Counter SONA Senate President Juan Ponce Enrile; Speaker Feliciano Belmonte; Bise Presidente Jejomar Binay; mga

dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Joseph Ejercito Estrada; ang ating mga kagalang-galang na mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang- galang na kagawad ng kalipunang diplomatiko; mga kagalang- galang na miyembro ng Kamara de Representante at ng Senado; mga pinuno ng pamahalaang lokal; mga miyembro ng ating Gabinete; mga unipormadong kasapi ng militar at kapulisan; mga kapwa kong nagseserbisyo sa taumbayan; at, siyempre, sa akin pong mga boss, magandang hapon po sa inyong lahat. Maupo ho tayo. Ito na po ang magiging pang-apat na SONA ng ating presidente na si PNOY. Hingid po sa ating kaalaman na sa naunang tatlo niang SONA ay marami na po siang naipangako na kanyang gagawin. Halina’ t siyasatin natin ang mga ito isa- isa. Noong nakarang SONA niya noong 2012, sinabi niya na Ang dating sick man of Asia, ngayon, punung-puno na ng sigla. Nang nagkaroon tayo ng positive credit rating action, ang sabi ng iba, tsamba. Ngayong walo na po sila, tsamba pa rin kaya? [Applause] Sa Philippine Stock Exchange index, nang una nating nahigitan ang 4,000 na index, may mga nagduda. Ngayon, sa dami ng alltime high, pati economic managers, nahirapan yata sa pagbilang, at ako rin po ay nagulat: nakakaapatnapu’t apat na pala tayo, at bihira na ng bumaba sa 5,000 ang index. [Applause] Nito pong first quarter ng 2012, ang GDP growth natin, 6.4 percent; milya-milya ang layo niyan sa mga prediksyon, at pinakamataas sa buong Southeast Asian region; pangalawa po ito sa Asya, sunod lang tayo sa Tsina. [Applause ] Ano po ba ang GDP? Ang GDP o Gross Domestic Product ay ang mga produkto na naipapadala at naibebenta sa ibang bansa. Ang sabi ng iba, kapag mataas daw ang GDP ng isang bansa ay nangangahulugan na ito ay umuunlad na. Ngunit kung susuriin nating mabuti an gating kapaligiran, masasabi ba natin na tayo ay umuunlad na talaga? <interview? video> Noong 2012 din sinabi ni PNOY na magbibigay siya ng madaming trabaho sa mga Pilipino. Binanggit din niya na pababa na ng pababa ang unemployment rate sa bansa. Nang dumating si PNOY, eight percent ang unemployment rate. Naging 7.2 ito noong Abril ng 2011, at bumaba pa lalo sa 6.9 noong 2012, sa buwan rin ng Abril. [Applause]. Ngunit bumababa na ba talaga ang unemployment rate ng bansa? Dumadami na nga ba talaga ang may mga trabaho? Mayroon po akong nainterview na isang MMDA, Siya po ay si Robert Einstein. <video na nagwawalis> Siya ay isang MMDA na nagwawalis ng mahigit 5 oras kada araw. Pag dating ng hapon ay naglalaba siya ng mga damit. Masasabi ko po na ako ay may trabaho. Ngunit kahit sabihin natin na may trabaho ako, kulang talaga ang aking kinikita para sa 5 kong anak. Kulang na kulang po talaga ang 200 pesos kada araw para sa aking pamilya. <tapos> Ayun naman pala eh, Madami nga ang may mga trabaho ngunit kulang naman ang kanilang kinikita. Marahil tama nga ang sinasabi ni PNOY na bumababa na ang unemployment rate sa bansa. [laughter]

. Sa palagay nyo ba ay may pag-asa pa ang mga magsasaka na ilang taong nang hinihintay ang lupang dapat para sa kanila. Umpisa pa lang ng kanyang kampanya ay sinabi na nya na ipamamahagi na nya ang Hacienda sa taong 2014.Ilang taon na rin inaabangan ang pananaw ng ating pangulo ukol sa isyu ng pamamahagi ng Hacienda Luisita.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful