You are on page 1of 113

Yunit 1: AKO AY NATATANGI

Panimula

Mga Layunin: Matapos ang pag-aaral ng Yunit 1, inaasahang magagawa mo ang sumusunod: 1. naipakikilala ang iyong sarili 2. nasasabi mo ang mga bagay na nanatili at nagbago sa iyong sarili mula nang isilang ka hanggang sa kasalukuyan 3. naihahambing mo ang iyong sariling kuwento ng buhay sa kuwento ng iyong kamag-aral; at 4. napahahalagahan at naipagmamalaki mo ang iyong sarili
1

Aralin 1: Pagkilala sa Sarili
Panimula

2

Aralin 1.1: Ang Aking Sarila
Pag-isipan Ano ang alam mo tungkol sa iyong sarili? Gawain 1 Maglaro muna tayo. Makinig sa panuto ng guro. Magpapangkatpangkat kayo ng iyong mga kamag-aral ayon sa sasabihin ng inyong guro. Sa larong ito, dapat ay masasabi mo ang iyong pangalan, kaarawan, edad, at tirahan.

Ano ang mga sinabi mo sa iyong mga kamagaral habang naglalaro? Anong mga pagkakataon kailangan mong sabihin ang iyong pangalan, kaarawan, edad at tirahan? Bakit dapat na alam mo ang iyong pangalan, kaarawan, edad, at tirahan?
3

Ano ang naramdaman mo matapos ibahagi sa iyong mga kamag-aral ang inyong inihandang dula? Ikaw. Makinig nang mabuti sa babasahin ng iyong guro. Bibigyan kayo nang sapat na oras upang maghanda at mag-ensayo. edad. Ipakita sa pamamagitan ng pagsasadula kung paano mo sasabihin ang iyong pangalan. kaarawan. naranasan mo na ba ang sitwasyong inyong ipinakita sa dula? 4 .Gawain 2 Magpangkat ng tig-aapat. Ibahagi sa klase ang inihandang dula. at tirahan.

Kailan ka pinanganak? Ipinanganak ako nonong ____________. 5 . Bago ka ba rito? Anong pangalan mo? Ang pangalan ko ay ______________ _________________.Gawain 3 Isulat sa patlang ang hinihinging impormasyon tungkol sa iyo.

Ilang taon ka na? Ako ay _______ taon na. Nawawal ka ba? Saan ka nakatira? Nakatira po ako sa _______________ _______________ ______________. 6 .

Gawain 4 Upang lubusang makilala ang iyong sarili. Tanungin ang iyong magulang o tagapag-alaga kung bakit ito ang ibinigay nilang pangalan sa iyo. Bakit po Jose ang pangalan ko? Isulat sa loob ng bituin ang iyong unang pangalan. Halimbawa. pareho ang araw ng kapanganakan namin ni Jose Rizal. Dahil pareho ang araw ng kapanganakan ninyo ni Jose Rizal. isang maipagmamalaking Pilipino. 7 . Jose. Isulat naman sa loob ng bilog ang dahilan kung bakit ito ang ibinigay sa iyong pangalan. Halimbawa. isang maipagmamalakin g Pilipino. alamin ang pinagmulan ng iyong pangalan.

. Humingi ng tulong sa iyong magulang o kasama sa bahay sa pagsagot nito.JOSE Pareho ang araw ng kapanganakan namin ni Jose Rizal. isang maipagmamalaking Pilipino. _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ 8 _______________________ .

Magpatulong sa iyong guro sa paglalagay ng tali. kaklase. kaarawan. at tirahan. Magagamit mo ang mga ito sa pagpapakilala sa mga bagong kaibigan. Isuot ito tuwing oras ng klase. Kulayan ito ng iyong paboritong kulay. 9 . gumawa ng name tag na nakasulat ang pinakagusto mong pangalan. JOSE Tandaan Mahalagang malaman mo ang iyong iyong pangalan. alin ang pinakagusto mong itinatawag sa iyo? Sa isang malinis na papel. edad.Gawain 5 Ano ang mga pangalang itinatawag sa iyo ng iyong magulang o mga kaibigan bukod sa unang pangalan mo? Sa mga pangalang ito. at kalaro.

Pagkatapos mong gumuhit.Aralin 1. Ibahagi sa klase ang iyong ginawa.2: Ako ay Katangi-tangi Pag-isipan Paano mo ilalarawan ang iyong sarili? Ano ang mga pisikal mong katangian na naiiba sa ibang tao sa iyong paligid? Gagawan 1 Kumuha ng isang malinis na papel at iguhit ang iyong sarili. isulat ang iyong pangalan sa ibabang bahagi ng iginuhit na larawan. 10 .

Bakit hindi magkakapareho ang inyong mga iginuhit? Ano ang kaibahan ng iginuhit mo sa mga ginawa ng iyong mga kamag-aral? 11 .Kasama ang iyong mga kamag-aral. Ano ang naramdaman mo habang – a) iginuguhit ang iyong sarili? b) binabahagi ang iyong iginuhit? c) nakikinig ka sa pagbabahagi ng iyong mga kamag-aral? Ano ang napansin mo sa iyong iginuhit? Ilarawan ito. ipaskil ang inyong iginuhit sa isang bahagi ng silid-aralan.

Subukan mong ikumpara ang iyong thumb print sa iyong mga kamag-aral. 12 . Matapos kulayan ang inyong hinlalaki. Lahat tayo ay may thumb print tulad ng tinitingnan ng imbestigador sa larawan. Kumuha ng isang malinis na papel at maghanap ng maaring ipangkulay sa inyong hinlalaki.Gawain 2 Napagmasdan mo na ba ang iyong mga daliri sa kamay? Tingnang mabuti ang mga guhit sa iyong hinlalaki. Bumuo ng isang pangkat na may limang kasapi. idiin ang mga ito sa isang malinis na papel tulad ng nasa larawan.

Nararapat lamang na ipagmalaki mo ang iyong mga angking katangian. tangos ng ilong. Ano ang nalaman mo? Magkapareho ba ang thumb print ninyo ng iyong mga kamagaral? Bukod sa thumb print. may iba ka pang mga pisikal na katangian na naiiba sa iyong mga kamag-aral.Tingnang mabuti ang mga guhit sa iyong hinlalaki. sukat o laki ng katawan. hugis at kulay ng mata. . May naiisip ka pa ba? Tandaan: Mayroon kang mga pisikal na katangian na naiiba sa iyong mga kamagaral tulad ng thumb print. at ang kulay at anyo ng buhok. Bawat isa sa iyong kamag-aral ay natatangi 13 rin. hugis ng mukha. Dapat mong igalang at pahalagahan ang kanilang angking katangian.

Gawain 3 Masdan ang nasa larawan. Kailan mo nararamdaman ang mga damdaming ito? 14 . Masaya Malungkot Gulat Galit Ipinakikita sa larawan ang iba’t ibang damdamin ng tao tulad ng masaya. gulat at galit. malungkot.

bakit? 15 . Ulitin ang gawaing ito sa susunod pang pangyayaring babasahin ng guro. Gayahin ninyo ang nasa larawan. Bawat pangkat ay bubuo ng isang bilog. Pagkabilang ng sampu. ipakita sa iyong katapat na kamag-aral ang iyong damdamin sa binanggit na pangyayari ng inyong guro. Bumuo kayo ng dalawang pangkat na may magkasing-dami ng kasapi. Ano ang naramdaman mo habang ikaw ay naglalaro? Magkatulad ba ang damdamin mo at ng iyong katapat na kamag-aral sa iba’t ibang pangyayaring nabanggit? Oo o hindi. Pagkatapos niyang mabasa ang isang pangyayari. bibilang siya ng isa hanggang sampu habang ang dalawang pangkat ay umiikot ng magkasalungat.Maglaro tayo. Babasahin ng inyong guro ang iba’t ibang pangyayari.

16 . Iguhit din ang mga bagay kung bakit ka masaya. Katulad mo. Kulayan ang bawat mukha ng kulay na iyong naiuugnay sa iba’t ibang damdamin. malungkot. malungkot.Gawain 4 May mga mukha sa loob ng kahon na nagpapakita ng iba’t ibang damdamin. nagugulat at nagagalit. Mayroon ka ring sariling dahilan kung bakit ka masaya. . Ang aking damdamin Masaya Malungkot Gulat Tandaan Galit Mayroon kang sariling damdamin. nagugulat. Tingnan ang mga mukha sa loob ng bawat kahon. at nagagalit sa paligid ng mukha na nasa loob ng kahon. ang ibang bata ay may sariling damdamin na kailangan mong igalang at kilalanin.

Upang makagawa ng timeline. Bakit ito ang naisip mong pagkakasunod-sunod ng larawan? Ang tawag sa iyong nabuo ay timeline. isipin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.3: Ang Aking Pangangailangan Pag-isipan Ano ang iyong mga pangangailangan sa araw-araw? Gawain 1 Tingnan ang mga pangyayari sa larawan.Aralin 1. 1 para sa pinakaunang pangyayari at 4 naman para sa pinakahuli. 17 . Pagsunod-sunurin ang mga larawan ayon sa pangyayari. Ipinapakita sa atin ng isang timeline kung kailan naganap ang mga pangyayari at ano-ano ang mga bagay na nagbago. Isulat sa loob ng bituin ang bilang 14.

Iguhit ang iba’t ibang bagay na kailangan mo sa mga gawaing nakasulat Mga Pang-arawaraw na Gawain Mga Bagay na Kailangan Paggising sa umaga Paliligo Pagbibihis Pagpunta paaralan 18 .Gawain 2 Narito ang isang timeline ng iyong ginagawa sa araw-araw.

Mga Pang-araw-araw na Gawain Mga Bagay na Kailangan Pagpunta sa paaralan Agew-agew a Gagawaen Pag-uwi mula sa paaralan Pagkain ng hapunan Paghahanda bago matulog sa gabi Tingnan muli ang timeline at ang mga bagay na iyong iginuhit. Ibahagi sa buong klase ang napag-usapan ninyo ng iyong kamag-aral. 19 . Sa iyong mga iginuhit. Pagkumparahin ang inyong sagot. alin sa mga bagay na ito ang iyong kailangan upang mabuhay? Alin naman sa mga iginuhit mo ang maaari kang mabuhay kahit hindi mo ito makuha o magamit? Pumili ng isang kamag-aral at ibahagi sa kaniya ang iyong sagot.

damit.Gawain 3 Tingnan ang larawan na nagpapakita ng mga bagay na ginagamit sa araw-araw. 20 . Iba-iba ang pangangailangan ng bawat bata ayon sa lugar na kinabibilangan at sitwasyong nararanasan. Tandaan May iba’t ibang pangunahing pangangailangan ang bawat bata tulad ng pagkain. Bilugan ang mga bagay na iyong kailangan upang lagi kang malakas at malusog. tirahan. at mga gamit sa paaralan.

Gamit ang ginupit na larawan.4: Ang Aking mga Paboritong Bagay Pag-isipan Ano ang paborito mong pagkain. damit. damit. Humingi ng isang malinis na papel sa iyong guro. laruan. Huwag kalimutang ilagay ang iyong pangalan at ang pamagat na “Ito ang Gusto Ko. gumupit ng larawan ng mga pagkain.Aralin 1. idikit ang mga ito sa malinis na papel.” 21 . at gawain na gustong-gusto mo at nagpapakilala sa iyo. lugar na pinupuntahan. at gawain sa araw-araw? Gawain 1 Mula sa mga lumang diyaryo o magazine. Dalhin ito sa klase. laruan. lugar.

Ang collage ay pinagsama-samang larawan na nagpapakita ng isang malaking ideya.Alam mo ba kung ano ang tawag dito? Collage (ko-láds) ang tawag sa gawaing ito. 22 . Ibahagi ang iyong ginawang collage sa klase.

23 .Gawain 2 Gupitin ang mga larawan ng pagkain. Idikit ang mga ito sa plato. Iguhit sa plato ang iyong mga paboritong pagkain.

Ang Aking mga Paboritong Pagkain Kulayan ang iyong ginawa. Ibahagi ito sa klase at sabihin kung bakit ito ang iginuhit mong mga paboritong pagkain? 24 .

damit.Gawain 3 Magdala ng mga paborito mong bagay tulad ng aklat. at laruan. Ipakita at ibahagi sa klase ang iyong dalang mga paboritong bagay. 25 .

Matapos ang larong charades. 26 . Tandaan Ang bawat bata ay may kaniyakaniyang paboritong bagay. sumama sa iyong mga kamag-aral na may paboritong gawain katulad nang sa iyo. Ang gagawing pagpapahula ng bawat isa ay oorasan ng iyong guro. gawain at pagkain. Maghanda ng isang malikhaing presentasyon na magpapakita ng inyong paboritong gawain. Ang mga ito ang nagpapakilala sa iyo bilang natatanging bata.Gawain 4 Pahulaan sa iyong mga kamag-aral ang paborito mong gawain o bagay sa pamamagitan ng larong charades. Alam mo ba ang larong ito? Ang charades ay pagpapahula ng isang gawain o bagay sa pamamagitan lamang ng kilos nang hindi nagsasalita.

Gawain 5 Sina Ana at Mara ay matalik na magkaibigan. at nagtataguan. Madalas silang makikitang masayang naghahabulan. Anton at Paco ay matalik na magkakaibigan. 27 . Palagi rin nilang ipinahihiram ang kanilang mga laruan sa isa’t isa. Lagi silang magkasama. naglalaro ng sipa. Pareho nilang gusto ang paglalaro ng piko at bahay-bahayan. Sina Jun. Palagi rin silang nagtutulungan.

Ikaw sino ang iyong mga matalik na kaibigan? Bakit mo sila naging kaibigan? Ano ang mga katangian nila na nagustuhan mo? Magsulat ng isang katangian nila sa nakalaang hugis sa ibaba. Pagkatapos. guputin ito at idikit sa nakapaskil na larawan sa silid-aralan na inihanda ng inyong guro. Matapos ang gawain. awitin ang kantang “Ako’y Natatangi”sa saliw ng awiting “Are You Sleeping?” Ako’y natatangi Ako’y natatangi Ikaw rin Ikaw rin Maglaro na tayo Gumawa na tayo Araw-araw Araw-araw 28 .

Isa itong paraan nang pagbabahagi at pagsasaayos ng mga ideya sa isang malikhaing paraan.Gawain 6 Tingnan at suriin ang larawan ni Jose. Makikita sa larawan na may nakasulat sa sombrero ni Jose. Mapapansin na ang mga nakasulat ay paraan naglalarawan kay Jose. Ang tawag dito ay graphic organizer. 29 .

Upang lubos na maipakilala ang iyong sarili. Isulat mo rin dito ang iyong pangalan at edad. Ipakita ito sa pamamagitan ng graphic organizer na kamay. Ang Aking mga Paboritong Bagay at Matalik na Kaibigan 30 . isiping muli ang mga paborito mong bagay. Iguhit ang mga ito sa larawan ng isang kamay tulad ng iyong paboritong gawain. pagkain. at matalik na kaibigan.

bumuo ng pangkat na may sampung kasapi. Pagkatapos gawin ang graphic organizer. May mga katangian ka na naiiba sa iyong mga kamag-aral. Alamin kung mayroon sa iyong mga kasama sa pangkat ang may katulad ng nilalaman ng iyong graphic organizer.Pag-aralan ang graphic organizer. Nararapat lamang na ipagmalaki mo ang iyong mga angking katangian 31 . Bakit walang katulad ng iyong mga isinagot? Tandaan Ikaw ay natatangi. Ang mga katangiang ito ang nagpapakilala sa iyo.

Aralin 2: Pagbabahagi ng Sariling Kuwento ng Buhay Panimula 32 .

Aralin 2.1: Ang Aking Paglaki Pag-isipan Anong mga bagay ang nagbabago? Gawain 1 Tingnan mo ang timeline na nagpapakita ng paglaki at pagbabago ng isang agila. Ang Paglaki at Pagbabago ng Isang Agila Ano ang napansin mo sa agila? Ano ang napansin mong pagbabago? May alam ka pa bang ibang hayop o insekto na ganito rin ang pagbabago? Paano mo maihahalintulad sa tao ang mga pagbabagong pinagdadaanan ng mga insekto o hayop na natalakay sa klase? Ano-ano ang pagkakatulad ng pagbabagong nangyayari sa tao at hayop o insekto natalakay sa klase? Ano-ano naman ang pagkakaiba? 33 .

Ang mga Pagbabago sa Buhay ni Buboy Ang mga Pagbabago sa Buhay ni Mimi Ano ang napansin mong pagbabago sa mga larawan sa dalawang timeline? 34 .Gawain 2 Masdan at ilarawan ang dalawang timeline na nagpapakita ng pagbabago sa buhay ni Buboy at Mimi.

35 . Ilagay sa kahon na may bilang 1 ang dapat na maunang larawan at ilagay naman sa kahon na may bilang 5 ang dapat na mahuli. Gupitin at idikit sa tamang kahon ang bawat larawan ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pagbabagong nagaganap sa isang tao.Ano ang napansin mong pagbabago sa anyo nina Mimi at Buboy? Bakit kaya nagbago ang kanilang anyo? Nakararanas ba lahat ng tao ng ganitong mga pagbabago? Pag-aralan ang sumusunod na larawan.

Ang mga Pagbabagong Nagaganap sa Buhay ng Isang Tao 36 .

Gawain 2 Makinig nang mabuti sa ibabahagi ng inyong guro tungkol sa mga pagbabagong naganap at naranasan niya sa kaniyang buhay. Kasabay ng mga pagbabago sa kanilang katawan ang pagdami ng mga kaya nilang gawin. Ano ang mga pagbabagong naganap sa buhay ng iyong guro TANDAAN Ang bawat tao ay nakararanas ng pagbabago sa kanyang pisikal na anyo. Tingnan ang timeline ng buhay ng iyong guro. 37 .

anak! Napakarami ng nagbago sa iyo simula nang maipangan ak ka hanggang ngayon. Ano-ano po ang nagbago sa akin? Naku. Mula sa impormasyong nalaman mo tungkol sa mga pagbabago sa iyong sarili.2: Ang Pagbabago sa Aking Sarili Pag-isipan Anong mga pagbabago ang napansin mo sa iyong sarili simula nang ikaw ay ipinanganak hanggang sa iyong kasalukuyang edad? Gawain 1 Ipakuwento sa iyong mga magulang o tagapagalaga kung ano ang mga pagbabago sa iyong sarili ang kanilang napansin mula nang ikaw ay ipinanganak hanggang sa iyong kasalukuyang edad.Aralin 2. gumawa ng isang 38 .

timeline ng mahahalagang pangyayari sa iyong buhay mula noong ikaw ay isang taong gulang pa lamang hanggang sa kasalukuyan mong edad. Iguhit ito sa film strip na makikita sa susunod na pahina. Ang Mahahalagang Pangyayari sa Aking Buhay Isalaysay sa klase ang mga pagbabagong naganap sa iyong sarili ayon sa binuong timeline. 39 .

Iugnay din ito sa timeline na iyong ginawa sa Gawain 1.Gawain 2 Ipakita sa iyong mga kaklase ang dinala mong personal na gamit o iparinig ang kuwentong ibinahagi sa iyo ng iyong magulang o tagapagalaga tungkol sa sarili mong buhay. 40 .

Gawain 3 Ano ang mga bagay na nagbago sa iyong sarili mula noong ikaw ay sanggol hanggang sa kasalukuyan? Mayroon bang mga bagay tungkol sa iyo na nananatili at hindi nagbago kahit lumipas ang mga taon? Sa tulong ng iyong guro o magulang, isulat ang iyong sagot sa nakalaang kahon. Ang mga Bagay na Nanatili at Nagbago sa Aking Buhay
Mga bagay na nanatili Mga bagay na nagbabago

Tandaan Ang bawat bata ay dumaraan at nakararanas ng pagbabago sa katangiang pisikal at kanyang gawain. Sa kabila ng pagbabagong ito, mayroon pa ring mga bagay na nananatili tulad ng pangalan at petsa ng kapanganakan.
41

Aralin 3: Pagpapahalaga sa Sarili
Panimula

42

Aralin 3.1: Ang Aking Pagpapahalaga sa Sariling Katawan
Pag-isipan Paano mo pinahahalagahan ang iyong katawan? Gawain 1 Tingnan ang mga larawan na nasa loob ng kahon. Lagyan ng tsek () ang larawang nagpapakita ng wastong pangangalaga sa katawan at lagyan naman ng (X) ekis ang nagpapakita ng hindi wastong gawi.

43

May iba’t ibang gawain na maaari mong gawin upang mapanatiling malusog ang iyong katawan. 44 .TANDAAN Mahalagang pangalagaan ang iyong katawan.

Aralin 3.2: Ang Pagpapaunlad sa Aking Kakayahan Pag-isipan Ano ang kaya mong gawin? Paano mo pinauunlad ang iyong kakayahan? Gawain 1 Kilala mo ba ang batang nasa larawan? Makinig sa kuwento ng kanyang buhay. Bakit nabulag si Roselle? Ano ang iyong naramdaman pagkatapos mong malaman ang kuwento ng buhay ni Roselle? Ano ang mga nakamit niyang tagumpay? Paano siya nagtagumpay bilang mag-aaral? Ano-anong katangian ni Roselle ang maaari mong tularan? 45 .

TANDAAN Mahalagang paunlarin ang iyong mga kakayahan. May iba’t ibang gawain na maaari mong gawin upang mapaunlad ang iyong mga kakayahan 46 . Upang maging mas magaling.Gawain 2 Sagutin ang mga patlang sa tulong ng iyong guro o magulang. Kaya kong _________________________________. Ako si ___________________________________. ako ay__________________________________ __.

Ang pangarap ay mga bagay na nais mong magawa. Haja Amina Appi Lea Salonga Soccoro Ramos Josette Biyo Kenneth Cobonpue Manny Pacquiao Tony Tan Caktiong Jose Rizal Minsan din silang naging isang batang katulad mo.Aralin 3. Sa kanilang pagsisikap. Ano ang iyong mga pangarap? 47 .3: Ang Aking mga Pangarap Pag-isipan Ano-ano ang mga nais mong magawa. makamit o matupad sa iyong buhay? Gawain 1 Pagmasdan ang mga taong nasa larawan sa ibaba. makamit o matupad sa iyong buhay. natupad nila ang kanilang mga pangarap.

Gawain 2 Ipikit ang iyong mata. Isipin mo na ikaw ay dalawampung (20)taon na. 48 . Ano ang iyong nakikita na ginagawa mo? Iguhit sa loob ng bubble ang iyong sarili dalawampung (20) taon mula ngayon.

Sa paligid nito. Isabit ito sa bintana o kisame ng inyong silid-aralan. iguhit ang bagay o mga bagay na nagpapakita ng iyong pangarap. Itali sa malaking butas ang maliit na bituin. 49 . Sa dalawang maliliit na bituin. . sa tulong ng iyong guro. iguhit ang mga dapat mong gawin upang matupad ang iyong mga pangarap. LINA na ateng ko. Isulat sa gitna ng malaking bituin ang iyong pangalan. Tingnan ang halimbawa sa ibaba. Butasan ang mga bituin katulad ng nasa larawan at lagyan ito ng tali.Gawain 3 Tingnan ang larawan ng isang malaki at dalawang maliliit na bituin.

Ang Aking Pangarap Mahalaga ba ang iyong pangarap? Bakit mahalagang magkaroon ng pangarap ang isang tao? Tandaan Bawat bata ay may sariling pangarap. May mga kailangan kang gawin upang makamit ang iyong pangarap. 50 .

Nasunod ko ang mga panuto. Nakinig ako sa kuwento ng aking guro. 6. Napahalagan ko ang aking sarili. 5. Nakining ako sa kuwento ng aking kamag-aral. 2. 9. Mag-aarall Guro 1. 4. Nagbahagi ako ng aking kuwento sa mga kamag-aral. 7. Nakapaghambing ako ng iba’t ibang mga bagay. Natukoy ko ang mga bagay na gusto ko. Lagyan ng tsek ang angkop na kahon ng iyong sagot. 3. 51 . Nagamit ko ang aking mga kasanayan sa sining. Makinig sa babasahin ng guro.Ang Aking mga Nagawa Panuto. Naipaliwanag ko ang mga bagay na may kinalaman sa aking sarili. 8.

Naipagmalaki ko ang mga taglay na katangian. Naisaayos ko ang mga larawan ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga ito. 5. Nakabuo ako ng timeline. 6. 8. 2. 52 . Natukoy ko ang mga bagay na gusto ko. Naikumpara ko ang aking pisikal na katangian at mga karanasan sa aking mga kamag-aral. 7. Nakagawa ako ng graphic organizer. Nasabi ko ang mga impormasyon tungkol sa aking sarili . 4. Nakagawa ako ng collage.Nagawa ko ang mga bagay na ito: Mag-aaral Guro 1. 3.

. Nasasabi ko na may mga bagay na nanatili at nagbago sa aking sarili.Naipapahayag ko ang mga ito tungkol sa Mag-aaral aking sarili: Guro 1. 4. 2. Komento ng iyong guro: ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ____________________. Nasasabi ko na ako ay natatangi. 53 . Iginagalang ko ang mga pisikal na katangian at karanasan ng aking mga kamag-aral. Naipagmamalaki at napahahalagahan ko ang aking sarili. 3.

Yunit 2: ANG AKING PAMILYA Panimula 54 .

naipagmamalaki ang pamilya 8. at 9. nasasabi na ang bawat pamilya ay may katangi-tanging katangian 6. napahahalagahan ang mabuting pakikipagugnayan sa ibang pamilya. nakasusunod sa mga alituntunin ng pamilya 7. inaasahang magagawa mo ang sumusunod: 1. nasasabi ang papel na ginagampanan ng bawat miyembro ng pamilya 4.Mga Layunin: Matapos ang pag-aaral ng Yunit 2. nabibigyan ng kahulugan ang salitang pamilya 2. nakikilala ang mga kasapi ng pamilya 3. napahahalagahan ang ugnayan ng sariling pamilya sa ibang pamilya 55 . nasasabi ang konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy batay sa kwento ng pamilya 5.

Aralin 1: Pagkilala sa mga Kasapi ng Pamilya Panimula Lakim Bain Nanay Tatay Atsi Ate Kuya Bunso 56 .

1: Ang Aking Pamilya Pag-isipan Sino ang mga kasapi ng iyong pamilya? Gawain 1 Iguhit ang mga kasapi ng iyong pamilya sa loob ng bahay na makikita sa ibaba.Aralin 1. 57 .

Ako si ______________________________________. (Ano ang pangalan ng iyong ina?) Si/ Sina _______________________________________ (Kung mayroon kang kapatid o mga kapatid. Si _____________________ ang aking ama. ano o ano-ano ang kanilang mga pangalan?) ang aking kapatid/ mga kapatid. 58 . (Ano ang pangalan ng iyong ama?) Si _____________________ang aking ama.Gawain 2 Sagutan ang mga patlang sa tulong ng iyong guro o tagapag-alaga. (Ano ang iyong pangalan?) ___________________ang kasapi ng aking (Ilan ang kasapi ng iyong pamilya?) pamilya.

