You are on page 1of 7

ARKIYOLOJI 1/ARKEOLOGY 1/ARCHAEO 1: ANG PILIPINAS ARKIYOLOJI AT KASAYSAYAN Unang semestre, 2013-2014.

. Kredit: 3 Yunit Miyerkules at Biyernes: WFR (8:30-10:00H) Lugar: Classroom B sa Albert Hall, U.P. Diliman Magtuturo: Jack G. L. Medrana, M.D., M.S. Konsultasyon: Lunes (0900-1400H), Huwebes (1400-1600H), at Biyernes (1000-1600H) sa Human Osteology Laboratory, Archaeological Studies Program, Albert Hall Nilalaman ng kurso: Sa kursong ito ay inyong pag-aaralan ang Kasaysayang at Pamanang Pilipino batay sa arkeolohiya, habang matutunan ang mahahalagang elemento ng Arkeolohiya bilang isang disiplina. Alituntunin sa kurso: 1. Ang Archaeo 1 ay nasa Social Sciences cluster ng RGEP, at sapagkat itoy maaaring kunin din upang punan ang pangangailangan sa mga kursong Araling Pilipino, ang gagamiting wika, hanggat maaari, ay Filipino/Tagalog. Ganito man ang patakaran ay babasahin niyo pa rin sa Inggles ang karamihan sa mga sanggunian dahil sa kakulangan ng mga babasahing nakalathala sa Filipino/Tagalog. 2. Ang klase ay magsisimula 10 minuto matapos ang opisyal na simula, at matatapos 5 minuto bago ang opisyal na tapos upang mabigyan ng pagkakataon ang estudyante na lumipat mula sa isa papunta sa susunod niyang klase; 3. Nakalista ang mga layunin at sanggunian ng bawat paksa sa Balangkas, at ang mga ito ang siyang batayan sa lahat ng gagawin sa kursong ito. Basahin o panoorin ang itinakdang sanggunian bago pa ito mapag-usapan sa klase. Inaasahang matuto ang estudyante sa sumusunod na paraan: a) Magkakaroon tayo ng Pagsasanay sa anyo ng gawain sa klase, quiz, palaro o assignment upang higit na maunawaan ang mga ito. Ang assignment ay maaari pa ring ipasa kahit na dinakapasok sa araw ng pagtakda o araw ng pagpasa nito, ngunit kailangan itong ipasa sa oras ng klase sa araw ng pagpasa nito (o bago pa nito); b) Para sa Symposium, hahatiin ang klase sa mga grupo at magtatakda ng paksa at petsa para sa bawat pangkat na kanilang tatalakayin kasama ng buong klase; ang symposium ay bibigyan ng puntos ayon sa: pag-aayos sa sarili (20%), komunikasyon (30%), at kalidad ng pagsuri at pagtalakay (50%). c) Ang mga bagay na natutunan sa kurso ay kailangang maipakita sa Culminating Activity na gagawin sa panghuling sesyon. 4. Ang 100 % grado para sa kurso ay magmumula sa sumusunod: a) Pagsasanay = 50% b) Symposium = 25% c) Culminating Activity = 25% d) Ang Pangkalahatang Assessment ay ibibigay lamang sa sinumang makakakuha ng 55.00-59.99% (grado ng 4.0) matapos magawa ang lahat ng kailangan sa kurso, at itoy titimbang sa 30% ng mabubuong grado (habang ang mga

puntos sa pinagdaanang semestre ay magiging 70% ng buong grado). 5. Ang dinadalang mobile phone ay kailangang isara kapag nasa klase; kung kailangang tumanggap ng mensahe ay dapat naka- silent mode o vibrating mode ito, at kailangang lumabas ng kuwarto kung sasagutin ang tawag; hindi maaaring gumamit ng laptop computer sa klase, maliban lang kung kailangan ito sa palabas; 6. Iwasang kumain at mag-iwan ng kalat sa loob ng kuwarto; 7. Kung may maganap na di-inaasahang pangyayari tulad ng sunog, lindol, baha, o iba pang tulad nito, gagawin ng klase ang mga hakbang na nararapat para sa sitwasyon.

BALANGKAS NG KURSO
I. PANIMULA SA ARKEOLOHIYA Ano ang Arkeolohiya? (3 oras) Mga layunin: 1. Maibigay ang kahulugan ng Arkeolohiya sa pamamagitan ng pagkilala sa mahahalagang elementong nagbibigay ng bukod-tanging saklaw sa pag-aaral nito; 2. Mailista ang mga layunin ng arkeolohiya; 3. Mailista ang ilang teyorya at metodo ng arkiyolohiya na hango sa ibang disiplina; 4. Maipaliwanag ang pinag-aaralan ng mga kinikilalang sanga ng arkeolohiya; Sanggunian: Renfrew, C. and P. Bahn. 2004. Archaeology: Theories, Methods and Practice. Fourth Edition. Thames and Hudson. London. Pp. 12-18. Gawain: Pagsasanay at talakayan Mga Konsepto at Pamamaraan sa Arkeolohiya (3 oras) Mga layunin: 1. Maipaliwananag kung ano ang artifact, ecofact, feature, at geofact at makapagbigay ng mga halimbawa nito; 2. Maipaliwanag kung ano ang attribute, assemblage at archaeological culture; 3. Matukoy ang mga elementong magpapakita sa konteksto ng artifact; 4. Maipakita ang chane opratoire ng artifact; 5. Maitala ang maaaring epekto ng ibat ibang salik sa artifact, ecofact, at feature; 6. Maipaliwanag ang mga konsepto at batas ng stratigrapiya; at 7. Maipakita ang ibat ibang pagturing sa panahon. Sanggunian:

1. Renfrew, C. and P. Bahn. 2004. Archaeology: Theories, Methods and Practice. Fourth Edition. Thames and Hudson. London. Pp. 53-74, 121152 (Dating: Relative, Absolute, Radiocarbon, K-Ar, U series) . 2. Lecture Notes Gawain: Talakayan; gawaing bahay para sa susunod na dalawang paksa

Palihan I: Kagamitang Bato (1.5 oras) Layunin: Maisalaysay ang maaaring naging gamit ng, at kung paano maaaring ginawa ang, mga sumusunod na kagamitan: a) Core tool (kagamitang punong bato) b) Flake tool (kagamitang pinagtapyasan) c) Blade (talim) d) Adze (asarol) Mga sanggunian: 1. Lecture notes 2. Inizan, M.L., M. Reduron-Ballinger, H. Roche, and J. Tixier. 1999. Technology and Terminology of Knapped Stone . Prehistoire de la Pierre Taillee. CREP. Nanterre. Gawain: Pagbisita sa laboratoryo Palihan II: Seramiko (1.5 oras) Mga layunin: 1. Maisalaysay ang mga hakbang sa paggawa ng karaniwang palayok sa Pilipinas; 2. Matukoy ang pagkakaiba sa paggawa ng palayok ( earthenware), stoneware, at porselana; Mga sanggunian: 1. Lecture Notes 2. Making Malavi 1996, The Market 1997: video (DVD) ni W. Longacre 3. The Lowly Palayok, Kasaysayan Vol. 2. pp. 56-57. 4. The Potters Genius, Kasaysayan Vol. 2. pp. 175-187. Gawain: Pagbisita sa laboratory; assignment para sa Paano nagsimula ang arkeolohiya sa Pilipinas? Paano ipinakikita ng artifact ang ating buhay sa kasalukuyan? (3 oras) Mga layunin: 1. Maitala ang attribute ng artifact; 2. Makapagtala ng mga katangian ng artifact sa kasalukuyan na malakas ang potensyal na makapagpahayag ng identidad at katangian ng tao at lipunan. Gawain: Pagsasanay at talakayan; assignment para sa Pinakamatatandang Ebidensiya ng Kultura

Paano nagsimula ang arkeolohiya sa Pilipinas? (1.5 oras) Layunin: Maisalaysay ang kasaysayan ng arkeolohiya sa Pilipinas. Sanggunian: Mijares, A. 1998. Philippine Archaeology in Retrospect. Hukay 1(1):5-16. Gawain: Pagsasanay at talakayan; assignment para sa Mga Unang Tao II. MGA UNANG KULTURA AT SITWASYON PILIPINAS Ang Palyolitiko at Pinakamatatandang Ebidensiya ng Kultura sa Palawan at Hilagang Luzon (4.5 oras) Mga Layunin: 1. Matukoy ang tradisyonal na pagbubuo ng kronolohiya sa arkeolohiya ng Pilipinas; 2. mailarawan ang kulturang Palyolitiko Pilipinas; at 3. mailarawan ang kapaligiran noong Palyolitiko sa Pilipinas. Mga sanggunian: 1. Scott, W. H. 1984. Prehispanic Source Materials for the Study of Philippine Prehistory. Pp. 1-32; 2. Chapter Three: Corridor to the Archipelago, Kasaysayan vol. 2, pp. 38-49. 3. Mijares, A.S.B. 2007. Unearthing Prehistory: The Archaeology of Northeastern Luzon, Philippine Islands. Pp. 78-82. (Tungkol sa Kuweba ng Callao). 4. Bondoc, N.H. 1979. A Re-investigation of the Espinosa Archaeological Sites Cagayan and Kalinga-Apayao. Anthropological Papers No.6. National Museum. Manila. Gawain: talakayan; assignment para sa Neyolitiko

Mga Unang Tao sa Pilipinas (1.5 oras) Layunin: 1. Maipaliwanag ang maaaring paraan kung paano nagkaroon ng tao sa kapuluan; at 2. mailarawan ang mga taong ito. Sanggunian: 1. Bellwood, P. 1997. Prehistory of the Indo-Malaysian Archipelago. Revised Edition. University of Hawaii Press. Honolulu. Pp. 69-95 (Tungkol sa populasyon ng Kapuluang Timog-Silangang Asya). 2. Dizon, E. Z. 2003. New Direct Dating of the Human Fossils from Tabon Cave, Palawan, Philippines. Proceedings of the Society of Philippine Archaeologists 1:63-67.

3. Mijares, A.S., F. Detroit, P. Piper, R. Grun, P. Bellwood, M. Aubert, G. Champion, N. Cuevas, A. de Leon, E. Dizon. New evidence for a 67,000year-old human presence at Callao Cave, Luzon, Philippines . J. Hum. Evol. (2010), doi:10.1016/j.jhevol.2010.04.008 (article in press). Gawain: talakayan at pagsasanay; assignment para sa Panahon ng Metal Neyolitiko (3 oras) Layunin: .Mailarawan ang kulturang Neyolitiko sa Pilipinas at maipaliwanag kung paano nagsimula. Sanggunian: Bellwood, P. 1997. Prehistory of the Indo-Malaysian Archipelago. Revised Edition. University of Hawaii Press. Honolulu. Pp. 201-254. (Tungkol sa Pandarayuhang Austronesyano). Gawain: Symposium; talakayan at pagsasanay; assignment para sa Kalakalan at Interaksiyon Panahon ng Metal (3 oras) Layunin: Mailarawan ang Panahon ng Metal sa Pilipinas at maipaliwanag kung paano nagsimula. Mga sanggunian: 1. Bellwood, P. 1997. Prehistory of the Indo-Malaysian Archipelago. Revised Edition. University of Hawaii Press. Honolulu. Pp. 268-277; 302-307 (Tungkol sa Panahong Metal). 2. Solheim, W.G. II. 2002. Archaeology of Central Philippines: A Study Chiefly of the Iron Age and its Relationships . UPASP. Quezon City. 195-199. (Tungkol sa Nusantao) Gawain: Symposium; talakayan at pagsasanay III. MGA TEMA SA ARKEOLOHIYA Kalakalan at Interaksiyon (3 oras) Layunin: 1. Mailarawan ang katangian ng kalakalan at ugnayan sa Pilipinas noong 1000CE -1500CE. 2. Maipaliwanag ang tatlong uri ng palitan. Mga Sanggunian: 1. Scott, W. H. 1984. Prehispanic Source Materials for the Study of Philippine Prehistory. Pp. 63-86. 2. Renfrew, C. and P. Bahn. 2004. Archaeology: Theories, Methods and Practice. Fourth Edition. Thames and Hudson. London. Pp. 360 (Modes of Exchange) Gawain: Symposium; pagsasanay

