P. 1
Ekonomiya ng Pilipinas

Ekonomiya ng Pilipinas

1.0

|Views: 6,918|Likes:
Ekonomiya ng Pilipinas
Ekonomiya ng Pilipinas

More info:

Categories:Types, Research
Published by: Maureen Joy Dagson Galingan on Jun 26, 2013
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

06/26/2015

pdf

text

original

KASAYSAYANG PANG-EKONOMIYA NG PILIPINAS Bago Dumating ang mga Kastila Bago dumating ang mga Kastila, masasabi

na may sariling sistemang pampulitika at pang-ekonomiya ang ating bansa.Dahil ang Pilipinas ay napaliligiran ng karagatan, ang mga sinaunang Pilipino ay naninirahan sa tabi ng dagat. Karamihan sa ating mga ninuno ay umaasa sa ating mga likas na yaman upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng tao. Dahil kakaunti pa lamang ang tao masasabi na wala pang gaanong kompetisyon. Ang sistemang pang-ekonomiya sa panahon na ito ay ang barter na kung saan hindi gumagamit ng salaping pangbayad ng produkto bagkus ay pagpapalitan ng produkto. Ang bansang Tsina ang kapalitan ng ating mga ninuno sa pamilihan. Dala ng mga Tsino ang porselana, banga, at seda kapalit ng produktong katutubo tulad ng pagkain at kagamitan. Panahon ng Kastila Sa pagdating ng mga Kastila, ipinakilala nila ang bagong sistema ng pamilihan. Nagmula sa simpleng sistema ng pagpapalitan ng kalakalan hanggang sa napalitan ito ng bagong sistemang ipinakilala ng mga Kastila sa ating mga ninuno noong 1521. Dahil sa patuloy na paglaki ng populasyon at pagdami ng pangangailangan ng tao at naging komplikado ang sistemang barter, ang pamahalaang kolonyal ay nagpakalat sa paggamit ng tansong barya na tinatawag na barilang Espanyol. Sila ang nagturo sa atin ng paggamit ng iba't ibang uri ng sinaunang teknolohiya sa pagtatanim tulad ng araro, suyod, at kawit. Sa kanilang pagdating, bumuo sila ng sistema ng pagtatanim at nagmistulang amo ng mga katutubo ang mga Kastila kaya lumaki ang pangangailangan dahil sa buwis na ipinapataw sa mga katutubong Pilipino. Napilitan silang magtanim sapagka't hindi na sapat ang dating kinamulatan sa paghahanapbuhay. Natutong gumawa ng produkto na sobra sa kanilang pangangailangan at ang mga sobrang ito ang siyang nagsilbing pambayad nila sa lahat ng uri ng buwis na ipinataw ng mga Kastila. Sa Simula, hindi kailangan ng pera sapagka't nagbabayad ang mga Pilipino ng buwis sa gusto nilang halaga. Sa panahong ito, nakilala ang reales na ginagamit ng mga Pilipino sa pagbabayad ng buwis sa halip na produkto, pero hindi nagbabayad ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa pamahalaan ng Kastila tulad ng cabeza de barangay. Dahil sa hindi husto ang kaalaman at hindi nakapag-aral ang mga Filipino noong panahon ng Kastila, nakaranas ng pag-aaubuso at diskriminasyon. Binigyang pabor ng mga Kastila ang mga tao na nagbibigay sa kanila ng benepisyo tulad na lamang ng mga Tsino sapagka't mas malaki ang buwis na kanilang binayaran. Nagkaroon din ng klasipikasyon sa estado ng tao noong panahon ng Kastila. Ang mga Pilipino ay tinawag na indio samantalang mestizo ang mga Pilipinong ang ama ay Tsino at ang ina ay Pilipino. Kung may kabutihan na naidulot ang mga Kastila sa ekonomiya ng Pilipinas, mayroon ding mga suliraning dulot ang sistemang ipinakilala ng mga Kastila. Nagkaroon ng sistema kung saan ang isang pueblo ay kailangang maglaan ng ilang bahagi sa kanilang produkto upang ipagbili sa pamahalaan. Pagkatapos ipunin ang mga nalikom na produkto, dadalhin ang mga galyon sa Acapulco, Mexico. Nagsimula ang sistemang ito mula ika-16 siglo at tumagal ito hanggang 1815. Tanging ang mga Kastila at Tsino lamang ang nakinabang sapagka't mula sa Tsina ang mga produktong dinadala sa Acapulco ng mga galyong dumadaan sa Pilipinas. Hindi pinapayagang bumili basta basta ng produkto ang sinumang tao kung walang reales comfras, tawag sa salaping pambayad sa binibiling produkto sa galyon. Hiniling din ng pamahalaang Kastila na magbigay ng kontribusyon sa mga simbahan ang mga katutubong Filipino tuwing may pista at mahahalagang okasyon na pinagdiriwang sa kanilang nayon. Inatasan ng pamahalaang Kastila na magtrabaho ang mga kalalakihan sa loob ng apatnapung araw para sa pamahalaan ng walang bayad. Tinatawag itong poloy servicios o forced

mabilis na umunlad ang industriya ng Pilipinas. ang pitumpong porsiyento ng ani ay mapupunta sa nagmamay-ari ng lupa at ang naiwang bahagi ay ilalaan para sa mga magsasaka. palay. Dahil sa matinding kahirapang naranasan ng mga tao nawalan sila ng pinagkakitaan. walang nagawa kundi tanggapin ang kanilang kalagayan. Upang makabangon at makapagsimula ng bagong sistema. Panahong Komonwelt Noong 1934. kasabay naman nito ang pag-usbong ng sistemang enkomyenda. Dahil walang kaalaman ang mga katutubong Pilipino ukol dito. at iba pang produkto. tabako. Dahil dito. lumaganap ang monopolyo ng tabako. Winasak ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1941-1945 ang malalawak na lupain na pinagkukunan ng kabuhayan ng mga Pilipino. Panahon ng Hapones Sa panahong dumating ang mga Hapones sa bansa. Layunin nito na pangalagaan at pangasiwaan ang operasyon ng mga industriya ng bigas. Sa pamamagitan ng mga patakarang panlabas na ipinatupad ng Amerika tulad ng Payne Aidrich Act at Underwood Simmons Tariff Act. umunlad ang pagtatanim ng abaka. Dito nagsimula ang pangangamkam ng lupa at ang paglawak ng pagtatayo ng hacienda. Sa panunungkulan ng mga Amerikano. at lumago ang produkro nn nagmumula sa agrikultura. binigyang-halaga ang paggamit ng kalabaw sa pagtatanim. Bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa digmaan.2 o National Economic Council upang magsilbing tagapayo ng pamahalaan ukol sa mga isyung pang-ekonomiya ng bansa. ipinairal ang mga patakarang pangekonomiya: (1) sistema sa tenent farming — sa sistemang ito. nakilala ang Pilipinas ng mga mangangalakal na Europeo at nabuksan ang malayang kalakalan sa pagitan ng Ingles at Pilipino. Nakilala ang Pilipinas sa pagmimina ng ginto.labor. Sa panahon na umunlad ang Pilipinas sa paggamit ng lupa. Nagkaroon ng pagbabago sa sistemang pang-ekonomiya at pangpulitikal noong ranahon ng Kastila. sa pamamagitan ng Batas Tyding-McDutfie. asukal. pagkain. binigyaug-ganap ng Kongreso ng Amerika ang kasarinlan ng Pilipinas. umunlad ang agrikultura ng bansa at natuto ang mga tao ng pagtatanim ng bulakat mga sangkap sa pagkain tulad ng paminta. Sa administrayon niPangulong Roxas noong 1946-1948. Panahon ng Republika Pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig. Isa sa mga pangunahing suliranin ng Pilipinas ay ang pagbabangon sa bumagsak na ekonomiya ng bansa.Pinagtibay ng Asemblea Nasyonal ang Commonwealth Act No. humingi si Pangulong Manuel Roxas ng tulong sa Estados Unidos para simulan ang malawakang pagbabago sa ekonomiya ng bansa. Umusbong din ang pagmimina sa panahong ito. sinamantala ng mga mayayamang Espanyol ang halos lahat ng lupa. Naitatag din ang National Power Corporation upang niatugunan ang pangangailangan ng bansa sa elektrisidad. (2) pagbibigay . Hen. napilitan na silang ipagbili ang kanilang pag-aari upang sila ay mabuhay at bumaba ang halaga ng salaping Mickey Mouse Money na ipinalabas ng pamahalaang Hapon. Nagkaroon ng mga plantasyon. Sa panahon ding ito itinatag ang National Development Company. Umunlad ang pagsasaka at gumamit ng mga makabagong pamamaraan sa pagratanim at dahil dito lumaki ang produksiyon na nagdulot ng pag-unlad sa pamumuhay ng mga Pilipino. Isa si Gob. Nasira ang mga pananim. Sa pamamagitan ng kautusan ng Hari ng Espanya na iparehistro ang mga lupa. Dumating mula Espanya ang mamumuno sa bansa na tinatawag na Gobernador-Heneral. Sa panahon niya. masasabi na labis na nakaranas ng paghihirap ang mga Pilipino. humina at tuluyang tumigil ang produksiyon sa pabrika at nagkaroon ng kakapusan sa mga pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng damit. idineklara naman ang kasarinlan ng Pilipinas noong 1946. at tirahan. Ginawa ito para mapalakas ang kapakanan ng magsasaka at mahihirap sa kanyunan. Jose Basco Y Vargas na gumawa ng mga programa ukol sa ekonomiya ng bansa. Pamunuan ng mga Amerikano.

ang patakarang paghalili sa inangkat na produkto. Tinawag na dekontrol ang patakarang pang-ekonomiya ni Pang. pinagtibay ng Kongreso noong 1963 ang Batas Republika Big. Sa kaniyang administrasyon. 27 na nagtatakda ng pag-aari sa pitong ektarya ngpalayan at maisan. nagkaroon ng malaking pagbabago sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Ramon Magsaysay. at iba pa ay nanatiling nasa kontrol ng mga Amerikano. Si Pangulong Ferdinand E. Ang programang "Masagana 99" ang naglunsad ng bagong paraan sa pagsasaka at pag-unlad ng agrikultura. at proyektong imprastraktura. Pinagbuti din niya ang proyektong turismo at pangkultura sa Pilipinas.ng Parity Rights sa mga Amerikano — ito ay pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at Amerikano sa paglinang ng likas na kayamanan ng Pilipinas. gaya ng pagmimina. Dahil dito. Ngunit sa panahon din niya lumaki ang pagkakautang ng malaking halaga ang ating bansa na umabot sa $25 bilyon noong 1984 at lumaganap ang katiwalian at ang pagkontrol ng mga malalapit na kamag-anak at kaibigan ni Marcos sa iba't ibang produkto at serbisyo at mga korporasyong pag-aari ng pamahalaan. Garcia (1957-1961) ay nakilala sa patakarang pang-ekonomiyang "Pilipino Muna" na humihikayat sa mga negosyanteng Filipino na pumasok sa retail at dayuhang kalakalan. Sa administrasyon ni Pangulong Marcos napagtibay ang Atas ng Pangulo Blg. Binigyang-pansin din niya ang industriya ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagtataguyod ng Retail Nationalization Trade Act na nagpapahintulot sa mga negosyante ng pabebenta ng tingi-tingi lamang. Ipinatupad niya . Itinatag din sa panahon ni Roxas. paggawa ng mga beverage. 3844 o Agricultural Land Reform Code. (2) Land Reform Act — layunin nito na lutasin ang alitan sa pagitan ng magsasaka at ang may-ari ng lupa. Ayon kay Quirino. Kasabay ng pagbagsak ng pamahalaan ni Marcos ang hindi paglaki ng pambansang kita ng Pilipinas at pagkaranas natin ng krisis pang-ekonomiya. Naniniwala si Quirino na may kakayahan ang Pilipinas na magsarili upang tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino. Ipinatupad din niya ang Austerity Program sa layunin na matuto ang mga Pilipino na magtipid. Marcos ang may pinakamahabang panununungkulan bilang pangulo ng bansa.ang Rehabilitation and Finance Corporation upang mamahala sa distribusyon ng mga pautang at tulong na ipinagkaloob ng Estados Unidos sa rehabilitasyon ng ating bayan. Macapagal dahil sa pagkontrol ng inaangkat at salaping dayuhan na nagdulot ng malaking depisit sa balanse ng pandaigdigang bayarin ng Pilipinas. at (4) paunlarin ang kalidad ng ani ng mga magsasaka. kayang tugunan ng bansa ang lumalalang depisit sa balanse ng mga pandaigdigang bayarin sa pamamagitan ng pagkontrol sa mga inangkat na produkto." Ang mga sumusunod ay ang pagbabagong pang-ekonomiya: (1) pagpapabuti sa kalagayan ng mga baryo. Sa panahon din niya napagbuti ang pagpapagawa ng mga kalsada. Dahil dito. Si Elpidio Quirino(1948-1953) ang nagpatuloy naman ng patakarang pangkabuhayan na naiwan ni Roxas. Nanumbalik . Si Pangulong Disdado Macapagal (1961-1965) ay nakilala sa kaniyang programa na "Isang Bagong Panahon" sa ekonomiya. Umabot ng dalawampung taon ang kaniyang panununungkulan (1966-1986). Si Pangulong Carlos P. (3) National Resettlement and Rehabilitation Administration — layunin nito na bigyan ng lupa ang walang lupa at paunlarin ang hangganan ng lupa. Taong 1954-1957. tulay. nagkaroon ng pagbagal sa pag-unlad ng produktong inililuluwas. Nakilala din ang Import Control Law noong 1950 na nagbigay ng malawak na kapangyarihan sa Bangko Sentral ng Pilipinas na higpitan ang ng dayuhang produkto sa bansa. maraming rnahalagang economic activities. Batas na nag-aalis ng sistemang kasama sa pagbubungkal ng lupa. kinilalang "Idolo ng Masa. Layunin ng programang ito na maging malaya ang ekonomiya ng Pilipinas sa kontrol ng mga dayuhang bansa tulad ng Estados Unidos.

at ang Local Government Code. Naipatupad ang patakarang nagtanggal sa mga monopolyo sa telekomunikasyon. Nagtipuntipon ang mga pinuno ng 18 bansang kaanib ng APEC upang magbalangkas ng mga hakbangin tungo sa pagpapaunlad ng kalakalan sa rehiyon. pagtatayo ng Presidential Commission on Good Government na kung saan layunin na makuha ang mga ninakaw na yaman ng bayan. Nakilala ang administrasyong Estrada sa programang "Erap Para sa Mahirap. Sa ilalim ni Pangulong Fidel V. Sa ilalim panunungkulan ni Pang. pinatalsik siya ng People Power Two Movement. at nakilala din siya sa "OFW-Bagong mga Bayani. at iba pang krimen. Ipinasa din ang Comprehensive Agrarian Reform Law. (3) paggamit ng badyet ng pamahalaan ng tama at pagpapatupad ng mga proyekto na makatutulong upang mapaunlad ang ipon ng bansa. Sa ilalim ng kaniyang administrasyon ay nagkaroon ng pandaigdigang pagbulusok at ang bansa ay nalugmok sa matinding kurapsiyon at katiwalian. Aquino (1986-1992). (2) pagpapalawak ng GNP ng 2-3%. paunlarin ang ekonomiya. pananalapi. Nangako din si Pang. (3) pagdadala ng produktong probinsiya sa lungsod upang. Ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit ang isa sa mga naging matagumpay na kumperensiyang idinaos dito sa bansa. Madidilim na pamana: ang ekonomya sa ilalim ni Arroyo In Filipino. Sa pamumuno ni Pang. Si Estrada ang kaunaunahang pangulong pinatalsik ng Kongreso." (2) pagpapaunlad ng ekonomiya ng mga iba't ibang rehiyon lalo na ang mga probinsiya. Arroyonaganap ang mga pandaigdigang pagpupulong ng mga bansa sa Asya tulad ng ASEAN Summit sa Cebu. Ang mga sumusunod ay ang: (1) pagtatanggal ng pork barrel. pagsusugal. Macapagal-Arroyo na tutulungan ang mahihirap. Estrada ang mga programa sa ilalim ng kaniyang administrasyon. at humarap sa parusang kamatayan. 2010 at 5:57 am . Inihalal ng mahihirap at isang idolo ng pelikula. Pinagbuti ang pakikipagkalakalan sa labas ng bansa at raganyaya ng mga dayuhang mamumuhunan." Sa kaniyang State of the Nation Address na "A Challenge of Unity for the Filipino Nation" noong July 1998. Ramos nagkaroon ng aktibong paggalaw ng ekonomiya ng Pilipinas. IBON Features on June 15.ang demokrasya sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Corazon C. nilitis.Si Gloria Macapagal-Arroyo ang ika-14 na presidente ng Pilipinas. at iba pang sector ng pamahalaan. Ang mga patakarang pang-ekonomiya na naganap sa ilalim ng administrasyon ni Pang. droga. Binigyang-pansin ng pamahalaan ang pagtatamo ng katayuan ng bansa na maging Newly Industrialized Country (NIC). mapataas ang GDP ng bansa. (4) pagtulong sa mga mamamayan mula sa kahirapan. naging mahina pa rin ang ekonomiya ng bansa. Ramos (1992-1998) nagkaroon ng pagbabago sa ekonomiya ng bansa. Sa ilalim ng kaniyang idministrasyon nakilala siya sa mga programa na (1) paghihikayat sa mga Pilipino na magtrabaho sa ibang bansa. (5) pagpapatupad ng Visiting Forces Agreement. Aquino ay ang pagsasapribado ng korporasyong dating pagmamay-ari ng pamahalaan. Noong Enero 2001. Aquino. Naging sentro rin ng ating bansa ng pagpupulong ng mga lider ng mga bansang nasa rehiyong Asia-Pacific. Si Joseph Estrada ang ika-13 pangulo ng Pilipinas. Nanumbalik ang institusyong pangdemokrasya at malayang kalakalan ang pakikisangkot ng pamahalaan sa pandaigdigang kalakalan. ipinahayag ni Pang. Ngunit dahil sa maraming pagtatangka na pabagsakin ang pamahalaan ni Pang. at lalabanan ang krimen.

