam. Pagkatapos ay pumunta na rin siya sa parking lot na pinagparadahan ng kanyang secondhand na sasakyan. At umalis na rin sa lugar na iyon. CHAPTER III Inis na inis si Sam ng makauwi sa bahay. Ang ganda na sana ng moment namin ni Rob kung di lang sumingit ang Tin-Tin na yon! Bakit ba pa kasi dumating pa ang babaeng yon? inis na sambit ni Sam habang nakaharap sa salamin. == Dumating ang araw ng panganganak ng kapatid ni Sam. At nagsilang ito na isang anak na lalaki. Sis! Musta ka na! Ano na ang pakiramdam mo ngayon? saad ni Sam ng dinalaw ang kapatid sa ospital. Okay lang! Heto masaya, kasi mommy na talaga ako! naluluha pang pahayag ni Jam. Oo nga pala! Nasaan si Ken? tanong niya. Ah, nasa nursery sya! Excited na makita si baby Kennedy! nakangiting turan nito. Ganon! Excited talaga sya! Ako kaya kelan magkakaroon ng sariling pamilya! biglang inasam ni Sam. Ano ka ba? Alam kong darating ka rin sa time na yan! At alam kong magiging masaya ka! saad ni Jam. Sana nga, sis! Gusto ko yung masaya na katulad ng sa inyo ni Ken! Pero ayoko ng maraming sagabal! bulalas niya. Ikaw talaga! anas nito. Maya-maya ay dumating rin ang mga kaibigan nila na sina Aiza at Janah. Ganoon rin si Robin na kasunod lang ng mga ito. Wooooohhh! Kumusta na ang bagong mommy! bungad agad ni Aiza. Oo nga! Nasaan na si baby boy? hanap ni Janah. Ah si baby Kennedy ba! Nandoon sya sa nursery, binisita na nga ng daddy niya eh! nakangiting turan niya. Sisteret! Punta muna kami sa baby mo,tangayin na rin naming itong si Saira! tatawa-tawang saad ni Aiza. Oh, sure! Sige lang! pagpayag ni Jam. Naiwan si Robin sa silid ni Jam at bago pa lumabas ng silid si Sam ay nakatingin ito kay Robin na animo inaarok ang nasa isip ng huli. Biglang napaisip si Sam. Hanggang ngayon ba naman, Rob! Lihim ka pa rin bang umiibig sa kapatid ko. saad nito sa kanyang isipan. Nang makalabas ng tuluyan ang magkakaibigan. Naiwan na sina Jam at Robin.

Kumusta ka na! Medyo maputla ka pa! anas ni Robin na napansin ang itsura ni Jam. Wag kang mag-alala! Okay lang ako, medyo nahirapan lang ako sa panganganak! Pinilit ko kasing inormal si baby! Gusto ko kasing maranasan kung gaano kahirap sa isang ina na magluwal ng isang sanggol. saad nito. Ikaw talaga! Baka nagugutom ka, ano gusto mong kainin? May dala akong prutas para sayo! saad ni Robin. Ang bait talaga ng besfren ko! Sige nga, ipagbalat mo ko ng orange! nakangiting turan ni Jam. Pagkabalat ng orange ay sinubukang subuan ni Robin si Jam Abot- abot naman ang tanggi nito. At sa tagpong iyon naabutan ni Sam ang dalawa. Sorry, sis! Naistorbo ko ba kayo! May nakalimutan lang kasi ako! sabad ni Sam pagbukas ng pinto ng makitang susubuan ni Robin si Jam ng orange. Okay lang, sis! Ano ba ang nakalimutan mo? tanong ni Jam. Wala, eto lang bag ko! Sige alis na ko! malamig na tinig ni Sam na sinabayan ng talikod at sara ng pinto. Anong problema non? Bakit nakatopak 'ata? Kanina lang pansin ko masaya sya! biglang naibulalas ni Robin. Hayaan mo na lang yon! Minsan talaga may pagka-moody si Sam. Dala siguro ng trabaho na halos siya na ang nag-aasikaso lahat. paliwanag ni Jam. Sabagay, lagi naman yatang may topak yon! pagkibit-balikat ni Robin. Ano ka ba? Marami lang siyang iniintindi ngayon. Nagkakaroon kasi ng problema sa kumpanya na iniwan ng umampon sa kanya. depensa ni Jam sa kapatid. Maya-maya ay pumasok na si Ken kasunod sina Aiza at Janah. Mabilis na lumapit si Ken sa kabiyak. Babe! Nagugutom ka na ba! bulalas ni Ken. Okay na ko! Pinagbalat na ako ni best ng orange, tama na muna sa akin ang prutas! saad ni Jam. Ah, ganon ba! Baka meron ka pang ibang gusto. pag-aalok ni Ken. Wala na! Nasaan nga pala si Sam? tanong niya. Nagpaalam na siya! May emergency meeting raw kay Atty. Pimentel. sabad ni Aiza. Ganon! kaya pala kinuha na yung bag niya rito. malungkot na turan ni Jam. Bakit naman ang lungkot mo? Kanina lang ang saya-saya mo. singit naman ni Janah. Wala naman! Inaalala ko lang kasi si Sam, lahat kasi ng trabaho ko siya na ang gumagawa. turan ni Jam. Ano ka ba? Ngayon ka pa nag-aalala kay Sam! Halerr, mas mabigat kaya ang pinagdaanan nyo noon! pag-papaalala ni Aiza. Sabagay may point ka don! Sana nga maging maayos na ang kumpanya ng mga Del Mundo! naidalangin na lamang ni Jam. Babe! Wag kang mag-alala, matalinong tao ang kapatid mo! Alam kong matutuklasan nya lahat ng nangyayari sa loob at labas ng kumpanya nila. pagpapalubag-loob ni Ken. Samantalang tahimik lamang na nakikinig si Robin sa kanila. At sa kanyang isipan ay iniisip ang pinagdadaanan ni Sam.

== Sa kumpanya ng mga Del Mundo. May private meeting sina Sam, Atty. Pimentel at Mr. Luna. Wala ka pa rin bang nakukuhang lead Mr. Luna! Bakit bigla nalang nag-back out ang dating mga investors ni Papa? pagtatanong ni Sam. Sa ngayon kasi Miss Marga! Masyadong maingat ang tao na nasa likod nito. Nahihirapan kami na i-trace ang taong yon! pagpapaliwanag ni Mr. Luna(private detective ng mga Del Mundo). Napabuntong-hininga na lamang si Sam sa tinuran ng kanyang detective. Wag kang mag-alala Margaret! Oras na may malaman ako dito sa kumpanya ninyo, agad kong ipararating sayo! sabad naman ni Atty. Pimentel. Hay! Sana nga Attorney! Wala na nga akong maisip na ibang tao na pwede sumabotahe sa atin. saad ni Sam. Tumunog ang intercom ni Sam. Maam! May naghahanap po sa inyo sa labas. saad ni Lilie (personal secretary ni Sam). Sino raw? tanong niya. Kristine Flores raw po! May kailangan daw po kasi sya sa inyo. tugon ni Lilie. Okay! After five minutes papasukin mo na sya. utos ni Sam. Muling hinarap ni Sam ang kanyang abogado at detective. So, paano? Ipapatawag ko na lang ulit kayo sa ibang araw! saad ni Sam. Sige ho Miss Marga! Mauna na kami! pagpapa-alam ng dalawa. Lumabas na ang dalawang taong pinagkakatiwalaan niya. At maya-maya ay pumasok na rin si Tin-Tin. Wow! Ang ganda ng opisina mo ah! bungad nito. Bakit ka naparito? Ano ang kailangan mo? malamig na turan ni Sam. Oh, bakit ang init ng ulo mo? Kaw na nga lang ang binibisita dyan! wariy may tampo sa tinuran. Napansin naman iyon ni Sam. Pasensya ka na! Medyo nai-istress lang ako nitong mga nakaraang araw. hinging-paumanhin niya. Okay lang yon! Sa totoo lang may hihingin sana ako sayong pabor. saad nito. Ano ba yon? tanong niya. Alam kong hindi mo ako tatanggihan! Kasi ang totoo bago ako umalis sa L.A., hindi ako nagpaalam kina papa. pag-amin nito. Bakit? Sa anong dahilan? naguguluhang tanong niya. Nais kasi akong ipakasal ni papa sa anak ng isa sa mga investors namin! Please, Marga! Alam mo naman na ayoko ng arrange marriage! pagtatapat nito. Naawa naman si Sam rito.

Ano ba talaga ang kailangan mo? ulit niya. Ano kasi? Ah! Pwede mo ba akong bigyan ng trabaho rito! Wala na kasi akong ibang malapitan! Pina-close kasi ni papa ang account ko nung malaman na tumakas ako. paki-usap nito. Ano? Trabaho ba ika mo! bulalas ni Sam. Nakakahiya man, pero oo! Kahit anong trabaho, okay lang sa akin! pag-amin nito. Naawa si Sam kaya kahit hindi niya ito kilala ay binigyan niya ng trabaho. Sige, pwede na ba sayong maging maid! bulalas ni Sam. Ano? Maid!!! Talaga bang yun lang ang pwede mong ibigay sa akin! saad nito. Hindi! Joke lang yun! Pwede na ba sayo ang maging assistamt secretary ko. alok niya. Talaga!!! Naku! Salamat talaga, Marga! laking pasasalamat nito. Binigyan niya ng trabaho si Tin-Tin. Nakikita naman niya na mabait ito. May pagka-maarte nga lang! Sa kanayang isipan ay mainam na yun para malaman niya kung nakikipagkita ba ito sa Robin niya. Wag lang magkakamali na agawin nito si Robin ko kung hindi pupulutin siya sa kangkungan! bulalas niya sa kanyang isipan habang nakangiti sa kaharap. Nakangiti rin naman ito sa kanya. At abot-abot ang pasasalamat kay Sam sa pagbibigay nito ng trabaho. == Mabilis na lumipas ang buwan at wala pa ring lead si Sam sa kung sino man ang tao na kumakalaban sa kanya. Lagi niyang kasama si Tin-Tin sa mga lakad niya. At kahit na may pagkamaarte ito ay nakakasundo naman niya ito. Hanggang sa nagpaalam na ito sa kanya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan. Bakit aalis ka na? Nagkasundo na ba kayo ng papa mo! tanong niya. Ah, oo! Saka may trabaho na ibinigay sa akin sa papa! Doon ako papasok sa kliyente niya. alibi nito. Ganon ba! O sige, wala naman akong magagawa kung aalis ka na! saad niya. Sige ha! Basta pag gusto kitang dalawin, open pa rin ako rito! saad nito. Oo naman! Your always welcome here! nakangiting turan ni Sam. Hinatid na niya si Tin-Tin sa labas ng kumpanya. Hinintay muna niyang makasakay ito sa kanyang kotse. Pagkatapos ay tumalikod na siya at pumasok ng muli sa kumpanya. Sayang ka, Saira! Mabait ka pa naman. Akala mo ba hindi ko alam na hinaharangan mo ang pakikipagkita ko kay Robin. aniya sa isipan. Mabuti na lang pala at nalaman ko agad ang tunay mong pagkatao! Kung hindi para akong tanga na lolokohin mo! Humanda ka! Hindi mo ako mahahadlangan kay Robin. Hindi ako papayag na lokohin mo kami, sampu ng iyong mga empleyado! Salamat na lang kay Miss Liza at nalaman ko ang katotohanan. Ngayon lintik lang ang walang ganti! Hindi mo maloloko ang isang tulad ko! banta nito sa kanyang isipan.

Pagkatapos ay mabilis na pinaibis ang sasakyan. Nagpunta siya sa lugar ni Miss Liza. Kumusta! Nakuha mo ba ang inuutos ko! salubong nito sa kanya. Oo naman! Ito ba yon!( sabay abot sa isang dokumento) Ito na nga, kaya lang may kulang pa! Kulang yung isang papeles! saad nito. Wag kang mag-alala! Malaya naman akong makakapasok sa kumpanya nang huwad na Marga na iyon. Mabuti yan! Salamat! Maasahan ka talaga! pasalamat ni Liza. Saan mo nga pala gagamitin ang mga papeles na iyan? tanong ni Tin-Tin. Ah ito! Malalaman mo na lang sa tamang panahon! pambibitin nito. Sabagay, wala naman akong pakialam! Ang importante lang sa akin ay si Robin! pakli ni Tin-Tin. O sige na! Umalis ka na muna! Mahirap na, baka may makatunog pa sa iyo! utos ni Liza. O sige! paalam nito. Pagkatapos mag-usap ay nilisan na ni Tin-Tin ang lugar na iyon.
CHAPTER IV Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sinalubong ni Sam ang dalawa niya kaibigan buhat sa Canada na sina Faye Bernadette at Nadine. Hey, girl! Kumusta ka na! salubong ng mga ito na nakipagbeso-beso pa. Heto, namomroblema pa rin! malungkot na turan niya. Hanggang ngayon ba hindi pa rin nasosolve ang problema mo sa company nyo. bulalas ni Nadine. Yun na nga eh! Tapos nagkaproblema pa ko! Nawala kasi yung isang mahalagang dokumento na iniwan sa akin ni Papa! pagtatapat niya. Ano? Bakit? Paanong nawala? pagtatanong ni Faye. Hindi ko nga alam eh! Hindi ko tuloy maalala kung inuwi ko ba sa bahay o naiwan lang sa opisina. nakakunot -noong saad niya. Hay, ang mabuti pa! Tara na sa bahay ninyo. Medyo pagod na rin ako! singit ni Nadine. Oo nga pala! Pasensya na kayo ha!!! Sige, tara na! yaya niya sa mga ito. Habang nasa sasakyan. Hayyy! Ang sarap talaga rito sa pilipinas! Ang sarap sa pakiramdam. bulalas ni Faye. Sinabi mo pa! Kaya nga nung nagrequest itong kaibigan natin na magbakasyon tayo eh grab ko agad!!! saad ni Nadine. Ako din syempre! Ikaw na magbakasyon with pay, di ba! Ang saya tapos malilibang pa tayo. nakangiting sambit ni Faye. Kaya nga salamat rito sa ating amo! At pinagbakasyon tayo rito with pay! anas ni Nadine. Kayo talaga! Nambola pa kayo, alam kong kayo lang ang makakatulong sa akin kaya ko ginawa yon! Naalala ko kasi nung magkaka sama pa tayo sa Canada! pakli ni Sam. Owss! Ang sabihin mo, namimiss mo lang talaga kami! pambubuska ni Faye. Oo nga pala! Pakilala mo naman kami sa kapatid mo at dun sa kinukwento mo sa amin sa phone! pag -iiba ni Nadine. Sure! Ipapakilala ko kayo kay Jam, pero hindi kay Rob. pambibitin niya.

Bakit naman? Hindi naman namin aagawin. reklamo ni Faye. Joke lang! Siyempre ipapakilala ko kayo kahit hindi kami close! saad niya. Ikaw talaga! Ang hilig mong mambitin!!! Teka nga pala, ano yung sinasabi mo sa amin na isa mo pang problema! pagpapaalala n i Nadine. Ah yun ba! Meron kasing kababata si Marga at Kristine ang pangalan! Medyo napalapit na rin sya sakin! And the problem is ku ng paano ko sasabihin yung totoo na hindi talaga ako ang tunay na Marga! At alam nyo naman yon di bah! saad niya. Naku! Malaki ngang problema yan kasi pag nalaman nya siguradong malaking gulo sa kumpanya nyo. saad ni Nadine. Oo! Kasi kung hindi nya matanggap na patay na pala ang kababata nya tapos nagpanggap ka pa na kilala mo siya! Baka magalit n g tuluyan yun kasi sinabi mo pa na magiging karibal mo siya kay fafa Robin mo! singit ni Faye. Yun na nga eh! Pero wag siyang magkakamali na gumawa ng maling hakbang at talagang malilintikan siya sa akin! asik ni Sam. Abah! Join kami dyan!!! Gusto na rin yata namin na magka-lovelife kana! Kasi sa tagal nating magkakaibigan eh ikaw lang yata ang hindi nagkaboyfren. saad ni Nadine. Wag mo naman ipangalandakan, nahehurt naman ako! Haist! Bakit kasi wala man lang naglakas loob na manligaw sa akin! iiling -iling na turan ni Sam. Eh kasi naman, bawas-bawasan mo yung pagiging mataray mo at ang pagiging topakin! Iniisip tuloy ng mga boys na masungit ka! bulalas ni Faye. Naman! Ganon ba talaga ang attitude ko! Kailangan ko ba talagang baguhin. saad niya. Hindi naman! Konti lang! pang-aasar ni Faye. O siya! nandito na tayo! Hintayin lang natin na pagbuksan tayo ng gate ni Ising. turan niya. Nang makapasok sa loob ng kabahayan ay dinala ang kanyang mga bisita sa magiging silid ng mga ito. For now! Dito muna kayo sa silid ng kapatid ko! Bukas na lang kayo lumipat sa condo unit na ipapareserve ko para sa inyo. saad niya at iniwan na ang dalawa niyang kaibigan para makapagpahinga. == Sa kabilang banda. Nakipagkita si Tin-tin kay Robin. Grabe ka Robin! Ang tagal mo ha! bungad agad nito pagdating pa lang ni Robin. Pasensya ka na Tin! Tumakas lang ako sa banda! Ano ba kasi yung sasabihin mo? bulalas nito. Relax ka lang! Ang mabuti pa kumain muna tayo. Nagutom kasi ako kakahintay sayo! yaya nito. Pinaunlakan naman ni Robin ito dahil naawa na rin siya sa tagal ng paghihintay nito sa kanya. Tahimik lamang silang kumakain hanggang sa matapos. So, paano? Sabihin mo na yung sasabihin mo kasi nagmamadali talaga ako! pakli ni Robin. Okay!!! Okay!!! Tungkol to kay Margaret! panimula nito. Bakit ano naman ang tungkol kay Marga? tanong niya. Siguro naman! Hindi lingid sa kaalaman mo na nagtrabaho ako sa kanya. saad nito. Oo naman! Alam ko yon! tugon niya. Eto seryosong tanong! Wala ka bang napapnsin sa kanya na kakaiba! pagtatanong nito. Kakaiba!!! Bakit? Wala naman! pagkibit balikat pa ni Robin. Hindi yon ang ibig kong sabihin! Yung tungkol sa identity nya! saad nito. Bakit? Ano naman yun? Wala naman akong napapansin. turan niya.

Hay! Si Margaret!!! Hindi siya hindi naituloy ang sasabihin pagkat biglang nag -ring ang celfon ni Robin. Mabilis na sinagot ni Robin ang tawag buhat sa kanyang celfon. Hello! sagot niya. Nasaan ka ba, pare! Kanina ka pa hinahanap ni Manager! sagot ni Henry buh at sa kabilang linya. May pinuntahan lang ako sandali pero pabalik na ako dyan! Magdahilan ka nalang muna. ani Robin. O, sige! Bilisan mo! sagot nito at pinatay na ang tawag. Nilinga ni Robin si Tin-Tin na tahimik lamang na nakikinig sa usapan nila. Tin-Tin, pasensya kana talaga pero kailangan ko nang umalis! pagpapa-alam nito at sinabayan na ng tayo. Hindi na hinintay ang pagpayag ni TinTin. Pero, Robin! Sasabihin ko lang naman ang tungkol kay Marga! habol ni Tin-Tin ngunit hindi na narinig pa ni Robin sa labis na pagmamadali. Napasimangot na lamang si Tin-Tin habang nakatunghay sa papalayong si Robin. Kainis! Dapat nasabi ko na na huwad ang Margaret na iyon! bubulong-bulong na turan ni Tin-Tin. May bigla tuloy napatingin sa kanya na napadaan sa gawi niya. Inirapan naman niya ito. Tandaan mo Saira, malalaman din ni Robin ang katotohanan at siguradong kamumuhian ka nya! banta nito sa isipan. Hindi nagtagal at umalis na rin si Tin-tin sa lugar. At sa pagkadismaya ay namasyal na lamang mag-isa. Plano niya kasi na mamasyal si Robin ngunit nabigo siya. Sa susunod, di ako makakapayag na tanggihan mo pa ako Robin! bulalas nito sa kanyang isipan. Nang biglang may makasalubong siya na pamilyar sa kanya. Hi! Nag-iisa ka yata! Ano nga pala ang ginagawa mo sa ganitong klaseng lugar? bungad ng lalaki. Eh ano bang pakialam mo! Sa dinami-dami ng tao na makasalubong ko rito eh bakit ikaw pa! inis na turan nito na sinabayan ng irap. Nakakabigla naman yata! Ikaw na social climber, nagpupunta sa ganitong lugar! sabad ng lalaki. Alam mo ikaw, ang yabang mo! Dahil ba nakarating ka na sa siyudad eh magyayabang ka na! Alam mo mas bagay ka sa bundok! Tse!!! ismid nito na sinabayan ng talikod. Sa pagtalikod ni Tin-Tin, nakamasid lamang ang lalaki! At hindi pa siya nakakalayo ay bigla siyang natapilok. Poise na poise pa naman siyang maglakad at taas-noo pa. Ngunit hindi niya inaasahan na matatapilok siya. Narinig pa nya ang mahinang pagtawa ng lalaki. Nilingon niya ito at inirapan. Tatawa-tawa naman ito sa inasal niya. Tandaan mo Tin-Tin! Mahuhulog ka rin sa aking mga kamay! sambit nito na nakatunghay sa papalayong dalaga. CHAPTER V Kinabukasan... Pinasamahan ni Sam ang dalawa niyang kaibigan sa condo unit na lilipatan ng mga ito. Sinamahan ito ng isa sa mga tauhan ng private detective niya na si Mr. Luna. Bago umalis ay nagusap-usap muna sila. Nadine, Faye! Yung pinag-usapan natin ha! Hindi dapat malaman ng iba na magkakailala tayo. Mahirap na, baka mabulilyaso pa ang plano n atin. saad ni Sam.

Oo naman! Dont worry, gagawin namin ang trabaho namin! Pasasaan ba at mahuhuli rin natin ang salarin sa kumpanya ninyo? tu ran ni Nadine. Tama! Kaya kung ano man ang gagawin namin sayo sistah eh walang personalan! saad ni Faye. Oo naman noh! Gagawin natin to para sa ikabubuti ng kumpanya! Salamat girls ha! sambit ni Sam. Naku! Wala pa nga kaming nagagawa eh nagpapasalamat ka na! saad ni Nadine. O sige na! Bago pa sumikat ang araw eh humayo na kayo! Mahirap na baka may nagmamanman sa atin. taboy niya sa mga ito. O sige, bye! paalam ng mga ito. Andrew! Bahala ka na sa kanila! baling ni Sam sa junior detective na si Andrew. Yes, maam! tugon nito na sumaludo pa. Nang makalabas ng gate ang sasakyan nina Nadine at Faye ay pumasok na rin siya sa kabahayan. Bumalik siya sa kanyang silid. Sana naman maging maayos na ang lahat at umayon sana sa plano namin ang lahat! tahimik na naidalangin ni Sam. == Tanghali ng pumasok si Sam sa kumpanya ng mga Del Mundo dahil sumaglit muna siya sa kumpanya nila. Maam! May naghihintay po sa inyo sa loob! bungad agad ng secretary niya na si Lilie. Hah! Sino raw? tanong niya. Ah, si Tin-tin po! Wala pa po kasi kayo kaya pinatuloy ko na! sagot ni Lilie. Ah ganon ba! O sige, pasok na ko! paalam niya. Pagpasok sa loob ay naabutan niya si Tin-Tin na naghahalungkat sa drawer niya. Tin-Tin, ano ginagawa mo? bungad niya. Biglang napatayo ito at nabitawan ang mga dokumento na hawak. Ah! Ano kasi? Inaayos ko lang ang mga papeles mo! Nang umalis ako maayos to pero ngayon gulo -gulo na naman! pagdadahilan nito. Pero hindi nakalagpas sa paningin ni Sam ang pagkataranta nito. Ah, ganon ba! Okay na yan, ako na ang bahala! Naging busy lang kasi ako lately! sagot niya ngunit h indi pinahalata ang napansin. Okay lang! Aayusin ko na, ginagawa ko naman ito dati! sagot nito. Wag na! Madali lang naman yan! Kayak o na Ngapala, nadalaw ka! Ano ang atin? tanong niya, Ah, wala naman! Namiss lang kita! sagot nito. Akala ko nagtatrabaho ka na ulit! Bakit nandito ka pa? tanong muli niya. Ah yun ba? Bukas pa ang start ko kaya binisita muna kita! Baka kasi mamiss kita ng sobra pag matagal tayong hindi nagkita! pambobola nito. Ikaw, talaga bolera! Tara, labas muna tayo! Treat kita! yaya ni Sam para mailayo na ito sa opisina. Pumayag naman ito kaya lumabas sila at kumain sa isang cuisine. Saan ka ngang kumpanya papasok ngayon? pagtatanong ni Sam. Ah yun ba! Sa LYRICA Industires! walang gatol na sagot nito. Ah, sa LYRICA ba! ulit ni Sam sa sinabi nito.

Ui friend, baka naman magtampo ka sakin! Trabaho lang naman ako roon at walang personalan ha! Mapilit kasi si papa, kahit n a kalaban ninyong kumpanya yon eh doon pa rin nya ako pilit na pinapasok! Ayoko naman kasing bumalik sa L.A.! pagpapalusot nito. Okay lang! Walang problema sakin yon! saad niya. Salamat ha! ani Tin-Tin. Pagkatapos kumain ay naghiwalay na rin sila. At muling bumalik si Sam sa kumpanya ng mga Del Mundo. Pagdating sa opisina ay tinawagan niya agad sina Faye at Nadine. Hello! Marga, anong atin? May ipapagawa ka naba! sagot ni Faye buhat s kabilang linya. Oo, may suspetsa na ko! sagot niya. Ano? Sabihin mo na dali! ani Faye na ni-loud speaker pa ang celfon niya para marinig rin ni Nadine. Nung una, parang may mali talaga! Pero sa tingin ko tama ang kutob ko! pambibitin niya. Ayan ka na naman! Nambibitin kana naman! bulalas ni Nadine. Okay!!! Okay!!! Sa ngayon kailangan ninyong mag -apply sa LYRICA Industries. Kailangan na makapasok ang isa man lang sa inyo! saad niya. Ano? LYRICA ba ka mo? Di ba iyon ang kakumpitensya ng mga Del Mundo. bulalas ni Faye. Oo, tama ka! Gustong kong malaman kung sino ang namamahala roon! saad ni Sam. Kung ganon! Gagawin namin ang paraan para makapasok roon! sagot ni Nadine. Eh, ang tanong! Hiring ba doon! sambit ni Faye. Oo, hiring sila ngayon! Nakita ko sa site nila. tugon ni Sam. Okay, paghahandaan namin yan! Bukas na bukas mag-aapply na kami roon! sagot muli ni Faye. Sige, balitaan ninyo na lang ako! Sana makapasok kayo! sagot ni Sam na kasama ang dalangin para sa dalawa. Pagkatapos ng usapan ay pinatay na niya ang kaniyang celfon at parang pagod na pagod na napasandal sa Swivel Chair niya. Tahimik siyang nag-iisip. Si Tin-Tin kaya ang kumuha ng dokumento ko! Ano naman ang dahilan niya? Wag siyang magkakamali dahil lintik lang ang walang ganti! bulalas niya sa kanyang isipan. Samantalang si Robin ay hindi mapakali wala na kasi siyang nabablitaan tungkol kay Sam sa ngay on. At hindi niya akalain na sa isiping iyon ay dadalhin siya ng kanyang sarili sa lugar ni Sam. Maam! tawag ni Lilie buhat sa intercom. Napatigil si Sam sa pag-iisip. Bakit Lilie? May kailangan ka ba! tanong niya rito. Maam! May bisita po kayo. Robin daw po! saad ni Lilie. Hah! Sigurado ka! biglang nataranta si Sam at napaisip. Ano naman kaya ang pakay ng lalaking iyon at nagawi siya rito? tanong ni Sam sa kanyang isipan. Maam!!! Maam! tawag uli ni Lilie. Oh, bakit? sagot niya. Papasukin ko na po ba! tanong ni Lilie.

O sige, let him in! maikling sagot niya. Pagkatapos ay naupo siya ng maayos sa harap ng kanyang lamesa na kunwari ay may ginagawa siya. Pumasok na si Robin. Ano ang kailangan mo? bungad niya. Ahm, wala! Ahhh, gusto lang kitang kumustahin! sagot nito. Ganon ba! Pwede ka namang magtext kung nais mo lang akong kumustahin! pambabara niya. Natahimik si Robin sa tinuran niya. Bigla tuloy pumasok sa isipan niya ang sinabi ng mga kaibigan. Bawasan mo na kasi ang pagiging mataray at topakin! sa ala-ala ni Sam kayat nagsisi siya sa huling tinuran kay Robin. Bakit ko ba nasabi yon? Ang tanga ko talaga? bulalas niya sa kanyang isipan. Samantalang tahimik lamang na nakamasid si Robin sa kanya dahil na rin siguro sa pambabara niya. Hindi nagtagal at nagsalita muli ito. Okay, sige! Mukhang busy ka talaga! Aalis na lang ako! paalam nito. Tiningnan lamang niya ito. Tumayo ito upang umalis. Ah, Rob! Pasensya ka na nga pala! Mainit lang kasi yung ulo ko! habol niya. Okay lang, naintindihan ko! sagot nito. Salamat! saad nito na tumalikod na. Akmang bubuksan na nito ang pinto na muling lingunin si Sam. Ah, Sam! May gagawin ka ba mamaya! tanong nito. Kunwariy napaisip si Sam. Ahmmm, wala naman! Bakit? tanong niya. Pwede ka ba mamaya! May big night kasi kami mamaya, baka gusto mong manood! imbita nito. Big night! Ah, sige! pagpayag niya. Okay! Ill pick you up at 9pm! nakangiting turan nito. Okay then take care! bulalas niya. You too, take care! tugon nito. Pagkatapos ay lumabas na ito at isinarado na ang pinto. Halos mapatalon sa tuwa si Sam sa pag-yaya sa kanya ni Robin. Kayat tumayo siya at nagsasayaw na animo wala sa sarili. Oh my god! Niyaya niya akong mag-date!!! HooohhHooohhhh! sigaw pa niya habang pasayaw -sayaw. Mamaya-maya ay biglang may nagbukas ng pinto at Robin ang sumilip. Nabigla si Sam at hindi alam ang gagawin kaya umakto siyang nag-iinat. Sam, ano yang ginagawa mo? tanong nito na nakapasok ang ulo sa pinto. Ah, wala naman! Nag-iinat lang! Masakit na kasi yung mga kamay ko eh! pagpaplusot niya. Ah ganon ba! Ah 8pm na pala kita susunduin sa inyo kasi may dadaanan pa tayo pagsundo ko sayo! habol nito.

Ah, ok! No problem! sagot niya. Ok! Bye! paalam nito na lumabas na at pinihit pasara ang pinto. Lumapit muna si Sam sa pinto at sinilip sa labas si Robin kung tuluyan na talagang umalis. Nang masiguro na nakaalis na ito ay pumasok na muli siya sa kanyang opisina at ini-lock ang pinto. Hindi niya napigilan na mapa-bunghalit ng tawa. Ano ka ba, Sam? Ang tanga-tanga mo, haistt! Nakakahiya ka! kausap nito sa kanyang sarili. Ngunit hindi pa rin niya napigilan ang tumawa ng tumawa. == Sa kabilang banda nasa sasakyan si Robin. Iiling-iling ito sa kanyang ginawa, Hindi niya lubos maisip na mayaya niya si Sam sa concert nila. Pakiramdam niya ay napakagaan ng kanyang kalooban. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman sa kanyang sarili. Hindi pa man sumasapit ang gabi ay naeexcite na siya sa pwedeng mangyari. Kayat sisipol-sipol pa siya habang nagdadrive ng sasakyan niya papunta sa rehearsal studio. CHAPTER VI Dumating ang gabi na pinakahihintay ni Sam. Excited na siya sa pagdating ni Robin. Habang nasa harapan ng salamin ay abut-abot ang sipat niya sa sariling repleksyon. Grabe ang ganda ko talaga! Tingnan ko lang kung hindi mapatulala si Rob pag nakita ako sa ayos ko ngayon pakli ni Sam haban g kinakausap ang sarili sa harap ng salamin. Matagal na siyang nakabihis ng dumating si Rob. Pinuntahan siya ng maid upang iparating sa kanya na naroon na si Robin sa sala at naghihintay sa kanya. Maam! Nandiyan na po si Sir Robin sa sala. turan ng maid. Sabihin mo Ising lalabas na ko! utos niya. Bago lumabas si Sam ay sinipat muna niyang muli ang sarili sa salamin. Nang masiyahan ay lumabas na siya. Nainip ka na ba! bungad niya rito. Napatulala si Robin na makita siya. Hindi nga siya nagkamali sa naging reaksyon nito. Hello! May kausap ba ko! Natulala ka na dyan! untag ni Sam na nangingiti sa naging reaksyon ni Rob. Hah! Eh, ready ka na ba! biglang naibulalas nito. Oo naman noh! sagot niya. So, shall we! yaya nito. Okay! Lets go! tugon niya. Bago sila pumunta sa concert show nila Robin ay niyaya muna siya nito na magdinner sa labas. Nakarating sila sa isang class na restaurant. Bakit dito mo ako dinala? Mahal dito! bulalas niya. Di ba! Sabi ko sayo nung kumain tayo sa food court e babawi nalang ako sa yo next time. Kaya eto na yun, sabi ko sa saril i ko na dadalhin kita sa isang class na restaurant. saad nito. Ganoon ba! Ikaw naman, okay lang naman sa akin kahit saan tayo kumain.(basta kasama kita) saad ni Sam na hindi isinatinig a ng huling kataga. Hmmm, ikaw naman! Minsan lang to! At sana sa paraang ito ay makabawas ng stress na nararamdaman mo. Sana kahit papaano ay nalibang kita. mahabang pahayag ni Robin.

Ikaw talaga. May tinatago ka rin pa lang kaswitan sa katawan. pambubuska ni Sam. Ikaw naman! Ganito talaga ako kahit itanong mo pa kay Jam. pagdepensa ni Robin. Biglang natahimik si Sam sa huling tinuran ni Robin. At sa kanyan isipan Bakit ba lagi na lang kasama si Jam sa usapan? Hindi ba naiisip ng lalaking ito na nasasaktan ako pag binabanggit niya ang kapatid ko! bulalas niya sa kanyang isipan. Sam, are you okay! untag nito na napansin ang biglang pagtahimik niya. Okay lang ako! Dont mind me! deny niya. Napansin ko kasi na bigla kang natahimik! turan nito. Paano naman kasi, hindi ba pwedeng hindi kasama si! medyo inis na turan ni Sam ngunit hindi itinuloy ang huling sasabihin. Hindi ba pwedeng ano! ulit ni Robin. Ah, wala! Forget it! Ang mabuti pa kumain na lang tayo, pagkatapos ay pumunta na tayo sa concert nyo! pag -iiba niya sa usapan. Hindi na lamang kinulit ni Robin si Sam dahil nag-aalala siya na magalit pa ito sa kanya. Napansin kasi niya na medyo may pagka-irita ito sa kanyang tinig. Kayat nang matapos silang kumain ay umalis na rin sila sa lugar na iyon at nagtungo sa concert venue na pagdadarausan ng kan ilang show. Wala silang naging kibuan sa sasakyan hanggang sa makarating sa sa venue ng show ng bandang STUPID. Kahit na naging tahimik si Sam ay ginawa pa rin ni Robin ang mag pa ka gentle man sa harap ni Sam. Pinagbuksan niya ng pinto at inalalayan sa pagbaba. Pagkatapos ay iginiya sa loob ng concert show at inihatid sa front seat na malapit mismo sa stage. Sam, kung meron man akong nasabi na nagpabago na mood mo! Well I guess, Im sorry! hinging -paumanhin niya. No, its okay! Good luck! tipid na sagot ni Sam. Thanks! Hope you enjoy the show! saad ni Rob pagkatapos ay pumunta na sa back stage. == Nagsimula ng mag-perform ang bandang Stupid. Hiyawan, tilian at kung anu-ano pa ang komento ang isinisigaw ng mga fans. Samantalang si Sam ay tahimik lamang na nanonood at sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata ay nginingitian na lamang niya ito. Natapos ang concert at inihatid na ni Robin si Sam sa kanilang tahanan. Hanggang sa makarating sila sa bahay ay wala silang imikan ngunit hindi rin nakatiis si Robin. Sam, galit ka ba sakin! Kasi pakiramdam ko masama ang loob mo sa akin! bulalas nito. Hindi ako galit sayo! pagdedeny ni Sam. Kung hindi ka galit, bakit ang tahimik mo? Ni hindi ko nga alam kung nagustuhan mo ba ang performance namin! asik ni R ob. Hindi nga ako galit! Siguro may naalala lang ako,sa dami kasi ng problema ko minsan parang gusto ko na rin makalimot kahit sandali lang. anas ni Sam. Ano ba ang pwede kong gawin para makatulong sayo nang maibsan naman ng konti ang mga dalahin mo! ani Rob. Ang mabuti pa, samahan mo na lang kaya akong uminom! yaya ni Sam. Hah! Bakit yon? gulat na bulalas ni Rob. Sa tingin ko kasi yun lang ang paraan para makalimot ako kahit sandali lang! Pero kung ayaw mo okay lang! ani Sam na bumaba na ng sasakyan.

Hindi na niya hinintay na pagbuksan pa siya ni Robin ng pinto ng sasakyan. Ngunit hindi rin nakatiis si Robin at sinundan rin siya. Hinawakan siya sa kanyang siko upang maiharap rito. Okay, sige! Kung iyon ang gusto mo! pagpayag ni Robin. Kung ganoon! Tara na! nakangiti ng turan ni Sam. Pagkatapos ay pumasok na sila sa loob ng kabahayan. Ipinasok muna ni Robin ang kanyang sasakyan sa loob ng bakuran nito. Pumasok sila sa loob ng kabahayan at nagtungo na sa isang mini-bar sa loob nito. Kumuha agad si Sam ng kopita, yelo, alak at pwede nilang gawing pulutan. Nung una ay tahimik pa silang umiinom. Nabigla si Robin sa sunud-sunod na shot ni Sam at halos tunggain pa nito ang bote ng alak. Sam, tama na kaya! Baka masyadong maparami ang mainom mo. awat ni Rob. Pwede ba, hayaan mo nga muna ako! asik nito. Sa isipan ni Sam ay hindi naman talaga siya sanay uminom na alak at sa pakiramdam niya ay nahihilo na siya. Ngunit hindi pa rin siya nagpaawat kay Robin hanggang sa maubos na niya ang isang bote ng alak. Pagkatapos ay kumuha muli ng isa pang bote ng alak. Nang akmang tatayo siya ay muntikan na siyang mabuwal. Mabuti na lamang at naging maagap si Robin. Mabilis siyang naalalayan nito at pilit na pinaupo. Si Robin na lamang ang kumuha ng kanilang inumin. Ayaw na sanang kumuha nito ngunit naging mapilit si Sam. Pati sa tagayan ay ayaw na rin siyang tagayan nito, pilit lamang niyang inaagaw ang bote ng alak upang magsalin sa sarili niyang kopita sapagkat gusto na ni Sam na solohin ang inumin. Sam, tama na! Ang dami mo nang naiinom. awat niya. No, gusto ko pa! Gusto ko pang makalimutan ang lahat-lahat. pangungulit nito. Pero lasing kana! Ang dami mo ng naiinom! anas niya. Sabi ng hindi pa ako lasing! Sabi mo sasamahan mo akong uminom. iritang tugon ni Sam. Oo nga, pero ang dami mo ng naiinom. Tama na! Please! muling pakiusap niya. Ayoko pa! Gusto ko pang uminom! Gusto pa kitang makasama. anas ni Sam. Ano bang pinagsasabi? ani Robin. Hindi mo alam kasi manhid ka! ani Sam na namumungay na ang mga mata. Lasing ka na! Kung anu-ano na ang pinagsasabi. saad ni Robin. Alam kong ang sinasabi ko! Totoo naman! Manhid ka! Alam mo kung bakit, kasi hindi mo alam ang nararamdaman ko para sa'yo. Hi ndi mo alam na gusto kita pag-amin ni Sam. Sam, stop it! Nasasabi mo lang yan kasi lasing kana. saway ni Robin. Hindi! Mali ka! Totoo ang sinasabi ko! gusto kita at mahal kita. Pero hindi mo ako napapansin, kasi lagi nalang si Jam ang n asa isip mo. bulalas ni Sam na maluha-luha pa. Sam please! pakiusap ni Robin. No! gusto kong sabihin sayo na mahal kita! ulit ni Sam. Tama na yan! Halika na at ihahatid na kita sa silid mo! yaya ni Robin na akmang tumayo upang alalayan si Sam. No way, Rob! tutol ni Sam at mabilis na hinalikan si Robin.

Nabigla si Robin sa ginawang iyon ni Sam. Sam kiss him very gentle that he cannot refuse. And besides, he kiss her back. Nang agad na maalala ni Sam ang kanyang ginawa ay mabilis siyang bumitiw kay Robin. At matiim na tinitigan ang binata. Rob, I know this is not the right time! But I love you so much pagbubunyag ni Sam sa nararamdaman. Walang naging sagot si Robin bagkus ay siya na ang kusang humalik rito. Muling naglapat ang kanilang mga labi. Isang halik na simula ng bagong pag-asa ni Sam. Halik na nagdala sa kanila upang mawala sa kanilang mga sarili. Hindi na nila napigilan ang bugso ng kanilang mga damdamin. Nagmamadali silang pumasok sa silid. At doon pinawalan ang init na maghahatid sa kanila sa sukdulan. Nagmamadali ang mga kilos na animo ayaw pawalan ang isat-isa hanggang sa maramdaman ni Robin ang Nang maramdaman ni Sam ang pagtigil ni Rob. Rob, please dont stop! Just do it! anas ni Sam ng maramdaman ang kirot at hapdi sa kanyang kaselanan. But anas ni Robin ngunit hindi na naituloy ang sasabihin sapagkat pinigilan na siyang magsalita ni Sam. Ssshhh! Its okay! Go on! anas ni Sam. Muling nagpatuloy si Robin sa ritwal na kanilang ginagawa. At sa mga oras na iyon ay ramdam na ramdan niya ang pagpapaubaya ni Sam. Maingat niya itong inangkin hanggang sa umabot sa sukdulan. Naganap ang hindi dapat maganap. Ang ng mga oras na iyon, ang mga katawan nila ay naging isa. Tiniis ni Sam at hapdi at kirot na nadarama. Kagat-labi siya at ng magtagal ay naramdaman na niya ang kaligayahan sa piling ni Robin. Nang matapos ay halos pabagsak na nahiga sa kama si Robin sa tabi ni Sam. Si Sam naman sa sobrang pagod ay mabilis na nakatulog. Sa isipan ni Sam ay bukas na lamang niya iisipin ang mga naganap sa pagitan nila ni Rob. Nakatulog siyang may ngiti sa mga labi. == Habang natutulog si Sam, gising na gising naman ang diwa ni Robin. Hindi niya lubos maisip na magaganap sa kanila ang hindi dapat maganap. Sa ngayon ay naguguluhan si Robin sa kanyang nararamdaman para kay Sam. Kayat walang desisyon na nabuo sa kanyang isipan. == Kinabukasan. Nagising na lamang si Sam na wala na sa tabi niya si Robin. Mabilis siyang bumangon kahit na masakit ang kanyang katawan lalo na ang kanyang kaselanan sa naganap na gabi. Mabilis siyang nagbihis at lumabas ng silid. Ngunit kahit saang parte ng bahay ay wala ni anino ni Robin. Nakahiyaan naman niya na magtanong kay Ising dahil baka kung ano pa ang isipin nito. Kayat bumalik siya sa kanyang silid at minabuti na lamang na tawagan si Robin. Ngunit lalo lamang siyang nalungkot dahil patay ang celfon nito. Naiiyak si Sam sa katangahan niya dahil alam niya sa kanyang sarili na walang ni katiting na pagtingin sa kanya si Robin. At sa isipan niya sy pinagsisihan ni Robin ang naganap sa kanila. Hindi maitatanggi na siJam pa rin ang mahal nito. At mamahalin nito habang buhay. Hindi nakatiis at tumawag siya sa kaibigang si Faye. Ano ang ibig mong sabihin? Ipinagkaloob mo ang sarili mo sa kanya. bulalas ni Faye sa kabilang linya. Alam ko naman ang totoo! Pero nagbakasali pa rin ako na baka ibigin rin ako ni Robin. turan niya.

Akala ko pa naman matalino ka! Pero hindi ko akalain na pagdating sa pag -ibig ay tanga ka! panenermon nito. Ano ang gagawin ko, Faye? Mahal ko talaga siy a at hindi ko pinagsisihan ang nangyari sa amin! Hindi niya ako pinilit, ako ang kusang nagbigay sa kanya ng motibo. pagtatanggol pa niya kay Robin. Kahit na! babae ka, at ikaw ang maaragabyado! Paano kung mabuntis ka? naiiritang tugon nito. Maya-maya ay lumabas si Nadine buhat sa banyo dahil tapos na itong maligo. Faye! Ang aga-aga, ang init ng ulo mo! bulalas nito. Hay naku! Ikaw na nga ang makipag-usap rito sa kaibigan natin! Maliligo lang ako! saad nito na sadyang pinarinig kay Sam ang huling tinuran dahil naka-loud speaker naman ito. Hello, Sam! Ano ba ang nangyari? Bakit ang init ng ulo nung isa na yon? saad ni Nadine buhat sa kabilang linya. Ngunit iyak na lamang ni Sam ang narinig nito buhat sa kabilang linya. At maya-maya ay pinatay na nito ang celfon na nag-uugnay sa kanila. Tahimik na lamang na umiyak si Sam sa kanyang silid. At sa kanyang isipan ay kahit ano ang mangyari ay haharapin pa rin niyang mag-isa. Ako si Sam! Matapang ako! saad niya na nagtatapang-tapangan pa. Ngunit hindi rin napigilan na maluha sa kanyang sinabi. Ako nga si Sam pero mahina ako pagdating kay Robin. naiiyak na turan niya sa kanyang sarili. Hanggang sa muli siyang makatulog. Hapon na ng magising si Sam. Nagising lamang siya buhat sa tawag ni Faye sa kabilang linya. Hello! tipid na sagot niya. Sam, good news! Natanggap kami sa LYRICA. At simula bukas ay magsisimula na kami. masayang saad ni Faye. Talaga! Good to hear that! anas niya. Parang napipilitan ka lang yata eh! Ano ka ba? Saka mo n a lang isipin si Robin, naniniwala ako na darating ang araw na ikaw na pala ang nasa puso niya! ani Faye na pilit pinapalakas ang loob ni Sam. Ano ka ba? Okay lang ako! Ako si Sam, kilala mo ko! Matatag ako! At hindi lang ang tulad ni Robin ang makakasira sa akin! bulalas ni Sam na pilit na pinapatatag ang sarili. Yan, ganyan nga! Iyan ang kilala kong Sam! Matapang, matalino at walang inuurungan! masayang turan ni Faye. Oo naman! Ako pa! bulalas ni Sam na pilit itinatago ang pait sa kanyang tinig. Okay! Sige, pahinga ka muna! Balitaan ka na lang namin agad pag may natuklasan na kami. pagpapaalam ni Faye. Okay, sige! Bye! Ingat kayo! tugon ni Sam. Matapos ang kanilang usapan ay mabigat ang katawan na bumangon si Sam. Mabilis na naligo at nagpunta sa kusina. Doon siya kumain ng kumain. Habang kumakain Tandaan mo, Robin! Hindi ako ang klase ng tao na maghahabol sayo! Mas marami apng importateng bagay na kailangan kong gawin kaysa sayo! inis na turan ni Sam habang tinutusok-tusok ng tinidor ang ulam na kinakain niya. Maya-maya ay uminom ng tubig at hindi na naman ang mapigilan ang maluha. Bakit ba kasi? Sabi ng hindi ka importante eh! Bakit ba ayaw mong umalis sa isipan ko? inis na turan niya at pabagsak na ib inaba ang baso. Sabi na kasing wala kana! Pilit kitang kakalimutan! Ano ba? Umalis ka sa isipan ko, tanggap ko na! Si Jam talaga ang mahal mo! na iiyak na turan ni Sam habang diretso lang ang tingin. Basta, hindi ako papayag na masira mo ako! Matapang ako! pilit na pinapakalma ni Sam ang sarili.