Organisasyong Panlipunan (3 oras) Mga layunin: 1. Maipaliwanag ang konsepto ng Complex Society at Chiefdom; 2. Mailarawan ang struktura at mekanismo ng Complex Society sa Sinaunang Pilipinas; at 3. Makapagtala ng ilang halimbawa ng Complex Society sa sinaunang Pilipinas. Mga Sanggunian: 1. Chapter Eleven: The Emergence of the Elite, Kasaysayan vol. 2, pp. 157-173. 2. Ames, K.M. Chapter 28: The Archaeology of Rank. In Bentley, R.A., H.D.G. Maschner, C. Chippendales (eds.). Handbook of Archaeological Theories. Altamira Press. Plymouth. Pp.487-513 (tingnan ang p. 490). Gawain: Symposium; pagsasanay; talakayan Kalansay at Libingan (3 oras) Mga Layunin: 1. Mailarawan ang ibat ibang uri ng libing sa Pilipinas; 2. malaman kung papaano nakukunan ng impormasyong arkeolohikal ang kalansay ng tao; at 3. malaman ang potensiyal na impormasyon na maaaring makuha sa isang libingan. Mga sanggunian: 1. Chapter Seven: Vessels to the Afterlife, Kasaysayan vol.2, pp. 94110. 2. Peralta, J.T. and L.A. Salazar. 1993. Pre-Spanish Manila A Reconstruction of the Pre-history of Manila . National Historical Institute. Manila. 3. Lecture Notes Gawain: Symposium; talakayan Kabahayan (3 oras) Mga Layunin: Maipaliwanag kung paano naipapakita ng pag-aaral ng kabahayan at espasyo ang mga aspetong panlipunan. Mga Sanggunian: 1. Chapter Nine: Stones of the Sea, Kasaysayan vol. 2, pp. 127-143. 2. Teodosio, S.F.R. 2005. The Phenomenology of the Lumang Bauan Landscape. Philippine Quarterly of Culture and Society 33(2005):32-56. Gawain: Symposium; pagsasanay Teyorya sa Arkeolohiya (3 oras)

Layunin: Maipaliwanag ang mga piling teyorya at konsepto sa pagpapaliwanag ng pagbabago sa arkeolohiya. Mga sanggunian: 1. Renfrew, C. and P. Bahn. 2004. Archaeology: Theories, Methods and Practice. Fourth Edition. Thames and Hudson. London. Pp. 469-504. Gawain: Symposium; pagsasanay IV. ARKEOLOHIYA AT LIPUNAN Arkeolohiya Bilang Pamana (1.5 oras)

Matatawag na pamana ang mga bagay na pinagpapahalagahan natin. Sa pagpapahalagang itoy marami ang tumuturing sa bagay-arkeolohikal bilang yamang-kultural o cultural resources na may ginagampanan sa ating lipunan at dapat pangalagaan.

Mga layunin: Maipaliwanag ang konsepto ng pamana o heritage lalo na sa usapin ng arkeolohiya, at matukoy ang mga isyu na nakapaligid dito. Mga Sanggunian: 1. Aplin, G. 2002. Heritage: Identification, Conservation, and Management. Oxford University Press. Oxford. Pp. 1-17. (Tungkol sa konsepto ng Pamana) 2. Ronquillo, W.P. 1992. Philippine Archaeological Heritage: A disappearing resource. National Museum Papers 3(2):61-66. Gawain: Symposium; pagsasanay Ang Nakaraan Bilang Pelikula at Pasyalan (3 oras)

Sa huling paksa ng kursong ito ay sisilipin natin ang ilang paraan kung paano kinokonsumo ng publiko ang arkeolohiya. Ating inihahandog ang arkeolohiya bilang kinagigiliwang palabas, pati rin bilang pasyalan ng turista, at pag-uusapan din ang mga isyu na nakapaloob dito. Now na!

Mga layunin: 1. Matukoy ang mga elementong nagiging dahilan sa pagtangkilik ng publiko sa arkeolohiya, tulad ng sa pelikula at turismo; at 2. mailahad ang mga isyu tungkol sa popularisasyon ng arkeolohiya. Mga Posibleng Sanggunian: 1. Holtorf, C. 2007. Learning from Las Vegas: Archaeology in the Experience Economy. The SAA Archaeological Record 7(5):6-10. 2. Jorvik Viking Centre by YorkTV (www.youtube.com) 3. Medrana, J.G.L. 2011. Incorporating a tourism agenda in public archaeology work. Hukay 16:49-63. 4. Egypts Dilemma: Balancing Archaeology and Tourism by carlababb (www.youtube.com) Gawain: Symposium Culminating Activity (1.5 oras) Gawain: Pagbuo ng isang maliit na proyekto