MAY 28, 2013

NR # 3117

Telecommunication devices para sa mga may kapansanan sa pandinig at pananalita, layunin ng panukala sa Kongreso
Hindi dapat maging hadlang sa mga bingi o pipi ang pakikipag-usap sa ibang tao sa pamamagitan ng special communications facilities. Ito ang tanging layunin ng House Bill No. 1681 na iniakda ni Rep. Rufus Rodriguez para magamit ang telecommunication system sa mga may kapansanan sa pagdinig at pagsasalita. Bagamat modernong teknolohiya ang nilikhang kagamitan para sa pangangailangan ng taong may kapansanan, sinabi ni Rodriguez na kailangan pa rin nila ng tulong ng communications facilities. Para maayos na maisakatuparan ang probisyon, inaatasan ang Secretary of Transportation and Communications na magbigay para sa pagtatayo ng relay system na gagamitin sa Telecommunications Devices for the Deaf (TDD). (30) eg

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful