You are on page 1of 7

NOLI ME TANGERE

May handaan sa bahay ni Don Santiago de los Santos.


Maraming handa, Dumalo ang mga kaibigan at kakilala ng Don. Nagsidalo rin pati na
ang mga taong hindi inimbita. Masaya ang lahat sa nasabing pagtitipon. Kaya lamang
ay nauwi sa pagtatalo ang pagsasaya ng iba, tulad ng nangyari kina Padre Damaso at
sa tenyente ng guardia civil. Talo pa nila ang mga walang pinag-aralan. Marami
pang dapat na matutuhang kagandahang asal sa isang handaan ang ilan sa mga bisita.
Dumating mula sa Europa si Crisostomo Ibarra, anak ng mga namatay na si Don
Rafael. Hinangaan siya at binati ng maraming panauhin sa bahay ni Kapitan Tiyago.
Nagulat si Crisostomo Ibarra sa pagtatakwil ni Padre Damaso sa kanyang pag-aalaala
nang lapitan siya ni Tenyente Guevarra at purihin niyon ang kanyang ama.

Masaganang hapunan ang inihanda ni Kapitan Tiyago bilang pasasalamat sa Mahal na


Birhen sa pagdating ni Crisostomo Ibarra mula sa Europa. Ang pakikipag-usap ng
ilang panauhin kay Ibarra habang naghahapunan ay humangga sa pagsasalaysay niya ng
kanyang nakikinig sa kanyang pagsasalita, marami ang namasid at palagay tungkol sa
kalagayan ng mga bansang nalakbay na niya. Ang opinion ni Padre damaso ay
pagsasayang lamang ng salapi ang gayon. Nainsulto si si Ibarra sa ipinahayag ng
dating pari sa kanyang baying San Diego. Umalis siya nang hindi pa tapos ang
hapunan.

Isinalaysay ni Tenyente Guevarra kay Crisostomo Ibarra ang naging dahilan ng


pagkakabilanggo at pagkamatay ni Don Rafael. Dahil sa pagtatanggol ni Don Rafael
sa isang batang lalaking gusting saktan ng artilyero ay naitulak niya iyon.
Nabagok ang ulo ng artilyero. Hindi na yaon muling natauhan at tuluyan nang
namatay. Hinuli ng pulisya si Don Rafael Ibarra. Tumagal ang paglilitis ng kanyang
usapin hanggang sa namatay na siya sa loob ng bilangguan. Sa tinuluyang silid ni
Crisostomo Ibarra ay iba-ibang pangitain ang nakita niya sa kanyang isipan. Naging
abalang lubha ang kanyang pag-iisip sa malupit at malungkot na kapalrang sinapit
ng kanyang ama. Hindi na tuloy niya napag-ukulan ng pansin ang mga tanawing
makapagpapaligaya sa puso.

Mauuri ang mga taong naglalarawan sa pagkatao ni Kapitan Tiyago. May humahanga at
natutuwa sa kanya. May namimintas at naiinis. May mga nasusuklam dahil sa kanyang
mga pandaranas at katusuhan sa negosyo. Salapi ang ginagamit niya sa pagliligtas
ng kanyang kaluluwa. Marahil ay dahil sa pag-aakalng mabibili niya pati na ang
Diyos. Ngunit, ano man angkapintasan ng Kapitan Tiyago ay sinasabing mahal na
mahal niya ang anak na si Maria clara kahit na hindi niya kamukha iyon. Inakala ng
mga kamag-anak ni Kapitan Tiyago na gawa ng paglilihi sa mga santo ng asawa niyang
sa donya Pia ang pagka-mestisa ni Maria Clara. Sinasabi ring ang donya ang isa sa
mga dahilan ng lubhang pagyaman ng Don. Dumalaw si Crisostomo Ibarra sa kasintahan
niyang sa Maria clara sa bahay ni Kapitan Tiyago sa Binondo. Sa kaniling pag-
uulayaw sa balkonahe ay sinariwa ng magkasuyo ang masasaya at malulungkot nilang
karanasan nang sila nakalimot sa kanilang pagmamahalan, namagitan man ang pitong
taon nilang pagkakalayo. Dahil sa matamis nilnag pag-uulayaw ay muntik nang
malimutan ni Ibarra na kinabukasan ay muntik nang malimutan ni Ibarra na
kinabukasan ay Araw ng mga Patay. Kailangan niyang umuwi sa San Diego upang
dalawin ang libing ng kanyang amang si Don Rafael Ibarra.

Nasisiyahang pinanood ni Ibarra ang mga nadaraanan niyang mga tao�t bagay-bagay sa
mga lansangan at mga pook na banagtas ng kanyang karwahe mula sa Binondo. Itinulad
niya ang mga iyon sa mga naobserbahan niya sa kanyang paglalakbay sa mga bansa sa
Europa. Nasabi niyang higit na mauunlad ang mga bansa sa ibayong dagat kaysa sa
sarili niyang bayan. Kinausap ni Padre Damaso si kapitan tiyago tungkol sa isang
mahalagang bagay na sila pa lamang ang nakaaalam. Lubhang balisa si Kapitan Tiyago
bago at pagkatapos ng pag-uusap nila ni Padre Damaso. Samantala, ay isang
matandang pari sa kanilang korporasyon ang dinalaw ni Padre Sibyla. Nasabi ng
paring may sakit na kailangan nang magbago ng pamamalakad ang mga prayle sa
pilipinas sapagkat namumulat na ang isipan ng mga tao sa katotohanan. Dating isang
maliit na nayon lamang ang baying San Diego. Mayaman ito sa anking mga bukirin at
lupaing pinag-aanihan ng palay, asukal, kape, at prutas na naipagbibili sa iba
pang mga bayan. Bukod sa ilog na parang ahas gubat sa gitna ng luntiang bukid ay
angkin pa rin ng San diego ang isang gubat na nagtatago ng maraming alamat. Isa na
rito ang kwento ukol sa mga ninuno ni Crisostomo Ibarra.

Dadalawa ang talagang makapangyarihan sa bayan ng San Diego. Sila�y ang kura ng
kinatawan ng Papa sa Batikano, at ang alperes na kumakatawan sa mga tauhang sa
halip na mag-utos ay siyang inuutusan. Ang mga makapangyarihan. Todos los Santos.
Dumalaw si Crisostomo Ibarra sa libingan. Hinananap nila ng kasamang katulong ang
puntod ng kanyang amang si Don Rafael, ngunit hindi nila iyon natagpuan.
Isinalaysay ng sepulturero ang kahilahilakbot na nangyari sa bangay ng Don dahil s
autos ng �Malaking Kura�. Nilisan ni Ibarra ang libingan na gulong-gulo ang isp.
Diniian niya sa balikat ang nakasalubong ang kura sa pag-aakalng iyon ang humamak
sa bangkay ng kanyang ama. Kakaiba sa karaniwan ang mga kilos at paniniwala ni
Pilosong Tasyo. Kaya may mga nagbabansag sa kanyang pilososp at may nag-aakala
ring siya ay isang baliw. Sa mga ipinahayag niyang kaisipan ay mapupunang maka-
siyensya, amkatao, at maka-Diyos ang kanyang mga paniniwala sa buhay.

Mga sacristan sa simbahan ng San Diego sina Basilio at Crispin. Gabi na�y nasa sa
kampanaryo pa ang magkapatid. Away silang pauwiin ng sacristan mayor hangga�t
hindi nila naililitaw ang salaping ibinibintang sa kanila an ninakaw ni Crispin.
Pinag-uusapan ng magkapatid ang nararapat na gawin para makauwi na sila sa
kanilang ina nang dumating sa kampanaryo ang sacristan mayor. Kinaladkad niyong
pababa si Crispin at pinagsabihan si Basilio na huwag munang umuwi.

Maraming katangian si Sisa�mabuti at masasama. Nakaimpluwensya nang malaki sa


asawa ni Sisa ang nasasabing mga katangian. Sa pamagitan ni Sisa ay nailantad ni
Dr. Rizal ang mabubuti at masasamang katangian ng babaing Pilipina. Hindi
maitatanggi na ang masasamang kaangkinan ay nagbubunga rin ng masama. Sa pag-uwi
ni Basilio mula sa kumbento ay sinita siya ng guardia civil. Nagtatakbo siya nang
takot lalo pa nga�t hindi niya naintindihan ang itinanoing niyon ng Kastila.
Pinaputukan siya at nadaplisan ng balas sa noo. Binalak niyang iwan ang
pagsasacristan at pumasok na lamang bilang pastol kay Crisostomo Ibarra.
Ipinagtaka ng mga namamahala sa pista ang hindi pagpapahalik sa kanila ng kamay ng
pari. Samantala, napabilang si Sisa sa mga nagdudurusang kaluluwa nang malamang
wala sa kumbento ang susunduin sana niyang anak na si Crispin. Gayon na lamang ang
pagkabahala ni Sisa. Naipayak siay sa kusina ng kumbento kaya�t ipinagtabuyan siya
ng kusinero.