tumaas ang insidente ng kahirapan.3 milyong walang-trabahong Pilipino bandang Enero ay pagtaas nang 730. 3.2% sa totoong termino mula 2001.4 milyong mas marami.1 milyong higit kaysa sa noong Enero 2001.2% (tinatama ang di pagbilang ng gubyerno sa milyun-milyong walang-trabahong Pilipino bilang ‗unemployed‘ mula 2005). nagpatuloy sa substansyal na pagyabong ang tubo ng pinakamalalaking korporasyon sa bansa at ang kayamanan ng pinakamayayaman nitong pamilya. Ang bilang ng walang-trabaho at kulang-sa-trabahong Pilipino ay tumaas sa 11.5% taun-taon ang upisyal na iniulat na pag-unlad sagross domestic product (GDP) sa ilalim ng administrasyong Arroyo (2001-2009) kumpara sa 3.4% sa ilalim ni Estrada (1998-2000). bumagsak ang tunay na kita ng sambahayan. at natulak palabas ng bansa ang pinakamaraming Pilipino sa kasaysayan. Ang mga pag-asa‘y naunsyami ng tuluy-tuloy na pagguho ng lokal na manupaktura at agrikultura. lulala ang di-pagkakapantay-pantay. Mas malala ang kalagayan ng mga Pilipino ngayon kaysa nang manungkulan si Pangulong Gloria Macapagal-arroyo siyam na taon na ang nakararaan. Subalit nagsasalita para sa sarili nila ang mga resulta. Ang 4.Ang kaliga-ligalig na pagkakaiba sa pagitan ng kayamanan ng iilan at kagalingan ng marami ang pinakanakapag-aalalang pamana na iniiwan ng panguluhang Arroyo – at kabilang sa pinakadambuhalang hamon na kailangang harapin ng papasok na administrasyon kung maghahatid ng anumang tunay na pagbabago.8% sa ilalim ni Ramos (1992-1997) at 2. . Binigyang-puri ng administrasyong Arroyo ang paglago ng ekonomya sa termino nito – na tinawag na pinakamahusay sa nakalipas na 30 taon – bilang ginintuang pamantayan ng gawain nito. Nagabereyds sa 4.9% sa ilalim ni Aquino (1986-1991). Ni Sonny Africa Lathalaing IBON – Maaalala ang administrasyong Arroyo sa pagkapabaya sa mga mahahalagang hakbang sa pag-unlad at pagsuong sa harap ng pag-unlad ng ekonomya. ang 7. Arroyo. ng mabilis na lumalalim na krisis pampinansya. at pabigong mga patakaran sa pandaigdigang kalakal at pamumuhunan.000 mula sa siyam na taong nakararaan. nang manungkulan si Pang. Tumitinding disempleyo at kahirapan Ang panahong 2001-2009 ang pinakamahabang panahon ng mataas na disempleyo sa kasaysayan ng bansa kung saan ang tunay na tantos ng disempleyo ay nag-abereyds ng mga 11. Lumapad ang ekonomya nang 47. Samantala. Ang kaliga-ligalig na pagkakaiba sa pagitan ng kayamanan ng iilan at kagalingan ng marami ang pinakanakapag-aalalang pamana na iniiwan ng panguluhang Arroyo – at kabilang sa pinakadambuhalang hamon na kailangang harapin ng papasok na administrasyon kung maghahatid ng anumang tunay na pagbabago. Nasa pinakamataas na tantos ang disempleyo.1 milyong kulang-sa-trabaho ay 2.4 milyon noong Enero 2010 na 3.