Gusto niyang mag ________________________________. Ang ina ko ay si___________________________________.Gawain 3 Tanungin ang mga kasapi ng iyong pamilya upang masagutan ang mga patlang. Siya ay ______________________________taong gulang. 59 . Gusto niyang mag_______________________________. Siya ay _____________________________ taong gulang. Gusto niyang mag_________________________________. Ang ama ko ay si _________________________________. Si ___________________________________ay kapatid ko. Siya ay _____________________________ taong gulang.

Gawain 4 Tingnan ang larawan sa ibaba. Ito ay isang halimbawa ng bar graph. Ang bar graph ay isang uri ng graph na gumagamit ng mga bar upang ipakita ang bilang o dami ng isang bagay Bilang ng Oras na Inilagi ng Pamilya ni Bing sa Lugar na Kanilang Pinasyalan Oras Simbahan Parke Pamilihan Bahay ng lola Mga Lugar na Pinapasyalan 60 . Nagpapakita ito ng mga lugar na pinasyalan ng pamilya ni Bing. Ipinakikita nito ang bilang ng oras o tagal na inilagi ng pamilya ni Bing sa bawat lugar na kanilang pinasyalan.

Ituro ang iyong daliri sa bar para sa simbahan. Ang bawat bar sa graph ang nagsasabi kung ilang oras ang inilagi ng pamilya sa bawat lugar.” Sa pinakaibabang bahagi ng graph. Ang pamagat ng bar graph na makikita sa itaas ay “Bilang ng Oras na Inilagi ng Pamilya ni Bing sa mga Lugar na Kanilang Pinasyalan. Sa gilid naman nito makikita ang bilang ng oras o tagal na inilagi nila sa iba’t ibang lugar. Ilang oras ang inilagi ng pamilya ni Bing sa parke? Saang lugar sila pinakamatagal na nanatili? 61 . Nangangahulugan ito na dalawang oras ang inilagi ng pamilya ni Bing sa simbahan. makikita ang mga lugar na pinasyalan ng pamilya ni Bing. mahalagang tingnan muna ang pamagat nito upang malaman kung ano ang ipinakikita ng graph. Umabot lamang ito sa bilang dalawa (2).Sa paggamit ng bar graph.

Ito ang gagamitin ninyong bar sa gagawing bargraph upang maipakita ang bilang ng kasapi ng inyong pamilya. Ang mga Kasapi ng Pamilya 10 9 Bilang ng Kasapi ng Pamilya 8 7 6 5 4 3 2 1 Ben Ned Rina Lito Nena Aris Miko Susan Mong Bea Ron Mila Pat Lina Malaya Maki Mark Rosa Nato Maki Dan Abbi Edna Bert ert Tina aki Paolo Pangalan ng Mag-aaral 62 . Humingi ng papel na hugis parisukat sa inyong guro.Gawain 5 Kasama ang iyong mga kaklase. subukan ninyong gumawa ng graph na nagpapakita ng bilang ng mga kasapi ng inyong pamilya.

May pamilya ring kaunti ang kasapi. May iba’t ibang kasaping bumubuo sa iyong pamilya. TANDAAN Ikaw ay bahagi ng isang pamilya.Isulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at idikit ito sa graph na ilalagay ng inyong guro sa isang bahagi ng inyong silid-aralan. 63 . May pamilyang marami ang kasapi.

Isulat ang tawag mo sa iyong ama at ina o tagapag-alaga sa patlang na makikita mo itaas ng larawan. 64 .2: Ang Bahaging Ginagampanan ng mga Kasapi ng Aking Pamilya Pag-isipan Ano-ano ang ginagawa ng mga kasapi ng iyong pamilya sa loob ng inyong bahay? Gawain 1 Tingnan mo ang larawan ng dalawang kamay.Aralin 1.

tama kaya ito? Oo o hindi. Mayroon ba kayong ganitong pamilya? Kahit sa paggawa’y pagod ang katawan. ilan ang kasapi ng pamilya?  Sino-sino ang mga ito?  Ano ang naramdaman ng pamilya?  Panon mo ito nasabi?  Ano-ano ang ginagawa nila sa isa’t isa? . Tulong ni ama ay laging nakaabang Suliranin ni ate ay nalulunasan. Sa tulong ni inang laging nakalaan . Maligaya kami nina ate at kuya. bakit? 65 Sa ating tula.Gawain 2 Basahin ang tula na pinamagatang “Ang Aming Mag-anak” na nakuha mula sa http://www.takdang aralin. Mahal kaming lahat ni ama’t ina.com/Filipino/mgatulang-pambata/mga-tula-tungkol-sa-pamilya/. Ang Aming Mag-anak Ang aming maganak ay laging masaya. Sa iyong palagay.

Gawain 3 Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. isalaysay ninyo ang araw-araw na gawain ng bawat kasapi ng pamilya. Humingi ng stick sa guro. Ang inyong binuo ay isang halimbawa ng puppet. Ipakita rin kung paano nagtutulungan ang bawat kasapi. Iguhit ang iba’t ibang kasapi ng pamilya. Idikit ang mga iginuhit sa stick. Gamit ang ginawang puppet. 66 .

Sama-sama. Bawat isa sa kanila ay may bahaging ginagampanan sa inyong pamilya 67 .Gawain 4 Sabay-sabay kantahin ang awit na “Masaya kung Sama-sama. Kay inam ng buhay Kung nagmamahalan Masaya kung sama-sama Ang buong pamilya Tandaan Ang bawat kasapi ng iyong pamilya ay mahalaga.” Masaya kung sama-sama. At nagtutulungan. sama-sama Masaya kung sama-sama.

Aralin 1. Alamin kung ano ang ginagawa ni Ben sa bawat larawan. 68 .3: Ang Aking mga Tungkulin sa Pamilya Pag-isipan Ano ang mga tungkulin mo sa iyong pamilya? Gawain 1 Tingnan ang mga larawan na nagpapakita ng isang araw na gawain sa pamilya ni Ben.

Ano ang ginagawa ni Ben at ng kaniyang mga kapatid? Sa iyong palagay. katahimikan at masayang pagsasama ng inyong pamilya. Ang tungkulin ay mga bagay na dapat mong tuparin upang mapanatili ang kaayusan. tama ba ang ginagawa nila? Bakit? Ano kaya ang nararamdaman ng mga magulang ni Ben sa ginagawa nilang magkakaptid? Alin sa mga gawaing ito ang iyong ginagawa sa inyong tahanan? Ang nasa larawan ay nagpapakita ng mga tungkulin ng bata sa kanilang tahahan. Ano pa ang mga tungkulin mo sa inyong tahanan? 69 .

Gawain  o    70 . Iguhit ang masayang mukha sa larawang nagpapakita na natupad ang tungkulin at malungkot na mukha naman kung nagpapakita ng hindi natupad na tungkulin. Alamin kung alin sa mga ito ang nagpapakita ng natupad ang tungkulin.Gawain 2 Tingnan ang mga larawang nasa tsart.

