You are on page 1of 8

Domer - 1 Prince Aldrin D.

Domer Filipino 12 GGG Marso 23, 2013 Cinderella ng Pinas, Ang Modernong Prinsesa Tunay na maituturing bilang isang kilalang imahen si Jinky Pacquiao sa lipunan ng masang Pilipino. Nagsimula sa isang abang kondisyon lamang at kinalaunay gumanda ang buhay, sumailalim siya sa isang pagbabago o sa isang transpormasyon na lubusang hinangaan ng marami. Ang transpormasyong ito ni Jinky Pacquiao mula sa pagiging isang ordinaryong maybahay patungo sa pagiging isang representasyon ng babaeng binago ng kapalaran ay isa ring malinaw na kontekstuwalisasyon ni Cinderella sa Filipino; na nagpapamalas ng isang pag-ahon mula sa masalimuot na realidad ng buhay ng mga Pilipino at, kaalinsabay nito, ng isang aspektong pumapailanlang sa nosyon o ideolohiya ng peminismo at postmodernismo ng isang pagtataguyod sa pantay na karapatan at pagtingin sa mga kababaihan na natatamo sa pamamagitan ng pagtatakda ng isang kontemporaneong kumbensiyon. Isang hamak lamang na beauty consultant si Jinky sa isang mall sa General Santos noon. Nakilalat napangasawa niya si Manny, na nagsisimula pa lamang umunlad ang karera sa boksing. Sa pagganda at pagyabong ng karera ni Manny, sabay na nagsimulang umunlad ang buhay ni Jinky naganap ang kaniyang transpormasyon. Naging imahen na, magpamula noon, si Jinky ng isang taong lubos na gumanda ang buhay. Gumanda siya sa pisikal na aspekto at nagtamo ng karangyaan at kaginhawaan. Ito ngayon ang pangunahing kinakarakterisa bilang siyang isang mahalagang transpormasyon na pinagdaanan niya; at sa konteksto ng transpormasyong ito naipapamalas o naisasalamin ang isang pag-ahon mula sa nakasadlak na sitwasyon ng nakararaming Pilipino. Sa isang banda, may pagkakapareho ang kuwentong ito ng buhay ni Jinky sa kuwento ni Cinderella isa itong pagkokontestuwalisa sa Filipino. Sa malapitang tingin, may mga pagkakatulad ang naratibong taglay ng mga buhay nila sa ilang pangunahing aspekto. Mahihinuha, halimbawa, na parehong may elemento ng isang mababang pinanggalingang

Domer - 2 posisyon ang naratibo ni Cinderella at Jinky. Inalipusta si Cinderella ng kaniyang madrasta at ng kaniyang dalawang kinakapatid na babae. Nandiyang minamaltrato siya at pinapatawan ng mabibigat na gawain.1 Kahit sa murang edad pa lamang, tumigil naman si Jinky sa pag-aaral at piniling magtrabaho para maagang makatulong sa pamilya. Tunay na hindi kasing gandat ginhawa ng mga tinatamasa niya ngayon ang kaniyang naging mga karanasan noon. Bukod dito, kapuwa marahang umunlad o dumating ang kaginhawaan sa kanilang mga buhay, na buhat naman ng isang ahente ng pagbabago. Nabiyayaan, si Cinderella, halimbawa ng kaniyang fairy godmother ng pagkakataon na makadalo sa isang pagtitipon sa palasyo kung saan nakilala siya ng prinsipe, na nagdulot kinalaunan ng kaniyang pagiging isang prinsesa. Samantalang napangasawa naman ni Jinky si Manny na gumanda ang karera sa boksing at naging marangya ang buhay; gumanda rin, kaalinasabay nito, ang buhay niya at nagtamo siya ng kaginhawaan. Maituturing kung gayon na kapuwa mga ahente ng pagbabago si Manny at ang fairy godmother sa buhay nina Jinky at Cinderella. Sila ang nagdala ng isang gradwal na pag-angat sa mga buhay ng dalawa. Ngunit higit pa sa mga pagkakahawig na ito, sinusunod din ng naratibo ni Jinky ang pangkabuuang nosyon at argumentong nakapaloob sa kuwento ni Cinderella. Pumapailanlang sila sa magkatulad na kumbensiyon. Nagbibigay ng pag-asa sa nakararaming Pilipino ang pagganda ng buhay na ito ni Jinky. Marami ang nahuhumaling sa kinahantungan ng buhay niya; isang buhay na komportable at maganda. Tila nagiging isang hugutan ng aspirasyon ng mga Pilipino si Jinky; ang pag-asa na kahit nagsimulang mahirap, darating ang suwerte at gaganda o giginhawa rin ang buhay balang araw. Kapara ng pagkahumaling ng nakararami sa kuwento ni Cinderella, umaasa ang mga Pilipino na darating din ang isang fairy godmother o makakikilala din ng isang prinsipeng magtataguyod sa kanilang mababaw na kinalalagyan. Kapuwa binibigyang-buhay, kung gayon, ng mga kuwento ni Cinderella at Jinky ang idea ng isang may kahahantungang hangad at lunggati.

Neil Philip at Nicolette Simborowski, The Complete Fairy Tales of Charles Perrault, 1628 1703. (New York, NY: The Albion Press Ltd, 1993)

Domer - 3 Kaalinsabay nito, pumapailanlang sa nosyon ng peminismo ang naratibong ito ni Jinky. Ipinapakita ng pag-angat ng kaniyang buhay, kaugnay sa kaniyang pagiging isang sikat at tanyag na personalidad, ang pag-usbong ng ideya na may kapangyarihan ang mga kababaihan; may kapasidad na maluklok sa isang mataas na posisyon. Sa imaheng inieksternalisa ni Jinky, nagkakaroon ng isang pagpapalaya sa tradisyonal na nosyon sa mga kababaihan sa Pilipinas domestikado at walang kapangyarihan o awtoridad.2 Ito ay nagaganap sapagkat si Jinky ay lumilikha ng isang mandatong naipapamalas sa kaniyang estado ng buhay at merkado. Naisasabuhay ang pamamayani ng mandatong ito sa pamamagitan ng pagiging pasibong nilalang ng masang Pilipino. Hinahayaang dumaloy at lubusang tinatanggap ng mga tao ang pinaiiral niyang kaayusan; tila nawawalan sila ng kapangyarihan dahil tinitignan si Jinky mula sa maganda niyang imahen at nakukulong ang mga tao dito. Kaalinsabay nga nito, gumagawa siya ng isang panibagong orientasyon ng kaisipan ng isang imahen o mentalidad na susundin at tatangkilikin ng tao. Sa ganitong kondisyon, nakagagalaw o nagiging daynamiko naman si Jinky sa isang lipunang kinondisyon ng isang patriyarkal na titig. Hindi na siya tinitignan bilang isang babaeng seksuwal na obheto kundi bilang imahen ng isang babaeng hugutan ng aspirasyon ng pag-asa. Nagiging impluwensyal at makapangarihan siya kung gayon. Mulit muli, mapagpalaya ito kay Jinky dahil lubusang naa-aktuwalisa ang kaniyang pagiging babaeng may kapangyarihan sa lipunan nakakawala siya sa naka-kahon o ipinapataw na nosyon ng lipunan patungkol sa mga kababaihan; mahina at domestikado. May parlelismo naman ito sa naging tadhana ni Cinderella; ang naganap na pagpapalaya sa kaniya mula sa pagmamaltratong natanggap niya sa kaniyang madrasta at kinakapatid kung saan nakita ang pagtamo niya ng katiwasayan. Sa kuwentong ito, ang prinsipe ang nagpataw o nagbigay sa kaniya ng ganoong uri ng kapangyarihan o estado; ng pagiging prinsesa at ang pagtatamo ng maayos na buhay ni Cinderella. Ang aksiyon ng pagpapalayang ito ang nagbibigay-

O.R. Angangco, et.al., Status of Women in the Philippines: A Nibliography with Selected Annotations . (Quezon City: Alemor Phoenix Pub. House, 1980)

Domer - 4 daan sa isang pagsulong sa pantay na pagtingin partikular sa mga kababaihan kung saan tila nagkakaroon ng isang paglebel o pagsapaw sa dominanteng patriyarkiya..Gaya ng nabanggit, hindi na kasi ikinukulong sa isang mentalidad kung saan pinagpapalagay na mababa at mahina, ang mga kababaihan. Hindi na nakakondisyon ang kakayanan at pagtingin sa isang babae sa sinusunod na kaayusan ng lalaki. Tila may pagbuwag sa ideang, sa simula pa lamang, minamaliit at hindi na pinahahalagahan ang isang babae. Nakagagalaw o nakai-iral na siya sa loob ng panahon at espasyong kaniyang kinapapalooban bilang isang babae; may optimisasyon ng kaniyang kakayahan. Ang katotohanang ito ang siya ngayong nagiging basehan ng isang neutralisasyon ng kasarian (gender neautralization), na siyang isang pundamental na katangian ng peminismo. Alinsunod dito, nagkakaroon ng balanse sa aspekto ng pagtingin at posisyon sa pagitan ng mga babaet lalaki. Naisusulong kung gayon ang pantay ng karapatan at pagtingin sa mga kababaihan. Pero higit pang natutugunan ang nosyon ng peminismong ito, sa konteksto ng naratibong taglay ng buhay ni Jinky, sa pamamagitan ng pagtatakda ng isang kontemporaneong kumbensiyon ginagampanan ng imahen ni Jinky. Kritikal ang nagagawa ng imahen ni Jinky sa usaping ito, dahil ito sa katunayan ang naga-asktuwalisa ng katangiang peminismo ng naratibo ni Jinky, at hindi mismo si Jinky bilang isang entidad o tao. Dito na pumapasok ang idea o nosyon ng posrmodernismo ng simulasyon (o simulacrum) at ng hyperrealidad. Tinatanggap ng masa ang merkado niya - nandiyan ang mga bumebentang magasin, patalastas, at iba pa na mariing nagpapatunay sa pagiging patok niya. Tinakda rin ng masang Pilipino, bilang mga saksi, ang pag-angat ni Jinky, na naipamalas sa pagtangkilik sa kaniya, sa basehan ng pisikal na kaayuan o sa kung ano ang nakikita sa kaniya, na isa namang mariing aksiyon ng pagbibigay ng awtoridad sa kaniya. Makikita natin mula dito na naganap ang isang liberisasyon sa mga kababaihan hindi sa pamamagitan ng isang tradisyonal na paraan katulad ng mga kilusang politikal o paga-aktibisa, kundi sa paraan ng pagsusuot ng isang magandang maskara ang imahen niya. Mulit muli, katulad ito ng sitwasyon ni Cinderella, kung saan natamo

Domer - 5 niya ang paglaya at pagtaguyod niya sa kaniyang karapatan sa pamamagitan ng transpormasyong kaniyang pinagdaanan. Ang transpormasyong ito ay buhat lamang ng mahika ng kaniyang fairy godmother na nagdulot sa kaniya ng pagkakaroon ng kapasidad na makadalo sa palasyo at makilala ang prinsipe. Nabubuo kung gayon ang isang panibagong kumbensiyon kung saan kinakarakterisa ito ng isang hyperrealidad. Ang kumbensiyong itinatakda ng kagandahan ni Jinky Pacquiao. Isang panibagong imahen ng isang babae o ng isang Pilipina sa pangkabuuan, ang kumbensiyong tinutukoy dito, ang tinatanggap ng masang Pilipino. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na produkto si Jinky ng isang literal na transpormasyon na buhat ng medisina at teknolohiya. Maituturing na isang ilusaryo o di makatotohanan ang pangtangkilik ng masa sa kaniya kung gayon, sapagkat hindi na puro ang hinahangaang ito kundi ang maskarang suot niya. Ang imahen ang tinatangkilik. Sa isang mababaw na pagtingin, buhat ito ng pagkukulang ng masang Pilipino, bilang mga saksi, na ipagkaiba ang toto sa hindi; ang orihinal sa hindi. Kapalit nito, tinatanggap na lang nila kung ano ang nakikita o ang virtual reality. Tinatanggap ng masa ang kumbensiyong dulot ni Jinky sapagkat marami ang lubusang namangha sa kinahantungan ng kaniyang buhay. Hindi lubos maisip na posible ang ganitong uri ng tadhana. Kapalit nito, ito ang pinagpapalagay ng nakararami bilang totoo; ang bagay na mas totoo sa realidad sa orihinal na katotohanan.3 Pero sa isang masusing pagaggap, hindi lamang sa ating kakulangan na ipagkaiba ang totoo sa hindi ang dahilan; bagkus, tayo bilang mga sumasaksi o tumitingin ay nagkukulang dahil ito ang natural na mekanismo ng mga bagay. Ito ay nagaganap dahil sa simulasyon o simulacrum na nagagawa ng imahen ni Jinky. Sa usaping postmoderno, tinutukoy ng simulacrum, isang konseptong pinakilala ni Jean Baudrillard, ang imahen bago ang realidad. Isa itong reproduksyon o representasyon ng isang

Nicholas Oberly, Reality; Hyperreality. The University of Chicago. 2003 web. http://csmt.uchicago.edu/glossary2004/realityhyperreality (pinuntahan ika - 2 ng Pebrero, 2013)

Domer - 6 aktuwal na bagay o pangyayari.4 Nabubuhay tayo sa isang kontemporaneo o postmodernong panahon. At dito, ipinagpapalagay na nabubuhay ang tao sa panahon ng simulasyon; simulasyon na ang lahat. Ang paglalarawan sa isang bagay ay mula na sa mga simulasyon o imahen. Nauunawaan ang isang bagay dahil may pinupuntahan o tinutungong imahen, na galing din sa isang imahen. Sa usaping ito, ang imahen ni Jinky bilang isang babaeng galing sa isang mababang posisyon ang umaasimila ng gampanin ng isang simulasyon; at nauunawaan natin ang konsepto ng pag-angat ni Jinky dahil naiuugnay natin ito sa imahen o sa pangkalahatang naratibo ni Cinderella isang babaeng naghirap at naging isang prinsesa. Partikular pa sa panahon at espasyong ginagalawan ng tao sa kasalukuyang panahon, gaya ng sabi ni Baudrillard, ay ang thirdorder simulacra. Ang order of simulacra ay tatlong pangunahing lebel ng orders of appearance sa relasyon ng simulacra at ng totoo. Sa third-order simulacra, o ang simulation proper, ang simulasyon o imahen na ang bumubuo sa mundo o uniberso; may pagsapawa na sa representasyon. 5Ito na ang pinagpapalagay na totoo. Kapara ng sa kaso ni Jinky, ipinagpapalagay na ng mga tao na ang imahen niya ang totoo; ito ang realidad. Hindi na tinitignan ang historikal na kontekstong kinapapalooban ng pag-angat na ito hindi na ito mahalaga. Si Jinky o Cinderella nga ba talaga ang umunlad, o produktot bunsod lamang sila ng pag-unlad ng iba? Sa pagpapalagay nga ni Jean-Francois Lyotard, isa rin sa mga nagsagawa ng masusing pag-aaral sa postmodernismo, sa postmodernong panahon, may tatlong pangunahing nosyon. Isa dito ang pagkawala ng saysay ng historikal na sistwasyon ng isang kopya o ang isang dehistorisasyon nito.6 Labas ito sa wika at sa ano mang sistema ng kahulugan. Dito na papasok ang konsepto ng hyperrealidad.

