MAY 22, 2013

NR # 3111

Mga nakabalik na mambabatas nagpasalamt sa suporta; nangakong susuportahan ang mga isusulong ni Pangulong Aquino
Nangako ngayon ang ilang mambabatas na muling nailuklok sa pagiging kinatawan ng kani-kanilang distrito sa ika-16th Kongreso na susuportahan nila ang mga panukalang magsusulong sa kapakanan ng mamamayan na isusuolong ng administrasyong Aquino. Ayon kay Rep. Isidro Ungab (3rd District, Davao City), ang kanyang muling pagkakapanalo ay isang patunay na kinilala at naramdaman ng mamamayan ang kontribusyon niya sa kanyang distrito, daan upang walang lumaban sa kanya nitong nakaraang halalan. Ayon kay Ungab, ngayon ika-16th Kongreso, ipagpapatuloy niya ang mga gawaing at proyektong napasimulan niya sa kanyang distrito kung saan ang mga mamamayan dito ang pangunahing makikinabang. Ilan sa mga ito ay ang tinatawag na public infrastructures, livelihood projects, medical at scholarship programs kasama na ang pagkakaroon ng pailaw sa mga barangay. Ayon naman kay Rep. Carlos Padilla (Lone District, Nueva Vizcaya) higit niyang pagbubutihan ang kanyang trabaho ngayong darating na ika-16 th Kongreso upang mas mapabuti at maisulong ang kapakanan ng kanyang mga kababayan na muling nagtiwala sa kanya bilang kanilang representante. “Ang muli kong pagkakahalal ay nagpapatunay lamang na malaki ang tiwala at kumpiyansa sa akin ng mamamayan ng aking distrito dahil na rin sa mga positibobng bagay na nagawa ko para sa aming bayan, kung saan ang mga proyektong ito ay puro sa pagsusulong ng ikabubuti ng kapakanan ng mamamayan sa aming distrito,” ani Padilla. Nagpasalamat din si Rep. Magtanggol Gunigundo (2nd District, Valenzuela City), Deputy Majority Leader sa ika-15th Kongreso, sa lahat ng tumulong sa kanyang kampanya at sa mga bomoto sa kanya nitong nakaraang halalan. “Gusto kong magpasalamat sa Panginoon, sa mga mahal ko sa buhay, sa mga sumupurta sa akin, at higit sa lahat sumasaludo ako sa mga taong bumoto sa akin sa aking distrito dahil sa paggamit nila ng kanilang talino sa pagboto kaya nalasap ko ang napakatamios na pagkakapanalong ito,” ani Gunigundo. “Ang resulta ng eleksiyong ito ay nagpapakita lamang na pinapahalagahan at kinikilala rin ng mga mamamayan ng Valenzuela ang mag kontribusyong aking nagawa bilang isang mambabatas. Indeed, good governance carried the day,” dagdag pa ni Gunigundo. Nangako rin si Gunigundo ng patuloy na pagsuporta kay Pangulong Aquino sa mga isusulong nitong panukalang batas sa darating na 16th Congress. (30) sb

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful