PAGGAMIT NG E-TEXTBOOK BILANG PANTULONG SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE SA UP DILIMAN

Chan, Jonathan P. 2012-58934 BS Molecular Biology and Biotechnology

Isang Pananaliksik Para sa asignaturang Filipino 40 Isinumite kay Dr. Jimmuel C. Naval

Marso 2013

Dedikasyon Nais pasalamatan ng mananaliksik ang lahat ng sumagot sa kanyang sarbey lalo na sina Erricka Calvelo at Jeremil David sa kanilang pagtulong humikayat ng mga tutugon. Lubos siyang nagpapasalamat sa kanyang ina sa walang sawang suporta at sa kanyang gurong si Dr. Jimmuel C. Naval sa lahat ng naiambag niya upang malikha ang pag-aaral na ito. Inaalay ng mananaliksik ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral na madalas gumamit ng e-textbook at lubusang natutulungan dahil sa makabuluhang teknolohiyang ito. Higit sa lahat, nais niyang ialay ng mananaliksik ang pag-aaral sa Puong Maykapal na nagbigay sa kanya ng gabay at talas ng ispip upang maisagawa ito.

Napagalaman na madalas gamitin ang mga etextbook at malaki ang tulong nito sa pag-aaral. Upang masugpo ang pamimirata at mas mapalaganap pa ang paggamit ng etextbook. 70% ng mga sumagot ay nagsasabing gumagamit sila ng e-textbook kung saan marami ang mula sa Kolehiyo ng Agham at Pag-iinhinyero. iminumungkahi ng mananaliksik na tanggalin na ng mga malalaking kumpanyang naglilimbag ang mga paghihigpit na humahadlang sa mga Pilipinong bumili ng e-textbook mula sa kanilang website. Ayon din sa resulta ng sinagawang sarbey. 79% ang nagsabing mas pipiliin nilang magbasa ng pisikal na aklat kung papipiliin sa dalawa. suliranin sa pagbugso ng industriya ng e-textbook ang pamimirata sapagkat 93% ang umaming di binibili ang mga e-textbook na kanilang ginagamit. Gayunman.Abstrak 103 na mag-aaral ng UP Diliman mula sa iba’t ibang taon at kurso ang pinasagot ng sarbey tungkol sa paggamit ng electronic textbook o e-textbook. . ginagamit ang etextbook bilang pandagdag impormasyon at pantulong sa tradisyonal na aklat. marami na ang tumatangkilik sa mga e-textbook subalit hindi ibig sabihin nito na malalaos ang paggamit ng pisikal na aklat. Ibig sabihin.

...……………….……………………...... II.………………17 .TALAAN NG NILALAMAN Pahina PANIMULANG PAHINA……..………..1 Kahalagahan ng pag-aaral …………………………………..……………………………………………………………….…………….6 Bakit hindi pabor ang lahat sa paggamit ng e-textbook? …….... 9 Isyu ng Pamimirata ng e-textbook…………..………………………..……….16 APENDIKS A: SARBEY……………………………………………….…….…………………………………………………………i DEDIKASYON………..……....…………. IV.2 KABANATA I.…………………………………………………………………ii ABSTRAK…………….3 Kapakinabangan ng e-textbook…………………..…….iii PANIMULA Layunin ng Pag-aaral ………………………………………….………….2 Mga kaugnay na pag-aaral……………………………..…………………….…12 LAGOM AT PANGWAKAS……………………………………………………………14 LISTAHAN NG MGA FIGYUR AT TALAHAYNAYAN…………………………….…………………………... Pangkalahatang Resulta ng Sarbey……….1 Saklaw at Limitasyon ……………………………………….15 SANGGUNIAN………………………………………………………………………….. III.1 Pamamaraan …………………………………………………….....……………….

