You are on page 1of 5

Pagpapasakop Sa Tao 1 Pedro 2:13-14 v13Alang-alang sa Panginoon, pasakop kayo sa lahat ng may kapangyarihan sa bayan: sa Emperador, ang pinakamataas

na kapangyarihan, v14at sa mga gobernador na sugo niya upang magparusa sa mga gumagawa ng masama at magparangal sa mga gumagawa ng matuwid. Mga Gawa 4:19-20 v18Kaya't muli nilang ipinatawag sina Pedro, at binalaan na huwag nang magsasalita o magtuturo pa tungkol kay Jesus. v19Subalit sumagot sina Pedro at Juan, "Kayo na po ang humatol kung alin ang matuwid sa paningin ng Diyos: ang sumunod sa inyo o ang sumunod sa Diyos. v20Hindi maaaring di namin ipahayag ang aming nakita't narinig." Mga Gawa 5:29 v29Ngunit sumagot si Pedro at ang ibang mga apostol, "Ang Diyos ang dapat naming sundin, hindi ang tao.

Aspeto Ng Pagpapasakop 1. Sa Diyos Sa Kanyang Paghahari Mateo 6:33 2. Kay Jesus Cristo bilang Haring itinalaga na nagbigay ng Misyon at Halimbawa. (Mateo 28:19-20) 3. Sa Espiritu Santo at Aral Ng Banal Na Kasulatan (Roma 8:14) 4. Sa Iglesya at sa Kanyang Ministro o Tagapaglingkod Upang Ihanda tayong lahat sa Panglilingkod (Efeso 4:11-16) 5. Sa Iyong Pamilya (Gen.18:19) 6. Sa Mga Nangangailangan (Sant.1:27) 7. Sa Buong Mundo (Gen.1:26-28)

Celebration of Discipline
The Path to Spiritual Growth

The Outward Disciplines: Submission (Pagpapasakop)


v21Pasakop kayo sa isa't isa bilang tanda ng inyong paggalang kay Cristo." (Efeso 5:21)

Ang pagpapailalim ang isa sa mga pinakailangan upang maisagawa ang mga nauna at mga susunod pang mga disiplina. Magagawa lang natin ang panalangin at pag-aayuno kung tayoy may pagpapasakop sa kapangyarihan ng Diyos. Magagawa lang natin mag-lingkod kung nagpapailalim tayo una sa Diyos at gayundin sa taong ating paglilingkuran. Bagamat napakahalaga ng disiplinang ito, ito rin ang isa sa pinaka-aabuso ng marami. Dahil sa kapangyarihan dulot nito, maraming mga reliyon ang gumamit sa ganitong disiplina upang manipulahin ang marami nilang mga kaanib. Dahil na rin sa masamang dulot sa pag-abuso ng ilan sa gawaing pagpapasakop, marami tuloy ang ayaw nang magpasakop. Ito ay isa na namang halimbawa na kayang baluktutin ng Kadiliman ang anumang mabuting biyaya ng Diyos kung hindi tayo magsisikap na alamin kung ano ang kalooban ng Diyos. Gaya ng sinabi sa Roma 12:1 v1Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buhay, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapatdapat na pagsambaa ninyo sa Diyos.

Kalayaang Dulot Ng Pagpapasakop Kung magpapailalim tayo sa anumang tamang disiplina nagdudulot ito ng kalayaan na magbibigay kasaganahan at kapayapaan sa ating pamumuhay. Pansinin na lamang kung ang iyong anak o maging ikaw ay magpapasakop sa gawaing pag ehersisyo araw-araw at pagkain ng masusustansiyang pagkain. Bagamat mas nais mong mabuhay ng walang pakialam sa anumang ehersisyo, kumain ng anumang nais ng bibig at tiyan mo. Nagpapasakop ka, na kahit ayaw ng iyong katawan ay nilulupig mo ito at nag ehersisyo sa oras at araw na iyong itinakda. Bagamat ayaw ng iyong panglasa sa ibang uri ng masusustansiyang pagkain, kakain ka hindi dahil sa lasa kundi dahil sa kalusugan dulot nito sa iyo. Maging sa espiritwal na aspeto kinakailangan ang pagpapasakop. Ito ang paglalarawang ginamit ni apostol Pablo tungkol sa buhay Cristiano; 1 Corinto 9:23-27 v23Ginagawa ko ang lahat ng ito alang-alang sa Magandang Balita, upang makabahagi ako sa mga pagpapala nito. v24Alam ninyong ang mga kalahok sa paligsahan ay tumatakbong lahat, ngunit iisa lamang ang nagkakamit ng gantimpala! Kaya't pagbutihin ninyo ang pagtakbo upang kamtan ninyo ang gantimpala. v 25Lahat ng manlalarong nagsasanay ay may disiplina sa lahat ng bagay upang magkamit ng isang gantimpalang panandalian lamang. Ngunit ang gantimpalang hinahangad natin ay panghabang panahon. v26Hindi ako tumatakbo nang walang patutunguhan at hindi ako sumusuntok sa hangin. v27Subalit sinasanay ko at sinusupil ang aking katawan, upang sa gayo'y hindi ako maalis sa paligsahan pagkatapos kong mangaral sa iba. 4

Ano Nga Ba Ang Pagpapasakop Ang disiplina ng Pagpapasakop ay kasanayang hindi igiit ang anumang ating pagnanasa at layunin upang lubusang magpa-ilalim sa kalooban ng Diyos. Mapapansin kung wala ang disiplinang ito ang isang tao ay hindi mapakali, naiiinis, nagagalit, hanggan sa mapoot at sumiklab sa galit. Ang mga taong mayroon nito ay may kakayahang bitiwan ang anumang nasa kanyang isip at malayang magtiwala sa Diyos. Ang pundasyon ng disiplinang ito ay ang pangunahing aral ng Panginoon tungkol sa pagkakaila ng sarili. Markos 8:34-35 v34Pinalapit ni Jesus ang mga tao at ang kanyang mga alagad, at sinabi sa kanila, "Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin. v35Ang sinumang nagnanais na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Magandang Balita ay magkakamit nito. Mateo 26:41-43 v41Magbantay kayo at manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso. Ang espiritu'y nakahanda ngunit ang laman ay mahina." v42Muli siyang lumayo at nanalangin, "Ama ko, kung hindi po maaaring maialis ang kopang ito malibang inumin ko, mangyari nawa ang inyong kalooban." v43Muli siyang nagbalik at nakita na naman niyang natutulog sila, sapagkat sila'y antok na antok. Juan 21:19 v18Pakatandaan mo: noong bata ka pa, ikaw ang nagbibihis sa iyong sarili at pumupunta ka kung saan mo gusto. Ngunit pagtanda mo, iuunat mo ang iyong mga kamay at iba ang magbibihis sa iyo at dadalhin ka sa lugar na di mo gusto. v19Sinabi niya ito upang ipahiwatig kung paanong mamamatay si Pedro at kung paano niya pararangalan ang Diyos. Pagkatapos, sinabi sa kanya ni Jesus, Sumunod ka sa akin!

<<<<

You might also like