Douglas Kellner, Jean Baudrillard: From Marxism to Postmodernism and Beyond. (Cambridge, UK: Polity Press, 1989), 76.
5 6

Ibid, 78 79.

Simon During, ed., The Cultural Studies Reader, 2nd Edition (New Fetter Lane, London: Routledge, 1993), 142.

Domer - 7 Sa pagpupunto ni Baudrillard, ang bagay na hindi totoo ang hyperreal, kundi ang bagay na higit pa sa totoo: the hyperreal is not the unreal but the more than real.7 Pero isa lamang karanasang birtuwal o simulakral ito. Sa isang hyperreal na espasyo, nauuna ang imahen at hindi ang mismong nangyayari. Di makikita, kung gayon, ang konstutibong gampanin nito dahil ang nabibigyan lamang ng pansin ay ang representasyon ng imahen. Kung babalikan si Jinky, hindi siya ang tunay na yumaman o nagtamo ng karangyaan, pero dahil naiuugnay ang pag-ahon niya kay Cinderella, naipalalagay na umunlad din siya. Nakararanas ang tao ng impluwensyang simulakral. Ang projeksyon lamang ng simulasyon ng naratibo ni Cinderella ang nabibigyangpansin ng tao. Ito ang siyang tinatanggap at nagaganap kay Jinky dahil gaya ng sabi ni Baudrillard, ito na ang higit pa sa totoo. Sa huli, sa kaniya napupunta ang baling ng pag-unlad. Mulit mulit, dahil nga naipagpapalagay na umunlad si Jinky dahil ang simulasyon niya ang umiiral, nakawawala siya sa naka-kondisyong nosyon tungkol sa isang babae nagaganap ang aktuwalisasyon ng nosyon ng peminismo. Sa paglalahat, tunay na maituturing ang naratibo ng buhay ni Jinky Pacquiao bilang isang Filipinong bersiyon ng Cinderella. Nagpapahayag din ito ng sentimyento ng nakararaming Filipino kaugnay sa pag-ahon sa kahirapan. Ang ipinamalas na ito ni Jinky Pacquiao, ay nakapagtataguyod din ng peminismo sa pamamaraan ng isang imahen na nagpapamalas ng isang pagpapalaya sa tradisyunal na pagpapalagay sa mga kababaihan sa Pilipinas. Natatamo ito sa pamamagitan ng pagtatakda ng isang panibagong kumbensiyong may katangiang postmoderno; ng isang hyperrealidad at simulacrum si Jinky at ang pagtangkilik ng tao sa birtuwal na realidad; sa maskara ni Jinky Pacquiao.

Douglas Kellner, Jean Baudrillard: From Marxism to Postmodernism and Beyond. (Cambridge, UK: Polity Press, 1989), 82 83.

Domer - 8 Talasanggunian

Angangco, O.R. Status of Women in the Philippines: A Bibliographhy with Selected Annotations. Quezon City: Alemor - Phoenix Pub. House, 1980. During, Simon, ed. The Cultural Studies Reader. Vol. 2. New Fetter Lane, London: Routledge, 1993. Kellner, Douglas. Jean Baudrillard: From Marxism to Postmodernism and Beyond. Cambridge, UK: Polity Press, 1989. Oberly, Nicholas. "The University of Chicago." 23003. http://csmt.uchicago.edu/glossary2004/realityhyperreality.htm (accessed Pebrero 2, 2013). Philip, Neil, and Nicolette Simborowski. The Complete Fairy Tales of Charles Perrault, 1628 1703. New York, NY: The Albion Press, Ltd., 1993.