Kung hindi ay itatala na agad ang kanilang tugon at doon magtatapos ang sarbey. Ngunit bukas rin kaya ang bagong henerasyon sa rebolusyong pang-edukasyon? Tinatangkilik ba ng mga mag-aaral ang electronic textbook o e-textbook? Nais sagutin ng pananaliksik ang mga katanungan ito. tinanong din sila ukol sa kapakinabangan ng etextbook sa kanilang pag-aaral. sinasabing sanay ang kabataan ngayon sa mundong digital. Pamamaraan Isinagawa ang pananaliksik sa pamamagitan ng isang sarbey na ipinamahagi sa internet. mga dahilan kung bakit nila ito ginagamit at iba pa (tingnang ang Apendiks A). C. Lumaki ang kabataan ngayon na kasama ang mga makabagong teknolohiya tulad ng cellphone. Dahil dito. Sa katunayan nga.Panimula A. maraming mga bata ang bihasa na sa pagkalikot ng mga iPad kahit nasa elementarya pa lang at mayroon nang sariling mga facebook account. B. Unang tinanong kung gumagamit ba ng e-textbook ang mga sumagot. Maaring magiba ang resulta ng pag-aaral kung mga estudyante . Kung oo naman ang kanilang isinagot. Layunin ng Pag-aaral Mabilis na nagbabago ang teknolohiya sa ating modernong panahon. laptop at tablets. Saklaw at Limitasyon Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa paggamit ng etexbook ng mga magaaral sa UP Diliman.

Maari din siyang maging katwiran upang ipahayag sa mga kumpanyang naglilimbag na malaki ang kanilang pontensyal ng merkadong ito. Ayon sa isang artikulo sa Manila Times. isang kumpanyang may kaugnayan sa Vibal Publishing house. Mga kaugnay na pag-aaral Wala masyadong pananaliksik tungkol sa pagtanggap ng e-textbook ng mga magaaral. nakipagtambalan ang nasabing paaralan sa kumpanyang Samsung upang mabigyan ng tablets ang kanilang mga mag-aaral. Sinisikap din ng Vibe technologies. Gayunman. lumikha ng e-textbook na mabubuksan sa iba’t-ibang gadyet para sa mga mag-aaral sa lahat ng antas. Mababawasan din ang bigat na pasan ng mga mag-aaral sa kanilang likod pagpasok sa paaralan. E. kasalukuyang sinusubukan ng La Salle Greenhills High School ang paggamit nito upang palitan ang mga tradisyonal na libro.ng ibang pamantasan ang gawing batayan. Mahalagang malaman kung marami na ba ang gumagamit ng e-textbook sapagkat makakatulong ang resulta ng pananaliksik sa pagsusubaybay sa bagong industriyang ito. Hindi na kailangang magputol ng maraming puno para lang makalikha ng isang libro. D. Kahalagahan ng pag-aaral Malaki ang potensyal ng e-textbook baguhin ang larangan ng edukasyon. . Nais din nilang makalikha ng isang digital na kurikulum para sa mag-aaral ng makabagong panahon. Ipinapalagay din ng mananaliksik na sinagutan ng tapat ang sarbey na ipinalaganap.

72 sa ng mga sumagot ng sarbey ay nagsasabing gumagamit sila ng etextbook habang 31 naman ang hindi. Ngunit isang salik ang dami ng mag-aaral kung bakit galing sa dalawang kolehiyo na ito ang karamihan ng sumagot na Oo. kailangan din tingnan ang porsyento mula sa dalawang kolehiyo na hindi gumagamit nito. kapansinpansin din na 75% ng mga gumagamit ng etextbook ay mula sa kolehiyo ng pag-iinhinyero at agham. . Fig. 1. Dahil 70% ang sumagot na Oo. 1. maaring masabi na marami nga ang tumatangkilik dito.Kabanata I: Pangkalahatang Resulta ng Sarbey Nakalikom ang mananaliksik ng 103 na mag-aaral ng UP Diliman mula sa iba’t ibang taon at kurso. Bahagdan ng gumagamit ng e-textbook sa pag-aaral Tal. Paggamit ng e-textbook ayon sa kolehiyo Gumagamit ng e-textbook Eng’g-Sci Ibang kolehiyo Total: Oo 54 18 72 % Oo 75% 25 % 100% Mula sa datos ng sarbey. Upang mapatunayang karamihan nga sa mga mag-aaral ng pagiinhinyero at agham ay gumagamit ng e-textbook.

Halimbawa. Mahalaga rin ang dayagrama sa kemistri upang maunawaan ang istruktura ng mga biomolecules. Pisiks. Ngunit bakit nga ba ganito? Ano ang meron sa dalawang kolehiyo na ito at marami ang tumatangkilik sa e-textbook galing dito? Suriin natin ang mga asignaturang ginagamitan ng mga mag-aaral ng e-textbook. Bayoloji at Pag-iinhinyero sa isinagawang sarbey. Paggamit ng e-textbook ayon sa kolehiyo 16. Ang mga asignaturang ito ay nangangailangan ng mga larawan upang lubusang maintindihan.Fig. Marami ang sumagot ng Kemistri. maaring sabihin na ang kadalasang gumagamit ng e-textbook ay mga mag-aaral ng pag-iinhinyero at agam. 2.83% na nagsasabi rin na hindi mula sa ibang mga kolehiyo. Dahil dito. kailangan mong makita ang larawan ng baga para makuha ang konsepto ng paghinga. Malaking agwat ito sa 52. .92% lamang mula sa dalwang nasabing kolehiyo ang hindi nagbabasa ng etextbook.

72. . Tunay ngang malaki ang matitipid dahil iba’t-ibang libro ang pinagbabatayan ng isang propesor para sa pagsusulit. Istruktura ng Protina (mula sa Biochemistry ni Mary Campbell) Ang katangiang ng mga asignaturang nabanggit ay nagbibigay dahilan kung bakit mga mag-aaral ng agham at pag-iinhinyero ang kadalasang tumatangkilik sa etexbook. mas nakakatulong ang e-textbook sapagkat may kulay ito. Kahit ano pa man ang kurso ng gumagamit ng e-textbook.22% ang nagsasabing gumagamit sila ng e-textbook para makatipid sila. ang kagandahan ng e-textbook ay maari kang sumangguni sa iyong aklat nang hindi nagbubuhat ng malalaking libro. nagkakaisa ang lahat sa na mabisa ito dahil maari mo siyang dalhin kahit saan.5% sa kanilang mga portable gadgets ng e-textbook. 3. Sa laptop man o tablet. Makakatipid din ang isang estudyante kung ito ang kanyang gagamitin sa kamahalan ng pisikal na aklat. Sa katunayan. Nagbabasa ang 87. Kumpara sa pisikal na aklat na kadalasang binibili ng mga mag-aaral.Fig.

Inantas ng mga sumagot ng sarbey ang kapakakinabangan ng e-textbook sa kanilang pag-aaral mula 1-10 kung saan 10 ang pinakanakakatulong. Kapakinabangan ng e-textbook sa mga gumagamit nito Tinanong din sa mga sumagot kung gaano nila kadalas nilang binabasa ang kanilang e-textbook. 4. 46% ay sinabing higit 3 beses sa isang lingo silang nagbabasa ng etextbook.Kabanata II: Kapakinabangan ng e-textbook at Kalamangan sa Tradisyonal na Aklat Dumako naman tayo sa kapakinabangan ng e-textbook para sa mga mag-aaral ng UP Diliman. Lima lamang ang iniantas ito ng 5 pababa kaya naman maaring masabi na tunay nga itong nakakatulong sa pag-aaral. Fig. Lumalabas na 77.78% ang iniantas ang paggamit ng e-textbook ng 8 pataas. Fig. 5. Kadalasang gamitin ang e-textbook ng mga mag-aaral .

Ayon sa datos. . Para sa mga hindi pamilyar sa asignaturang ito. At upang makilikha ng makabuluhan at masustansyang ulat. Mga may asignaturang kemistri Tila walang namang ugnay ang paggamit ng e-textbook at ang asignaturang kemistri. kailangang sumangguni sa maraming libro mula sa silid aklatan. Dahil na rin may kinalaman sa kompyuter ang kurso nila.Sinuri ng mananaliksik kung sino ang madalas gumamit ng e-textbook at pinakanakikinabang sa paggamit nito. Mga may asignaturang programming Madaling maunawaan kung bakit maraming estudyante na may programming na subject ang nagbabasa ng e-textbook. Lalo itong nagiging mahalaga kapag nasa silid-aklatan sila nag-aaral. Kaya naman di sila ilang gumamit ng etextbook bagkos ay mas gusto pa nila ito. Mas madali para sa kanila kung nasa laptop na rin mismo ang aklat na ginagamit nilang gabay sa programming. Kailangan ng mga kumukuha ng EEE at ComSci gumamit ng kompyuter kapag nagsasanay silang mag-code. kailangan magsulat ng lab report ang mga mag-aaral kada linggo. magiging malinaw ang dahilan kung bakit madalas gumamit nito ang marami sa mga may asignaturang kemistri. sanay sila sa teknolohiya bilang pantulong sa kanilang pag-aaaral. dalwang klaseng mag-aaral ang madalas gumamit at pinakanakikinabang sa e-textbook: ang mga may programming at mga may kemistri. Ngunit kung susuriin nang mabuti.