NGunit hindi rin napigilan ang lumuha kayat dali-dali siyang bumalik sa kanyang silid at doon ay nag-iiyak ng nag-iiyak. Rob, bakit ba mahal kita? Bakit ako hindi mo magawang mahalin? Pareho lang din naman kami ni Jam! Kakambal k o siya! Ano ang pagkaka-iba? bulalas niya habang walang tigil ang pag-agos ng mga luha. Tahimik na umiiyak si Sam hanggang sa muli siyang makatulog. At bago siya makatulog ay tahimik niyang idinalangin na sana bumalik na sa dati ang lahat. At mawala na ang sakit na kanyang nadarama CHAPTER VII Mabilis na lumipas ang mga araw. Ginawa ni Sam na abala ang kanyang sarili. Lagi siyang maagang pumapasok sa opisina at hatinggabi na kung umuwi ng bahay. Ginawa niyang subsob sa trabaho ang kanyang sarili upang sa paraang iyon ay maibasn ang unang pagkabigo na nadarama. Ni minsan ay hindi nag-abala na magparamdam si Robin sa kanya. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman na pasimple siyang sinusundan ni Robin upang malaman ang kalagayan niya. Hindi nga lang nito magawang lumapit sapagkat takot pa itong harapin ang lahat. Na hindi pa rin ito sigurado sa kanyang damdamin para kay Sam. Natatakot siya na baka lalo lamang niyang masaktan ang damdamin ng dalaga. Ngunit nag-aalala naman siya sa pwedeng mangyari rito. Lagi na lamang niyang nakikita na gabi na ito kung umalis sa kumpanya. BUhat sa di-kalayuan ay napagmamasdan niya ito. == Sa mga oras na ito, nakaparada lamang ang sasakyan ni Robin sa di-kalayuan at hinihintay ang paglabas ni Sam. Maya-maya ay nakita na niya itong lumabas at sumakay na sa sasakyan nito. Palihim itong sinundan ni Robin upang makatiyak na ligtas itong makakauwi. == Sa kabilang banda. Nahalata ni Sam na parang may sumusunod sa kanya kayat mabilis niyang pinaharurot ang kanyang sasakyan. A but-abot ang tingin niya sa kanyang side mirror. Kahit na mabilis niyang pinatakbo ang kanyang sasakyan ay nakasunod pa rin ito kaya naka-isip siya agad ng isang plano. Kung sino ka man? Humanda ka! bulalas ni Sam na determinado sa gagawin. Mabilis niyang hinawakan ang kanyang baril na nasa loob ng kanyang bag. Muling pinaharurot ang kanyang sasakyan. Samantalang si Robin naman ay hindi mapakali sa bilis ng pagpapatakbo ni Sam. Nag-aalala siya na baka may mangyaring masama rito kayat mabilis rin siyang sumusunod rito. Bakit Sam? Ano ang ginagawa mo? Nagpapakamatay ka ba! anas ni Robin sa kanyang isipan. Nang mapansin na lalong binilisan ni Sam ang takbo ay mabilis siyang sumunod rito. Nagulat na lamang siya ng bigla itong humarang sa daraanan. At muntikan na niyang matagis ang kotse nito. Mabilis ang pagtapak niya sa preno na halos nauntog na siya sa manibela. Nabigla na lamang siya ng biglang lumabas si Sam sa sasakyan nito. Palapit na si Sam na dala ang kanyang bag, at mismong nakapasok roon ang kanyang kamay na hawak ng baril. Nabigla siya sa nakita. Hindi makapaniwala dahil nakilala niya ang sasakyan na sumusunod sa kanya. Na walang iba kundi kay Robin. Kinatok niya ang bintana nito. At ibinaba nito ang salamin ng bintana. Ano bang problema mo? Abah, papatayin mo ba ako sa nerbiyos! inis na sambit niya. Bakit? tanging nasambit ni Rob. Anong bakit? Sunod ka ng sunod tapos sasabihin mo na bakit? Akala ko kung sino na ang sumusunod sa akin! iritadong saad ni Sam.

Ikaw nga dyan! Muntik na kitang hindi maabutan sa bilis ng takbo mo! May balak kabang magpakamatay! biglang naibulalas ni Robin. Bumaba ka nga riyan! paghahamon ni Sam. Mabilis na bumaba si Robin sa kanyang sasakyan at nakita niya si Sam na biglang nameywang. Hoy ikaw! Bakit mo ko sinusundan? Akala mo magpapakamatay ako inis na sambit ni Sam. Walang naisagot si Robin sa tinuran nito. Bakit? Iniisip mo ba na magpapakamatay ako ng dahil lang sayo! Para sabihin ko sayo, hindi pa sira ang ulo ko! Kung ikaw n agpapakatanga sa kapatid ko, puwes ako hindi! Hindi ako magpapakatanga sayo! pagtataray ni Sam. Wala akong sinabing ganon! Inaalala ko lang ang kalagayan mo, lately kasi napapansin ko na lagi ka na lang late kung umuwi. depensa ni Robin. So, sinusundan mo talaga ko! bulalas ni Sam. Hindi kita sinusundan. Nalaman ko lang naman ang ginagawa mo dahil kay Jam. Tumawag siya sa akin at sinabi niya ang tungkol sayo! Alam mo bang nag-aalala sayo ang kapatid mo! mahabang pahayag ni Robin. Wala ka na bang ibang bukang-bibig kundi si Jam! Lagi na lang bang si Jam ang magpapatakbo ng buhay mo! inis na sambit ni Sam. Nag-aalala lang sayo ang kapatid mo! Mahirap bang intindihin yon. saad ni Robin na halatang iritado na rin. Kung yun lang ang iniintindi mo! Puwes kaya ko ang sarili ko. Hindi mo ako kailangang sundan! asik ni Sam. Pero Sam! Bakit mo ba ginagawa to? Baka makasama na sayo ang ginagawa mong pagsubsob sa trabaho. Pag -aalala ni Robin. Eh ano ba ang pakialam mo! Wala ka naman pakialam sa akin hindi ba! Kaya mo nga ginagawa to para kay Jam! inis na sambit niya. Sam, hindi naman sa ganoon! Nag-aalala rin naman ako sayo! depensa ni Robin. Wag na nga tayong maglokohan! Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo, hindi mo kailangan gawin a ng isang bagay na hindi mo naman talaga ginagawa. iritadong turan ni Sam. Sam, alam kong galit ka sa akin! At kaya mo ito ginagawa dahil sa nagawa ko sa iyo. bulalas ni Robin. Ayoko ng pag-usapan kung ano man ang nangyari. Tapos na yon! Kung nag-guiguilty ka, hindi na kailangan! Tapos na, dahil simula ngayon sarado na ang puso ko para sayo. Dahil simula ngayon kakalimutan na kita. sambit ni Sam na sinabayan ng talikod kay Robin. Mabilis na pinigilan ni Robin si Sam. Sam, please! Wag mong gawin to! Wag kang magsalita ng ganyan! saad ni Robin na nakahawak sa magkabilang braso ni Sam at hinarap ito sa kanya. Bakit? Para ano pa! Mahal mo ba ko! deretsahang turan ni Sam. Walang na naman naisagot si Robin at nagyuko lamang ng ulo. See, ayaw mong kalimutan kita! Pero hindi mo naman ako mahal! Anong klase ka Rob, gusto mo ako lang ang magmahal? anas ni Sam na hindi napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Sinubukang punasan ni Robin ang mga luha ni Sam na naglandas sa kanyang mga pisngi ngunit sinaway niya ito. Sinangga niya ang mga kamay na balak humaplos sa kanyang mga pisngi. No, Rob! Its okay! Ayoko na rin naman. Lalo lang nadagdagan ang mga problema ko, kaya please lang wag ka ng dumagdag pa. Ay okong magpatuloy na magmahal sa isang tao na kahit kelan ay hindi ako magagawang mahalin. Kaya, please lang! Tama na. paki -usap ni Sam. Sam!!! untag ni Robin. Tama na, Rob! Hanggang dito na lang ako, ayoko na ng kaguluhan sa buhay ko! Hayaan mo na lang ako! Kaya ko ang sarili ko kay a pakiusap lang, wag mo na akong susundan pa! saad ni Sam pagkatapos ay tinalikuran na si Robin. Mabilis itong sumakay sa kanyang sasakyan at pinaharurot ito palayo kay Robin. Habang nagmamaneho ng sasakyan pauwi sa kanilang tahanan ay walang tigil ang pag-agos ng luha ni Sam.

Nang hindi makayanan ang sakit na nadarama ay itinabi niya sa gilid ng kalsada ang sasakyan. At doon ay napalahaw siya ng iyak. Sa pamamagitan ng pag-iyak ay doon lamang niya mailalabas ang sakit na nadarama sa pagkabigo niya sa unang pag-ibig. Kuya, bakit ba ganito? Ganito pala kasakit ang magmahal! Mapalad ka dahil hindi mo na naranasan pa ang masaktan. Tulungan mo ko kuya na mapawi ang sakit na nararamdam ko ngayon. anas ni Sam ng maalala ang yumaong kapatid. Umiyak lang ng umiyak si Sam. Upang makabawas ng kaunti sa bigat na kanyang nadarama. Nang mahimasmasan ay muling pinaandar ang kanyang kotse at pinasibad ito. == Simula ng pangyayari na naganap sa kanila ni Robin sa daan ay pilit na inabalang muli ni Sam ang kanyang sarili. Mabilis na lumipas ang isang buwan at ganoon ang naging takbo ng buhay ni Sam. Puro tulog-trabaho lamang siya. Sinisikap niya na magawan ng paraan ang anumalya na nangyayari sa kanilang kumpanya. Tumunog ang celfon ni Sam. At si Faye ang nasa kabilang linya. Hello, Faye! Napatawag ka! sagot niya. May natuklasan na kami! bungad nito. Ano yon? Sige sabihin mo? utos ni Sam. Sa aming pagsasaliksik at palihim na pagsunod kay Tin-Tin ay may natuklasan kami! pambibitin ni Faye. Si Tin-Tin, ano yon? Bakit siya nasangkot? tanong ni Sam. Sa tingin ko si Tin-Tin ang kumuha ng nawawala mong dokumento! At sigurado ako na may nag-utos sa kanya. pagtatapat ni Faye. Ano ang ibig mong sabihin? Si Tin-Tin ba, e sino naman ang nag-utos sa kanya? tanong muli ni Sam. Sa ngayon hindi pa namin alam kung sino? Pero sa aming pagsisiyasat ay malapit siya sa isa sa pinakamataas ang katungkulan r ito sa LYRICA. At iyon ang aalamin namin. saad ni Faye. Kaya pala, siguradong si Tin-Tin ang nagbura ng video sa aking cctv rito sa aking opisina upang hindi ko makita ang kapangahasan na ginawa niya. saad ni Sam na biglang nakuyom ang mga palad. Sure yon, wala ng iba pa! Siya lang naman ang labas -masok sa opisina mo. So, ngayon! Ano na ang gagawin natin kay Tin-Tin? turan ni Faye. Sa ngayon, wala muna! Umakto tayo na wala pang nalalaman! Ako muna ang bahalang humarap kay Tin -Tin. saad ni Sam. Okay, kung ganoon! Tatawagan na lang kita kapag may natuklasan muli kami. paalam ni Faye. Okay, sige! sang-ayon ni Sam. Sam, wait! Tumawag na ba sayo si Jeriel! habol ni Faye. Hindi pa, bakit? tugon niya. Kung ganon, hindi mo pa pala alam na magbabakasyon siya rito sa pinas! saad ni Faye. Talaga, kelan daw siya darating! excited na turan ni Sam. Sabi nya one of these days daw! At sosorpresahin ka raw niya. Pero binuking ko na pala siya! tatawa -tawang turan ni Faye. Ganoon ba! Sige, kunwari hindi ko alam! saad ni Sam. O sige na nga! Baboosh na, baka mahuli pa ko! Tumakas lang ako para makatawag sa iyo. pagpapa-alam ni Faye. O sige! Ingat kayo ni Nadine dyan paalam ni Sam. Pagkatapos ay pinatay na ang kanyang celfon. Bigla tuloy pumasok sa kanyang isipan si Jeriel.

Si Jeriel ang isa sa pinaka-malapit na kaibigan nilang tatlo nina Nadine at Faye. Isang Fil-canadian si Jeriel at straight rin na magsalita ng tagalog. Hay, kelan kaya darating ang mokong na yon? Sana dumating na siya! Miss ko na rin ang mokong na yon. mahinang bulalas ni Sam. Maya-maya ay tumunog ang kanyang intercom. Yes, Lilie! sagot agad niya. Maam, may bisita po kayo at gwapo siya! pabirong turan ni Lilie. Hah! Sino raw? bulalas ni Sam at biglang kinabahan. Sa kanyang isipan ay si Robin ang dumalaw sa kanya at nagbago na ang isip nito. Ayaw pong sabihin? Pero gwapo maam! Patutuluyin ko na po ba. tatawa -tawang turan ni Lilie. Ikaw talaga, Lilie! Sige na, papasukin mo! utos niya. Maya-maya ay bumukas na ang pinto at kunwari ay abala si Sam sa kanyang ginagawa. Hmmm, mukhang busy ka ah! turan ng isang lalaki na agad nakilala ni Sam ang tinig kayat mabilis niya itong nilinga. Oh my God! Ikaw ba talaga yan, Jeriel. nakangiting turan ni Sam. Oo naman! Hindi mo man lang ba ako babatiin. saad nito. Talaga naman, oo! turan ni Sam at mabilis na sinalubong ang kaibigan. Oh, for you! Alam kong paborito mo ang white roses kaya dumaan muna ko sa flower shop para lang bilhin to! saad nito sabay abot ng bulaklak. Salamat! Ikaw talaga, hindi mo talaga nakakalimutan ang paborito ko. tugon niya rit o. Oo naman! Ako pa! So, pwede ka bang yayain na lumabas para makapag-bonding naman tayo. yaya nito. Sureness naman! Wait lang at ililigpit ko ang mga gamit ko. paalam ni Sam. Pagkatapos iligpit ang mga gamit ay nagpaalam si Sam sa kanyang secretary na si Lilie. Lilie, labas muna kami ng gwapong to(sabay turo kay Jeriel). Cancel mo muna ang appointment ko ha! utos ni Sam. Yes, maam! Enjoy your date! bulalas nito. Tseh! Ikaw talaga. ani Sam sabay ingos sa kanyang sekretarya. Lumabas na sila ng kumpanya. At nagpunta sa parking lot ng sasakyan ni Sam. Siguro naman ako na ang magda-drive. agaw ni Jeriel ng susi sa kamay ni Sam. O sige na, ikaw na! May magagawa pa ba ako eh hawak mo na. wariy inirapan niya ito. Ikaw talaga, may pairap-irap ka pang nalalaman. bulalas nito sabay pindot sa tungki ng ilong niya. Ikaw ha, lagi na lang ilong ko! halika na nga! yaya niya. Mabilis siyang pinagbuksan nito ng pinto ng kotse at inalalayan sa pagsakay. Pagkatapos ay mabilis itong lumipat sa kabila at sumakay na rin. Kinabitan pa siya nito ng seat belt para sa kanyang kaligtasan. At pinaandar na ang sasakyan pagkatapos ay nilisan na ang lugar na iyon. Sa di-kalayuan ay may nagmamasid. At hindi maipaliwanag ang damdamin na nadarama ng taong lihim na nagmamatyag, na biglang nakuyom ang mga palad. CHAPTER VIII Nakarating sina Jeriel at Sam sa isang Fil-Canadian restaurant. Hindi nila alintana na palihim na sumusunod si Robin sa kanila. Nagkakasiyahan ang dalawa sa loob ng resto habang si Robin ay tahimik lamang na nakamasid sa labas ng restaurant.

Sam, sino ang lalaking iyan? Siya na ba ang ipinalit mo sa akin. Ganoon mo na ba ako mabilis na nakalimutan! sunud -sunod na tanong ni Robin sa kanyang sarili. Hindi maipaliwanag ni Robin pero parang tinusok ng aspile ang kanyang puso ng makita na may ibang kasama si Sam. Manliligaw kaya niya iyon! Bakit may dala siyang isang bouquet ng mga rosas kanina? aniya sa kanyang isipan. Samantalang masayang nagkukwentuhan ang dalawang magkaibigan habang kumakain. Abut-abot ang pag-aasikaso ni Jeriel sa kanya. Ano ka ba, Jeriel? Tama na, ang dami mo ng nilalagay sa plato ko. Baka hindi ko na ito maubos. pigil ni Sam. Okay lang yan! Dapat ubusin mong lahat yan, ang laki na kasi ng ipinayat mo. saad nito. Ikaw talaga, pasaway ka! Ikaw kaya ang umubos nyan, sa dami na yan sa tingin mo kaya kong pagkasyahin sa beautiful and sexy body ko! ani Sam na tumayo pa at ngpose-pose sa harap ni Jeriel. Ikaw talaga, ang arte mo! May pa-pose pose ka pang nalalaman dyan! Pinagtinginan ka tuloy. ani Jeriel na nakatawa naman. Ayy, ako maarte! Baka sapakin kita dyan. ani Sam sabay irap rito. Ito naman, binibiro ka lang! Sige na, maupo kana at kumain! saad nito. Naupo na nga si Sam at nagsimula na silang kumain. Habang kumakain ay marami silang napagkwentuhan ni Jeriel. Si Robin yung kinukwento sa telepono nina Faye at Nadine, right! ani Jeriel. Oo, kaya lang! Hindi nya talaga ako gusto, ang kapatid ko talaga ang gusto nya. malungkot na turan ni Sam. Ikaw talaga! Sa tingin ko bigyan mo lang siya ng time, nag-iisip rin yon! ani Jeriel. Ikaw, talaga! Pinagtanggol mo pa. irap ni Sam. Hindi naman sa ganoon! Eh, ano naman ang gusto mong gawin ko? tanong nito. Hmmm, sa totoo lang may naisip na ako! Gusto ko kasing malaman kung ano talaga ang tunay na nararamdaman ni Robin para sa akin. turan ni Sam na nangingiti-ngiti sa kaharap. Ano naman yon? Parang kinakabahan ako sa pag ngiti mo na yan ah. ani Jeriel. Wag kang magagalit ha, pero ito lang ang naisip kong paraan. ani Sam at ibinulong kay Jeriel ang kanyang plano. Whatttt? Naku girl ha, lumayo ka sakin! Di tayo talo, baka bigla na lang akong bugbugin ng Robin na yon! Ayokong masira ang Feslak ko. ani Jeriel na hindi napigilan ang sarili at nailabas ang tunay na siya. Sssshhhh! Wag kang maingay, baka isipin ng makarinig sayo ang gwapong lalaki, vaklushi pala! saway ni Sam na tatawa -tawa. Humiling kana ng iba, wag lang yon! Di ko keri teh, di tayo talo! Kaya kong magpaka -gentleman pero hindi ang magpanggap! Kadiri ka teh! ani Jeriel na nakatikwas pa ang mga daliri. Ayaw mo talaga akong tulungan, puwes!(biglang kinuha ni Sam ang celfon at akmang may ida -dial na numero). Oyy oyy oyy! Ano ang gagawin mo? awat ni Jeriel na pilit inaagaw ang celfon. E di, tatawagan ko ang daddy mo! Sasabihin ko ang talagang motibo mo kaya ka nandito. pananakot ni Sam. Ikaw talaga! O siya, sige! Payag na ko, pero sa isang kundisyon! Wag mo akong ipapasapok sa Robin na iyon. pagpayag ni Jeri el. Oo naman! Thanks talaga bakla! masayang turan ni Sam na tumabi pa kay Jeriel at yumakap rito. Tama na, girl! Kinikilabutan ako, balik ka na sa upuan mo at kumain kana. maarteng saad ni Jeriel na naka -ingos pa. Ano ka ba? Ayusin mo nga yung pagsasalita mo. Mahahalata tayo niyan eh, yung katulad nung kanina! Yung masculine voice. utos ni Sam. Okay! Ehemm ehemmm! Eto ba okay na. ani Jeriel na pinalaki ang tinig.

Okay! ani Sam na nakipag-apir pa rito. Sa kabilang banda ay nakamasid lang si Robin sa labas. Nag-ngingitngit sa galit ang kanyang kalooban sa natunghayan na kaswitan ng dalawang nasa loob ng resto. Kuyom ang mga palad na animo balak ng sugurin ang dalawa. Relax ka lang, Robin! Hindi gusto ni Sam iyon. Maniwala ka, ikaw pa rin ang gusto niya! Napilitan lang siyang lumabas dahil hindi lang makatanggi sa lalaking iyon. ani Robin sa kabila ng kanyang isipan. Ano ba ang pakialam mo sa babaeng yan? Kaya mo lang naman siya sinusundan para kay Jam. Kaya wala kang dapat ikaselos. saa d naman ng isang bahagi ng utak niya. Padabog na pinukpok ni Robin ng kanyang kamay ang manibela. Hindi maipaliwanag kung ano talagang damdamin meron siya para kay Sam. == Samantala. Tapos ng kumain sina Sam at nagyaya na si Jeriel na mamasyal sila sa mall. Pagkatapos mamasyal ay inihatid na ni Jeriel si Sam sa kanilang tahanan. At nangako na babalik kinabukasan upang dalawin nila ang kapatid na si Jam. At ang araw iyon ang magiging ng simula ng kanilang pagpapapanggap. Sa kanilang plano ay magpapanggap si Jeriel na matagal ng manliligaw ni Sam buhat pa lang na ito ay nasa Canada. == Kinabukasan ang araw na hinihintay ni Sam, kasalukuyan na silang papunta ni Jeriel sa bahay ng kakambal. Pagdating sa bahay ng kakambal ay agad silang pinatuloy ng maid na si Nena. Maam, maupo po muna kayo at tatawagin ko lamang po si maam Jam! saad ng maid. Agad na tumalima ang maid at maya-maya ay kasunod na nito si Jam kasama ang yaya ni Kennedy na karga-karga ito. Hello, baby! salubong ni Sam sa pamangkin sabay kuha rito. What brought you here, sis? bungad agad ni Jam pagkatapos ay humalik sa pisngi ng kapatid. Ah, namiss ko lang ang pamangkin ko kaya bumisita ako rito! tugon niya. Ohhh! Eh hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa kasama mo. saad ni Jam. Ay, oo nga pala! Meet Jeriel, hes my close friend in Canada. pakilala niya. Hmmm, Friend nga lang ba talaga. bulalas ni Jam na nakaarko pa ang isang kilay. Ah, ikaw talaga sis! tatawa-tawang turan ni Sam na siniko ang katabi na si Jeriel na nakikilaro rin kay baby Kennedy. Ah, Hi, Jam! Im Jeriel Villanueva! To tell you frankly, Im courting Saira! matatag na tugon nito na hinarap si Jam. Oh, really! Since when! tanong ni Jam. When we are in college! simpleng sagot nito. Ows, bakit hindi tayo nag-meet nung nag-aral ako sa Canada? tanong ni Jam. Alam mo kasi, sis! Nung time na sinama kita sa Canada e kasalukuyan naman na umuwi rito sa pinas si Jeriel! Isinama kasi si ya ng Dad niya. FilCanadian kasi si Jeriel, ang mommy niya ay Canadian at Daddy niya ang tunay na pinoy. paliwanag ni Sam ng mapansin na hindi nakukumbinse ni Jeriel ang kapatid. Oh I see! So, bumalik ka rito sa pinas para lang sa kapatid ko! saad ni Jam na muling bumaling kay Jeriel. Oo naman! Because of her, and I assure you na hindi ko sasaktan ang kapatid mo. pangungumbinse ni Jeriel.