Gawain 3 Tingnan ang tsart ng mga tungkulin sa iyong pamilya. Lagyan ng tsek ang iyong nagawang tungkulin sa bawat araw. Mga Tungkulin sa Pamilya Lunes Martes Miyerkules Huwe -bes Biyer nes 71 .

Biyerbes nes Tandaan Mayroon kang iba’t ibang tungkulin sa iyong pamilya. 72 . Mahalagang tuparin ang iyong mga tungkulin upang mapanatili ang kaayusan. katahimikan at masayang pagsasama ng inyong pamilya.Mga Tungkulin sa Pamilya Lunes Martes Miyerkules Huwe.

Aralin 2: Pagbabahagi ng Kuwento ng Sariling Pamilya Panimula 73 .

Aralin 2. Iguhit ang mga ito sa kahon ayon sa pagkakasunod-sunod.1: Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ng Aking Pamilya Pag-isipan Ano ang mga pangyayari sa inyong pamilya na nagpasaya sa iyo? Gawain 1 Mag-isip ng tatlong nangyari sa iyo kahapon. Ang Tatlong Bagay na Nangyari sa Akin Kahapon 74 .

Gawain 2 Makinig sa kuwento ng iyong guro tungkol sa mahahalagang pangyayari sa buhay ng kanyang pamilya. Mahahalagan g Pangyayari sa Buhay ng Pamilya ng Guro 75 .

Ano ang nakikita sa larawan? Sino-sino ang nakikita sa larawan? Anong pangyayari ang nakikita sa larawan? Ano ang nararamdaman ng mga tao sa larawan? Bakit? Mahalaga kaya ang pangyayaring ito para sa pamilyang nakikita sa larawan? Bakit mo ito nasabi? Ano pa kayang pangyayari sa buhay ng pamilya ang maituturing na mahalaga? 76 .Gawain 3 Tignang mabuti ang larawang nasa ibaba.

Gawain 4 Pumili ng limang mahahalagang pangyayari sa buhay ng iyong pamilya. 77 . Iguhit ang bawat pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod sa loob ng larawan ng bahay.

Gawain 5 Ibahagi sa klase ang mahahalagang pangyayari sa buhay ng iyong pamilya batay sa ginawang timeline. Ano ang naramdaman mo habang ibinabahagi ang kuwento ng buhay ng iyong pamilya? Tandaan May mahahalagang pangyayari sa buhay ng iyong pamilya. Bahagi ito ng iyong buhay. Makatutulong ang mga ito sa pagpapabuti ng iyong sarili. 78 .

Larawan 1: Noong isilang si Laya A B 79 .Aralin 2.2: Mga Bagay na Nagbago at Nanatili sa Aking Pamilya Pag-isipan Ano ang mga bagay o pangyayaring nagbabago o nagpapatuloy sa iyong pamilya? Gawain 1 Ito ang pamilya ni Laya noong isilang siya at noong anim na taon na siya. Alin ang nagbago sa dalawang larawan? Kulayan ito ng berde.

Larawan 2: Noong anim na taong gulang na si Laya C D Marami ka bang nakulayan sa Larawan 1 at Larawan 2? 80 .

Gawain 2 Ibahagi sa iyong mga kamag-aral ang mga napansin mong nagbago at nanatili sa Larawan 1 at Larawan 2 ng pamilya ni Laya. Pareho lang ba ang bilang ng kasapi ng pamilya ni Laya sa titik A at titik B ng Larawan 1? Ikumpara ang itsura ni Laya at ng mga kasapi ng pamilya na nasa titik A at titik B ng Larawan 1. Ano ang napansin mong pagbabago sa kanila? Ano ang masasabi mo sa kanilang bahay at sa kapaligiran nito kung ikukumpara mo ang titik C at titik D ng Larawan 2? 81 .

Gumawa ng timeline na nagpapakita ng mga pangyayaring ito. Mga Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ng Aking Pamilya Simula Nang Isilang ako 82 . Iguhit ito sa loob ng kahon ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan.Gawain 3 Mag-isip ka ng tatlong mahahalagang pangyayari sa iyong pamilya matapos kang isilang at kanilang makasama.

Tukuyin kung ano ang mga bagay na nagbago at nanatili sa buhay ng iyong pamilya. Iguhit ang mga nagbago at nanatili sa buhay ng iyong pamilya sa kahon. bakit may mga bagay o mga pangyayari na nagbabago at nananatili? May naiisip ka pa bang mga bagay o pangyayari sa buhay ng inyong pamilya na nagbago at mga bagay na nagpatuloy o hindi nagbago? Tandaan Ano ang nagbago? Ano ang hindi nagbago? May mga bagay o pangyayari na nagbabago at nananatili sa buhay ng isang pamilya. Ang Buhay ng Aking Pamilya Kasapi Tirahan Ginagawa sa loob ng bahay Sa iyong palagay.Gawain 4 Tingnan ang ginawang timeline. 83 . Ang pagpapasya ng mga kasapi ng isang pamilya ang nagdudulot ng mga pagbabago o pananatili ng isang bagay o pangyayari.

Aralin 2. Kulayan ito.3: Paghahambing ng Kuwento ng Aking Pamilya at ng Pamilya ng Aking mga Kamag-aral Pag-isipan Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng iyong pamilya at pamilya ng iyong kamag-aral? Gawain 1 Iguhit ang iyong pamilya sa loob ng kahon. Sa tulong ng iyong guro o kasama sa bahay. 84 . punan ng salita o mga salita ang mga patlang upang makabuo ng kuwento ng iyong pamilya.

(lugar ng tirahan) Ang tatay ko ay isang _________________________. (pinakagustong katangian ng pamilya) 85 . (paboritong gawain ng pamilya) Ang aming pamilya ay ________________________. Nakatira ang aming pamilya sa ______________________________________________.Ang Aking Pamilya Ako ay nabibilang sa pamilya _________________. (gawain o hanapbuhay) Ang mga paborito naming ginagawa nang sama-sama ay ________________________________. (apelyido) Binubuo ang aking pamilya ng _____________ (bilang ng kasapi) kasapi. (gawain o hanapbuhay) Ang nanay ko ay isang ________________________.

Gawain 2 Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Ibahagi ang kuwento ng iyong pamilya. Sa tulong ng inyong guro. Pangalan ng mga kasapi ng pangkat Apelyid o Bilang ng Kasapi ng Pamilya Tirahan Gawain o hanapbuhay ng tatay Gawain o hanapbuhay ng nanay Paboritong gawain ng pamilya May napansin ka bang pagkakatulad at pagkakaiba ng iyong pamilya at pamilya ng iyong mga kamag-aral? May nais ka pa bang ibahaging impormasyon tungkol sa iyong pamilya? 86 . isulat ang inyong ibinahagi sa tsart na makikita sa ibaba.

Gamit ang makukulay na papel o diyaryo o magazine o tuyong dahon. paste at makukulay na papel o lumang diyaryo o magazine o tuyong dahon. gumawa ng isang puno at idikit ito sa isang malinis na papel Iguhit sa loob ng kahon ang mukha ng bawat kasapi ng iyong pamilya. Guputin ang mga kahon at idikit ito sa ginawang puno.Gawain 3 Magdala ng mga pangkulay. 87 . gunting.

88 .Family tree ang tawag sa iyong ginawa. Ipinakikita ng family tree ang mga kasapi ng pamilya at ugnayan ng bawat isa.

Ano ang masasabi mo sa inyong nabuong mga family tree? Bakit kaya magkakaiba ang mga nabuong family tree? TANDAAN May pagkakaiba at pagkakatulad ang katangian ng bawat pamilya. 89 . Ipaskil sa pisara o isang bahagi ng silid-aralan ang natapos ninyong family tree ng iyong mga kamag-aral.Gawain 4 Ibahagi sa klase ang ginawang family tree. Nararapat lamang na igalang ang katangian ng bawat pamilya. Sa pagkakaibang ito makikita ang namumukod na katangian ng isang pamilya. Pagmasdang mabuti ang mga family tree.

Aralin 3: Ang mga Alituntunin ng Aking Pamliya Panimula: 90 .

Aralin 3.1: Ang Alituntuning Ipinatutupad ng Aking Pamilya Pag-isipan Ano ang mga dapat at di dapat gawin sa loob ng inyong bahay? Gawain 1 Pagmasdan ang sumusunod na larawan. Alin sa mga ito ang iyong ginagawa sa bahay? Kulayan ang mga larawan na nagpapakita ng iyong ginagawa sa bahay. May naisip ka pa bang alituntunin na ipinatutupad sa inyong pamilya? Ano ang mga ito? 91 . Bakit mo ginagawa ang nasa larawang iyong kinulayan?Ang mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga magulang o nakatatandang kasapi ng pamilya ay tinatawag na alituntunin.

Iwasang manood ng telebisyon habang kumakain lligpit ang pinagkainan 92 . Lagyan ng tsek kung alin sa mga ito ang ipinatutupad at ginagawa sa inyong bahay. Kumain ng masustansiyang pagkain Iligpit ang pinagtulugan B. Ubusin ang pagkaing inihanda Umuwi sa bahay sa . A. D.Gawain 2 Tingnan ang mga larawang nasa loob ng kahon. itinakdang orasin C. F. E.

Maaari po ba akong sumama? Magsabi ng “po” at “opo” sa nakatatanda Gawin muna ang takdang aralin bago maglaro H. Iligpit ang mga laruan matapos laruin 93 .G. I.

Gawain 3 Tukuyin kung anong uri ng alituntunin kabilang ang mga sinagutan mo sa Gawain 2. Mga Uri ng Alituntunin Pag-aarap Pagpapahinga ng katawan at isipan para sa kalusugan Pagpapanatili ng kaayusan sa tahanan Paggalang sa nakatatanda 94 . Isulat ang titik sa ikalawang hanay ng tsart na makikita mo sa ibaba.

Nararapat lamang igalang ang mga alituntunin ng iyong pamilya at maging ng ibang pamilya. 95 . Tandaan May iba’t ibang alituntuning ipinatutupad sa bawat pamilya.Gawain 4 Pumili ng isa sa iyong mga kamag-aral. Ibahagi sa isa’t isa ang mga alituntuning ipinatutupad sa inyong pamilya. Alamin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga alituntuntuning ito.

Aralin 3.2: Ang Kahalagahan ng Pagtupad sa mga Alituntunin ng Aking Pamilya
Pag-isipan Bakit mahalagang sundin ang mga alituntunin ng iyong pamilya? Gawain 1 Makinig sa kwentong babasahin ng iyong guro na pinamagatang “Ang Ilawan at ang Gamugamo.”

Anong sinabi ng matandang gamugamo sa batang gamugamo? Anong ginawa ng batang gamugamo? Bakit hindi sinunod ng batang gamugamo ang sinabi ng matandang gamugamo?

96

Ano kaya ang naramdaman ng matandang gamugamo sa kaniyang ginawang hindi pagsunod? Anong nangyari sa batang gamugamo? Kung ikaw ang batang gamugamo, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa? Bakit? May mga pagkakataon ba na, tulad ng batang gamugamo, hindi mo rin sinusunod ang payo o utos sa iyo ng iyong nanay o tatay? Ikuwento mo nga ang iyong karanasan. Sa iyong palagay, bakit mahalagang sundin ang mga alituntunin ng inyong pamilya?

97

Gawain 2 Kulayan ang mga larawan na nagpapakita ng pagsunod sa mga alituntunin ng pamilya.

98

99 .Gawain 3 Bumuo ng pangkat na may limang kasapi.” Makinig sa panutong sasabihin ng inyong guro para sa larong ito. Bawat kasapi ng pangkat ay maglalaro ng binagong “Snakes and Ladders.

Ano ang naramdaman mo habang nilalaro ang binagong “Snakes and Ladders? Ano ang nangyayari kapag natapat ang iyong pamato sa larawang nagpapakita ng pagsunod sa alituntunin? Ano naman ang nangyayari kapag natapat ang iyong pamato sa larawang nagpapakita ng hindi pagsunod sa alituntunin? 100 .

Ipinangangako ko na simula sa araw na ito. _________________________________________ _________________________________________ ______________________________________ Isulat ang buong pangalan ______________________________________ Papirmahan sa magulang o tagapag-alaga Tandaan Mahalaga ang mga alituntunin. 3. 101 .Gawain 4 Magpatulong sa guro upang mapunan ang patlang sa liham na naglalaman ng pangako mo sa iyong magulang o tagapag-alaga Mahal na _____________________. Nagkakaroon ng kaayusan at katahimikan sa pamilya kapag sinusunod ng mga kasapi ang mga ito. _________________________________________ 2. ________________________________________________ Isulat ang petsa ngayon susundin ko ang sumusunod na alituntunin sa ating pamilya: 1.

Aralin 4: Pagpapahalaga sa Pamilya Panimula 102 .

Pamilyang may pagkakaisa Pangkat 5. Ipinagmamalaki Ko ang Aking Pamilya Pag-isipan Ano ang maipagmamalaki mo sa iyong pamilya? Gawain 1 Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Isadula ang mga katangian ng isang mabuting pamilya na nakatakda sa inyong grupo.Pamilyang may takot sa Diyos Pangkat 3.Pamilyang mapagkakatiwalaan 103 .Pamilyang matulungin sa kapwa Pangkat 4.Aralin 4. Pangkat 1.1.Pamilyang mapagmahal Pangkat 2.

May iba ka pa bang naiisip na mabubuting katangian ng iyong pamilya? 104 .Gawain 2 Alin sa naisadulang mabubuting katangian ng isang pamilya ang katangian din ng iyong sariling pamilya? Lagyan ng tsek ang mga larawang nagpapakita nito.

gumagawa ng gawaing-bahay.Gawain 3 Anong mga gawain ang nagbibigay ng saya sa iyong pamilya? Iguhit ang dalawa sa mga bagay na ito sa loob ng kahon sa ibaba. nagsisimba. 105 . at iba pa. namamasyal nang sama-sama. Maari ring magdala ng larawan ng masasayang gawain ng inyong pamilya. Pumili ng isa sa mga larawang iyong iginuhit at isalaysay sa klase ang kuwentong ito ng inyong pamilya. Halimbawa.