Nagtanong si Crisostomo Ibarra sa guro ng paaralan sa San Diego ng tungkol sa


problema sa edukasyon. Isinalaysay ng guro ang iba�t ibang problema pa rin ang
kahirapan ng mag-aaral at kakulanga sa mga kagamitan sa pagtuturo. Nakabibigat pa
sa lahat ng ito ang kawalan ng kalagayn ng guro sa kanyang pagtuturo at ang wikang
gamit sa panturo. May pulong sa tribunal ng San diego. Mga namumuno sa mga nayon
at bayan ang nagmimiting. Adyenda ng miting ang mga gagawing pagdidiriwang para sa
pista ng San diego. Naging mainitan ang pagtatalo sa mga mungkahing iniharap, lalo
na ang ukol sa balak na iminungkahi ni Don Filipo. Gayunam�y pinagtibay ang
munkahi ng isang karaniwang kasapi. Nang nagkakasundo na ang lahat tunkol sa
idaraos na mga pagdiriwang ay saka ipinaalam ng kapitan na hindi maisasagawa ang
pinagkasunduan ng dalawang partido sapagkat iba ang gusto ang kura para sa pista.
Si Sisa ang hunuli ng dalawang guadia civil dahil sa hindi natagpuan ang dalawa
niyang anak na pinagbintanggang magnanakaw. Gayon an lamang ang hiya ni Sisa nang
dalawang oras siyang makulong sa kwartel ng mga sundalo. Pinalay naman siya ng
alperes pagkat pakana lamang dawn g ura ang pagsusuplong kay Sisa. Maraming
pangyayaring pinatindi ng pagkakakita ni Sisa sa duguang kapirasong damit ni
Basilio � ang siyang nagging dahilan ng kanyang tuluyang pagkabaliw.

Dumating na sa San Diego sina Maria Clara at Tiya Isabel. Halos magkapasabay na
pumunta sa bahay ng dalaga sina Ibarra at padre Salvi. Gayunpaman ay nagbatian ang
dalawa. Inanyayahan ni Ibarra si Salvi sa piknik na gagawin sa gubat ng mga
magkakaibigang binat at dalaga sa San Diego. Tinanggap ng pari ang paanyaya.
Nagmamadaling nagpaalam si Ibarra sa kasintahan upang ihanda ang mga kailangan sa
piknik. Sa daan ay isang lalaki ang kumausap sa kanya. Natupad ang kahilingan ni
Maria Clara kay Ibarra na magpapiknik sa kanilang mga kaibigan. Dalawang bangkang
malaki ang pinangayan ni Ibarra. Ang mga ito ang ginamit nilang magkasama sa
pangingisda ng kanilang panananghalian at sa pagtawid sa lawa patungo sa gubat na
pagpipiknikan. Ang kasayahan ng magkakaibigan ay pinalungkot sandali ng inawit ni
Maria Clara. Nabahiran din iyon ng pangamba nang pumasok sa baklad na unang
pinangisdaan ang isang buwaya. Sa nasabing sitwasyon ay iniligtas sa kapahamakan
ni Ibarra ang piloting sumasagwan ng bangka ng kanilang sinasakyan. Sa gubat
idinaos ang masaganang pananghalian handa ni Crisostomo Ibarra para sa mga
panauhing inanyayahan sina padre Salvi at ang alperes o tenyenteng ng guardia
civil. Nagturuan-turuan sa pananagutan ang dalawang batang sacristan. Namagitan sa
kanila si Ibarra nang hindi na lumala pa ang pagkakakitang ng dalawa. Kinaawaan ng
mga nagsisipagpiknik si Sisa na nakarating sa gubat sa pagpapalabuy-laboy. Binalak
ni Ibarra na ipagamot si Sisa at ipahanap ang dalawang anak niyon. Sa pagtatapos
ng piknik ay dumating naman ang sarhento ng mg guardia civil. Hinanap nila ang
piloto na si Elias ang pangalan dahil sa pagkakagulpi niyon kay Padre Damaso at
dahil din sa pagkakahulog ng tenyente sa luba na puno ng putik.

Isang kubo sa tabi ng batis ang tinungo ni Elias, o piloto, pagpanggaling niya sa
piknik. Ang kaibigan niyang dalaga, si Salome, ang naninirahang mag-isa sa
nasabing kubo. Hindi malubos ang pag-iibigan ng dalawa dahil sa kahirapan nila ni
Salome ang kanilang magiging anak, kaya�t hindi niya pinigilan ang dalaga sa balak
niyong paglayo upang manirahan sa mga kamag-anak niyon sa Mindoro.

Sinadya ni Crisostomo Ibarra ang bahay ni Pilosopong Tasyo upang humingi ng payo
tungkol sa balak niyang pagtatayo ng paaralan sa San Diego. Unang ipinayo ni
Pilosopong Tasyo ang paglapit ni Ibarra sa kura upang isanguni ang plano. Bukod
ditto kailangan paring sumangguni ang binata sa iba pang makapangyarihan sa bayan.
Sa simula�y tinutulan ni Ibarra ang gayong mga payo. Ikinatwiran niyang mabuti ang
kanyang layunin kaya�t tiyak na magtatagumpay sa tulong ng ilang matitinong tao sa
bayan. Ipinaalaala ni Pilosopong Tasyo kay Ibarra na hindi maaaring makibagay sa
pari at iba pang makapangyarihan ang binata, ipinayo ni Pilosopong Tasyo na
isaisantabi na muna iyon ang balak sa pagpapatayo ng paaralan. Abala ang lahat sa
paghahanda para sa pista ng San Diego. Natatangiang mga pagkain ang inihanda sa
malalaki at maliliit mang bahay. Ang kasiglahan ay higit na kapansin-pansi sa mga
lansangan sinabitan ng mga papel na iba-iba ang kulay at pinaparadahan ng mga
banda ng musiko. Bukod sa paghahanda ng mga pagkain ay naghahanda rin paa sa isang
malakasang sugalan ang mayayaman. Tila tampok ng pista ang pagsisimula ng paggawa
para sa ipinatayong paaralan ni Crisostomo Ibarra. Gayon na lamang ang paghanga ng
marami sa binata dahil sa kapakipakinabang na proyekto niyon. Tanging si
pilosopong tasyo ang hindi malubos ang kasiyahan gawa ng kung anong pangitain
niya. Kagabihan ng bisperas ng pista sa San Diego ang kagandahan ng dalaga.
Tumingkad ang gayong kagandahan dahil sa anyang taglay na kabaitan at kagandahang-
loob. Pinaunayan ito ng iba�t ibang mga pangyayaring naganap sa kanilang
pamamasyal.

Tungol sa sulat ng kabanata 29. Dalawa sa nasabing sulat ang nagbabalita at


naglalarawan ng maulay na selebrasyon para sa pista ng San Diego gayong bispeas pa
lamang. Makikita ang mga kapintasan ng mga Pilipino sa gayong paglalarawan. Ang
isa ang isa pang sulat para kay Ibarra na mula kay Maria Clara. Punong ng pag-
aalaala at hinampo ang sulat ng dalaga. Araw ng pista sa San Diego. Masasasihan
ang iba-ibang bagay na ginanap bilang selebrasyon sa pista. Mga bagay na sa
palagay ni Pilosopong tasyo ang mga pagmamalabis na lalo lamang nagpapahirap sa
bayan, ngunit taun-taon ay pilit na ipinagagawa sa mga Pilipino para mapagtakpan
ang paghihirap ng bayan. Ni walang naipasok na pagbabago ang isang pinunong
Pilipino ng tulad ni Don Filipo, pagkat halimbawa siya ng mga pinunong
dinidiktahan ng mga dayuhan.

Nasa loob na nga simbahan ang mga mamamayan ng San Diego�ang mayayaman at
mahihirap, ang pinunong bayan at magbubukid. Masikip sa loob ng simbahan kaya�t
sarisaring dama sa buhay ng tao ang mapapanood. Saisari rin ang maraamdaman. Si
padre Salvia ng nagmisa at naging kapuna-puna ang madalas sa pagkawala niya sa
tono ng kanyang binigkas at kinakanta. Sa Maraming pangyayari ay naipamalas ni Dr.
Jose Rizal ang kanyang humor sa pagsulat. Punong-puno ng mga tao ang simbahan ng
San Diego. Maganda ang simula ng sermon ni Padre Damaso. Hinangaan ng marami ang
sermon lalo na ng mga paring naunang nagsermon. Naga-alaala ang mga iyon na
mahigitan ni Padre Damaso sa pagsesermon. Ngunit mga �barbaro� tuloy sila sa
paningin niyon. Lumalabas na tila nasang ang buong umaga ni Padre Damaso sa
pagsesermon. Isang lalaking may maputlang mukha ang nagprisenta sa namamahala ng
pagpapatayo ng paaralan. Naprisinta siyang magtayo ng panghugos na gagamitin sa
sermonya sa paglalagay ng pulok na bato sa itatayong paaalan sa San Diego. Mukhang
namang matibay at matatag ang itinayo niyang paghugos. Ngunit sa hinda malamang
dahilan ay bigla iyong nagiba at bumagsak nang si Ibarra na ang nasa huay sa
katapat ng panghugos. Kataka-taka in gang lalaking nagtayo nh panghugos ang
nabagsakan niyon, athindi si Ibarra.