Isa sa mga pinakamadalas isagot ang kakayahang maghanap ng partikular na salita o pangungusap sapagkat napapabilis nito ang proseso ng pag-aaral. At dahil na rin digital ito. Maraming pang ibang dahilan ang sinasabi kung bakit magandang gumamit ng etextbook anuman ang kurso. Hindi rin naluluma ang e-textbook kahit ilang beses mo siyang basahin dahil digital ito. Pwede rin magkulang ang impormasyong nakuha kapag nagpaxerox lang. Halimbawa ng dami ng batayan sa isang lab report Ang problema ng karamihan ay maraming oras ang kailangang igugol upang siyasatin ang mga libro sa silid aklatan.Fig. Kaya naman malaking tulong ang etextbook sa mag-aaaral na may lab report na kailangang isulat sapagkat nasa kanya ang buong aklat nang hindi sumasakit ang likod kakabuhat ng makakapal na libro. Maaring manghiram ng aklat kung nagmamadali pero napakabigat ng mga ito. Di mo na kailangang tumingin pa sa indeks. 6. Halimbawa. hindi mawawala ang . itayp mo lang at lalabas na ang pahinang naglalaman ng iyong hinahanap. may hinahanap kang sipi ng isang manunulat.

At kapag mayroon ka ng laptop o tablet na maaring gamitin para magbukas ng etexbook ay masakit din anila sa mata ang pagbabasa dito. Ayon sa sarbey. Isang aspeto ang kamahalan ng gadyet na ginagamit upang makapagbukas ng e-textbook. Dagdag pa dito ang tuksong pumunta sa facebook at twitter habang nag-aaral gamit ang mga laptop o tablet at marami daw websites ang nakikiagaw sa kanilang atensyon. Kinakailangang maglaan ng malaking salapi para lamang makabili ng gadyet tulad ng laptop o tablet.17% ang nagsasabing hindi nila gaanong gusto gumamit ng e-textbook sapagkat masakit sa mata ang matagal na pagbabasa ng e-textbook. may mga ilang katangian ito na hindi kaayaaya para sa mga mag-aaral. Kahit maituturing na pamumuhunan ang pagbili ng laptop sa dami ng pwedeng magawa gamit nito. marami sa mga gumagamit ng e-textbook ang mas gusto pa rin magbasa sa pisikal na aklat.mga palatandaan mo dito at nailalagay sa lahat ng gadyets na naglalaman ng iyong e-textbook. . 79% ng mga gumagamit ng e-textbook ang nagsasabing mas pipiliin nilang gumamit ng pisikal na aklat kahit marami silang sinabing kagandahan ng e-textbook. mahirap pa rin silang bilhin dahil sa kamahalan nila. Kabanata III Bakit hindi pabor ang lahat sa paggamit ng e-textbook? Ngunit sa kabila ng mga nasabing kagandahan ng e-textbook. Hindi ito pabor sa mga mahihirap na gipit na nga sa pera upang matustusan ang kanilang pangmatrikula. 29.

Tinuturo ring dahilan ang di maiwasang tuksong pumunta sa facebook o twitter habang nagbabasa ng etextbook sa isang laptop. Tulad na nga ng nabanggit. Ngunit ang pinakamadalas na sinasabing dahilan ay mas gusto lang nila ang pakiramdam nang nagbabasa ng pisikal na aklat. hindi pa rin sanay ang karamihan sa mga mag-aaral ng UP gumamit ng e-textbook kahit marami ang tumatangkilik dito. . Bahagdan ng mga gustong magbasa sa e-textbook kay sa pisikal na aklat Iba’t ibang dahilan ang isinagot ng mga mag-aaral kung bakit nila mas gustong gumamit ng pisikal na aklat. marami pa rin ang ayaw talikuran ang mga pisikal na aklat . Tingnan natin ang katwiran ng ilan sa mga nagsabing mas gusto nilang magbasa sa pisikal na aklat. Kung pag-aaralan ang datos na nakalap mula sa isinagawang sarbey. 7. may ilan na nagsasabing masakit sa mata ang pagbabasa ng e-textbook sa mga gadgets. iba pa rin magbuklat ng libro kung saan nahahawakan ang mga pahina. Para sa nakararami.Fig. Sa kabila ng maraming kalamangan ang e-textbook.