Sa kabilang banda.4 bilyon noong 2001 hanggang sa abereyds na P416. at mga 12. ang netong halaga ng 20 pinakamayayamang Pilipino lamang – kabilang ang malalapit na alyado ng mga Arroyo na sina Lucio Tan.000 na korporasyon sa bansa ay tumaas mula P116.6 miyon ang ―mga manggagawang sumusweldo‖ subalit walang nakasulat na kontrata.6 bilyon) na katumbas na ng pinagsama-samang kita sa taong iyon ng pinakamahihirap na 10.1 milyon sa loob ng parehong panahon at umabot sa 27.7 milyon noong 2006.9% noong 2001 na umabot sa 33.7 bilyon taun-taon sa panahong 2002-2008.May mga 877. Enrique Aboitiz at iba pa – a P801 bilyon (US$15. Ang pinakabagong datos sa kahirapan ay para sa 2006 kayat ang padron na ito ay naganap matagal pa bago ang kaguluhang pandaigdig at mga natural na kalamidad mula 2008 na lalo lamang magpapalaki sa mga numero. bumagsak ang tunay na kita ng mga sambahayan sa abereyds na 20% sa lahat ng nasarbey na tahanan mula 2000 hanggang 2006 – ang nakarekord na 19% taas sanominal income sa panahong iyon ay madaling nabawi ng 38% pagtaas sa mga presyo.6 milyon.3 milyon nitong Enero at ngayo‘y bumibilang nang isa sa tatlong trabaho. ang mas mataas na hangganan ng P86 ay dumodoble pa sa bilang ng Pilipinong nabibilang sa mahihirap. Subalit napakahina ng kalidad ng mga trabahong nalikha: 3. 12. Sa gayon.000 trabahong nalikha taun-taon mula Enero 2001 para umabot ng 36 milyon noong Enero 2010.6 milyong pagtaas). Ang bilang sa trabahong di-pultaym ay tumaas nang 3. Ang bilang ng mga mahihirap na pamilya ay tumaas nang 530.000 na pagtaas mula Enero 2001). Tumaas nang P5 lamang ang minimum na sahod sa NCR sa tunay na halaga sa loob ng halos isang dekadang panunungkulan ni Arroyo kumpara sa P82 noong panahon ni Aquino. Jr. Eduardo Cojuangco. Ito ay sa kapinsalaan ng 10 iba pang rehiyon na bawat isa‘y . Ang ipinangalandakang pag-unlad sa ekonomya ay nakakonsentra nang husto sa Metro Manila na nagtaas ang bahagi sa GDP ng bansa mula 30. Ang netong kita ng Top 1. nagisnan ng mga manggagawa ang pinakamaliit na pagtaas sa kanilang tunay na sahod sa ilalim ng administrasyong Arroyo kumpara sa iba pang gubyerno mula noong panahon ng diktadurang marcos.8 milyon at naging 12. Subalit ang upisyal na linya ng kahirapan ay P42 kada tao kada araw lamang noong 2006 na nakabibili lamang ng isang kilo ng bigas at isang itlog ng manok.1 milyon ang ―mga may-trabaho sa sariling puhunan‖ – mas yaong mga nasa impormal na sector (1. P16 noong panahon ni Ramos..642 o 13% mula 2. Tumaas ang insidente ng kahirapan kahit sa mababang upisyal na linya ng kahirapan ng gubyerno. at P22 ni Estrada (ang mga pigura ay inadyas ayon sa inflation batay sa mga presyo noong 2000).0% o sangkatlo ng pambansang ekonomya noong 2008. Ang bilang ng mahihirap na Pilipino ay tumaas nang 2.4 milyong pamilyang Pilipino.8 milyon ay ―di -bayad na nagtatrabaho sa pamilya‖ (585. Noong 2006. Enrique Razon. Lumalaking di-pagkakapantay-pantay Nananatiling masahol ang mg di-pagkakapantay-pantay sa bansa.000 at umabot sa 4.

Malapit nang mapantayan ng bilang ng mga kasambahay sa bansa ang bilang ng mga manggagawa nito sa manupaktura. Numipis naman sa 18. Ang labis na pagsandig ng bansa sa mga remitans ay umabot sa pinakamatataas na antas sa ilalim ni Arroyo at. Cagayan Valley. pitong beses na mas maraming trabahong pang-kasambahay ang nalikha sa loob ng parehong panahon – 107. Zamboanga Peninsula. ARMM at CARAGA.8% noong 2009 o kasing-liit ng bahagi nito noong 1950s.274 ha).505 (Ramos) at 839. Southern Tagalog. pero tulad rin ng mababang-halagang pagmamanupaktura para sa eksport at business processing outsourcing .730 ang nadagdag kada taon na umabot sa 2. Nananatili ang kahirapan sa kanayunan. Ramos (296. dahil sa mabagal na takbo ng repormang agraryo: ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng administrasyong Arroyo ay nakapagpamahagi lamang ng abereyds na 119. Lumikha lamang ang sector ng 15. Bumagsak ang bahagi ng manupaktura sa GDP sa 21.1% ng GDP ang sektor ng agrikultura o sa pinakamaliit nitong bahagi sa kasaysayan ng bansa.8 milyon nitong Enero. Central Luzon. Noong 2001 ang kita kada tao sa Metro Manila. Ang paghina ng lokal na manupaktura at agrikultura ay mainam na paliwanag sa matumal na pagkalikha ng mga trabaho.395 ha) at Aquino (169. Gumuguhong produksyong lokal Gumuho ang mga batayan para sa pagmomodernisa ng ekonomya.600 trabahong agrikultural lamang ang nalikha na umabot sa 11. Pagdating ng 2008. 713.301 ektarya taun-taon (2001-2008) na mas maliit kaysa sa ilalim ni Estrada (121. Sa nakaraang siyam na taon. Davao. ay walong (8) beses kaysa sa pinakamahirap na rehiyong ARMM.900 Pilipinong umaalis araw-araw.370 trabaho taun-taon mula Enero 2001 na umabot nang 3 milyon noong 2010.bumagsak ang bahagi sa GDP – Cordillera. Binibigyang-diin din kung papaano mula 2001-2009 napwersang mangibang-bansa ang pinakamaraming Pilipino sa kasaysayan ng Pilipinas.709 (Aquino). 172. Nagsanhi itong ibayong lumaki ang pagkakaiba-iba sa kita. ang pinakamayamang rehiyon. Eastern Visayas. 1. ang Northern Mindanao at SOCCSKSARGEN. ay umabot sa pambihirang antas na katumbas ng 10% ng GDP.063 ha). Ang pagpapangibangbansa sa ilalim ng administrasyong Arroyo ay nag-abereyds nang 1. ang kita kada tao sa Metro Manila ay naging 12 beses kumpara sa ARMM. Kabaligtaran. na karamiha‘y mababa – o wala man lamang – sahod. bukod sa iba pang dahilan. ang bawat isa‘y tumaas nang 1% ang bahagi sa GDP.324 (Estrada). Ilocos. Dalawang ibang rehiyon lamang.42 milyon ang nadeploy noong nakaraang taon na katumbas ng halos 3.1 milyon noong nakaraang Enero. noong 2005.04 milyon taun-taon kumpara sa 469. Ang pagguho ng pambansang produksyon ay sumasanhi rin ng labis na pag-depende sa mga panlabas na mapaghuhugutan ng pag-unlad – laluna ang trabaho sa labas ng bansa.