Bakit kayo na ba, sis? ani Jam na bumaling naman kay Sam. Nagkibit-balikat lamang ang kapatid at ibinalik na si baby Kennedy sa yaya nito. So, paano sis! Hindi na kami magtatagal, gusto ka lang din ma-meet ni Jeriel kaya bumisita kami rito. pagpapaalam ni Sam. Ganoon kabilis, hindi ko pa nga kayo napagmimeryenda eh aalis na agad kayo. saad ni Jam. May lakad pa kasi kami! Dumaan lang talaga kami. tugon niya. Eh kung hindi ko na kayo mapipigilan! So, go on! Ingat kayo! pagpayag na rin ni Jam. Okay, sis! Bye! paalam muli niya. So, Jam! Nice meeting you! Tuloy na kami. pagpapaalam rin ni Jeriel. Okay! Take care to the both of you! Bye! paaalam niya sa dalawa. Umalis na sina Sam at Jeriel. Nang matiyak ni Jam na nakalayo na ang dalawa. Mabilis na kinuha agad ni Jam ang kanyang celfon. Hello! sagot buhat sa kabilang linya. Hello, best! Kumusta ka! tugon ni Jam. May problema ba ulit! tanong nito. Ano kasi, nagpunta rito si Sam at may kasama siyang guy! ani Jam. Ano ang problema? tanong muli nito. Pakiramdam ko kasi wala akong tiwala sa guy na iyon! Para kasing hindi gagawa ng matino. ani Jam. Ano ang ibig mong sabihin na hindi gagawa ng matino? ani Robin. Para kasing may pagka- play boy ang isang iyon. sagot niya. Nag-aalala ka para kay Sam, ganoon ba! anito. Oo naman! Ikaw ba hindi! sagot niya. Ano naman ang gagawin ko? tanong nito. Hindi ko nga alam eh, ano ba sa tingin mo ang dapat gawin! Hindi ko kasi feel ang lalaking yon para kay Sam. ani Jam. Alam mo Jam, kung iyon ang gusto ni Sam! Wala tayong magagawa! Bakit hindi mo na lang hayaan ang kapatid mo? Malay mo, iyon ang magpapaligaya sa kanya. payo ni Robin ngunit labag naman sa kalooban niya ang sinasabi. Hay, ewan ko sayo! inis na sambit ni Jam sabay pindot ng end button. Iiling-iling na lamang si Robin sa inasal ng matalik na kaibigan. == Sa kabilang banda ay nagtatawanan ang dalawang magkaibigan habang nakasakay sa sasakyan. Gaga ka! Sa tingin mo ba, irereport agad ng kapatid mo ang pagbisita natin. ani Jeriel. Oo naman! Alam kong gusto ng kapatid ko si Robin para sa akin dahil siya pa ang gumagawa ng paraan para magkalapit kami. na tatawang turan ni Sam. Eh paano kung hindi maging successful ang plano natin? Paano kung wala talagang feelings sayo ang Robin na iyon? tanong ni to. Biglang nalungkot si Sam sa alalahanin na totoo ang sinasabi ng kaibigan. Ano ka ba, sis? Cheer up! Hindi man tayo magtagumpay, marami pang iba dyan! Kung gusto mo magpapakalalaki pa ako, para lang sayo! ani Jeriel

upang patawanin ang kaibigan. Ikaw talaga, puro ka biro! Alam mo, kung hindi man tayo maging successful sa plano natin! Maluwag kong tatanggapin sa dibdib ko kahit masakit. saad niya. Iyan, tama yan! Yan ang kilala kong si Saira na si Sam na si Marga. Matapang atao! pabirong turan ni Jeriel. Ikaw talaga, kaya sayo ko eh! Masaya talaga ako pag nandito ka! Nawawala kasi ang mga problema ko kapag kasama kita. ani Sam na parang naluluha. Hoy, babae! Hindi kita pinapaiyak kaya wag na wag kong makikita na may tutulong luha dyan sa pisngi mo. saway nito. Tumingala si Sam upang hindi magtuloy ang nagbabantang pagtulo ng mga luha. Pagkatapos ay tumawa na siya at nagkwentuhan na lamang sila ng masasayang ala-ala noong silay nasa Canada. == Mabilis na lumipas ang mga araw at napapadalas ang paglabas nina Saira at Jeriel. Kahit papaano ang paglabas nila ay nakakabawas ng problema kay Saira sapagkat nalilibang siya nito. == Samantala, sa presinto Gina Martin! May dalaw ka! saad ng policewoman sa labas ng selda pagkatapos ay binuksan iyon. Nagtataka si Gina sapagkat ni sa panaginip ay hindi niya inisip na may dadalaw pa sa kanya. Mahigit apat na taon na, simula ng makulong siya ay wala ni isang kaanak na dumalaw sa kanya. Hinatid siya ng policewoman sa visiting area. Doon niya nakita ang isang babae na nakayuko na may sumbrero sa ulo at may takip na malaking panyo ang mukha. Oh, hayan! Siya ang dalaw mo. ani policewoman pagkatapos ay iniwan na siya. Unti-unting nag-angat ng ulo ang kanyang bisita at tinanggal ang nakatakip na panyo sa mukha. Mama! Ikaw ba talaga iyan, mama! ani Liza na maluha-luha pagkakita sa ina na hapis ang mga pisngi. Elizabeth, ikaw ba talaga iyan! Bakit ka naparito? nag-aalalang tugon ng ina. Mama, hindi ko matiis na hindi kayo makita! Kaya nagpunta ako rito. turan niya. Pero! Paano kung malaman ng kambal na nandirito ka sa pilipinas? Siguradong ipapahanap ka rin nila! At malamang ipakulong ka rin nila! Dahil itinakbo mo ang ibang yaman na ninakaw ng iyong papa! ani Gina. Mama! Bakit nagsasalita ka ng ganyan kay papa? Naghirap si papa, dapat lang na mapasa -atin iyon. turan nito. Mali ka anak! Makinig ka! Nagbago na ako, at pinagsisihan ko ng lahat ang ginawa namin ng papa mo! Ayoko ng madugtungan pa i yon. Naging ganid at sakim ang papa mo kaya umabot tayo sa ganito. pagpapaliwanag ng ina. Hindi mama, hindi! Gagawa ako ng paraan para mailabas na kayo rito. ani Liza na buo sa loob ang sinabi. Hindi na kailangan anak! Pagbabayaran ko ang lahat ng kasalanan na ginawa namin ng papa mo sa pamilya Martin. Mas makakabubu ti na makipagayos ka na lamang sa kanila. payo ng ina. Ayoko mama! Nakaplano na ang lahat! Hintayin mo ang pagbagsak nila. Kung hindi ni papa nagawang kunin ang RJS, puwes ako@! h indi lang RJS ang kukunin ko! matigas na turan ni Liza. Anak, anong ang ibig mong sabihin? Kung ano man ang binabalak m o, paki-usap lang! Wag mo ng ituloy! pakiusap ng ina. Hindi ko akalain na iyan ang maririnig ko buhat sa inyo, mama! Akala ko pa naman ay susuportahan mo ako sa aking gagawin. m ay pagtatampo sa tinig nito. Alam mo anak, minsan ng naliko ang aming landas ng iyong papa kayat marapat lang na pagbayaran ko ang lahat! Sana pag -isipan mo pa rin mabuti anak! saad ng ina pagkatapos ay tumalikod na sa anak at muling pumasok sa selda nito.

Mabilis na umalis si Liza sa lugar na iyon na punong-puno ng hinanakit sa ina. Hindi ako papayag mama! Kung ano man ang sinimulan ko, tatapusin ko! Ipaghihiganti ko ang pagkamatay ni papa! banta ni Liza sa kanyang isipan. == Sa kabilang banda. Pagkatapos ng pakikipagkita sa ina ay lihim na nagkita muli si Liza kay Tin-Tin. Sa sobrang galit niya ay kailangan na niyang gumawa ng galaw bago pa man siya maunahan ni Saira. Mabuti dumating ka! salubong niya kay Tin-Tin. Bakit ba kailangan pa natin magkita rito? Malaya naman tayong nakakapag -usap sa opisina mo. reklamo ni Tin-Tin. Mainam na ang ganito, mahirap na! Baka makahalata pa ang iba nating kasamahan kapag masayado ng madalas ang pagpunta mo sa opisina ko. paliwanag niya. Kung ganoon! May ipagagawa ka ba. tanong nito. Oo, kailangan ng mailabas ang tinatagong lihim ni Saira para mawala na ang tiwala ng halos lahat ng empleyado niya sa kanya. saad ni Liza. Ano ang gagawin ko? tanong ni Tin-Tin. Kailangan mahuli mo siya, kailangang mahulog siya sa bitag mo! Para makaganti ka rin, dahil sa mukha ni Margaret kaya siya nagustuhan ng kababata mo, hindi ba! suhestiyon ni Liza. Tama ka doon! Kung alam lang ni Robin ang totoo, siguradong hindi niya magugustuhan ang Sam na iyon. Ang mukha ni Marga ang nagustuhan niya at hindi si Sam. ani Tin-Tin na bakas ang pagka-inis. Kung ganoon, sundin mo lang ang sasabihin ko sayo at siguradong mapapasaiyo na si Robin. turan ni Liza. Well, sige! Kailan ba yan? excited na tanong ni Tin -Tin. Wag kang mag-alala at malapit na! saad ni Liza na pinasabik pa ang dalaga. Kung ganon! Magbigay ka lang ng go signal at gagawin ko agad. saad niya. Sige, ang mabuti pa umalis ka na! Mahirap ng may makahalata! Isipin nila na ang tagal mong nawala sa kumpanya. pagtataboy n i Liza. Mabuti pa nga! Sige, aalis na ako! paalam ni Tin-Tin. Agad-agad na umalis si Tin-Tin sa lugar. Lumihis siya ng daan at nag-abang ng taxi sa gilid ng kalsada na medyo malayo sa lugar kung saan nagkita sila ni Liza. Maya-maya ay may isang lalaki na sisipol-sipol na palapit sa kanya. Nilingon niya ito at bigla na lang umasim ang kanyang mukha ng makilala ito. Ano na naman kaya ang ginagawa ng isang tulad mo sa lugar na ito? tanong ng lalaki na lumapit sa kanya. Ikaw na naman! Eh ikaw, ano ang ginagawa mo rito? balik tanong niya. Wow, ako ang unang nagtanong tapos ibinabalik mo sa akin? Sagutin mo muna ang tanong ko. saad nito na parang nang -aasar. Pwede ba! Kung wala kang magawang matino eh umalis ka na lang. pagtatalak niya. Bakit, pag-aari mo na ba ang lugar na ito? Sabagay, m ayaman ka nga pala at kayang mong bilhin ang lahat. pang-iinis nito. Ewan ko sayo! Diyan ka na nga! ingos ni Tin-Tin pagkatapos ay akmang ng sasakay sa humintong taxi. Mabilis na hinablot ng binata ang braso niya. Tandaan mo Tin-Tin, mapuputol rin ang pagiging spoiled brat mo. Hintayin mo lang. saad ng lalaki pagkatapos ay binitiwan siya at tumalikod na. Napanganga si Tin-Tin sa tinuran nito at sinundan na lamang ng tingin ang papalayong lalaki. Ang lalaki na lubos niyang kinasusuklaman. == Mabilis na lumipas ang mga araw at lalong nawawalan ng pag-asa si Sam. Inisip niya na wala talaga siyang halaga kay Robin kayat hindi muna siya

sumamang lumabas kay Jeriel. Naintindihan naman ito ng kaibigan kayat sila Nadine na lamang ang niyaya nitong lum abas. Nakarating sila sa isang resto bar. Kung saan may tumutugtog na mga banda. Nang mga oras na iyon ay ang bandang Stupid ang nakasalang sa stage. Naging malikot ang mga mata ni Robin at napadako ang kanyang paningin sa isang lamesa na nakilala niya kung sino ang umookupa. Ang walang hiya! Hindi bat iyon ang lalaki na nanliligaw kay Sam! ani Robin sa kanyang isipan. Nang matapos silang tumugtog ay bumaba na siya sa stage at umokupa ng isang lamesa di-kalayuan sa lamesa nina Jeriel. Ang hayop na yon, niloloko lang pala si Sam. ani Robin na biglang nakuyom ang mga palad. Pare, (biglang tapik ni Henry) saan ka ba nakatingin? tanong nito. Ah, wala! Akala ko kasi kakilala ko yung nasa gawi roon. ani Robin na inginuso ang direksyon. Ganon ba! So, paano! Tara na kasi may isang gig pa tayo. yaya ni Henry. Pumayag naman si Robin at sumunod na rito pagkatapos ay nilingon muli ang lalaki na si Jeriel. Humanda kang lalaki ka, pagbabayaran mo ang ginawang panloloko kay Sam. Bukas na bukas ipapaalam ko ito sa kanya. banta ni Robin sa kanyang isipan. Samantalang masayang nagkakasiyahan ang grupo nina Jeriel, Nadine at Faye. At hindi napansin ang presensiya ni Robin sapagkat hindi pa nila ito nami-meet ng personal. Sadyang malapit silang magkakaibigan sa isat-isa kung saan nakita ni Robin na close na close sina Nadine at Jeriel na mismong si Jeriel ay nakaakbay sa kaibigan. CHAPTER IX Kinabukasan, maagang nagpunta si Robin sa opisina ni Sam. Naabutan niya ang sekretarya ni Sam sa labas ng opisina nito. "Magandang umaga! Nandyan ba si Sam." tanong niya. "Sino pong Sam, sir Robin?" nagtatakang tanong ni Lilie. "I mean, nandyan ba sa loob ang boss mong si Margaret." ulit ni Robin. "Si ma'am Marga po ba! Sorry sir pero wala po sya ngayon! Dumaan lang po sya kanina para ikansel yung appointment nya. May importanteng lakad daw po kasi sya ngayon." mahabang turan ni Lilie. "Ganoon ba! Saan naman daw siya pupunta?" pagtatanong niya. "Eh hindi ko po kasi alam! Kasama po kasi nya si Sir Jeriel." pagtatapat ni Lilie. "Ang tarantadong yon ang kasama nya!" biglang naibulalas ni Robin. "Ano po yun sir?" tan0ng ni Lilie. "Ah wala, sige aalis na ako!" biglang paalam ni Robin pagkatpos ay tinalikuran na si Lilie. Iiling-iling na lamang si Lilie. "Ano ba yan? Ang haba ng hair ni maam Marga, dalawang gwapong lalaki ang naghahabol sa kanya! Sino naman kaya ang papalarin sa dalawa?" biglang naisatinig ni Lilie habang nakatanaw sa papalayong binata. == Samantala, magkahalong inis at galit ang nararamdaman ni Robin ng mga oras na iyon. "Hay, Sam! Nasaan ka ba? Bakit ba sumasama ka pa sa lalaking yan? Hindi mo ba naiisip na niloloko ka lang niya." ani Rob sa kanyang isipan na

nakakuyom ang mga palad. Papalabas na siya sa kumpanya nila Sam na makasalubong si Aiza na humahangos. "Aiza! Saan ka pupunta?" bungad niya ng makasalubong ito. "Oh Robin, ikaw pala! Pupuntahan ko sana si Sam kasi may hihingin lang akong pabor." sagot nito. "Naku, wala siya! May pinuntahan daw sabi ng sekretarya niya." saad ni Robin. "Ay ganun ba! Sayang naman. Eh ikaw may kailangan ka rin ba sa kanya kaya ka nandito." ani Aiza. "ahm, may sasabihin lang sana ako! Pero saka na lang siguro." ani Robin na hindi tinuran ang tunay na pakay. "Ehemm!" ani tinig buhat sa likuran ni Aiza na agad naman niyang nilingon. "Third, bakit sumunod ka pa rito?" pagtatanong ni Aiza. "Kung hindi ako sumunod, e di hindi ko nakita na may kinakalantari kana pala!" saad nito. "Watch your mouth, Third! Wala kang karapatan na akusahan ako ng ganyan." inis na turan ni Aiza. "Wag ka nang magmalinis! Kitang-kita ng dalawang mata ko." sagot naman nito. "Pwede ba, wag mo kaming pag-isipan ng masama ni Robin! Kaibigan ko siya saka hindi mo ba siya natatandaan." ani Aiza. "Bakit? Isa ba siya sa mga lalaki mo kaya kailangan ko pa silang tandaan!" bwelta na naman nito kay Aiza. "Eh tarantado pala to, Aiza!" singit ni Robin. "Wait lang Robin, wag mo na siyang patulan!" awat ni Aiza. "Abah! At talagang pinagtatanggol mo pa talaga ang lalaki mo." banat na namam ni Third. Hindi na nakatiis si Robin at inundayan na agad ng suntok si Third. Nanlaban naman ito kaya nagsimula na silang magrambol na dalawa. Abot naman ang sigaw ni Aiza at pilit na inaawat ang dalawa. Nakita naman agad ng guard na nagkakagulo sila kaya mabilis itong lumapit upang awatin sila. CHAPTER X Nang makita ng guard na may nag-aaway sa harap ng kumpanya ay mabilis itong umawat sa mga ito. Panay naman ang sigaw ni Aiza sa dalawa. Pilit na pinapatigil ang dalawa. Putok ang nguso ni Robin at dugo naman ang ilong ni Third kaya lalong nahintakutan si Aiza sa nasaksihan. Parang awa nyo na! Magsitigil na kayo. sigaw ni Aiza na may himig pakiusap. Mabilis na pumito ang guard at inawat sila katuwang ang isa pang security guard na nandoon. Pilit silang pinaghiwalay. Galit na galit sa bawat isa na animo ayaw talagang magpaawat. Tarantado ka! Bakit ganyan kang magsalita kay Aiza? Wala kang galang sa mga babae, hayop ka! gigil na gigil na turan ni Rob in na nagwawala pa. Sira-ulo ka pala eh! Ano bang pakialam mo? Kung wala kayong relasyon hindi ka magkaka ganyan? gigil ding turan ni Third. Eh mababaw ka pala eh, nakita mo ngang magkaibigan lang kami! Eh ano bang pinagsesenti mo dyan? Wala namang kayong relasyon ni Aiza, at wala kang pakialam kung m ay manligaw man sa kanya dahil biyuda na siya. pagsupalpal ni Robin. Biglang natahimik si Third pagkatapos ay pilit na kumawala sa guard na may hawak sa kanya. Tahimik lamang na nakatunghay si Aiza ngunit maluhaluha naman ito. Bitawan mo ko! pag-uutos ni Third sa guard. Binitiwan naman na siya ng guard ng mapansin na hindi na ito susugod pa kay Robin.

Tama na, Third please! pakiusap ni Aiza. Nagbabaga ang mga mata ni Third na lumipat ang tingin kay Aiza. Ngayon ko napatunayan na isa kang mababang klaseng babae! Ang bilis mong palitan si Papa! galit na turan nito pagkatapos ay tinalikuran na siya at umalis. Hindi napigilan ni Aiza na tumulo ang kanyang mga luha sa huling tinuran ni Third. Akmang susunod na siya na bigla siyang pigilan ni Robin. Bakit ba hinahayaan mo ang tarantadong yon na gawin sa iyo ang ganyan? ani Robin na naawa sa katayuan ni Aiza. Hindi ko alam Robin! Ang gusto ko lang naman malinis ang pangalan ko sa kanya. paliwanag niya. Pero ayaw ka niyang paniwalaan! Mas lalo pa niyang pinagdidiinan na masama kang babae. ani Robin. Kaya nga eh, kahit anong gawin ko? Hindi niya nakikita iyon, iniisip niya na gold digger ako at pera lang ang habol ko sa kanila. ani Aiza na humihikbi-hikbi. Bakit hindi ka nalang umalis sa poder nila? Kung hindi mo habol ang pera nila, bakit hindi mo na lang ipaubaya sa lalaking yon. suhestiyon ni Robin. Hindi pwede Robin, hindi pwede! tutol ni Aiza. Bakit? Ano ang dahilan? Mahal mo ba siya! deretsahang tanong ni Robin. Hindi nakasagot si Aiza at nagyuko na lamang ng ulo. Hayyy! Ganito ba talaga ang nagagawa ng pag-ibig! ani Robin. Ngumiti na lamang si Aiza sa huling tinuran niya pagkatapos ay nagpaalam na rin. Salamat na lang sa payo mo at pagpasensiyahan mo na lang sana si Third sa inasal niya kanina. hinging -paumanhin ni Aiza. Iiling-iling na lamang si Robin habang nakamasid sa papalayong si Aiza. Sa sama ng mood niya kanina ay hindi niya napigilan ang sarili kayat kay Third niya naibunton ang galit at pagka -inis. Nilinga niya ang dalawang guard na pumapalatak pa. Pasensya na ho pala kaya kanina sa nangyaring engkwentro rito. Hindi na ho mauulit. hinging -paumanhin ni Robin pagkatapos ay umalis na rin sa lugar na iyon. == Matapos ang insidenteng yon ay napagdesiyunan ni Robin sa tahanan na lamang ni Sam magtungo kinagabihan. == Gabi na ng makauwi si Sam sa kanilang tahanan at kasama pa rin niya ang baklang si Jeriel. Pagkarating sa bahay ay hindi muna niya ito pinauwi, bagkus ay niyaya pa niya ito sa kanyang silid upang doon ituloy ang kanilang masayang kwentuhan. Bago niya patuluyin sa silid ang kaibigan ay nagpalit muna siya ng damit. Isang spaghetti strap at boxer short lamang ang isinuot niya. Pagkatapos ay niyaya na niya ang vaklushi niyang kaibigan na pumasok sa loob na dala ang mga junk food at soft drinks na pinamili nila kanina lang sa convenience store. Pagkatapos ay pinaandar ang dvd at nanood sila ng comedy movie. Ayy girl, bagay sakin ang suot mo! Promise! maarteng turan ni Jeriel. Halerrr! Ang laki kaya ng katawan mo, siguradong mamumutok sayo to! pambabara ni Sam. Ang sama mo, tandaan mo! Pag naging ganyan rin ang katawan ko, siguradong maiisencure kana sakin! turan ng baklang si Jeri el.

You mean may balak kang magpaganito! Baka balak mo na ring magpasex change. tatawa-tawang saad ni Sam. Gaga, binibiro ka lang! Alam mo namang hindi pwede, papatayin ako ni Daddy. saad ni Jeriel. Ay, oo nga pala! Eh kelan mo ba balak magladlad? tanong ni Sam. Hindi ko nga alam! Baka hindi na, as in ganito na lang forever! Patago-tago na lang. Hayyy! ani Jeriel na napabuntonghininga pa. Ang haba naman ng buntong-hininga mo! Parang wala ng bukas ah. pagbibiro ni Sam. Hay, ewan! Ano ba yan? Hindi pa ba matatapos ang problema nyo. Hindi tulo y tayo makapag-bonding na kasama yung dalawang bruha. maarteng turan ni Jeriel. Eh sa hindi pa nga eh. Hindi pa kasi sila pwedeng lumitaw hanggat hindi pa namin natatapos ang aming sinimulan. ani Sam. Hay naku! Kelan pa kayayon eh malapit na kong gumora pabalik sa Canada? bulalas nito. Sana nga matapos na at malaman na namin ang tao sa likod ng pang -iipit sa mga investors namin. panalangin ni Sam. Girl, wag kang mag-alala! Pasasaan ba at malalaman nyo rin ang kasabwat ng demonyitang Tin-Tin na iyon. Kailangan hulihin mo na siya sa akto. suhestiyon ni Jeriel. Oo nga eh, iniisip ko na nga kung paano ko siya mahuhuli sa akto. Kailangang maka -isip na talaga ako ng paraan. ani Sam. Hay naku, tama na nga yan! Nandito tayo para magsaya. pag-iiba bi Jeriel. Mabuti pa nga! ani Sam na tatawa-tawa, pagkatapos ay nahiga at umunan sa kandugan ni Jeriel at itinutok na ang paningin sa pinapanood. == Samantala sa labas ng kanilang bahay ay kasalukuyang kausap ni Robin si Ising. Nandiyan na ba si Sam! tanong niya. Ah opo sir! Halina ho at tumuloy kayo! yaya ni Ising. Sumunod naman siya sa maid pagkatapos ay pinatuloy siya sa sala. Sandali lang po sir at tatawagin ko lang po si maam Sam. pagpapa-alam ng maid. Nasaan ba siya? May ginagawa ba siya ngayon. pagtatanong ni Robin dahil may isang sasakyan sa labas na bago sa kaniyang paningin. May bisita po kasi siya at nasa silid sila. pagsagot ni Ising. Sino naman ang bisita niya at bakit nasa silid sila? may kyuryosidad sa pagtatanong niya. Si sir Jeriel po, yung lagi niyang kasama na lumalabas. sagot ng maid. Biglang nagtagis ang mga bagang ni Robin at nakuyom ang mga palad. At ang mga mata ay nag-aapoy sa galit. Nagpaalam ang maid na tatawagin lang ang amo ngunit sumunod rin siya rito. Maam!!! tawag ni Ising. Bakit Ising, ano ang kailangan mo? pagtatanong ni Sam buhat sa loob ng silid. May bisita po kayo, nandirito po si sir Robin! saad ni Ising. Biglang napabalikwas ng bangon si Sam at napatingin kay Jeriel. Bakla, ano kaya ang ginagawa niya rito? biglang turan ni Sam na pawang hindi mapakali. Relax ka lang girl! Okay! saad ni Jeriel. Tumayo si Sam pagkatapos ay inayos ang kanyang sarili.

Bakla, ano ba ang ayos ko? Okay lang ba to! natatarantang turan ni Sam. Ano ka ba? Okay lang yan, tama lang yan para iseduce mo si fafa Robin. tatawa-tawang turan ng bakla. Maam, ano po? Lalabas na po ba kayo! tawag muli ng maid. Oo, ising! Sandali lang. sagot niya. Bumaling si Ising kay Robin. Sir, lalabas na raw po! Dito na lang po ba kayo o hihintayin nyo na sa sala. ani Ising. Hihintayin ko na lang siyang lumabas. Sige, iwan mo na ako! Salamat. ani Robin. Samantala sa loob ng silid ay parang natetense si Sam. Bakit kaya siya nagpunta rito? Bakla ano ang gagawin ko! Lalabasin ko na ba. parang kinakabahan na turan ni Sam. Ano ka ba? Chillax ka lang, okay!!! Go go go! pagpapalakas ng loob na turan ni Jeriel. Hmmm! Okay! ani Sam na bumuntong-hininga pa pagkatapos ay tinalikuran na ang baklang kaibigan. Pagbukas ng pinto ay hindi niya inaasahan na nandoon pala si Robin at naghihintay sa kanya. Tiningnan siya ni Robin mula ulo hanggang paa. Naistorbo ko ba kayo sa ginagawa ninyo. bungad agad nito. Hah! Ano ang ibig mong sabihin? ani Sam na hindi maintindihan ang tinuran ni Robin. Naistorbo ko ba kayo ng lalaki mo. ani Robin na bahagyang sumilip sa naka-awang na pinto. Rob! Mali ang iniisip mo. Wala kaming ginagawang masama ni Jeriel. ani Sam ng matukoy ang ibig sabihin nito. Wala!!! Kayong dalawa na nakakulong sa isang silid! Tapos sasabihin mo wala. medyo mataas ang tono nito. Narinig ni Jeriel ang tinuran ni Robin kay Sam kaya agad-agad siyang lumapit rito. Sandali lang pare! Kung ano man ang iniisip mo, nagkakamali ka. pagtatanggol di n ni Jeriel sa kaibigan. Ang kapal ng mukha mo! Di bale sana kung katiwa-tiwala ka, hayop ka! Ang lakas ng loob mo. di napigilang sambitin ni Robin sa harap ni Jeriel. Sandali lang Rob! Ano bang sinasabi mo? Wag ka naman ganyang magsalita. ani Sam. Huh!!! Talagang pinagtatanggol mo pa ng hayop na yan! Ganyan ka naba kadesperada sa mga lalaki. ani Robin na hindi napigil an na magsalita ng masakit kay Sam. Hindi napigilan ni Sam ang sarili. Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi nito. Nagpunta ka lang ba rito para kutyain ako. Kung wala ka nang ibang sasabihin, ang mabuti pa umalis ka na. pagtataboy ni Sam. Sumingit naman si Jeriel. Pare, ang lakas ng loob mong magsalita ng ganyan kay Sam. Wala kang karapatan na sabihan siya ng ganyan. s abad ni Jeriel. Mabilis na binitbit ni Robin ang kwelyo ni Jeriel. Tarantado ka! Kung lolokohin mo lang din si Sam. Layuan mo na siya. pagbabanta nito sabay suntok kay Jeriel. Halos tumilapon si Jeriel sa lakas ng suntok ni Robin kayat mabilis na din aluhan ni Sam ang kaibigan. Okay ka lang ba, Jer! nag-aalalang tanong ni Sam. Sabi ko naman sayo bakla, wag mo kong pasasapok sa kanya. mahinang daing ni Jeriel. Biglang binaling ni Sam ang pansin kay Robin at lumapit rito. Ano ka ba? Wala ka ba talagang gagawing matino. Siguro nga kung ikukumpara sayo si Jeriel eh mas gugustuhin ko pa siya kaysa sayo. Sayang lang

dahil naging tanga ako sayo. Pero wala kang kwentang tao, wala ginawa sayo yung tao para saktan mo ng ganoon. nangagalaiti ng turan ni Sam. Hindi napigilan ni Robin ang sarili at mabilis na hinapit ang beywang ni Sam pagkatapos ay hinalikan ito. Isang halik na magpaparusa at halos dumugo ang mga labi ng dalaga. Nagtagal ang halik at unti-unting naging banayad ang paghalik ni Robin kay Sam kayat unti-unti ay tumugon na rin si Sam sa halik nito. Ang mga braso niya ay kumunyapit na rin sa batok nito. Natulala si Jeriel na nasaksihan at napanganga na lamang. Nang matauhan si Sam ay mabilis niya itong itinulak. Nasarapan ka ba sa halik ko. ani Robin na may pang-uuyam ang tingin. Bakit mo ba ginagawa ito? Ito ba ang paraan mo para patuloy akong saktan. ani Sam ng makabawi na naluluha pa. Bakit ikaw, ang bilis mo akong pinalitan? At diyan pa sa gagong yan! galit na turan ni Ro bin. Bakit ba ganoon na lang ang galit mo kay Jeriel? nagtatakang-tanong ni Sam. Hindi mo alam na niloloko ka ng gagong yan. Bukod sayo may iba pang babae na nilalabas yan. Hindi mo ba alam yon. pagbu bunyag ni Robin. Nakahalata na si Sam kayat mabilis niyang sinakyan ang sinabi nito. Alam ko! tanging sagot niya. Alam mo, pero bakit hinahayaan mo lang na gawin niya iyon sayo. saad ni Robin. Dahil si Jeriel, binibigyan niya ako ng importansiya! Kapag kasama ko siya, nagiging espesyal ako. ani Sam. Tumayo na si Jeriel at lumapit kay Sam. Akmang susuntukin na naman ni Robin si Jeriel pero mabilis na humarang si Sam. Sige subukan mo! Kung sasaktan mo siya, saktan mo na rin ako. ani Sam na medyo tinaasan ang tinig. Napatigil si Robin. Bakit Sam? Mahal mo na ba siya kaya ganyan na lang kung ipagtanggol mo siya. saad ni Robin. Kung sayo lang naman, mas mabuti na si Jeriel. Dahil sayo wala akong kasiguraduhan. ani Sam. Natahimik si Robin sa tinuran ni Sam at maya-maya ay nagsalita na rin. Kung ganoon pala, bale wala rin pala ang pagpunta ko rito. malungkot na turan ni Robin. Oo ang mabuti pa umalis kana. pagtataboy ni Sam. Kung iyan ang gusto mo. saad nito. Kung maari lang sana humingi ka ng pasensya sa ginawa mo kay Jeriel. pag-uutos ni Sam. Biglang nilahad ni Jeriel ang kanyang palad upang makipag-kamay rito. Nakipag-kamay si Robin pagkatapos ay medyo lumapit si Jeriel at may ibinulong sa kanya. Salamat pare! Okay si Sam, susunod yung kaibigan ko naman. mahinang bulong ni Jeriel na may pang-aasar. Pagkatapos at mabilis na nagpunta si Jeriel sa likod ni Sam. Bigla naman nagpanting ang mga tainga ni Robin sa ibinulong nito. Hayop ka! galit na namang turan ni Robin na akmang susugurin si Jeriel. Ano ba, Rob? Akala ko ba okay na kayo. ani Sam na mabilis na humarang. Gagong yan! Iisahan ka lang niya Sam. gigil na turan ni Robin.

Ano bang sinasabi mo?. ani Sam. Kasasabi lang niya sa akin kanina. Kung sa ganyang klaseng tao lang Sam, hindi ako papayag. gali t na turan ni Robin. Totoo ba yon, Jer! Ano ba ang sinabi mo sa kanya? pagtatanong ni Sam. Wala akong sinabi sa kanya. Nagpasalamat lang ako kanina. depensa ni Jeriel. Sinungaling, wag mo akong gagawing sinungaling sa harapan ni Sam. gigil na turan ni Robin habang dinuduro si Jeriel. Hindi ako sinungaling. sagot ni Jeriel. Pwede ba, Rob! Tama na! Ayoko na ng gulo rito sa pamamahay ko. ani Sam na naiirita na. Maniwala ka, Sam! Gagamitin ka lang ng lalaking yan. saad ni Robin. Ikaw ang sinungaling. Lalaki ka bang tunay o bakla. pang-aasar pa ni Jeriel. Tarantado ka, wag mo akong sasabihan na bakla. gigil na turan ni Robin. Tama na please! Rob Jer! Please stop it. saway ni Sam. Hindi Sam! Gusto ko lang patunayan sa lalaking ito kung gaano siya kabakla. tutol ni Jeriel. Hayop ka! Hindi ako bakla! At alam ni Sam iyon. depensa ni Robin. Paano mo mapapatunayan? naghahamon sa anyo ni Jeriel. Dahildahil hindi naituloy ni Robin ang sasabihin. Bakit, dahil baklang kang talaga kaya hindi mo maituloy ang sasabihin mo hindi ba. pang-uuyam ni Jeriel. Tumigil ka!!! Hindi ako bakla dahil Mahal ko si Sam. biglang naibulalas ni Robin. CHAPTER XI Tumigil ka!!! Hindi ako bakla dahil Mahal ko si Sam. biglang naibulalas ni Ro bin. "Eh di lumabas rin ang totoo! Mahal mo nga talaga si Sam! Hay, masisira ang byuti ko sa inyo! Diyan na nga kayo. Hmfp..." maarteng turan ni Jeriel pagkatapos ay iniwanan na sila. "Anong ibig sabihin n'on?" nagtatakang tanong ni Robin. "Hindi pa ba halata, kung ano ang nakita mo! yun na 'yon." turan ni Sam. "Teka!" ani Robin na akmang susundan si Sam. "Hep hep! Saan ka pupunta?" pigil ni Sam na itinaas pa ang isang paa at iniharang kay Robin. "Susundan ko ang mikong na 'yon! May gusto lang akong malaman." saad nito. "Ano pa ba ang gusto mong malaman? Hindi pa ba halata o baka naman umiiwas ka sa'kin." saad ni Sam. "Hindi naman sa ganoon!" depensa ni Robin sa sarili. "Kung hindi, ano nga ulit yung sinabi mo kanina lang." ani Sam na ibig ulit marinig ang pag-amin nito kanina lang. "Ah, ano kasi eh?" ani Robin sabay kamot sa ulo. "Ikaw talaga! Pinahirapan mo pa ko e Mahal mo naman pala ako." saad ni Sam na wagas ang pagkakangiti. "Anong ibig mong sabihin na pinahirapan? Wala akong ginawa ah." pagtataka nito. "Kung hindi dahil sa'yo, e di sana hindi ko pinilit si bakla na magpanggap na manliligaw ko." pagtatapat ni Sam.

"Ibig sabihin siya talaga ang bakla, at ginawa niya lang iyon para paaminin ako." saad ni Robin na hindi makapaniwala. "Mismo! Gusto ko kasi talagang malaman kung ano talaga ako sa'yo." paliwanag ni Sam. "Ikaw talaga! Halika nga rito." ani Robin sabay hila kay Sam at hinapit sa beywang. "Ikaw ha! Teka lang..." awat ni Sam. "Hayyy! Ikaw talaga, napakapilya mo!" ani Robin pagkatapos ay mabilis na hinalikan ang dalaga. Ang halik na buong puso nilang pinagkaloob sa isa't-isa. Na sa unang pagkakataon ay alam nila ang kanilang tunay na nararamdaman sa isa't-isa. Maya-maya ay dahan-dahan na bumitaw si Sam. "Ooppss! Teka lang, baka kung saan na naman tayo makarating!" awat ni Sam. "Eto naman! Halik lang pinagkakait mo pa sa akin. Namiss kaya kita." malambing na turan ni Robin. "Eh kasi! baka mamaya makita tayo ni Ising." saad ni Sam. "Hmmm! E di, dito tayo sa silid mo." pagyayaya ni Robin. "Eh kasi baka ano eh!!!" medyo nauutal na saad ni Sam. "Promise hindi! Hanggang halik lang talaga, hindi ako magtetake advantage sa'yo." ani Rob na nanumpa pa. Walang sabi-sabi na hinila na siya ni Sam sa silid nito pagkatapos ay isinarado ang pinto. At doon nila pinagsaluhan ang isang napaka-tamis na halik. == Mabilis na lumipas ang isang buwan at naging masaya sina Rob at Sam sa kanilang relasyon. Dahil noong araw na inamin ni Robin ang kanyang nararamdaman para kay Sam ay ang mismong araw na naging opisyal na magkasintahan sila. Alam na rin ng kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang relasyon at pati na rin kay Jam kaya't masaya ang mga ito para sa kanila. Habang magkahawak kamay silang namamasyal sa isang mall ay nakasalubong nila si Tin-Tin. "Marga, Robin! nandito pala kayo." salubong agad nito. "Oo naman! Mukhang namamasyal ka 'atang mag-isa." ani Robin. "Oo, wala kasi akong makasama!" sagot nito na napatingin pa sa magkahawak nilang mga kamay. "Bakit naman?" tanong ni Robin. "Eh busy raw yung mga friends ko! Ahmm, ano ibig sabihin niyan (turo sa magkaholding-hands nilang kamay). Kayo na ba!" diretsahang tanong nito. "Oo! Kami na." pagmamalaki pa ni Robin. "Ah talaga! Well congrats!" wari'y pagbati pa nito. "Wala ka bang pasok ngayon." singit ni Sam. "Ah wala e! Day off ko ngayon.' sagot ni Tin-Tin. "Ganoon ba!" tugon ni Sam. "Ngapala, Tin-Tin! Ano yung sinasabi mo nung nasa restaurant tayo, yung ba ika mo kay Marga?" tanong nito ng maalala ang huli nilang pagkikita. "Ah yun ba! Wala! Nakalimutan ko na eh." alibi nito. "Ah ganoon ba! Okay, sige ha! Mauna na kami." pagpapaalam ni Robin.

"Okay sige, bye!" paalam na rin nito. "Sige, Tin-Tin! Ingat ka diyan." singit naman ni Sam. Tango na lamang ang sinagot nito pagkatapos ay nilagpasan na sila. Kayat dumiretso na rin sila sa paglalakad na magkahawak kamay pa rin. Hindi nakatiis si Tin-Tin at nilingon sila na may galit sa mga mata. Makikita mo pekeng Marga! Oras na malaman ni Robin siguradong tapos na ang kaligayahan mo. Sige lang, i-enjoy mo lang sa ngayon ang sarili mo sa piling ni Robin. Tingnan lang natin ang mangyayari sa susunod. may pagbabanta sa mahinang tinig nito na nakatunghay sa pa palayong magkasintahan. Samantala habang naglalakad ang dalawa ay hindi napigilan itanong ni Sam ang nasa isip. Tart! Itanong ko lang, nagkikita ba kayo ni Tin. nag-aalangang tanong niya. Bakit mo naman naitanong? Wag mong sabihin na selos ka? anito. Hindi naman sa ganon! ani Sam. Wag kang mag-alala! Isang beses lang kami nagkita nung minsan na may sasabihin daw siya tungkol sayo. pagtatapat nito. Tungkol sa akin! Ano naman yon? nagtatakang tanong niya. Ewan ko lang, nagmamadali kasi ako noon kaya hindi rin niya nasabi! Pero kanina nung tinatanong ko eh nakalimutan na daw niya. Narinig mo naman di bah! pagpapaliwanag niya. Mabuti naman kung ganoon! Akala ko kasi may balak siya na agawin ka sa akin kasi may gusto siya sayo, dibah! ani Sam. Ikaw talaga! Wag mo na lang pansinin yon. saway nito. Oo na! At saka sa akin ka lang kaya hindi ka pwedeng agawin ni Tin -Tin o ng sino man. Hindi ako papayag, ngayon pa na inamin mo na mahal mo ko. determinado sa tinuran niya. Ikaw talaga! Kaya loves na loves kita eh! Wag kang mag-alala, promise ko hinding-hindi ako maagaw ng iba. Kahit si Jam pa. anito na sumenyas pa ng tanda ng isang pangako. O si Jam na naman! wariy nagtatampo siya. Ano ka ba? Binanggit ko ang kapatid mo hindi dahil nandito siya(sabay turo sa dibdib) kundi upang ipaalam sayo na wala na siya dito dahil nagkamali ako sa kanya. At napatunayan ko na ikaw ang nilalaman nito. seryosong turan ni Robin na nakaturo pa rin sa dibdib. Isang dampi ng halik ang mabilis iginawad ni Sam para sa mahal na si Robin Ngingiti-ngiti naman ito at hinawakan siya sa kanyang mga kamay. Walang pakialam sa mga nakakakita. Alam mo Sam, ngayon ko napatunayan sa sarili ko na masarap pala ang magmahal.Yung pagmamahal na sayo ko lang pala tunay na mararamdaman I love you my Sweetheart Saira malambing na sambit ni Robin. Ako rin! Ganito pala talaga! Akala ko noon wala ng pag -asa dahil natakot ako na hindi mo mapansin pero nagpursige pa rin ako. Kaya nandito lang ako para sayo!!! My Love Is Here for you, Rob! I love you so much tugon ni Sam na bakas ang tunay na pag-ibig para kay Robin. CHAPTER XII Maganda ang naging samahan ng mag-sweetheart. Habang tumatagal lalong minamahal ni Robin ang nobyang si Sam. Walang oras na hindi niya ito naaalala. Laging kinukumusta sa tuwing hindi sila magkasama. Nang mga oras na iyon ay nasa opisina si Sam. Tumunog ang intercom niya. Maam, nandito po si Tin-Tin! Patutuluyin ko na po ba. hinging-permiso ni Lilie. O sige, papasukin mo na siya! tugon niya.

Pumasok na si Tin-Tin sa loob ng opisina ni Sam at mabilis na lumapit rito. Kumusta ka na, Saira! bungad agad nito na may diin sa huling kataga na nakataas -noo pa. Biglang nagulat si Sam sa tinuran nito at agad niyang nilinga ito. Bakit? Nagulat ka ba, akala mo ba maloloko mo pa ko! mataray na saad nito . Ano ba ang sinasabi mo? wariy hindi interesado sa tinuran nito. Kunwari ka pa! Wag ka ngang mag-pretend na hindi mo alam. saad nito. Bakit naman ako magpepretend? Mayron ba akong dapat ipaliwanag sayo. mataray ding sagot niya na nakaarko ang i sang kilay. Sa akin wala! Pero sa mga empleyado na niloloko mo, meron. Ang kapal ng mukha mo, ginagamit mo ang pangalan ni Marga para sa sarili mong interes. galit na turan nito. Bakit? Sa tingin mo ba kagustuhan ko ang ganito. Alam ng mga magulang ni Marga ang tunay kong pagkatao, at sila ang naglagay sa akin sa katayuan kong ito. mataray na sagot niya. Ah talaga! Hindi naman sa iyo ang mukhang iyan. Kung hindi ka pa retokada. pang -iinis nito. Wala akong pakialam kahit na ano pa ang sabihin mo. Nagkakaganyan ka dahil hindi napasaiyo si Robin. pambabara ni Sam. Bakit sa tingin mo ba magugustuhan ka pa ni Robin kapag nalaman niya ang totoo sa pagkatao mo? bulalas nito. Eh kung hindi ka ba naman tanga! Matagal ng alam ni Robin ang pagkatao ko. buwelta niya. Nabigla si Tin-Tin sa tinuran nito. Wala sa isip niya na alam ni Robin ang katotohanan. Oh bakit natahimik ka, Miss Social Climber? Nagulat ka ba. Hindi ko akalain na isa ka palang malaking TAN -G.A. pagsupalpal niya. Anong sabi mo? Walang hiya ka, wala kang karapatan na pagsabihan ako ng tanga. gigil na turan nito. Hayyyy! Mabuti pa umalis kana kasi sinasayang mo lang ang oras ko. pagtataboy ni Sam. Bakit akala mo ba mahal ka ni Robin? Mukha mo lang ang Mahal niya pero hindi ang pagkatao mo. pang-aasar nito. Sa lahat ng ayaw ni Sam ay makakarinig siya ng kasiraan tungkol sa pagmamahal ni Robin para sa kanya. Anong sabi mo? Mukha ko lang ang mahal ni Robin. ulit niya. Oo bakit? Baka hindi mo nalalaman, ang mukhang iyan ang mahal na mahal ni Robin noon pa man. mayabang na saad nito. Noon iyon pero iba na ngayon, dahil hindi mukha ni Marga ang inibig niya kundi ako! Ang buong pagkatao ko. matigas na turan ni Sam. Hahahaha! Kawawa ka naman, masyado mong pinapaniwala ang sarili mo. Well, good luck na lang sayo dahil sigurado ako na si Marga ang nakikita niya sa katauhan mo. pagyayabang pa nito. Kung wala kang sasabihin na maganda, tumigil kana! Sabagay hindi rin ako magtataka kung bakit hindi ka nagustuhan ni Robin k ahit na pinagpipilitan mo ang sarili mo sa kanya. banat naman muli Sam. Anong sinabi mo? gigil na turan ni Tin-Tin na nanlalaki pa ang mata pagkatapos ay lumapit kay Sam. Lalong ipinagdil-dilan ni Sam ang huling tinuran. Kahit kailan hindi ka magugustuhan ni Robin. ulit pa niya. Akmang sasampalin si Sam ni Tin-Tin ngunit mabilis na nahawakan niya ang braso nito. Subukan mo dahil hindi ako magdadalawang -isip na ilampaso ka. matapang na turan ni Sam. Mabilis na hinila ni Tin-Tin ang braso na hawak ni Sam. Akala mo ba natatakot ako sayo. pagsagot ni Tin -Tin sabay hablot sa buhok ni Sam.