Maaring magbigay linaw sa kaganapang ito ang teorya ni Dr. Gusto ng nakararami na magkaroon ng nahahawakang bersyon ng nakasulat sa kanilang laptop. ang batikang physicist na may akda ng string theory at manunulat ng agham sa paraang nauunawaan ng madla. . ang Caveman principle daw ang dahilan kung bakit malabong magkaroon ng isang opisinang di gumagamit ng papel. iba pa rin ang pakiramdam ng nagbubuklat ng totoong libro. Ayon sa Caveman principle ni Dr.” “Iba pa rin talaga ang reading experience sa print. Mas gusto ng mga taong kweba na nahahawakan ang mga bagay-bagay at di mapakali kapag hindi nagagamit ang kanilang pandama. taglay pa rin natin ang emosyon ng mga taong kweba kahit na nabubuhay tayo sa kasalukuyang panahon. Nais pa rin ng marami na mahawakan ang kanilang libro at naririnig ang ang pagbuklat ng mga pahina. Michio Kaku. Kaku.” “Mas gusto kong basahin ang tunay na nahahawakan ko. Ang prinsipyong ito ay maari ring magbigay linaw kung bakit ayaw talikuran ng mga mag-aaral ang pisikal na aklat. Ilang libong siglo na ang nakalipas ngunit hindi nabago ang sentimyentong ito.“Kahit mas madaling dalhin. Aniya.” Nagkakaisa ang karamihan na iba daw ang kanilang pakiramdam kapag e-textbook ang binabasa.

Ayos sa datos. hindi talaga maiiwasan ang kaganapang ito. Mas malala pa ang patakaran ng Apple iBookstore sa kanilang ebook section. . Una sa lahat. Nakakabahalang isipin na talamak ang pamimirata ng libro sa mag-aaral ng UP Diliman. Ang amazon. 93% ang nagsabing hindi sila bumibili habang 7% o 5 lang sa mga sumagot ang bumibili ng e-textbook. Bahagdan ng namimirata ng e-textbook Ngunit kung susuriin nang mabuti. hindi ito bukas sa mga Pilipinong nais bumili ng e-textbook.Kabanata IV: Isyu ng Pamimirata ng e-textbook Tinanong sa sarbey kung binibili ba ng mga sumagot ang etexbook na kanilang ginagamit. 8. ay nililimitahan ang mga e-textbook na maaring bilhin ng mga Pilipino sa kanilang website. Puro mga libreng libro lamang ang maaring makuha. walang malaking kumpanya ang nagbebenta ng e-textbook sa bansa.com. Fig. ang pinakamalaking korporasyon na nagbebenta ng libro sa buong mundo.

Hindi maaring bumili ng e-textbook mula dito. . Apple iBookstore.com bilang website kung saan nila nakuha ang kanilang ginagamit na e-textbook. 56.Fig. hindi sila gaanong kilala. Marami ang hindi nakakilala sa website na ito at higit sa lahat. lahat ito ay labag sa batas. Sari-sari man ang pamamaraan. limitado ang kanilang koleksyon. Dahil walang mapagbilhan ng e-textbook. Kulang sila ng mga aklat tungkol sa agham at matematika na napagalamang kadalasang ginagamitan ng e-textbook. 9.44% ang kumukuha ng e-textbook mula sa kanilang kamag-aral.94% ay nagdadownload mula sa torrent habang 69. 4 sa 5 ng bumili ng e-textbook ay tinuro ang flipreads. marami ang namimirata na lamang. Iba’tiba ang pinagmumulan ng kanilang e-textbook at marami ang hindi lang isang uri ang pinagkukunan. Mayroon mang mga kumpanyang nagbebenta ng e-textbook sa Pilipinas.