Mga pagkakamali sa patakaran May mga pandaigdigang pangyayari nitong mga nakaraang taon na labas sa kontrol ng administrasyon. Ito‘y matapos pang mabayaran ang P5.3% lamang ng kabuuang empleyo at 2% lamang ng GDP. Lalabas ang administrasyong Arroyo sa pinakamatarik na pagtaas ng depisito ng pambansang gubyrno sa kasaysayan ng bansa– P286 bilyon o 2. Epektibo nang umutang nang P243 bilyon taun-taon ang administrasyong Arroyo mula nang manungkulan. mababang kita sa kanayunan. . mga insentiba sa dayuhang pamumuhunan. o higit doble ng P2. Nagpapamana rin ito ng mabigat na pasaning utang na umabot na sa P4. pinapasan ito sa mahihirap (gaya ng RVAT) at pinagaang ang pasanin ng mga may kakayahan naming magbayad (gaya ng pagpapababa ng buwis sa kita ng mga korporasyon). Halos hindi makahabol ang pagsisikap sa pagbubuwis ng gubyerno sa nominal na pag-unlad sa gross national product at ang mga hakbang na panakip-butas lamang – gaya ng ratsadang pribatisasyon – kabilang ang pagbebenta noong 2007 ng kasing-laki ng benta sa nakaraang 15 taon ng tatlong administrasyon – ang pansamantalang nagpamukhang nasa lugar naman ang mga repormang piskal.5 bilyon noong 2009. Subalit ang sektor ay babahagyang bahagi lamang ng ekonomya at noong 2001 ay 1. Halimbawa.17 trilyong utang na namana mula sa gubyernong Estrada. Gayunman.36 trilyon noong Pebrero 2010. Ramos at Estrada.4 bilyon noong 2007 hanggang P298.000 empleyado at US$56 milyong kita noong 2001 papuntang 442. Ito‘y bukod pa sa pinakamasasama nang depisito sa pinagsama-samang depisito ng pambansang gubyerno ng P1. Samantala ang pinakamahahalagang pinagmumulan ng problema sa depisito ay hindi hinarap: korapsyon at katiwalian.1 trilyon sa pagseserbisyo ng utang mula 2001-2009 na halos triple ng P1.164 empleyado at US$7.300% na pagtaas sa loob lamang ng dalawang taon mula P12. liberalisasyon sa kalakal. Subalit ang mga aktibidad na ito sa esensya ay hindi kaugnay ng pambansang ekonomya at hindi nakakapag-ambag sa anumang malawakang-saklaw na dinamismong pang-ekonomya. Ramos at Estrada (P422 bilyon).35 trilyon sa loob ng 2001-2009 o higit pa sa triple ng pinagsama-samang mga depisito ng mga administrasyong Aquino. langis at pinansya kundi dahil sa mga maling patakaran sa ekonomya. Ginawang lalong regresibo ng administrasyong Arroyo ang sistema sa pagbubuwis ng bansa. di-produktibong pagbabayad-utang at lumobong gastusing-militar. at lumolobong impormal na ekonomyang serbisyo. pagbagsak ng manupaktura. ang mga BPO ay ipinangalandakang mabilis na lumalago mula 5.8 bilyong pinagsama-samang bayad-utang sa loob ng 15 taon ng mga administrasyong Aguino.2 bilyong kita noong 2009. naroon na ang mga suliranin bago pa nito – mahinang pag-unlad sa trabaho.(BPO). Mga suliraning piskal Malinaw ring walang ginawa upang harapin ang mga ugat na sanhi ng mga problemang piskal ng bansa. Ang mga suliraning ito ay hindi pangunahing dahil sa sunud-sunod na krisis sa pagkain.

Kailangan ding tanggapin na ang pagdepende sa pamilihan. Lahat ito‘y ginawang lalong bulnerable ang Pilipinas at mas nakabulatlat higit kailanman sa ekonomyang global. Kailangang magkaroon ng pag-amin na ang mga patakarang pang-ekonomya ng nakaraan ay bigo at na kinakailangan ng masinsing pagbagbago. World Trade Organization (WTO) at iba pa ay pinasok. na tunay naming lumala. Kahit ang korapsyon. at dayuhang mamumuhunan na kusang maghatid ng pag-unlad ay isang malaking pagkakamali. Ang makabuluhang pagbabaha-bahagi ng kita at yaman ay matagal nang dapat naisagawa.Itinulak ng administrasyong Arroyo ang estratehiyang pang-ekonomya na itinindig sa mga patakarang ‗malayang pamilihan‘ ng globalisasyon – pag-alis ng sagka sa kalakal. Sinasagkaan din ng mga ito ang makabuluhang pagsulong sa pamamagitan ng paghadlang sa makabayang pagklikha ng mga patakarang pang-ekonomya. Subalit bagaman mabigat. Itong masasaklaw na hakbang na ito ang pinakamalalaking salik sa likod ng masahol na suliraning pang-ekonomya ng bansa at kinakailangang mabaligtad upang magkaroon ng pag-asang madirehe ang ekonomya patungo sa tunay na pag-unlad na panlipunan. kailangan ng progresibong pamumuno upang mabaligtad ang madidilim na pamana ng palabas na administrasyong Arroyo. Dapat harapin ang korapsyon. di-sustenableng pagpipinansya o eksternal na mapagmumulan ng paglago. Pagbabaligtad ng pamana Ang pamanang pang-ekonomya ng administrasyong Arroyo ang magiging pinakamalaking hadlang sa anumang pagsisikap na pabutihin ang kalagayan ng mamamayan. pagsapribado ng mga pampublikong gamit at serbisyong panlipunan. mga pribadong korporasyon. ang pagtakda ng direksyon patungo sa tunay. remintans. Lamang. Itinulak pa ng gubyerno na isarado ang isang kasunduan ng malayang kalakal sa United States (US). pagtanggal ng kontrol sa pamumuhunan. pati ng kalayaang kumilos nang halos walang obligasyong mag-ambag sa pag-unlad ng pambansang ekonomya. Ang mga kasunduan gaya ng Japan-Philippines Economic Partnership Agreement (JPEPA) at sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Lathalaing IBON . sustenable at matibay na pag-unlad sa ekonomya para sa bansa ay nagsisimula sa pagkilala sa mga realidad na ito at pagkilala sa batayang kahinaan ng pambansang ekonomya. subalit gayundin ang mga patakaran ng globalisasyon na nagresulta sa higit pang di-demokratikong ekonomya na ang mga rekurso at benepisyo ay nakokopo ng iilan. Agresibong niligawan ang mga dayuhang mamumuhunan at inengganyo ng galanteng mga insentiba. Ang mga imprastruktura sa transportasyon. Laluna. deregulasyon. hindi ito imposibleng maabot. ay hindi nakalikha ng gayong kapinsalaan. kuryente at tubig ay itinatag pangunahin para pagsilbihan ang pangangailangan ng malalaking dayuhan at lokal na interes sa negosyo. at tuluy-tuloy na pagbabayad-utang. Kailangang magkaroon ng higit na pagbibigay-diin sa pagpapanday ng solidong pundasyon ng pambansang ekonomya kaysa sumandig sa panandalia‘t pansamantalang mga hakbang.

Sa kabila ng agresibong mga patakarang pangungutang at paggasta ng pamahalaan ni Marcos. ang taunang aberaheng paglago sa GDP ay 1. siya ay nangakong magpapatupad mga repormang agrarian. Ang utang sa dayuhan ay kaunti sa 2 bilyong dolyar nang maging pangulo si Marcos noong 1965 ngunit umabot ng 28 bilyong dolyar nang mapatalsik siya sa pagkapangulo noong 1986. Ang turismo ay tumaas na nag-ambag sa paglago ng ekonomiya. Ayon sa ilang sanggunian.90 piso kada [33] dolyar ngunit bumagsak sa 19. Noong mga maagang 1980.8% lamang. Mula 1972 hanggang 1980. Ang mga repormang ito ay nagresulta sa matataas na mga tubo para sa mga transnasyonal na korporasyon ngunit pangkalahatang mapanganib sa mga maliit na magsasaka na kadalasang natutulak [34] sa kahirapan Pagkatapos ideklara ni Marcos ang Martial law noong 1972. Ang opisyal na palitan ng piso-dolyar noong 1965 ay 3. Ang karamihan ng mga turistang ito ay mga balikbayang Pilipino na bumalik sa ilalim ng . Ang malaking halaga ng mga utang pandayuhang utang na ito ay napunta sa bulsa ni Marcos at [39] kanyang mga crony.5%. Sa mga dalawang dekada ng pamumuno ni Marcos. Ang mga utang na ito ay kasalukuyang binabayaran ng mga nagbabayad ng [39] buwis hanggang 2025. ang industriya ay gumuho dahil ang [38] karamihan sa mga malalapitang mga kagubatan ay naubos na. ang mga stratehiya sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng Pilipinas ay binubuo ng rebolusyong berde. ang administrasyong Marcos ay nangutang ng salapi sa dayuhan. Sa ilalim ng rehimeng Marcos(1965-1986). ang mga reporma ng lupain na ito ay malaking nagsilbi upang pahinain ang mga kalaban sa lupain ni Marcos at hindi paliitin ang kawalang pantay sa [35][36] mga lugar rural.030 piso kada dolyar noong 1985. Ang karamihan ng utang na ito ay ginugol as pagpapabuti ng imprastruktura at pagtataguyod ng turismo. Ang kaunting pansin ay binigay sa mga epektong pangkapaligiran ng pagkakalbo ng mga kagubatan. ang Pilipinas ay nahuhuli sa mga iba pang bansa sa Timog Silangang Asya sa rate ng paglago ng GDP kada capita. Upang pondohan ang ilang mga proyekto ng pag-unlad sa ekonomiya gaya ng imprastruktura. ang Penn World Tables ay nag-ulat ng real na paglago sa GDP kada kapita na may aberaheng 3. Sa tulong ng mga pundasyongRockefeller at Ford Foundations ay dinala ni Marcos ang rebolusyong berde sa Pilipinas. ang taunang GDP [30] ng Pilipinas mula 1976 hanggang 1986 ay 1.Ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Marcos(19651986)[baguhin] Bago ng pamumuno ni Marcos noong mga 1951 hanggang 1965. Ang mga dayuhan ay inalukhan ng mga pabuyang eksempsiyon sa buwis at pribilehiyo ng paglalabas ng kanilang mga kinita sa kanilang salaping dayuhan. ang produksiyon sa agrikultura ay bumagsak ng mga [37] 30%. ang Pilipinas ang isa sa pinakamabigat na umuutang na bansa. Gayunpaman. Ang paglago sa ekonomiya ng Pilipinas ay malaking pinondohan ng tulong sa salapi ng Estados Unidos at ilang mga pangungutang sa dayuhan ng administrasyong Marcos. Ang mga taon ng maling pangangasiwa sa ekonomiya at pababago-bagong kondisyon sa politika noong rehimeng Marcos ang nag-ambag sa bumagal na pag[32] unlad ng ekonomiya ng Pilipinas. Sa panahong martial law.4% lamang. Iniulat ng World Bank na ang Pilipinas ay isa sa pinakamayamang ekonomiya sa Asya noong mga 1950 pagkatapos ng Hapon ngunit naging isa sa [31][32] pinakamahirap na bansa sa Asya ngayon. Ang isa sa mga pinakamahalagang programa pang ekonomiya ni Marcos ang Kilusang Kabuhayan at Kaunlaran na naglalayong itaguyod ang pag-unlad sa ekonomiya ng mga barangay sa pamamagitan ng paghikayat sa mga ito na magsagawa ng kanilang mga proyektong pangkabuhayan. Sa ilalim ni Marcos ang mga pagluluwas ng produktong kahoy ang isa sa mga pangunahing iniluluwas na produkto ng bansa. ang pagluluwas na agrikultura at kagubatan at pangungutang sa dayuhan. Ang mga kapital na dayuhan ay inanyayahan na mamuhunan sa ilang mga proyektong industriyal.