Bitawan mo ako. ani Sam na nanlalaban, na nakahawak na rin sa buhok ni Tin -Tin. Pareho silang nagsabunutan at walang gustong bumitiw ni isa man sa kanila. Kayat mabilis ang naging kilos ni Sam at tinadyakan si Tin-Tin sa gawing binti. Kayat nakakalas ito sa pagkakasabunot sa kanya. Walang sinayang na oras si Sam, mabilis niya itong dinamba kayat pareho sil ang nabuwal sa carpet. Walang hiya ka. Ako pa ang kinalaban mo! Hindi mo ba alam na nilampaso ko ang nanira sa kapatid ko. pagyayabang ni Sam na walang tigil ang pagsampal habang nakasakay siya rito. Umalis ka diyan. sigaw ni Tin-tin na pilit ring nagwawala. Matitikman mo ang galit ko, akala mo ba hindi ko alam na ikaw nag nagnakaw ng mga dokumento ko. saad ni Sam na sampal -sabunot ang ginagawa kay Tin-Tin. Hindi pa nakuntento si Sam at tumayo pa siya at pinagsisipa ito. Walang pakialam kung saan man ito tamaan. Nang mahimasmasan ay hingal na hingal siya. Nagkaroon ng mga galos si Tin-Tin kayat galit na galit ito. Bumangon siya at hinimas-himas ang pisngi at anit na masakit habang si Sam ay nakatunghay sa kanya na nakahalukipkip. Akmang magsasalita pa si Tin-Tin ng biglang sumingit si Sam. Wag ka ng magsalita! Tandaan mo, kapag hindi mo naibalik ang mga dokumento ko! Sisiguraduhin ko na sa bilangguan ka pupulutin. pagbabanta ni Sam. na inakmaan pa si Tin-Tin. Sa inis ni Sam ay hinila niya ito sa isang paa. Pagkatapos ay binuksan ang pinto ng kanyang opisina at inilabas ito habang hila-hila ang isang paa. Nagsisipa ito ngunit gumanti si Sam, kayat tinadyakan niya ito ng makalabas na sa opisina niya. Gulat na gulat si Lilie sa natunghayan. Maam, ano po ang nangyari? biglang tanong nito. Sa susunod Lilie, wag na wag ko ng makikita pa ang pagmumukha ng babaeng ito dito sa opisina ko. matigas na utos ni Sam. Yes, Maam! sagot agad nito. Madali ka tawagin mo ang guard. utos niya na sumunod rin kay Lilie habang hila na sa buhok si Tin -Tin. Napatingin ang madaanan niya habang si Tin-Tin ay nagwawala naman sa higpit ng pagkakahawak ni Sam sa buhok nito. Sinalubong agad sila ng guard. Maam, ano pong problema?" tanong agad nito. Itapon nyo ang babaeng ito sa labas. Kapag bumalik pa ito rito, ireport nyo agad sa pulisya. pag-uutos niya. Yes, maam! sagot ng guard na sumaludo pa. Akmang hahawakan ng guard si Tin-tin na nakatayo na at nagpapagpag. Wag mo akong hahawakan. Aalis akong mag -isa! Hindi ninyo ako kailangang pagtabuyan. galit na turan nito. Tandaan mo 'to! Bibigyan kita ng bente-kwatro oras. Kapag hindi mo mo naisauli ang mga dokumento ko, magtago kana! banta ni Sam. Walang lingon likod na umalis si Tin-Tin at iniwan sila. Tandaan mo to, Saira! Pasasaan ba at makakaganti rin ako sa iyo? banta sa kanyang isipan. == Oras na makaalis sa kumpanya ng mga Del Mundo ay agad na tinawagan ni Tin-Tin si Liza. Hello! Bakit napatawag ka? tanong nito buhat sa kabilang linya.

Tulungan mo ko! Alam na ni Saira ang totoo, alam na niyang ako ang kumuha ng dokumento. pagtatapat nito. Ano? Paano niya nalaman? biglang tanong nito. Hindi ko alam! Sa tingin ko mahuhuli na niya tayo kaya ibalik mo na sa akin ang dokumento kundi makukulong ako. saad niya. Hindi pwede! tutol nito. Anong hindi pwede? Paano ako? ani Tin-Tin na biglang nangamba. Wag kang mag-alala. Isasakatuparan na natin ang ating plano. saad ni Liza. Anong plano? tanong niya. Basta! Sa plano ko ito, siguradong mapapasaiyo na si Robin mo. pambibitin nito. Kailan yan? Kailangan sa lalong madaling panahon. Binigyan lang ako ng bente -kwatro oras ni Sam para isauli ang dokumento. saad niya. Wag kang mag-alala. Mamayang gabi natin isasakatuparan ang ating plano. saad nito. Talaga! Paano, ano ang gagawin ko? tanong niya. At sinabi na ni Liza ang dapat nilang gawin mamayang gabi. At ang planong iyon ay mangyayari sa tulong ni Tin-Tin. == Nang mga oras ding iyon ay tinawagan naman ni Sam ang kanyang mga kaibigan. Hello! sagot agad nito. Faye, nasaan si Nadine? tanong niya. Naku, wala siya rito! Isinama siyang lumabas ng boss namin. Ginawa siyang assistant pansamanatala. sagot nito. Kung ganoon, ikaw na lang! At oras na dumating sya, ipaalam mo agad. Sa ngayon kailangan ko a ng tulong ninyo. Bakit? Ano ba ang nangyari? tanong nito. Si Tin-Tin sumugod rito. Sa sobrang galit, nabanggit ko sa kanya ang tungkol sa dokumento. pag -amin niya. Ano? Bakit? Paanong nangyari? Bakit naging padalos-dalos ka? sunud-sunod na tanong ni Faye. Hindi ko napigilan ang sarili ko at pinagbantaan ko siya na kapag hindi niya isinauli ang dokumento sa loob ng beinte -kwatro oras, ipapakulong ko siya. saad niya. Kung ganon! Sa tingin mo ba, isasauli niya iyon. ani faye na nag -aalala sa pwedeng mangyari. Yun na nga ang iniisip ko, sa tingin ko pupuntahan na niya ang nag-utos sa kanya sa pagnanakaw ng dokumento sa opisina ko. ani Sam. Kung ganon! kailangan pa lang maging alisto ako rito. Kailangan malaman ko kung sino ang lalabas sa kumpanya. saad ni Faye. Oo, dahil siguradong nandiyan lang sa loob ang mastermind ng lahat ng ito. saad ni Sam. Okay sige! Sa ngayon, iyon muna ang gagawin ko! Mag-iingat ka! saad ni Faye sa kaibigan dahil parang kinakabahan na siya sa pwedeng mangyari sa kaibigan. Mabuti pa nga! Ikaw rin mag-ingat ka riyan. saad niya. Pagkatapos ay naputol na ang kanilang usapan. == Sa kabilang banda. Tahimik na nag-iisip si Liza pagkatapos ng huling usapan nila ni Tin-Tin. Paanong nalaman ni Sam ang totoo? Mali nis akong tumarabaho pero nalaman pa rin niya agad-agad. sa isipan ni Liza na kunot-noo habang may

hawak na ballpen. May kumatok sa pinto. Tuloy! saad niya. Maam, ito na po yung pinapipirmahan sa inyo ni Mr. Castro. pagpasok ng assistant ni Mr. Castro na si Jenny. Ilagay mo na lang diyan. utos niya na paikot-ikot ang upuan. Biglang naaalala na may appointment nga pala si Mr. Castro. Ah, Jenny! Bakit nandito ka, hindi ba may meeting si Mr. Castro sa labas? Sino ang kasama niya na assistant? tanong niya. Ah, si Miss Nadine Almazar po! May ginagawa po kasi ako kaya si Nadine ang sinama niya. sagot naman nito. Sinong Nadine? takang-tanong niya. Si Nadine po yung bago sa department namin. Actually po dalawa silang bago sa department namin. saad ni Jenny. Ganoon ba! Ang hirap makapasok sa department nyo ah. Ang galing naman ng nakapasa. puri pa niya. Opo! Maraming experience na rin po ang dalawang bago na iyon. Pareho pa nga silang galing abroad. Magkaiba nga lang ng bansa. saad nito. Ah ganoon ba! ani Liza. Naku, yes maam! Si Miss Faye Bernadette nga ang galing sa computer! Kahit nakapikit nakakapagsearch. Kaya nga po masuwerte tayo kasi nagkaroon tayo ng empleyado na katulad nila. pagmamalaki ni Jenny. Well, nice to hear that! saad niya. Akala ko nga po Maam e kakilala nyo si Faye kasi sabi nya kaibigan rin daw niya si Tin -Tin. saad nito dahil hindi lingid sa kaalaman ng mga empleyado na malapit sila ni Tin-tin. Ano? Si Tin-Tin, paano niya nakilala si Tin-Tin? tanong nito. Ewan ko lang po! sagot nito. O sige, okay na to! Kunin mo na lang mamaya. saad niya. O sige po maam! Aalis na ako. paalam nito. Biglang napaisip si Liza sa huling sinabi ni Jenny. Sino si Faye? tanong niya sa kanyang isipan. Kayat tiningnan niya ang profile nito buhat sa kanyang computer. Binasa ang mga credentials at assets nito. Maya-maya ay tinawagan niya si Tin-Tin. Kasalukuyan naman nasa isang parke si Tin-tin at ginagamot ang mga galos. Ayaw niyang bumalik agad sa LYRICA na ganoon ang ayos. Bagkus pinaghahandaan na niya ang plano na inilaan ni Liza para kay Saira mamayang gabi. Hello! tugon niya. Bakit ba ang tagal mong sagutin? may irita sa tinig ni Liza. Nililinis ko kasi yung galos ko sa ginawa sa akin ng walang hiyang Sam na iyon. sagot niya. Ganoon ba! Matanong ko lang, may kilala ka bang Faye Bernadette. tanong agad nito sapagka't may hinila na siya sa isipan. Faye Bernadette! Sino yun? ani Tin-tin na bakas sa tinig na hindi kilala ang taong iyon. Kung ganoon, hindi mo siya kilala. ani Liza. Abay hindi! Sino ba ang babaeng yon? ani Tin-tin na naguguluhan na rin. Never mind. Sige, mamaya na lang! Siguraduhin mo lang na magagwa mo ang inuutos ko sayo. ani Liza pagkatapos ay pinutol na ang tawag.

Halos mapadabog si Liza sa natuklasan. Hindi niya akalain na naisahan siya ni Saira. Humanda ka Saira! Magtutuos tayo mamaya. ani Liza na gigil na gigil. At ikaw rin Faye! Pagbabayaran mo ang kapangahasan na ginawa mo. banta rin nito sa isipan para k ay Faye dahil alam na niya na kasabwat ito ni Saira. == Samantala. Napatanga si Tin-tin at napaisip kung bakit nagtatanong ng ganoon si Liza. Ano naman kaya ang problema ng babaeng yon? Hindi ko naman kilala yung Faye na iyon, tapos itatanong sa akin! Hayyy buhayyy! ani Tin-tin na kinakausap ang sarili na napabuntong-hininga pa. Hayyy buhayyy! ani lalaki na ginaya pa si Tin-Tin. Nilinga agad ni Tin-Tin ang lalaki. Ikaw na naman! Baka ba lagi mo na lang akong sinusundan. inis na turan niya. Bakit naman kita susundan? Small world lang talaga.(napansin ang galos ni Tin-tin). Sigurado ako sa mga galos mo na iyan ay dala ng kagagahan mo. ani lalaki na parang nang-aasar pa. Ang kapal mo! Kung hindi mo ako sinusundan bakit kung nasaan ako bigla ka na lang susulpot. At saka ano bang pakialam mo sa nangyari sa akin. may pagka-irita sa tinig niya. Wala naman! Sa tingin ko dapat lang sa iyo ang nangyari sayo ngayon. bwelta muli nito. Tumigil ka! ismid niya. Hahaha! Isipin mo na lang anino mo ako. Kaya wag kang gagawa ng hindi maganda, kundi patay ka sakin. banta nito pagkatapos ay iniwan na siya. Haisttt kainis talaga! ani Tin-Tin na nalukot ang mukha. Bigla niyang naisip na baka magkaproblema kapag lagi nakabuntot sa kanya si Julius. Tinawagan niya ulit si Liza. Bakit na naman ba? bungad agad nito. May problema tayo, may asungot na laging nakabuntot sa akin. ani Tin-tin na bakas ang pagkabahala. Sino naman yon? tanong ni Liza. Si Julius, yung kababata ko! Pinsan ni Robin. saad niya. Bakit ka naman niya sinusundan? tanong nito. Hindi ko nga alam. Alam kong galit sa akin ang mokong na yon sa ginawa kong panloloko sa kanya dati. Hindi mo kasi naitatan ong, sa pagkagusto ko kay Robin e ginamit ko siya. paliwanag niya. Hayyy! Sige, ako na ang bahala diyan. Kailangan hindi mapurnada ang plano natin. ani Liza na may naisip ng plano. Okay, sige! Bye!!! pagpapaalam niya. == Gabi. Tinawagan ni Tin-Tin si Sam. Hello! sagot nito. Sam, kung gusto mong makuha ang dokumento, magkita tayo! Tandaan mo, wag kang magsasama. ani Tin-Tin. Sige, saan? sang-ayon agad niya. Sinabi ni Tin-Tin ang lugar.

Okay, sige! Magkita tayo diyan at 10pm sharp. ani Sam na desidido sa tinuran. Siguraduhin mo lang na wala kang isasama. Ngayon mo patunayan kung gaano ka katapang. pambubuska pa nito. Siguraduhin mo lang din na kasama mo ang promotor mo. ani Sam. Wag kang mag-alala, magkikita na rin kayo! saad nito. Mabuti kung ganon! mataray na turan ni Sam. Sige, mamaya dumating ka sa tamang oras. saad ni Tin-tin pagkatapos ay pinatay na ang linya. Mahigit isang oras na naghintay si Sam bago nagpunta sa tagpuan nila ni Tin-Tin. Lumakad siya dala ang kanyang lisensyadong baril. Hindi niya ipinaalam kahit kanino ang kanyang gagawin maging sa kanyang nobyo na si Robin. Sa kanyang isipan ay tatapusin niyang mag-isa ang laban. At aalamin niya kung sino ang tao sa likod nito. Papunta na si Sam sa lugar, at sa mga oras na iyon ay matagal ng naghihintay si Tin-Tin. Nakarating na si Sam sa lugar. Pagbaba sa kanyang sasakyan ay lilinga-linga siya sa paligid. Nakita niya si Tin-Tin na kumakaway sa kanya kayat nagmamadali siyang lumapit rito. Mabuti naman at hindi ka nahuli. salubong ni Tin-Tin na lilinga-linga sa paligi na nahalata naman agad ni Sam. Wag kang mag-alala! Wala akong kasama, marunong akong tumupad sa usapan. ani Sam. "Mabuti kung ganon!" tipid na sagot nito. Kung ganon! Nasaan ang dokumento? Nasaan ang boss mo? sunud-sunod na tanong ni Sam. Relax ka lang! Masyado ka namang hot, darating tayo diyan. Sumunod ka lang sa akin. Saad ni Tin -tin na niyaya pa siya. Nag-aalangan na sumunod si Sam. Sandali! Ang usapan natin hindi naituloy ni Sam ang sasabihin sapagkat may humatak sa kanya at pilit siyang tinatangay upang isakay sa isang sasakyan. Nagpupumiglas si Sam at hindi pa man nakukuha ang baril sa loob ng kanyang bag ay inagaw na agad ito ng isang lalaki at itinapon. Maya-maya ay lumapit naman si Julius sa kanila na kanina pa nakamasid. Hoy, anong ginagawa nyo? Tin-tin, anong ibig sabihin nito? bungad agad ni Julius na papalapit sa kanila. Bigla na lang may pumukpok sa likuran ni Julius na siyang kinawalan nito ng ulirat. Iyan ang dapat sayo! Pakialamero ka kasi! ingos ni Tin-Tin. Pagkatapos ay pilit na isinunod si Sam at tinakpan ang ilong ng isang tela na siyang kinawalan rin ng malay tao. CHAPTER XIII Wala pa ring malay si Sam ng makarating sa lugar kung saan naghihintay si Liza. Kayat kumilos agad ang mga tauhan nito upang siya ay igapos bago pa man magkaroon ng malay. Tapos na siyang igapos ngunit wala pa rin siyang malay. Mukhang napasarap yata ng tulog ang bisita natin. ani Liza. Liza, bakit ba kailangan pa siyang dalhin rito? Ano ba ang naging atraso sayo ng babaeng iyan? pagtatanong na rin ni Tin-Tin sapagkat hindi naman niya talaga alam ang tunay na dahilan ng paghihiganti nito. Malaki ang kasalanan nila sa akin. Pinatay nila ang papa ko. ani Liza na bakas ang pait sa huling tinuran. Ano? Ang babaeng iyan, nagawa niyang pumatay. ani Tin-tin na nagulat sa natuklasan.

Oo, sila ng kakambal niya. Nagtulong sila upang mapatay si Papa. At ang babaeng iyan ang naging utak ng lahat. saad ni Liza . Grabe naman pala ang kasamaan ng babaeng iyan. Hindi pa nakuntento, pati ang pagkatao ng kaibigan ko ay inangkin din niya. saad ni Tin-tin. Kaya nga pagkakataon mo ng makaganti sa kanya. Tanggalin mo sa kanya ang pagkatao ng kaibigan mo. ani Liza. Ano ang ibig mong sabihin? nagtatakang tanong ni Tin-Tin. Bumaling muna si Liza sa isa niyang tauhan. At pinabuhusan ng isang timbang tubig si Sam. Pagkatapos ay pinalabas na ang mga ito. Naiwan lamang silang tatlo sa silid. Nagising si Sam sa malamig na tubig na bumasa sa kanyang katawan. Nang mahimasmasan ay iginala ang paningin sa paligid. Nabigla siya sa kanyang nakita. Kumusta, mahal kong pinsan. Mukhang napasarap ang tulog mo aa. bati agad ni Liza sa kanya. Elizabeth ikaw!!! Ikaw ang may gawa nito. gulat na saad ni Sam. Nagulat ka ba. sagot nito pagkatapos ay lumapit kay Sam. Hayop ka! Manang-mana ka talaga sa ama mo. galit na turan ni Sam. Biglang hinawakan ni Liza si Sam sa kanyang baba. Hayop ka rin. Hayop kayong magkapatid! Pinatay nyo ang papa. Galit na turan ni Liza na nanlilisik ang mga mata. Hindi kami ang pumatay sa papa mo. Siya ang nagdala sa sarili niyang kamatayan. galit ring turan ni Sam. Kayo ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi kayo nagbalik, wala na sanang naging problema pa. ani Liza. Alam mong kasalanan ng papa mo ang lahat! Naging ganid siya sa yaman ng pamilya namin. Inampon siya ni Lolo at binigyan ng pangalan. Tinuring siyang tunay na kapatid ni Daddy pero ano ang ginawa niya. Pinatay niya ang mga magulang ko. Hindi lang iyon, pinapatay rin nila pati ang kuya ko. At nagawa kaming paglayuin na magkapatid. mahabang saad ni Sam. Tumahimik ka! Ginawa ni papa ang lahat para sa pamilya nyo. Pero anong ginawa ng lolo mo. Tinanggalan siya ng mana. galit n a turan ni Liza. Oo naging mabuti si Tito Delfin noon Noon na hindi pa siya nalulong sa sugal at kung anu-anong bisyo. Binigyan pa siya ng isang pagkakataon ni lolo, pero ano ginawa niya! Sinira lang lahat ng iyon at nilagay sa peligro ang kumpanya. Pagkatapos, ng dahil kay Daddy muling nabuhay ang kumpanya. ani Sam. Inagaw ng ama mo ang pamamahala noon ni papa sa kumpanya. ani Liza. Hindi Liza, nagkakamali ka! Ginawa iyon ni Daddy upang iahon ang pabagsak na kumpanya sa kamay ng iyon ama. Kayat ipinagkat iwala ni lolo kay Daddy ang lahat. At iyong ang naging dahilan ng pagiging sakim at ganid ng iyon ama. At nagawa niyang pumatay sa kasakimang iyon. nanggagalaiti na rin na saad ni Sam. Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Sam. Wag na wag mong pararatangan ang aking ama! ani Liza na dinuduro pa siya. Napatulala lamang si Tin-tin sa kanila at hindi alam kung ano ang dapat paniwalaan. Totoo ang sinasabi ko! Kung di dahil sa papa mo, masaya sana kami ng pamilya ko. Buo pa sana kami. Pero sa isang iglap lang, nawala ang lahat! Nawala si Kuya Ram, sumunod sina Daddy at Mommy, si Jam pati ang pagkatao ko. Nang dahil sa ama mo, sinira niya ang buhay namin. naiiyak na saad ni Sam. Tumahimik ka! gigil na turan ni Liza. Bakit? Dahil ayaw mong marinig ang katotohanan. Ang katotohanan na ayaw mong tanggapin. Pin atay na papa mo ang mga magulang ko at ako mismo ang nakasaksi sa karumal-dumal na pagpaslang niya. pagbubunyag ni Sam sa katotohanan. Hindi totoo yan! Si mang kanor ang pumatay sa magulang mo at hindi si papa. pinagdidiinan ni Liza. Alam kong iyan ang sinabi ng iyong ama. Pero ang katotohanan ang nagbunyag sa kasamaan niya. At ngayon, nagdudusa na ang iyong ina sa

bilangguan. At mismong mga pulis ang nakapatay sa iyong ama dahil pinagtangkaan niyang patayin si Jam. ani Sam. Sinadya mo iyon, dahil iniutos mo sa mga pulis na patayin si papa! Isang shoot to kill ang order ang ginawa nyo. galit na turan ni Liza. Hindi! Nandoon ako ng mamatay ang iyong ama. Pinagtangkaan niyang barilin si Jam ngunit ang asawa nito ang nakasalo ng bala. Kayat nagpaputok ang mga pulis pero sinubukan pa naming dalhin ang iyong ama sa ospital pero dead on arrival na siya. paliwanag ni Sam. Iyon naman ang gusto nyo, ang mamatay si papa! Hindi ba! asik ni Liza. Nagkakamali ka! Dahil mas magugustuhin ko pa na mabuhay siya at makita na nagdudusa sa bilangguan. saad ni Sam. Walang hiya ka! gigil na turan ni Liza. Mas walang hiya ang iyong ama! Nang dahil sa kanya, nagkahiwalay kami ni Jam. At nang dahil sa kanya, nasira ang mukha ko na naging dahilan upang mabago ako pati na ang buhay ko. gigil ring turan ni Sam. Bakit? Ayaw mo na ba ang mukhang iyan. Isang hiram na mukha na iniibig ngayon ng nobyo mo. Ang mukhang iyan na inagaw mo lamang. ani Liza. Wala akong sinasabi na ganoon. ani Sam. Bakit? Natatakot ka ba na mawala sayo ang mukha mo. Ang mukha na minahal lang ng nobyo mo. ani Liza. Tumahimik ka! Hindi ang mukha ko ang minahal ni Rob kundi ako, ang buong pagkakatao ko. sagot ni Sam. Tingnan lang natin kung ibigin ka pa ng Robin na ipinagmamalaki mo kapag sira na ang mukha mo. saad ni Liza na may ibig sabihin sa tinuran. Pagkatapos ay humarap kay Tin-Tin. Pagkakataon mo na to. Sirain mo na ang mukha niya. mahinang saad ni Liza. At iniabot ang isang botelya. Ano to? ani Tin-Tin. Tanga ka ba! Ito na ang sagot para mapasaiyo si Robin. ani Liza na bakas ang pagkairita. Liza, wala sa usapan natin ang ganito. Hindi ko magagawa ang sinasabi mo. tutol ni Tin-tin. Pagkakataon muna, palalampasin mo pa ba! udyok ni Liza na animo nagbubulung an lang. Hindi ako ganoong klaseng tao. Oo, galit ako kay Sam dahil kay Robin pero hindi ko kayang sikmurain ang pinapagawa mo. Nagaw a ko na ngang dungisan ang aking mga kamay sa ipinag-utos mo. Pero ito, hindi ko gagawin. tutol muli ni Tin-tin. Eh isa ka pa, pa lang tanga! Umalis ka sa harap ko! bulyaw nito. Hoy, wala kang karapatan na bulyawan ako at pagsabihan na tanga. Nakinabang ka rin sa akin. ganting -bulyaw ni Tin-Tin. Anak ng Hoy babae, ginusto mo rin to! duro pa ni Liza. Kung ganon, ayoko na! Aalis na lang ako. Tutal ako ang nagdala kay Sam rito, ibabalik ko na siya. Ayokong madamay sa kagagahan mo. matar ay na saad ni Tin-tin. Punyeta ka! Sa tingin mo ba papayagan ko pang mangyari yon. Umalis ka pero hindi mo isasama si Sam. bul yaw na naman ni Liza. Pagkatapos ay inagaw ang botelya kay Tin-Tin at humarap muli kay Sam. Naging alerto si Tin-Tin ngunit huli na rin siya. Nagawa ng isaboy ni Liza ang botelya sa kabiyak ng mukha ni Sam bago pa man niya ito maagaw ng tuluyan at mabasag. Aaahhh! Arayyy, masakitttttt! nagsisigaw na si Sam. Hayop ka Liza, bakit mo ginawa iyon. galit na turan ni Tin -Tin. Pakialamera! gigil na turan nito at sinakmal si Tin -Tin. Nanlaban si Tin-tin at silang dalawa ang nag-away.