di mapagkakakitaan ang pagbebenta ng e-textbook sa Pilipinas dahil laganap ang pamimirata sa bansa. Masakit daw kasi ang matagal na pagbabasa ng e-textbook at iba pa rin ang pakiramdam ng nahahawakan ang pisikal na libro. Malaki ang potensyal ng e-textbook baguhin ang larangan ng edukasyon. Kaya naman iminumungkahi ng mananaliksik na buksan o huwag limitahan ng mga kumpanyang naglilimbag ang pamilihan para mas lumaganap pa ang paggamit ng e-textbook.Lagom at Pangwakas Pinapakita ng pag-aaral na ginawa tungkol sa paggamit ng e-textbook bilang pangtulong sa mga mag-aaral ng UP Diliman na marami ang tumatangkilik dito. marami na ang gumagamit ng e-textbook sa mga magaaral ng UP Diliman ngunit hindi ito nangangahulugan na tuluyang mawawala ang tradisyonal na aklat. . Karamihan ng gumagamit ng e-textbook ay mga kumukuha ng pag-iinhinyero at agham dahil sa katangian ng kanilang mga asignatura. marami rin pa rin ang nagsasabi na mas gusto nilang magbasa sa tradisyonal na aklat. Siniyasat din ng mananaliksik ang sari-saring kalamangan ng e-textbook tulad ng kadalian nitong madala kahit saan. ni isang kusing ay walang kikitain ang mga kumpanya sa paggamit ng e-textbook at patuloy pa rin ang pamimirata dahil wala namang pagbibilhan ang nais bumili. Subalit kung walang magbebenta ng mga e-textbook kailangan ng isang mag-aaral. Bagamat maraming nabanggit na kalamangan ang e-textbook. Sabi ng mga manlilimbag. Kaunti rin lang ang nagbebenta nito sa merkado. Nagpagalamang ginagamit ang e-textbook bilang pandagdag lamang ng impormasyon at pantulong sa tradisyonal na aklat. kakayahang maghanap ng particular na pangungusap o parirala sa isang kisap mata at iba pa. Ayon sa nakalap na impormasyon.

Manila Times. Belmont. CA: Brooks/Cole. M. p. Case Study. M.co/?page_id=197 .net Vibe Tecnologies.86 Kaku. manilatimes. (2011) Physics of the Future: How Science will shape Human Destiny and Our Daily Lives by the year 2100. Tech times (2011 Agusto 25) Samsung seals landmark agreement with La Salle Green Hills.Accessed:Marso 24. Farrell. pp. (2012) Biochemistry 7th ed.. NY: Random House Inc. New York. S. 2013 http://vibetech.Sanggunian: Campbell.

Kadalasang gamitin ang e-textbook ng mga mag-aaral Pahina 8 Fig. 3. Apple iBookstore. Bahagdan ng mga gustong magbasa sa e-textbook kay sa pisikal na aklat Pahina 12 Fig. Istruktura ng Protina (mula sa Biochemistry ni Mary Campbell) Pahina 6 Fig.Listahan ng mga Figyur at Talahaynayan Pahina 3 Fig. Bahagdan ng gumagamit ng e-textbook sa pag-aaral Tal. Paggamit ng e-textbook ayon sa kolehiyo Pahina 5 Fig. Bahagdan ng namimirata ng e-textbook Pahina 13 Fig. 1. Paggamit ng e-textbook ayon sa kolehiyo Pahina 4 Fig. 4. Halimbawa ng dami ng batayan sa isang lab report Pahina 10 Fig. 2. Kapakinabangan ng e-textbook sa mga gumagamit nito Fig. 1. 6. 8. . 9. 7. 5.

Ang mga sagot po ninyo ay higit na makakatulong sa pagsulat ng aking research paper para sa Fil 40. Kaunting oras lamang po ang aking hinihingi upang inyong sagutan ang 10 tanong sa sarbey na ito. .Apendiks A Sarbey Paggamit ng e-textbook bilang pantulong sa pag-aaral ng mga estudyante sa UP Magandang gabi! Ako po si Jonathan Chan mula sa Kolehiyo ng Agham.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful

Master Your Semester with Scribd & The New York Times

Special offer for students: Only $4.99/month.

Master Your Semester with a Special Offer from Scribd & The New York Times

Cancel anytime.