. World Bank.1 porsiyento noong 1970. Ang kawalang trabaho sa bansa ay lumobo mula 6.30% noong 1972 hanggang 12. Ang kawalang pantay sa sahod noong Martial law ay lumago dahil ang pinakamahirap na 60 porsiyento ng bansa ay kumukuha lamang ng 22.55% noong 1985. Ayon sa Family Income and Expenditure Survey na isinagawa 1965 hanggang 1985. ang ekonomiya ng Pilipinas ay nakaranas ng isang negatibong paglago mula 1984 at patuloy na bumagsak sa kabila ng mga pagsisikap ng administrasyon. at International Monetary Fund (IMF) para sa muling pag-iistruktura ng mga utang pandayuhan ng bansa upang magkaroon ng mas maraming panahon na mabayaran ang mga utang nito. Ang mga trend na ito ay kasabay ng mga akusasyon ng cronyism sa administrasyong Marcos dahil ang administrasyon ay nahaharap sa [42] mga tanong ng pagpapabor sa ilang mga kompanya na malapit kay Marcos.7 porsiyento noong 1980 na tumaas mula 37. Ang mga OFW na ito ay hindi lamang nakatulong sa pagpapaginhawa ng kawalang trabaho sa bansa sa mga panahong ito ngunit sumahod rin ng higit na kinakailangang foreign exchange para sa Pilipinas. ang talamak na korupsiyon sa loob ng pamahalaan ni Marcos at kawalan ng kredibilidad ni Marcos. si Marcos ay nakipag-ayos sa mga tagapagpautang na dayuhan kabilang ang International Bank for Reconstruction and Development.Balikbayan Program na inilunsad noong 1973. Ang isa pang pangunahing pinagkunan ng paglago ng ekonomiya ang mga remittance ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa(OFW) na dahil hindi makahanap ng mga trabaho sa sariling bansa ay naghanap at nakatagpo ng trabaho sa Gitnang [40] Silangan. Singapore at Hong Kong. ang insidensiya ng kahirapan sa Pilipinas ay tumaas mula 41 porsiyento noong 1965 hanggang 58.9 porsiyento noong 1985. Mismong nilihis ni Marcos ang malalaking bahagi ng salapi ng pamahalaan para sa mga pondong pangangampanya ng kanyang partido. Ang pagluluwas ng mga manggagawa sa ibang bansa ay isang [41] patakaran ni Marcos noong 1974. Ito ay maituturo sa mas mas mababang real na mga sahod pang-agrikultura at mas mababang mga sahod para sa wala at may kasanayang mga manggagawa. Sa pagtatangka ni Marcos na maglunsad ng isang programa ng muling pag-ahon ng ekonomiya. Inutos ni Marcos ang isang pagbawas sa mga paggasta ng pamahalaan at gumamit ng isang bahagi ng mga naipon upang pondohan ang Sariling Sikap na isang programang pangkabuhayang kanyang itinatag noong 1984. Ang kabiguang ito ay sanhi ng kaguluhang sibil.5 porsiyento ng sahod ng bansa noong 1980 na mababa mula sa 25 porsiyento noong 1970 samantalang ang pinakamayamang 10 porsiyento ng populasyon ay kumukuha ng mas malaking bahagi ng sahod ng bansa na 41. Gayunpaman. Ang real na mga sahod pang-agrikultura ay bumagsak ng mga 25 porsiyento mula sa kanilang 1961 lebel samantalang ang mga real na sahod para sa mga wala at may kasanayang trabahador ay nabawasan ng mga 1/3 ng kanilang 1962 lebel.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->