Dumalaw sa tahanan ni Ibarra si Elias. Muli niyang pinaalalahanan ang binatang


mag-ingat sa mga kaaway niyon. Sa pag-uusap nina Elias at Ibarra ay pinagtakpan
nitong huli. Ang matatayog ng mga aisipang ipinahayag ng kahaap. Naunawaan ni
Ibarra na lalong tumindi ang pananalig ni Elias sa Diyos nang mawalan iyon ng
tiwala sa tao. Subalit ninais niyang maligtas sa kapahamakan si Ibarra para sa
kapakanan ng bayan. Maayos ang simula ng handaan. Sagana sa pagkain. Masigla ang
lahat. Pinasuan ng munting pag-aalala ang ilang makapangyarihan sa pagdating ng
telegramang mula sa gobernado-heneral. Gayon pa man ay nagpatuloy ang kasiglahan,
subalit muling nauntol sa pagdating ni Padre Damaso. Dinugtungan niyon ang mga
pagpaparungit na sinimulan sa anyang sermon sa simbahan. Nang banggitin niyang
muli ang tunkol sa alaala ni Don Rafael Ibarra ay hindi na nakapagpigil si
Cisostomo Ibara. Galit na galit na hinarap ng binata ang pari.

Kumalat ang balita tungkol sa nangyari kina Ibarra at Padre Damaso sa handaan.
Bawat grupo ng mamamayan ng San Diego ay iba ang nagging palagay sa dapat o hinda
dapat ginawa ni Ibarra at ng pari. Bawat isa�y humuhula rin sa iba pang mangyayari
dahil sa naganap sa dalawa. Ang mahihiap na magbubukid ang higit na nalulungot at
nag-aalaala dahil sa maaaring hindi na matuloy ang pagpapatayo ng paaralan. Hindi
na rin maaaring makapag-aaaral ang anilang mga anak. Pati sina Kapitan tiyago at
Maria Claa ay napasama o naapektuhan sa nangyai kina Padre Damaso at Ibarra.
Naeksumulgado si Ibarra. Pinagbilin naman si Kapitan tiyago na putulin ang
relasyon niyon kay Ibara at iurong na ang kasal nina Maria Clara at Ibarra.
Iniluluha ni Maria Clara ang nanganganib na pag-iibigan nila ng binat. Pinopoblema
naman ni Kapitan Tiyago ang malaking halagang utang niya kay Ibarra na kailangang
bayaran niya kaagad kung puputulinniya nag elasyon sa sana�y mamanugangin niya.

Dumating ang goberndor-heneral sa San Diego. Maraming humarap sa kanya upang


magbigay-galang. Isa na rito si Ibara na sadya niyang bayan at sa mga makabgong
ideya nito sa pamamalakad sa bayan. Hinangad niyang matulungan ang binat, ngunit
sinabi niyang maaaring hindi niya iyon laging magagawa. Inakit niyang manirahan si
Ibarra sa Espanya sapagkat nanghihinayang siya sa binata.

Hindi naipagsaya sa araw ng kapistahan ng San Diego si Donya Consolacion.


Pinagbawalan siyang magsimba ng kanyang asawa dsa ikinahihiya siya niyon. Nag-iisa
sa kanilang bahay si Donya Consolacion habang nagsasaya ang karamihan sa mga
mamamayan, kaya�t si Sisa ang napagbalingan niya at pinaglupitan.

Isa pang pagdidiriwang para sa kapistahan ng San Diego ang ginanap sa plasa. Ito�y
ang pagtatahanghal ng stage show. Sarisaring kilos at katangian ng iba-ibang uri
ng tao ang maoobserbahan sa dulaan. Maaming tao ang naligalig ngunit iba-iba ang
dahilan ng kanilang pagkakabalisa. Kaya�t ang magarbong pagdiriwang ay nagwakas sa
kaguluhan. Hindi makatulog si Ibarra dahil sa iba-ibang isipinag gumugulo sa kanya
kaya�t inumaga siya sa pagtitimpla ng kung anu-anong kemikal sa kanyang aklatan.
Naabala siya sa pagdating ni Elias na nagbabalita sa kanya ng patungo nito sa
Batangas at pagkakasait ni Maia Claa. Buong pusong pinasalamatan ni Ibarra si
Elias sa pagiging maalalahanin niyon. Kabaligtaran ng gayong kilos ang ipinamalas
niya sa ikalawang panauhin dahil sa nahalata niyang pangunguwarta niyon. Malungkot
noon sa bahay ni Kapitan Tiyago sapagkat may sakit si Maria Clara. Dahil ditto ay
naipatawag si Dr. Tibucio de Espada�a, na asawa ni Donya Victorina, upang siyang
tumingin kay may Maria Clara. Naging magasawa ni Don Tibucio at Donya Victorina
pagkat natugunan ng bawat isa sa kanila ang magkaiba nilang mahigpit na
pangngailangan. Mahuhulaan nang hindi kasiya-siya ang kanilang pagsasama dahil sa
nasabing dahilan ng pagkakasal nila sa isa�t isa. Isang bagong tauhan ang nakilala
sa kabanatang ito� si Alfonso Linares na inaanak ng bayaw ni Pade Damaso. Naging
administrado sana siya ng mga ari-arian ni Donya Victorina ung totoo lamnag ang
inamalita niyong pagdadalantao.