Walang hiya ka Liza, ang sama mo! Napakaitim ng budhi mo. bulyaw ni Tin-Tin rito. Bitawan mo ko! Walang-hiya! gigil na turan nito. Tumayo si Tin-Tin at sinipa-sipa si Liza. Pagkatapos ay mabilis na nilapitan ang namimilipit sa sakit na si Sam. Kinalas ang tali at pilit na itinatayo upang ilabas. Saan kayo pupunta? pigil ni Liza pagkatapos ay tinawag ang mga tauhan. Walang hiya ka, dadalhin ko siya sa ospital! gigil na turan ni Tin-tin. Sa tingin mo ba, mapapayagan ko kayo na umalis rito. Mabulok kayo rito. ani Liza pagkatapos ay lumabas ng silid at ipinasara sa tauhan niya ang silid. Huli na bago pa mahabol ni Tin-Tin ang pagsara ng pinto. Abut-abot ang kalabog niya sa pinto. Walang-hiya ka Liza, oras na makawala ako rito! Sisiguraduhin ko na masusunog ang kaluluwa mo sa impiyerno. gigil na turan ni Tin-Tin. Pagkatapos ay dinaluhan muli si Sam. Sam, ayos ka lang ba! untag niya. Galit si Sam kay Tin-Tin ngunit mas minabuti na niyang isantabi ang galit dahil kailangan nilang magtulungan para makatakas bago pa man mahuli ang lahat dahil nag-aalala siya na baka hindi siya mahanap ng kanyang detective. Kahit na mahapdi ang kanyang mukha sa ginawang pagsaboy ni Liza na asido ay tiniis niya ang kirot. Sa tingin mo ba, ayos ako! Kung tutuusin kasalanan mo ang lahat. inis na turan niya. Walang naisagot si Tin-Tin sapagkat batid niya ang kanyang pagkakamali. Naisip tuloy niya ang naging samahan nila ni Sam sa opisina nito. Naging mabait ito sa kanya at itinuring siyang kaibigan. Ngunit naging bulag siya at nagpadala sa udyok ni Liza. Natahimik ka kasi totoo ang sinabi ko! Magpasalamat ka, dahil nasa ganito tayong sitwasyon. Pero tandaan mo, hindi kita mapa patawad sa ginawa mo. ani Sam na seryoso sa tinuran. Alam ko, at hindi ko hinihiling sa iyo na patawarin mo ako! Alam kong hindi madali iyon dahil sa nangyari sayo. ani Tin -Tin. Tumahimik na lamang si Sam at napapangiwi sa kirot at hapdi na nararamdaman. Naawa naman si Tin-Tin sa nakitang kalgayan nito. == Sa kabilang banda, nagising si Julius at mabilis na hinagilap ng kanyang paningin si Tin-Tin. Kakamot-kamot na napabangon si Julius buhat sa damuhan. Ang spoiled-brat naisahan ako. Ano kaya ang gagawin niya kay Marga? Saan kaya niya dadalhin iyon. mahinang sambit niya. Napadako ang kanyang tingin sa isang bag. Kinuha niya agad iyon at binuklat ang loob. Nakita niya ang isang baril, celfon at wallet nito. Mabilis niyang binuklat ang wallet nito at nakita ang litrato nina Robin at Marga. Teka, si insan Robin to ah! Talaga nga naman, sila pala ni Marga! anas niya sa kanyang sarili. Mabilis niyang kinuha ang celfon nito. At nakita niya na maraming missed call at unread text messages. Binasa niya ang nilalaman ng isang text. Sam, saan ka ba? Alam na namin kung sino ang mastermind! text na galing kay Faye.

Nagulumihanan siya ngunit bumalik sa isipan niya ang nangyari kanina lang. Kayat tiningnan niya ang numero ni Robin sa celfo n ni Marga. Dinayal niya iyon gamit ang celfon ni Marga. At agad na may sumagot sa kabilang linya. Where have you been? Kanina pa ako dito sa bahay nyo. bungad agad nito na may himig pag -aalala. Insan, si Julius to! Si Marga ba ang tinatawagan mo, sa tingin ko nasa panganib siya. pagtatapat agad nito. Julius!!! Paanong napunta sayo ang celfon niya? tanong ni Robin. Ang totoo nyan, nasaksihan ko ang pagdukot sa kanya. Akma ko na siyang tutulungan ngunit may pumalo sa likod ko. Nawalan ako ng malay at hindi ko na alam kung saan siya dinala ni Tin-Tin. paliwanag nito. Anong ibig mong sabihin na si Tin-Tin? tanong niya. Si Tin-Tin nga, may kasama siyang kalalakihan kanina at pilit na isinakay si Marga sa sasakyan. saad nito. Ano? Hindi pwede! Oras na may mangyaring masama kay Sam, hindi ko siya mapapatawad. galit na turan ni Robin. Sino bang Sam? Si Marga ang nakita ko kanina. naguguluhang tanong nito. Ipapaliwanag ko na lang sa iyo kapag nagkita tayo. saad ni Robin. Okay, sige! Saan? tanong nito. Sinabi ni Robin ang lugar. Okay, sige! Malapit lang iyon dito, hintayin kita! saad ni Julius. Okay!!! sagot ni Rob at pinatay na ang linya. Aalis na sana siya sa bahay ni Sam ng makasalubong ang maid na may kasamang dalawang babae. So, ikaw siguro si Robin! saad ni Faye. Oo, sino kayo? nagtatakang tanong niya. Kami ang mga kaibigan ni Sam. pakilala ni Nadine. Ako nga pala si Faye at siya naman si Nadine(nakaturo kay Nadz). singit naman ni Faye. Kung hinahanap nyo si Sam! Wala siya rito, at sa ngayon kailangan ko na siyang puntahan. ani Robin. Ano? Nasaan ba siya? Kanina pa namin siya sinusubukang tawagan ngunit hindi naman niya sinasagot. May importante kasi kaming sasabihin sa kanya. gulat na turan ni Nadine. Wala siya dahil nasa panganib siya. May nagreport sa akin na may kumidnap sa kanya. pagtatapat ni Robin. Ano? Ibig sabihin Nadz, naunahan na tayo ni Liza. ani Faye na bumaling kay Nadz. Sino si Liza? At ano ang kinalaman niya kay Sam? pagtatanong ni Robin. Hindi nga rin namin siya kilala! sagot ni Faye. Kung ganon, kailangan natin puntahan si Jam ngayon pa na nawawala si Sam. Kailangan malaman natin ang kaugnayan ni Liza sa kanila. ani Nadine. Tama! Wala na tayong dapat aksayahin na oras. sang-ayon ni Faye. Sandali lang! Sino si Liza? Bakit ninyo inaalam ang kaugnayan niya kina Sam at Jam. pagtatan ong ni Robin. Hindi rin namin alam! Pero si Liza ay kaapelyido nila. Elizabeth Martin ang tunay niyang pangalan. saad ni Faye. Ang mabuti pa nga puntahan na lang natin si Jam. suhestiyon na rin ni Robin. Mabuti pa nga! sabay na tugon ng dalawa.

Agad-agad ay nagpunta sila sa bahay nina Jam at Ken. Pero bago iyon ay tinawagan muna ni Robin ang pinsan na si Julius upang ipaalam na mahuhuli siya ng dating. Nakarating sila sa bahay ng mag-asawang Jam at Ken. Ano ang atin? Hatinggabi na, bakit napasugod ka rito at may kasama ka pa?. bungad agad ni Jam. May kailangan kang malaman pero bago iyon sila nga pala sina Faye at Nadine. Secret agent ni Sam. pagpapakilala ni Robin. Please too meet you, girls! bati Jam. Bakit nga napasugod kayo rito ng hatinggabi? singit ni Ken na hindi na rin nakatiis na makisali. Ang totoo niyan, nawawala si Sam. pagtatapat ni Robin. Ano? Ano ang ibig mong sabihin na nawawala? bulalas ni Jam. Kasi may kumidnap sa kanya. nag-aalangang sagot ni Robin. Ano? Bakit? Sino may gawa? biglang tanong ni Jam. Yun ang gusto naming malaman. sagot ni Robin. Anong ibig mong sabihin? tanong ni Jam. May natuklasan sina Faye at Nadine, at sa tingin ko siya ang may kagagawan ng lahat. ani Robin. Anong natuklasan, sabihin nyo na? hindi makapaghintay na turan ni Jam. Hindi na nagdalawang isip si Faye at sinabi na niya ang kanilang natuklasan. Isang nagngangalang Elizabeth Martin ang mastermind sa pagpapabagsak ng kumpanya ng mga Del Mundo. pagtatapat nito. Halos mapamura si Jam pagkarinig ng pangalan ni Liza. Shit! Bakit siya pa? halos naiiyak na turan ni Jam. Bakit? Ano ang kuneksyon nyo sa babaeng yon? pagtatanong ni Robin. Si Liza ang nag-iisang anak ni Tito Delfin. Ang nagtakbo ng ibang yaman ng m ga Martin na ninakaw ng kanyang ama. paliwanag ni Jam. Ano? Ibig sabihin delikado si Sam. saad ni Nadine. Oo!!! Bakit hindi ninyo agad ipinaalam sa amin ang lihim na ginagawa nyo. Medyo mataas na ang boses ni Jam na bakas ang hin anakit. Dahil ayaw ipaalam ni Sam, ayaw ka na niyang madamay sa mga problema niya dahil na rin daw sa dami na ng pinagdaanan mo. pagpapaliwanag ni Faye. Hindi! Mali eh! Kapatid niya ako, ang laban niya ay laban ko rin. ani Jam na naluluha na. Sa ngayon, wag muna natin pag-usapan ang bagay na iyan. Ang kailangan nating malaman ay kung saan dinala ni Tin-Tin si Sam. Sumang-ayon ang lahat. At sinabi ni Robin na may isang tao na nakasaksi sa pagkidnap kay Sam. At sa mga oras na iyon ay pupuntahan na nila ito. == Nakarating sila lugar kung saan magkikita sina Robin at Julius. Insan! tawag nito na kinawayan siya buhat sa di-kalayuan. Malalaki ang mga hakbang na lumapit siya rito kasunod ang kanyang mga kasama. Pasensya ka na Julius kung natagalan ako. hinging -paumanhin niya. Okay lang iyon! Sino nga pala sila? tanong nito.

Pinakilalang isa-isa ni Robin ang mga kasama. Sinabi na rin niya ang tunay na katauhan ni Sam at Marga. At nabigla ito sa natuklasan. Hindi makapaniwala sa nalaman. Insan, paanong nangyari yon? Ibig sabihin namatay talaga si Marga sa aksidente noon. ani Julius na takang -taka sa nangyari. Maniwala ka dahil iyon ang totoo. ani Robin. Kung ganoon, ginamit lang pala si Tin-Tin ng mastermind na sinasabi ninyong si Liza. ani Julius. Ewan ko, hindi ko alam! ani Robin na nagtagis ang mga bagang at nakuyom ang mga palad. Alam ko ang nararamdaman mo insane. Pero kung ginamit si Tin -tin ng Liza na iyon, ibig sabihin pareho silang nahulog sa patibong. ani Julius. Wala akong pakialam. Si Tin-Tin ang may kasalanan ng pagkawala ni Sam. galit na turan ni Robin. Please lang, wag muna kayong magtalo! Ang kailangan nating gawin ay kung paano maililigtas ang kapatid ko. singit ni Jam. Ang mabuti pa, tawagan natin si Mr. Luna at humingi ng tulong. suhestiyon ni Faye. Pero wala akong numero niya, si Sam lang ang may contact sa taong iyon. ani Jam. Biglang naalala ni Julius ang celfon ni Sam. Wait! Nandito ang celfon ni Sam. Nailaglag siguro kanina. ani Julius. Mabilis na kinuha ni Jam ang celfon ng kapatid at hinanap ang numero ng detective pagkatapos ay tinawagan ito. Lingid sa kanilang kaalaman na alam na ni Mr. Luna kung nasaan si Sam. Dahil bago pa man umalis si Sam ay nakipag-ugnayan na ito sa detective. Mr. Luna! Tandaan nyo, kapag mahigit isang oras na at wala pa akong response! Sundan nyo na agad ako. ani Sam kay Mr. Luna. Pero Miss Marga! Bakit ayaw mo pa kaming isama sa pupuntahan mo? ani Mr. Luna na bakas ang pag -aalala sa kliyente niya. Makinig kayo! Ayokong makahalata sila, gusto kong matuklasan ang tao sa likod nito. ani Sam. Pero naputol ang sasabihin ni Mr. Luna. Wala ng pero-pero! Kung ano man ang mangyari sa akin, at kung hindi nyo man ako mailigtas. Kayo na ang bahala sa kapatid ko. Sa ngayon ikakabit ko ang secret device na binigay mo sa akin kung saan mati-trace nyo kung nasaan ako. ani Sam na desidido sa plano pagkatapos ay pinatayan ng celfon ang detective. == Sa kabilang banda. Tahimik lang ang dalawa sa silid. Sam, bakit parang relax ka pa rin diyan? Akala ko ba kailangan natin makaisip ng paraan para makalabas. ani Tin -Tin na nag-aalala na rin. Walang naging kibo si Sam. Pakiramdam niya ay hinang-hina siya. Pero alam niya sa mga oras na iyon na hinahanap na siya ni Mr. Luna. Ang kailangan na lang niyang gawin ay makalabas sa silid at makatakas sa lugar na iyon. Dahil nagbago na ang kanyang isip, ayaw niyang makita ang sino man sa naging kalagayan niya. Sa kanyang isipan, oras na makatakas siya ay gagawin niyang magpakalayo muna. Maya-maya ay nakarinig na sila ng putukan sa labas. At napabalikwas ng bangon si Sam na medyo napipikit na ng mga oras na iyon. Gayundin si Tin-tin na bakas ang pagkakaroon ng pag-asa na makakaligtas sila ni Sam.

CHAPTER XIV

Napabalikwas ng bangon sina Sam at Tin-tin ng makarinig ng putukan sa labas. Sam, ano yun? Sa tingin mo kaya rescuer natin yon. ani Tin-tin na bakas ang pag-asa sa kanyang mukha. Sa tingin ko nga, baka kasamahan ni Mr. Luna ang mga iyon. sagot naman ni Sam. Sino si Mr. Luna? Paano niyang nalaman na nandirito tayo. takang-tanong ni Tin-tin. Kinuha ni Sam ang secret device na nakapaloob sa kanyang medyas. Dahil dito! ani Sam na pinakita ang device. Hah! Paano mo nagawa iyon? Hindi ko akalain na isa ka talagang tunay na henyo. biglang papuri pa ni Tin-Tin. Ginawa ko ito dahil wala akong tiwala sayo at ito na nga ang nangyari sa kahangalan mo. irap pa ni Sam rito. Biglang tumahimik si Tin-tin. Kumilos naman agad si Sam at lumapit sa may pintuan ngunit bago iyon ay tinakpan muna niya ang kanyang mukha ng isang panyo na nasa kanyang bulsa. Ngunit sa malas ay hindi naman niya matakpan ang mukha dahil sa maliit lang ang panyo niya. Kayat lumapit si Tin-tin at ibinigay ang panyo niya upang mapagdugtong ni Sam. Heto, kunin mo! alok ni Tin-tin sa kanyang panyo. Nag-aalangang tanggapin iyon ni Sam. Sige na, kunin mo na! Kailangan mo ito. alok muli nito. Kinuha na rin ni Sam sa pamimilit na rin ni Tin-Tin. Hindi ngunit tinanggap ko na ito ay napatawad na kita. Dahil ito ay hindi ko tatanawing malaking utang na loob sa iyo. ani Sam sabay ingos pa rito. Alam ko!!! Dahil alam kong hindi ganoon kadali na patawarin mo ako. Lalo na ngayon sa dinanas mo, ng dahil lang sa kagagahan ko. Pero sana, mapatawad mo pa rin ako. mahinang tugon ni Tin-tin na bakas ang sinseridad. Nang maitali na ni Sam sa kanyang mukha ang panyo ay nagtulong sila ni Tin-tin na buksan ang pinto. Ngunit hindi sapat ang kanilang lakas para mabuksan iyon.

Luminga muna sila sa loob ng silid. Nakita naman nila ang isang upuang kahoy sa gilid nito. At mukhang pareho sila ng nasa isip. Kayat lumapit si Tin-tin upang kuhanin ang silya. Sam, pagbilang ko ng tatlo! Bigay natin yung pwersa natin ha. ani Tin-Tin. Tumango naman ito. One two Three ani Tin-tin. At ubod lakas na binigay nila ang kanilang pwersa. Nakatatlong attempt sila bago nasira ang padlak ng pinto. Nang makalabas ay luminga-linga muna si Tin-Tin sa paligid at tinawag na si Sam. Halika, madali ka! Walang tao dito. yaya ni Tin-tin. Lakad-takbo ang ginawa nila upang makalabas. Tuwing may makikitang tauhan na nakikipagsabayan ng putok sa labas ay mabilis silang nagtatago hanggang sa makalabas na sila. Nagtago sila sa mga halamanan. Sa tingin ko, alam na ni Liza na nakatakas tayo! Siguradong hinahanap na rin niya tayo. ani Tin-tin. Kailangan makalayo na tayo sa lugar na ito. ani Sam. Akala ko ba, kasamahan mo ang mga taong magrerescue sa atin. Bakit hindi tayo lumapit sa kanila?. tanong ni Tin-Tin. Hindi na kailangan. Sila na ang bahala rito, kailangan lang natin na makaalis na rito. saad ni Sam. Kung ganoon, kailangan nating makalabas at makahanap ng masasakyan. turan ni Tin-tin. Oo! sang-ayon ni Sam. Habang patago silang naglalakad upang makalabas ay wala pa ring tigil ang putukan. Nasaksihan nila ang mga rescuer na nakapasok na rin sa loob ng bakuran.

Marami na ring tauhan ni Liza ang patay sa paligid. Kailangan na natin magmadali na makalabas. Tutal wala naman ng tauhan ni Liza ang nakabantay sa paligid. saad ni Sam. May nadaanan sila na patay na mga tauhan ni Liza na nakahandusay na sa daraanan nila. Kumilos si Sam upang kunin ang baril nito. Marunong ka bang gumamit niyan. ani Tin-tin na pawang kinakabahan. Oo naman, nag-aral akong humawak ng baril. Heto, kunin mo ang isa. pag-aalok ni Sam. Naku, ayoko! Hindi ako marunong gumamit ng baril. tanggi ni Tin-tin na bakas ang takot. Kailangan natin ito upang protektahan ang ating sarili. Heto kunin mo na. udyok ni Sam. Nanginginig ang mga kamay na inabot ni Tin-tin ang baril. Paano ba gamitin ito? Hindi ako marunong. halata ang kaba sa tinig nito. Nakakasa na iyan. Kalabitin mo lang ang gatilyo at iputok sa kalaban. saad ni Sam. Tatango-tango na lamang si Tin-tin kahit hindi talaga alam ang gagawin. Magkasunod nilang tinahak ang daan palabas. Nang may makasalubong na tauhan ay agad na pinaputok ni Sam ang baril. Bagsak agad ito. Wow, grabe! Sharp shooter ka pala. puri pa ni Tin-Tin. Hindi naman ito pinansin ni Sam. May narinig silang tinig di-kalayuan sa likuran ni Tin-tin. Saan kayo pupunta? Tatakas kayo. sigaw nito at tinawag ang ibang tauhan. Maam, nandito ang bihag! sigaw pa nito. Mabilis na nagtatakbo silang dalawa at hinahabol sila ng lalaking tauhan nito. Nagmamadali silang magtago sa isang malaking marmol upang hindi tamaan ng putok ng baril nito. At parang tinatambol ang dibdib ni Tin-tin sa sobrang takot. Sam, anong gagawin natin? Nasundan na tayo. saad ni Tin-tin na halata ang takot na mahuli

sila. Tumabi ka diyan. Sumandal ka muna sa marmol. ani Sam at sumilip sa kinaroroonan ng tauhan. Nagpaputok ang tauhan ngunit mabilis na nakapagtago si Sam. Ano na? natatarantang tanong ni Tin-tin. Huminga muna ng malalim si Sam at inihanda ang baril. Pagkatapos ay bumilang pa. One two three!!! silip ni Sam sabay paputok ng baril. Bulls eye!!! Tinamaan ang tauhan. Halika na! yaya ni Sam. Bakit? Patay na ba. nag-aalangang tanong nito. Oo, halika na bago pa tayo masundan ng iba pang tauhan ni Liza. ani Sam na kumilos na para tumakbo muli. Akmang lalabas na sila ng biglang may tumalon sa itaas ng marmol at biglang sinagpang si Sam. Nabitawan ni Sam ang baril na hawak. Mabilis na kumilos si Tin-tin upang saklolohan ito kaya may nakita siyang kahoy at pinukpok ito. Nakabitaw ang lalaki kay Sam at pagkatapos makawala ay tumakbo na sila ni Tin-tin palayo rito. Hawak pa rin ni Tin-tin ang baril. Hinahabol sila ng putok ng baril ng tauhan na iyon kayat mabilis silang nagtago para hindi tamaan nito. Ngunit hindi pa man nakakapagtago si Sam at dinaplisan siya sa kanyang balikat. Sam, may tama ka! nag-aalalang turan ni Tin-tin. Wala ito! Daplis lang. tugon ni Sam na hihingal-hingal at hawak ang balikat na puro dugo. Mabilis na kumilos si Tin-tin at pinunit ang laladlaran ng damit niya. Pagkatapos ay itinali sa balikat ni Sam na may daplis ng baril. Sam, kaya mo pa ba! ani Tin-tin.

Oo, kaya ko pa! ani Sam na bakas ang paghihirap at mukhang hinang-hina na. Huli kayo! saad ng tauhan na nakatutok kay Sam ang baril. Nanginginig ang mga kamay ni Tin-tin ng pasimpleng damputin ang baril na inilapag niya sa gilid kanina lang ng tinatalian niya ang sugat ni Sam. Akmang hahablutin si Sam ng tauhan ng mabilis na tinutok ni Tin-tin ang hawak na baril sa lalaki at agad na pinaputok. Bumulagta ang lalaki. Sam, halika na! yaya niya na bakas ang panginginig. Salamat Tin-tin! mahinang saad ni Sam pagkatapos ay sumunod na rin. Papalabas na sila. Sam, nakikita mo ba iyon. ani Tin-tin ng makikits ang isang nakabukas na sasakyan. Mabilis silang lumapit sa sasakyan. At laking tuwa nila ng may susi sa loob. Sa tingin ko, tauhan ni Liza ang may dala nito. Nagmamadali sigurong umalis upang makatulong sa kanyang amo. ani Tin-tin ng mapansin na pamilyar ang sasakyan. Kung ganoon! Halika na, kailangan na nating makaalis sa liblib na lugar na ito. yaya ni Sam na bakas ang panghihina. Itinapon na ni Tin-tin ang baril. Sam, halika na! Sumakay ka na. yaya ni Tin-tin at tinulungan pa siyang makasakay. Sasakay na rin sana si Tin-tin sa driver seat ng biglang Saan kayo pupunta? Sakay, bilis! biglang saad ni Liza na nakatutok ang baril kay Tin-tin. Sumakay si Tin-tin pagkatapos ay sumakay si Liza sa likuran ng sasakyan na nakatutok pa rin ang baril sa kanilang dalawa. Magmaneho ka! Bilisan mo. utos ni Tin-tin na papalit-palit ang pagtutok ng baril sa kanila.

Walang nagawa si Tin-tin kundi sumunod. Hindi pa man sila nakalayo ay may nakasunod na sa kanilang isang mobil car. Nagputok iyon sa kanila. Wag kayong magpapaputok. Baka tamaan si Miss Marga. saway ni Mr. Luna. Eh sir! Ano ho ang gagawin natin? tanong ng driver na si Andrew. Sundan lang natin sila. utos ni Mr. Luna. Abot-abot naman ang mando ni Liza kay Tin-tin. Bilisan mo! Sinusundan nila tayo. utos ni Liza. May naisip na plano si Tin-tin ngunit nahalata agad ni Liza. Subukan mong huminto at hindi ako mangingimi na patayin kayo. ani Liza na pasakal na dinaklot si Tin-tin at tinutok ang baril sa sintido niya. Naalarma si Sam kayat nakipag-agawan siya ng baril kay Liza. Gumewang-gewang ang sasakyan at halos napasigaw si Tin-tin sa sobrang takot. Naiputok ni Liza ang baril at mabuti na lamang na sa harap ng bintana tumama iyon. Patuloy pa rin sa pakikipag-agawan si Sam. Bumitaw ka kay Tin-tin. sigaw ni Sam. Bitawan mo ko! bulyaw naman ni Liza. Kayat lalo pa ring gumewang ang sasakyan, nakabitaw si Sam kayat ng makabawi si Liza at mabilis naman niyang tinutok ang baril kay Sam. Mamatay man ako, pero uunahin kita. banta ni Liza na nakatutok na ang baril kay Sam. Akmang papuputukin na ni Liza ang baril ng makipag-agawan si Tin-tin. Binitawan niya ang manibela at pilit na inagaw ang baril. Kayat pumutok ang baril sa bubungan ng kotse. Huli na para makabawi si Tin-tin sa paghawak ng manibela. Lumabas sila sa kalsada at nahulog ang sasakyan sa gilid ng daan. Dahil sa bilis ng pangyayari at tumaob-tumihaya ang sasakyan na sakay sila. Nagkabasag-basag ang salamin.

