You are on page 1of 9

Benchon Andoy Masining na Pagpapahayag TTh 7:00-8:30

Malayang Taludturan G. M. Asi

"Kapatid" Bata palang marami ng kinasanayan Taon taon tayo ay nagbibigayan Sa problema, pag-asay masisilayan "Sa Diyos lang ang may kalayaan"

Pero bakit ngayon tayo ay nag-iba sa bahay mag kaaway pati sa eskwela nawala naba talaga ang tsansa napalitan na ang lahat ng problema

Pagkatapos ng gulo tumahik ka lumingon, tumingin at nag "walk out" na tinanung kita ang sagot mo "Basta! Basta!" simula noon hindi ka na nakita pa

Isang gabi ako ay may nabalitaan Isang minor de edad na nasagasaan Buong katawan nya ay sinulatan "Sa Diyos lang ang may kalayaan"

Benchon Andoy Masining na Pagpapahayag TTh 7:00-8:30

Talaarawan G. M. Asi

Dec. 25... Mandarin Homes, Gallermo Residence, GMA Cavite Sa unang pagkakataon, naging masasya din ang pasko ko. Nasa bahay ako ng GF ko at kasama ko rin ang pamilya nya. Natapos kami ng maaga sa aming simpleng programa na aming inihanda para sa mga trabahador ng tatay nya. Kada taon kasi sila naghahanda para sa kanila. grabe din ang paghahanda namin, simula nung 24 ay puro pagluluto and aming ginawa. Pero kahit buong araw kami naghanda ay sulit parin dahil sa mismong programa nakita ko ang tuwa sa mga mukha ng lahat. Akala ko ay makakatulog nko sa pagpunta ko sa silid ko. Ayon pala ay napasama pa ako sa mahabang kwetuhan na sinimulan ng pinsan ng GF pati sya. Umabot kami ng alas tres ng umaga sa kakakwentuhan lang pero sa huli ay nakaramdam din sila ng antok. Nagising ako ng 10 ng umaga, pagkababa ko papunta ng kusina ay ni yaya ako ng GF ko na maghanda ng pagkain para sa lahat. Mag tatanghali narin asi yun kaya nag luto nalang kami ng pangtanghali. Pagkatapos nun ay umalis kami ng GF ko papunta sa bahay ng inaanak ng nanay nya. Duon ay binisita namin sya at binigyan ng mga rigalo,.Mga alas dies narin kami nakabalik sa bahay. Dec. 26.. Gumising ako ng alas nueve ng umaga at handang handa na para umalis. Kami nalang ng GF ko ang hindi pa nakakakain kaya sabay na kami kumain ng umagahan-tanghalian. Nagpaalam narin ako bago ako umalis. Umalis ako ng mga tanghali at dumiretso patungong Festival Mall. Tumagal din ako sa mall dahil ang dami kong nagustuhan na pwede sa pag hahike ko. Kaya inabot ako ng hanggang 7 ng gabi bago ako umuwi sa AUP at natulog.

Dec. 27... Alas dies nanaman!!! Tangahali nanaman ang gising ko... Wla narin naman akong nagawa buong araw kundi hintayin ang mga kaibigan ko na pumunta ng Batangas. Nakapagtataka dahil ako lang ang nasa bahay nila pagkarating ko dun. Nag iwan lang sila sa akin ng mensahe na hintayin na lang sila dun. May mga iniwan din naman sialng pagkain para sakin kaya enjoy parin naman. Dumating sila ng 12 ng gabi, tulog narin ako nun. Dec. 28-30 Mas inagahan ko na ang pag gising ko. Sa totoo ginising lang ako ng mga ksama ko dahil gusto na nila mag laro ng DOTA kasama ko. Araw-araw ay ganito na ang naging routine namin, kain DOTA kain Dota kain paputok sa gabi...Pasalamat talaga ako na hindi pa masyado naiinbis ang mga magulang ng kaibigan ko. Ang katwiran lang naman nila sa mga magulang nila ay bakasyon naman at minsan lang daw ako sa bahay kaya daw sulitin na. Dec. 31 Iniba muna namin ang ginawa namin sa araw na ito. Pumunta kaming mag kakaibigan sa bahay ni Baklog at humingi ng maraming paputok para sa gabi ng putukan. Tapos ay tumulong kami lahat sa pagluluto ng mga kakainin sa gabi. Madali lang namin natapos ang lahat kc mga trece lang naman kami lahat na mga lalaki dun sa bahay nila. Pag kagabi ay dumiretso kamisa SA Office at pinag interesan namin gamitin ang mga paputok na meron kami sa loob ng building. Ilolock namin ang isa naming kasama sa loob ng silid at magpapasok kami ng paputok na picolo sa loob. Grabe, sobrang na kakabingi talaga ang paputok na yun. Pero nung mga highschool palang ako eh hindi naman ganun kalakas ang sabog nun kahit parehas lang ang laba nila. Nung Malapit na ang 12 ay pumunta kami sa Rodas Park dun kc taon taon nagpapaputok ang ibang faculty sa AUP. At hindi ito mga ordinaryong paputok, ito ay pang new year fire works display talaga. Pag

ka 12 ay sabay sabay naming binati ang isat isa an nandunsa Rodas Park ng manigung bagong taon. Grabe ang dame pading pumunta dun sa Rodas pero hindi kasing dami nung isang taon. Nang natapos ang lahat ay suamakay na kami ng aming mga motor at pumunta ulit ng bahay para mag laro ng DOTA...at habang nakasakay ako ng motor ay nagsindi ako ng picolo at tinapon sa harapan ng mga tao sa gilid ng Rodas. Boooom!!! Gulat sila, ung isa nagmura pa, well ganun talaga, pasensyahan nalang.

Benchon Andoy Masining na Pagpapahayag TTh 7:00-8:30

Autobiography G. M. Asi

Bumabagyong buwan ng Abril nang isinilang ang isang munting sanggol sa isang kubo, ika-25 1992. Umiiyak nitong binati ang mundong kanyang gagalawan sa kanyang paglaki. Sa simpleng bayan ng SanFrancisco, Agusan del Sur ako ipinanganak at lumaki hanggang ako ay maging apat na taong gulang. Ikatlo sa apat na bilang ng mga anak nina Israel Andoy at Corazon Andoy. Mayroon akong dalawang nakakatandang lalaking kapatid at isang babaeng masbata sa akin, sina Jeraezon, Dwight Dean at Jezonachin Decena Andoy. Ang pamilyang Andoy ay nanirahan sa San Francisco subalit lumipat din nang ako ay naging limang taong gulang na sa hindi alam na rason. Lumipat kami sa 1000 MM sa Silang Cavite at dun nagtrabho ang tatay ko sa pag tuturo ng mga missionaries. Nang nasa tamang gulang na ako ay pinaral nila ako sa AIIAS habang nasa 1000 MM kami. Ang mga kuya ko ay sa AUP nag aaral ng mga panahon na iyon. Sa AIIAS na din pinaral ang nakababata kong kapatid. Hanggang pang apat na baitang lang ako nakatapos dahil lumipat na kami sa AUP. Duon ay naipag patuloy ko ang aking pag aaral hanggang ako ay nakatapos ng highschool sa Academy din ng AUP at ngayon ay nasa College na at nasa BS Biology course. Naging presidente ng Palawan Mission ang tatay ko kaya kinailangan making lumipat sa Palawan. Pero pinilit ko sila na sa AUP parin ako magtatapos ng pagaaral. Pagkatapos ng ilang taon ay nailipat naman sa NPUC ang trabaho ng tatay ko bilang Ministerial Sec retary duo. Ang pamilya namin ay duon na ngayon nakatira habang ako ay nasa AUP naka Dorm habang nagaaral.

Benchon Andoy Masining na Pagpapahayag TTh 7:00-8:30

Jornal G. M. Asi

October 13, 2008. Ayaw na ayaw ko talga matalo sa isang laro na gustong gusto ko.Intrams nanaman sa Academy ng AUP at ako ang napiling team captain sa green team. Nasa softball field kami ngayon para simulan ang laroo. Sobrang kabado ako dahil ang red team ang makakalaban namin, mayroon silang magagaling na fielderws at catchers at pitcher nila ay pangalawa sa pinakamagaling sa distrito. Hindi sa minamaliit ko ang team ko pero pang simpleng laro lang talaga ang kaya namin. Dagdag pa don ay apat lang kaming senior na nasa team at may experience. Bago nagsimula ay kinausap ko sila, ang sabi ko ay ibigay lang ang lahat ng kanilang makakaya. Last game narin naman. Nanalangin muna kamiat nagsimula na. Binigyan kamiong dalwang team ng tig tatlong innings o tsansa para maka eskor ng mataas laban sa isa pang team. Nagsipuntahan na ang ibang mga estudyantesa field para manood. Lamang na lamang ang kalaban namin pero kahit ganun ay hindi namin sila pinalayo ng sobra sobra. 3-7 ang eskor, sila ay tapos na sa pag babat at kami na ang sunod. Ang mga magbabat sa amin ay mga freshmen lamang at wala pa masyadong experience sa laro. Na out ang dalawa sa kanila, buti nalang ay may tatlo pang senior na nag bat at hindi sila na out. Nakapunta sila sa una hanggang pangatlong base. Si johann na ang mag babat ng bola, hinang-hina ang loob ni johann dahil hindi naman daw sya malaks pumalo at kinakabahan pa. Humingi na agad sya ng patawad sa akin at sa team. Isang out nalang ay talo na kami. Strike 1!!! Strike 2!! Sigaw ni Sir Torres ang umpire namin sa laro. Isa na lang ay tapos na ang laro Nakatingin si johann sa akin, bigla akong humingi ng team time out. Tinawag ko ang lahat ng myembro na nasa field at para kami mag meeting . Jo, bigyan mo yang red team na yan ng isang malupet na hataw at taob yang mga yan promise. Kahit anung mangyari dito ay suportado ka namin, promise. Ang sabi ko

sa kanya. Tama ba yung sinabe ko? Kahit ako ayaw kong maniwala na ok lang ang lahat, dahil hindi. Pero umaasa nalang ako sa isang mirakulo. Game na ulit. Binato na ng pitcher ang bola. BOOOM!!! Isang malakas na hataw ang binitawan ni Johann, lumagpas ito sa kakahuyan sa dulo ng softball field at nahirapan ang red team sa pag kuha nito. Nagsitakbuhan ang una hanggang pangatlong base papuntang homerun pati si Johann ay nakahome run din. 7-7 na ang eskor!!! Isang puntos lng ay panalo na kami, pero isang out nalang ay tie pa at isa pang inning na hindi na kakayanin ng team ko dahil pagod na sila. Kaylangan ng matapos ang lahat ngayon. Ako na ang pumunta sa Home base para magbat...nag pitch ang pitcher nila at BOOOM!!! Hindi na nakita ang bola pa, pumunta ito sa creek sa dulo ng softball field lampas ng highway. Hindi na ako pinatakbo pa ni Sir Torres. Panalo kami 8-7!!!

Benchon Andoy Masining na Pagpapahayag TTh 7:00-8:30

Freestyle Tula G. M. Asi

Pasko Bagong Taon Sa pagpasok ng ating bagong taon bagong buhay, bagong pagkakataon magkasama tau hanggang sa paglaon mga salitang iyon ang lagi nating tugon

Nais kong madama kung anong halaga At ang tunay na liwanag ay ano talaga Ito ba ang sinasabi nilang pagmamahal Nagpapainit para sa gabi ay wag mangatal

Tila mga bituin sa kalangitan ng ulap Sagot ng minsan na sa kalangitan nag usap Mga dasal na ibinulung sa panalangin Para kanino ang pasko? Yun pala sa akin.

At yun pala sa atin ang bawat gabi Sa bawat oras na katabi, salamat kasi Ikaw ang gumagabay dito sa landas ko Pinapadama na ang bawat araw ay pasko

Benchon Andoy Masining na Pagpapahayag TTh 7:00-8:30

BiBle G. M. Asi

Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan Mateo 7:7

Kung kayo'y magsipanatili sa akin, at ang mga salita ko'y magsipanatili sa inyo, ay hingin ninyo ang anomang inyong ibigin, at gagawin sa inyo. - Juan 15:7

Ibig ko ngang ang mga tao'y magsipanalangin sa bawa't dako, na iunat ang mga kamay na banal, na walang galit at pakikipagtalo. - 1 Timoteo 2:8

Bagaman ako'y lumakad sa gitna ng kabagabagan, iyong bubuhayin ako; iyong iuunat ang iyong kamay laban sa poot ng mga kaaway ko at ililigtas ako ng iyong kanan. - Mga Awit 138:7