Labis na ikinalungkot ni Padre Damaso ang pagkakasakit ni Maria Claa. Nahalata ng


mga taong nakapaligid sa kanyang pagkabalisa. Tila nalibang lamang siay nang aunti
nang ipakilala sa kanya ni Donya Victorina ang binatang Kastilang si Alfonso
Linares. Waring nag-iisip si Pade Damaso nang makilala niya ang inaanak ng kanyang
bayaw na ipinagbilin sa kanya sa sulat nito. Samantala, takangtaka si Lucas nang
sigawan siya at ipagtabuyan ni Padre Salvi nang ibinalita niya rito ang pagbibigay
sa kanya ni Ibara ng limadaang pisong bayad-pinsala. Nabiant si Maria Claa
pagkatapos makapangumpisal at iba- iba ang hatol ng mga taong nakapaligid sa kanya
inihanda ni Tiya Isaabel si Maria Clara sa isang mabuting pangungumpisal na muli.
Siyang-siya si Tiya Isabel sa naitang pagluha ng dalaga pangkat nangangahulugan
iyon ng pagsisisi ayon sa kanya.

Isang matandang lalaking dating kumupkop kay Elias ang kasalukuyang nagtatago sa
mga abundukan sapagkat siya ay nagging rebelde laban sa pamahalaang Kastila.
Natagpuan siya ni Elias sa kanyang pinagtataguan at pinakiusapang magbagong-buhay.
Ipinaliwanag ni Elias na may mapakikiusapan siyang isang mayamang binata para
maging tagpagsalita nila sa Cortes sa Espanya tungkol sa mga karaingan ng mga
mamamayang naaapi sa Pilipinas tulad ng matandang lalai, Tandang Pablo.
Pinagduduhan ni Tandang Pablo kung papanigan ang mga naapi ng binata sapagkat iyon
ay mayaman, at ang mga mayayaman ay walang hangarin kundi ang lalong magpayaman.
Ang sabong ay bahagi na ng kultura ng mga Pilipino. Sa sugal na ito ay makiita ang
katangain at kapintasan ng mamamayang Pilipino. Hindi lang paglilibangan ang
nagaganap sa sabungan. Makikita rin na isang pook tiong panangyayarihan ng iba-
ibang klase ng pandaraya at pakana. Para itong baying kaikitaan ng mga taong
nagsasamantala at pinagsamantalahan.

Namasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio sa mga hayag na lansangan ng San
Diego. Nakakahawak pa ang donya sa asawa at may pagyayabang na mababakas sa
kanyang anyo. Kay, gayon na lamang ang kanyang pagkainis nang hindi siya pansinin
ng mga taong nakasalubong, lalo na nga ng omandante. Nagyaya na tuloy siyang
umuwi. Nag-away sila ni Donya Consolacion nang mapatapat silang mag-asawa sa bahay
ng komandante. Dahil sa nangyayaring pagkampi ng komandante kay Donya Consolacion
ay pinagbantaan ni Donya Victorina si Linaes na ibubunyag niya ang lihim ng binat
apag hindi niyon hinamon ng duwelo ang komandante. Dumating na muli sa San Diego
si Ibarra pagkatapos ng ilang araw na pag-aasikaso sa kanyang kaso. Napatawad siya
sa pagkaeskandalo ng mismong arsobispo. Kaagad niyang dinalaw si Maria upang
ibailta iyon. Ngunit tila may namagitang hindi pagkakaunawaan sa dalawa dahil sa
dinatnan ni Ibarra si Linares sa bahay ni Kapitan Tiyago. Samantala, nagtaka si
Ibarra nang Makita niyang nagtatrabaho si elias kay Maestor Juan gayong wala iyon
sa talaan ng mga manggagawa.