Nawalan ng malay si Sam ganoon rin si Liza na nakaipit rin sasakyan. Sam, gising! untag ni Tin-tin. Kailangan niyang magising si Sam at mailabas sa sasakyan dahil naamoy niya ang gasolina na sa tingin niya ay tumatagas buhat sasakyan na iyon. Sam, gumising ka. ani Tin-tin na tinatapik-tapik ang pisngi nito. Ungol lamang ang naging sagot nito. Dahan-dahang lumabas si Tin-tin ng sasakyan at kahit hinang-hina ay pilit pa rin niyang hinila si Sam palabas ng sasakyan. Nang mapagtagumpayang ilabas ay dahan-dahan niyang itinayo ito at itinaas ang braso nito upang ikawit sa batok niya. Ngunit hindi pa rin niya ito madala. Kayat naglakas-loob siya na pasanin ito. Pinasan niya si Sam at halos lakad pagong lamang siya sa bigat nito. Ngunit inisip niya na kailangang makalayo. Natanaw niya sa di-kalayuan ang mga sasakyan sa kalsada. At may mga tao na pababa sa gilid ng daan upang tulungan sila. Dahil natitiyak niyang mga pulis iyon dahil sa tunog ng wang-wang. Hindi pa man siya gaanong nakakalayo ng biglang sumabog ang kotseng sinakyan nila. Kayat napadapa siya sa lakas ng impact nito kasama si Sam na nakapasan sa kanya. Sam, ligtas na tayo. untag ni Tin-tin na hindi na kinaya ang pagod at nawalan na rin ng malay. Narinig ni Sam ang mahinang sambit nito ngunit dala rin ng pagod at sakit na kanyang nararamdaman ay nawalan na rin siya ng malay na nakadagan pa rin sa katawan ni Tintin. Naabutan sila nina Mr. Luna at iba pang kasamahan nito sa ganoong ayos. Kayat mabilis na dinaluhan at isinakay sa mobil car upang dalhin sa pinaka-malapit na ospital. == Nagising si Sam sa liwanag na nagmumula sa ilaw ng silid. Iginala niya ang kanyang paningin sa buong paligid at nakita niya si Mr. Luna na nakamasid sa kanya.

Mr. Luna! Nasaan ako? Ano ang nangyari? ani Sam sa detective. Nandirito ka ngayon sa ospital. tugon ng detective. Hinawakan ni Sam ang nanakit na balikat at ang benda sa mukha. Patawarin mo ako Miss Marga! Nahuli ako ng dating at hindi kita natulungan kaagad. hingingpaumanhin nito. Wala ho kayong kasalanan. Nagmatigas ako na hindi kayo isama sa misyon ko kaya ito ang napala ko. medyo naluluhang tugon ni Sam. Pero Miss Marga di naituloy ng detective ang sasabihin. Wag na ho ninyong sisihin ang inyong sarili. saway niya. Iiling-iling ang detective sa tinuran niya. Ah, Mr. Luna! Nasaan ho pala si Tin-tin? tanong niya. Nasa kabilang silid siya! Wag kang mag-alala dahil maayos na siya! Nalunasan na mga galos niya sa katawan. saad nito. Ganoon po ba! Ano naman ho ang nangyari kay Liza? tanong muli niya. Umiling-iling ang detective. Wala na siya! Kasamang sumabog ng sasakyan na sinasakyan ninyo. pagtatapat nito. Blangko ang naging ekspresyon sa mukha niya. Maya-maya ay may kumatok sa pintuan ng silid niya. Pagkatapos ay sumilip ito. Nang makitang gising na siya ay pumasok na ito. Kumusta na ang pakiramdam mo. ani Tin-tin na pawang nag-aalala sa kanyang kalagayan. Tumingin muna si Sam sa detective bilang hudyat na iwan sila nito. Kayat lumabas muna si Mr. Luna upang makapag-usap sila ni Tin-tin. Maayos na ako! Ikaw, kumusta ka! tanong niya.

Naku, wala ito! Galos lang to at madaling pagalingin. sagot naman nito. Ngapala, may nakakaalam na ba nandirito tayo sa ospital. tanong ni Sam. Sa ngayon, hindi ko muna pinaalam sa kahit na sino! Hihintayin ko ang go signal mo. Sinabi ko na rin sa detective mo na huwag munang ipaalam sa kapatid mo lalong-lalo na kay Robin. ani Tin-tin. Ganoon ba! Salamat dahil ginawa mo iyon. ani Sam. Wala iyon dahil kulang pa itong kabayaran sa mga naging kasalanan ko sa iyo. At saka ano nga pala ang plano mo? Siguradong nag-aalala na si Robin sa iyo. saad ni Tin-tin. Sa ngayon, wala akong plano na ipaalam sa kanya. ani Sam Ano ang ibig mong sabihin? ani Tin-tin na pawang naguluhan. May hihilingin sana akong pabor sa iyo. saad ni Sam na banaag ang kaseryosohan sa tinig. Ano iyon? takang-tanong ni Tin-tin Ikaw na sana ang bahala kay Robin. bilin niya. Ano? Hindi pwede! Bakit igigive-up mo na lang siya ng ganoon? tutol ni Tin-tin. Walang naisagot si Sam. Bakit? Dahil ba sa pagkasira ng mukha mo! Ikaw na rin ang nagsabi, hindi ang mukha mo ang minahal ni Robin kundi ang pagkatao mo. ani Tin-tin na nais ipaintindi kay Sam ang tinuran. Pasensiya ka na! Pero nakapagdesisyon na ko. Kayat isa lang ang hihilingin ko sa iyo. Alagaan mo siya. ani Sam. Pero Sam! Mali eh. ani Tin-tin. Sige na Tin-tin! Lumabas kana, makitawag na rin si detective dahil may nais rin akong sabihin sa kanya. pakiusap ni Sam. Isa lang ang sasabihin ko sayo Sam, papayag ako sa hiling mo pero hihintayin kita sa pagbabalik mo para kay Robin! ani Tin-tin.

Pasensya ka na! Pero hindi na ako babalik. may pinalidad sa tinig ni Sam. Hindi na muling nagsalita pa si Tin-tin bagkus ay nagpaalam na rin at lumabas na. Pagkatapos ay pumasok naman muli ang detective. Nais mo raw akong makausap, Miss Marga! bungad agad ng detective. Oho, Mr. Luna! May kailangan ho akong sabihin sa inyo. ani Sam. Sige lang! Ano ba iyon? tanong nito. Sinabi na niya ang kanyang plano na pag-alis at ihabilin sa kanyang abogado ang kumpanya ng mga Del Mundo. Mag-iiwan siya ng isang voice recorder para sa kapatid na si Jam ganoon rin sa pinakamamahal na si Robin. == Makalipas ang dalawang araw na paghahanda sa pag-alis niya ay hindi muna niya ipinaalam sa kapatid at kay Robin kung nasaan siya. Kinausap niya ang kanyang detective na ialis siya sa ospital na iyon matapos makipag-usap kay Tin-tin. Dahil batid niya na ipaaalam nito kay Robin kung nasaan siya. Kayat lihim siyang inalis ng kanyang detective sa ospital na iyon at itinago sa isang lugar. Kinausap rin niya ang kanyang detective na wag munang makipag-ugnayan sa kapatid. Nang mga oras na ito ay nasa airport na siya at sa mga oras ding iyon ay pinapakinggan na ni Robin ang kanyang voice recorder. Isang voice recorder ng pamamaalam niya rito. Halos hindi matanggap ni Robin ang kanyang napagpasyahan kayat dali-dali itong nagpunta sa airport upang sundan siya. At sa mga oras na iyon ay nakasakay na siya sa eroplano papunta sa Canada kasabay ang kanyang mga kaibigan na sina Faye, Nadine at Jeriel dahil lihim siyang nakipag-ugnayan sa mga ito. Nakarating sa airport si Robin at laking lungkot nito ng hindi na siya abutan. Sam, bakit mo ako iniwan? Handa naman akong tanggapin ka, kahit ano ka pa! naiiyak na

turan ni Robin na napaluhod sa loob ng airport. At walang pakialam kahit pagtinginan pa siya ng mga tao. Sammmmmm!!! Bumalik kaaaaaaaa!!! sigaw nito. Naramdaman na lang niya na may tumapik sa kanyang balikat. Pare! Tumayo ka na diyan!! Alam kong babalik si Sam. Maghintay ka lang. ani Ken na bakas ang awa sa kanya. Nilinga niya ang kasama nito at iyon ay si Jam na karga-karga ang anak. Best!!! Sige na, halika na at sumama ka na sa amin na umuwi! Dahil ako man, hindi ko naabutan ang kapatid ko, pero maghihintay pa rin ako sa pagbabalik niya. saad ni Jam. Tumayo na rin si Robin at dala-dala ang pag-asa na babalikan siya ni Sam Final Chapter {EPI} [FINALE] One year later Ninoy Aquino International Airport Naghihintay si Tin-tin sa lobby ng airport. Pagkatapos ay may isang magandang babae na lumapit sa kanya. Kanina ka pa ba! bungad nito. Napatulala si Tin-tin sa kaharap. Excuse me! Do I know you! tanong kaagad niya na napakunot-noo pa. Ikaw ha, hindi mo na ako nakilala! Lagi nga tayong magkausap sa phone. saad nito. What? Sam, ikaw na ba yan! saad niya na halatang nagulat. Sino pa ba? Ako lang at wala ng iba. sagot nito. Pero bakit naging ganyan ang mukha mo? takang tanong niya. Ano ka ba? Ito talaga ako. nakangiting sagot niya.

Pero ang inaasahan ko kamukha ni Jam. saad ni Tin-tin. Ano ka ba? Unidentical twin kami ni Jam, ibig sabihin po hindi rin kami magkamukha! Gets mo! natatawang paliwanag niya. Aysus (natutop ang noo). Ang engot ko pala. Nung sinasabi mo sa akin na ibabalik mo ang dati mong mukha, e iniisip ko na magkamukha kayo ni Jam. tatawa-tawa ring saad niya. Ikaw talaga! Siguro naman, wala kang pinagsabihan na darating ako lalo na kay Robin. tanong niya. Oo naman noh! Ako pa! pagmamalaki pa nito. Mabuti naman! ani Sam. At nilisan na nila ang lugar na iyon at sumakay sa sasakyan na dala ni Tin-tin. Naging mabuting magkaibigan sila ni Tin-tin simula ng umalis si Sam. Dahil kay Tin-tin lamang siya nakakabalita sa lahat-lahat. Lagi silang magkausap sa phone at ito na rin ang nag-udyok sa kanya na bumalik. Kahit na may pagkapasaway ito ay hinayaan na lamang niya na magtrabaho sa kanilang kumpanya. Dahil ayaw pa rin nitong bumalik sa kanila. Makalipas ang ilang araw ay nilibang muna ni Sam ang sarili. Hindi muna niya ipinaalam sa kapatid ang muli niyang pagbabalik. Magkasama sila ni Tin-tin na namasyal at hindi inaasahan na makakasalubong nila si Robin sa loob ng mall. Kumusta, Tin-tin! Nandito ka pala. bati nito. Ha-hi!!! A-anong ginagawa mo rito? nauutal na tanong nito. Okay ka lang ba! Bakit parang nauutal ka? ani Robin na bumaling rin ng tingin sa kasama ni Tin-tin na nakaharap sa ibang dako. Ah hindi naman! sagot niya. Ganoon ba! Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa kasama mo. saad ni Robin.

Ah, eh ano kasi? Siya nga pala si Sa- Rita. pagpapakilala ni Tin-tin at kinalabit si Sam. Ano? Sarita ba ang name niya( nakaturo kay Sam). tanong ni Robin. Hindi! I mean Rita. ulit ni Tin-tin na medyo natetense na ng mga oras na iyon. Ahhh, okay! sagot ni Robin na bumaling kay sa ipinakilala nito. Hi Rita! Im Rob, nice to meet you! pagpapakilala nito na nakalahad ang palad. Siniko siya ni Tin-tin na parang walang balak abutin iyon. Ha-hi! tipid na sagot ni Sam na nakipagshakehands na rin dito. Bahagyang pinisil ni Robin ang kanyang kamay at animo ayaw ng bitawan. Ah, Robin! May pupuntahan pa kasi kami ng kaibigan ko, kung pwede bitawan mo na ang kamay niya. nangingiting saad ni Tin-tin ng mahalatang titig na titig si Robin kay Sam. Ay ganoon ba!!! Sorry ha! Ngapala, invite ko kayo sa concert namin bukas ng gabi. anyaya ni Robin. Talaga! Saan? Mukhang bigtime ka na ah! ani Tin-tin na may halong pagbibiro. Bukas ng gabi sa mall of asia concert ground. Reserve ko na kayo ng seat ng friend mo ha. saad nito pagkatapos ay iniwan na sila. Robin, sandali! habol ni Tin-Tin. Ngunit kumaway lang ito na nakatalikod sa kanila. Hay, paano ba iyan? Ano balak mo? Pupunta ka ba? sunud-sunod ng tanong ni Tin-tin na bakas ang pag-aalala. Sige! Wala naman sigurong mawawala. Mukhang hindi naman niya ako nakilala. pagpayag ni Sam. Ganon! Pero infairness, mukhang tinamaan sa beauty mo. pambubuska ni Tin-Tin. Tumigil ka nga. ani Sam Sabay irap rito. Kunwari ka pa! Aminin! Namiss mo ang Tart mo, saka wag mo ng i-deny noh alam ko naman

na loves na loves mo pa rin si Robin. banat nito. Hay, ewan ko sayo! ingos niya. Weh! Basta abay mo ko ha! banat muli nito. Hay naku! Halika na nga at kumain na lang tayo. Gutom lang yan. yaya nalang ni Sam.. Ay, mabuti pa nga! Saan tayo kakain? excited na tanong ni Tin-tin. Sa food court! Doon kita ititreat. saad ni Sam na natatawa. Ahayyyy! reklamo nito. Ayaw mo, de wag! pang-aasar ni Sam na naglakad na papunta sa food court. Sumunod naman si Tin-Tin na tatawa-tawa at kumapit pa sa braso ni Sam. == Samantalang ng makalayo si Robin ay naupo siya sa isang bakanteng bench sa loob ng mall. Binuklat ang kanyang wallet at kinuha ang isang kupas na litrato. Sabi ko na nga ba! Babalik ka! Hindi ako pwedeng magkamali, ikaw yon Tart! ani Robin na kausap ang litrato. Pagkatapos ay binuklat muli ang kanyang pitaka at kinuha ang litrato nila ni Sam noong si Marga pa ito. Nilukot at itinapon na sa basurahan at ibinalik ang lumang litrato ni Sam sa pitaka niya. Umalis na sa lugar na iyon at hihintayin na lang niya ang gabi ng kanyang concert dahil sigurado siya na pupunta si Sam doon upang manood ng kanilang show. == Gabi ng concert ng bandang Stupid. Hindi magkamayaw ang mga manonood kung saan pupwesto. Dahil puno na ang concert ground at halos wala ng pupwestuhan ang iba para makalapit sa stage. Grabe na to! Ibang level na talaga ang Tart mo! saad ni Tin-tin habang hila-hila siya papasok sa loob ng concert ground.

Ano ka ba? Tumigil ka nga diyan! Kahapon ka pa. saway ni Sam. Nakarating na sila sa upuan na nireserve ni Robin para sa kanila. Nakita nila na may reservation sila dahil nung nagtanong sila sa isa sa mga P.A. doon ay iginiya sila sa kanilang upuan. Ngayon ay nasa harapan na sila at malapit sa stage. Kayat kitang-kita nila ang magkoconcert doon. Every one! Naiinip na ba kayo. Puwes, ito na ang pinakahihintay ninyo. The Stupidddddd.. pagaanounce ng host. Nag-akyatan ang bawat isang miyembro ng banda kayat walang humpay ang sigawan ng manonood. Pagkatapos ay nagsimula na itong magperform. Kitang-kita ni Sam ang pagpeperform ni Robin at hangang-hanga siya sa galing nito sa pagkanta. Gayundin sa pagtipa nito sa gitara habang kumakanta. Natapos ang unang kanta ng bandang Stupid. Pagkatapos ay pumunta muna si Robin sa back stage. Muling namang umakyat sa stage ang host. Oh, gusto nyo pa ba! saad ng host. Hiyawan ang mga manonood at sumisigaw ng more!!! More!!! Okay! Pero bago iyan, may game po tayo. Ahm, kukuha po tayo ng isa sa mga manonood at aakyat dito sa stage. saad ng host. Sigawan ang mga manonood at maraming nagpiprisinta. Sandali lang po, isa po sa member ng banda ang kukuha diyan sa inyo at mapalad na aakyat rito sa stage. paliwanag ng host. Kayat mabilis na bumaba si Levi para kumuha ng girl na iaakyat sa stage. Nagulat na lang si Sam dahil siya ang nilapitan nito at niyayang umakyat sa stage. Miss Beautiful! Pwede ka ba. ani Levi na nilahad pa ang palad upang alalayan siya. Nilinga niya si Tin-Tin. At tumango naman ito. Okay lang yan! Sige sama ka na! ani Tin-tin.

Sumama naman si Sam at umakyat sa stage. Hiyawan naman ang manonood. Oh, ayan may napili na si Levi! saad ng host. Kakaba-kaba si Sam ng mga oras na iyon. Halika Miss! Upo ka dito sa gitna. yaya ng host at iginiya siya sa upuan na kalalagay lang ni Levi. Hiyawan ang mga manonood. Ang swerte moooooo! sigaw ng mga manonood. Wait lang ha! Dahil isa ka sa mapalad na napili, hahandugan ka ng isang awitin ng leader ng banda. saad ng host kay Sam. Panay ang kabog ng dibdib ni Sam sa huling tinuran ng host. Please welcome! The vocalist of the band Robinnnn!!! saad ng host na pinalaki ang boses. Maya-maya ay tumunog ang intro ng kakantahin ni Robin. At lumabas na ito buhat sa back stage na may dalang isang pumpon na puting rosas. Nagsimula ng kumanta si Robin Verse 1: Words nothing but words For me to show how much My love for you unfolds. Through trouble and fears This love feels so real And I need you to know Refrain: Even though were far apart Youre right beside me In my heart

Chorus: Dont you know my love is here? Dont you know my love is real? You should know by now This much is true My love Is Here for you verse 2: Time nothing but time to make up your mind Ill give you all that you need. I want you to know Ill never let go Till you come back to me Refrain 2: Even though your far away Im right beside you Day by day Chorus: Dont you know my love is here? Dont you know my love is real? You should know by now This much is true My Love Is Here for you == Natapos ni Robin ang kanta pagkatapos ay iniabot kay Sam ang isang pumpon ng puting rosas. For you, Miss Beautiful! Hope you like it! saad ni Robin na yumukod pa sa harap niya. Kilig na kilig ang mga nanonood at inasam na sana ay sila ang nandoon sa kinalalagyan ni Sam ngayon. Nag-aalangan na abutin ni Sam ang bulaklak na inaabot nito ngunit para hindi mapahiya ay

kinuha niya iyon. Sa-salamat! tanging nasambit niya pagkatapos ay nagyuko ng ulo. Unti-unting iniangat ni Robin ang kanyang mukha na nakahawak sa baba niya. Alam mo, kahit na iniwan mo ko! Naghintay pa rin ako sayo dahil umaasa ako babalik ka pa rin. Alam kong may dahilan kaya ka umalis, pero ngayon masaya na ako dahil muli kang nagbalik. saad ni Robin na bakas ang sinseridad sa tinig. Nabigla si Sam sa tinuran nito. Dahil hindi nahiya si Robin na bigkasin ang nasasaloob, sa harap ng karamihan. Paano mong nalaman na ako to? bakas ang pagtataka sa mukha niya. Tart, kahit ano ka pa! at maging sino ka pa? Kilalang-kilala ka ng puso ko! malambing na saad ni Robin na naka-microphone pa rin. Halos walang masabi si Sam sa tinuran ni Robin. Walang pagsidlan ang tuwa sa kanyang puso sa mga salitang binitiwan ni Robin. Alam mo kahit ipagsigawan ko pa sa buong mundo. Isa lang ang sasabihin ko, Mahal na mahal kita Sam, kahit na maging si Saira ka pa o si Marga o maging si Rita. Ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay. saad ni Robin na nanggaling sa kaibuturan ng kanyang puso. Natutop ni Sam ang kanyang bibig at hindi napigilan na maglandas ang kanyang mga luha. Isang luha ng kaligayahan kayat muling yumukod si Robin at may kinuha sa bulsa nito. Sam, Saira, Marga, Rita!!! WILL YOU MARRY ME!!! ani Robin na nakangiti sa harapan niya at naghihintay ng kasagutan. Hiyawan ang mga manonood, ganoon rin si Tin-Tin na magkadaop pa ang mga palad na animo nagdadasal dahil sa tuwa para sa kaibigan. Sagutin mo naaaaaa!!! sigaw ng mga manonood. Halos walang salita na lumabas sa bibig ni Sam kundi sunud-sunod na tango lamang ang naisagot niya. You mean its a Yes! masayang saad ni Robin. Yes Yes Yes sa wakas na nasambit rin ni Sam kasabay muli ng pagtango-tango niya.

Agad-agad na isinuot ni Robin ang sing-sing sa daliri ni Sam pagkatapos ay halos mapatalon sa tuwa na hinawakan ang kamay ng nobya at iginiya sa harap ng stage. Everyone! Kilala nyo ba ang babaeng ito! saad ni Robin. Hinnndeeee sigaw ng karamihan. Puwes! Ipapakilala ko siya sa inyo! Siya lang naman ang babaeng nagpatibok ng natutulog na puso ko! Siya ang babaeng pinakamamahal ko at mamahalin ko habang buhay! malakas na saad ni Robin na may himig pagmamalaki. Pagkatapos ay bumaling muli kay Sam at mahigpit na hinawakan ang kamay nito at inilapit sa kanyang labi upang hagkan. Tart, I Love You so much. At sana kahit ano ang mangyari, wag mo akong iwan dahil hindi ko na kakayanin kapag nawala ka pa! Sam, kahit maging ano ka pa, tatanggapin kita ng buongbuo!!! Noon sinabi mo na youre love is here for me. Ngayon ako naman ang magsasabi, Sam! What ever happens, My Love Is Here for you may sinseridad na saad ni Robin. Muling naghiyawan ang mga manonood at maraming sumisigaw ng KISSSSS So paano ba yan, Tart! Kiss daw!!! pabiro pang turan ni Robin. Hindi pa man nakakapagsalita si Sam ay sinelyuhan na ni Robin ng isang matamis na halik sa mga labi si Sam... Halik na simula ng kanilang bagong-buhay --The End-====================================================== Flashback sa usapan nina Sam en Robin sa CHAPTER XI Alam mo Sam, ngayon ko napatunayan sa sarili ko na masarap pala ang magmahal.Yung pagmamahal na sayo ko lang pala tunay na mararamdaman I love you my Sweetheart Saira malambing na sambit ni Robin. Ako rin! Ganito pala talaga! Akala ko noon wala ng pag-asa dahil natakot ako na hindi mo mapansin pero nagpursige pa rin ako. Kaya nandito lang ako para sayo!!! My Love Is Here for you, Rob! I love you so much tugon ni Sam na bakas ang tunay na pag-ibig para kay Robin. ======================================================

Finish The End Finale

You might also like