(pangalan ng mga kasapi ng pamilya) Maraming salamat sa ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ____________________________________________. Sa aking mga mahal na ____________________. ___________________________ (Isulat ang iyong pangalan) Tandaan Ang bawat pamilya ay may taglay na mabubuting katangian. Sa tulong ng iyong guro. (Ano ang mga nagawa o naiparamdam sa iyo ng mga kasapi ng iyong pamilya na dapat mong pasalamatan) Ipinagmamalaki ko ang ating pamilya! Nagmamahal. 106 . Nararapat lamang na ipagmalaki mo ang pamilyang iyong kinabibilangan.Gawain 4 Gumawa ng isang liham ng pasasalamat sa iyong pamilya. punan ang mga patlang sa liham na nasa loob ng kahon.

Bumuo ng titik P.Aralin 4. Ang Mabuting Pakikipagugnayan ng Aking Pamilya sa Ibang Pamilya Pag-isipan Bakit mahalagang panatilihin ang mabuting pagsasamahan ng iyong pamilya sa iba pang pamilya? Gawain 1 Kumuha ng isang malinis na papel. gamit ang larawang iginuhit mo at ng iyong mga kamag-aral. Ang mosaic ay pinagdikitdikit na larawan upang makabuo ng isang hugis o pattern. Iguhit ang larawan ng iyong pamilya.2. 107 . ang unang titik ng salitang pamilya. Alam mo ba ang tawag dito? Ang inyong ginawa ay isang uri ng sining na tinatawag na mosaic. Idikit ito sa isang bahagi ng inyong silid-aralan. Pagsama-samahin ang mga larawang iginuhit ninyo ng iyong mga kamag-aral.

Villanueva at iginuhit ni Sammy Esquillon. ano ang mararamdaman mo sa ginawa sa iyong pamilya ng inyong mga kapitbahay? Bakit? 108 .Gawain 2 Makinig sa kuwentong babasahin ng iyong guro na pinamagatang “Ang Pamilyang Ismid” na isinulat nina Ramoncito Serrano at Rene O. Ilan ang kasapi ng pamilyang Ismid? Ano ang paboritong gawin ng pamilyang Ismid? Ano ang problema sa lugar na tinitirahan ng pamilyang Ismid? Bakit hindi sila nakikipagtulungan sa iba pang pamilya sa kanilang lugar? Ano ang nangyari sa pamilyang Ismid isang gabi habang sila ay natutulog? Sino ang tumulong sa pamilyang Ismid? Kung isa ka sa mga kasapi ng pamilyang Ismid.

Huminto sa paggalaw hanggang sabihin ng inyong guro na maaari na kayong muling kumilos. Bumuo ng pangkat na may walong kasapi.” Alam mo ba ang larong ito? Sa “Paint Me a Picture”. 3. Kapag sinabi ng inyong guro na “1.Gawain 2 Maglaro tayo ng “Paint Me a Picture. Pahulaan sa mga kamag-aral kung ano ang ipinakitang larawan ng inyong pangkat. 2. Magpakita ng ng isang pangyayari na naglalarawan nang naidudulot ng mabuting pakikipag-ugnayan ng isang pamilya sa iba pang pamilya. Paint Me a Picture”. ipakita ang napili ninyong pangyayari. 109 . ang mga kasali sa laro ay bubuo ng larawan ng isang pangyayari gamit ang kanilang katawan.

so napananatiling masaya Tuntunen: Itdan na tsek kahon na dugan ebat. 110 . at tahimik ang inyong lugar. Ang iba’t ibang pamilya rin ang nagtutulungan sa oras ng pangangailangan. Saray Agawak Naaral Ko Sa pamamagitan nito. Ano ang ipinapakita ng larawan? Bakit masaya ang mga taong nasa larawan? Bakit mahalagang nagkakasundo at nagtutulungan ang bawat pamilya? Tandaan Mahalagang panatilihin ang mabuting pakikipag-ugnayan ng iyong pamilya sa ibatan pang pamilya.Gawain 3 Pagmasdan mo ang larawan na nasa ibaba.

7. Napahalagahan ko ang pagkakatulad at pagkakaiba ng bawat pamilya. 2. Natukoy ko ang mga bagay na nagbago at nanatili sa aking pamilya. Nasuri ko ang iba’t ibang mga larawan.Ang Aking mga Nagawa at Natutunan: Panuto. 4. Nagamit ko ang aking kasanayan sa sining. 6. 111 . Nakinig ako sa kwento ng aking kaklase. 8. Naipaliwanag ko ang iba’t ibang bagay tungkol sa aking pamilya. 9. Nasunod ko ang mga panuto. 5. Mag-aaral Guro Nagamit ko ang mga kasanayang ito: 1. 10. Nagbahagi ako ng aking kuwento sa aking mga kamagaral. 3. Nakinig ako sa kwento ng aking guro. Makinig sa babasahin ng guro. Nakapaghambing ako ng iba’t ibang mga pangyayari. Lagyan ng tsek () ang angkop na kahon ng iyong sagot.

10. 8. 11. Nakasulat ako ng liham pasasalamat sa aking magulang. Nakagawa ako ng mosaic.Nagawa ko ang mga bagay na ito: 1. 3. Naikumpara ko ang kuwento ng aking pamilya sa kuwento ng pamilya ng aking mga kamagaral. Nasabi ko ang mga impormasyon tungkol sa aking pamilya. Nakagawa ako ng stick puppet. Nakabuo ako ng timeline. 2. Mag-aaral Guro 112 . 12. 4. 9. 5. Nakagawa ako ng bar graph. Naipagmalaki ko ang aking pamilya. Naisadula ko ang mabuting katangian ng pamilya. Nakaguhit ako ng iba’t ibang larawan. 14. Nakagawa ako ng graphic organizer. 6. 7. Nakagawa ako ng family tree. Nakaawit ako ng isang kanta. 13 Nakabigkas ako ng isang tula.

Nasasabi ko na may mga bagay na nanatili at nagbago sa isang pamilya. Naipagmamalaki ko at napahahalagahan ang aking pamilya. Komento ng iyong guro: ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ _________________________________. Nasasabi ko na may iba’t ibang alituntunin na ipinatutupad sa bawat pamilya. Nasasabi ko na mahalaga ang mabuting ugnayan ng bawat pamilya sa isang pamayanan. Iginagalang ko ang mga katangian at paniniwala ng ibang pamilya. 113 .Naipapahayag ko ang mga ito: Nasasabi ko na binubuo ng iba’t ibang kasapi ang isang pamilya. Nasasabi ko na may iba’t ibang tungkuling ginagampanan ang bawat kasapi ng pamilya.