Dumating si Ibarra sa tipanan nila ni Elias. Habang namamangang patungo sa


kabilang bayan ay sinabi ni Elias kay Ibara ang mga karaingan ng mga
manghihimagsik. Inakala ni Elias na makatulong si Ibaa sa pagpapaating sa nasbing
mga kanilang palagay ni Ibara tungol sa guardia civil at oporasyong ng mga prayle.
Matapos na maibulalas ni Elias ang kasaysayan ng kanyang angkan. Nagulumihan si
Ibarra sa kanyang nairinig na alupitan ng tao sa kapwa tao. Hiniling ni Elias kay
Ibarra na manguna iyon sa pagpapaating ng mga karaingan ng mamamayan sa
pamahalaang Kastila sa Espanya upnag magkaroon ng pagbabago sa pamamalakad ng
pamahalaang sa Pilipinas. Tumanggi si Ibarra sa pag-aakalang hindi pa napapanahon
ang gayong kahilingan. Ipinasya ni Elias na tupain ang ipinangao niya ay Kapitan
Pablo.

May mga nagbagong-kilos sa ilan sa mga tauhan sa nobelang ito. Hindi pa matukoy
ang dahilan ng ilan din sa mga pagbabagong ito, lalo na ang may kinalaman kina
Maria Clara at Padre Salvi. Ngunit kapu-punang hindi nakabubuti para kay Maria
Clara ang mahiwagang nangyari sa kanya. Palihim na nagtungo si Lucas sa sementeryo
upang katagpuin ang ilan pang lalaki. Pinagbilinan ni Lucas ang mga iyon sa dapat
isigaw sa paglusob sa kuwartel at sa kumbento. Sinundan ni Elias si Lucas, at
inalam niya ang dahilan ng pagtatapu-tagpo sa sementeryo. Ngunit napilitan siyang
iwang mag-isa doon si Lucas nang makaharap na sila sapagkat natalo siya sa suhal
sa baraha.

Pinagtatalunan ng mga manang sa San Diego ang bilang ng kandilang may sinding
kanilang nakita o kunwari�y nakita nagdaang gabi. Iba-iba rin pakuhulugan ang
kanilang ibinigay sa gayong pangyayari. Samantala ay hindi ang mga kaluluwa sa
purgatoryo ang paksa ng usapan nina pilosopong Tasyo at Don Filipo, kundi ang pag-
unlad na sinasang-ayunan ng mga Heswita at hinahangaan sa Pilipinas, bagama�t
tatlong �daan taon na itong luma sa mga bansa sa Europa. Ayon kay padre Salvi ay
natuklasan niya sa pamamagitan ng isang babaeng nangumpisal sa kanya ang isang
malaking sanwatan laban sa pamahalaan at simbahan. Pinuntahan ng kura ang
komandante at isinumbong niya ang kanyang natuklasan. Pinagpayuhan niyang
magiangat at mahinahon sa pamaraan ang puno ng guardia civil para madakip at
mapagsalita ang mga may-pakana. Naghiwalay ang dalawang makapangyarihan na kapwa
umaasa sa tatamuhing pag-asenso sa tungkulin at parangal. Samantala, natuklasan
naman ni Elias ang pangalan ng taong siyang ugat ng lahat ng kasawian ng kanyang
mga kaanak.

Dumalaw si Ibarra kay Maria Clara kinagabihan. Ngunit papasok pa lamang siya sa
bulwagan ay umalingawngaw na ang sunod-sunod ng mga putukan mula sa kabayanan.
Takot at kalituhan ang naghari sa mga nasa tahanan ni Kapitan Tiyago, matangi kay
Ibarra. Nanaog siyang natitigilan. Nang makabalik siya sa kanyang bahay ay
naghanda siyang para sa pag-alis, subalit inabutan siya ng mga papeles ni Ibarra,
pagkat sinunog ni Elias ang kanyang bahay. Hindi iilang pala-palgay o sabi sabi
tungkol sa naganap na tungkol sa putukan ang kumalat sa kabayanan kinaumagahan.
Inilantad ng gayong pangyayari ang kalikasan ng pagkatao ng mamamayan. Mapupunanag
walang nagging mabuting palagay sa nangyari. Ang isa pang napapabalita ay tungkol
sa nagbigting lalaking may pilat sa bakurang malapit kina Sister Pute. Isang nag-
anyong magbubukid ang napansing nangingilala sa nagbigting lalaki. Siya si Elias
na nagtungo rin sa kumbento at nagpamisa. Sinabi niya sa sacristan mayor na ang
nasabing pamisa ay para sa isang malapit nang mamatay.

Dalawa sa mga lumusob sa kwartel ang nahuli nang buhay. Sinikap ng


komandante/alperes na imbestigahin sina tarsilio at Andong. Ipinaghihigante lamang
ni tarsilio ang kanyang amang pinatay sa palo ng gwardia civil. Wala nang ano mang
pahayag na nakuha si tarsilio kahit na nang timbain siya hanggang sa mamatay. Si
Andong na nagkataong nanabihan sa bakuran ng kwartel dahil sa inabot ng sakit na
tiyan ay pinalo at ipinakulong na muli ng komandante. Inilabas sa kulungan ng
munisipyo ang mga bilanggo upang dalhin sa ulumbuyan. Walang malamang gawin ang
kaanak ng bilanggo para makalya ang mga iyon. Tanging kay Ibarra lamng walang
nagmalasakit nang nang gayon. Sa halip ay inulan siya ng mga bato�t dumi ng kaanak
ng mga bilanggo. Isinisisi sa kanya ang lahat ng nangyaring mga kapahamakan.
Nakarating sa Maynila ang nangyaring kaguluhan sa San Diego na marami at iba-iba
na ang bersyon. Naging tampulan ng pamumuna ang mga tauhan sa pangyayari.
Nangunguna rito sina padre Salvi at Ibarra. Marami ring ipinaaalam na kalagayan sa
mamamayang Pilipino noon ang nangyari kay kapitan Tinong. Mahuhulaang inggit sa
kapwa at hindi lagging ang tunay na dahilan ang ikinapapahamak ng tao. Kadalsan
ding ang inaakalang walang magagawang pinsala ay siyang nakapagpapahamak sa kapwa.

Ipakakasal ni Kapitan Tiyago si Maria Clara kay Li�ares, isang kamag-anak ni Padre
Damaso, upang makatiyak siya ng tahimik na pamumuhay. Dahil dito�y nagging paksa
ng tsimis ang dalga. Pati si Tenyente Guevarra ay naghinala sa kanya. Ipaliwanag
ni Maria Clara kay Ibarra ang tunay na mga pangyayari na siyang dahilan ng
paglalayo nilang magkasintahan. Nagpatuloy sa pagtakas si Ibarra sa tulong ni
Elias. Ipinayo ni Elias sa kasama na mangibang bansa na. Ngunit may ibang balak si
Ibarra. Nais niyang makpaghihiganti sa mga taong nagsadlak sa kanya sa bilangguan
at sa mga humamak sa kanyang kapitan. Hindi sinag-ayunan ni Elias ang gayong balak
sapagkat maraming walang-malay ang maaaring madamay. Ipinasiya ni Ibarra ng ituloy
ang nasabing balak na hindi kasama si Elias. Nagpahatid siya sa bundok, pero
natuklasan na ang kanyang pagtakas at itinugis sila ng patruya at isa pang
bangkang lulan ang mga guardia civil. Tumalon sa lawa si Elias at nagpahabol sa
mga tumutugis upang makalayo ang bangkang kinahihigaan ni Ibarra.

Nabasa ni Maria Clara sa pahayagan ang balitang napatay si Ibarra sa tungisan sa


lawa. Ipinasya niyang huwag nang pakasal kay Li�ares ito�y ipinaalam niya kay
Padre Damaso. Minabuti pa ng dalagang magmongha pagkat wala na siyang pag-asang
mangunita man lamang si Ibarra. Nadama ni Padre Damaso ang bigat ng pakakasalang
nagawa niya sa pakikialam sa pag-iibigan nina Ibarra�t Maria Clara. Ipinagtapat
niya sa dalaga ang tunay na dahilan ng gayon niyang panghihimasok.

Bisperas ng Pasko. Napasalamat ang batang si Basilio sa mag-anak na kumupkop sa


kanya sa kabundukan. Nagpaalam na rin siya upang umuwi sa kanila. Nagpag-alaman
niyang nabaliw ang kanyang ina at nagpagala-gala sa bayan ng San Diego. Hinanap
niya iyon at nang magkita sila�y hindi siya kaagad nakilala ni Sisa kaya�t muli
iyong tumakas. Nakarating ang kanyang ina sa gubat. Nang noche buenang iyon ay isa
pang wari�y takas din ang dapat gawin ni Basilio. Iba-ibang klase ng kasawiang-
palad ang naganap sa buhay ng mga tauhan ng nobelang ito. Tanging ang
alperes/komandante ng guardia civil sa San diego ang matagumpay na nagbalik sa
Espanya at gayon din naman si Padre Salvi na nataas ng tungkulin. Sarisaring
balita ang kumalat kay Maria Clara � mga balitang hindi napatunayan pagkat
nilukuban ng maykapal na pader ng monasteryo ng Sta. Clara.

You might also like